Secretly Married A Nerd (Girl...

By senpaikaze

4.3M 142K 104K

Si Vienna Cheng ay half chinese pero pure maldita ng LCUniversity. Reyna na kung ituring sa paaralang pinapas... More

Author's Note :
Prologue
CHAPTER 1 : Louise Lazaro
CHAPTER 2 : Vienna Cheng
CHAPTER 3 : Audrey Belmonte
CHAPTER 4 : Almond Eyes
CHAPTER 5 : Total Opposite
CHAPTER 6 : Cheng's Household
CHAPTER 7 : Trouble!
CHAPTER 8 : Cedric Yu
CHAPTER 9 : Going Home
CHAPTER 10 : Drown
CHAPTER 11 : Frustration
CHAPTER 12 : Cat & Dog
Special Chapter : Airplane Love
CHAPTER 13 : The Unwanted Marriage
CHAPTER 14 : Statue of Liberty
CHAPTER 15 : Lazaro's Household
CHAPTER 16 : House Rules
CHAPTER 17 : Day 1 with Vienna
CHAPTER 18 : First Kiss, First Stole
CHAPTER 19 : Guilty
CHAPTER 20 : A Math-Kiss Tutoring
CHAPTER 21 : When Audrey Strikes
CHAPTER 22 : In Denial Jealousy
CHAPTER 23 : Unusual Vienna
CHAPTER 24 : Gossips?
CHAPTER 25 : Confession
CHAPTER 26 : The 23rd of December
CHAPTER 27 : Santorini, Greece
CHAPTER 28 : First LQ?
CHAPTER 29 : Dating Wifey
CHAPTER 31 : Valentines Special
CHAPTER 32 : Baby Avrille
CHAPTER 33 : Baby Avrille (2)
CHAPTER 34 : Vienna's Birthday
CHAPTER 35 : Make Me Love You
CHAPTER 36 : Heartbreak
CHAPTER 37 : Too Late?
CHAPTER 38 : Make It Wih You
CHAPTER 39 : Chapstick Challenge
CHAPTER 40 : Marriage Rules
CHAPTER 41 : Kayla & Joice
CHAPTER 42 : Getaway
CHAPTER 43 : No More Secret
CHAPTER 44 : Cat Fight
CHAPTER 45 : Secretly Married A Nerd
CHAPTER 46 : Broke
CHAPTER 47 : Revelations
CHAPTER 48 : Confession
Epilogue
Special Chapter

CHAPTER 30 : Friends?

71.4K 2.6K 1.5K
By senpaikaze

Vienna POV 

Nagising ako na masakit ang ulo. Ugh. Ano ba nangyari kagabi? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, at mataas na ang araw base na rin sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Wait.

Today is fcking Monday!

Mabilis na bumangon ako mula sa bed at dahil dun parang lalong na-doble ang pagkahilo ko.

Hindi ko na napansin pa kung anong nasa paligid ko, basta ang alam ko nasa room ko lang ako. Hanggang sa narinig ko na lang na may something na nahulog.

Fck. Sa sobrang hilo ko pagtayo kanina ay napapikit ako hindi ko na napansin na may nasagi akong something habang naglalakad palabas ng kwarto, doon ko lang naisipang imulat ang mata ko.

My favorite vase that was a gift from grandm! Oh my --

Nakarinig ako ng malalakas na katok sa labas nahihilo nga ako pero kita ko naman ang door knob na parang pinipilit buksan ito mula sa labas. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Louise.

"Vienna! Ayos ka lang ba dyan? Anong nangyari sayo? Buksan mo itong pinto mo please?" I bit my lower lip, I'm not drunk but I'm trying to suppress my smile. Ang aga pa masyado para pa-ngitiin ako ng cheap na yun. Concern lang?

"I-I'm okay.." sigaw ko, napatingin na lang ako sa vase na nasa sahig. Magtatampo si grandmy kapag nalaman niyang nabasag ko ito. Damn. 

"Sumagot ka naman!" rinig ko pa ring sigaw niya behind the door. What the fudge? Bingi ba siya? Hindi ko na muna yun pinansin at dumiretso na lang sa comfort room ng bedroom ko. 

