Liars Catastrophe

Door RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... Meer

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 48: Capturing the Moments

41.1K 859 248
Door RenesmeeStories

Note: Comment naman kayo. (T___T)v Kung kailan matatapos na tsaka pa nawalan ng comments nakakasad.  Parang tuloy ako lang 'yung excited sa mga mangyayari pa. :'< Ayaw n'yo na ba? :'(

Sana magcomment kayo 'nung mga reaksyon n'yo, 'yun lang hinihiling ko. :( Thank you! Sorry pala sa lahat ng errors! Hindi ko inedit. :( Sana maka-300+ comments 'to. Huhuhu. T___T

48: Capturing the Moments
Princess Light's POV

Kinaumagahan...

Pagkagising na pagkagising ko ay nakaramdam agad ako ng bigat sa may baiwang ko at noong marahan kong tingnan iyon ay doon ko nakita ang kamay ni Gabriel na nakapulupot sa aking baiwang. Agad ko iyong tinanggal ng marahan at saka ako tumungo sa banyo para maghilamos at magsipilyo.

Maaga din akong nagising dahil parang pasikat pa lamang ang araw noong makita ko iyon sa bintana kanina bago dumiretso sa banyo. Nang matapos ako sa ginawa ko doon ay pumunta ako sa may terrace nitong lugar at doon ko pinagmasdan ang magandang tanawin.

Sobrang payapa. At masasabi kong wala na akong mahihiling pa kung hindi ang magpatuloy ito.

Nakatitig ako sa langit kung saan paakyat pa lamang ang araw sa kalangitan. Kay ganda nitong pagmasdan, idagdag mo pa may pagkamalamig na hangin na humahaplos ngayon sa aking balat.

Habang dinadama ang kapayapaan ng paligid ay nagulat ako noong may naramdaman akong kamay na yumakap sa akin mula sa likod at ganoon din ang tila mabigat na bagay mula sa aking balikat. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg.

"Morning, dummie." He greeted in a sleepy voice. Napangiti ako nang kusa dahil doon, at saka ko pinagsiksikan ang sarili ko sa kaniyang yakap. Nanatili kaming tahimik at pinagmasdan lamang ang lugar. Hanggang sa magsalita siyang muli.

"Saan tayo pupunta ngayon?" He asked softly while placing little kisses on my shoulder.

"Depende sa kanila." Maiksing sagot ko at saka ko ginalaw ang balikat ko para tigilan na niya iyon. Natawa na lamang siya nang mahina sa ginawa ko at saka bumitaw sa pagkakayakap at umalis sa kinatatayuan namin para pumasok muli sa loob ng silid.

Hindi ko alam pero walang kaprese-presensya akong naramdaman kay Gabriel kanina, kahit napakasensitibo ko sa ganoong bagay. Isa sa mga nakakamanghang katangian niya na hindi ako masanay-sanay.

Bumalika na din ako sa loob at naghanda dahil mag-uumagahan na kami at paniguradong pupunta na ang ibang kasamahan namin dito sa aming kwarto para dito magkita kita.

Tama nga ang hinala ko dahil halos sampung minuto pagkatapos kong mag-ayos ay may kumatok na at sinenyasan ko si Gabriel na napamulat sa pagkakapikit habang nakaupo sa sofa na puntahan iyong kumatok. Sumunod naman agad siya at iniluwa noong pinto si Lian at Tim Tim kasunod si Alyx at Thon Thon.

"Good morning!" Masayang bati sa amin ni Lian.

"Morning, lil sis." Bati ni Gab Gab sa kaniyang kapatid at ako naman ay ngumiti kay Lian.

"Magandang umaga, pero mas maganda pa din ako!" Masiglang imik naman ni Alyx at saka lumapit kay Lian at sa akin upang makipagbeso-beso natawa naman kami dahil umagang umaga at hindi pa nakakain ng umagahan ay nasa tutok na kaagad ang kaniyang enerhiya.

"Morning, pards." Bati ni Tim Tim na halatang inaantok pa at tinanguan din nito si Thon Thon.

Napakunot-noo din ako noong mapansing hindi pa ganoon kataas ang enerhiya ni Thon Thon. Mukhang puyat. Anong mayroon? Pinangunutan ko siya ng noo pero agad siyang nag-inat at bumati sa amin.

"Magandang umaga sa inyo lahat!" Humihikab na sambit pa niya. "Gutom na ako." Dugtong pa niya.

"Tara na kasi sa kainan. Tawagan ninyo na lamang iyong iba na doon na dumiretso." Suwestiyon ni Tim Tim. Sumang-ayon naman kaagad si Gabriel at saka si Lian, kaya naman wala kaming nagawa ni Alyx kung hindi ang sumunod sa kanila papunta doon.

Habang nag-lalakad ay kasabay ko si Alyx at Lian na pinag-gigitnaan ako.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Gusto ko sa Teddy Bear Museum." Nakangiting wika ni Lian.

"Jusangjeolli Cliff!" Halos pasigaw na imik naman ni Alyx na para bang gusto niyang doon muna kami pumunta habang maaga pa. "Tapos sa Jungmun Saekdal Beach." Dagdag pa niya.

"Sige sige. Lahat nang malapit dito puntahan natin. Road trip." Nakangiting pagsasabi ko pa kaya naman halos mapatalon silang dalawa sa saya.

"Hala! Masaya iyang road trip! Mas masaya sana kung sama sama tayo sa isang sasakyan, hindi iyong hiwahiwalay na kagaya kahapon." Nakangusong sambit naman ni Alyx.

"Iyon lamang ba?" Natatawang tanong ko naman. Napakadali namang sabihin kayna Kuya Thunder na gusto namin ng sasakyan kung saan kami makakasakay lahat.

"Oh my gee? Pwede?" Hindi makapaniwalang tugon ni Alyx. I nodded my head eagerly and her smile widened. Pagkatapos ay niyakap pa ako nang pagkahigpit higpit kaya naman halos hindi na ako makahinga, pinigilan lamang siya ni Lian kaya't nagkatawanan kaming tatlo.

Nauuna sa amin iyong tatlong lalaki at parang may pinag-uusapan sila kaya't hindi nalingon sa amin kaya naman hindi nila kami ganoong napapansin. Hinayaan ko na lamang dahil kami din namang tatlo ay may sariling usapan.

"Kamusta pala ang usapang love life?" Kinikilig na biglang sambit ni Alyx.

"Ayieee. Ano? Bakit puyat si Thon Thon?" Biglang tanong ni Lian. Imbis na magpaliwanag agad si Alyx ay inirapan kami nito at saka nagpapadyakpadyak ang mga paa.

"Bakit?" Halos sabay na tanong namin ni Lian.

"Malay ko ba sa lalaking iyan. Kagabi habang tulog ako aba may kausap sa cellphone, tapos noong makita niyang naalimpungatan ako ay biglang lumabas! May itinatago sa akin iyan eh. May kabit yata!" Nag-aalborotong sambit nito at saka sinamaan ng tingin ang likod ni Thon Thon.

"Shh! Marinig ka, ang ingay mo!" Pagsasaway ni Lian sa kaniya. Napalingon kasi sandali iyong mga lalaki noong magmaktol si Alyx. Medyo humakbang din kami paatras para hindi nila masyadong marinig ang usapan namin. Tutal ang layo na nila sa amin.

"Kwento." Sabi ni Lian.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko naman.

"Kasi ganito..." Panimula niya. "Kagabi kasi nag-away kami ng slight."

"Slight? May salitang slight sa inyo ni Thon Thon?" Natatawang panloloko ni Lian. Kaagad siyang nabatukan ni Alyx doon. Natawa din ako kasi wala talagang salitang slight kay Thon Thon at Alyx.

"Ayon nga, nag-away kami kasi naman ayaw niyang ibigay iyong phone niya sa akin. Tapos ang loko-loko, pinag-taasan ako ng boses! As in!" Halos maghimutok si Alyx nang puntong iyon. "As in talagang never siyang nagtaas ng boses sa akin, ngayon lang!" Halos gusto na niyang sugudin si Thon Thon kung hindi lamang namin siya pinigilan.

"Baka naman napasobra na 'yong kakulitan mo?" Sambit ko naman.

"Kaya nga, ang gulo mo pa naman tapos lagi ka din kayang pasigaw." Sang-ayon naman sa akin ni Lian habang tumatango tango.

Napasinghal naman sa amin si Alyx dahil doon. Pero nagsalitang muli. "Hindi. Iba kasi iyong nangyari kagabi. Sanay naman si Thon na maingay ako, tapos may sikreto kasi talaga, kasi mahinahon pa naman nagsasabi sa kaniya at pabiro pa tapos gaganunin niya ako. Ha!" Asar na litanya pa ni Alyx.

"Oh? Sino iyong tumawag? Nakilala mo ba?" Lian asked curiously.

"No." Nakasimangot na sagot ni Alyx. "Kasi 'nong lumabas siya agad kong sinarhan iyong pinto, tapos kinandado ko. Bahala siyang manlamig sa labas!" Agad kaming natawa ni Lian sa kinuwento ni Alyx.

Kaya naman pala mukhang pagod at puyat iyong isa.

"Baliw ka talaga! Kung nagkasakit iyon?" Tanong ni Lian.

"Hindi dalawang oras lang naman." Mas lalo kaming natawa dahil parang balewala sa kaniya iyong dalawang oras. Tibay din talaga ni Thon Thon dahil nagawa niyang pagtiisan ang bruha naming kaibigan.

"Buti bati na kayo?" I told her. She instantly shook her head in protest.

"Nope!" She said emphasizing the 'p' in the word. Napakunot noo kami ni Lian. Magkasama sila kanina lang ah?

"Nauna talaga akong pumunta sa inyo, Incess. Sundo lamang nang sunod sa akin iyang isa, pero hindi ko pa din siya pinapansin. At war kami ngayon. Ha! Akala niya? Tsk!" Naiinis pa ding sambit niya.

Natawa na lamang kami ni Lian at saka pinahinahon ang isang ito. Hindi din nagtagal at nakarating na kami sa kainan kaya naman natigil ang kwentuhan namin. Umupo na kaagad kami sa isang table doon at sina Gab Gab na ang nag-asikaso noong pagkain namin.

Habang wala iyong tatlong lalaki ay sinabi ni Lian na ituloy ni Alyx iyong kwento.

"Wala na iyon lamang. Naiinis pa din ako sa kaniya, ang lakas magpatay malisya! Nako, kapag nahuli ko talaga sila ng kalabuyo niya, talagang makakatikim siya." Nakahalukipkip na sambit ni Alyx at mataray na mataray ang dating. Selosa din talaga ang isang ito.

"Ikaw naman anong mayroon sa inyo ni Tim Tim?" Pagtatanong naman ni Alyx kay Lian, para mawala sa kaniya iyong atensyon namin.

"Normal pa din. Wala namang ganung bago, makulit pa din siya na minsan nakakaasar na pero nakakaya naman. Takot lang niyan na magalit talaga ako nang sobra." Natatawang kwento naman ni Lian sa amin.

