She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 5

256K 8.9K 414
By VixenneAnne


Nagising kaming pareho sa malakas na tunog ng cellphone na nanggagaling sa bulsa ng pantalon ni Jave. Pareho pa kaming napabalikwas nang pagmulat ng mga mata ay nakapulupot na ang katawan namin sa isa't-isa upang magkasya sa sofa na makitid para sa aming dalawa. Napabalikwas ako ng bangon dahilan para mahulog ako sa malamig na sahig.

"Aray ko!" Daing ko hawak-hawak ang pwet na nasaktan. Tinangka din sanang bumangon ni Jave ngunit napadaing din sa sakit ng kaliwang balikat dulot ng pagkakadagan ko dito magdamag.

"Sino kasing may sabi sayong gawin mo akong kama! Ang sakit na nga ng katawan ko!" Asik niya sa 'kin nang makabangon.

"Malay ko ba, nakatulog ako eh!" Reklamo ko. Hindi ko maalalang tumabi ako sa kanya. Ang alam ko nasa paanan niya ako eh. "Yong cellphone mo, sagutin mo!"

"What?!" Pabalya niyang sigaw sa phone. "Ark? Gago ang aga-aga nang iistorbo ka, anong problema mo?"

Napakawalang modo talaga. Lahat nalang ng tao sinisigawan.

"Si Rianne?" Nagbagong bigla ang hilatsa ng mukha niya. Nawala ang kunot sa noo, napalitan ng nakakalokong ngiti. "Nasa school??"

"Akala ko next week pa ang dating niya? Shit. Hinanap ba ako? Wag mong sabihing absent ako tataktakin ko 'yang bungo mo!"

Tumaas ang kilay ko. So importante pala sa kanya na maganda ang image para kay Rianne? Nakakatawa. Lagot ka na ngayon. Bad shot ka na sa crush mo, nalaman na niyang hindi ka pumapasok sa eskwela. Bummer. Bulakbol. Ikaw itong pathetic eh.

"Kasama niya si Brendan? Fuck!" Sunod sunod ang mura niya.

Brendan? So may jowa na ang crush niya? Kawawang Paniki.

Ilang sandali pa asar niyang ibinalibag ang iphone na hawak. Napapikit na lamang ako nang mawasak ang screen no'n pagtama sa dingding. Sayang.

"Ang daming pera ng Paniki. Kung manira ng gamit ganun-ganun na lang.." bulong ko. Ako na rin ang pumulot ng cellphone upang tingnan kung buhay pa. Basag ang screen, pero mukhang kailangan lang ng duct tape buhay na ulit.

"Keep your stupid opinion to yourself, cymbals."

"Hoy Paniki, 'wag mo akong idamay diyan sa problema mo sa crush mo ah! Kung pumapasok ka ba naman eh di nakita mo siya, kaso hindi. Andito ka nakatunganga, wala ka nang ginawa kundi manira ng gamit. Kung ako si Rianne, hindi rin kita gugustuhin!" Palatak ko na mas lalong kinainis niya.

"Sinabi nang tumahimik ka, tatahiin ko yang bibig mo!"

"Subukan mo!"

"Tss! Magbihis ka, sumama ka sakin."

"Sa'n naman tayo pupunta?"

"Sa Westside." Tapos ay tinalikuran ako para magtungo sa banyo.

Napaisip ako. Naalala kong 'yon ang school na sinasabi nila Ark at Jiro. Pupunta ako doon eh nakakahiya, lalo na kung ang mga estudyante ay mga tipo nina Ark at Jiro na mukhang mga sosyal at mayayaman. Parang ayokong sumama. Pero knowing Jave, kakaladkarin niya ako bago pa man ako makatutol.

*****

Ilang sandali akong nagmuni-muni kung sasama ba o hindi. Naiilang talaga kasi ako sa mga ganoong klase ng lugar na puro mayayaman ang nag aaral. Noong nasa probinsya pa ako iniiwasan kong dumaan sa mga private schools dahil alam kong maaarte ang mga tao doon baka makahanap lang ako ng kaaway.

"Ano pang tinatanga mo diyan? Magbihis ka na!"

