Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 46: But Always

40.2K 862 130
By RenesmeeStories

46: But Always
Lian Analiz's POV

"Woohooo! Tara tara tara dali!" Halos magkanda tumba tumba na si Alyx para lamang makadaan patungo doon sa dancer floor nitong bar. Hindi namin siya pinigilan ni Shana o kahit sino sa amin dahil kilala namin ang bruhang iyan, kahit pa itali namin iyan, hindi na mapipigilan.

"Let's dance!" Masayang sambit naman ni Vianca na tipsy na dahil sa kaiinom. Napailing-iling na lamang ako noong sundan nito si Alyx patungo sa sayawan. Kanina pa kami nandito sa bar, kaya hindi na talaga ako magtatakha na malalakas na ang tama nila.

Ang dami kasing inorder na malalakas na inumin. Masyadong tinutuo iyong sinabi nilang magpapakalasing at magpapakasaya sila ngayong gabi. Tahimik ako dito sa isang tabi katabi ko si Incess at si Annicka. Bagsak na si Annicka, kanina pa naghihilik habang nakahiga sa may sofa dito.

Napakaingay ng paligid pero ang himbing ng tulog nang isang ito. Si Shana naman ay patuloy pa din sa paglagok habang nakangisi. Nagiging madaldal na nga din katunayan na tinatamaan na ng inumin.

"Lian!" Biglang sigaw ni Shana. Hindi ko siya masyadong marinig dahil sobrang lakas talaga noong musika idagdag mo pa na halos kumakabog ang puso ko dahil sa lakas ng vibration mula sa sound system dito.

"Lian, tara sundan na natin sina Vianca. Let's rock the dance floor!" Lumapit na siya sa akin at isinigaw na niya iyon sa tabi ko. Natawa na lamang ako, may pagkalasing na din talaga. Hindi din ako nag-aalala kay Shana kasi kahit medyo wala iyan sa wisyo, alam niya kung anong nagyayari. Talagang nagiging madaldal lamang.

Si Alyx naman kapag nalalasing masyadong nagiging mapang-akit at matabil ang dila. Napailing-iling na lamang ako. Tsk tsk tsk. Sakit sa ulo ni Alyx kapag nalalasing. Bahala na si Thon Thon mag-asikaso sa kaniya. Naghatid na ako ng mensahe sa mga lalaki kung nasaan kami at kung pupunta sila o hindi, sila na ang bahala.

Itinaboy ko na lamang si Shana na nagyayayang sumayaw. Hindi ako makaalis dahil binabantayan ko si Annicka at Incess. Si Incess kasi tahimik lamang at patuloy na umiinom. Hindi ko nga alam kung saan nakuha nang isang ito ang tibay. Sa sobrang lakas noong inumin namin hindi pa din tumba at higit sa lahat tuloy tuloy pa din.

"Incess tama na iyan." Sabi ko na lamang at kukunin ko sana iyong hawak niya, subalit bigla niya akong sinamaan ng tingin. Sa sandaling iyon napalunok at nagtaasan ang balahibo ko sa braso.

Nakakatakot. Matagal na kaming takot sa kaniya pero mas kumabog yata ang dibdib ko ngayon. Sobrang nagsusumigaw ang awtoridad sa kaniyang awra ngayon. Siguro kaya walang mga lalaking lumalapit sa lugar namin ay dahil sa kaniya, talagang kakabahan ka kasi, para kasing may masamang hangin sa paligid.

Noong una hindi ko ganoong ramdam iyon. Medyo may tama na din kasi ako, pakiramdam ko nga namumula na ako ngayon dahil sobrang init ng pakiramdam ko. Napa-iwas na lamang ako ng tingin at hindi nagpatuloy nanaman siya sa pag-inom.

Ilang sandali pa biglang umupo si Annicka mula sa pagkakahiga. "Oy, Lian." Lasing nga talaga ang isang ito, parang nakikipaglokohan sa akin. Agad siyang yumakap sa braso ko at saka nagsalita. "Lian, ang saya saya saya ko." Magsisimula nanaman si Annicka. I face palmed mentally.

"Alam mo bang sobrang pinangarap ko ito?" Nagsimula nanaman siyang ngumawa. Pang-ilan na nga ba ito? Hindi ko na mabilang. Noong una antig na antig pa ako sa sinasabi niya, pero ngayon naririndi na ako.

"Huhuhu. Ang makapagsaya kasama kayo, na walang inaalala. Ang bumalik iyong cold pero sweet na si Incess, ang maging payapa nang muli ang lahat. Sobrang saya ko talaga." And she goes on and on about the sufferings and how we overcame all of it. Umiiyak pa si Annicka. Palahaw na.

Natatawa na nga lamang ako sa sinasabi niya. "Miss mo na si Zeus mo?" Dugtong ko doon sa sinasabi niya.

"Lian paano mo alam!?" Gulat na sambit niya na nakatingin sa akin habang umiiyak. Matatawa sana ako sa hitsura ni Annicka pero pinigilan ko. Ibang klase din malasing ang isang ito. Ang kulit na nga ang emosyonal pa. "Huwag mo sabihing namimiss mo din siya!?" Lalo siyang umiyak noong parang mapagtanto na magiging karibal niya ako.

I giggled secretly. "Annicka, matulog ka na ulit. Kanina mo pa sinasabi iyan." Sambit ko na lamang at saka siya tinapik tapik sa likod. Mas lalo siyang yumakap sa akin dahil doom. Paulit-ulit kasi ang mga sinasabi ni Annicka.

Ilang sandali lamang bumagsak nang muli si Annicka. Para akong nanay na nag-aalaga ng mga anak dito. Tss. Ano kayang gagawin ng mga ito kung wala ako?

Tinanaw ko si Vianca, Shana at Alyx sa may dance floor, mukhang nagkakatuwaan iyong tatlo at nagsisigawan habang may mga kasayaw na lalaki. Napa-iling iling na lamang ako. Kinuhanan ko sila ng litrato at sinimulang kalikutin ang aking cellphone.

Tingnan ko lamang kung hindi pa kayo magtungo dito ngayon din.

Nasambit ko sa aking isip habang may kakaibang ngiti sa mga labi. Hindi ko din natagalan ang pagtingin kayna Alyx dahil masyado akong nasisilaw sa ilaw sa gawi nila. Ang sakit sa mata. Napapikit na lamang ako at saka muling tumingin kay Incess.

Umiinom pa din. Pang-ilang inom na ba niya iyan? Hindi man lamang tinamaan nakakainggit. Tss. Samantalang ako, kakaunti pa lamang ang naiinom, hindi na kaya nang sikmura ko. Nahilo agad ako, kaya itinigil ko na.

Ilang sandali pa sunod sunod na mensahe ang natanggap ko at hindi ko alam kung alin ang uunahing buksan. Lahat iyon mula sa mga lalaking tukmol na tinakasan kami. Ha! Ano? Matapos ko ipakita iyong mga litrato nina Alyx at saka sila nagpaparamdam? Tigas din nila.

Bubuksan ko sana iyong kay Tim Tim pero biglang tumawag si kuya kaya naman sinagot ko na. "Fucking shit, Lian! Bakit nasa club kayo?" Nailayo ko sa tainga ko iyong telepono nang wala sa oras. Ang sakit sa pandinig. Ang ingay na nga dito sa,loob, pati ba naman si kuya? Tsk. Ibinalik ko din iyon noong makalipas ang ilang segundo.

"Lian! Where the heck are you!?" Tss. Masyado naman yatang napapasobra sa pag-aalala itong si kuya. Tss. "Where's Light? Lian, anong ginagawa niya ngayon?" Hindi magkaintindihang sambit niya.

"Tsk." Asik ko. "Nainom, ang tibay nga. Hindi nagsasalita at saka mas nakakatakot." Sabi ko na lamang. Wala siyang dapat ipag-alala kay Incess. Kung inuman ang usapan baka mas mauna pa siyang tumaob kaysa sa asawa niyang ito.

"Pigilan mo. Shit! She's already drunk, I'm telling you, that's her first stage. If you let her drink more, she'll be—" Napataas kilay ako noong maputol ni kuya ang sinasabi niya at noong biglang mawala iyong tawag. Napakunot noo na lamang ako at saka ihinagis ang cellphone ko sa mesa.

Bahala sila. Sila itong ayaw pumansin sa mga tawag ko. Tsk.

Lumipas pa ang halos trenta minutos at sina Alyx at mukhang masyado nang naaliw sa dance floor. They are flirting with some guys too much. Too much skin touching. Tss. Baka mapahamak na sila kaya naman tatayo na sana ako para kunin sila at ibalik dito noong biglang may sinok akong marinig.

Kahit sobrang lakas noong musika matunog pa din iyong sinok na narinig ko kaya naman napalingon ako sa pinang-gagalingan noon na kay Incess. Nakatungo siya hanggang sa iangat niya iyong mukha niya. Akala ko kakaibang takot ang mararamdaman ko pero...

...parang gusto kong pisilin ang pisngi niya ngayon!

Sobrang cute niya! Her cheeks are blushing because she's drunk and her eyes are sparkly. Parang bata. Napangiti ako ng wala sa oras. Gusto ko siyang isilid sa bulsa ko ngayon. Pero bigla kong naalala sina Alyx!

"Lian~ Li~ An~" Halos manlaki ang mga mata ko noong sabihin ni Incess iyon sa tonong napakapambata! She's irresistibly cute... Niyakap niya ako bigla na para ba akong isang teddy bear.

