Back Off, She's Mine (Under R...

By GrayMaiden96

5.2M 151K 21.9K

I'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello. More

Prologue
Meet The Characters
Chapter 1: Attitude
Chapter 2: Sweet Voice
Chapter 3: Stranger
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: Dream Kiss
Chapter 6: Slave or Slave?
Chapter 7: New Classmate
Chapter 8: BACK OFF, SHE'S MINE
Chapter 9: Temporary
Chapter 10: Hug
Chapter 11: Jealous
Chapter 12: Dinner
Chapter 13: Bestfriend
Chapter 14: Behind his sweetness
Chapter 15: Complicated Feelings
Chapter 16: Brother
Author's Note
Chapter 17: Heart and Mind
Chapter 18: Her Savior
Chapter 19: Kiss
Chapter 20: Sweet Message
Chapter 21: Bracelet
Chapter 22: Blurred Image
Chapter 23: I Love You Too?
Chapter 24: His Sibling
Chapter 25: Last Kissed?
Chapter 26: Give Me One More Chance
Chapter 27: Blood Letting Username
Chapter 28: Yes or No?
Chapter 29: Tadhana
Chapter 30: Berdeng Utak
Chapter 31: Kiel is ?
Chapter 32: Danger
Chapter 33: He's Mine
Chapter 34: Conscience
Chapter 35: Love
Chapter 36: The New Girl
Chapter 37: First Love
Chapter 38: Daddy Drake
Chapter 39: Lucky Charm
Chapter 40: Step Sister
Chapter 41: Cold as Ice
Chapter 42: The Clash
Chapter 43: The Consequences
Chapter 44: The DNA Result
Chapter 45: Kidnapped
Chapter 46: The Dream
Chapter 47: Medical Result
Chapter 48: Difficult Choice
Chapter 50: Broken Heart
Epilogue
Author's Note

Chapter 49: The Truth

61K 1.7K 255
By GrayMaiden96

Kheana Zaila's POV.

"Kuya, Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Kuya Andy ng makita ko siya palabas ng bahay.

"May klase ako ngayon" sagot niya, tuluy-tuloy na itong lumabas. Ewan ko kung anong naisipan ko kung bakit ko siya sinundan.

Nagpara ako ng taxi upang sundan ito. Nagtataka lang ako dahil hindi ito yung direksyon ng eskwelahang pinapasukan niya. Huminto ito sa harapan ng malaking building. Nagbayad na ako sa taxi driver bago bumaba.

"Good Morning, Sir"

Iyon ang narinig ko mula sa mga empleyado doon. Nagtataka lang ako kung bakit sir ang tawag nila sa kanya. Maya-maya pa ay nagtungo siya sa elevator, dali-dali akong nakisabay sa mga taong papasok doon.

"Good Morning, Sir Salvador" napakunot-noo ulit ako ng marinig ko ulit yun. Napatingin ako dun s babae at halatang dikit na dikit kay Kuya. Nakaramdam agad ako ng inis, pero buti nalang hindi pinansin ni Kuya yung babae.

Nakarating na kami sa 25fl ng building. Lumabas si Kuya kaya dali-dali din akong lumabas.

Naisip ko lang. Stalker na pala ako ngayon.

Sinundan ko lang si Kuya hanggang makita ko siyang pumasok sa Office.

"Oh! Your looking for someone?" Nagulat ako ng may nagtanong sakin mula sa likuran ko. Napangiti ako.

"Ah-Hindi. Napadaan lang ako" tanggi ko. Pinasadahan ako ng tingin nung lalaki tapos napahinto siya sa may dibdib ko. Nakita kong napalunok ito. Napatakip agad ako sa dibdib ko.

"Halata ngang napadaan ka lang" nakangiting wika nung lalaki. Nakakamanyak yung ngiti niya.

"Ang ganda mo naman. Stalker ka ba ni Andy? Sa akin ka nalang" patuloy niya habang palapit ng palapit sakin. Napapaatras nalang ako.

"Hey! Owen!. What do you think your doing! Kahit ba naman dito sa Office puro kalokohan ang ginagawa mo! At nagdala ka pa talaga ng—" hindi na niya naituloy ang sasabihin nito ng makita niya ako. Napakagat labi nalang ako.