Napalingon ako sa kanya. He's wearing a blue jeans, white shirt and a black jacket, nakaangat iyon hanggang sa braso niya deliberately showing his beautiful tattooed arms. Bagay na bagay sa kanya ang badboy get up niya. Kung hindi ko kabisado kung gaano kagaspang ang ugali niya, malamang nagka-crush na ako sa Paniking ito. Hala! Biglang gusto kong magsign of cross, ano ba 'tong iniisip ko. Gwapo si Jave, malakas ang dating pero hindi siya ang tipo kong lalaki, masyadong mayabang ang pagmumukha. Taliwas sa gusto kong lalaki na pala-aral, pormal, kahit hindi kagwapuhan basta mabait.

"Cymbals!!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya direkta sa mukha ko kaya natampal ko siya ng malakas sa balikat. "Oo na!" sigaw kong pabalik bago tumakbo ng banyo. Siya pa naman ang tipong gumaganti kahit na sa babae.

"Aray! Ang bigat ng kamay nitong pangit na 'to!" Sigaw niya sa likuran ko.

Pangit? Ako? Naku! Kung hindi lang talaga masamang manapak, manabunot at manipa ng tao, bogbog sarado sa 'kin ang mapanlait na paniking ito.

********

"Hindi ako sasakay sa motor na 'yan Jave, sinasabi ko sayo." Reklamo ko. Nasa harapan kami ng magara niyang motorbike.

"Napaka-arte mo, mas mabilis tayong makakarating ng school dito, sumakay ka na, bago pa kita hilahin diyan!"

I must stood my ground. "No way! Narinig mo ako? No. Freakin. Way. Maiwan nalang ako dito."

Tumirik ang mga mata niya at pinameywangan ako."Ang arte mo! Akala mo ang ganda eh!"

Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. Alam kong si Rianne ang panuntunan niya ng kagandahan kaya tanggap ko nang pangit ako sa paningin niya. Keber ko?

"Ok. Fine!" Nagpatiuna siyang maglakad sa kabilang panig ng bahay kung saan may nakatagong garahe. Inangat niya ang malaking roll up. Then he activated a sleek convertible black Lamborghini sports car. Literal na napaawang ang mga labi ko sa kotseng lumitaw sa harapan ko

"Get in." Utos ni Jave.

Hindi pa ako nakakasakay ng convertible sa buong buhay ko. Safe ba ang sasakyang ito? "Hindi ba tayo magji-jeep na lang?" Nagbabaka-sakaling tanong ko.

"NO. Get in!"

"O-ok." Alangan akong sumakay sa kotseng sa magazines ko lang nakikita.

*********

Mala-probinsya ang lugar na kinaroroonan ng school na tinatawag nilang Westside University. Napapalibutan ito ng mayayabong na mga puno. Pagpasok ng kotse sa main gate binaybay pa namin ang mahabang daan na may maraming naggagandahang halaman sa magkabilang gilid. Well-maintained ang mga green bush pati na rin ang mga bulaklak na iba't iba ang kulay sa magkabilang bahagi ng daan. Nakalandscape ang buong lugar para akong nakapasok sa loob ng isang fairy tale. Napakasariwa din ng hangin.

"Ang gandaahh..." Bulong ko nang makita ang isang malaking struktura, ang main building ng University. Pakiramdam ko talaga nasa ibang bansa ako. May ganito pala kagandang exclusive school sa Pilipinas? Sa itsura palang ng lugar, halatang hindi basta-bastang mga estudyanteng nag aaral.

Pagdating sa parking lot, sandamakmak ang kotseng naroon, pihadong lahat ng studyante nakakotse, hindi basta-bastang kotse, lahat mukhang mamahalin. Kay Jave marahil ang pinakamaganda, pero hindi naman nalalayo ang iba.

"Ang daming kotse.. lahat ba talaga ng estudyante dito mayayaman?" Tanong ko kay Jave. Hawak niya ang kamay ko pero alam kong walang halong malisya iyon, kaya kahit na tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil unang beses akong nahawakan sa kamay ng isang lalaki ay binalewala ko nalang. Halos kaladkarin pa nga niya ako sa sobrang pagmamadali.

"Wag ka nang maraming tanong, bilisan mo, baka hindi ko maabutan si Rianne!"