"Ito talaga, kay Incess tayo madako..." Binigyan ako ng makahulugan na tingin ni Lian. I arced my eyebrow. Pero tinitigan nila ako ng masinsinan na para bang nag-aantay sa kung anong isasagot ko.

"Wala naman." Katiting na sagot ko.

"Wala daw, kailan ba ako magkakapamangkin?" Halos masamid ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni Lian.

"Ay girl, wapak! Ano nga? Magiging ninang na ba kami?" Alyx excitedly queried.

Pakiramdam ko namula ako sa tanong nila. Napa-iling iling na lamang ako. "Seryoso wala nga. Hindi pa oras para diyan, gusto ko muna na kami lamang ni Gabriel. Solohin ko muna ang isang iyon." Natatawang tugon ko.

"Ay sosyal si sissy!" Natatawang sambit ni Alyx.

"Hihintayin mo muna kami ganun?" Sambit naman ni Lian.

"Pwede." I jokingly said to their jokes.

Habang nagkwekwentuhan kaming tatlo doon ay biglang sumulpot si Annicka na may malawak na ngiti sa labi, agad namin siyang inimbitahan sa kwentuhan, ngunit tumanggi siya at kukuha muna daw siya ng pagkain. Si Skyler naman ay tila walang ganang umupo sa isang upuan. Pagkatapos ay dumating na din iyong iba pa naming kasama.

"Kamusta ang inyong mga gabi?" Shana inquired teasingly.

Napangisi ako ng palihim dahil doon. Nako, kung alam ko lamang baka nagkaroon pa ng sariling selebrasyon silang dalawa ni JJ kagabi. Si JJ pa? Mukhang plinano talaga niya na mag-propose kay Shana sa lugar na iyon.

"Malamig." Nangunot noo kami noong bigla iyong sabihin ni Skyler. Nakahalukipkip siya at sa amin. Nabaling sa kaniya ang aming atensyon. Anong mayroon? Parang kahapon ang saya saya ni Annicka tapos ngayon nag-iiwasan ba sila?

"Weh?" Pangloloko ni Alyx pero hindi siya sinagot ni Skyler.

"What happened?" I asked carefully.

I shrugged his shoulders but started to tell us about the details. "Hindi ko alam. Basta sumama na lamang ang pakiramdam niya kagabi, kaya naman inasikaso ko, pero noong medyo lumalim na ang gabi ay bigla na lamang umalis sa kwarto. Kinompronta ko pero tinukugan akong muli." Pagpapaikli niya ng istorya.

"Baka naman pagod lamang?" Shana said.

"Oo nga, o kaya tagpula kaya ganon." Alyx agreed.

"Annicka? Saw her last night walking on the shore." Tiara suddenly popped in.

"Ha? Anong ginagawa mo dun?" Tanong naman ni Lian.

"I am with Kurt. And what we did is a history." Nakangising wika pa nito.

"Kabog! Baka magkaron na ng Kurt junior!" Biglang komento ni Alyx, kaya't nagkahalakhakan kaming mga nasa lamesa.

"No! Ang pagiging sexy ko ay hindi ko ipagpapalit basta basta!" Asik naman ni Tiara, namimilog ang mga mata at masamang tiningnan si Alyx.

"Chill girl." Natatawang pagpapahupa ni Alyx sa pagiging nakakasindak ni Tiara. "I was just kidding." She added while beaming.

"Pero anong mayroon kay Annicka?" Pagbabalik ko sa usapan namin kanina at saka ako sumulyap kay Skyler na mukhang nagseselos at problemado. Seeing him like that makes me smile, because it only shows on how much he loves and values Annicka.

"Hindi ko din alam. Nakakapang-init ng ulo." Seryosong saad niya at saka sumulyap kay Annicka na nakikipagtawanan kay Thon Thon habang kumukuha ng pagkain sa buffet.

"Baka naman may inaalala lang, alam mo naman si Annicka, nagsosolo iyon kapag may dinadamdam." Pagsasabi naman ni Lian kay Skyler upang hindi na ito mag-alala pa nang sobra. Hindi kasi si Annicka iyong tipo na mandadamay kapag may problema sinasarili niya ito.

"Tama si Lian, Skyler. Baka may hindi lamang kayo pagkakaunawaan." Shana stated softly and we all agreed.

Matapos iyong sabihin ni Shana ay tila naging hudyat iyon para dumating na sina Gabriel na may dala dalang mga pagkain. Ipinatong niya sa lamesa ko iyong pagkain pagkatapos ay umupo sa isang bakanteng upuan na katabi ni Skyler, kaya katapatan ko siya.

Dumating na din iyong ibang lalaki at maging si Annicka.

"Zeus, okay na ba sa iyo itong mga pagkain natin?" Tanong ni Annicka habang dala dala iyong isang malaking plato na inilapag sa mesa kung nasaan si Skyler. Si Shana na naka-upo sa tabi ni Skyler ay agad na lumipat papunta sa tabi ni JJ na kauupo lamang.

"Hmm." Maikling tugon ni Skyler ramdam ang panlalamig kay Annicka. Napasimagot si Annicka dahil doon pero pilit na ngumiti pagkatapos ay nakipagkwentuhan na lamang sa amin.

Si Kurt naman ay kapansin pansin dahil sa ibinigay niyang umagahan kay Tiara. Puro kasi kulay berdeng dahon ang nandoon. Pero todo kain naman si Tiara. Pagkatapos ay walang ginawa kung hindi utusan iyong isa. Sa pagkapikon nga ni Kurt ay sinubuan niya si Tiara ng sandamukal na dahon para manahimik na ito, kaya naman natawa kami.

Matapos ang ilang kalokohan ay matiwasay kaming kumain. Pagkatapos noon ay bumalik na din kami sa kaniya-kaniyang silid para magbihis at maghanda dahil pupunta kaming Teddy Bear Museum.

Paniguradong bukas na din iyon dahil halos dalawang oras pa kami bago magtungo doon. Gab Gab and I were already packing our things when I suddenly noticed the way he put things in the bag.

"Gab!" Tawag ko sa kaniya medyo nagulat siya sa pagtaas ng boses ko kaya nakuha ko kaagad ang nuong atensyon niya.

"Why?" Malambing na tanong niya.

"You are making a mess. Ayusin mo naman iyang paglalagay mo ng damit sa bag." Saway ko sa kaniya.

"Maayos naman ah?" I faced palmed mentally. Anong maayos doon? Hindi man lamang niya tinitiklop iyong mga damit. Lagay lamang siya nang lagay. Agad ko siyang nilapitan dahil doon. Kung makapagsalangsang ng gamit itong lalaking ito. Tss.

"Ako Evans, huwag mo akong simulan." Banta ko sa kaniya.

"Ano? Ano namang ginagawa ko?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Tss." Tanging sagot ko sa kaniya. Magtatanong pa, halata naman kung bakit.

"Light naman, para iyon lang mag-aaway na tayo?" Mahinang saad niya sa akin.

"Hindi ako nakikipag-away Evans. Sinasabi ko lamang sa iyo na ayusin mo iyong gamit na dadalhin natin pamalit dahil sobrang gulo nang ginagawa mo." Mahinahong imik ko naman at saka ko siya hinarap.

Nakasimangot siya akala mo'y pinagbagsakan ng langit at lupa kaya naman napa-amang ako. "At titingnan mo pa ako ng ganiyan na parang kinawawa kita, ikaw naman ang may kasalanan?" Asar na sambit ko dahil sa ipinakita niyang mukha sa akin.

"Light..." Alinlangang salita niya sa pangalan ko, nalilito.

"What?" Nakakasura din talaga itong si Gabriel minsan. Akala ko naman ang sama sama ko sa kaniya, tss.

"Light naman." Parang batang sambit niya at saka ako nilapitan at kinulong sa kaniyang bisig. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nasindak bagkus ay ngumiti pa ng pilyo at saka ako hinalikan sa may tungki ng ilong.

"You are calling me Evans..." He said almost pouting.

"Your fault." Irap ko sa kaniya. He lean towards me but I bent my back, a little backwards. Sigurado kasing hahalikan na naman niya ako kaya ginawa ko iyon para hindi niya magawa.

"Huwag ka ng magalit. Aayusin ko na po." Maamong pahayag pa niya sa akin.

"Ganyan ka naman, puro salita." Mapait kong bigkas.

He tucked in his lower lip a bit teasingly and showed me his upper set of teeth almost laughing. "I love you, sagad sa buto, Mrs. Evans." He said while giggling. "You are so cute when you are mad." Dagdag pa niya.

Itutulak ko na sana siya pero bigla niya akong itinulak nang marahan para mapahiga sa kama. Medyo nabigla ako sa ginawa niya pero nakabawi din agad ako. Sinamaan ko siya ng tingin, umaasang makakawala na ako sa kaniya dahil doon pero hindi nangyari.

He pinned me on the bed and stated. "Dito na lang tayo." He said sweetly.

"Tigilan mo ako." I warned but he ignored it. Instead he suddenly started giving me little kisses on my jaw down to my neck.

"Gab Gab." Tanging nasambit ko, dahil kakaibang sensasyon ang kaniyang biglang ipinarating sa akin. Nakakakilabot.

"Hmm?" Iyon lamang ang sagot niya at nararamdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. Gustong gusto talaga niyang nandoon lagi. Tsk. Ano bang mayroon doon? Tsk!

"Stop, Gab." Mahinahong sambit ko na siyang ikinatigil niya sa ginagawa. Tumingin siya sa akin at may kung anong hipnotismo sa kaniyang mga mata kaya imbis na itulak ko siya papalayo sa akin ay ako pa mismo ang nagpulupot ng mga kamay ko sa leeg niya at saka ko siya hinila para halikan.

Habang nangyayari iyon ay nagulat na lamang kami noong may biglang sumigaw. "Ay potek! Patay tayo!" Dali dali kaming napatayo ni Gab Gab dahil sa narinig na boses ni Kurt.

"Damn! Having a hot time, eh?" Natatawang sambit naman ni Tiara.

"Shit." I heard Gab Gab murmured. "Nabitin ako, bwisit." Dagdag pa niya. Agad ko siyang sinikmuraan dahil doon.

Si Tiara nakatingin sa amin na parang wala lamang iyong nasaksihan niya samantalang si Kurt ay hindi malaman kung saan titingin. Sino nga ba ulit ang babae sa kanila?

"Ahm, nandito na iyong sasakyan na gagamitin natin." Pagbasag ni Kurt sa katahimikan.

"Let's go? Before you decide not to come and stay in this villa for the whole day." Maarteng saad pa ni Tiara kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata. Napaatras siya sa kinatatayuan dahil doon at biglang napatungo. Iyan ganiyan ang epekto ng tingin ko na ni minsna ay hindi tumalab sa magaling kong asawa.

"Patawad, Uno. Mauna na kami, sumunod na lamang kayo." Magalang pa nitong dugtong at saka lumabas iyong dalawa sa aming silid.

Maglalakad na sana ako pasunod sa kanila pero agad akong hinuli ni Gabriel sa may baywang at saka sinabihan nang: "Let's consider Tiara's suggestion." Natatawang hataw nito sa akin kaya agad ko siyang sinuntok sa may dibdib ng pabiro.