And there I vomited. Muntik pa akong magpang-abot sa sahig. Eww gross!

Agad kong binuksan ang faucet at hinayaang mawala sa lababo yung sinuka ko. Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko, grabe ang ganda ko talaga.

But seriously, di naman sa nagmama-hangin na naman ako pero parang mas lalo yata akong gumanda ngayon. Naalala ko tuloy yung sinabi nung three idiots, I looked blooming and in love daw. Like hello, to whom?

Which is the first region your eyes would wander if you ever see me naked?

Louise?

WTF! Naalala ko na, fudge! Louise invited me to a dinner date, then we asked stupid questions to each other last night. 

Then I dared myself to buy an in can beer to .. to -- sht!

Calm, gorgeous Vienna. Isipin mo na lang na nakalimutan mo na nakipag-make out ka sa kanya, umarte ka na nakalimutan mo kung gaano ka-soft at warm yung lips niya at sobrang na enjoy mo 'to...

-- of course not! I really do! 

Tinanggal ko na agad sa isip ko yun, masyado pang maaga para ma-pollute ang utak ko ng nerd na yun. Argh. Anyway, maaga pa rin ba talaga? Tingin ko di na ako aabot sa morning subjects ko. I decided to take a bath instead, mamaya ko na lang aasikasuhin yung nabasag na vase.

Just when I was about to undress my clothes when I heard a click sound on the door, tsaka ko lang napagtanto na nakalimutan kong isarado ang pinto ng cr.

Then I saw Louise standing there, holding spare keys on her hand.

Napatili kami parehas sa gulat. "What the-!" pumasok ako agad sa bathroom, thinking that she almost see me naked!

Kung hindi ko pa naisipang tingnan yung pinto ng kwarto malamang ay pinasok niya ako dito.

Here.. inside this bathroom... Fck!

"S-sorry! Nag-alala lang naman ako e-eh. Akala ko kung ano na nangyari sayo.." I know. Nag-alala lang naman siya pero di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Dapat ba akong mainis dahil nag-pangahas siyang pumasok sa room ko? It was stated in our rule, don't invade each other's privacy.. or not because she just wants to check me if something bad happened to me, which is I found sweet.

I think the second one. 

"L-lalabas na ako.." yun ang huli kong narinig sa kanya bago ko ulit narinig ang pag-lock ng pinto. Oh gosh. Pasalamat lang talaga siya dahil natuwa ako kahapon sa dinner date namin. Bonus na yung pag-kiss back niya sa akin last night, yep I knew it.

--

"Bakit hindi ka pumasok?" I asked, she's preparing me a breakfast, at parang hindi siya mapakali. "Hey, what's problem?" finally, she looked at me in disbelief. What?

"Ang bilis mo makalimot, di mo ba alam ang ginawa mo kagabi?" I gulped. Damn it Lazaro! I know what she's referring to, I played and acted cool.

"What are you saying?" mabilis na tanong ko, acting that I forgot what I did last night.

"Wala.. Pero pwede ka na mag-artista sa sobrang galing mo umarte." she nonchalantly answered and placed a plate with a breakfast meal infrot. She's being extra sweet huh?

"Thanks."

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko, at kahit ako din namam. Well, magpasalamat na lang siya dahil pag tinopak na naman ako tatarayan ko siya ulit.

"Ang ganda mo talaga ngumiti." napatigil ako sa pag-nguya ko, I heard that words from her, right?

"S-shut up!" and here she goes again, teasing me. Did I just smiled?! No way! Masyado na akong attached sa cheap na 'to.

Para hindi ako mapahiya, iniba ko agad ang topic. "So, bakit hindi ka pumasok?" I asked her for the second time, di ko alam pero pinapanood ko na lang siya kung paano sumubo and how the spoon pressed on her lips.

Oh. I need water please!

"M-may dumi pa ako sa mukha?" tanong nito at halatang na-conscious sa pag-tingin ko sa kanya. Napangisi ako dahil ang bilis nitong pamuluhan ng pisngi.