"Lian... Kiyowo~" Nagulat ako noong bigla niya akong pinaghahalikan sa pisngi. Oh my gosh! Bigla akong kinilabutan sa nangyari. Damn. Gusto kong matawa na gusto ko ding maglupasay sa sahig dahil sa matinding kilabot.

Lasing. Ito yata ang sinasabi ni kuya kanina na lasing na si Incess at kapag hindi ko pa pinigilan ito ang mangyayari. Damn. Kaya naman pala ayaw malasing si Kuya. Sobrang clingy, sobrang sweet at sobrang cute.

"Lian. Huhuhu!" Nagulat ako noong bigla itong umiyak na parang baby. Hala! Anong ginawa ko? Nataranta ako nang sobra dahil tuloy tuloy ang bagsak ng mga luha niya sa mata. Ibang iba sa ginagawa ni Annicka kanina. Ito para bang ayaw na ayaw mo siyang makikitang umiiyak dahil nga isa siyang napakalambot na bagay ngayon. She's like a baby.

"Bad si kuya mo, Lian! Bad!" Nakasimangot na sambit niya habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata. "Huhuhu! Inaway niya ako kagabi. Hindi kami bati! Huhuhu!" Gusto kong humagalpak ng tawa ngayon. Kung kanina halos takot na takot ako sa kaniya, ngayon sobrang kabaliktaran.

"Anong ginawa sa iyo ni kuya? Aambangan ko." Nakangusong tugon ko. Minsan lamang magsumbong si Incess nang ganito. Sana pala hindi ko na talaga sinagot iyong tawag ni kuya kanina.

"Inaway niya ako! Sabi niya, kay Kurt na lamang daw ako." Parang batang umiiyak na patuloy niya. "Sabi naman ni Kurt ayaw niya din sa akin, kay Tiara daw siya! Ang bad bad bad nila! Ayaw nila sa akin. Lalo na si kuya mo! Isisilid ko siya sa sako at ibebenta eh!" Nagmamaktol na dugtong pa niya.

Hindi ko mapigilan mapatawa nang mahina dahil doon. Niyakap nanaman niya ako nang mahigpit at saka pinaghahalikan. "Lian, ikaw na bahala kay kuya mo ha? Sabihin mo sa kaniya, hindi na ako uuwi!" Patuloy pa niya, patuloy sa pagsimangot.

"Pero, pwede pa ding bumisita sa kaniya? Patakas lang?" Biglang hataw niya.

"Hahaha!" I couldn't help but laugh. Kung titingnan mo kasi silang dalawa ni kuya. Si Incess iyong tipo na hindi nagpapakita ng kahit anong sweetness. Ayaw na ayaw niya sa ganoon. Kung tutuusin si Kuya nga lagi ang parang bunudburan ng asukal sa kanilang dalawa, subalit ngayon nakikita ko na mahal na mahal din talaga ni Incess si Kuya hindi lamang talaga siya magaling magpakita ng damdamin.

Kung ano ano pang sinabi ni Incess sa akin habang lasing siya. Ayaw niya akong pakawalan, kaya hindi ko mapuntahan sina Alyx. Tingnan ko silang muli at hindi ko na sila mahagilap sa dance floor.

Hanggang sa...

"Lian~ nasaan na si Gab Gab?" Biglang tanong ni Incess. Hindi ko malaman ang isasagot ko hanggang sa may marinig akong tinig.

"I'm here." At saka ako napatingala at doon ko nakita si kuya Nate na nakapamulsa habang nakangising nakatingin kay Incess haggang sa mapailing iling ito.

"Sabi ko sa iyo, huwag mo painumin masyado. Nagiging baby ang isang iyan kapag lasing." Asik pa niya sa akin at saka marahang lumapit sa asawa. Natawa na lamang ako nang sa wakas pakawalan ako ni Incess ni at saka umaktong gustong magpabuhat kay kuya.

Agad lumapit si kuya at niyakap ang asawa. Napangiti ako sa nakita. Parang kanina lamang nagsusumbong sa akin ang isang iyan tungkol sa kalokohan ni kuya na ayaw na niya sa kaniya, tapos ngayon, parang bata na ayaw kumawala sa magulang.

"Si Hera?" Napansin ko na nandoon din si Skyler na nakatayo at mukhang hinahanap si Annicka. Agad kong itinuro iyong isang tabi ko. At saka lamang niya nakita si Annicka na bagsak na. May maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya at saka nilapitan iyong isa.

"Hera..." Malambing na sambit ni Skyler. Rinig na rinig ko kasi malapit sila sa akin. Hindi man lamang naalimpungatan si Annicka kaya naman marahang binuhat ni Skyler si Annicka.

"Una na kami. Bagsak na itong isa." Paalam niya sa amin nina kuya. Tumango na lamang ako. Tiningnan ko naman sina kuya dahil doon. Inaalo ni kuya si Incess na nakayakap sa kaniya, pero ayaw pang umalis ni Incess kaya nagpapakiusapan silang dalawa.

Ang cute ni kuya magpaawa kay Incess. Parang mga bata.

Ilang sandali pa nakita ko si Tim Tim na papalapit sa akin. Imbis na lapitan, napairap ako at napahalukipkip. Nag-iwas din ako ng tingin. Manigas siya. Narinig ko ang pagsinghal niya at saka ko naramdaman na umupo siya sa tabi ko.

"Siopao." Tss. Hindi ko siya pinansin.

Naramdaman ko iyong noo niya sa balikat ko. "Siopao pasensya na talaga. Pagod din ako. Ang dami naming inasikaso kanina." Aba't magdadahilan pa? Tatayo na sana ako, pero hinigit niya ako pabalik kaya naman napaupo ako sa may hita niya.

Doon niya nakuha ang atensyon ko at sinamaan ko siya ng tingin. Magsasalita sana ako para mag-alma pero agad niya akong sinunggaban ng halik. Nanlalaki ang mga mata ko dahil doon, pero siya naman ay nakapikit at saka sinimulang igalaw ang mga labi.

Parang may kung anong hipnotismo akong naramdaman at marahan ko ding ipinikit ang mga mata at saka sinuklian ang halik niya. Naramdaman ko ang pag-arko ng labi niya sa pag-ngiti sa ginawa ko, kaya agad niyang ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya, at ang kaniya sa aking baiwang.

Ang malalambot niyang labi ay naghahatid sa akin ng kakaibang sensasyon. Doon ko napagtanto na halos lasing na din talaga ako, nasa katinuan lamang ang pag-iisip. Mas lalong lumalim iyong halik na ibinibigay niya, at halos mawalan na ako ng hininga kaya ako na mismo ang humiwalay.

Mas nauna akong nagmulat kaysa kaniya at ipinagdait niya ang tungki ng ilong namin. Nakangiti siya habang nakapikit. Hindi ko alam pero mas kumabog ang puso ko at alam kong hindi na iyon epekto noong vibration sa sound system. Parang nawala na nga din iyong nakakabinging musika.

"Huwag ka nang magalit, Analiz..." Malambing na sambit niya at saka inilapat muli ang kaniyang labi sa aking labi. Dampi lamang iyon pero parang may kung anong kuryente. "Forgive me, please? Ano bang gusto mo? Aalis na tayo dito at pupunta tayo sa gusto mo. Kaya tara?" Nakangising sambit niya at saka ako muling hinalikan nang mabilis.

Bago pa ako maka-angal at marahan na niya akong itinayo at saka niya ako hinigit palabas ng lugar na ito. Napangiti na lamang ako dahil doon. Tss. Palalampasin ko ngayon, pero sa susunod ay hindi na.

We are both walking on the side walk and I am seeing the beautiful city lights on the street. I couldn't help but admire the scenery, as he held my hand. Ang gaan sa pakiramdam.

"Chase..." Nasambit ko na lamang.

"Oh? Saan mo gustong pumunta?" Nakangiting tanong niya.

Imbis na magsalita agad akong tumakbo hila hila siya habang nakangiti.

***

Nathaniel Gabriel's POV

Nakatulala kami ni Light kayna Lian at Timothy. Tss. Talagang sa harap pa namin? Muntik ko na nga din hilahin iyong kapatid ko kay Timothy kung hindi lamang ako yakap yakap ni Light.

"Gab Gab." Maamong sambit niya habang nakatingin sa kanila. Agad kong tinakpan ang mga mata niya dahil doon. Narinig ko ang impit na tili niya pero hindi ko siya pinakawalan.

"Yah~!" Sigaw pa niya. Imbis na matakot ay natawa pa ako. Tss. Ang cute din talaga nang isang ito. Ilang sandali pa ay umalis na iyong dalawang iyon sa kinauupuan. Tss. Mukhang nakalimutan na nandito kami.

"Wala na." Nakasimangot na sambit ni Light sa tonong nanghihinayang.

"Tss." Asar na sambit ko. "Nandito ako, maiinggit ka sa kanila? Tsk." Dagdag ko pa. Aakma sana akong halikan siya pero agad niyang tinakpan ang sariling labi. Agh. Iba din. Kaya ayaw kong pinapainom ang isang ito.

Kapag kasi ganitong lasing siya na nag-aaktong baby, nanghahalik siya nang nanghahalik pero sa akin, hindi niya ginagawa sa katwiran na ayaw niya sa akin. Tsk! Bwisit. Maiigi pa kung iyon lasing na tahimik siya, hindi iyong ganito.