"Kheazy! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nag-peace sign lang ako sabay yuko.

"Bro, huwag mong sabihing chix mo siya!" Gulat na sabi pa nung lalaki. Binatukan siya ni Kuya kaya napa-aray ito.

"Tarantado! Kapatid ko to!" Sabi ni Kuya sa lalaki. Agad na napaatras yung lalaki at lumayo samin.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit sakin.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may pasok ka ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Pumasok nga ako-dito sa trabaho" sabi nito habang papasok sa Cubicle nito.

"Trabaho? Akala ko ba nag-aaral ka?" Tanong ko ulit habang nakatayo at naka-closed arm sa harapan nito.

"I lied. Ang totoo niyan nagtatrabaho na ako. Ayoko ng mag-aral" sabi niya. napakunot-noo ako sa sinabi nito lumapit ito sakin at may binulong.

"Secret Agent? Kaya ba may hawak kang baril nun?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito.

"Pwedeng paturo humawak ng baril" hirit ko sa kanya. Sinamaan ako ng tingin ni Kuya.

"Joke lang. Siya nga pala, sino yung bastos na yun kanina. Muntik ko ng upakan buti nalang dumating ka" inis na wika ko bago naupo.

"I'm Owen" pagpapakilala nung lalaki sabay kindat sakin. Inirapan ko lang siya.

"Taken ka na ba?" Tanong nung lalaki sakin.

"Oo. Bakit? May balak ka pa bang pumila? Huwag kang mag-alala, nagpapapasa pa naman ako ng resume" pang-aasar ko.

"Kheana! Don't tell me papatulan mo itong hinayupak na to?" Tanong sakin ni Kuya.

"Just kidding!" Nakangiting wika ko.

"Ikaw, wala ka bang pasok?"-Kuya.

"Meron, kaso wala akong ganang pumasok kuya eh" sabi ko.

"Para saan pa at naka-uniform ka. Let's go. Ihahatid na kita" sabi nito sakin sabay hila palabas ng Office nito. Nagtataka pa yata yung mga empleyado pero hindi iyon pinansin ni Kuya, pero ako-Hiyang-hiya na ako.

Kung bakit ko pa kasi naisipang pumunta dito eh. Bwiset!

"Kuya, Bakit naman tayo huminto dito sa flower shop?" Tanong ko habang namimili ito ng bulaklak.

"Ihahatid nalang din naman kita-pakibigay nalang ito kay Pamela" sabi nito. Napairap nalang ako.

Pagkahatid sakin ni Kuya sa School umalis din siya agad. Naglalakad ako dala yung bulaklak na bigay ni Kuya kay Pam nang makita ko si Drake. Kasama na naman si Khrysthelle, siya ang nagbubuhat ng mga gamit ni Khrysthelle. Napatingin yung dalawa sakin, pero yumuko ako.

"Kheana, nagtataka ka siguro kung bakit kami magkasama-kasi-ano" hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin, parang kinakabahan siya.

"As long as wala kayong ginagawang masama-It's ok. I trust you, Sis. Siya nga pala mauna na ako kasi baka mamaya malanta pa tong binigay ni Kuya para kay Pamela" sabi ko bago naglakad palayo sa kanilang dalawa. Masakit man pero katulad nga ng sabi ko hangga't wala silang ginagawang masama, kakayanin ko pa naman.

"So, kayo pa ni Drake pero may nagbibigay na sayo ng FLOWERS" madiing wika ni Pam sakin nang makasalubong nila ako sa Covered walk.

"Gaga! Para sayo yan. Bigay ni Kuya. Ayan oh!" Sabi ko sabay pinakita yung notes. Kita sa mukha ni Pam ang kilig. Maya-maya pa ay nagsitahimik na sila

"Uhm. Pwede ba tayong mag-usap" sabi ni Blake sakin. Tumango lang ako.

"About what?" Tanong ko. Medyo lumayo ang mga kaibigan ko sakin.

"Pwede mo ba akong samahan mamayang gabi?" Sabi niya.

"Where we going?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta" sabi nito.

"Ok." Sagot ko.

