Back Off, She's Mine (Under R...

By GrayMaiden96

5.2M 151K 21.9K

I'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello. More

Prologue
Meet The Characters
Chapter 1: Attitude
Chapter 2: Sweet Voice
Chapter 3: Stranger
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: Dream Kiss
Chapter 6: Slave or Slave?
Chapter 7: New Classmate
Chapter 8: BACK OFF, SHE'S MINE
Chapter 9: Temporary
Chapter 10: Hug
Chapter 11: Jealous
Chapter 12: Dinner
Chapter 13: Bestfriend
Chapter 14: Behind his sweetness
Chapter 15: Complicated Feelings
Chapter 16: Brother
Author's Note
Chapter 17: Heart and Mind
Chapter 18: Her Savior
Chapter 19: Kiss
Chapter 20: Sweet Message
Chapter 21: Bracelet
Chapter 22: Blurred Image
Chapter 23: I Love You Too?
Chapter 24: His Sibling
Chapter 25: Last Kissed?
Chapter 26: Give Me One More Chance
Chapter 27: Blood Letting Username
Chapter 28: Yes or No?
Chapter 29: Tadhana
Chapter 30: Berdeng Utak
Chapter 31: Kiel is ?
Chapter 32: Danger
Chapter 33: He's Mine
Chapter 34: Conscience
Chapter 35: Love
Chapter 36: The New Girl
Chapter 37: First Love
Chapter 38: Daddy Drake
Chapter 39: Lucky Charm
Chapter 40: Step Sister
Chapter 41: Cold as Ice
Chapter 42: The Clash
Chapter 43: The Consequences
Chapter 44: The DNA Result
Chapter 45: Kidnapped
Chapter 46: The Dream
Chapter 47: Medical Result
Chapter 48: Difficult Choice
Chapter 49: The Truth
Epilogue
Author's Note

Chapter 50: Broken Heart

82K 2.1K 692
By GrayMaiden96


Kheana Zaila's POV.

Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko. Hanggang ngayon masakit parin. Sobrang sakit parin ang nangyari samin ni Drake, pero mabuti na din ito. Atleast! Sa pagpapalaya ko sa kanya may pamilyang mabubuo at kahit kailan hindi ako magsisisi.


"Ano ba talagang problema mo, Kheana Zaila! Ilang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo! Bakit nga ba?" pasigaw na tanong sakin ni Kuya.


"Anak! Kung may problema ka sabihin mo samin. Kami lang naman ang makakatulong sayo" pakiusap ni Mama sakin.

"Ma" sabi ko. Naramdaman ko ang namumuong luha sa mata ko.

"Ma, Wala na kami ni Drake" mangiyak-ngiyak na wika ko. Agad akong niyakap ni Mama pero si Kuya nakatingin lang sakin.

"Anong nangyari? Niloko ka ba niya ha! Sabihin mo sakin ang totoo. dahil hindi ako magdadalawang isip na bugbugin yung tarantadong yun!" Galit na wika ni Kuya.

"Kuya, wag kang magalit sa kan--At pinagtatanggol mo pa siya sa kabila ng ginawa niya sayo!" -Kuya.


"Kuya, naghiwalay kami dahil ito ang tama. Kailangan siya ni Khrysthelle at Zhyrus" sabi ko.

"Khrysthelle? Zhyrus?-Sino si Zhyrus?" Tanong ni Kuya.

"Ang anak nila ni Khrysthelle. Kuya, ginawa ko ito dahil gusto kong tuparin ang pangako ko kay Zhyrus.

"Anak? Seryoso ka ba sa sinasabi mo, Kheana?" Gulat na tanong sakin ni Kuya.

"Mukha ba akong nagbibiro, Andy?! Ang sakit-sakit na nga eh" irap ko sa kanya.

"All this time niloko ka lang niya? Pinaasa ka lang niya. Gago yung lalaking yun!" Patuloy niya, nakakuyom na ang palad nito.