"Alis na tayo, Light." Sambit ko sa kaniya. Agad siyang umiling. "Ayaw." Parang bata.

"Dummie." Pagtawag ko pa, subalit umiling lamang siya.

"Baby, let's go, please? I am dead tired." Paki-usap ko pa at saka ako nag-paawa sa kaniya. Hindi ba siya naririndi sa ingay dito? Tsk.

Akala ko aayaw nanaman siya sa akin pero agad siyang umakto na gustong magpabuhat sa akin. Napangiti ako dahil doon. "You're such a baby when you are drunk, Mrs. Evans." Nakangising sambit ko at saka ako tumalikod sa kaniya at saka ko hinawakan iyong kamay niya para iyakap sa may harap ng mukha ko. Pero ang ginawa, sa noo ko inilagay ang kamay niya. Tss.

Hinayaan ko na at saka ko kinarga, at inayos din naman niya kinalaunan dahil kung hindi malalaglag siya. Naramdaman ko ding inilagay niya iyong ulo niya sa balikat ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil doon. Piggy back ang ginawa kong karga sa kaniya.

Nang makalabas kaming dalawa, hindi nagsasalita si Light kaya akala ko tulog na pero hindi pa pala. "Gab Gab." Banggit nanaman niya sa pangalan ko. Hindi ko alam pero nakakagaan ng pakiramdam iyon. Sobrang gustong gusto kong tinatawag niya ako sa palayaw na iyon. Iyon ang pinakapaborito kong tawag niya sa akin.

Hindi iyon ganoon ka-romantic, hindi nga din maituturing na isang tawagan, pero sobrang espisyal dahil iyon ang ibinigay niyang palayaw sa akin noon. Hindi si Light ang tipo na maimik o makilos sa pagpapakita ng pagmamahal, karaniwan panlalamig lamang ang itratrato niya sa iyo, subalit kahit ganoon ay sa kakaibang paraan niya ipapakita kung gaano ka kahalaga sa kaniya, kaya nga sobrang swerte ko at asawa ko na siya.

Hindi na muling nagsalita si Light matapos ang ilang segundo. Patuloy lamang akong naglakad habang karga siya. Dinadama ko ang ihip ng malamig at preskong hangin sa daan. Ang mga ilaw sa paligid ay nagsisilbi naming gabay.

May mangilan-ngilan ding nadaan, pero hindi ko iyon napapansin. Pinapakiramdaman ko si Light.

"Gab Gab." Muli kong narinig ang tinig niya. Hindi mapigilan ng aking mga labi ang isang maliit na ngiti. Halata kasing pagod na pagod ang boses niya pero napakaamo noon. Purong panlalambing, walang halong kalamigan. May magandang epekto din pala kapag lasing siya sa ganitong paraan.

"Hmm?" Mahinang tugon ko. Napapangiti gusto kong makita ang mukha niya kaya naman bahagya akong lumigon. Using my peripheral vision, I saw that her eyes were closed, while she's talking. Dahil doon akala ko nagsasalita siya ng tulog.

"Gab Gab." Ulit nanaman niya, pagkatapos ay mahinang tumawa. Tulog ba talaga? Gusto ko muling tingnan pero hinayaan ko na lamang at patuloy na naglakad.

"Baby kita." Sagot ko sa kaniya. Napalawak ang ngisi sa mga labi. Imbis na makarinig ng matunog na ngiti sa kaniya ay pangalan kong muli ang kaniyang sinambit.

"Gab Gab." Tawag niyang muli. Para bang naninigurado kung ako nga itong kasama niya.

"Mahal kita." Sambit ko sa kaniya. Akala ko maniniwala na siyang ako iyong kasama niya pero parang hindi.

"Gab Gab." Sambit niyang muli. Napailing iling ako nang marahan dahil doon. Ang sarap pakinggan ng kaniyang tinig. Parang naglalaho ang mga tao sa paligid at parang kami na lamang ang narito sa may daanan.

"I love you, too." I whispered sweetly.

"Gab Gab." Nagtatakha akong kumunot ng noo. Hindi pa din naniniwala? Imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa ako. Paano niyang malalaman na ako nga ito? Muli ay nagsalita ako.

"Nado, saranghae." Nakangising banggit ko nag-iingat ang mga salita. Ito na ba ang gusto niyang marinig?

"Gab Gab." Tss. Akala ko iyon na pero hindi pa pala. Hanggang sa maalala ko ang napakahalagang salita na palagi kong sinasabi sa kaniya na nakasanayan niya.

"Sag-app-oh, Light." Buong pusong bitaw ko sa mga kataga. Wala akong narinig na kahit ano sa kaniya nang ilang segundo. Baka tulog na talaga? Tss. O baka naman nag-aalinlangan pa din kung ako ito? Tss. Ang asawa ko talagang ito.

Akala ko babanggitin nanaman niya ang pangalan ko pero naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa pisngi ko. Natigil ako sa paglalakad dahil doon. Pakiramdam ko biglang nag-init ang aking mukha at tainga. Kusang lumitaw ang pinipigilan kong ngiti dahil doon.

"Tss." Iba ka talaga Princess Light Smith-Evans. You've never given me a kiss in that kind of state so I did not expect this to happen. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon. Tss.

Ang simple lamang noon, pero ibang iba ang epekto sa akin. Tss. Tss. Tss. Napakagat labi ako dahil pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko kangingisi.

"Nado... Saranghae." Mahinang bulong pa niya.

Pakiramdam ko mas namula ang tainga ko dahil doon. Mas lumawak ang ngiti sa labi ko, at halos lahat ng mapapadaan sa amin, at nangingitian ko na din. Damn, Light. That's a simple word and gesture yet you made me completely insane for a moment.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hindi ko mawari kung saan kami pupuntang dalawa, gusto ko lamang kasama ko siya, gusto ko masaya kaming dalawa sa simpleng paraan. Para tuloy pinagsisisihan kong sumama ako kayna Thon Thon kanina dahil hindi ko nakasama si Light ngayong araw.

Napalingon lingon ako sa paligid at naghanap ng lugar na maari puntahan pero purong mga tindahan lamang ang aking nakikita at mga kalsada. Napabuntong hininga ako at saka ipinatuloy ang paglalakad, baka may makita ako mamaya.

Hindi na muling nagsalita si Light natahimik lamang siya at nararamdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Mukhang tulog na talaga. Napailing iling na lamang ako. Mukhang hindi din kasi matutuloy ang plano ko na magpunta kami sa ibang lugar ngayon dahil tulog na siya.

Nanghihinayang man ay tumawag na ako ng taxi para maihatid na kami sa aming tinutuluyan. Sobrang pag-iingat ko kay Light para lamang maisakay siya sa sasakyan.

Noong makapasok na din ako sa loob ay agad kong inilagay ang ulo ni Light sa may balikat ko. Kusa din siyang gumalaw para yakapin ang isang braso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ang kaniyang noo at bumbunan. Napansin kong napangiti iyong drayber sa amin. Isang sinserong ngiti. Sinuklian ko iyon ng isang masayang ngiti.

Tinitingnan ko ang paligid habang nasa sasakyan kami. Mabilis lamang ang naging byahe dahil malapit lamang pala iyong lugar kung nasaan kami sa tinutuluyan namin. Matapos kong magbayad ay kinarga ko na si Light na mahimbing ang tulog.

Habang karga karga ko siya ng bridal style ay napansin ko na may ilaw sa isang silid dito. Doon ako nagtungo dahil paniguradong sarado ang ibang kwarto. Nagsalita ako kaya bumukas ang pinto at iniluwal noon si Skyler.

"Oh, nandito na kayo." Bati niya. Tumango na lamang ako. At noong tuluyan na kaming makapasok ay doon ko nakita si Annicka na gising pero mukhang nanghihina dali dali din siyang tumayo mula sa pagkakahiga at saka tumakbo patungo sa banyo dito at doon ko narinig ang pagsusuka niya.

"Sige, pards." Tapik ni Skyler sa balikat ko at saka mabilis na tumungo sa kung saan nagpunta si Annicka.

Ihiniga ko muna si Light sa hinigaan ni Annicka kanina, at saka ako tumungo sa isang kwarto at binuksan iyon. Inayos ko din ang mga tela upang magkaroon na nang hihigaan iyong isa.

Nang matapos kong gawin iyon ay agad kong binalikan si Light. Himbing pa din ang tulog nito. Napailing iling na lamang ako at saka ko siyang binuhat muli para dalhin doon sa kwarto na iprinepara ko.

Ihiniga ko siya sa latag at saka ko siya pinagmasdan. Napangiti ako dahil napakaamo ng kaniyang mukha. Walang kahit anong problemang dinadala. Siguro ilang minuto din akong nakatitig sa kaniya pero hindi ako nagsawa.

Hanggang sa...

Naalimpungatan siya at nagmulat ng mga mata. "Light..." Tawag ko sa kaniya. Isang ngiti ang kaniyang ipinakita sa akin, at nagulat ako noong higitin niya ako para halikan sa labi. Noong una ay nabigla ako pero nang makabawi ako ay ako na mismo ang nagpalalim pa ng aming halik.