"So, Kamusta naman kayo ni Drake, nagpaparamdam pa ba sayo?" Tanong niya ulit, tinitigan ko lang siya at mukhang nabasa naman nito ang nasa utak ko.

"Bakit hindi ka pa makipaghiwalay sa kanya, tutal lagi naman siyang umiiwas sayo" Suggest niya.

"Hindi naman ganun kadali eh. Hindi ko pa naman alam kung bakit sila palaging magkasama. Alam mo minsan nga naisip ko, siguro nga bumalik na yung feelings nila sa isa't-isa" paliwanag ko.

"Huwag mo ng isipin yan. Ang isipin mo yung lakad natin mamayang gabi" sabi niya.

"Sige na. Baka may klase ka pa. Tawagan nalang kita mamaya, Girlfriend" sabi nito sakin, nagulat ako ng halikan niya ako sa noo.

"Bye! See you later" sabi nito. Kumaway nalang ako.


Pumasok na ako sa room namin. Parang walang kabuhay-buhay ang mundo ko ngayon. Feeling ko puro black and white lang ang nakikita ko. Paano. Hindi ko naman kasi kasama yung lalaking dahilan ng makulay kong mundo.


Kinagabihan.

"Nak! Nandito si Blake" sabi ni Mama, bumaba agad ako, nagulat ako ng makita kong naka-formal suit siya samantalang ako naka-rip jeans at t-shirt lang.

"Bakit ka naka-formal suit? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Basta, sumama ka nalang sakin. Ok?" Sabi nito sabay hila sakin palabas ng bahay namin.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Blake naman e. Wag mo akong-Ewan ko sayo!" Inis na wika ko. Nakangiti lang ito.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa malaking bahay. Pamilyar to sakin.

"Diba! Ito yung bahay ng Lolo at Lola mo?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang ito. Bumusina ito at kusang nagbukas. Nagulat ako ng makita kong napakadaming tao doon.

"Blake, Anong meron?" Tanong ko agad sa kanya.

"My grandma's birthday" sabi nito.

What? Tapos ganito ayos ko?

"Bakit naman hindi mo sinabi sakin? Nakakahiya naman sa lola mo, ganito ayos ko" sabi ko sa kanya.

"Ok lang yan. Matutuwa si Lolo at Lola na makita ka. Actually, sila nga yung nagsabing imbitahan kita eh" sabi nito sabay baba sa kotse niya.

Tuluyan na kaming pumasok sa bahay. Walang pagbabago simula nung nagpunta ako dito.

"Oh! iho, nandito na pala kayo. Salamat naman iha at pumunta ka" nakangiting wika nung Lola niya sakin.

"Happy Birthday po" nakangiting wika ko.

"Thank You, Iha. Sige. Maiwan ko muna kayo dito hah. Siya nga pala, nasaan na naman si Drake Alexander?" Tanong nung Lola ni Blake.

"I don't know. Baka hindi siya makakapunta ngayo-Grandma!" Sabay kaming napatingin sa nagsalita. He glanced at me.

"Hay naku! Akala ko hindi ka na naman pupunta" sabi nung Lola nila. Iniwan na nila kaming tatlo.

May oras na gusto kong kausapin si Drake ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong mag-isip ng masama sa kanila ni Khrysthelle.

"Mabuti naman pinaunlakan mo ang invitation ni Lola" sambit sakin ni Drake habang nakaupo kami. Umalis muna saglit si Blake.

"Hindi ko nga alam na siya yung nag-imbita sakin dito eh" sagot ko naman. Pagkatapos nun uminom na siya ng wine.

"Kheana, i have something to tell you-about Khrysthelle" sabi nito.

"Kung tungkol lang sa kapatid ko, huwag na nating pag-usapan yan. I trust you both. Ok?" Sabi ko sabay tayo.

Kung anuman yung sasabihin niya, huwag ngayon. Hindi ko pa matatanggap. Baka makikipaghiwalay saiy sakin. Ayoko. Hindi ko kaya.

Ilang oras pa kaming nag-stay doon. Hindi ko na rin mahagilap si Drake. Nakailang wine na din ako. Pakiramdam ko nga nahihilo na ako eh.


"Blake, iuwi mo na ako. Nahihilo na kasi ako eh" sabi ko kay Blake. Inalalayan ako nito patayo.