"Andy naman! Nasasaktan na nga tong kapatid mo, pinangalandakan mo pang niloko't pinaasa siya" sita ni Mama kay Kuya.

Maya-maya pa ay lumabas na si Kuya. Sinundan namin siya ni Mama ngunit diretso lang ito sa paglalakad palabas ng bahay. Sumakay ito sa kotse niya dahil may binigay na sasakyan ang kumpanya sa kanya.

"Ma, baka pupunta si Kuya kina Drake" sabi ko kay Mama. Lumabas kami ni Mama at sumakay naman sa kotse nito. Sinundan namin si Kuya at tama nga yung hinala ko, Sa bahay ng Montebello ito pupunta.

Halos magkakasabay din kaming nakarating doon sa bahay nila Drake. Pumasok agad si Kuya sa bahay nila. Sasabihin ko ng bahay nila dahil magkapatid naman sila ni Drake.

"Andy?-anak" natuwa pa si Tita Dana ng makita si Andy.

"Nasaan ang magaling niyong anak?" seryosong wika ni Kuya kay Tita Dana.

"Kuya, Pwede ba. Umuwi na tayo. Wag kang gagawa ng gulo dito" pakiusap ko.

"Hayaan mo akong bigyan ng leksyon yang hinayupak kong kapatid, lagi nalang ikaw ang nasasaktan. Tarantado siya!" Gakit na wika nito. Nanlaki pa ang mata ni Tita Dana sa sinabi nito.

"What are you talking about? Bakit ka ba galit sa kapatid mo?" Nagtatakang tanong ni Tita Dana.

Maya-maya pa ay sabay-sabay kaming napatingin sa may hagdan, pababa na si Drake doon. Mukhang kagigising niya lang dahil sa ayos nito.

"Drake, Ano na naman to?" Pasigaw na tanong ni Tita Dana habang nakatingin ng masama kay Drake.


"I told you don't hurt my sister, but you did" galit na wika ni Kuya sa kanya. Nakakuyom ang kamao nito, kung wala lang siguro si Tita Dana sa pagitan nila malamang nasuntok na niya si Drake.


Hindi makapagsalita si Drake. Ako naman nakatingin lang sa kanila. Kinakabahan ako baka kung anong gawin ni Kuya Andy sa kanya.

"Ano? Hindi ka makapagsalita ngayon! Pinagkatiwalaan kita dahil kapatid kita, pero anong ginawa mo. Niloko mo si Kheana!" Halatang nanggigil si Kuya sa kanya.


"Magmula ngayon, huwag na huwag ka ng lalapit sa kapatid ko. Tandaan mo yan, Drake" Pagbabanta ni Kuya sa kanya sabay hila sakin palabas ng bahay nila.

"Pasensiya ka na, Dana" narinig kong sabi ni Mama kay Tita Dana.

Nauna na kami ni Kuya sa bahay, ilang minuto pa ay dumating na din si Mama.

"Ano ka ba, Andy! Nakakahiya kay Dana yung ginawa mo. Hindi mo nalang hinayaan na mag-usap si Kheazy at Drake!" Galit na wika ni Mama kay Kuya ng makarating na kami sa bahay.


"Bakit ba lahat nalang kayo kinakampihan yung gagong yun, siya na nga tong nanakit kay Kheazy. Natural! Magagalit ako dahil ayaw kong nasasktan ang kapatid ko!" Sagot naman nito kay Mama.

"Pero hindi parin tama yung ginawa mo!" Sagot ulit ni Mama sabay hawak sa sintido nito.

"Tama man o mali, wala akong pakialam! Sabi niya, humarap ito sakin.
.

"Ikaw! Huwag na huwag mo ng kakausapin yung hinayupak na yun! Nagkakaintindihan ba tayo?" Baling niya sakin.

"Kuya, Hindi mo naman naiintindih--Kheazy!" Sigaw nito kaya napahinto ako.


