Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 02: THE PROPOSAL

243K 3.5K 397
By altheadelarama

Chapter Two: THE PROPOSAL

CHRISTINE POV

Agad kong tinanggal ang helmet ko ng makapasok ako sa basement ng modern type mansion pati ang earphone sa tenga ko, ilang identity recognition din ang dinaanan ko bago tuluyang nakapasok. Mahirap na, sa sitwasyon namin ngayon, kailangan namin magdoble ingat.

Pumasok ako sa elevator at pumunta sa third floor kung saan naghihintay sya sa akin. Medyo napainat pa ako ng kaunti, mukhang kailangan ko nang magexercise.

Naabutan ko si Akagi na nagwawala sa katatawa habang nakaupo sa couch at pinapanood ang balita tungkol sa nangyaring gulo kanina.

“It’s like watching Power Rangers again in Gangster Version hahahaha,” at tumawa ulit ito habang pinapalo ang couch.

“Shut up!”

He’s Akagi Rozenburg, Lyra’s personal assistant at nalaman ko na ito din ang humahawak ng mga accounts nya at properties nung oras na nagkaamnesia ito. Hindi rin nito inalam ang tungkol sa pagkawala ni Lyra noon dahil siguro nasanay na din sya na bigla-bigla na lang itong nawawala at susulpot na lang kung kailan nya gustuhin…

Well, that’s Lyra for sure…

“I didnt expect that one… sa dinami-dami ng pwede nyang patugtugin para maagaw ang atensyon ng lahat ay iyun pa talaga… para tuloy akong bata kanina” saka ako padabog na naupo.

Sino ba naman kasi ang Baliw na matutuwang marinig ang kanta ni Eric Martin na Mighty Morphine Power Rangers sa gitna ng gulo at tension?

Isang Baliw lang ang makakagawa nun at yun ay walang iba kung hindi si Lyra. Siguro mas mabuti na din yun kesa naman sa Dora ang pinatugtog nya o kaya Banana’s in Pajamas…

“Everything happened according to her plan…” saka ito seryosong tumayo at hinarap ulit ang laptop nito.

One more thing, he is a computer addict, minsan matutulog na lang sya o pupunta sa banyo, may dala-dala pa syang PDA o kaya ay laptop.

Yeah, according to her plan at isa na ito ngayon…

She expected that scene kaya naman agad nya akong pinapunta doon to stop the chaos of course, bilang substitute Bloody Maria. Since kayang-kaya kong gayahin ang mga galaw nya, walang makakapansin kung ako ba ang totoo o peke. Wala din naman ibang nakakakilala sa totoong sya.

As long as I have this Virgo tattoo at my back, madali na ang magpanggap. Good thing at kinagat ng lahat ang palabas na iyon, inakala talaga nila na si Virgo o Bloody Maria ang pumigil ng gulo.

Paano nga kaya kung malaman nila na hindi naman talaga si Lyra yun kundi ako?

ayoko ng isipin...

But I didn’t expect na ganoon karaming gangsters ang maglalaban-laban at aaminin ko, nahirapan ako, lalo na dun sa naisip nyang pakulo na kahit ako ay natatawa na ngayon pag naiisip ko ito.

Mighty Morphin… ahhh shit! LSS attack.

Mas lalo ko tuloy napapatunayan na nagbalik na talaga sya dahil sa mga kabaliwan nyang yan…

After na makita nila ang tattoo sa likod ko, may mga nagulat at natulala, syempre, karamihan nahuli ng pulis at military. Kung nagkataon na hindi agad ako nakaalis, mas lalong lalaki ang gulo na ito at baka hindi lang mga Apostle at Helena Gang ang kalaban namin kundi ang buong mundo.

Napatingin naman ako sa suot ko, oo nga pala… inihagis ko yung damit ko kanina sa mga nakatulalang lalaking mga yun. Tumayo ako at kumuha ng damit para magbihis.

Iba talaga ang dating nya sa lahat, ang epekto ng isang Bloody Maria.

“Where is she?”

“Vacation?”

For the nth time? Seriously? Hanggang kailan ba balak ni Lyrang magbakasyon? Everytime I ask her whereabouts, vacation lang ang laging sinasagot sa akin ni Akagi. If I know, hindi nya din alam kung nasaan ang magaling kong bestfriend at tatawag lang yun pag may ipapagawa, katulad ngayon.