Inirapan ko siya. Pero hinayaan ko lang na hawakan niya ang kamay ko, dahil baka 'pag binitawan niya ay maligaw ako.

Wala yatang dress code. Malaya ang mga estudyante na magsuot ng kahit na anong damit na gusto nila, kahit pa labas ang hita at labas ang likod. Base sa mga bag na hawak nila, hindi maipagkakailang sila ay anak ng pili at pinakamayayamang tao sa bansa.

"Oh my God! Jave Santillan is here!!" Narinig kong bulong-bulungan sa paligid. Sikat si Jave sa school na 'to? Well, sa nakikita kong reaksyon ng mga studyanteng madaanan namin. Palagay ko, Oo.

"It's Jave!"

"Jave.."

"Oh my gosh.."

"Jave. He's back!"

"What are we gonna do now?"

Naging matalas ang pandinig ko. Dalawang uri ng emosyon ang nabasa ko sa halos lahat ng studyanteng nadaanan namin. Excitement... at takot. Napakunot ang noo ko, talaga bang kinatatakutan si Jave sa school na ito? Naalala ako ang sinabi nina Jiro at Ark na mas makakabuti sa mga estudyante dito na hindi nalang siya pumasok. Bakit?

"Where's Rianne?" Untag ni Jave sa isang babaeng estudyanteng mukhang modelo sa ganda. Napansin kong nanginig ang mga labi nito at kamay sa simpleng tanong ni Jave.

"Jave..ahhh..Rianne..?" Hindi nito malaman ang isasagot dahil sa pangangatal. "I saw her at the gym... just few minutes ago." nang payagan ito ni Jave na umalis ay patakbong lumayo sa amin.

"Anong nangyari do'n?" Tanong ko kay Jave.

"That's normal. Get used to it." Maiksing sagot niya. Mahinang napa-iling ang ulo ko.

Masama ang tingin sa akin ng mga estudyante doon lalong-lalo na ang mga babae. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, dahil ba sa suot ko? Ang suot ko ay isang magandang sleeveless na dress na may katernong puting doll shoes. 'Yun ang damit na binili ni Jave para sa 'kin. Kahit na hindi pasok sa taste ko ay sinuot ko pa rin dahil wala naman akong choice. Nahalata kaya ng mga itong damit lang ang sosyal sa 'kin? At ang totoo ay isa lang akong hamak na mahirap na taga probinsya? 'Yun ba ang dahilan kaya masama ang tingin nila?

"We're here." Binitiwan na niya ako sa wakas. Pakiramdam ko namanhid ng husto ang palad ko.

Sinundan ko siyang pumasok sa loob ng isang napakalaking sports gym. Unang bumungad sa 'kin ang basketball court. Sa kabilang panig sa pagitan ng pinto ay naroon ang isang malawak na ballet studio. In the middle of the studio, naroon si Rianne. She was dancing. She was wearing a fitted ballerina suit and she was like floating in the room with only her toes touching the floor. Napanganga ako nang masilayan ko ng maigi ang mukha niya, kung maganda si Rianne sa picture, doble ang ganda niya sa personal. Habang nagsasayaw siya, nakabuka ang mga labi ko, para siyang diwatang nagtatampisaw sa hangin.

"Jey-Jey??" Malawak ang ngiting pinakawalan niya nang namataan si Jave. Mas lalo siyang naging dyosa sa paningin ko. Napaka-perpekto hindi lang ng mukha, pati na ng katawan. Nakapa-eleganteng babae.

"Rianne.." bulong ni Jave na parang nastarstruck din.

Tumakbo si Rianne at yumakap ng mahigpit kay Jave. Naglingat ako ng tingin. Nakakaistorbo na ako sa moment nila kaya pinasya ko nalang na tumalikod na at lumabas ng gym.

**********

Sa labas ng gym naroon nakatambay sina Jiro at Ark. Marahil ay nabalitaan nilang andito si Jave kaya pumunta.

"Sofia!" masiglang bati ni Ark. Malawak ang ngiti nito just like his usual jolly self.

"Si Jave?" Tanong ni Jiro.

"N-nasa loob, kasama si Rianne."

"Buti naisipan ni Rianne na dumaan dito sa gym bago umalis." Pahayag ni Jiro.