"Sino ba kasing nagsabing uminom ka ng madami?" sermon sakin ni Blake.

"Ok lang ako, Blake" sabi ko.

"Oh siya. Dito ka muna matulog sa bahay nila lola. Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita iiwan eh" sabi nito. Hindi na ako tumanggi pa. Napahiga nalang ako dahil hilong-hilo na talaga ako. Maya-maya pa ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa labi.

Kinabukasan..

Hinatid din ako ni Blake pauwi ng bahay kinaumagahan, natulog ulit ako ng isang oras, paggising ko napagdesisyunan kong dalawin ang mag-ina. Dumaan muna ako dito sa Contis upang bumili ng Cake para sa mag-ina. Pagkatapos kong bumili ay nag-taxi na ako patungo sa bahay nila.

"Surprise!" Nakangiting wika ko, nadatnan ko silang mag-ina na nagkukulitan sa sala.

"Titaaa!" Natutuwang wika ni Zhyrus, tumakbo ang bata sabay yakap sakin.

"Ang sweet naman ni Baby. Kiss si Tita" nakangiting wika ko. Umupo ako para maabot niya ako.

"Mwaahh!" Sabi nito sakin, pareho kaming natawa ni Khrysthelle.

"Oh eto. May pasalubong ako sayo" sabay abot sa kanya ngunit napailing siya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Nagtatakang tanong ko.

"I can't hold it, Tita" sabi niya. Natawa nalang ako.

"Oo nga pala. Bilisan mo lumaki para kahit hindi na ako uupo, maki-kiss mo na ako" nakangiting wika ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Lumapit samin si Khrysthelle kaya inabot ko sa kanya yung dala kong Cake.

"Salamat, nag-abala ka pa" Sabi ni Khrysthelle.

"Ano ka ba. Ok lang yan" sagot ko.

Habang pinapanood ko si Zhyrus na naglalaro, napansin kong namumutla na naman si Khrysthelle. Nagtataka na ako dahil palagi siyang ganito. Lalapitan ko palang sana siya ng napasabunot ito sa ulo niya.

"Ouch-" mahinang wika niya sabay hawak sa ulo niya. Hinawakan ko agad ang braso nito.

"Khrysthelle, anong masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Napatingin ako sa kanang braso nito.

"Bakit may pasa ka sa braso?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo niya, napasabunot ito sa buhok niya.

"Jusko! Anong gagawin ko?

"Ouch-Kheana. Hindi ko na kaya, ang sakit talaga ng ulo ko!" Pasigaw niyang wika. Nataranta ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Tulong po" sigaw ko kay Nay Minda. Agad naman akong tinulungan ni Nay Minda. Kinapa ko ang bulsa ko ngunit wala pala sakin yung cellphone ko nasa bag ko.

"Nay! Hawakan mo muna siya. Kukunin ko lang cellphone ko sa bag ko. Tatawagan ko si Drake" Natatarantang wika ko. Agad namang hinawakan ni Nay Minda si Khrysthelle, tumakbo agad ako patungo sa sala. Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si Drake.

"Pick up, Drake! Pick up!" Sabi ko. Nagulat ako ng may lalaking pumasok sa bahay.


"Drake-I'm calling you. Buti nandito ka, Si Khrysthelle" wika ko agad.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya sakin. Tumakbo agad ito patungo sa garden kaya sumunod na ako. Walang pag-aalinlangan nitong binuhat si Khrysthelle at dali-daling pinasok sa sasakyan niya.

"Kheazy, bantayan mo si Zhyrus" sabi ni Drake, tumango ako. Pinaandar agad ni Drake yung kotse nito. Bumalik naman ako sa loob upang tignan si Zhyrus, nakatinhin lang siya sakin.

"Tita, what happened to mommy?" Tanong sakin ni Zhyrus. Wala akong maisagot dahil hindi ko rin alam.

"Zhyrus, let's just pray that your mommy will be ok, Soon" sabi ko.


"Ok. I know my dad will take care of my mom" sabi niya.

"Sinong Daddy?" Gulat na tanong ko, napatingin sakin si Zhyrus.

