"PRINCESS OF TEARS" (Lade & K...

By yhanie_kaye08

39.9K 2.1K 295

Nakatulong nga ba ang yong pag layo sa paghilom nang sugat sa iyong puso? o sa muli nyong pag tatagpo maalala... More

"PROLOGUE"
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 33
CHAPTER 31
CHAPTER 32
AUTHOR NOTE
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
"BECAUSE OF YOU"
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 6

830 47 5
By yhanie_kaye08


A/N

Guys,tuloy ko po muna ang flashback ni Katrina,sa huli na po ang flashback ni Lade..😃

"Khat..! Saan ka pupunta?" Tawag sakin ni Ellene.

"Uuwi na,tapos na ang klase diba?"

"Halerr..?! May amnesia ka ba?"

"Bakit?" Pag mamaang-maangan ko.

"Tutog-tug ngayon ang Ezra band"

"So?" Naiiritang sabi ko.

"Ano na naman? Galit kana naman sa kanya? Alam mo ikaw feeling jowa ka talaga" sermon nito sakin.

"Nakakainis lang kasi,may pinaiyak na naman syang girl kanina"

Nakita ko kasi si Lade kanina sa likod nang restroom kanina hindi ko naman sinasadyang makita sila,nakarinig kasi ako nang iyak nang isang babae kaya hinanap ko ito at nagulat ako Sa nakita ko,umiiyak yong girl sa harap nya at nag mamakaawang wag nyang hiwalayan,pero ang tanging sagot nya lang ay (sorry).

"Hindi naman kasalanan ni Lade kung marami sa kanya ang naiinlove,hindi naman sya namilit kasi mismo yong mga girl ang mahigpit kung kumapit kaya masakit pag ayawan na."

"May point kana man Ellene,ang akin lang naman kung sasaktan nya lang wag na lang."

"So ngayon,hindi mona sya mahal? Turn off na ba?" Seryusong tanong nito habang nakatingin sakin.

"Sana nga,kailan kaya yon mangyayari?"

"Wow..! Tanong mo sa puso mong tanga"

"Nakakatakot syang mahalin,para syang isang rosas na maganda pero matinik at kunting pag kakamali mo lang nang hawak maari ka nang masugatan"

"Dami hugot Khat,tara na mahuhuli na tayo nandon na si Kristine para mag bantay nang pwesto natin"

Wala na akong nagawa kundi sumonod na lang dito.Lagi naman akong ganito pag nalalaman kong may umiiyak na namang girl dahil sa kanya lagi akong apektado diko alam kung bakit.Dahil katulad nong mga girl na nasaktan nya,mahal ko rin sya? Kaya ba nasasaktan din ako kasi iniisip ko kung sakin nangyari yong ganon,siguradong madudurog din ako.

Nakipagsiksikan Na kami sa loob nang makapasok kami sa music room kung saan madalas tumogtog sila Lade.

"Tagal Nyo." Reklamo ni Kristine nang makalapit na kami dito.

"Nag emote na naman kasi yang pinsan mo" sagot ni Ellene.

"Si Tasha ba? Nakita mo ba kung pano sya hiniwalayan ni Lade?" Tanong ni Kristine.

"Hinaan nyo nga boses nyo baka may makarinig,at isipin pang chismosa ako" saway ko sa dalawa.

"Don't worry walang maniniwala,dahil yong hitsura mo pang banal" pang-aasar ni Kristine.

(Wooohh..!!)

Natigil kami sa biglang sigawan nang mga studyanteng kasama namin,dahil sa pag akyat nang vocalist na si Lade mula sa backstage.

Inaayos nito ang mic habang hinahagod ang medyo mahabang buhok nya patungo sa likod.

Bumibilis na naman ang tibok nang puso ko habang nakatingin dito.Lade bakit ka ba ganyan? Kahit pilitin kong isaksak sa isip ko na hindi ka dapat mahalin,pero bakit laging ikaw parin?

Natahimik ang buong paligid nang magsimula nang kumanta si Lade.

Mula nang makilala ka,
Aking mahal,di ako
Mapalagay sa kakaisip
Ko sayo..

Tulala ako sa bawat Linya nang kanta dahil,parang ako yong kanta ganon kasi ang narardaman ko kay Lade.

Lagi na lang ikaw ang alala ko,
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw..

Mababaliw na ako nito.Lade pano kita hindi mamahalin kung lagi na mang kitang naiisip.

Maging sa pagtulog ay panaginip ka,pagka't ang nais ko Sana
Kapiling ka sa twina..

Ano bang nakita nang puso
Kong ito sayo kapag
Ika'y kasama anong ligaya
Ko sinta..

Hindi lang siguro ligaya ang mararamdaman ko pag makasama ko
Si Lade baka heaven na ang feeling ko
Dahil pangarap ko talaga yon.

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y diko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man iniibig kita.

