The Gangster Is A Nerd? (UNDE...

By Panchichi11

507K 13.9K 619

Sandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngu... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11-(Kanya-kanyang DATE)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 JS PROM
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Last Chapter
BOOK 2

The Gangster is Nerd?

60.4K 1K 115
By Panchichi11

Prologue:

Pinatay niya yung taong mahalaga sa akin.

Yung taong mahal na mahal ako.

Yung taong nandyan na nasasandalan ko.

Yung taong naging kakampi ko sa lahat.

At yung taong ni minsan hindi ako iniwan.

Pero yung taong yun nawala.

Dahil sa akin kaya siya nawala.

Pinilit kong magmukhang ewan sa lahat.

Para wala ng masaktan at mawalang tao sa buhay ko.

Ang tanging hiling ko lang naman ay bumalik ang dati kong buhay na normal yung wala ng away, gulo, at patayan na naganap noon.

-----------------------------------------------------

Sandra Kang is my name , 4th year student na Transferee sa Yongsan Academy ang school na puro rich kid meaning bitch kid.

Yung papa ko kasi ay may sariling kompanya at ang aking mama ay sikat na fashion designer. Madalas sila sa ibang bansa kaya hindi ako close sa kanilang dalawa lalo na nung namatay yung Kuya ko.

Hindi ako katulad ng mga estudyante dito na mapanglait,mataas ang tingin sa sarili,spoiled brat,at ubod ng kayabangan sa katawan.

Isa ako sa mga Nerd dito sa school na madalas nilang pinaglalaruan,pinagti-tripan,lalaitin,iinsultuhin,at aasarin. Lahat ng panglalait ay nasa akin na daw. Tsk come to think of it hindi naman ako literal na pangit eh. Hindi lang ako nag-aayos. Kasi wala naman ako dapat pagandahan tsk.

Hindi kasi sila makapaniwala na sa itsura kong ito ay sa yongsan ako mag-aaral ang kikitid ng mga utak palibasa mga spoiled eh.

Wala talaga sa vocabulary ko ang mag-ayos. Yung buhok ko hinahayaan ko lang na sabog at minsan tinatalian ko kahit buhol buhol na. Tapos nakasalamin ako kasi medyo malabo yung mata ko madalas kasi akong nagbabasa ng mga libro.

Kung titignan mo yung mga itsura ng mga estudyante dito mga pang-artistahin talagang hindi ko maitatanggi na magaganda at guwapo sila mga anak kasi ng mayayaman eh.

Pagkarating ko sa school. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok.

'Hey Nerd!'

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Para sana iwas gulo.

'My God dito ka pa talaga mag-aaral?'

'Hoy pangit!"

Binilisan ko pa yung lakad ko dahil halata naman na wala silang balak tigilan ako pero napahinto ako ng may humatak sa braso ko.

"Kinakausap ka namin ah, bastos kang pangit ka!"

Dumiin ang mga kuko niya sa balat ko kaya tinitigan ko ang babaeng to na nasa harap ko, laslasin ko kaya agad leeg nito?

"Wala naman akong ginagawang masama." mahinang bulong ko.

"Sumasagot ka na ngayon ha?! Bakit lalaban ka!" sigaw niya sabay sabunot sa buhok ko napangiwi ako dahil feeling ko may nalagas na naman na hibla sa buhok ko. Langya di ko na nga naalagaan tong buhok ko mas sinisira pa niya.

Sinubukan ko alisin ang kamay niya sa buhok ko dahil masakit talaga yung sabunot niya.

"Hindi naman ako lalaban." sympre kunwari maluha luha ako, ayoko naman na patulan pa tong gaga na to lalo na alam ko na nagtatapang tapangan lang siya. Pwe.

Ngumiti siya at malakas ako tinulak kaya napaupo ako sa sahig. Damn it.

Pinulot ko yung dalawang libro at tatayo na sana ako kaso naramdaman ko na may tumutulo na sa ulo ko. Wow napakaeffort talaga nila para sa akin. Tss.

'Kelan ka aalis dito?' tanong niya habang nakangiti at nagtawanan yung iba niyang kasama na halatang natutuwa dahil basang basa na ako ng tubig.

'H-hindi k-ko a-alam.' nauutal kong sagot sabay yuko, kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at pinipigilan ko magalit.

'Alam mo bang panira ka ng imahe dito sa school.' nang-gigil niyang sabi.

Relax Sandra... Hindi mo sila papatulan, relax lang. Pilit kong kinakausap ang sarili ko lalo na ramdam ko na nanginginig na tong kamao ko. Hindi ako pwedeng magalit. Hindi pwede.

"HOY ANO YANG GINAGAWA NIYO HA!"  narinig kong sigaw ni Meij kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

'Pwede ba Meij! Huwag ka mangialam dito!" sigaw ng babae kay Meij.

"Wag mangialam? Alam mo ba yang sinasabi mo ah! Baka nakakalimutan mo apo ng may ari ng school na to ang kausap mo." lihim ako natawa sa sinabi ni Meij.

"Tara na girls baka isumbong tayo niyan."

"Umalis na tayo."