"Nahihiya ka ba dahil tinitigan ka lang naman ng isang magandang ako?" tanong ko pero tinawanan niya lang! Excuse me? May mali ba sa sinabi ko?!

"Oy arte, di porket sinabihan kita na ang ganda mo kapag ngumingiti, lulubusin mo na? Mag-tira ka rin naman ng hiya." aniya at patuloy pa rin sa pagtawa. Ang kapal ng mukha niya!

Sinamaan ko na nga siya ng tingin.

"Biro lang. Maganda ka naman talaga."

"So, you really find me attractive?"

Hindi siya sumagot pero hatala ko ang tense sa maamo niyang mukha. I smiled, secretly.

"N-nga pala, kanina mo pa pala ako tinatanong kung bakit hindi ako pumasok bakit mo ba gustong malaman?" hindi ko napigilang irapan siya sa inosente niyang tanong. Hello! Hindi naman siya lasing kagabi para ma-late siya ng gising. Di naman niya ikakamatay kung sasagutin niya duh.

"Wag mo na akong irapan. Hindi talaga ako pumasok ngayon para asikasuhin ka, hindi ko naman maatim na iwan ka dito mag-isa."

Dahil sa sinabi niya natahimik bigla ang atmosphere sa pagitan namin, ayaw ko mang aminin pero may kung ano na namang naglalaro sa tyan ko.

"Ahm, gusto mo ba ng kape? May hang-over ka diba?" napataas ako ng kilay sa tanong niya, parang nadismaya ako dah ilang months na kaming nakatira ng magkasama and she effin forgot that I don't sht drink coffee.

"Bakit?"

"I don't--"

"Ah oo, alam ko naman na hindi ka nga umiinom ng kape. Pero try mo rin, para mawala agad ang sakit ng ulo mo. Iinom-inom kasi tapos mambibitin pa."

What the fck she's saying?

"I can't hear you."

Nagkibit balikat lang ito at tumayo siya. Tiningnan ko siya na pumunta sa fridge at kumuha ng fresh milk.

Bumalik siya sa upuan niya na kaharap ko lang, gumamit siya ng tasa at doon binuhos ang ½ ng fresh milk, pinapanood ko lang siya habang naglalagay ng 2 teaspoons of black coffee.

"I bet that's too bitter." Ugh. Sabi ko sa kanya na wala manlang siyang reaction. Ang confident naman yata niya masyado na masarap siyang magtimpla huh?

"Gusto mo bang tikman ko?" I nodded. Of course Louise you can, kahit ikaw na mismo ang mag-ubos.

Hindi ko na lang siya pinansin, hindi naman sa hindi ko gusto ang coffee pero lumaki ako na milk lang ang pinapainom sa akin. Don't ya dare guys na pag-isipan akong bata pa. Oo, baby faced ako sa mukha.

"Hindi naman eh, masarap pa nga. Sige na." doon ko na siya tiningnan. Namalayan ko na lang nasa tapat ko na ang mug na pinag-inuman niya.

Wait, wait, wait! Saang part siya uminom? Obvious naman na uminom talaga, it is because her lips were moist. Hindi manlang ba sumagi sa cheap na 'to na baka mag-indirect kiss kami?

Napagtanto lo na masyado nang malayo ang mga iniisip ko. Ano naman kung mag-indirect kiss diba? We did more than that.

Sa huli, sinubukan ko na ring inumin ang ginawa niya. Masarap naman pala, lalo pa na galing sa fridge yung milk.

"Are you drunk or what? Or did you ate hundreds of chocolate bars?"

"Hindi naman. Bakit mo naman nasabi?"

"Because you're too sweet today." Totoo naman, paano kung ngayon lang siya ganito? Minsan lang lumabas ang sweet bones sa katawan niya. Paano kung bigla kong hanapin ang sweetness niya tapos sa ibang araw hindi na ulit? Damn.

Halatang nabigla siya sa sinabi ko, at parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Why? Baka isipin niya na sa simpleng actions niya lang na yun na-sweet-an ako. Gosh.