Iniikot ni Akagi ang swivel chair nya paharap sa akin, saka inihagis ang isang mini envelop.

“The first plan is for them to know that Bloody Maria is not dead…”

That’s the first plan, and because of that, siguradong mababawasan ang gulo dahil alam nila na pipigilan sila ni Virgo kaya wala munang maglalakas loob na gumawa ng gulo dahil bumalik na ang kinatatakutan ng lahat.

Everyone knows na ayaw ni Bloody Maria sa gang war at kung sino man ang mag-umpisa nito, inuunahan na nya. Kung bakit, hindi ko din alam. She’s the queen, alam naman ng lahat na kayang-kaya nyang manalo pero ang ayaw nya ay hindi pwede, batas na yun sa mga gangster katulad namin.

“But of course, that is not enough that’s why for the second plan… we will prepare for her comeback”

Tiningnan kong mabuti ang inihagis nya sa akin, isa itong invitation sa isang party…

Masama ang kutob ko dito.

MONTENEGRO MANSION

SKYE POV

“Prime, where’s King?”

“Alam na nya…”

Napatingin ako sa plasma TV na ngayon ay sirang-sira na, kung ganun… napanood pala nya ang balita. Hindi lang yun, may mga pictures din na nagkalat sa sahig na para bang pinapaalam talaga na bumalik na nga sya.

Damn!

Agad akong nagpunta dito sa mansion nila para masabi kay King ang nangyaring gulo at pagpapakita ni Bloody Maria at syempre, kung anong magiging reaction nya dito.

After all this years, matapos nyang paniwalain ang lahat na patay na sya, babalik sya? Bakit? Bakit ngayon lang?

Ano kayang pinaplano nya?

“Relax Skye…”

“Relax? Paano ako magrerelax ngayong bumalik na sya…”

Alam ng lahat kung ano ang kayang gawin ng isang Bloody Maria at kung gaano sya kalakas. Now that she is back, hindi na magiging madali ang lahat at ibig sabihin din nun, one of these few days, haharapin na namin sya.

Go signal lang ni King ang kailangan at isang malaking labanan na naman ang magaganap at hindi ko alam kung makakaya namin yun. Pero sigurado din naman ako na hindi magpapadalos si King sa desisyon nya, that one year na nawala si Lyra, sobrang laki ang pinagbago nya.

Aaminin ko, kahit ako kinakabahan o natatakot ngayon palang na napanood ko sya sa TV, how much more kapag kaharap ko na si Bloody Maria?

Hindi ko nga alam kung papaanong nakakapagrelax ng ganito si Prime ngayon nagbalik na ang Queen of the Gangsta.

“Yan ang plano nya, gusto nyang matakot ang lahat at itigil ang gulo sa pagbabalik nya but of course, hindi yun sapat para pigilan ang gulong ito”

“What do you mean?”

Inilapag ni Prime ang newspaper na binabasa nito saka tumayo at naglakad papalapit sa akin.

“Maybe her tactics will work sa mga mahihinang gangsters, pero hindi nya matatakot ng ganun ang mga Apostles, mas lalo lang silang maeexcite sa pagbabalik nya”

Tama sya, ang malaman palang ng lahat na bumalik sya, takot na agad ang mararamdaman mo pero syempre, sigurado ako na hindi lang iyon ang plano nya…

“Kung ganun, plano nyang magpakilala sa lahat”

“Yun ang iniisip ko, pero paano? Paano nya gagawin yon?”

Paano nga ba? She’s Bloody Maria, siguradong may pakulo sya sa pagpapakilala nya. Kung ano yon, hindi ko din alam.

DEATH MONARCH HEADQUARTER

EIJI POV

“Eiji”

Napalingon ako kina Pierre na pumasok sa kwarto ko, based sa itsura nila ngayon, mukhang napanood din nila sa TV ang nangyari.

So Bloody Maria is back…

What happened sa market proves kung gaano katalino at galing ang Queen of the Gangsta. Hindi nya lang ito ginawa para pigilan ang nagkakagulo sa lugar na yun but to give warning sa lahat.

Using a national TV and other media, ang paginvolve sa authority, it shows how powerful she is. Nagpakita sya sa lahat para magbabala sa mga taong gustong magsimula ng gulo.