"Nagkakaintindihan ba tayo sa sinabi ko?" Seryosong tanong niya ulit. Tumango nalang ako. Pagkatapos nun umupo na siya sa couch. Nagkatinginan nalang kami ni Mama.

Naiintindihan ko naman si Kuya e' mahal lang niya ako kaya nagawa niya yun. Ayaw niya akong nakikitang nasasaktan. Pagkatapos ng nangyari nagpaalam samin si Kuya na may pupuntahan siya.

Maya-maya pa may tumawag sakin. Unknown number. Sinagot ko yon.

"I mish you, Tita Kheazy" Si Zhyrus yung nasa kabilang linya.

"Dalawin mo naman ako dito sa bahay, Tita" Pakiusap ni Zhyrus sakin.

"Ok, I'll be there" sabi ko bago pinatay yung tawag niya. Napatingin sakin si Mama.

"Sigurado ka ba na pupuntahan mo si Zhyrus? Anak, Alam kong nasasaktan ka parin" sabi ni Mama.

"Ma, Magiging ok din ako. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Masakit man pero kailangan kong gawin to" paliwanag ko. Tumango lang ito.

Pagkatapos kong nagbihis ay nagtungo na ako sa bahay nila.

"Pa, nandito po pala kayo" tanong ko.

"Oo. Kasi walang kasama itong si Zhyrus eh" sagot ni Papa.

"Tita, How are you?" Malambing na tanong sakin ni Zhyrus.

"I'm ok. How about you? Natutulog ka ba ng maayos?" Tanong ko. Tumango ang bata.

"Minda, kunin ko muna si Zhyrus, may pag-uusapan lang kami ni Kheazy" sabi ni Papa. Agad namang kinuha ni Nay Minda si Zhyrus at pumasok sila sa kwarto.

"Pa, Bakit po? Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko kay Papa.

"Nagpunta ako sa Hospital kanina, nag-usap kami ni Khrysthelle, dalawin mo daw siya doon dahil may importante daw siyang sasabihin sayo" sabi nito.

"Sige po" sabi ko.

Pagkatapos nun dinalaw ko si Khrysthelle sa hospital. Pagdating ko doon, bigla nalang siyang naiyak.

"Kheazy, bakit mo naman ginawa yun? Bakit mo hiniwalayan si Drake? Mahal na mahal ka niya. Tanggap ko naman na hindi na kami magkakabalikan e' hindi ako yung mahal niya" Naiiyak na wika nito.


"Khrysthelle, Tama na. Ginawa ko yun dahil una palang alam kong ikaw na ang mahal niya at hindi ako" masakit man sabihin yun pero wala akong choice. Pinigilan ko ang luhang kanina pa nangingilid sa mata ko.

"Pero-Khrysthelle, Totoo yung sinabi niya. Ikaw ang pinili ko dahil-kailangan mo ako" Lumapit siya kay Khrysthelle at hinalikan siya sa noo. Huminga nalang ako ng malalim. Ang sakit. Ang sakit-sakit na nakikita siyang may hinahalikang iba na dapat ako yun.

Paulit-ulit nalang ba akong iiyak? Please lang. Tama na. Durog na durog na ang puso ko.

"Siya na pala, Kheana. Salamat sa pagbisita dito" baling ni Drake sakin. Tinignan ko ang mga mata nito, may lungkot.

"Walang anuman. Aalis na ako" paalam ko ngunit nahagip ni Khrysthelle ang kamay ko.

"Maraming Salamat, Kheazy" Nakangiting wika nito sakin. Pinilit kong ngumiti kahit mahirap.


Lumabas na ako ng kwarto niya habang tumutulo ang luha ko. Hindi ko pala talaga kaya. Ang weak ng puso ko. Napaupo nalang ako sa bench.

"Ehem! Ehem!" Agad kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang fake cough ni Drake. Hindi ko namalayang sinundan niya pala ako.

"Alam kong iniiwasan mo ako dahil sa sinabi ni Andy. Huwag kang mag-alala. Ngayon nalang tayo mag-uusap-meron lang akong gustong sabihin sayo" sabi niya, hindi ko siya pinansin. Naglakad ako palabas ng Hospital.

