She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 2

320K 7.8K 478
By VixenneAnne

A/N: I wanna say Hi to Lovely Scarlet, I was inspired by your post in fb about this:) Hope you like it.


Pagdating sa Cubao terminal nanlulumong napaupo ako sa isang sulok. Habang ang ibang mga pasahero ay may kanya-kanyang destinasyon at ang iba ay may sundo pa, ako heto mangiyak-ngiyak sa gutom at sa kaba. Naiiyak ako dahil wala na ang address na pupuntahan ko dito sa Maynila. Wala na din ang perang matagal na inipon ng Lola ko para sa 'kin.

Nakakatakot ang laki at gulo ng syudad. Kahit saan ako tumingin ay may mga sasakyang halos maghabulan sa daan. Mga batang palaboy na nanghihingi ng limos at mga basurang kung saan-saan nakakalat.Hindi rin sanay ang tainga ko sa ganitong ingay ng paligid. Anong gagawin ko? Naalala ko ang mga taong palaboy sa TV na nanlilimos sa kalsada dahil walang makain at matirhan, gano'n ba ang mangyayari sa 'kin? Napayakap nalang ako sa nanginginig kong tuhod.

"Cymbals, akin na ang perlas na pinatago ko sayo."

Kahit hindi ako mag-angat ng tingin alam ko kung sino ang nagsalita. Inangat ko ang mukha ko para tingnan siya ng masama. "Sofia Althea Perez ang pangalan ko, hindi cymbals! At hindi mo pinatago ang perlas na iyon, pinalunok mo 'yon sa'kin!" Tumayo ako at hinarap siya ng nakataas ang noo. Hindi ko napigilang ibuhos sa kanya ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko. Pinaghahampas ko siya sa balikat at sa katawan ng walang tigil. Panay naman ang depensa niya kaya halos sa braso lang tumatama lahat ng hampas ko. Sa sobrang asar ko tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

"Anong gagawin ko ngayon wala na akong pera, wala din akong pupuntahan?" humihikbi kong turan habang inaatake ang mayabang na lalaki.

Nang naubos ang pasensya niya ay hinawakan niya ng mahigpit ang magkabila kong pulsuhan. "I don't care about any of your drama. Just give me back my pearl and I'm done with you."

"Anong pearl ang tinutukoy mo, wala na, nalunok ko at malamang tunaw na 'yon sa tiyan ko! Kapag nalason ako idedemanda kita!"

Nanlaki ang mga mata niya, nagsalubong din ang kilay. "What the fuck did you just say? It's the rarest of it's kind, wala na akong mahahanap na kapareho no'n!" humigpit ang hawak niya na parang plano pa yatang baliin ang kamay ko. Napangiwi at napaigik na ako sa sakit. "Iluwa mo 'yon ngayon na!"

"Aray! Nasasaktan ako ha. Gusto mong tumawag ako ng pulis dito? Kasalanan mo naman kung bakit nalunok ko 'yon kaya bakit ako ang sinisisi mo?"

"Ibibigay ko kay Rianne ang singsing na 'yon. Kaya kung kailangang hatiin 'yang tiyan mo para makuha ko 'yon, gagawin ko. Sumama ka sakin!" Hinila niya ako papasok sa isang nakaparadang taxi. Hindi na ako nakapalag nang umandar ang sasakyan. Wala akong alam sa Maynila, nakikita ko lang ang lugar na ito sa mga palabas.Kung totoong hahatiiin ng lalaking ito na may maitim na budhi ang katawan ko para sa perlas, malamang walang iintindi kahit man lang sa bangkay ko. Umiiyak kong inuntog-untog ang ulo ko sa bintana ng taxi.

"Hoy!" singhal ng antipatiko. "Kapag 'yan nabasag may ibabayad ka?"

"Ikaw! Ibebenta kita! Puro nalang kamalasan ang inabot ko simula nang madikit ako sayo. Kasalanan mo 'tong lahat!"

Napasuklay ito sa may kahabaang buhok. Parang pang-anime ang buhok niya na bahagyang tumatakip sa mga mata. Aaminin kong napaka-sexy ng gesture niya na 'yon. Ang lahat sa lalaking ito ay napaka-angas, kung paano magsalita at kung paano kumilos. Parang bad boy sa pelikula na walang kinatatakutan. Pero wala akong panahong hangaan ang isang kagaya niyang walang-modo lalo na sa sitwasyong ganito.

"Ikaw 'tong malas sa buhay ko eh. Kung hindi lang dahil sa laman niyang tiyan mo, hinding-hindi kita isasama sa apartment ko." sagot niya na may kasama pang duro sa noo ko.