"Yung bumuhat po kay Mommy, He's my dad. Kaso paminsan-minsan lang siyang pumunta dito" Sabi niya sakin.

Literal akong natulala sa sinabi ni Zhyrus. Napako ako sa kinauupuhan ko ng marinig ko yun mula sa kanya. Pakiramdam ko nagsimula ng gumuho ang mundo ko. Milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Sobrang sakit.

Bakit nila nilihim sakin ang lahat ng ito? Ito ba ang dahilan kaya palagi silang magkasama? Pinagmukha nila akong tanga. Dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko na kakayanin.

"Tita, favor please" sabi niya sakin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Please, Beg my dad to stay with me and mommy. I want my mom to be happy. You know what tita, when my mom told me about dad that she already found him, i think i was the happiest kid on earth.- Since i was born i never saw my mom happy, Just now. Please tita. Talk to him, my mom need him" Pakiusap niya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa sinabi ni Zhyrus dahil nakikita ko mismo ang sarili ko sa kanya nung bata ako. Nung iniwan ako ni Papa. Sobrang bigat sa dibdib. Sa murang edad niya naramdaman na niyang hindi buo ang pamilya niya.

"Zhyrus-i will talk to your Dad. I promise that your family will complete" iyon ang sinabi ko. Sobrang nasasaktan ako pero alam kong mas masasaktan si Zhyrus kapag sinabi kong hindi ko kaya. Kapatid at pamangkin ko ang kahati ko sa pagmamahal ni Drake. Hindi ko sila kayang nasasaktan tapos ako masaya. I will sacrifice everything para maging buo ang pamilya nila. Hindi ko na iisipin ang sarili ko sa pagkakataong ito. They need him and i want to keep my promise to Zhyrus.


Pagkatapos nun nagtungo ako sa Hospital, dala ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na ngang humingi ng pain killer sa mga doctor para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ko.


Nagtungo ako sa kwarto ni Khrysthelle at nadatnan ko doon si Drake na nakahawak sa kamay ni Khrysthelle, tulog siya. Gusto ko ulit umiyak ngunit pinigilan ko ang sarili kong maluha. Binitawan agad ni Drake ang kamay ni Khrysthelle ng makita ako.


"Kamusta na ang pakiramdan niya?" Tanong ko sa kanya. Pinatatag ko ang sarili ko upang hindi umiyak sa harapan niya.

Ilang segundo pa ay dumating na yung Doctor, agad na lumapit si Drake sa Doctor. Pinasadahan kami ng tingin nung doctor.

"Sad to say, pero kailangan na niyang magpa-chemotherapy dahil kumakalat na ang cancer sa katawan niya" paliwanag nung doctor. Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Lalapitan ko sana yung doctor ngunit pinigilan ako ni Drake.

"Drake, Wai—Doc. she will take chemo by this week. Ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya" sabi ni Drake. Tumango ang doctor bago umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin. Pagkatapos nun binaling ko ang tingin kay Drake pero saglit lang yun, naglakad ako palayo.

"Kheazy! Kheazy—sandali. Mag-usap tayo" wika nito habang sinusundan niya ako palabas ng Hospital pero tuluy-tuloy parin ako palabas habang umiiyak. Sobrang bigat sa pakiramdam.

"Kheazy! Wait" sigaw niya ulit. Huminto na ako dahil hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Nakatulala lang ako.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin ang totoo, kailan mo pa alam ang lahat ng ito, na ikaw ang ama ni Zhyrus. Pinagmukha niyo akong tanga, Drake! Alam mo ba kung gaano kasakit yun!" Mangiyak-ngiyak na wika ko.

"Matagal na. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sayo ang lahat ng ito dahil mahal kita" paliwanag niya sakin. Pinahid ko ang luha ko bago nagsalita.


"Kung talagang mahal mo ako, bakit mo nilihim ang lahat ng ito? Bakit mo ako niloko, Drake! BAKIT?! Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Bakit palagi mo nalang akong sinasaktan!" Naiiyak na wika ko. Sobrang sakit. Durog na durog na ang puso ko.


"Hindi ko alam kung paano ko sisimulang ipaliwanag ang lahat, Kheazy. Dahil maging ako nasasaktan. Please! Intindihin mo naman ako" sabi niya. Nakita ko ang luhang pumatak sa pisngi nito.