"Aray ko! Biro lamang naman. Papatayin mo ba ako ha, dummie?" Asar na imik niya sa akin, natawa na lamang ako dahil doon. Lakas niyang mangloko. Sinong maniniwalang nasaktan na siya sa katiting na iyon?

Inayos ko na lamang muli iyong magulong bag na ginawa niya at saka kami tuluyang lumabas papunta sa kung nasaan iyong sasakyan na gagamitin namin ngayon.

Nnag makarating kami doon ay nandoon na silang lahat at handang handa nang umalis. Pumunta na kami kaagad at sumakay sa loob. Si Gab Gab ang driver ngayon dahil napakalapit lamang noon dito, sadyang nagsasakyan kami dahil didiretso kami sa Cliff at sa iba pang lugar.

Nagsakayan na kami sa sasakyan. Nauna si Annicka, Alyx, Lian at Shana. Doon silang apat na babae sa kalikudan nitong van. Pagkatapos ay sumunod ako at umupo sa tabi ko si Thon Thon tapos si Tim Tim at JJ. Tapos sinundan na sila ni Tiara at Kurt. Si Skyler naman sa unahan kasama si Gab Gab.

Umalis na din kami kaagad at nang magsimulang umandar ang sasakyan ay nagsimula na ang matinding ingay.

"Kantahan tayo!" Masayang suwestiyon ni Alyx.

"'Wag baka bumagyo!" Nagulat ako noong kasabay kong magsalita ang tatlong doofus ko. Kaya naman napalingon sa akin iyong tatlo at saka inihanda ang kamay at saka ito inilapit sa akin na parang naka-bato.

Agad kong ipinakita ang kamay ko sa kanilang nakabuka na parang papel sa bato bato pik. Nagtatakhang tumingin sa akin iyong tatlo. "Incess?" Halos sabay sabay pa na banggit nila.

"Talo kayo!" Natatawang sabi ko sa kanila. "Bato bato pik, hindi ba?" Dagdag ko pa.

Nagkaroon nang mahabang katahimikan dahil doon pagkatapos ay... "HAHAHAHA!" Sabay sabay na tawa nila pati sina Lian na nasa likod ay bigla ding natawa sa ginawa ko.

"Incess, tigilan mo kami! Havey!" Puna pa ni Alyx sa akin.

"Che!" Irap ko sa kanila at saka ko isa isang binatukan iyong mga doofus.

"Aray naman Incess!" Reklamo nilang tatlo sa akin.

"Doofuses." I murmured. Narinig nila iyong sinabi ko kaya naman napangiti sila.

"And our princess." Sabay sabay na sabi nilang tatlo.

"Awww." Kantiyaw naman sa amin noong mga babae. Napangiti tuloy ako dahil doon.

"Muling ibalik~" Biglang kanta ni Thon Thon kaya napatingin kaming lahat sa kaniya hindi pa man niya naitutuloy iyong kinakanta niya ay biglang sumabat si Gabriel na nasa unahan.

"Walang ibabalik!" Natatawang sigaw niya sa amin kaya't biglang tumawa ang doofuses.

"Nako, unggoy ka sa amin dati Pards Gab." JJ said laughingly teasing the ever so almighty Gabriel Evans.

"Buti  nga dati pa, samantalang kayo itlog pa din hanggang ngayon." Monotone na sagot naman ni Gab Gab kaya naman agad umakto na nasasaktan ang doofuses inilagay pa sa puso nila ang mga kamay.

"Kayo ba ni Incess dito natitira?" Biglang tanong ni Kurt.

"Hindi." Sabay na sagot namin.

"Nagpapatayo na ako ng bahay sa Pilipinas." Dagdag pa ni Gab Gab.

"Naks! Handang handa na siyang magpamilya!" Sambit naman ni JJ.

"Oo nga, baka magkapamangkin na si Siopao ko ha." Tim Tim vocalized cheerfully then he put up his palm for a  high five with the other doofuses.

"That's so true! I saw them earlier doing some miracle!" Natatawang sambit ni Tiara sa maarteng paraan, hindi ko mawari kung paanong nakakatawa iyong sinabi niya pero iyong boses niya ay napakang arte talaga. Iba din itong si Wolf.

"Boom!" Sabay sabay na banggit noong mga lalaki at babae.

"Tigilan ninyo ako ha." Sabi ko naman sa kanila pero hindi nila iyon pinansin at tinawanan lamang ako. Ilang sandali pa ay nagsalitang muli si Thon Thon.

"May maidadagdag ba kami sa pinapagawa ninyo Pards?" He asked curiously.

"Dagdagan ninyo ng treehouse iyong bahay ninyo, sagot namin, gusto ninyo?" Suwestiyon ni Tim Tim.

"Tama! Tapos may swimming pool din." Dagdag pa ni Annicka na bakas na bakas sa tinig ang pagkasabik.

"Tapos araw araw nandoon tayo sa kanila!" Halakhak naman ni Lian.

"Baka nga doon na din magpagawa ng bahay ang mga ito para sama sama tayo." Natatawang segunda naman ni Shana.

"Sigurado iyan! Para masaya, kapag may kailangan iyong isa pupunta lamang doon aa bahay sa tapat o sa katabi." Imik naman ni Alyx na napapalakpak pa sa ideya na kaniyang sinabi.

"Hindi ba kayo nasasawa sa pagmumukha ng isa't-isa?" Tanong naman ni Kurt.

"Nakakasawa kaya." Skyler added.

"Hindi bakit kami masasawa ang gwapo namin?" Kontra naman agad ni Thon Thon.

"Hindi kami naniniwala!" Natatawang sambit naming lahat kay Thon Thon kaya napakamot ito sa ulo niya dahil napagkaisahan na naman siya.

"Ako na naman ang nakita ninyo gwapo ko talaga!" Singhal niya sa amin. Agad ko siyang nabatukan dahil doon kaya naman. "Aray ko naman Incess, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa din matanggap?" Paawang sambit pa nito. I giggled because of that.

"Ano, pards Gab payag ka na sa ipapagawa namin?" Muling tanong ni Tim Tim kay Gabriel.

"Payag ka na Kuya!" Lian said convincing him.

"Sige." Agad nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Gab Gab.

"Tapos pagawan din ninyo kami kapag magbabahay na din kami." Hataw pa ni Thon Thon.

"Pwede, para masaya!" Sabi naman ni Lian.

"Handang handa na kayo ah." Natatawang sambit naman ni Shana.

"Syempre!" Sabay sabay na sabi noonh doofuses. Tapos ay napangisi pa si JJ kay Shana. Hindi ko alam pero biglang may kung anong saya sa dibdib ko sa maikling sandaling iyon. Hindi ko tuloy maintay kung kailan nila sasabihin sa iba ang nangyari sa Yeongsil Trail.

"Ikaw ba Tiara sa Pilipinas ka titira?" Tanong bigla ni Shana kay Tiara.

"No. I am in charge in Germany for the Apocalypse." Sagot naman nito.

"Woah! Kawawa ka pala Kurt, baka doon ka na tumira sa Germany!" Natatawang tukso naman ni Tim Tim kay Kurt.

"Gago. Hindi ako papayag." Nakangising sambit naman ni Kurt.

"'Yun oh!" Kantiyaw ng karamihan samantalang si Skyler at Gabriel ay natawa na lamang sa unahan.

"So, pards Gab, ano ngang ipapagawa mo sa amin kapag kami naman ang magpapatayo ng bahay?" Pangungulit pa ni Thon Thon.

"Tanong mo sa asawa ko siya naman hahawak ng pera sa aming dalawa." Diretsong sagot niya na ikina-init ng aking tainga. Tsk!

Agad akong binalingan noong doofuses dahil doon. Napa-isip tuloy ako hanggang sa parang may bumbilyang umilaw sa aking ulo. "Alam ko na." Hindi ko pa man nasasabi ay natatawa na ako kaya naman tutok sila sa aking lahat.

"Papagawa kita ng..." Pinabitin ko pa sila bago ko tuluyang sabihin kung ano.

"Nitso!" I said jokingly while laughing. Napahagalpak sila ng tawa dahil sa sinabi ko samantalang si Thon Thon ay biglang bumagsak ang balikat at saka kao tiningnan nang masama, imbis na masindak ay mas lalo akong natawa.

"Woohooo! Goodluck Thon, huwag kang mag-alala papapinturahan ko din iyong nitso mo!" Pangloloko pa ni Kurt na tatawa tawa habang nakatingin sila sa amin ni Tiara. "I'll also arrange flowers for you!" Tiara added laughingly.

"Congratulations Thon Thon!" Natatawang pang-aasar pa ni JJ at Tim Tim.

"Ako ng bahala sa lote ng nitso mo, Thon Thon." Natatawang dagdag pa ni Annicka kaya mas lalong napuno ng tawanan ang buong sasakyan.

"Cutiebabe, pagtanggol mo naman ako." Nakahibing imik ni Thon Thon kay Alyx.

"Guys, quiet!" Saway ni Alyx sa amin imbis na tumigil ay lalo lamang kaming natawa lalo na noong ituloy ni Alyx ang sinasabi niya. "Baka dalawin tayo ng kaluluwa ni babyloves sige!"

"HAHAHAHA!" Kawawang Thon Thon.

"Nako, Incess." Iiling iling na sambit niya sa akin pero nginitian din naman ako.

"Tara na." Natigilan kaming lahat noong sabihin iyon ni Skyler. Napatingin kami sa binatana at doon lamang namin napagtanto na nasa Museum na kami at naka-park na din ang sasakyan namin. Ang lapit nga.

Halos mag-unahan kaming lumabas dahil doon at noong makababa kaming lahat ay agad kaming dumiretso papasok sa loob.

Agad na natuwa si Alyx sa nakita dahil sa mga Teddy Bear maging si Shana ay napangiti dahil kahit 'bad girl' si Shana she loves teddy bears. Kailangan siyang bilhan ni JJ dahil talagang matutuwa si Shana sa mga ito.

"It's so cute." Nakangiting wika ni Tiara kay Kurt.

Hinawakan na lamang ni Kurt ang kamay ni Tiara at saka hinila para magsimula nang mag-uli. Napangiti ako dahil doon. Si Tiara iyong tipo na mataray, maarte, wild, at hindi mo mapipigilan basta basta. She's a lioness that even had a hard time controlling me, but seeing her so happy with Kurt... All I can say is... The lioness was tamed by Kurt.

Yakap yakap ni Tim Tim si Lian nang pabiro at para silang batang naglalaro at saka sila tumahimik dahil na din pinagtitinginan silang dalawa. Iyong dalawa talaga ang mukhang pinakabata sa amin.

Si Alyx at Thon Thon naman medyo nag-iiwasan pa din. Si Thon Thon ay mukhanh sinusuyo si Alyx samantalang si Alyx naman ay nakataliko sa kaniya at nakahalukipkip. Halata namang bibigay na din dahil magkausap na sila ng normal kanina sa sasakyan, nagbiruan na nga din.