"Kheana, Pakinggan mo muna ako bago tayo tuluyang maghiwalay" pagmamakaawa niya kaya huminto ako.


"Magsalita ka na" sabi ko habang nakatalikod. Hindi ko na kasi kayang humarap dahil naiiyak na naman ako.


"Ganun nalang ba talaga kadaling kalimutan ang lahat? kaya ko namang maging fair ang sitwasyon, Kheazy. Bakit nagparaya ka agad? Hindi ako handang mawala ka sakin. Nakikiusap ako huwag mong gawin sakin to, Kheazy" ramdam ko ang lungkot sa boses niya


"Tapos ka na ba?" Mahinang tanong ko.


"Hindi pa. Sumama ka sakin, may ipapakita ako sayo" sabi nito sabay hila sakin, hindi na ako nakatanggi.


Nagtungo kami sa Condo unit nito.


"Natatandaan mo pa ba ang pass code?" Tanong niya sakin habang nakatitig. Umiling ako.

"KZS" sabi nito. Nagbukas naman yung pinto ng Unit niya. Hindi ako nagsalita, pumasok na kami sa Unit nito. Sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa-Special Room.

"Anong meron dito?" Tanong ko sa kanya. Binuksan niya iyon. Yung blurred na image yung una kong nakita.

"Diba, dati. Gusto mong malaman kung sino ang nasa likod ng blurred na imaheng yan" sabi niya sakin. Tumango ako. Sabi pa nga niya yan yung Great Love niya. Maya-maya pa ay lumapit ito sa frame. May tinanggal ito sa likod ng frame at biglang luminaw iyon.

Nagulat ako ng imahe ko ang nandun. Ibig sabihin ako ang Great Love niya.

"Drake, bakit mo pa ginagawa ito? Tapos na tayo. Huwag mo na akong pahirapan pa" pakiusap ko sa kanya, lumapit ito sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Hindi kita pinapahirapan, gusto ko lang malaman mo na minahal talaga kita" maiyak-iyak na sabi nito.

"Tapos na tayo. Ibaling mo nalang yang pagmamahal mo kay Khrysthelle, magmamahal na din ako ng iba" sabi ko. Tuluyan niyang binitawan ang pagkakahawak nito sa mukha ko. Tumalikod na ako.

"Pakipalitan yung password ng Unit mo" sabi ko bago tuluyang umalis.

Dumiretso agad ako sa elevator. Buti nalang wala akong kasabay sa loob kaya doon ko nilabas ulit ang sakit sa dibdib ko.

Hanggang makalabas ako sa Condo umiiyak parin ako. Hindi ko akalaing ganun niya talaga ako kamahal. Gusto ko ng bawiin ang pangako ko kay Zhyrus. Mukhang tuluyang mamamatay ang puso ko kapag wala si Drake sa tabi ko.

Pauwi na sana ako ng makita ko si Blake na nakatambay malapit sa bahay namin kaya nilapitan ko siya.

"Gabi na. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpapahangin lang. Saan ka galing?" Tanong nito sakin.

"Nag-usap kami ni Drake. Alam mo, minsan gusto ko ng bawiin yung pangako ko kay Zhyrus" sabi ko.

"Bakit hindi mo gawin?" Tanong niya sabay tagay ng beer na hawak nito. Ngayon ko lang napansin may beer pala sa tabi niya.

"Ayoko na. Pagod na ako" sabi ko.

"Ok. Sige na. Pumasok ka na loob ng bahay niyo. Dito muna ako" sabi niya sakin, tumayo ako at naglakad palayo sa kanya. Sinulyapan ko siya saglit bago ako tuluyang pumasok sa bahay.


----

Ilang linggo na ang nakakalipas ngunit sariwang-sariwa parin ang sugat sa puso ko. Sinisikap ko na mag-move on kahit mahirap. Simula din nung gabing nag-usap kami ni Drake, Wala ng sumunod na pag-uusap. Iniwasan na namin ang isa't-isa pero siyempre masakit parin.