"Ha? Sweet na agad yun para sayo? Eh ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko na..."

She paused a bit.

"Alagaan at palambutin ka."

Argh. Bakit ba ang hilig niyang bumulong?!

"Can you stop whispering?!" kairita kasi. As usual parang sanay na siya sa mga tantrums ko kaya ipinag-walang bahala niya lang.

Napansin ko na lang na tumayo siya sa kinauupuan niya. I don't know if she's already done with her breakfast or what dahil di pa naman ubos ang kinakain niya.

Napataas ako ng kilay nang lumapit siya sa akin, hindi man ako humarap sa kanya pero na-sense ko na pinantay niya ang mukha niya sa tenga ko.

"Ang sabi ko tungkulin ko na alagaan at palambutin ka." My body shivered. I can smell her mint breathe wait ano na namang pakana niya?

What's the meaning of palambutin?! Mukha ba akong spare ribs sa mata niya? Duh, ang sexy ko kaya.

Basta ang alam ko lang nang-aasar na naman siya o gumaganti lang dahil sa ginawa ko kagabi. Hindi ko rin naman alam kung nabitin ko nga ba siya or what.. pero mukhang oo dahil ang landi niya!

Yes people, may tinatago siyang kalandian, she's maybe naive sometimes but at times like this she's being a flirt. Tell me, where did she got too much confidence?

Tinapunan ko agad siya ng masamang tingin, nope walang effect sa akin ang kalokohan niya. Promise!

I saw how her lips formed a sly smile.

She really wants to play huh?

--

"Oh my fckng--" bigla niyang tinakpan ang bibig ko, kaya mas lalo ko pang gustong tumili. How dare she?!

"Sssh." finally she let go of me but gestured a sssh sign.

"Ang ingay mo naman eh."

"What? Tinakpan mo nga bibig ko diba? Tapos ako pa ang maingay?!"

"Relax, nag-aalburuto ka na naman. Fake lang naman yun maka-sigaw ka."

Ugh! Bakit ba ako pumayag na makipag-movie marathon sa bwisit na 'to?

Nasa second floor kami ng bahay, sa mini theater kaya madilim malamang, hindi ko naman kasalanan na maputol yung ulo ng isa sa mga zombies na kinakalaban ng bida.

Hindi ko na lang siya pinansin, siya lang naman ang nag-eenjoy. Tss.

"Nabo-bored ka ba sa pinapanood natin?" tanong nito, tiningnan ko naman siya pero naka-focus lang sa pinapanood niya.

"Not really."

"Tsk. Sige na nga papalitan ko na."

Napailing na lang ako ng lihim, she's so adorable isn't she?

Hindi ko alam kung ano yung movie na isinalang niya. I think it's a romantic movie, sa una pa lang corny na.

Kidding.

Nasa middle part na yung movie when a btch kissed the protagonist guy forcely. Bigla tuloy may nagpop-out sa utak ko ang image na nag-kiss si sinto-sinto at Louise.

I suddenly felt a pang on my chest.

"Déjà vu." I heard her, whispering.

"Why?" na-curious lang ako hello.

"W-wala." tss. Obvious na ayaw niyang pag-usapan.

"Is she's a good kisser than me?" out of nowhere kong tanong, hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko yun pero wala na akong pakialam.

Tiningnan ko ang reaction niya, at parang na tense siya bigla. Kahit pa na medyo madilim sa room kita ko naman sa tama ng liwanag ng malaking TV screen yung reaction niya.

"A-anong sinasabi mo?"

"Oh please. Wag ka ng mag-maangan pa." I can't help but to feel something strange again.

"Gusto mo bang pag-usapan natin yun?"

"So alam mo na ang tinutukoy ko?"

"Ah-eh."

"Tss."

"Teka. Nagseselos ka ba?" What the ef?!

"Can you please repeat it?"

"Sabi ko, nagseselos ka." it was more like a statement than a question.

Bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko pero di ko itatanggi na gusto kong sabunutan si Audrey nung gabing yun.

Pero ayaw kong mag-mukhang kawawa dito, so I need to act again.