Si JJ at Shana naman ay nauna na sa loob at magkahawak kamay na naglalakad. Bilib din ako na hindi napapansin noong mga kasama namin ang singsing ni Shana sa daliri. Marahil ay masyado silang masaya at hindi na iyon pinagtuunan ng pansin. Parang bata din si Shana na tuwang tuwang makita iyong mga bears na nakadisplay at tinuturo turo pa. And Jj seems surprised to see her acting like a free child.

Napalingon ako kay Skyler at Annicka na magkatabi lamang na naglalakad at hindi nag-uusap. Halatang naiilang sa isa't-isa. Ang madaldal na si Annicka ay mukhang hindi alam kung paano sisimulang kausapin ang tahimik na si Skyler.

"Magbabati din ang dalawang iyan." Nagulat ako noong biglang sumulpot si Gabriel sa tabi ko. Siya pala ang nag-asikaso sa mga bayarin namin dahil masyadong natuwa ang mga kasama namin sa pagtingin agad sa paligid.

"Ano bang mayroon kay Annicka at nagalit si Sky?" Tanong ko naman.

"Selos lamang iyang si Skyler kaya ganan. Si Annicka naman hindi ko alam kung bakit. Hindi mo din ba alam?" He asked, I shook my head. Hindi naman ako tsismosa para maki-alam sa nangyari sa kanila ngayon.

"Hayaan mo na. Tara." Nakangiting wika ko na lamang at saka ko hinila si Gabriel para makapaglibot na din kami. Natahimik kami habang naglalakad at tinitingnan iyong mga teddy bear na nakadisplay.

Paminsan minsan ay nagkakatawanan sa biro nang bawat isa pero pinanatili naming mahina iyon dahil baka makaabala kami sa ibang tao na nagtitingin din ng mga nandito.

"Thon Thon, kapatid mo oh." Natatawang sambit ni Tim Tim.

"Gago ka pards." Sagot ni Thon Thon. Itinuro kasi ni Tim Tim iyong shrek na teddy bear. Natawa kami nang mahina dahil doon at saka nagpatuloy sa pamamasyal sa paligid.

Wala din akong ginawa kung hindi kunan ng litrato ang mga iyon at pati na din si Gabriel nang hindi niya napapansin. Napapangiti din ako sa mga nakukuha kong candid shots niya at maging iyong ibang mga magkakaparehas. Taking pictures of them makes me feel so great. Para bang sa bawat litrato na iyon ay nakatatak na iyong nararamdaman namin sa eksaktong pagkakataong iyon, lalong lalo na at minsan hindi pa nila alam na kinukuhanan ko sila ng mga litrato.

Madaming mga bears, mayroong sobrang liliit, mayroong tama lamang, mayroon ding kasing laki namin. Niyakap pa nila iyon kanina noong madaanan namin iyong mga kasing laki namin. Kahit mga teddy bear lamang iyon na may iba't-ibang karakter at suot ay nakakamangha pa din. Ang ganda kasi nilang pagmasdan.

Ang tagal namin doon dahil tuwang tuwa talaga kami sa nakikita namin at panay kuha kami ng litrato hanggang sa matapos naming libutin ang kabuuan ng lugar kaya naman napagpasyahan na naming umalis na.

Si Kurt naman ang driver ngayon at dumiretso kami sa may Jusangjeolli Cliff.

Habang papunta doon ay napuno ng kantahan ang buong sasakyan. Masaya din akong napasabay kapag alam ko ang kanta at masasabi kong sobrang genuine noong moment na iyon. Lalo noong magvideo kaming lahat na natatawa sa pinaggagawa namin.

"It's our day two in Jeju!" Nakangiting sambit ni Annicka sa camera.

"Nagpunta kami kahapon sa Hallasan, tapos ngayon naman sa Teddy Bear Museum at ngayon papunta na kami sa Jusangjeolli Cliff!" Masayang dugtong naman ni Lian. Pagkatapos ay nasundan pa iyon nang sundan ng mga pagbati sa kamera at kantahan.

Hanggang sa napunta kami sa pagbabalik tanaw.

"Naalala ninyo pa noong pumunta tayo sa bagong Cabin ni Incess noon?" Natatawang tanong ni JJ.

"Ano iyon? Ano iyon? Anong nangyari?" Kuryosong tanong naman ni Alyx.

"Hahaha! Sobrang lupit ninyo 'nun." Sabat naman ni Gab Gab na tatawa tawa.

"Ganito kasi iyan..." Simula ni Tim Tim. Nakinig naman silang lahat. "Sinabi ni Miss noon na magkakasama si Incess, Pards Gab at Cassidee sa isnag cabin, hindi kami pumayag noon kaya pumunta kami sa cabin nila at kumanta kami doon." Tuloy pa niya.

"Hinarana ninyo si Incess?" Inosenteng tanong ni Shana.

"There's no way they'll do that. I'm sure they did something dumb." Kontra naman ni Tiara. Natawa na ako noong sabihin niya iyon dahil iyon naman talaga ang ginawa ng tatlong itlog na ito.

"Ano bang ginawa ninyo?" Tanong naman ni Lian.

"Nangaroling!" The doofuses said in unison that made everybody in the van laughed. Naalala ko tuloy iyon talagang ang lakas pala talaga ng pitik ng tatlong ito noong bata pa kami. Sino ba naman ang mangangaroling noon ang layo layo pa ng pasko?

"Ang layo pa ng pasko noon." Dagdag pa ni Gab Gab.

"Wapak! Benta!" Natatawang sambit ni Alyx.

"Ay, tanga." Shana said jokingly.

"Tapos itong magaling na si Pards Gab binuhusan kami ng tubig." Natatawang sambit pa ni JJ.

"Oo, bwisit iyan simula pa noon." Dagdag pa ni Tim Tim. Napatawa naman kami dahil doon. Biruin mo halos takot na takot sila kay Gab Gab nitong mga nakaraang buwan pero ngayon kung makapagsalita sila sa harapan nito parang hindi nangatog ang mga binti nila dati.

"Tapos ang matindi, ang ganda ganda na nga ng kanta namin tapos biglang umimik si Cassidee ng monotone at walang kaemo-emosyon na tawad!" Thon Thon said while chuckling.

"Hahaha!" Tawa nilang lahat.

"May pakinabang pala si Cassidee dati." Dagdag pa ni Shana habang nagkakatawanan kami.

Matapos ang kwentuhan noong bata pa kami ay nagkantahan silang muli at ako naman ay napapahimig lamang habang nakatingin sa daan. Hindi din nagtagal ay nakarating kami sa aming patutunguhan.

Naglakad pa kami papunta doon at halos magtatalon kaming lahat nang makita ang napakagandang lugar na nasisilayan ng aming mga mata. "Wow." Iyon ang karaniwang naririnig ko sa kanila at maging ako ay hinid mapigilang mapangiti sa nakikita.

Saktong sakto pa ang dating namin na walang ganoong tao. At biglang na bilang lang ito sa daliri kaya halos magtatakbo kami papunta doon sa lugar kung saan maari naming tanawin ng mas malapit ang lugar.

Nang makarating kami doon ay agad akong kumuha ng mga litrato. Kagaya kanina ay hindi ko kinalimutang kunan ang mga natural na momento ng mga kaibigan ko at pati na din si Gab Gab.

Ang ganda noong mga bato kulay itim ang karamihan at para iyong may sariling mga hugis na parisukat na pinagpatong patong nang natatanging ganda ng lugar. Ang kulay ng tubig ay sadyang napakalinaw at napakatingkad. Ang alon na sumasalubong sa mga bato ay may kalakasan na nagbibigay ng tila bula na napakaganda. Hindi ko maiwasan mapangiti sa lugar na ito.

Naramdaman kong niyakap ako ni Gabriel mula sa likod habang nakatingin ako sa ganda ng lugar. "Should have proposed to you here." He said while giggling. Napangiti ako dahil doon.

"But I prefer you proposing in your almost dying breath. You scared the hell out of me back then. I thought I was gonna lose you again..." Mahinang sambit ko sa bawat kataga sapat na para marinig niya kahit malakas ang hangin at tunog ng alon.

"Hinding hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na iyan." Matigas at may paninindigang wika niya at sapat na iyon para mapatunayan na kahit ano pang mangyari simula ngayon ay hindi na kami mapapaghiwalay pang muli ng kahit anong bagay.

"Saranghae, Nathaniel Gabriel Evans..." I whispered in the wind. Akala ko hindi na iyon maririnig ni Gab Gab pero nagawa pa din niya iyong marinig kaya't sinagot niya iyon.

"Sag-app-oh, Princess Light Smith-Evans."

***

Dalawang araw na lamang kami dito sa Jeju at masasabi kong ito ang isa sa pinakamasasayang lugar na napuntahan namin. Ang dami naming napuntahan na kahit ang layo pa noon sa hotel na tinutuluyan namin at kahit nasa kabilang dulo iyon ng isla ay talagang pinupuntahan pa din namin dahil iyon ang kagustuhan ng isa't-isa.

Nasa byahe na kami ngayon at kakatapos lamang namin magtanghalian. Galing kami sa Jeju Mini Land kung saan nakakita kami ng maliliit na lugar na talagang nakakatuwang makita. Ang gagaling noong mga gumawa noong mga tila sculptures na iyon.

Papunta na kami ngayon sa Maze Park at kasunod na pupuntahan namin ay iyong Manjanggul Cave.

Hindi na din kami makapaghintay na makarating doon kaya naman nagkakatuwaan na naman kami sa sasakyan. Hindi na kami nagkanya kanya dahil ginagawa lamang namin iyon kapag iba ang gusto naming puntahan. Pero kapag pare-parehas kami ng destinasyon ay itong van ang gamit namin.

Dahil kanina pa kami nagbyabyahe ay sa wakas nakarating din kami sa Maze Park. Napag-usapan din namin na maghihiwalay-hiwalay kami sa lugar na ito ay paunahan matapos lanat ng ng mga maze.

Syempre ang magkakaparehas ay iyong mga couples. Bati na din si Annicka at Skyler, Alyx at Thon Thon noon pa. Kaya nga nagkakanya kanyang gala na kami noon sa iba't-ibang lugar.

JJ and Shana haven't said anything yet about JJ's proposal and their wedding. Hinahayaan ko na lamang dahil mukha naman silang masayang masaya ngayon. At mukhang gusto laging mag-solo.

Agad kaming nag-unahan papunta sa mga maze na sisimulan namin.

Hindi namin alam kung gaano kami katagal at kaingay doon dahil kada may pupuntahan kaming maze ni Gab Gab ay may nakakasama din kami na isa sa mga couples. Nakakatuwa lamang kasi sobrang gulo namin habang naglolokohan at nagtatakbuhan para unahan kami. 

Nakakalito iyong mga daan lalo na kapag nagkwekwentuhan kami habang naglalakad sa maze. Patigil tigil din kami minsan para mag-picture. Nakakatuwa kasi game na game kung sino man ang nakakasama namin sa mga ideya namin ni Gabriel.

Para kaming bata ulit at walang mapagsidlan ang saya ng bawat isa at patunay noon ang tawa at halakhak nila sa mga ganap ngayon.