May mali sa paraan ng pagkakasabi niya ng bagay na 'yon. Napatingin ako sa driver, nag-init ang pisngi ko ng ngumiti ito sa'kin sa salamin. "Hindi ho 'yon ang ibig niyang sabihin.." Pero parang hindi naman ito naniwala. Napansin ko ang metro ng sasakyan. Malaki-laki na ang babayaran dahil may kalayuan na ang tinakbo nito.

"Ang lakas ng loob mong magtaxi may pambayad ka?" bulong ko sa katabi ko.

"Ilayo mo ang mukha mo sa mukha ko, pwede? Oo may pambayad ako. Ikaw lang ang tangang naglalagay ng lahat ng pera sa bag."

Nadiskubre kong nakasiksik sa ilalim ng sapatos niya ang pera. Samantalang ako hindi ko naisipang isalba man lang ang kahit na address ng pupuntahan ko dahil sa pagkataranta at dahil sa nalunok kong perlas. Sino ba naman ang makakapag-isip pa sa mga oras na 'yon na pakiramdam ko babara sa lalamunan ko ang perlas?

When we finally reached our destination, nahilo ako hindi sa layo ng biyahe kundi sa estado ng inabutan naming apartment. Tambak ang kalat, andaming chichirya sa mesa, puro bote ng beer at upos ng sigarilyo. Parang KTV bar na nakalimutang linisan sa loob ng isang buwan. "Ito ba ang sinasabi mong apartment? Bagay sayo ha." pakutya kong puna.

Hindi niya ako pinansin, sa halip ay dumiretso sa kusina, pagbalik ay may dala nang isang litrong mantika. "Drink this."

"Seryoso ka?"

"Para ilabas mo na kaagad ang perlas. Wala akong balak mag-ampon ng isang mountain girl na bungangera kagaya mo."

"Ang kapal mo din naman ano?" nakapameywang kong turan. "Ni hindi nga mukhang apartment 'tong lugar na 'to eh. Mas mukhang tambakan ng basura ng buong Metro Manila!"

"Andami mong sinasabi, inumin mo nalang 'to!" pinagduldulan niya talaga sa akin ang boteng iyon.

"Ikaw ang uminom niyan kung gusto mo. Nababaliw ka na."

Sunod niyang inabot sa akin ay ang sandamakmak na junk foods. Isang kahon ng black tea at mga gamot na pampalabas ng kinain. Pinakain niya ako ng pinakain hanggang sa mabundat ako.

"Tama na ayoko na."

"Hindi pwede. Kumain ka hanggang sa matae ka."

Kumuyom ang mga kamay ko sa asar. "Eh sa hindi ko na kaya,sasabog na ang tiyan ko. Ayoko na!"

"Ang arte mo, ang panget mo naman! Parang cymbals pa 'yang ngala-ngala mo."

Pangit ako? Ang pagkakaalam ko maganda ako! Siya lang ang nagsabing pangit ako. Wala na, sagad na sagad na talaga ang pasensya ko sa kumag na ito. Suko na ako, hindi ko na siya kayang tagalan. Mas pipiliin ko nalang na magpalaboy-laboy sa daan kesa ang makasama ang taong ito. "Cymbals pala ha. Pwes, aalis na ako. Goodbye!"

Walang sabi-sabi kong tinungo ang pintuan.

"Hoy! Hindi ka pwedeng umalis!"

"Bakit? Mapipigilan mo 'ko?"

"Alalahanin mong nasa Maynila ka. Nagkalat ang rapist, kriminal at mga taong nangunguha ng laman loob dito. Pagdating ng umaga hindi natin masasabi kung buo pa ang mga internal organs mo. Sige ka."

Natigilan ako at napahinto. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. May katotohanan naman ang mga sinabi niya eh. Hindi ko alam kung saan ang safe na lugar dito sa syudad.

"Wala kang pakialam-" puno ng pride kong turan.

"Hindi ba sabi mo wala ka nang matutuluyan? Kapag binalik mo sa akin ang perlas ko, I'll let you stay here in my apartment."

"Asa ka!"

"Aba't!" Nagtagis ang bagang niya. Alam kong nagpipigil lang siyang sumabog. "Ang arte mo, sige umalis ka. Mga kagaya mo pa naman ang madalas na biktima, tapos wala ka pang pera. Para sabihin ko sayo, kapag lumabas ka sa pintuang 'yan ngayon, hinding-hindi ka na makakabalik."

"Wala akong tiwala sa 'yo. Halata namang masama ang ugali mo. Kapag nakuha mo na ang perlas, palalayasin mo din ako! At least kapag na sa 'kin ang perlas pwede ko pang ibenta para magkapera."