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya.

"Anong nakakatawa?"

"It's just..pfft., funny! Duh, bakit ako magseselos? Don't flatter yourself I don't have any feelings for you cheap, asa ka." minsan gusto kong literal na sampalin ang sarili ko. Walang awat ang bibig ko kapag ganito, gosh.

Hindi ko alam kung namalik-mata ba ako or what, biglang nalungkot ang mukha niya at tinuon na lang tingin niya sa movie.

"Pero may karapatan ka, asawa kita eh."

Parang tambol yung puso ko ngayon sa sinabi niya di gaya numg dati na diring-diri ako kapag nagtatabi kami, o isipin na ikinasal ako sa gaya niya.

"S-sorry, binabawi ko na. Baka mandiri ka pa sa sinabi ko."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Napaka! Napaka-KJ! Hindi ko na lang siya kinibo, pabago-bago!

"Sa tanong mo kanina.." doon ako ulit napatingin sa kanya. Tanong ko?

Oh. I knew it.

Hinintay ko ang sasabihin niya. Hinihintay ko na rin ang movie na patapos na, parang magiging okay na rin yung dalawang bida, well typical endings.

"Magaling siya humalik pero.."

Siya? Did she mean that Belmonte girl?! Bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin? Bigwasan ko kaya siya!

"So? Sa kanya mo sabihin yan, wag sa akin. K?" mataray kong sagot.

Pinakalma ko ang sarili ko, alam kong gumagawa siya ng way para maging okay ang pakikitungo ko sa kanya. Pero siya rin naman gumagawa ng paraan para tarayan ko siya.

"Hindi pa naman ako tapos eh." she whined. Yeah whateva.

"Mas gusto ko pa rin ang labi mo."

Damn.

--

"Grabe girls ha, ako lang ba o kayo rin na nakakapansin sa.."

Napatingin kaming tatlo kay Katrina. "Nakakapansin saan?"

"I just noticed Vi and nerdy were absent yesterday." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya na saan ang sense dun?

"Ano namang problema doon?" sabat ni Joice, ugh alam kong mauuwi na naman sila sa pagtatalo. Parang 2.0 version namin ni Louise silang dalawa.

"It's not a freaking problem! How should I say this ba?.."

"Baka ang ibig mong sabihin, baka coincidence lang?"

"Ano bang topic nyo? I don't get you girls, anong kinalaman nung nerd na yun sa pag-absent ko kahapon?" kahit na nagsisimula na rin akong kabahan. Baka nakakahalata na sila.

"Na-gets ko ang sinabi ni Katrina. Vi come to think of it, naalala mo yung tatlong araw na di ka-umattend ng department natin? Kahit si Louise din di siya sumipot sa sports na sinalihan niya,  what I meant is, isa lang siyang simpleng nerd dito sa university natin. Hahayaan ba niya na di siya um-attend ng kahit isang araw lang?"

Dahil sa mga haka-haka ng dalawang gaga, napaisip ako. Yung tatlong araw na binanggit ni Kayla ay yung mga araw na nagprepare kami, kinasal kami ni cheap sa New York at malamang parehas kaming wala nun.

At sino nga lang ba ang nakaka-alam na hindi siya basta simpleng estudyante dito sa LCU? As far as I know kaming mga Cheng and Lazaro lang ang nakaka-alam, hindi ko rin naman alam kung sinabi ba ni cheap sa friend niyang si Jamie ang totoo niyang pinanggalingan.

My head is sht hurting!

"Ah teka, may napansin din pala ako." nag-ala bumbilya ang ulo ni Joice. Wow huh, hanggang dito lang ba lalabas ang ilaw sa utak niya?

Napa-crossed arm ako sa tatlo at binigyan sila ng bored na tingin. No matter what they sa--

"Naalala ko last time, diba nagkasakit itong queen bee natin?" tumango yung dalawa. And so?

"Alam agad ni cutie na matutumba si Vienna dahil may sakit siya?"

"Na saan ang point?" sabat ni Katrina.