***

Pinagmamasdan ko ngayon si Light na mayroong bilog na bilog na salamin sa mata habang ang buhok ay nakapusod ang buhok na bun. Tahimik lamang siya na ngumunguya ng pagkain at hindi ko maiwasan mapangiti habang tinitingnan siya.

Bagay na bagay sa kaniya ang ganoong ayos. May pagkamagulo ang buhok at may salamin. Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Tss. Ang simple simple pero ang lakas ng dating. Nakakatuwa din na makita ko siyang ganito. Halata sa mga mata niya ang kapayapaan at saya.

"Kuya, matutunaw na si Incess. Kumain ka na diyan." Nawala ako sa pagkakatitig kay Light noong marinig ko ang tinig ni Lian. Napasinghal ako nang mahina dahil doon at syempre nagising ako mula sa pagkakatitig sa asawa ko.

"Ngayon mo lamang ba nakita si Incess na ganiyan ang ayos, Nate?" Biglang tanong ni Shana. I shook my head. This isn't the first time seeing her kind of nerdy but cool. Ganito siya noong bagong kasal pa lamang kami sa ganoong ayos kasi siya kumportable kapag umaga.

"Ako unang beses ko!" Masayang sambit ni Thon Thon.

"Bagay na bagay kay Incess, ikaw Yuri, subukan mo." Nakangising sambit ni JJ. Inirapan lamang siya ni Shana. I doubt Shana would style herself like that, she's comfortable being sexy and hot. Unlike my Light.

"Kayo ba bakit parang hindi kayo nagitla na ganiyan ang ayos ni Incess?" Biglang tanong ni Tim Tim sa mga babae. Natawa naman sila dahil doon. Napakunot noo ako. Totoo naman ang sinabi ni Tim Tim.

Noong makita kasi kanina noong mga lalaki si Light nagulat sila at saka natuwa. Samantalang iyong mga babae maliban kay Annicka parang walang karea-reaksyon at hinayaan lamang siya.

"Ah?" Pasimula ni Lian. "Iyon ba? Matagal na naming nakikita na ganiyan siya noon. Noong Ayah Lynn Rivera pa ang turing namin sa kaniya." Nakangiting paliwanag ng kapatid ko. Napatango tango naman silang mga lalaki dahil doon.

Matapos noon ay nagsimula na silang muling kumain kagaya kanina, kumain na din ako dahil kanina pa kain nang kain si Light at hindi man lamang ako iniintindi. Tss. "Kumain ka na Gab Gab, may kamay ka." Tss. Nabasa ba nito ang iniisip ko?

Hindi na lamang ako nakipagtalo at nagsimula na ding kumain. Nag-aamusal kaming lahat ngayon. Noong medyo nagkakakwentuhan na at nagkakaniya kaniyang usapan na ay bumaling ako kay Light.

"Saan mo gustong mag-uli?" Tanong ko sa kaniya habang inilalapag sa sa mesa iyong basong may tubig. Napansin ko na napa-isip muna siya bago magsalita. Habang hindi pa siya tumutugon ay napansin ko na ang kaniya kaniyang pag-uusap ng mga kasama namin sa umagahan. Mukhang nagplaplano din.

"Tsk. Hindi ko kayo masasamahan mamaya, may susunduin ako. Nandito daw si Tiara. Tss." Asar na sambit ni Kurt akala mo labag sa loob niya pero sa katotohanan ay paniguradong naisisyahan siya.

"Maayos lamang, Kurt. Alam naman namin ang lugar na ito. Minsan na kaming nanirahan dito." Sagot ni Shana. At saka kumuha ng pagkain. Inasikaso naman siya ni JJ.

"Ikaw na palang bahala mamaya Yuri?" Nakangising tanong pa niya. Tumango lamang si Shana at saka nilagyan ng ulam iyong kanin ni JJ. Hindi na sila nagsalita pa at saka taimtim na kumain.

"Paano kami?" Nakangusong sambit ni Annicka kaya nakuha niya ang pansin namin. Narinig ko pa ang pag-'tss' ni Skyler. "Nandito ako, Hera, hindi man ako dito nanirahan madami na akong alam dito dahil sa mga negosyo." Iiling iling na imik nito na parang sinasabi iyong nakalatag na katotohanan.

"Oo nga pala!" Annicka exclaimed happily and she excitedly started to eat her dessert.

"Ikaw Alyx, saan mo gusto pumunta?" Tanong ni Thon Thon. Napangisi ako ng palihim, galing mag-maang-maagan. Sa totoo lamang dapat ay aalis kaming muling ngayon para sa pag-aasikaso noong proposal na gagawin niya para kay Alyx. Kaso may nangyari nga kagabi kaya ang naging usapan ay magkakanya-kanya kaming pasyal ngayon dahil baka magtakha na din iyong mga babae.

"Hmm? Tara sa Namsan, maglock tayo ng susi." Nakangiting sabi ni Alyx. Napakamot naman sa ulo si Thon Thon. Isa kasi sa ideya niya na doon mag-propose, kaso kung pupuntahan nila iyon ngayon, medyo hindi na ganoon kaganda ang kalalabasan noong gagawin niya.

"Saan pa?" Palusot na sabi niya.

Tumawa si Alyx at nagsimulang mag-loko kaya nagkaroon nanaman ng kakaibang ingay sa kanila.

"Gusto kong mag-bike tapos pumunta sa mga palasyo dito." Napabaling akong muli kay Light noong sumagot siya sa tanong ko kanina. Napatango tango naman ako dahil doon. Ang simple noong gusto niya pero mukhang magandang ideya.

Noong matapos kaming kumain ng almusal ay nagkaniya kaniyang handa kami para umalis. Medyo natagalan gawa noong mga babae pero maaga pa naman at hindi kami nagmamadali at nag-aasikaso din kami para sa mga kaniya kaniyang pupuntahan namin kaya't maayos lamang.

Tumango ako sa labas nitong bahay at saka dumiretso sa may kahoy na duyan at umupo doon. Maaliwalas ang sinag ng araw pero may kalamigan ang hangin kaya't hindi ganoon kainit.

Naririnig ko ang ilang ingay nila sa loob, napapailing iling lamang ako sa mga kakulitan nila. Naghihintay ako doon nang biglang matanaw ko si Lian na lumabas sa isang silid at saka ngumiti noong makita ako. Lumapit siya sa akin at tumabi sa kinuupuan ko. Malawak naman iyon.

"Saan kayo ni Incess, kuya?" Tanong niya.

"Biking and palace." Maikling sagot ko, nakita ko namang nagningning ang mga mata niya dahil doon.

"Kami din ni Tim Tim, sama na lamang kami? Pwede ba?" Masiglang tanong niya. Napangiti ako dahil doon at saka ko hinawakan ang ulo niya. Tumango ako bilang sagot at napapalakpak siya dahil doon.

"Annicka!" Biglang tawag niya sa kalalabas lamang na si Annicka.

"Magbibike kayo ni Skyler hindi ba?" Tanong ni Lian agad tumango si Annicka at tumakbo patungo sa amin. Ang ngiti niya ay walang mapagsidlan at ang kislap ng mga maga ay sadyang nakakahawa.

"Oo! Kayo din na? Tara tara tara!" She excitedly told us.

"Calma down, Annicka." Natatawang sambit ko. Para kasing bata na sinabihan na pupunta kami sa isang field trip kaya't ganito na lamang kasabik. Napanguso si Annicka dahil sa sinabi ko.

"Minsan lamang Nate, nakakatuwa kasi eh." Dahilan naman niya. Pabiro akong napailing iling ng ulo dahil doon. Nakakagaan sa pakiramdam iyong mga inosenteng tawa at mga kaligayahan nila.

Nakaupo kaming tatlo sa duyan, kasya naman kami noong lumabas sina Alyx, Thon Thon, Shana, JJ, Vianca at Kurt. Lumapit silang anim sa amin. "Una na kami, sasabay daw itong mga ito sa akin." Paalam ni Kurt. Tahimik lamang akong napatango.

"Ingat!" Magiliw na paalam nitong dalawang kasama ko.

Nang makaalis sila ay lumipas ang ilang minuto at saka ko nakita si Light, Skyler at Tim Tim. Sumilay ang ngiti sa aming tatlong nasa duyan noong makita namin sila.  Agad tumakbo si Annicka papunta kay Skyler at masaya siyang binati nito.

Si Tim-Tim naman ang kusang pumunta kay Lian. At ako naman ay tumindig na para abangan si Light na pumunta sa akin. Bago pa man nakalapit si Light ay narinig ko ang bulong ni Lian sa akin. "Terno." Natatawang sambit niya.

"Tss." Tanging nasabi ko na lamang.

She's wearing a long sleeve plain white top and a short denim bottom. Ang simple pero ang lakas ng dating. Samantalang ako naka-long sleeve polo at maong na pantalon. Kaya nga nasabi ni Lian na terno ang suot namin.

"Looking good, Mrs. Evans." Nakangising bati ko sa kaniya at saka ko hinawakan ang kamay niya. Imbis na sumagot agad ay napakagat labi pa ako dahil sa bigla niyang atake sa sikmura ko. Tsk tsk tsk.

"Bolero." Natatawang imik pa niya at saka ako hinila para makapunta na kami doon sa may sasakyan. Sumakay ako sa driver's seat at siya sa katabi ko. Nasa likod naman sina Lian, Annicka, Tim at Skyler.