Although hindi ko gusto yung part ng Mighty Morphin Power Ranger. It shows na minamaliit nya ang mga gangster dahil sa mga pakulo nya na pang-isip bata.

“Should we tell it to Klio?”

Nagkatinginan pa kami sa tanong ni Noah, of course kailangan nyang malaman ang tungkol sa bagay na ito pero hindi sa ngayon.

Ang totoo nyan, medyo naguguluhan ako dahil possible din na hindi naman talaga si Lyra ang pumigil ng gulo kundi si Christine, the copycat pero masyadong matalino ang pagkakaplano nito.

Hindi kaya, magkasama silang dalawa?

“That’s not a good idea…”

“Pero tungkol ito sa kapatid nya…” si Haruna.

“I know, hindi ko naman sinabi na wag nating banggitin ito sa kanya but then, tonight is a special night kay Klio at makakasira lang kung sasabihin natin ito sa kanya ngayon… maybe tomorrow will do”

Alam namin lahat kung ano ang mangyayari ngayon gabi. It’s a special day kay Klio na ilang buwan nya ding pinaghandaan at ayaw naman naming masira iyon dahil sa gulong ito.

“Tama ka…”

“Ako ng bahalang magsabi sa kanya…”

AMBER POV

Ilang beses na akong patingin-tingin sa cellphone, mas pinoproblema ko pa ang posibleng pagtawag ni Z kesa sa damit na suot ko o sa itsura ko para sa dinner namin ni Klio.

Damn it!

Kinakabahan ako, paano kapag nalaman ito ni Klio? Hindi ko na alam ang gagawin ko, dapat siguro noon pa sinabi ko na sa kanya ang totoo, dapat noon pa, humiwalay na ako sa kanila.

Tiningnan ko ulit ang phone ko, it’s already 8 in the evening at wala pa akong narereceive na message or call galing kay Z simula ng huli naming pag-uusap. Mas maganda siguro kung ako na mismo ang kumausap sa kanya kesa maghintay sa kung ano pamang iuutos nya o sasabihin.

“Shit…”

Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko sa pagkabigla ng mag-ring ito. Tiningnan ko agad ang caller, it is Klio.

He invited me sa for a dinner sa isang first class restaurant, medyo nagulat pa nga ako kasi hindi naman sya nagyayayang kumain kami sa labas, normally ako ang nagyayaya sa kanya.

Pumasok na ako ng restaurant at nakita ko syang nakatalikod sa akin, mukhang may sinasabi sya na kung ano pero hindi ko ito maintindihan.

Dahan-dahan syang lumingon sa akin at doon ko napansin na namumutla sya, mukhang kanina pa sya dito.

“You look beautiful, as always…” and he kiss me on my cheek.

“Ok ka lang? Namumutla ka…”

“Yeah…” at saka umiwas sya ng tingin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti at mapatitig sa kanya. Hindi kasi sya mapakali sa kinauupuan nya na para bang may pinoproblema sya na kung ano.

“Sigurado ka bang ok ka lang? Kung masama ang pakiramdam mo, pwede naman natin itong icancel-”

“No!”

Huminga sya ng malalim at saka tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko, ang lamig ng kamay nya at halata mong kinakabahan.

“This night should be the happiest night of my life at hindi ako papayag na macancel ito…”

Hindi ko sya maintindihan pero hinawakan ko din ang kamay nya, ngumiti pa sya sa akin.

“We’ve been together for so many years and I don’t think, I can live my life a single second without you”

Mas lalong humigpit ang kapit namin sa kamay ng isa’t-isa kaya mas lalo akong kinabahan. Alam ko kung ano ang susunod nyang sasabihin at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

I love him… walang duda yon, but I don’t want to marry him na may isang malaking sikretong itinatago sa kanya. Ayokong magsinungaling pa sa kanya…

“Amber…”

Nakatitig lang ako sa kanya kahit sa loob-loob ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Please…. Please…. Do something about it…

Please…

 “Will you marry me?”

Pareho kaming napatigil ni Klio at natahimik, yung kaba sa dibdib ko, mas lalo pang nadoble ng marinig ko ang boses nya.

Anong gagawin ko?

“Will you marry me? Yun ang gusto mong itanong hindi ba?”