"Pwede ba manahimik ka muna Katrina? Ganito kasi, yung mga panahon na yun parang komportable lang na nakasandal si Vienna kay cutie. Mukhang nasasarapan pa nga siya eh."

"Eww gross Patrimonio! What a term!"

Lalo akong na-confused. Wala na akong masyadong natandaan sa part na yun.

"Tapos kung natatandaan niyo pa, mali raw yung room na pinuntahan ni cutie nung nasa clinic siya. Napaka-invalid reason naman diba? Pero ano? Siya pa itong nagpa-alis sa atin nun at gustong maiwan lang silang dalawa?"

Nagkatinginan silang tatlo tsaka sila tumingin sa akin. "Huhuhu! What did you guys did nung kayo lang ang tao sa clinic?" maarteng kunwaring iyak ni Katrina. Napantig ang tenga ko dun, what does she mean?

"I don't like the way you think Kat." seryosong sabi ko sa kanya. This time, I confronted Patrimonio and Bermudez.

"So? What's the point? Kayla, ikaw na rin mismo ang nagsabi maybe it's just a coincidence at all. Baka parehas lang nagkataon na wala kami ni Louise minsan." ugh. Bakit ko ba kailangang magpaliwanag sa mga ito.

"Eh anong pinag-usapan nyong dalawa nun? Bakit mo kami pina-alis?"

"Tapos parehas pa kayong nawala nung late afternoon classes."

Oh gosh.

"Ano bang ipinag-puputok ng butsi nyo?!" naiinis ko ng tanong. They're weird.

"It's so strange. We're thinking that you guys are already friends pero pinagtatakpan mo lang."

"Hindi mo na rin siya binu-bully."

"Louise is a good catch to be friend with. In fact na kaibigan pa niya ang isang Jaime Muñoz."

"We don't have a problem with cutie na maging kaibigan mo siya."

"Ano ba talaga pinupunto nyo?" nagsisimula na akong mairita. "Na baka nagha-hangout kayo together, secretly. Para saan pa ilang taon nating magkakaibigan? Alam ko na mga halang nyo sa bituka." si Joice

"Vienna, ma-pride kang tao alam naming di mo aaminin na in good terms na kayo ni cutie dahil minsan mo rin siyang binully. You're still trying to mask yourself as if you have a hard shell, di mo kailangan pagtakpan na ang isang Vienna Cheng ay may malambot ring puso." dagdag pa niya.

Nakaramdam ako ng alinlangan. Kilala ko ang sarili ko bilang nag-aastang reyna-reynahan dito. Wala akong pinapalampas kapag may isang estudyanteng ginagalit ako, wala akong pakialam kung anak mayaman din sila basta ako ang queen bee na sobrang bully.

Pero bakit pagdating kay Louise, parang nagbago nga ang lahat?

--

"Okay? What's the commotion all about?" nabaling ang atensyon namin kay Kayla na nakatingin sa unahan. May kumpulan ng mga estupidyante, parang may pinapanood sila.

Napa-cross arm ako, ako lang ang may karapatan na gumawa ng eksena dito. Nakarinig na lang kami ng boo at hiyawan ng mga lalaki.

"May nabubully na naman kaya?" curious na tanong ni Joice.

Ako na ang nauna sa 3 idiots at tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Palapit na kami sa pinagkakaguluhan nila kaya walang silang atubili na bigyan kami ng daan. Well dapat lang.

Uminit bigla ang ulo ko sa nakikita ko ngayon. This Tricia bitch na pinagtutulungan si Louise kasama ang mga mukhang palaka nitong mga alalay.

Lalong kumulo ang dugo ko nang mapansin kong namumula ang kaliwang pisngi niya at dugo sa lips nito.

"Tricia! Ano bang problema mo?!" oh so may shining armor pa pala, si Zac? Lahat sila ay puro mga taga-architecture department.

"Cutie.." bulong ni Joice akmang pupuntahan sila. Pero agad ko siyang pinigilan at tiningnan sa mata, I bet she saw the wrath on my eyes.

"V-vi."

Magkasama pala si cheap at ang lalaking yun, so si Tricia the frog nag-aakala na may something sa dalawa.