Sa ngayon, Si Blake na ang palaging nasa tabi ko. Pakiramdam ko nga napapamahal na ako sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto ko munang magpahinga ang puso ko sa sakit. Bubuuin ko muna ito bago ako magmahal ulit.

Where do broken hearts go?
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love that'a waiting there
And if somebody loves you
Won't they always love you
I look in your eyes
And i know that you still care for me......


Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig kong kumakanta si Yuri. Lakas mang-asar tong babaeng to eh. Sa dinami-dami ng pwede niyang kantahin "Where do broken hearts go" pa. Di ba pwedeng "Happy Break-Up nalang" mas tanggap ko pa.

"Pwede ba! Tirik na tirik ang araw, Yuri. Utang na loob huwag mong hilinging umulan!" Inis na wika ko sa kanya.

"Oh! Bakit? I'm just singing. Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko, may kasama pala tayong BROKEN HEARTED" natatawang wika niya at diniinan pa niya talaga yung BROKEN HEARTED. Bwiset!


"Tigil-tigilan niyo na ako ha!" Asar na sabi ko. Hindi ko na sila pinansin ngunit nagsalita ulit si Pam.

"Naka-move on ka na nga ba talaga?" Tanong sakin ni Pam. Sinulyapan ko siya.

"Masakit parin" biglang wika ko. Napatango nalang ang tatlo.

"Naman pala. MASAKIT PA PALA" Diniinan din yun ni Dave. Tinotortured talaga ako ng mga kaibigan ko. Walang hiya!


Niligpit ko nalang ang mga gamit ko at lumayo sa kanila.

"Kheazy, Saan ka pupunta?" Tanong nila sakin habang hinahabol nila akong tatlo.

"Gusto ko munang mapag-isa" sabi ko.


"Kung mag-iisa ka lang, tiyak na iiyak ka na naman kaya samahan na kita" nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang boses ni Blake.

"Mabuti pa nga" wika naman ng mga kaibigan ko. Bago sila naglakad palayo. Kumaway pa ang mga iyo samin.

Maya-maya pa ay naramdaman kong hinawakan ni Blake ang kamay ko bago naglakad.

Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa Favorite Place ni Blake pero bigla akong napatigil ng makita ko si Drake kasama si Khrysthelle. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko nang makita silang magkasama at magkahawak kamay pa ang mga ito. Sobrang sakit. Bakit kailangan ko pa silang makitang ganito? Mas lalo lang akong nasasaktan.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kong nakatingin pala sakin si Drake habang nakayakap siya kay Khrysthelle. Hinapit naman ni Blake ang bewang ko at pinaikot niya ako upang humarap sa kanya bago niya ako niyakap.

"Hindi nakakabuti sa mga taong nagmo-move on na makita ang taong dahilan kaya siya nasasaktan ngayon na may kasamang iba" Bulong nito sakin habang nakayakap siya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita sa sinabi nito. Sabagay, Tama nga naman siya. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko si Drake.

Ngumiti ito sakin at tumuloy na kami sa Favorite Place niya.

"Salamat nga pala kanina dahil sa ginawa mo sakin, hindi ko kasi alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong hindi tumingin sa kanila kahit nasasaktan na ako" paliwanag ko. Umupo naman ito sa tabi ko.

"Ayoko ng makita kang nahihirapan" sabi niya sakin. Ngumiti ako.

"Salamat talaga, Blake. Palagi mo nalang pinapagaan ang kalooban ko" nakangiting wika ko. Tumingala ako kasabay ng pagkalaglag ng Blossom Flower sa balikat ko. Kinuha ko yung bulaklak-natuwa ako ng makita kong hugis puso ito pero nung titigan kong maigi, may guhit sa gitna nito na parang zigzag. Parang broken heart.