Nang matapos namin ni Gab Gab ang tatlong maze na iyon ay dumiretso kami doon sa may itaas para tingnan ang kabuuan ng lugar at nang dumating kami doon ay wala pang tao, pero halos limang minuto lamang ang lumipas ay nakarating na din sina Lian at Tim Tim na mukhang pagod katatakbo.

Sinundan din sila nang mga kasama namin habang nagtatawanan. Nanatili muna kami sa itaas na nagpapahinga habang nakatingin sa tanawin sa ibaba hanggang sa napagpasyahan na naming umalis para makapunta na sa Manjanggul Cave.

Malapit lamang iyon dito na kayang kaya nang lakarin kaya naman mabilis kaming nakarating. Lahat ay handang handa na pumasok sa cave at sobrang ingay namin dahil sa daldal nila. Napapatingin tuloy ang ibang turista sa amin kaya naman natatahimik kami saglit pero bigla ding tatawa at magkakatinginan.

Iyong mga lalaki naman ay todo asikaso sa amin na walang ginawa kung hindi magdaldalan, hanggang sa umayos na kami dahil papasok na kami sa loob noong kuweba.

Madilim sa loob pero kagaya ng nakasanayan ay sobrang ganda na naman ang nakita namin. Walang tapon sa mag napuntahan namin. Lahat kami ay namamangha at lahat ay masasabi mong gusto mo muling balikan.

Naglolokohan pa ang doofuses at ang bruhas habang nakatingala at tinitingnan iyong mga itinuturo noong tourist guide. Parang sobrang bilis ng oras namin doon dahil talagang nagustuhan namin sa loob at nakakatuwa ang mga nakikita namin.

Ang bilis bilis lumipas nang oras at hindi namin na pansin na aalis na kami at babalik na sa hotel para magpahinga dahil medyo malayo na naman ang byahe namin.

Noong nasa sasakyan na kami para umuwi ay tahimik ang lahat at mukhang inaantok kaya karamihan ay bagsak. Iyong pauwing byahe na iyon ang pinakatahimik na byahe namin dahil halos lahat ay tulog maliban sa akin at sa nagmamanehong si Gabriel.

"Tigil ka sa convenience store. I'll buy snacks." Sambit ko baka kasi mamaya ay antukin din itong si Gabriel. Tumango lamang siya sa akin at saka muling nagmaneho. Nang tumigil kami sa store ay ako lamang ang bumababa at saka bumili ng ilang pagkain.

Mabilis lamamg iyon at saka nagpahinga ng ilang minuto si Gab Gab at uminom muna at kumain habang tulog pa din iyong mga kasama namin at biglang naalimpungatan si Skyler.

"Do you want me to drive?" Tanong niya kay Gab. Gab shook his head. Kaya naman bumalik na lamang si Skyler sa pagkakatulog pero inabot ko muna sa kaniya iyong mga binili ko sakaling magising iyong iba.

Mahaba haba ang byahe pero bagsak pa din sila marahil ay masyadong napagod. Masyado kasing hyper lalo na noong nasa Jeju Mini Land at Maze Park kami, akala mo mga binudburan ng asin sa pagiging maliksi. 

Nagising din sila noong malapit na kami at imbis na dumiretso para sa silid ay doon na kami pumunta sa may kainan para kumain ng hapunan dahil gabi na din. Ako na ang nag-asikaso kay Gab Gab dahil alam kong pagod siya sa pagmamaneho nang ilang oras.

Kumain kami nang matiwasay at hindi ganoong nag-iingay kagaya ng nakasanayan. At noong makabalik kami sa kaniya-kaniyang kwarto ay bagsak na agad si Gab Gab at ako naman ay nag-ayos na noong gamit namin.

Bukas ay dito lamamg kami sa hotel dahil napuntahan na namin halos lahat. Galing na dinkaming Udo Island noong nakaraan at halos kung saan saan na kami napadpad dahil nag-road trip kaming lahat nang sama-sama.

Ang bilis ng araw parang kailan lamang noong kararating lamang namin dito pero ngayon ay aalis na kami sa susunod na araw. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwartong tinuluyan namin ni Gab Gab.

Pumunta na lamang ako sa may pool area sa villa na ito at umupo sa upuan doon at saka binuksan iyong kamera para tingnan iyong mga litrato. May ilang nakakatawa lalo na iyong mga wacky at nasaktuhan na pangit ang pagkakakuha pero karamihan ay iyong mga kuha na hindi nila alam pero sobrang ganda at sobrang sakto.

Nakakatuwa na may ganito akong nakuhang litrato, noong mga kasama namin.

Napangiti din ako nang malawak noong makita ko iyong proposal ni JJ kay Shana. The picture itself is magical and magnificent. Pwede na akong maging professional photographer dahil sa ganda noong kuha nila, idagdag mo pa na sobrang ganda noong tanawin kung saan nagpropose si JJ.

Pagkatapos ay pumasok ako sa loob para kunin ang laptop ko at ilagay doon ang mga pictures na nakuha ko. Halos lahat ay picture ni Gab Gab. Hindi ko maiwasan na mas lalong mamangha sa kagwapuhan niya dahil napakalakas ng kaniyang karisma. Litrato pa lamang iyon, hindi pa iyong mismong nakakasama ko. Iba talaga.

Matapos ko sa ginagawa ay tumabi na din ako kay Gab Gab para matulog.

"Saranghae." Mahinang bulong ko at saka ko hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Ypu deserve better GabGab." Dagdag ko pa. Napaka-amo ng mukha niya habang natutulog at habang pinagmamasdan ko iyon ay marahan na akong kinain ng antok.

***

One week later...

Isanh linggo na ang nakakalipas simula noong makabalik kami dito sa Seoul mula sa Jeju. Kada araw ay ito namang Seoul ang nilibot namin. Tatlong araw kami na kaming mga babae lamang at silang mga lalaki lamang.

Kami ang nagsuwestiyon na mga babae at talagang sobrang hindi namin iyon pinagsisihan dahil sobrang saya na makasama ko silang muli. Iyong kami kami lamang na mga babae.

Nagpunta kami sa golf park, pati na din sa shooting range, sa arcade, sa spa, sa salon, sa mall para magshopping, pati na din sa mga lugar kung saan maraming pagkain. Sobrang saya namin araw araw. May mga konting hindi pagkakasunduan minsan pero hindi matatalo noon kung gaano namin pinalipas ang masasayang mga araw.

Iyong mga lalaki ay nagkwekwento din sa kung saan sila nagtungo at karaniwan ay iisa lamang na lugar sa isang araw dahil nga tamad sila.

Tapos kahapon iyong doofuses lamang ang kasama ko kasi noong isang araw iyong bruhas lamang. Nakakatuwang kasama iyong mga tatlong grupo na iyon. Nakakamiss din dahil sila talaga ang kasama ko simula pa noon.

Kabataan ko ang kwentuhan namin ng doofuses.

Samantalang kabataan ni Ate Gloom sa mga bruhas. Imbis nga na malungkot ay natatawa na lamang kami dahil kinukwento nila sa akin kung gaano kabaliw ang ate ko noong nakakasama pa nila. Mas malala pa daw kay Ayah. Hindi ako makapaniwala. Ang tindi na kaya noong kay Ayah.

Ngayong araw naman ay kami kaming mga babae lamang muli dahil pagkagising namin ay wala na iyong mga lalaki.

"Nasaan na naman kaya iyong mga lalaki?" Tanong ni Alyx habang kumakain kami ng umagahan.

"Aalis ba tayo ngayon? Tinatamad ako. Dito na lamang tayo, magkaraoke." Sabi naman ni Lian. Mayroon namang karaoke dito dahil pinadala ko iyon kay Kuya Thunder dahil nga kapag napapaaga ang uwi namin ay ang boring, buti na lamang kami kami lamang sa traditional house na ito.

"Tama si Lian! Dito na lamang tayo." Dagdag pa ni Annicka.

"I'm still sleepy, let's stay here." Ani naman ni Tiara.

"Sure." Sagot ko sa kanila.

Kumain na lamang kami pagkatapos ay nagligpit ng mga gamit pagkatapos ay naglinis at nagkatuwaan sa pagkanta.

Matapos kumanta nang kumanta ay nagluto kami ng tanghalian na barbecue at naglakad naglaro sa labas ng mga pambatang laro. Nagkakatawanan nga kami noong paglaro kami ng sipa at piko. Hindi kasi magkaintindihan.

Gabi na noong makatanggap kami ng tawag na hindi makakauwi iyong mga lalaki na ipinagtakha namin pero binalewala din namin dahil pwede naming gawin kahit ano ngayong wala sila.

Noong umaga ay hindi pa man kami gising na gising ay may malakas na tumunog kaya't nagising kami nang nasusura. Biglang tumayo si Alyx at pumunta sa may damitan namin dahil doon kasi nagmumula iyong tumunog na kung ano. Gising na gising na kami dahil doon.

"Oy! Annicka, para sa iyo yata oh, nasa damitan mo." Sambit ni Alyx kaya tumakbo papunta si Annicka papunta doon. Kahit inaantok pa ay agaran niyang tiningnan iyon, hanggang sa man laki ang mga mata nila dalawa.

Isang parang iPad iyong tumutunog at noong buksan iyon ni Annicka ay napatili siya sa saya. At ganoon din si Alyx.

"Oh my gee! Girls! Punta daw tayong Jangsado Sea Park!" Sigaw niya. Matagal na kasing gustong makapunta ni Annicka doon. Maging si Alyx ay halos mapasigaw sa saya. Iyon din ang sinasabi niya kay Thon Thon na puntahan nila.

"Wait, ang layo naman niyan." Sambit ko habang nakahiga pa din.

"Kaya nga ngayon na daw tayo umalis oh! May nakalagay dito sa screen. Nandoon daw sa may damitan nina Nate iyong kakailanganin nating pera pati mga kung ano ano." Tumayo si Lian para puntahan iyong kwarto para makasiguro at bigla na lamang siyang sumigaw.

"Seryoso!" She screamed.

"Omg! Tara dalii!" Sabay na tili ni Annicka at Alyx. Tapos ay pinagtulungan nila si Shana at Tiara para bumangon na. Walang nagawa iyong dalawa kaya naman agad kaming kumilos para maligo at magbihis.

"Bili na lamang tayo ng makakain tapos sa byahe na namin kainin. Sinong magmamaneho?" Tanong ni Alyx.

"I'll drive." Sabi naman ni Shana.

"Okay!" Sabay sabay na tugon namin.

"Hanggang Tongyeong-si lamang tayo, tapos magfeferry yata tayo papunta sa Island." Sambit naman ni Lian.

"Oo, mahaba habang byahe ito. Halos limang oras." Sabi ko naman. "Baka hapon na tayo makarating sa mismong Island." Dagdag ko pa. Kaya naman pala hindi nakauwi iyong mga lalaki kahapon dahil doon sila pumunta. Tss. Pwede namang sabay sabay bakit nauna pa sila? May balak ba sila?