Na saan ba ang friend nitong si Jamie Muñoz? And wait pati si sinto-sinto na alam kong laging kasama niya wala sa paligid niya? Oh wait tingin ko alam ko na ang dahilan kung bakit.

Naalala ko yung time na sinabi sa amin ni Joice na hindi niya sinasadyang mag-eavesdrop tungkol sa usapan nila ni Zac at Audrey Belmonte, na pinababantayan daw ng huli si Louise.

Hindi ko na kinaya ang mga inisip ko, that Audrey bitch. Namumuro na talaga siya.

Hindi ko napigilan pa ng akmang sasabunutan ng palakang yun si cheap.

Naramdaman ko pa ang paghigit sa akin ni Katrina at parang pinipigilan akong huwag sumali sa gulo.

No, not at this time.

Malakas na hinigit ko ang buhok ni Tricia, nakakagigil! Hinigit ko pa lalo ng mahigpit, lalong lumakas ang hiyawan dito sa cafeteria. Alam ko na nasasaktan na siya sa pagsabunot ko sa buhok niya. Pero wala akong pakialam!

Ayaw kong tumingin kay Louise, baka kapag nakita ko ang dugo sa gilid ng labi niya ay baka manghiram ng mukha sa aso si Tricia.

Anyway hindi na pala kailangan, dahil aso na talaga siya.

"M-miss Vienna." napangisi ako ng makita ang dalawang alalay niya na biglang natakot sa ginagawa ko sa amo nila.

See? Sila ang mga kaibigang tawagin nating plastik.

"Ah--..o-uch! L-let go of me! N-nasasaktan ako!" so? Nasasaktan siya? Akmang susunggaban din ako nito pero inunahan ko siya at malakas na tinulak sa mga kaibigan niya.

"Know your place Tricia." seryosong banta ko sa kanya. "Ako lang ang may karapatan na gumawa ng eksena dito, kaya kung ako sayo pack your things now at lumayas ka na dito." nagbulungan ang mga estupidyante sa paligid ko, nagbubulungan pa naririnig ko naman! May ilang humanga may ilan ring negative feedback, pero ano pa bang pakialam ko dun?

"B-bakit ba lagi mo siyang pinagtatanggol mo?! What I knew was you also bullied her before!" parang paiyak nitong sigaw pabalik sa akin.

Ako naman ang natigilan, she's fcking right! Pero matagal ng nangyari yun!

"Booo!"

"Ano pre kanino ka pupusta?"

"Syempre kay Miss Vienna."

"Ulol. Pre kay Cedric na yan."

Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan. I need to finished this sht scene already.

"Hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo. Now leave!" mukhang wala pa silang balak umalis kung wala pang dumating na prof, binigyan pa nila ako ng nagbabantang tingin. Wow huh anong akala nila? Matatakot ako? Sila ang dapat matakot sa akin sa ginawa nila kay Louise.

Nagbalikan rin naman sila sa mga ginawa nila.

Lumapit ako agad kay Louise at hinigit siya kay Zac. Kalalaking tao hindi siya maipagtanggol!

"Let's go." higit ko sa kamay niya binigyan ko muna ng matalim na tingin ang lalaking ito. Bwisit.

Buti naman hindi na nagtanong pa si Louise, mas nakita ko tuloy ng malapitan ang lips niya na may dugo. Ganun ba kalakas ang sampal ng asong yun at ganito ang nangyari sa kanya? I'll make sure this is their last day in LCU.

I would like to saw her lips reddening when I bit it hard until it bleed, not like this.

--

A/N: ay grabe Vienna! Ikaw na! Ikaw na talaga! May concern lang ako, I'm not sure sa de vaju ba yun? Or what nakalimutan ko kung yun nga ba ang right word. I-edit ko na lang pag may time. :>

Thank ü everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 41.2K 56
ProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : March 25, 2022 Completed : May 31, 2022
73K 3.5K 31
Apoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Me...
2M 49.7K 45
Fake relationship ā€¢ devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
685K 19.1K 58
Freen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not inter...