"Ito nalang, Buo. Walang kahit anong guhit" sabi ni Blake sabay abot sakin yung isang petal ng bulaklak, kinuha ko iyon sa kanya.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong niya sakin.

"Balak? Saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa puso mo. Inililibing mo na ba ito?" Wika niya.

"Ayoko nga. Isang beses lang tong nawasak, at nakakasiguro akong mabubuo ulit ito sa pamamagitan ng taong magmamahal ulit sakin, tsaka ayoko ng balikan ang aking nakaraan, kahit naman anong gawin ko walang magbabago. Oo! Masakit parin pero hangga't kaya ko, titiisin ko. Gusto ko ng mag-move on at kalimutan lahat ng nangyari--lalo na si Drake" paliwanag ko.

"Kalimutan mo na lahat-huwag lang ako" sabi nito. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Kahit kailan talaga gumagaan ang loob ko tuwing kasama ko siya.

"Ikaw, masyado ka ng nagpapabida sakin hah! Napapansin ko lang talaga. Simula nung naghiwalay kami ni Drake" natatawang wika ko.

"Dati pa naman hah! Kung pwede nga lang agawin kita nung kayo pa ni Drake ginawa ko na pero pasalamat siya dahil mabait ako" nakangiting wika nito sakin. Tinignan ko siya habang masama pero kalaunan ngumiti na din ako.

"Loko-loko" natatawang wika ko.

"Hindi pala mahirap pasayahin ang taong sawi" sabi niya habang nakatitig sakin. Yung titig na parang matutunaw na ako. Tinapik ko nalang ang mukha nito para hindi na siya tumitig na ganun sakin.


----

Khalil Blake's POV.

Pagkahatid ko kay Kheazy sa bahay nila ay dumiretso muna ako sa Bar. Ginabi na kasi kami sa pamamasyal, gusto ko lang naman siyang libangin dahil naawa na ako sa kanya. Ayoko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan. Ngunit naalala ko yung nangyari kaninang niyakap ko siya. Kitang-kita ko sa mata ni Drake na nasasaktan siya. Maliwanag parin sakin ang lahat, na hanggang ngayon mahal parin niya si Kheazy.

Oo. Minahal niya si Khrysthelle pero alam kong mas minahal niya si Kheazy. Alam na alam ko yun.

Pagkarating ko dun nakita ko siyang nakaupo sa may sulok. Umiinom mag-isa. Nilapitan ko siya.

"Bakit ka nandito? Kailangan mo ba ng kausap?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako ngunit hindi man lang siya tumingin sakin bagkus ay tinungga niya ang laman ng baso.

"Alam kong mahal mo parin si Kheazy, kaya naiintindihan kita kung bakit ka nagkaka-ganyan. Alam mo, bilib nga ako sayo eh. Natitiis mong nakikitang nasasaktan ang minamahal mo para lang sa ikasasay ng iba" paliwanag ko sa kanya.

"Kailangan ko ngayon ng isang kaibigan na mag-aalaga kay Kheazy habang wala ako dito-I'd decided to move in States kasama si Khrysthelle at Zhyrus" sabi nito sakin.

"Bakit? For what reasons?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa States magpapagamot si Khrysthelle. Ayaw niya kasing magpa-chemo dahil natatakot daw siya kaya dadalhin ko siya doon dahil mas mabisa ang mga gamot pero isasama ko na din si Zhyrus atleast kahit papano maramdaman din ni Zhyrus na buo ang pamilya niya" -Drake.

"Mabuti kung ganun. Sana gumaling si Khrysthelle" sabi ko.


"Mayroon lang akong isang bagay na ipapakiusap sayo, Blake. Alagaan mong mabuti si Kheazy dahil balang araw kapag naayos ko ang relasyon ko kay Khrysthelle, babalikan ko siya" sabi niya sakin.

Natigilan agad ako sa sinabi nito. Ibig sabihin may balak pa siyang balikan si Kheazy matapos ng ginawa niya.