Namula siya sa asar. "Ang lakas ng loob mo ah!"

"Talaga!" Lakas loob kong sagot pabalik sabay walk-out.

*****

Matagal akong tumayo sa harap ng isang maliit na tindahan, naghintay na tumila ang malakas na ulan para makapaghanap ng ligtas na lugar na pwedeng pagpalipasan ng gabi. Siguro doon sa malapit na presinto? Sa covered court ng barangay? Hindi ko talaga alam kung saan pupunta.

Sa gilid ko ay may limang kalalakihang nag-iinuman. Pawang malalaki ang katawan. Gustong-gusto ko nang makaalis dahil nararamdaman kong mainit na ang tingin nilang lahat sa akin. Mas lalo akong nahintakutan nang isa sa kanila ang tumayo at lumapit.

"Miss, pwede raw bang makipagkilala sayo ang kaibigan namin?" nakatawang sabi ng lalaki na tinuro pa ang isang balbas-saradong kasama nito na maitim ang balat at nakakatakot. Hindi ako kumibo, ni hindi ako tumingin sa mga ito. Naisip kong tumakbo sa ulan pero wala akong ibang damit, hindi ko kakayanin ang lamig.

"Ang sungit naman niyan pare, hindi ka pinansin. Sayang ang ganda pa naman, ganda ng katawan oh!" kantiyaw ng mga kasamahan nito. Napakapit ako sa sariling braso. Kapag hinawakan niya ako, tatakbo ako, bahala na.

"Ang suplada mo ah!" asik nito sa akin. Hindi pa rin ako kumibo, pero ang dalawang tuhod ko ay nanginginig na. Napapitlag ako nang bigla nitong hiklasin ang braso ko at piliting maupo sa mesa ng mga lasing.

"Ayokong sumama sa'yo. Bitiwan mo ako bastos!" nanginginig pati ang bibig ko habang nakikipagbuno sa lakas niya.

"Ang kulit mo ah!" Umigkas ang palad niya, napapikit ako at napayuko. Inasahan ko ang sakit ng pagdapo niyon sa pisngi ko, pero hindi ko naramdaman ang pagtama ng sampal...

"Hindi mo ba narinig, ayaw niyang sumama sa'yo."

Dumilat ako. Si Mr. No-Manners! Hawak niya ng mahigpit sa pulsuhan ang lasing. Nanlaki ang mga mata ko nang magtayuan ang iba pa. Lima laban sa isa? Natakot ako para sa aming dalawa. Alam kong matangkad siya pero hindi naman ganoon kalaki ang katawan niya at kumpara sa mga matatandang bakulaw na ito, mas malambot pa ang buto niya. Hindi niya kakayanin.

Pero nang tangkain ng kalaban na suntukin siya sa katawan, maliksi siyang nakailag. Sa isang igkas ng kamao at ng paa bumulagta ang malaking lalaki sa harapan namin. Napa-awang ang mga labi ko. Ang galing niya.

Itinulak niya ako sa isang sulok bago hinarap ang ilan pang mga lasing sa ilalim ng malakas na ulan. Parang pelikula. Nagulat ako sa bilis niyang kumilos, sa bilis ng mga kamay at paa niya. Hindi ako pamilyar sa kahit na anong martial arts pero mukhang eksperto siya sa lahat ng uri niyon. Nagawa niyang patumbahin ng walang kahirap-hirap ang mga lasing. Parang bakal ang kamay niya na kapag tumama ay nahihilo at natutumba nalang bigla ang kalaban.

Nang matapos ang bakbakan , nag-aalala ako nang humawak siya sa kanang braso niya at uminda ng sakit. Napatakbo ako sa kinaroroonan niya.

"Ok ka lang?" Pareho kaming basang-basa at tinatablan na ako ng lamig.

"Ano sa palagay mo?" asik niya sa akin. "Tara na. Uwi!"

Napalunok ako sa mariing utos na iyon. Kahit nahintakutan ako, nakaramdam ako ng kakaibang saya sa huling sinabi niya. Uwi. Lihim akong napangiti sa sarili ko. Hindi naman pala talaga siya masama, masungit lang at parang blade sa talas ang dila pero nararamdaman kong mabuti siyang tao.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
99.8K 6.9K 59
Hallienia, ang babaeng limang taon ng may crush kay Fire Gabis. Sa kagustuhan niyang mapasa-kaniya ang binata, ginamitan na niya ito ng dahas. Nagtun...
342K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
33.5K 1.4K 66
She waited for him. He comes back, but he cannot remember her. Maipagpapatuloy pa kaya nila any dating naudlot na pagmamahalan?