"Baka nga mas pagabi na tayo makarating dahil titigil tigil pa tayo para kumain at kung ano ano pa." Sabi naman ni Tiara. Nasinang-ayunan namin kaya binilisan namin dahil baka abutin kami ng gabi bago makarating doon.

Paalis na kami at hawak hawak ni Annicka iyong parang iPad na may kung ano anong nakalagay na nagsasabi sa ami na pumunta sa Jangsado.

Mahaba ang byahe at kumain na muna kami sa isang restaurant imbis na sa byahe dahil hindi makakain si Shana. Bumili din kami ng snacks dahil paniguradong magugutom kami kaya ang nangyari mas nahuli pa kami ng oras bago makapagsimula nang mismong byahe.

"Oy, sabi nila alam daw nila kung nasaan daw tayo, kaya bilisan na natin baka hindi na daw tayo makasakay sa ferry." Natatawang sabi ni Annicka habang may binabasa doon sa bagay na iyon.

Tumamgo lamang si Shana at medyo binilisan na ang pagmamaneho. Hindi naman kami takot doon, bagkus ay halos nagkatuwaan pa kami at mas nagkagulo habang nagtatawanan ag nagkakantahan.

Natahimik lamang kami kapag pagod na kaya naman tumitigin na lamang kami sa nadadaanan at syempre naidlip sandali. Si Shana naman ay maayos lamang daw siya sa pagmamameho at hindi na daw siya makikipagpalit sa akin.

Sa haba ng byahe na iyon ay mabuti na lamang at hindi kami nabagot dahil sa kwentuhan at kalokohan. Ang tahimik na ako ay nagiging madaldal kapag sila ang kasama.

SA TINAGAL TAGAL naming nakaupo sa kotse ay sa wakas nakarating na kami sa Tongyeong. Humanap din muna kami ng kainan para makapagpahinga sandali at para kumain. Wala pa namang sinasabi iyong mga lalaki kaya naghanap muna kami hanggang sa...

"Alam nilang nasa Tongyeong na tayo, may sinabi silang kainan, doon daw tayo pumunta." Sabi ni Annicka at ibinigay sa amin iyong address tinulugan ko si Shana para alam niya kung saan iyon kaya naman hindi din kami nahirapan hanapin iyon.

Nang makarating doon ay sabik na sabik na kaming kumain at pumasok sa kainan.

Walang tao doon maliban sa mga empleyado kaya nagtakha kami baka kasi sarado pero noong sinabi namin ang pangalan namin ay kanina pa daw nila kami inaabangan kaya naman nabigla kami.

Umupo na kami sa may mga unan at nakahanay kami sa isang parte lamang ng lamesa dahil iyon lamang ang pwede naming upuan at sa harapan namin ay isang malaking screen na hindi namin alam kung para saan.

Wala pang ilang sandali ay naglabas na kaagad ng putahe iyong may ari at nagtakha kami gayong wala pa kaming order. Umuusok pa sa init iyong mga pagkain at sinabi nilang bayad na din daw iyon.

"Prepared talaga sila ah!" Natatawang puri ni Annicka sa mga lalaki.

"Tama! Mukhang bumawi kasi wala sila kahapon." Dagdag pa ni Lian.

"Kain na tayo! Gutom na gutom na ako." Sabi naman ni Alyx kaya naman nagsimula na kaming kumain.

Ang daming putahe at sobrang sasarap noong mga iyon. Tuwang tuwa kami sa pagkain na naging tahimik ang lamesa dahil masyado kaming abala sa pagkain na nakalimutan na namin iyong pagkwekwentuhan.

Sobrang sarap noong prawns nila pati na din iyong ibang seafoods, may beef, chicken at meat din pero talagang ang pinagkakain namin ay iyong mga seafoods.

"Sarap talaga!" Puro iyon ang sinasabi namin habang kumakain hanggang sa...

Bumukas iyong screen na nasa unahan namin ay inilantad noon ang nakangiting mga lalaki. Akala ko noong una ay live iyon pero nagkamali ako. Para iyong ginawang movie dahil sa ganda ng quality.

Ipinakita iyong mga lalaki na magkakasama sa isang lugar na hindi namin matukoy kung saan kung hindi lamang ipinakita iyong Namsan. Naglalakad sila habang naglolokohan at nagtatawanan.

"Benta! May binayaran yata sila para kunan sila ng video!" Natatawang sambit ni Alyx.

"Totoo! Grabe. Anong nahithit ng mga iyan?" Segunda naman ni Lian. Pati ako ay natawa dahil kumpleto sila sa video at halatang propesyonal iyong may hawak ng kamera.

Para silang nag-momodel sa Namsan. Napangiti tuloy ako dahil doon. Ito siguro ang pinaggagawa nila sa loob noong tatlong araw na iyon. Mga pilyo talaga.

Ilang sandali pa ay si Skyler na lamang ang ipinakita sa screen. "Baby Hera!" He said while smiling happily namumula din ang kaniyang pisngi at tainga noong sambitin ang isang katagang iyon kaya naman agad kaming napatili.

"Shit, Annicka! Ang gwapo oh!" Tukso ni Alyx sa kaniya.

"Ayiee. Tigilan ninyo nga ako!" Saway ni Annicka sa amin pero tinawanan lamang namin siya.

"Sorry for not bringing you here..." Malambing na sambit niya pero ang lakas ng dating. "But hey, I have our locks!" Tapos ipinakita niya iyong dalawang lock. At noong i-zoom iyong mga lock ay...

"Oh em gee!" Tili nila maging si Tiara ay napatawa.

"That's so cute, Annicka." Sambit ko pa.

Nakaengrave ang pangalan nilang dalawa sa lock na iyon. Tapos ay pumunta si Skyler sa isang lugar para ikabit ang lock na iyon. At ngumiti siya. Lalo naman kaming nagtilian dahil sobrang lakas ng dating ni Skyler. Ang gwapo, ang manly, ang hot.

Akala ko tapos na pero hindi pa. May inilabas pang sulat si Skyler. "Here's a letter for you, baby Hera." He said while smiling pagkatapos ay napunta kay Tim Tim ang video kaya napatingin kami nang nanunukso kay Lian.

Iyong isang empleyado ay lumapit kay Annicka at may inabot na sulat. "Basahin mo mamaya, panuodin muna natin si Tim Tim." Sabi ni Shana, kaya tumango si Annicka at nanuod kaming muli.

"Analiz. Babe. Siopao." Natatawang sambit ni Tim Tim habang may malawak na ngiti kaya halos mawalan na ng mga mata. "Maglalagay ako ng lock dito, para wala ka nang kawala." Natatawang dugtong pa nito nagpapacute sa nobya. Natawa kami dahil doon.

"Mahal kita!" Inilagay pa niya ang dalawang kamay sa ulo para magpormang puso. Agad naming tinukso si Lian dahil doon.

Tapos ay inilagay ni Tim Tim iyong lock nilang magkakabit at itinapon iyong susi at muling ngumiti sa kamera, kung nakakamatay ang ngiti malamang bulagta na si Lian ngayon pa lamang.

"A letter for you, my Analiz." Huling sinabi niya at saka ipinakita iyong letter na parang inaabot. Kagaya kay Annicka ay ganoon din nag nangyari at may nag-abot kay Lian noong letter na iyon.

Si JJ naman ang lumabas sa video. "Yuri." Nakangiting wika nito at napansin namin na namula si Shana kaya halos ipagtukan na namin siya kung hindi lamang niya kami sinaway.

"Alam mo na iyong mga gusto kong sabihin kaya hindi na kao magsasabi pa. I love you so much, bad girl, you stole my heart." Kumindat pa ito kaya naman.

"Kyaah!"

"O to the M to the G!"

"Ikaw na babae!"

Sabay sabay na sabi ni Annicka, Tiara, Alyx at kami naman ni Lian at kiniliti si Shana tutal nasa magkabilang tabi niya kami.

JJ locked their love lock and threw the keys away. "Here's your letter." Nakangiting smabit pa niya at saka pabirong ibinigay iyong letter sa harap ng kamera at syempre may nag-abot na empleyado noong tunay na liham kay Shana.

Kurt appeared while smirking. Hindi pa man nagsasalita ay umimik na si Alyx.

"Ngayon ko lamang napansin talagang kilay goals si Kurt." Seryosong sabi niya sa paraang hindi nagbibiro kaya naman lalo kaming natawa.

"That's called on fleek, girl!" Tiara said laughingly that made us hysterical.

"Hey, Wolf, you little sassy lady." Natatawang sabi ni Kurt at nagkagat labi pa.

"Yummy!" Alyx exclaimed jokingly. Tiara slapped her arms a little. Halatang naglolokohan iyong dalawa dahil kay Kurt.

"Thank you for making me feel alive again and happy." Sobrang ramdam ko ang sinseridad noon dahil alam ko kung paanong nasaktan at nangulila si Kurt nang sobra sobra kay Dennise. Natahimik din si Alyx, Lian at Shana dahil naramdaman nila iyon.

"I won't make it long, babe. I just want you to know how much I value you, and how much you've changed my almost ruined life. Ich liebe dich." Nang sabihin iyon ni Kurt at ikandado iyong lock nila ay napansin kong maluha luha si Tiara.

"Bastard..." She tried to hide her weak voice. "That's the first time he said he loves me, although I kept saying I love him, I thought he's still into Dennise..." Noong sabihin iyon ni Tiara ay napatayo kaming malayo sa kaniya para yakapin sa kaniya.

Hindi ko akalain na kahit naman maarte, mataray at playgirl si Tiara ay mahal talaga niya si Kurt. Kahit pa akala mo ang landi landi niya dahil lapitin siya ng lalaki, makikita mong nagbago iyon matapos iyong danghyunhaji na nilaro namin noon dahil doon siya napalapit talaga kay Kurt.

May ibinigay din na liham kay Tiara at hindi na namin napansin iyong pagbibigay ni Kurt ng kunwari noon sa video dahil masyado kaming nakatuon sa biglang pagiging emosyonal ni Tiara.

The Gabriel appeared...

"Hala ayan na si kuya Nate!" Lian stated.

"The dimple and set of teeth can kill." Natatawang sambit ni Shana.

"Now the King has made an appearance." Tiara stated.

"Ang wafu talaga!" Sabi naman ni Annicka habang nakatitig sa hitsura ni Gab Gab.

"Kabog ka Incess! Swerte mo at ikaw ang pinakasalan niyan. Kung hindi lang kay Thon Thon talagang si papa Nate ang pipiliin ko." Sinamaan ko ng tingin si Alyx matapos sabihin iyon. Baliw talaga.

"Hey, Light." Maikling bato niya.

"Kyaaa!" Nagtitili talaga sila at inalog alog pa ako. Mas kinikilig pa sila sa akin kaya naman nagkatawanan kami.

"Dummie, let's get married again." Hindi iyon tanong, isa iyong pahayag. Kaya naman halos magtatalon sina Alyx dahil sa sinabi nito.

"Kiliig!" Sabay sabay na sabi pa nila. Lalo na noong ngumiti ito. Napangiti na lamang ako at pakiramdma ko ay namula ang pisngi at tainga ko. Geez, Gabriel. Heck.