"Pakibigay nalang itong sulat kay Kheazy. Umaasa akong makakarating yan sa kanya" sabi nito sabay abot yung white envelope.

"Hindi ba pwedeng i-message mo nalang sa messenger ang nilalaman ng sulat na to?" Tanong ko. Tinignan niya ako ng masama.

"Ayokong ma-SEEN ZONE" seryosong wika nito. Natawa nalang kami pareho.

"Tsaka, sana pagbalik ko. Magkasundo na ulit tayo" wika niya.

"Alam mo, pinsan. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sayo. Matagal na yung alitan natin. Kalimutan mo na yun" sabi ko. Maya-maya pa ay nakipagkamay siya sakin tanda ng muli naming pagkakaibigan.


Medyo lasing na si Drake kaya ako na mismo ang naghatid sa bahay nila Khrysthelle. Nadatnan ko doon si Khrysthelle na naghihintay sa sala nila.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya sakin. Tinulungan niya ako upang pahigain si Drake sa Couch.


"Nagkasayahan lang kami" sabi ko. Nilapag ko muna yung envelope na binigay ni Drake sa Glass Table nila.

"Pwedeng pagamit ng Cr" sabi ko sa kanya dahil iba yung pakiramdam ko. Parang bumabaliktad yung sikmura ko.

"Diyan lang" sabi niya sabay turo. Agad akong nagtungo doon. Ilang minuto din ako doon dahil naghilamos din ako. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Kinuha ko na yung envelope bago nagpaalam kay Khrysthelle.


Kinabukasan.

Kheana Zaila's POV.


Paggising ko kinabukasan tumambad sa harapan ko si Blake. Nagulat ako dahil ang aga-aga nandito siya sa kwarto ko.


"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dinadalaw lang kita" sagot niya.

"Ng ganito kaaga? Alas siyete palang" inis na wika ko.

"Alam ko. Baka na naman kasi paggising mo iiyak ka na naman kaya sinigurado ko lang na hindi ka na iiyak pa" sagot nito kaya napangiti na naman ako.

Eh. Ang aga-aga. Enebe!

"Tumayo ka na diyan. Mamamasyal tayo ulit" utos nito sakin.

"Ayoko. Tinatamad ako" Inis na wika ko, nagtalukbong ulit ako ng kumot.

"Ayaw mo pala ha. Sige, bahala ka. Hindi ko ibibigay sayo yung sulat na binigay ni Drake" agad akong bumangon nang marinig ko ang sinabi niya.

"Anong sulat?" Tanong ko agad. Kinuha nito ang maliit na envelope sa bulsa ng pantalon nito at binigay sakin.


Agad kong kinuha iyon at binasa. Agad na tumulo ang luha ko ng mabasa ko yun. Sobrang sakit. Pinunit ko yung papel at tinapon sa Trash can sa kwarto ko. sinigurado kong walang mababasang kahit isang letra. Nagulat pa si Blake sa ginawa ko.

"Bakit? Anong meron sa sulat? Bakit mo pinunit? Tsaka bakit ka na naman umiiyak?" Sunud-sunod na tanong ni Blake sakin. Hindi ko siya masagot dahil sobrang naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko kaya yung laman ng sulat na yun.


Para saan pa yun? Para dagdagan niya yung sakit na nararamdaman ko? Hindi pa siya nakuntento na nasaktan na ako ng lubusan. Pinamukha pa talaga niya sakin sa pamamagitan ng sulat na hindi niya ako minahal.


Sinungaling siya! May nalalaman pa siyang Great Love. Manloloko! Tama lang na nagparaya ako dahil kung hindi-Hindi ko malalaman ang totoo.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa panlolokong ginawa niya sakin. Ipinapangako ko na kapag nagkita kami ulit-makikita niya ang totoong Kheana Zaila Salvador.




"Hindi na ako muling magpapaloko sayo, Drake Alexander Montebello"

----

Hello Guys!

Willing ba kayong magkakaroon ng Book 2 ang kwentong ito?

****

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
17K 309 30
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...