Nang magsimula akong magmaneho ay nagkwentuhan iyong tatlong babae, samantalang kaming tatlong lalaki ay tahimik lamang. Mabilis lamang din naman ang byahe dahil malapit lamang iyong parke sa tinitirahan namin.

Hindi din nagtagal at nakarating kami agad doon. Sabik na sabik at tuwang tuwa si Lian at Annicka na dumiretso doon sa rentahan noong bisekleta, hila-hila din noong dalawa si Light.

"Tss. Dapat hindi kayo dito, dapat nag-solo din kayo. Alam ninyo naman na pagkatapos ng araw na ito mahihirapan tayong masolo sila gawa ni Thon Thon." Asar na wika ni Skyler.

Natawa naman si Tim Tim. "Aba, sisihin mo sila, pareparehas ng ideya." Sagot nito.

"Tss. Pagkatapos dito magkanya-kanya tayo." Suwestiyon ko. Halata naman na gusto ni Skyler na sila lamang ni Annicka, sadyang mas gusto lamang noong mga babae na maraming kasama dahil para sa kanila iyon ang mas masaya.

Sinundan na namin sila at namimili na sila ng bisikleta. "Isahan o itong magkadugtong na dalawa?" Tanong ni Lian sa amin. "Mas maganda itong dalawahan!" Masayang tugon ni Annicka.

"Pwede! Tapos magpaunahan tayo." Komento ni Lian. Samantalang si Light ay natatawa lamang sa kanilang dalawa.

"Ano bang gusto ninyo? Maayos lamang ba na ito?" Tanong ni Annicka sabay turo doon sa gusto niyang bisikleta. Paniguradong ayaw ni Skyler nang ganoon dahil hindi siya kumportable, pero sa tingin pa lamang sa kaniya ni Annicka ay talo na siya. Hindi ko tuloy mapigilan matawa sa isip ko.

"Do I have a choice?" Sukong tugon ni Skyler. Agad pumalakpak si Annicka at saka lumapit kay Skyler na may ngiting tagumpay. Ibang klase. Napangiti na din si Skyler dahil doon kasi mukhang napasaya niya si Annicka sa simpleng bagay na iyon.

Nilapitan ko naman si Light at hinapit sa baiwang. "Let's choose that one too." Maikling pahayag ko. "Okay." Maikling sagot niya pero nakangiti.

"Ito na talaga ah! Tara!" Lian stated cheerfully at saka nag-asikaso para doon sa bisikleta.

Nang makuha namin iyon kinausap ni Lian si Tim Tim at si Annicka kay Skyler. Si Light naman ay agad na sumakay doon sa unahan at siyempre wala akong ibang pagpipilian kung hindi iyong sa likod.

"Ano, tara?" Tanong ni Light sa kanila.

"Saglit!" Tili ni Lian, natawa naman kami dahil doon. Masyadong mataas iyong bisikleta para sa kaniya kaya naman hindi abot noong paa niya iyong semento.

"Baba ka nga, Analiz." Tatawa tawang sabi ni Tim Tim nang-aasar. Sinimangutan siya ni Lian at binatukan. Imbis na magalit ay natawa si Tim Tim. "Bakit ba naman kasi iyong mga kinakain mo, napupunta sa taba ng pisngi mo imbis na sa height mo." Loko loko din talaga ang isang ito.

"Yah! Timothy Chase Yoon!" Sigaw ni Lian pero pinisil lamang ni Tim Tim ang pisngi niya at saka inayos iyong upuan ng bisikleta para naman kahit papaano ay maging kumportable doon iyong kapatid ko.

"Ayan na, ayos na." Sabi niya at saka ginulo ang buhok ni Lian. Dinilaan lamang siya nang magaling kong kapatid.

"Hoy, Zeus! Tigilan mo ako ha!" Napalingon naman kami kay Annicka noong tumili siya. Mukhang kiniliti ni Skyler kaya ganoon ang reaksyon.

"Tara na!" Biglang sigaw ni Light at nagulat na lamang ako noong magsimula siyang magtipa, kaya naman nagulat ako at muntik na kaming mawalan ng balanse.

"Gab Gab!" Sigaw pa niya sa akin, dahil hindi pa ako nagtitila kaya nabibigatan siya. "Kaya mo na iyan, Light." Natatawang tugon ko naman agad siyang tumingin sa akin na nasa likod at saka ako sinamaan ng tingin. Napalunok ako doon at saka nagsimula ding magtipa.

Napalingon ako sa likod dahil kami pa lamang ni Light ang umaabante at doon namin nakita na nawawalan ng kontrol si Annicka kaya naman paliko liko silang dalawa ni Skyler at muntik pang matumba.

Napatigil kami ni Light dahil doon. Maging si Lian at Tim Tim ay mukhang nahihirapan ding makuha ang tamang pagtipa dahil nagkakasalisi ang pag-ikot ng mga paa nila. Why are they having a hard time when this thing is so easy? Tsk.

Umikot kami ni Light para balikan sila.

"Skyler, better change seat with Annicka." Sambit ni Light. Nasa unahan din kasi si Annicka. Pero ngayon ay nasa likod na dahil nakipagpalit na siya ng pusisyon kay Skyler.

Matapos noon ay nakaandar na nang ayos si Skyler at Annicka at si Lian at Tim Tim naman ay mukhang nakuha na din ang tamang pagpapaandar sa bisikleta kaya naman nagsimula na kaming umusad.

Narinig ko ang magiliw ni tawa ni Annicka at maging ni Skyler mukhang nagkukulitan sila sa unahan. Nauuna na kasi sila kaysa sa amin. Sina Lian at Tim Tim naman ay nakikipag-unahan sa kanila.

"Let's race with them?" Tanong sa akin ni Light.

"Nah. Let them. Mananalo at mananalo din naman tayo kahit anong mangyari." Kibit balikat na sambit ko.

"Yabang." Natatawa niyang sagot.

"Mana sa iyo." I remarked proudly.

I heard her chuckle and started to increase our pace. Naramdaman ko ang malamig na hangin dahil doon kaya naman tumigil ako sa pagtipamat itinaas ang mga paa ko para asarin si Light.

Noong una ay mukhang hindi niya nararamdaman dahil nga sa lakas niya pero nang may katagalan na ay narinig ko na ang, "Yah! Gab Gab!" Agad akong bumalik sa pagbibisikleta dahil doon at saka ako natawa.

Inunahan na din namin iyong dalawang magkaparehas kaya naman hindi namin alam kung nasaan na sila ngayon. Basta kami pinagmamasdan lamang namin ang ganda nitong parke at maging ang mga masasayang tao na nandirito.

"Palit tayo Light, ako sa una." Malumanay na sambit ko.

"Bakit?" Pagtatanong niya.

"Para makapagpahinga ka, kahit huwag ka na magtipa at ako na lamang." Nakangiting banggit ko at saka kami tumigil.

Walang imik na bumababa si Light sa tandem bike at saka hinawakan iyon. Bumababa din ako at saka kami nagpalit ng pusisyon. Naglibot kaming dalawa sa lugar at napakagaan lamang sa pakiramdam nang mga sandaling iyon. Walang halong kahit anong problema at pawang purong kasiyahan lamang.

Nakipagkarera din kami kayna Skyler, at Tim Tim. Puno lamang kami ng tawanan at lokohan. Paminsan minsan ay pinagtitinginan din kami noong mga nandito, siguro dahil ang ingay namin at iba pa ang lengguwahe na gamit.

"Last race!" Light screamed happily.

"Call!" Lian agreed enthusiastically.

"Game!" Annicka screeched joyfully.

Pagkatapos ay nagsimula kaming ikutin iyong isang path. Natatawa ako kasi talagang gusto ni Light mauna kaya naman ginalingan ko, at halos makahabol din sina Tim Tim at Skyler. Pero tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at saka mas binilisan iyong pagbibisikleta hanggang sa mauna kami ni Light sa dulo.

Napataas pa ako ng dalawang kamay dahil doon at dinama ang ihip ng hangin. "Woohoo!" I heard Light screamed brightly. The way she celebrated our win, mukhang nakataas din ang dalawang kamay niya sa ere, at noong lingunin ko siya ay tama nga ang hinala ko.

"Ang dayaaa!" Rinig kong alma nina Lian at Annicka.

"That was fair and fun!" Sagot ko naman habang natatawa, at saka ko itinigil iyong sinasakyan namin at saka kami bumababang dalawa ni Light. Bumababa na din sila. Pagkatapos ay kinuha ni Skyler iyong panlatag na tela sa may basket noong tandem bike nila ni Annicka.

"Let's rest for a while." Suwestiyon nito.

"Sige." Sang-ayon namin.

Mabuti na lamang nagdala noon si Skyler. Siguro kinuha niya iyon sa sasakyan kanina noong hiramin niya iyong susi sa akin at noong maghiwahiwalay kami habang nagbibisikleta.

Doon namin inilatag sa may bandang lilong sa ilalim ng puno iyong tela. Nang maayos namin iyon ay pinaupo namin doon iyong mga babae. "Bili tayo ng pagkain pards, kahit snacks lamang." Sambit ni Tim Tim. Tumango ako bago tumayo.

"Bibili lamang kami. May gusto kayo?" Tanong ko.

"Ice cream!" Masayang sambit ni Annicka.

"Ako din!" Segundo naman ni Lian.

"Ditto!" Light replied with a beam.

"Anything else?" Skyler queried.