"I don't need those petty locks when you are already locked in my heart and soul." Hindi ko alam kung kikiligin ako o kikilabutan sa sinabi niya pero napatawa ako doon dahil talagang walang tigil sina Alyx na halos maglupasay na sa sahig dahil doon.

"Gago pards! Ayusin mo nga!"

"Ang cheesy powtek! Lover boy version two point zero!"

"Woohooo! Tapos lakas magsabi na ang korni namin pero siya naman palang lider!"

"Pards, how much sugar did you take in this morning?"

"Kilabutan ka sa sinasabi mo Nathaniel!"

"Incess paki-sapok nga itong asawa mo tatadyakan na kami oh!"

Nagkatawanan kami dahil sa mga boses noong lalaki sa background. Maging ako ay halos panaktan ng tiyan dahil doon.

Magapos noon ay may inabot din siyang liham at tinggap ko iyon mula doon sa isang empleyado.

Thon Thon appeared the last. He's smiling playfully.

"Mukhang joker, Alyx!" Natatawang loko ni Shana sa kaniya.

Nagkatawanan tuloy kami dahil doon. Tapos ay natahimik noong magsimula itong kumanta. Kahit loko loko si Thon Thon ay hindi mo maiiwasang sabihin na maganda ang tinig nito.

"'Cause I love her with all that I am. And my voice shakes along with my hands, 'cause she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again." Matapos ang linyang iyon ay lumitaw ang kaniyang dimples at halos hindi na makita nag singkit niyang mga mata.

"Palagi mo man akong inaaway mahal kita, Alyxandria Jane Fortaleza. Nakapaglock na tayo sa lugar na ito nang magkasama kaya hindi ko na uulitin. Para sa iyo." Nakangiting sambit niya at saka ibinigay iyong liham na nakarating kay Alyx mula sa empleyado.

Matapos noon ay may ipinakitang mga litrato nila mula pagkabata hanggang sa ngayon. Nagkakatawanan pa kami dahil doon at sinabing kukunin ang kopya noong bideo dahil sobrang cute nila noon.

Itinabi na namin iyong mga letter matapos naming basahin ng kaniya-kaniya.

Umalis na din kami doon at nagpasalamat dahil iyon ang sinabi doon sa hawak hawak ni Annicka. Hapon na hapon na talaga at kapag hindi pa kami kumilos ay paniguradong magdidilim na bago pa kami makarating kaya naman tumungo na kami sa may Tongyeong Excursion Ship Station.

Nang makarating kami doom ay may sinabi si Annicka.

"Girls, doom daw tayo sa isang ferry na para sa atin lamang." She said tapos ay naglakad pauna sa amin kaya sinundan namin siya at doon kami sumakay sa isang ferry na kanina pa pala kami hinihintay.

Sabik na sabik kaming tumuntong doon at agad din nagsimula ang pag-andar noon at dinama namin ang lamig ng hangin at ang ganda noong dagat. Nagkukuha din kami ng mga litrato dahil sa natatanaw namin.

"Ano kayang mayroon at bakit tayo pupunta ngayon doon? Sobrang biglaan." Sambit ni Shana.

"Tama! Baka may plano sila na kung ano." Imik naman ni Lian.

"Huwah kayong mag-expect ng kahit ano, masaktan kayo dyan eh." Natatawang sabi ni Alyx.

"That surprise video was enough though." Tiara commented we all agreed.

"Hmm. Pero makakapukaw talaga ng kuryosidad." Annicka said while thinking.

Imbis na isipin nang isipin iyon ay sinulit na lamang namin ang buong ferry at nilibot pagkatapos ay nanatili kami sa deck para magpahangin at para tanawin ang lugar na pupuntahan namin.

Dahil yata sa sobrang pagkasabik namin ay hindi na namin napansin ang oras at medyo madilim na talaga.

Hanggang sa makarating na kami. Dali dali kaming tumungo sa pag-babaan namin at nagulat kami noong may inilagay sa aming mga bulaklak sa kamay at itinali iyon. Iyon bang parang pang cotillion. Mas lalo kaming nagtakha dahil doon.

Nagsimula na kaming umakyat sa mga stairs at slopes ng lugar, kinukuhanan ko din sila ng mga litrato habang ginagawa iyon.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa may isang observatory platforms. Nagpahinga muna kami doon at napansin namin na walang katao tao maliban sa amin. Tapos tinanaw namin ang rainbow bridge na at nagulat kami noong may kung anong umiilaw doon.

"Girls, tara dali!" Natutuwang sambit ni Annicka.

Bago pa man kami makarating sa may rainbow bridge ay tumunog uli iyong hawak ni Annicka at biglang...

"Teka, pigil ni Annicka sa amin. Ang weird nito oh. Ang sabi umuna daw ako?" Tiningnan namin iyong nakalagay doon. Sabi doon mauna daw maglakad simula ngayon iyong may hawak noong parang iPad. Nagkibit balikat kami at hinayaan si Annicka na mauna.

Malapit na kami sa rainbow bridge nagulat kami noong may tila mga parang chirstmas light na kulay parang orange ang nakalagay doon gumabagabay sa daan. Nalingon sa amin si Annicka at napatutop ang bibig. Kaya pala walang tao maliban sa amin. Napangiti kaming lahat kay Annicka.

"Oh my gee. Ang ganda..." Namamanghang komento pa ni Alyx habang naglalakad kami sa mah rainbow bridge. May mahinang instrumental sounds pa kaming naririnig sa nakakabit na speaker sa tulay.

Sobrang marahan kaming naglakad doon at hindi makapaniwala sa nakikita.

Sa sobrang pagkamangha namin sa lugar at sa tunog ng piano na naririnig namin ay hidni namin napansin na nasa dulo na kami.

Sinundan lamang namin si Annicka na may natanggap na naman na mensahe mula sa hawak hawak niya doon. Kami nagtungo sa may green house. Hindi kami makapaniwala sa nadatnan.

Punong puno nang napakaraming ilaw ang loob noon at mas naging malinaw ang tunog ng piano. Pagkatapos ay mayroong mga babae na lumapit sa kinatatayuan namin para suotan kami ng parang bulalaklak na korona.

Maluha luha na si Annicka sa nangyayari maging si Lian at Alyx ay ganoon din. Nagtaggal kami ng bahagya doon dahil sa tanawin, hindi ko kinalimutang kuhanan nang mga litrato si Annicka, maging si Alyx at Lian pati si Shana at Tiara.

Dumiretso naman kami ngayon sa labas ng greenhouse at isa lamang ang masasabi ko. Natatangi din ang ganda noon. Maraming dahon at bulaklak at madadama mo din abg haplos ng malamig na hangin at ganoon din ang kakaibang pakiramdam na tila naghahatid ng mahika.

After that we walked on the camellia tunnel. Sobrang ganda ng paligid may mga katutubo pa lamang na camellia at iyong mga ikaw ay para bang mga alitaptap na lumulutang dahil sa kakaibang tingkad at ganda noong daan.

Idagdag mo pa na mayroon nakakalat na rose petals sa may dadaanan mo. Noong lumigon sa amin si Annicka ay lumuluha na ito sa saya. Napayakap tuloy si Alyx sa kaniya dahil maging si Alyx ay naging emosyonal sa nangyayari ngayon.

Parang nakakablanko ng utak at tanging pananabik lamang ang mararamdaman mo.

Naglakad kami doon habang nauuna si Annicka, hinayaan nga namin na sobrang layo na ni Annicka bago kami sumunod. Nakarating kami sa Amphitheater. At halos lahat kami ay napasinghap sa nadatnan.

Iyong mga kandila ay nakalagay sa buong lugar na nagpatingkad at nagpaganda dito. Dahil may pagka-paikot ang Amphitheater ay nagkalat doon ang mga kandilang kulay kahel. Pagkatapos ay may hugis puso pang pumorma sa mga gitna noon na makikita mong talaga dahil sa kulay pulang ilaw na ginamit doon.

Hindi lamang iyon ang nakapagpasinghap sa amin kung hindi maging iyong mga lumalapit na bata kay Annicka na nagbibigay sa kaniya ng kulay pulang rosas. Sampung bata iyon at sampu din ang natanggap ni Annicka. Walang mapagsidlan ang kaniyang saya kaya naman tumutulo ang kaniyang mga luha.

Wala akong ginawa kung hindi kunan ng litrato iyon at ito namang mga kasama ko ay nagsisinghutan na din dahil sa matinding bugso ng damdamin para sa kaibigan.

Matapos namin noon ay muli nakatanggap ng mensahe si Annicka at sinundan namin siya. Papunta sa kung saang lugar.

Habang papalapitnkami nang papalapit doon ay kinakabahan din kami sa matinding pagkasabik. Wala na ngang makapagsalita sa amin dahil parang may nakabarang matinding emosyon sa aming mga dibdib.

Natanaw namin ang rose tunnel na punong puno nang puting maliliit na ilaw. Pagkatapos noong nasa bakuna na kami noon ay nakita na din namin ang mga kandilang nasa semento at maging ang nakakalat na rose petals.

Marahang tinahak ni Annicka ang lugar na iyon at mas lalong naging klaro ang napakagandang musika na pumupuno sa aming mga tainga. Nakakamangha. Napakaganda. At talagang pinaghandaan.

Patuloy si Annicka sa paglalakad. Kinunan ko ng litrato ang kaniyang likod at nasaktuhan din noong humarap siya sa amin. Naiwan kami sa bakuna noong tunnel dahil ayaw na naming makagulo sa mga nangyayari.

Tanaw na tanaw pa din namin si Annicka na tumigil sa gitna at doon ay may pigurang naglalakad nang marahan papalapit sa kaniya.

Sabik kaming naghihintay sa mangyayari dahil napakaganda ng patutunguhan nito...

Nang tuluyan nang makalapit iyong pigura at bigla itong lumuhod at may parang binuksang box, at nagulat kaming lahat noong sumigaw si Annicka at maging iyong lalaki na napatayo pa sa gulat.

Anong nangyayari?

Bago pa kami makalapit ay nauna na si Alyx at may sinabi pa siya noong lampasan ako. "Hindi si Skyler iyon." Sabi niya.

Dali dali kaming sumunod sa kaniya at noong makalapit na kami ng tuluyan ay nagulat kami sa nasaksihan.

"THON THON!?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Alyx.

"A-Alyx?" Hindi makapaniwalang amang naman nito noong makita ang nobya. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pagkalito.

Mabilsi ay sumulpot na din iyong mga lalaki na nanlalaki ang mga maga at hindi maintindihan ang ekspresyon.

"Omygad, omygad..."'Napapaypay pa si Alyx sa sarili dahil hindi ito makapaniwala sa nasaksihan. Napansin ko din na mas lalong nanubig ang mga mata niya pagkatapos ay galit na pinagsusuntok sa dibdib si Thon Thon.

"Damn you, Thon! Kaya pala ganoon ka! Kaya pala noong nasa Jeju tayo ang saya saya mo lagi kapag may kausap ka sa cellphone! Kaya pala nanlalamig ka na sa akin! Ang sama sama mo! Matatanggap ko pa kung ibang babae iyan, pero bakit si ANNICKA!?" Hindi magkaintindihang bulyaw ni Alyx.