Nanatili lang akong nakayuko dahil ayokong makita ni Klio ang reaction ng mukha ko sa oras na makita ko ang lalaki na nasa tabi namin ngayon.

“Ang dami mo pang paligoy-ligoy, will you marry lang hindi mo pa maderetsyo…”

Hinila ni Klio ang kamay nya mula sa kamay ko pero hindi ko ito binitawan. Kilala ko sya, alam ko na nagtitimpi lang ng galit si Klio sa kanya at mas masama ang mangyayari kapag inilabas na nya ito.

“Hindi ka man lang ba magha-Hi sa kaibigan mo, Amber Halmington? I heard that you're the best fashion designer and moder in Paris”

Bakas ang gulat sa mukha ni Klio ng tumingin sya sa akin at alam ko na marami syang tanong. Huminga muna ako ng malalim saka ko hinarap ang tao na kanila ko pa pinoproblema.

“Hi”

Napansin naman nito ang paghigpit ng kapit ko sa kamay ni Klio na nakapagpakunot ng noo nya.

 


Hinila na ni Klio ang kamay nya sa akin at tumayo sa harap nya. Inayos p kailangan a ni Klio ang coat nya bago nagsalita…

“Hindi ko ang presensya mo dito, kaya umalis ka na…”

“Bakit nasira ko ba ang proposal mo?”

With that, tumayo na din ako at hinawakan si Klio. Alam ko na hindi sya magdadalawang isip na saktan sya o gumawa man ng gulo dito.

Napatawa si Klio at mas lalo pang lumapit sa kanya…

“Actually no… dapat pa nga akong mag-thank you sayo dahil mas pinadali mo ang lahat and anyway, I’m glad na tinanggap ng fiancé ko ang proposal ko. Silence means yes, right babe” at saka ngumiti si Klio sa akin.

Napangiti na lang ako sa kanya kahit na alam ko na naiinis o mas madaling sabihin na nagagalit na si Klio pero pinipigilan nya lang.

“Besides, kailangan ko din ng witness…”

At saka kinuha ni Klio ang isang maliit na box sa bulsa nya at inilabas doon ang singsing at isinuot sa kamay ko.

“It’s official” sabay pakita ng kamay namin na nakaintertwined sa isat-isa. “Now if you don’t mind, magcecelebrate pa kami”

Saka nya ako hinila palabas ng restaurant habang ako ay nakatingin lang sa lalaking naka sunod din ng tingin sa aming dalawa.

KLIO POV

“Fuck!”

Sino ba sya sa akala nya? He doesn’t know kung gaano ko katagal pinag-isipan ang proposal na ito tapos sisirain nya lang? Huwag lang talaga kami magkikita ulit kung hindi mapapatay ko sya.

No, mas mabuti yata na ipahanap ko sya kay Pierre at ng mapatay ko na talaga sya. Hindi na dapat talaga ako nagpigil ng galit kanina, dapat talaga winasak ko na ang mukha nun eh.

“Klio!”

“What?!”

Napatigil ako ng makita si Amber sa harapan ko, she’s worried of course. I don’t know kung kaibigan nya yung lalaking iyon but one thing is for sure, there’s something between them.

Yung mga tingin nya at pasulyap-sulyap kay Amber, I know there’s something between them.

“I’m sorry, hindi ko naman alam na darating sya eh. He’s my friend at...”

“It sucks…”

Haiz… ginulo ko ang buhok ko at medyo napapasuntok pa ako sa pader. Ano bang dapat kong gawin for this night to be special at makalimutan ko na ang nangyari kanina.

“What are you doing?”

Hinubad ni Amber ang singsing nya at iniabot sa akin, anong ibig sabihin nito? Ayaw na ba nyang magpakasal kami o baka naman may namamagitan nga sa kanila ng lalaking iyon? Dahil kung Oo, makakapatay talaga ako… papatayin ko ang lalaking iyon hanggang sa wala ng matira sa kanya.

 

Ngayon palang iniisip ko na kung papaano ko papatayin ang isang yon.



“Amber, I’m sorry if…”

“No, ako nga dapat ang mag-sorry sayo”

“Then about this” saka ko pinakita ang singsing sa kanya.

 


Tangina, ayoko ng ganito baka... arrrgghhh...