"Kahit ano na, basta iyong ice cream. Strawberry!" Paalala ni Annicka. Natatawang tumango tango si Skyler at saka ginulo ang buhok nito bago tumayo para lumapit sa akin.

"Tara!" Pangyayaya ni Tim Tim para makaalis na kami.

Nang medyo makalayo na kami sa kanila ay naghanap kami ng pwedeng bilhan ng pagkain. Hanggang sa may matanaw kami sa kabilang kalsada. "Tara doon." Tim pointed out.

Habang naglalakad papunta doon nagsalita si Skyler. "Papalpak kaya ang plano ni Thon?" Animo'y nag-iisip na wika niya. Natawa ako ng peke dahil doon. Paniguradong dadaan muna kami sa mga ilang palpak na resulta bago maging ayos iyon.

"Imposibleng hindi maging palpak iyan. Hahaha!" Halakhak ni Tim Tim. "Tukmol din kasi ang isang iyon, siyempre gusto niya engrande, alam ninyo naman si Alyx, pero alam ninyo din naman kalokohan ni pards Thon kaya, magkakaramble muna bago maging maganda kalabasan noong plano niya." Dugtong pa nito.

"Sabagay." Maiklinh komento ni Skyler.

"Ikaw ba pards Nate, wala ka talagang balak magpropose ulit kay Incess? Alam naman namin na shotgun wedding iyong nangyari sa inyo, wala kang balak ulitin para extraordinary?" Tim Tim queried curiously, Skyler even eyed at me questioning my decision.

"Isn't our wedding already extraordinary?" Natatawang biro ko. Totoo naman iyong sinabi ko. Iyong kasal namin? Masyadong kakaiba na biglaan, at may dagdag pa na nagpakasal din kami sa dalawa pang bansa. Lalong lalo na iyong proposal ko. Saan ka makakakita na babarilin, makikipagsuntukan na ako lahat lahat nakuha ko pa ding alukin siya ng kasal kahit ilang beses pa niyang tinanggihan.

"Gago, pards." Sabay na sabi ni Skyler at Tim Tim habang tumatawa. I also laughed with them.

"Seryosong usapan kasi." Sambit pa ni Tim Tim.

"Ikaw ba? Kailan mo balak dalhin si Lian sa simbahan?" Tanong ko naman. Natigilan si Tim Tim doon ay sumilay ang isang kakaibang ngiti. Tss. Pa-misteryo, halata naman na inaabangan lamang niya si Alyx at Thon na matapos at siya na ang susunod.

"Pards, ipinagkakatiwala mo na ba talaga sa akin ang iyong prinsesa?" Tsk. Sira-ulo din. Hinawakan pa ako sa balikat. I shrugged his hand off. Tss lamang ang isinagot ko sa kaniya.

"Balak ko na din sana, kaso naunahan ako ni Thon. Haha!" Hindi na ako nagulat doon. Silang dalawa ni Lian ang unang naging opisyal, maliban sa amin ni Light sa barkada. Halata naman na dapat sila ang una, sadyang mabilis lamang kumilos si Thon Thon.

"Ikaw Skyler?" Baling ko naman sa isa pa naming kasama.

"Kasal na kami." Natigil kaming dalawa ni Tim Tim sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Literal. He bluntly stated those words, like it was nothing, like it was not a big deal. Ibang klase.

"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Tim Tim habang humahabol sa paglalakad ni Skyler.

"Naniwala ka naman?" Biglang pang-aasar ni Skyler, kaya tinadyakan siya ni Tim Tim. Hindi man lamang umepekto iyon kay Skyler. Naglalakad pa din siya na para bang walang nangyari. Binilisan ko ang hakbang ko para makasabay sa kanila.

"Ano nga?! Gago nito." Sabik na bwelta ulit ni Tim Tim.

"Hindi pa, pero balak kong unahan si Thon Thon, magpropose. At gusto ko pribado, at wala din akong balak manghingi ng tulong ninyo, dahil ako lamang sapat na kay Hera." Agad kong sinuntok ang likod niya dahil doon. Hangin ng bwisit.

"Gago pards." Asik niya sa akin.

"Tss." Iyon lamang ang nasagot ko.

"Nagmamadali ka bang itali si Annicka?" Sambit ko naman.

"Ikaw nga minadali mo si Incess. Tss." Sinuntok ko ulit siya dahil doon. Hindi niya naiwasan kaya't sinamaan niya ako ng tingin. Natawa si Tim Tim sa amin.

"Nakausap ko na magulang ni Annicka. Sagot na lamang niya ang kulang. Maging ayos ng kasal, halos patapos na." Nagulat kami sa idineklara ni Skyler. Seryoso talaga ang lalaking ito sa pagpapakasal kay Annicka.

Napamura si Tim Tim dahil doon. "Hayup! Torpe torpe natin tapos ngayon! Hahaha! Daig pa ng kabayo ang karipas!" Nabatukan namin si Tim Tim dahil sa sinabi niya. Baliw din.

"Huwag ninyong ipapalaam sa iba. Lalo na kay Thon Thon. Alam ninyo namang sakit sa ulo ang itlog na iyon, dahil gusto niya siya lamang ang bida ngayon." Iiling iling na sabi ni Skyler. We laughed at that.

Nag-usap usap pa kami tungkol sa mga balak namin. At natigil lamang kami noong makarating kami sa bilihan para bumili ng pagkain. Marami rami din kaming nabili at naghanap pa kami ng sorbetes na gusto nila.

Nang malapit na kami sa kanila at natatanaw na namin silang nagkwekwentuhan ay bigla na lamang may lumapit sa aming tatlo na mga babae. Kinausap nila kami gamit ang kanilang lengguwahe.

"Annyeonghaseyo." Bati nila, tila gusto pang magtulakan para makalapit sa amin. Natawa ako nang palihim dahil doon.

Agad na sumagot si Tim Tim sa kanila, at nakipagsimulang makipag-usap. Agad ko siyang sinipa sa may binti dahil napansin ko na nakatingin na sa amin sina Light. Iba din kasi itong si Tim Tim, alam ko naman na dating playboy ang isang iyan, pero nagbago dahil kay Lian, pero umaandar nanaman ang kamandag ngayon.

"Girls," pasimula ni Tim Tim at saka tumingin sa dako nila Lian na nakatingin din sa amin. Napaatras iyong mga babae dahil doon at nahihiyang umalis. Matunog kaming napangisi dahil doon at saka mabilis na naglakad papunta kayna Light.

"Kaya pala ang tagal kasi may kalandian. Akin na nga iyan ice cream ko." Supladang sambit ni Annicka at saka hinila iyong hawak na sorbetes ni Skyler. Napahawak naman siya sa sintido dahil doon.

"Hera naman..." Natatawa ako sa isip ko sa totoo lammag dahil, tiklop talaga ang kaastigan ni Skyler sa isip batang si Annicka. Biruin mo ang daming salitang nasasabi ni Skyler para lamang humingi ng tawad kay Annicka samantalang kapag kami ang kausap halos hindi na magsalita kung hindi mo tatanungin.

"Ano pandak dumadali ka nanaman ha." Irap ng kapatid ko. Walang nagawa si Tim Tim kung hindi suyuin ito.

Si Light naman walang karea-reaksyon. Kumakain na siya ng ice cream. Umupo ako sa tabi niya at saka ko niyakap ang baiwang niya mula sa likod at saka ko inilagay ang ulo ko sa may balikat niya. "Hindi ka man lamang nagselos?" Tanong ko.

"Ikaw ba ang kinausap hindi naman ikaw ah?" Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Nakita ko noong kinausap kayo, si Tim Tim ang kinausap, hindi ikaw." Talas din talaga ng mga mata nito. "Tsaka kumain ka na lamang diyan." At saka niya ako inabutan noong snacks na binili namin. I giggled because of that.

Masaya kaming kumain at nang matapos kami ay nagpasya pasya na kaming magkaniya-kaniya na lamang.

Si Skyler at Annicka ang gumamit noong sasakyan samantalang kami ni Light ay naglakad na lamang. Si Lian at Tim Tim ay nag-uber na kanina.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko habang hawak hawak ko ang kamay niya. "Hmm." Napaisip siya. "Ikaw ba saan mo gusto pumunta?" Balik pagkukuwestiyon niya. Sa totoo lamang hindi ko din alam, hindi naman kasi ako ganoon kapamilyar sa lugar na ito, pero isa lamang ang sigurado ko kahit saan basta kasama siya.

"Wala kang maisip?" Natatawang panghuhula niya. Tumango na lamang ako sa kaniya at saka siya niyakap. Agad niya akong pinalo sa braso dahil doon.

"Tigilan mo ako Gabriel ha." Banta niya sa akin pero tinawanan ko siya. "Pinagtitinginan na tayo." Asar na dagdag pa niya.

Imbis na makinig sa kaniya at agad akong dumamba sa likod niya. "Kaya mo iyan." Natatawang sabi ko. Lakas din nang isang ito, noong itaas ko ang mga paa ko ay nagawa niya akong buhatin.

"Gabriel." Narinig ko ang nagbabantang boses niya. Bumababa ako sa likod niya. At saka ko siya inakbayan.

"Baby, don't frown." Sambit ko sa kaniya at saka ko pinisil ang pisngi niya, nakita ko na napangiti siya sa akin.