"At buti nalang nauna nang umalis si Brendan. Kundi naghalo ang balat sa tinalupan!" Tawa ni Ark.

Isinama ako ng dalawa na maupo sa bench sa ilalim ng mayabong na puno. Tanaw ko mula sa pwestong iyon ang mga studyanteng naglalaro ng soccer at tennis. Napakaganda at napakasariwa ng hangin. Dream place talaga ang lugar na ito. Magkano kaya ang binabayad na tuition ng mga estudyante dito? Hmm.. hindi ko na dapat alamin at mapu-frustrate lang ako.

"Dating studyante rin ba si Rianne sa school na 'to?" Tanong ko sa dalawa. Sa tingin ko kasi ay mas matanda si Rianne sa aming lahat.

"Oo. Magkaklase sila ni ate Ysabel." Sagot ni Ark.

Tumango-tango ako. Ibig sabihin mas matanda ng ilang taon si Rianne kay Jave.

Ibinaling ko ang atensyon sa grupo ng limang lalaking parating, napapalibutan ang mga ito ng mga estudyanteng babae na sa tingin ko ay nagpapapansin. Napailing-iling ako. Nakita ko na ang eksenang ito. Saan nga ba? Sa Boys Over Flowers. Tama doon nga. Natawa ako. May grupo din pala ng campus heartthrob dito. Napatitig ako sa mukha ng pinakamatangkad sa grupo. Malakas ang dating nito, hindi kasing gwapo ni Jave, pero kapansin-pansin ang maamo nitong mga mata. Mukha siyang mabait.

"Sino sila?" Hindi ko napigilang itanong sa dalawa.

"Sila ang mga k-pop wannabe, mga k-poppangit sa school!" Sabay halakhak ni Ark. Siraulo talaga itong isang 'to. Hindi naman totoong pangit ang grupo, ayaw lang talaga niyang sumagot ng matino. Sa katunayan, mga gwapo naman talaga sila. Magagandang pumorma, at mukhang mababait base sa pakikitungo nila sa mga babaeng nakapaligid.

"Sino 'yung nasa gitna, yung matangkad?"naitanong ko.

"Bakit? Crush mo no??" Tudyo nito.

"Para nagtatanong lang crush na agad?" Irap ko.

"Si Zirk Alcantara, siya ang captain ball ng basketball varsity ng Westside. Siya din ang kasalukuyang pinakamatalinong studyante sa buong school base sa latest ranking. Dahan-dahan ka sa pagkakagusto diyan, pila-pila ang babae niyan dito sa campus.." Pabulong na turan ni Jiro.

"Talaga? Eh ano naman ang tawag sa grupo nila? F5?" Humagalpak na naman ng tawa si Ark dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kung anong tawag sa kanila. Kailangan ba meron?" tanong pa ni Ark.

"Ewan ko." kibit balikat ko. "So si Zirk Alcantara ang heartthrob ng school na 'to, gano'n ba? Yung parang Gu Jun Pyo?"

"Anong Gu Jun Pyo?" kunot ang noo niya sa pag-iisip. Tapos biglang nagliwanag ang mga mata. "Ahhhh....yung leader ng F4?"

"Oo." natuwa akong kilala rin pala niya at hindi ko na kailangang mag-explain.

"Hindi. Hindi siya ang Gu Jun Pyo ng eskwelahang ito."

"Oh? Bakit hindi?"

"Eh di ba masama ang ugali ni Gu Jun Pyo? Nambobogbog ng estudyante at kinatatakutan sa school dahil siya ang pinakamayaman? Pwes hindi si Zirk 'yon." giit pa ni Ark, sinulyapan niya si Jiro na para bang pareho sila ng nilalaman ng utak. "I have one person in mind who has exactly the same profile as his..maybe even scarier.."

Mas lalo akong nacurious. "Sino?"

"Si Jave Santillan."

Napaangat ang kilay ko. "Si Jave? Bakit si Jave?"

Ngumisi lang dalawa. "Malalaman mo rin." ani Ark

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.3K 76 13
"Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap." -Razer Love can't be stopped, no matter how difficult the test that com...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
93.3K 1.5K 39
Jazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and li...