Serysoso lang syang nakatingin sa akin, kinakabahan ako. Ayokong isipin na iiwanan na din nya ako ngayong wala din si Lyra sa tabi ko. No, baka hindi pa lang sya handa…

Arggg… kasalanan talaga ito ng lalaking iyon, hindi kaya Ex nya yun?

“Let’s do it again… alam ko na hindi ka matatahimik because of what happened earlier kaya naman, let’s do it again Klio. I want to hear your proposal…”

Fuck! Bakit bigla akong nahiya sa sinabi nya? Bumabalik na naman yung kaba ko kanina sa restaurant. Uulitin namin? Parang nawala na sa isip ko yung prinactice ko kanina…

 

Pwede ba ang itanong nya ay kung papaano ko papatayin yung kaibigan kuno nya?



“Sigurado ka?”

Napakunot noo naman sya kaya lumapit ako at hinawakan ko sya sa mukha. She’s the most beautiful woman in the world, in and out kaya nga siguro sya ang nakakuha ng puso ko.





Huminga ako ng malalim, yung kamay ko sa mukha nya ay bumaba sa balikat nya hanggang sa waist. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya na halos wala ng space sa pagitan naming dalawa.



"Klio...."



"Ssshhh...."





Napapikit ako at nag-isip, nakasandal ang noon ko sa noo nya at damn it! I want to kiss her now, her rossy lips and take her somewhere else pero hindi yun ang importante ngayon.



Saglit pa kaming natahimik at nanatili sa ganoong posisyon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. She's not even a gangster, mafia or an Apostle but she got the power para pakabahin ako ng ganito.



"I will not ask for your hand but for everything you have... I want to own you legally same as for me. So take me as a whole Amber and I swear, whatever it maybe, I will be there not to be the cause of your pain but to be the reason for your every gain. I love you babe and that will never ends...






Will you marry me?"





AMBER POV

"Will you marry me?"



Parang gusto kong maiyak sa sinabi nya and without a thought bigla ko syang niyakap at mabilis na hinalikan sa labi.



"Yes Klio, I'll marry you..."



He smile at me and pull me back para halikan, mabilis na gumapang ang mga kamay nya sa katawan ko at bago ko pa namalayan ay nakapasok na kami sa kwarto.




Everything happen so fast, he lay me on the bed habang hindi parin nya inaalis ang mga labi nya sa akin. Para akong napapaso sa ginagawa nya and something in me asking for more....



Its not the first time that we did it but he always makes me feel like it is.



We both screaming our name while unbuttoning whatever it is and not to late till we both reach our climax.



Its 3 in the morning...



Nakatingin parin ako sa singsing na nasa kamay, this feeling na para bang isinecured o inangkin ka na talaga ng taong pinakamamahalan mo, i love it although sa isang banda, kinakabahan parin ako.



I eyed at Klio na nakadapa sa kama habang natatakluban ng kumot at mahimbing na natutulog.



Sa itsura nya ngayon, you wouldnt say that he used to be a Mafia Reaper, a Gangster or even an Apostle.




Kung nakikita lang din sana nila ang nakikita ko kay Klio, wala sanang magiging problema.





Kinuha ko ang mga damit ko saka tinungo ang banyo para magbihis. I decided na harapin na sila sa mas lalong madaling panahon, kapag ok na ang lahat, saka ko haharapin si Klio at sasabihin sa kanya ang totoo and I hope, I'm hoping na maintindihan nya ako.




Sakto naman na pagkalabas ko ng banyo, agad na lumiwanag ang screen ng cp ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan.



Unregistered number pero may idea na ako kung sino ito, this is my chance at sana magawa ko ng tama ito.




Dalawang minuto muna ang nakalipas bago ko narinig ang pagbulong nya. Kinakabahan ako sa poasibleng mangyari pero ito na yun....




"Lets talk...."





Huminga ako ng malalim bago sumagot, for Klio... gagawin ko ito at sana maintindihan nya ako sa oras na malaman na nya ang katotohanan.




"Yeah, lets talk... Z"

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
473K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
57.4K 785 2
ACTION | ROMANCE A K E M I Meet Akemi isang tahimik na babae at malamig kung tumingin. Bumalik sa pilipinas para hanapin ang mga pumatay sa kanyang m...