Naglakad lakad kaming dalawa, at pumunta kami sa may Palace dito. Nagbayad kami kasi hindi kami nakahanbok. Naglakad lakad kami doon at napansin ko na kanina pa niya ako kinukuhanan ng litrato. May dala dala kasi siyang malaking camera.

Habang naglalakad ay nagsimula siyang mag-video. "Gab Gab." Nakangiting tawag niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangito dahil doon at saka ko tinakpan iyong lens. At hinila siya papalapit sa akin para mayakap. Damn, I just can't help but hug and hug her.

"Pahiram nga ako, niyan, ikaw naman ang kukunan ko ng litrato." Sambit ko sa kaniya. Imbis na ibigay sa akin ay tinggal niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at saka ko tinakbuhan. Tss.

Nagsimula nanaman siyang kumuha ng mga litrato dahil doon. Sinundan ko na lamang siya at ang kulit niya dahil gusto niya akong kuhanan ng video.

Naglalakad kaming dalawa at nauuna ako at siya naman ay nasa likod ko. "Gab Gab." Tawag niya kaya naman napalingon ako at saka ko nakitang nakatutok nanaman sa akin iyong camera.

"Stop it, Light." Alma ko sa kaniya pero tinawanan niya ako.

"Gab Gab." Tawag niyang muli sa akin.

"Sag-app-oh, Light." Natatawang sambit ko bago ako tumakbo papalapit sa kaniya at saka ko siya tonangkang habulin pero tatawa tawa niya akong tinakasan. Wala, iba din kapag may asawa kang mas mautak at mas malakas sa iyo. Ang mas ko lamang yata kay Light ay mas mahal ko siya. Tsk.

Sa wakas ay isinabit din ni Light ang kaniyang camera sa leeg kaya naman naglalakad kami ngayon ng sabay habang tinataw at pinagmamasdan ang paligid. Ang ganda sa paningin.

Ang tagal naming naglalakad doon kaya naman medyo natahimik din kami dahil sa pagod. Medyo nabawasan din ang kakulitan ni Light. Ngayon ko na patunayan na si maraming piraso ni Ayah Lynn Rivera ang tunay na naka'y Light, maliban sa kahiligan nito sa Wonder Pets at kay Dora.

Her cheerful personally is so warm. Ngunit ang kaastigan ay sadyang lumilitaw ng kusa. She's the real Princess Light Smith. Walang pagpapanggap, walang halo ng nakakatakot na awra para lamang hindi na madugasan pa, walang takot na dinadala.

Everything's so surreal right now, and... All I can say is... Everything's worth it, if the result is seeing her smile like that...

"Dummie." I called her, she smiled at me.

"Kain tayo?" Natatawang sambit niya. Ginulo ko ang buhok niya at saka ko siya hinigit para makulong sa braso ko. "Let's go." Nakangiting sagot ko sa paanyaya niya.

Agad kaming tumungo sa may kainan dito at kumain. Nakakatuwang pagmasdan si Light habang kumakain, hindi mo malaman kung saan napupunta iyong mga kinakain niya dahil sa dami.

"Saan mo gusto pumunta mamaya?" I asked.

Napakibit balikat siya. Bahala na siguro mamaya. Sa ngayon kumain na lamang kami at pinaghanda ko siya ng mga ulam na gusto niya. Ang saya ng araw ko, hindi pa man natatapos sobrang hindi ko makakalimutan ito.

***

NANG MAGHAPON ay napagpasyahan namin ni Light na manuod noong comedy skit na nakita namin. Noong una ay ayaw pa sana namin dahil wala kaming kaide-ideya sa kung anong mayroon dito pero sa hindi malamang dahilan ay napapasok din kami ni Light sa lugar na ito.

Doon kami umupo sa kauna-unahang upuan na nakahanay sa may malapit sa plataporma. Medyo madilim din dito sa loob at may iba't-ibang kulay ng ilaw. Nagsisimula na ding dumami ang mga tao.

Tahimik kaming naghintay ni Light paminsan minsan ay nagtitinginan. At wala nanaman siyang ginawa kung hindi kunan ako ng litrato at siyempre litrato para sa aming dalawa. 

Ilang sandali lamang ay bigla na lamang namatay ang karamihan sa mga ilaw at noong lumingon ako sa likod ay punong puno na ng mga tao dito. At matapos ang halos isang minuto ay nagsimula na ang isang tugtog at lumabas na iyong mga magtatanghal.

"Hahaha!" Hindi mapigilang tawa namin doon sa mga nagtatanghal.mang dadaldal kasi pagkatapos iyong mga sinasabi nila nakakatawa, at hindi nakakainsulto. Maging si Light ay napapangiti at napapatawa habang nanunuod sa kanila.

Habang tumatagal ang mga pagtatanghal ay nagulat kami noong magsalita iyong nasa unahan na hahanap daw sila ng mga tao sa manunuod na sasayaw kasama sila. Agad akong napaiwas ng tingin dahil doon, kasi pakiramdam ko maari kaming makuha dahil nasa harapan kami ni Light.

Pasimple akong tumingin kay Light na iiling iling sa naging reaksyon ko habang nakangiti at pumapalakpak. Naghahanap na iyong mga taong nagtatanghal at ang lutong ng mura ko sa isip ko noong lumapit iyon sa katabi ko.

Halos mapa-sigaw ako sa ginhawa sa pakiramdam noong pagkakataong iyon. But damn, it was short-lived! Bigla na lamang akong hinawakan noong babaeng nagtatangghal at nginitian.

"Would you mind, sir?" Nakangiting wika nito sa amin. Agad k ong tiningnan si Light para humingi ng tulong pero tinawanan pa niya ako at saka ako itinulak papunta sa unahan noong makatayo na ako. Tss.

Sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya ako. Hiyang hiya ako noong pagkakataon na iyon, lalo na noong mapagtanto ko na nasa entablado na talaga ako. Damn. Ano itong pinasok ko? Tsk!

Nagkakatawanan na iyong mga manunuod dahil sa sinasabi noong kumuha sa akin at nasa akin ang paningin nang halos lahat. Pilit na lamang akong ngumiti. Habang si Light ay talagang nasisiyahan sa nakikita.

"Go, Evans! Go Gab Gab!" She mouthed cheerfully. Tahimik akong napasinghal dahil doon. Gaganti ako sa iyo mamaya Light. Kaya naman binigyan ko siya ng makahulugang ngisi pero dinilaan lamang niya ako.

Nagsalita nanaman iyong mga nasa entablado at pasok sa isang tainga ko, labas sa kabila ang nangyayari. Hindi ko nga mawari kung ano ba ang kailangan kong gawin dito sa unahan, hanggang sa tumugtog ang isang kanta.

"Sorry, Sorry, Sorry, Sorry
naega naega naega meonjeo."

Nalilito akong napatingin doon sa babae at nagsasayaw sila noong mga kasama niya. The heck? Don't tell me? Nilapitan ako noong babae at saka niya ipinakita sa akin iyong mga steps noong sayaw? The heck?

"Nege nege nege bbajyeo
bbajyeo bbajyeo beoryeo baby."

"Sumayaw po tayo, sir." Kaniyang winika sa kanilang lengguahe. Hindi ko mawari kung susunod ba ako o hindi pero nagpapalakpakan na iyong mga tao na parang sinasabi na kailangan ko talagang sumayaw at wala akong kawala. Tell me, how the fuck did I got into this?

"Shawty, Shawty, Shawty, Shawty
nuni busyeo busyeo busyeo
sumi makhyeo makhyeo makhyeo
naega michyeo michyeo baby."

Muli ay ipinakita nila iyong pagsasayaw sa akin habang indak na indak. Iyong parang magkadikit na palad pagkatapos ay parang kinikiskis iyon at ginagalaw. Pati iyong pag-atras na mayroong beat habang nag-snap ng mga daliri, at maging paglalagay ng isang kamay doon sa isang paa na mga galaw.

And... Am I really supposed to do that? I looked at the stage quite puzzled then gazed at my wife who's energetically cheering for me. As well as the audience, and some even calling me, "oppa". Tss.

Tumigil iyong tugtog at tinanong nila ako kung nakuha ko daw ba iyong mga galaw na kailangan kong sayawin. Nagbigay ako ng peke na ngiti dahil sa totoo lamang ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Para akong lulubog sa kahihiyan.

Hanggang sa nagsimula ulit iyong musika, at wala akong nagawa kung hindi gayahin sila sa pagsasayaw.

"Sorry, Sorry, Sorry, Sorry
naega naega naega meonjeo
nege nege nege bbajyeo
bbajyeo bbajyeo beoryeo baby."

Nagulat din ako noong nakuha ko ang tamang beat, maging ang tamang mgapagkakasunod sunod ng steps kaya't mas lalong lumakas ang mga sigawan. Hindi ko napansin na napapangisi ako kay Light dahil doon, habang siya ay walang humpay sa pagtawa.

"Shawty, Shawty, Shawty, Shawty
nuni busyeo busyeo busyeo
sumi makhyeo makhyeo makhyeo
naega michyeo michyeo baby."

Kahit nakakahiya ay aaminin kong masaya siya. Kaya din siguro tawang tawa si Light ay dahil ang tigas ng katawan ko. Napailing iling na lamang ako dahil doon. At noong matapos ang parteng iyon ay napahawak ako sa may batok ko dahil sa hiya.

Sinabihan ako noong mga nagtatangghal na magaling daw ako. Akala naman nila mauuto nila ako. Tss. Alam ko naman na para akong robot magsayaw. Buong akala ko nga ay makakaalis na ako pero hindi pa pala. Tsk.