"Maiintindihan naman kita kung sinabi mo na sakin agad para hindi na tayo humantong sa ganito!" Sabi ko. wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Gusto ko talagang ilabas ang sakit. na nararamdaman ko dahil pakiramdam ko mababaliw na ako.


"Pinalala mo lang ang sitwasyon, Drake. Hinayaan mo pang galing mismo sa anak mo ang katotoohanan. Alam mo bang nakiusap sakin si Zhyrus. Gusto niyang mabuo ang pamilya niya" mahinang wika ko.

"Huwag mong gawin to, Kheazy. Mahal kita, ayokong maghiwalay tayo" pakiusap ni Drake.



"Pero kailangan ka nila. Lalo na ngayong may sakit si Khrysthelle. Mas masasaktan ako kapag hindi ko ibigay kay Zhyrus ang gusto niya" sabi ko ulit. Lumapit siya sakin at kitang-kita ko sa mukha niya na nasasaktan din siya.


"Nagpapaubaya ka ba dahil kailangan nila ako? O kaya naman ginagawa mo ito dahil kay Blake? I saw you kissing together last night at sa bahay pa ng Lolo at Lola" Sumbat nito sakin. Hindi ko napigilan ang sarili komg sampalin siya.


"How dare you to say that! Ikaw nga tong nanloko sakin, ikaw pa tong may ganang sabihin yan sakin!" Galit na wika ko sa kanya, nakahawak lang ito sa left cheek niya.

"I'm sorry, Kheana. I really sorry" pagmamakaawa nito sakin. Hindi ko na siya kayang tignan.


"We need to sacrifice, Drake. Hindi ko kayang agawan ang kapatid ko, lalo na ang pamangkin ko. Kailangan ka nila, Drake" sabi ko habang umiiyak.

"Kheana, maayos pa naman natin to eh. Bigyan mo lang ako ng konting panahon para ipaliwanag kay Zhyrus ang lahat. Bata pa siya pero siguro naman maiintindihan niya tayo" sabi nito.


"Nangako ako kay Zhyrus na mabubuo ang pamilya niya at ikaw ang kailangan nila, Drake. Ayokong biguin ang pamangkin ko" sabi ko. Binitawan ko na siya. Masakit man para sakin na palayain siya pero ito ang nararapat.

"Alagaan mong mabuti ang kapatid ko. Alam ko namang mahal ka parin niya eh. Sana mahalin mo na rin ulit siya" Naiiyak na wika ko.


Hindi ganun kadali magparaya lalo na mahal na mahal ko siya, ngunit kailangan kong gawin to. Naglakad na ako palayo sa kanya habang umiiyak. Hindi na niya ako sinundan pa. Blurred na ang paningin ko dahil sa mga luhang kanina pa tumutulo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gulung-gulo na ang isip ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sa isang iglap gumuho ang mundo ko.


Napahiyaw ako ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. Sht lang! Pati ba naman langit sumasabay sa lungkot na nararamdaman ko.

Sige! Lakasan mo pa! Tutal huling iyak ko na to. Ang sakit-sakit na. Tangina lang!

Nagulat ako ng biglang kumidlat kasabay ng pagkulob. Kahit takot ako sa kulob at kidlat, wala na akong pakialam, wala na akong nararamdamang takot mgayon kundi sakit.


Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin. Kung sino man to. Wala akong pakialam.

"Girlfriend, I'm sorry kung ngayon lang ako dumating" natigilan ako ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko siya.


"Blake" sambit ko. Niyakap ko ulit siya.

"Tama na. Nandito na ako. Huwag ka ng umiyak" mahinang wika nito sakin habang nakayakap.

"Hayaan mo muna akong umiyak, Blake. Bukas magiging ok na ako. Sobrang sakit na. Pagod na pagod na ako. Niloko niya ako

"Ayoko ng makitang kang nasasaktan at umiiyak dahil pati ako nasasaktan din. Girlfriend, Ako nalang" sabi niya. Tumulo ulit ang luha ko. At hindi ko inasahang hahalikan niya ako sa gitna ng ulan.

----

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 177 24
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.1M 83.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...