Sigawan ang mga studyante dahil sa subrang kilig,kahit naman yata sino kikiligin lalo na't kinanta yon ni Lade sa harap mo mismo.Hindi ko parin inaalis yong paningin ko dito nang bigla itong mapatingin sa gawi ko.Este sa gawi pala namin,marami pala kami..tsk..! Kala ko nag-iisa lang ako.

Sumpa man,iniibig kita..

Huling kanta nito,pero feeling ko sakin ito nakatingin,nanigas ako hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na yon.Sana tama ako.

"Gosh..! Sa akin sya nakatingin.." Malanding sigaw nang isang girl na katabi lang namin.

"Anong sayo?! Sa akin kaya.." Kontra naman nang kasama nito.

"Tsk..tsk.. Ni isa sainyo wala syang tiningnan,dahil ang sakit sa Mata nang mga buhok nyo,kulang na lang kulay orange daig nyo na ang rainbow" sabi ni Kristine sa mga ito na kinatahimik naman nila.Inismiran nya pa ito saka kami inaya palabas.

Medyo umaambon nang lumabas kami kaya kinuha ko yong payong ko sa bag.

"Pinsan punta muna ako sa restroom" paalam ni Kristine.

"Ako akyat na ako sa dorm ko,see you tomorrow guys" sabi naman ni Ellene.Mayaman kasi ang pamilya nito kaya sa LU sya Mismo naninirahan.

Tumango na lang ako sa kanilang dalawa.

Minabuti kong sa gate na lang intayin si Kristine kaya lumakad na ako.Huminto ako sa tabi at binuksan ang payong ko dahil medyo lumalakas na ang ulan.

"Bakit labis kitang mahal,yakap moy diko malimutan.." Mahinang kanta ko habang napapangiti,lutang parin kasi ako."Bakit labis kitang mahal.." Patuloy ko habang naka pikit at ini-imagine na kaharap ko lang si Lade."Sumpa man-----"

"Iniibig kita.."

Natigilan ako nang biglang may sumabat,dinilat ko ang mga mata ko. At napasinghap ako kasabay nang panlalaki nang mga mata ko.Hindi ito totoo..! Muli kong pinikit ang mga Mata ko sabay dilat ulit.Kumabog ang dibdib ko dahil nasa harap ko parin sya naka sukob sa payong ko habang naka kunot noong nakatingin sakin.

"La...Lay..Lade?!" Sa wakas naibulalas ko rin.Pero tika baka,bad breath ako ano huli kong kinain kanina? Boy bawang..! Paktay na.tinikom ko ang bibig ko.Pero tika nga ulit bakit pala sya nandito sa harap ko.Itatanong kona sana nang magulat ako sa ginawa nitong pag hapit sa bewang ko at pinihit ako matapos nitong sumandal sa pinaka poste nang gate.

"Sshhh..I need your help" sabi nito habang palingon-lingon sa paligid na parang may pinag tataguan.

Hindi ako makagalaw dahil nalalanghap ko ang bango nito na hindi ko alam kong hininga nya ba or pabango na nag mumula sa katawan nya.

"Nasaan na sya..?"

"Lade nang buhay ko,where na you dito na me."

"Ang bilis nyang mawala,hayst.."

Dinig kong usap-usapan nang mga girls malapit lang sa likod ko.

Tahimik lang ako dahil parang hindi ako makahinga sa subrang lapit naming dalawa dadag pa yong kamay nyang nasa bewang kopa rin.

"Wala ka sa ilalim nang dagat kaya pwedi ka huminga" sabi nito.nahiya naman akong tumingin dito.

Mag sasalita na sana ako nang dahan-dahan nyang binababa ang mukha nya patungo sakin.Waaah..! Lade wag ngayon hindi ako handa.kontra nang isip ko sabay pikit nang mariin.

Dumaan na ang ilang sigundo pero wala akong naramdamang dumampi sakin,kaya napadilat na ako at nakita ko yong mukha ni Lade sa may balikat ko,inangat nito nang kunti ang payong ko at sumilip Sa may likod ko feeling ko yakap na ako nito.

"Wala na sila" sabi nito at muling inangat ang tingin patungo sakin.Naging malikot ang mga Mata ko dahil naiilang ako."Thanks Khat" huling sabi nito at umalis na sa harap ko.

Nakahinga na ako nang maluwag at napahawak ako nang mahigpit sa payong ko dahil Para akong nanghihina.

"Pinsan ok ka lang?" Tanong ni Kristine na kararating lang.

"Ayeehh..!" Tili ko.

"Psst..oy' anyareh sayo?"

"Niyakap ako ni Lade kanina,pinsan..!" Masayang sagot ko dito.

"Wala ka pa sa kama mo nanaginip kana,Katrina talaga"

"Totoo pinsan" pamimilit ko.

"Sya,umowi na tayo para matuloy na yang panaginip mo"

**********

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
163K 5.1K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
30.7K 309 11
What if one day, you meet someone who will bring the best in you? And someone who can show to you what love and happiness is. And someone who can tur...