Muli ay nilapitan ako noong babae at kailangan pa daw niya nang isang babae na sasayaw din. Agad na lumabas ang ngisi ko dahil doon, at agad kong itinuro si Light. Napansin ni Light iyon ay nanlalaki ang mga mata akong binantaan. Subalit, huli na ang lahat para tumanggi siya. Dahil hinigit na siya papunta dito sa entablado noong isang lalaki.

Halos takpan na niya ang kaniyang mukha noong humarap siya sa mga manunuod. Oras ko naman iyon para magbigay ng mapang-asar na ngiti. Agad din siyang itinabi sa akin at pumapalakpak muli ang mga nandito.

"Anong relasyon ninyong dalawa? Girlfriend-boyfriend?" Tanong noong babae sa amin sa koryano. Agad akong umiling dahil doon. At saka niya tinanong kung ano si Light sa akin.

"Uri anae." Nakangiting sagot ko kaya naman nagulat ang mga nanunuod sa amin.

"But both of you look young." Komento pa nito na tinawanan ko lamang.

Nagsalita pa siya ng mga biro at kung ano ano, kaya mas umingay ang mga manunuod hanggang sa biglang tumugtog ang isang kanta.

"Nar wihae geureoh dan geumar
neonbujok hadaneun geumar."

Palihim akong napangiti dahil doon. It's your turn to dance, Light. Kitang kita ko ang nanunulang pisngi ni Light habang ipinapakita s akaniya iyong mga galaw at maging kung paano dapat siya sumayaw. Hindi niya malaman kung susunod ba siya sa ipinapakita sa kaniya  o aalis na sa entablado.

Hindi ko mapigilang hindi matawa ng mahina dahil doon, kaya nakatanggap ako sa kaniya ng masamang tingin ngunit hindi man lamang ako nasindak doon bagkus ay lalo pa akong natuwa sa ipinapakita niya.

"Ijen geuman haeneon nareur aljanha wae
won hajido anhneun georgang yohae."

Nang malapit na doon sa msmong chorus iyong kanta ay sumunod na siya doon sa ipinpakita noong babae. Damn. Marunong siyang sumayaw. Napailing iling ako doon nang namamangha. Akala ko hindi niya iyon alam. Tsk.

"I want nobody nobody but you
I want nobody nobody but you."

So she knows this song? Hindi ako makapaniwala na alam niya niang kantang ito. Kuhang kuha niya ang bawat galaw na hindi na niya kailangan turuan pa. Isang patunay na sinasayaw niya ito dato noong Ayah Lynn Rivera pa siya.

"Nandareun sarameun silheo
niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody."

Nakangiti pa siya sa akin habang nagmamalaki na hindi ko siya matatalo kahit sa ganitong bagay, kaya naman sumayaw din ako ng sinasayaw niya, kaya't biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid namin maging si Light ay naging matunog ang pagtawa.

Inulit ang chorus noong kanta at sabay kaming sumayaw na dalawa. Natatawa ako dahil sa hiya ng pinagggawa ko pero hindi ko papigilan hindi mamangha dahil sa galing ni Light. Iba din talaga siya.

Hanggang sa iniba nila iyong kanta doon sa sinayaw ko kanina.

"Sorry, Sorry, Sorry, Sorry
naega naega naega meonjeo
nege nege nege bbajyeo
bbajyeo bbajyeo beoryeo baby."

Akala ko hindi makakasabay si Light pero nagawa niya pa din. Mas magaling pa nga sa akin. Kaya naman mas magarbong palakpak ang natanggap namin. Sobrang saya ko noong pagkakataong iyon. Walang mapagsidlan iyon sa damdamin ko kaya patuloy ako sa pagpapakawala ng mga ngiti at tawa at ganoon din si Light.

Nang matapos iyong pagsasayaw namin ay bumalik na kami sa kinauupuan namin at nagpatuloy na iyong pagtatangghal. "That was fun." Natatawang bulong niya sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at tumango.

"Hindi ka pala marunong sumayaw, Gab Gab." Pangloloko pa niya.

"Hindi ko din akalain na alam mo ang mga galaw sa mga kantang iyon, Light." Balik asar ko naman sa kaniya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko dahil doon, pero pinalandas ko na lamang ang ilang daliri ko sa ilong niya kaya't natigil siya.

Hindi nagtagal ay natapos din iyong palabas at aaminin kong talagang sobrang nakakatuwa iyon at masasabi ko ding sobrang hindi ko pinagsisihan ang pagpunta doon kahit nakakahiya pa iyong pagsayaw ko.

Medyo malamig ang gabi kaya naman yakap yakap ko si Light noong naglakakad kami, hindi niya pinipigilan ang ginagawa ko siguro ay dahil nalalamigan din siya o gusto din niya ito.

"Naging masaya ba ang araw na ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hmm." Tatango tangong sambit niya sa akin. Nakakatuwang marinig iyon sa kaniya.

"Gusto mong pumuntang Jeju?" Muling tanong ko.

"Gusto ko sana kasama silang lahat." Sinag-ayunan ko naman iyon. Kasama sila, pero sa pamamasyal paniguradong magkakaniya kaniya iyong mga iyon. Sinusulit kasi ang mga panahong kasama nila ang kanilang mga kasintahan.

"Saan pala kayo galing noong isang araw?" Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon mula sa kaniya, kaya medyo natigilan ako. Hindi ko gusto magsinungaling kay Light pero hindi ko din gusto na ibuking ang plano ni Thon Thon.

"Kasama ko ang doofuses maging sina Kurt." Maikling tugon ko.

"Sabi ko sana kayo galing, hindi sino ang kasama mo." Napanguso ako dahil doon. Kulit din. Hindi ba niya nakuha na kaya iyon ang sagot ko ay dahil ayaw kong pag-usapan.

"Nagpunta kami sa market pati na din sa mga stores, para sa pagkain ninyo at maging para sa tinitirahan natin." Sambit ko na lamang. Totoo naman iyon, kasama iyon sa inasikaso namin noong araw na iyon pero hindi kami mismo ang nag-asikaso dahil inutos namin iyon.

Hindi na siya nagtanong matapos noon, at dahil na din siguro sa pagod mula sa pamamasyal buong araw ay napagpasyahan namin na umuwi na.

***

Nang makarating kaming dalawa bahay, nandoon na silang lahat.

"Uno!" Masayang wika ni Tiara at saka niya bineso-beso. "Oh my gosh, Uno! I can't believe, you did not invite me here. If my baby Kurt did not tell me, about this, agh! I will never know!" Maarteng wika nito kay Light.

"Shut up, Tiara. You are already here." Bagot na sambit ni Light.

"Yeah right." Mataray na wika nito at saka tinalikuran si Light at dumiretso kay Kurt. "Baby Kurt! Let's go to a club! I heard it's fun in there!" Tili pa niya. Kita ko na parang narindi si Kurt dahil doon, kaya natawa ako.

Hinigit ni Kurt si Tiara, para kasing kiti-kiti walang ginawa kung hindi maglakad, hindi mapakali. "Come here, babe." Mahinang imik nito at saka hinila si Tiara para mapaupo sa lapag.

"Hush in here, okay? Kakain pa tayo ng dinner." Pang-aamo nito sa kaniya. Akala ko hindi eepekto pero mukhang nakuha niya ang loob nito kaya't natahimik ito, at natutuwang tumindig para ayusin ang mesa para sa hapunan.

"Ibang klase, sa arte at pagiging bossy ni Sei, talagang napasunod mo." Iiling iling na sambit ko. Natawa si Light sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Tiara isn't your ordinary kind of girl. She's too wild, too cruel, and too self centered.

Umupo kaming mga lalaki sa sahig na mayroong unan. Samantalang iyong mga babae ay nagsimula nang maglabas ng mga pagkain at inilalagay iyon sa may mesa. Masaya kaming kumakain at nagkwekwentuhan hanggang sa bigla na lamang umimik si Shana.

"Ayaw ko nito." Napakunot noo si Light dahil alam niyang hindi pihikang tao si Shana.

"Ang baho." Muling sambit pa nito, kaya natigilan ang ilan sa amin maliban kayna Annicka, Skyler, Thon, Alyx at Vianca.

"Oh my gosh, girl, don't be so picky!" Tiara remarked.

Sinamaan siya ng tingin ni Shana. Magsasalita sana siya pero hindi na niya nagawa dahil sa biglang pagtatakip ng bibig nito na tila ba nasusuka. Akala ko palabas lamang iyon pero laking gulat na lamang namin noong bigla itong tumayo at tumakbo papunta sa banyo at doon namin narinig na tila nagsusuka ito.

Sabay sabay kaming napatingin kay JJ dahil doon na natigilan habang nakatingin sa daan na tinakbuhan ni Shana, pakiramdam ko gusto nitong sundan ang isang iyon pero parang napako siya sa kinauupuan.

"JJ." Banggit naming sabay sabay noong mga lalaki.

"W-What?" Nauutal na tanong nito.

Pakiramdam ko tinitigan noong mga babae nang masinsinan si JJ bago sila sabay sabay na magsalita. "Is Shana pregnant?" That phrase made him flabbergasted.

***

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...
21.7K 1.1K 29
REMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like sibling...
158K 7.2K 37
[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Ev...
1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)