"Kaya din pala ganun ka na kay Skyler, Annicka! May relasyon pala kayo ni Thon Thon! At ngayon sa harap ko pa magaganap ang proposal ninyo?! Ang sasama ninyo! Hindi ninyo na isinalang-alang iyong nararamdaman ko!" Sigaw pa niya habang umiiyak dahil sa sobrang pagkabigla ay napa-upo siya sa mga paa at saka bumuhos nang tuluyan ang mga luha.

"Pinagpalit mo na pala ako! Sana noon mo pa sinabi hindi iyon ganito..." Dagdag pa niya.

Iyong mga lalaki naman ay napansin ko... tatawa tawa?

Agad ko silang nilapitan dahil doon. Samantalang sina Lian ay nilapitan si Alyx para kalmahin pero nagpupumiglas ito. Si Annicka naman ay nanatiling nakatayo at hindi alam ang gagawin. Nalilito sa nangyayari.

"Damn pards. Sabi ko sa inyo mangyayari ito eh." Iiling iling na sabi ni Tim Tim.

"Hayup! Pusta ninyo nasaan na? Panalo ako!" Tatawa tawang imik pa ni JJ na siyang ikinakunot noo ko.

"Shh! Huwag nga kayong maingay!" Saway naman ni Kurt.

Napasipol naman si Gab Gab sa nangyayari. Si Skyler naman ay agad na dinaluhan ang nalilitong si Annicka.

Itinayo ni Thon Thon si Alyx at noong magsasalita na sana ito ay isang matunog na sampal ang natanggap niya. "May pa video-video ka pa dyan! Tapos gaganituhin mo pa ako. May pasabi sabi ka pa dyan ng mahal mahal sa letter, si Annicka naman pala ang gusto mong makasama. Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na sa iyo!" Hagulhol ni Alyx.

"Teka sandali naman cutiebabes—"

"Cutiebabes!? Cutiebabes mo mukha mo!" Nanggagalaiting saad pa nito.

"Alyx—"

"Ayoko na ayoko na! Hiwalay na tayo—" Hindi na naituloy ni Alyx ang sinasabi niya noong bigla siyang halikan ni Thon Thon, hindi ko alam pero imbis na magtanong ako ay bigla ko silang kinuhanan ng litrato.

Narinig ko din ang matunog na pagngiti ni Gab Gab dahil doon.

Napalingon ako sa ibang babae na nakasama na din pala iyong ibang lalaki at medyo lumayo kami kayna Alyx at Thon Thon at si Annicka at Skyler naman ay ganoon din. Annicka was left speechless though.

Noong matapos ang halikan ni Alyx at Thon Thon sa harap namin ay nagtanong si Annicka kay Skyler. "Anong nangyayari?" She whispered. Imbis na sagutin ay itinuro ni Skyler si Alyx at Thon Thon na para bang sinasabi na panuorin namin.

"Alyxandria Jane Fortaleza. This whole thing is for you, not for Annicka." Simula ni Thon Thon na siyang ikinagulat namin. Pero... the whole time, we thought, it was Annicka. What happened?

"Damn, baby. Bakit ang shonga shonga mo pa din?" Natatawang tanong pa nito kay Alyx. Agad siyang nabatukan ni Alyx dahil doon.

"Ikaw ang shonga diyan! Sabi doon sa parang tablet eh, doon daw sa may hawak noong tablet! Si Annicka may-ari noon ah!" Sigaw pa ni Alyx kay Thon Thon habang umiiyak. Pinunasan ni Thon Thon ang mga luha niya.

"Sa damitan mo ko iyan iniwan panong kay Annicka?" Loko loko din talaga itong si Thon Thon, sumabatan pa daw si Alyx. Loko.

"Ha? Naka'y Annicka kaya!" Dahilan pa ni Alyx.

"Teka nga, parehas kayo ng closet ni Annicka ah, nasa taas iyong iyo, nasa baba iyong kay Annicka. Tss! Nalaglag siguro." Kontra naman ni Thon Thon kaya't natahimik si Akyx. Napatango tango din ako dahil naglaro kami kahapon sa bahay siguro ay nadanggil namin iyon kaya nalaglag.

"Bakit kasi hindi lagyan ng pangalan?" Asar na sambit ni Alyx.

"Surprise nga eh, surprise!" Katwiran naman ni Thon Thon.

Natatawa talaga ako sa kanilang dalawa. Even though the atmosphere is romantic, with them its humorous. Parang walang nagaganap na proposal. Mga baliw kasi. Gagawa lamang ng surprise iyong epic fail pa.

"Nakakainis ka! Akala ko tuloy si Annicka." Malungkot na sabi ni Alyx.

Thon Thon hugged her and kissed her forehead. I captured the moment. "Ikaw ang mahal na mahal ko, tapos ipagtutulakan mo ako kay Annicka. Utak nga cutiebabe." Natatawang saad nito.

"Nakakainis. Nasira iyong napakaganda kong proposal sa iyo." Dagdag pa niya. Nakakatuwa na parang wala kami dito kung magmomento at mag-usap sila, kaya nga halos lumayo na kami nang sobra sa kanila.

"Pero nandito na, ituloy ko na." I don't know but although Thon Thon's a natural joker, when he said that line... He meant it. It was so pure, so sincere, so intense. Para nabago ng mga salitang iyon ang mood ng buong lugar.

Marahang lumuhod si Thon Thon.

"Alam ko loko loko ako, alam ko lagi tayong nag-aaway, pero Alyx, ikaw lang ang minahal ko nang ganito. Sayong sayo na ang puso ko simula nang araw na mabihag mo ito. Hindi ko na kayang pakawalan ka, kaya gusto ko maging akin ka na nang tuluyan. Iaaalay ko ang puso't kaluluwa ko sa iyo habang buhay kaya... Inaalok kita para maging ganap kong asawa... Para maging kabiyak ng buhay ko... Para maging misis ko, para maging ina ng mga anak ko... Para maging Reyna ko..." Doon ko nakita ang luha ng kasiyahan kay Alyx at maging kay Thon Thon. Mabuti na lamang at hindi pumiyok ang isang iyon habang sinasabi iyon habang lumuluha.

"Alyxandria Jane Fortaleza... Will you marry me?"

Tumango tango si Alyx at saka marahang hinawakan ang pisngi ni Thon Thon. Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito at saka bumulong dito. "I will." She stated heartily.

Iyon ang naging hudyat ni Thon Thon para halikan siyang muli at buhatin.

I captured their moments like Shana and JJ's. At walang kapantay ang sayang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"I love you. Mahal kita. Wǒ ài nǐ." Thon Thon said mellowly.

"I love you too. Mahal din kita. Wǒ yě ài nǐ." Alyx answered sweetly.

Matapos noon ay isinuot ni Thon Thon ang singsing kay Alyx at nagyakap silang muli. Ang magical. Sobrang magical.

"Nakakainis ka! Si Annicka tuloy naka-experience noong mga roses roses at mga lakad lakad." Sumbat pa ni Alyx, kaya nagkatawanan kami. Inabot naman ni Annicka iyong roses kay Alyx.

"Hala Alyx sorry." Sinserong paghinga pa nito ng paumanhin.

"Ano ka ba, maayos lamang Annicka." Totoong wika naman ni Alyx, at saka sila nagbeso.

"Ako nga ang nag-aalala sa iyo kasi baka na dismaya ka kasi akala mo si Skyler na tapos..." Biglang humina ang boses ni Alyx at halata mong bigla itong nalungkot dahil kay Annicka.

"Who told you na that my baby Hera will be disappointed?" Nagulat kami noong sumulpot si Skyler at biglang hinigit si Annicka patakbo. Agad kaming napasunod sa kanila at pumunat silang amphitheater.

Agad dinala ni Skyler si Annicka sa may maliit na tila bahay doon at halos mapasinghap kami noong lumuhod ito sa isang tuhod at ngumiti kay Annicka.

"Hindi ito ang araw na dapat luluhod ako sa harap mo. Hindi ko din plinano ang bagay na ito. Pero nang makita kitang nalulungkot dahil sa pagkadismaya na hindi ako ang lumabas sa rose tunnel, nakaramdam ako ng kakaiba. Ayoko. Ayoko na makita kang ganoon. Hindi ako papayag na makita ka nang ganoon. This maybe sudden, but my love for you is everlasting and never sudden... Annicka Hera Williams. Will you be my bride when I say 'I do'?" Hindi ako makapaniwalang makita na bigang tumulo ang isang luha sa mga mata ni Skyler.

Annicka hugged him and kissed him after his question, and I guess that's already the answer.

"Ibang klase! Nang-agaw ng moment!" Narinig naming imik ni Thon Thon kaya bigla kaming naghalakhakan.

"Kasalanan ng epic fail mong plano!" Sabay sabay na sabi namin sa kaniya na siyang ikinatawa naming lahat.

"Handang handa si Sky." Napalingon kami kay Kurt noong sabihin niya iyon. At saka niya kami isinenyas doon sa dalawang nasa baba.

May isinuot na singsing si Skyler kay Annicka na mula sa may kwintas niya. Napangiti ako dahil mukhang matagal nang nasa isip ni Skyler ang bagay na iyon kaya mayroon siyang singsing na laging suot.

After their magical and surreal moment, pumunta sila sa amin.

"Double wedding na ba ito?" Pang-aasar ni Lian.

"No, make it triple." Nagulat silang lahat noong magsalita si Shana at itaas ang kamay na mayroong singsing.

"WHAT!? ENGAGED KA NA AT NAUNA KA PA SA AMIN?!" Sabay na sabi ni Annicka at Alyx hindi makapaniwala sa nakikita.

"Takte JJ! Anong klase ka!" Agad dinambahan ng mga lalaki si JJ dahil doon. "Ikaw ang tunay na hokage!" Dagdag pa ni Thon Thon na siyang ikinatawa naming lahat.

"Kupad ninyo eh." Natatawang sagot naman ni Jj.

Napuno ng masayang tawanan ang buong lugar at nakakatuwa na tatlo na silang malapit nang ikasal. Mukhang balak na talagang lumagay sa tahimik ng mga ito. Walang mapagsidlan ang aking kasiyahan para sa kanila.

"Humahabol na din sila sa atin." Natatawang bulong ni Gab Gab sa akin. Sinikmuraan ko siyanng pabiro dahil doon.

"Ano pang ginagawa natin dito? Let's go celebrate the three engagement!" Masayang wika ni Lian kaya naman dali dali na kaming pumunta sa barkong sasakyan namin para makapunta sa inihanda nilang hapunan.

"One of the best nights ever." I whispered to Gab Gab. "Something magical happened." I told him he chuckled.

***

To be continued...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
20.1K 486 156
My thoughts of you that you don't know. Now I'm in reverie. Daydreams, musings and trances of you. Wishing that someday... Someday you'll ever know...
Dysfunctional Door Zamiel

Mysterie / Thriller

88K 5K 61
A girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's...
207K 4K 21
Revamped version completed