"Hindi pa tayo tapos nerd." mahinang bulong ng babae sa akin at mahinang sinampal ang pisngi ko. Pagtalikod nila ay agad akong tumayo at nginisian sila.

"Oh basa ka na naman, araw araw ka naliligo ah." nakangiting sabi ni Meij kaya inirapan ko siya at naglakad na. Bwisit na yan kailangan ko pa ngayon magpalit ng uniform. Badtrip

Meij Wang, siya ang bestfriend ko na todo rescue sa akin at lolo niya ang may-ari nito kaya madali akong nakapag-transfer sa school nila. Since elementary mag-kaibigan na kami.

'Thank you bes' sabi ko pagdating namin sa locker at sinamahan niya ako magpalit ng uniform sa cr.

'Bakit ba kasi hinahayaan mong ganunin ka ng mga Bitches na yun?' iritang tanong ni Meij habang naka-taas ang kilay.

'Yaan mo na magsasawa din naman yung mga yun.' nakangiting sabi ko.

'Ay naku! lagi mo na lang yan sinasabi pero may nagbago ba? wala naman diba? atska bakit kasi ayaw mo silang labanan? kaya mo naman yun diba? atska isa ka naman ...' nang-gagalaiti niyang sabi pero pinigilan ko na agad.

'Meij.' tinitigan ko siya ng masama dahil ayokong binabalik ang nakaraang tinalikuran ko na.

'Sorry bes, sorry nag-aalala lang naman ako sayo eh.' nakayukong sabi ni Meij.

'Alam ko naman, Isa pa kaya ko naman sila. Tara na sa room'
yaya ko dahil tapos na ako magbihis.

--Class Section A--

'Goodmorning class, My name is Ms.Shi ang inyong adviser at the same time ay teacher. Gusto ko kayong makilala isa-isa kaya introduce yourself one by one. Start from you.' Sabi niya sabay turo kay Meij.

'My name is Meij Wang , 17 yrs old , sana maging friends tayong lahat..' nakangiting pagpapakilala niya.

'Ms.Wang Can I get Your Number?'

'Ganda mo talaga idol.'

'Babe pakiss sa cheeks!'

Eh kasi naman maganda talaga tong bestfriend ko kaya malabong walang mabighani sa kanya at isa pa sigurado akong marami agad siyang manliligaw ngayong taon.

Nginitian pa ako ni Meij bago ako tumayo, medyo nag aalangan pa ako dahil yung tingin agad ng mga kaklase ko mga mapang insulto na.

'My name is Sandra Kang, new student. Nice to meet you all.' nakayukong pagpapakilala ko.

'Pangit naman niya.'

'Paano siya natanggap dito? Tsk walang dating.'

'Kaklase natin siya for real? Eww naman.'

'Hahaha bakit ang pangit mo?'

Tsk di naman ako pangit ah?! Naupo na lang ako at kinagat ang ibabang labi ko.

Tapos pinagbabato pa nila ako ng papel na galing sa puno. Ang bad nila sila kaya ibato ko?

"Huwag nga kayo mambato!" sigaw ni Meij at tinitigan niya yung mga kaklase namin ng masama kaya napayuko na lang ako.

'QUIIEEETTT!!!! NEXT !!' sigaw ni Ms. Shi.

'Bes .... Okay ka lang ba?' bulong ni Meij.

'Im fine.' nakangiting sabi ko.

Im fine hangga't mahaba pa ang pasensya ko sa mga tarantadong to.

Natapos ang tatlong subject pumunta kami sa canteen ni Meij treat daw niya dahil miss na miss daw niya ako kahit araw-araw siyang pumupunta sa bahay namin.

'Bes ano gusto mo kainin?' tanong ni Meij habang kumukuha ng pera sa wallet niya.

'Ikaw na bahala ...' sagot ko at kinuha yung libro ko para magbasa.

'Sige hintayin mo na lang ako sa upuan natin ah ...' at pumunta na siya sa counter.

'K.'

Kaya naman naglalakad ako para maghanap ng upuan namin ni Meij habang nagbabasa ng libro ng biglang....

-BLAAAAAAAAGGGGGGG-

May nabangga ako. Damn!

'FCK! What the fck!'

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na nakabangga ko.

'Sorry hindi ko sinasadya.' sabi ko sabay bow.

'Hindi sinasadya?! Ang tanga-tanga mo naman!' sigaw niya sa akin.

Wow. Double kill yun ah!

'Grabe ka naman .... Nag-sorry na nga ako diba? Hindi ko naman sinasadya!' sigaw ko sa kanya. Kung makatanga akala mo kung sinong matalino ang pesteng lalaki na ito.

Pasalamat siya gwapo siya. Tsk.

'SHUT UP! UGLY NERD!' sigaw niya.

Yung mga tao sa paligid mga nakatingin sa amin. Kaya hindi na lang ako lalaban. Saka ko na lang to papatulan kapag tinoyo na ako.

'Sorry talaga....Hindi ko sinasadya....Sorry.' sabay bow ko ulit.

'Pre ano kaba naman,pati babae papatulan mo? masisira image natin niyan eh ..' bulong ng lalaki na nasa gilid niya.

'I don't care.' sagot niya agad sabay alis.

Tsk as if I care.

Kaya naman naglakad na ako ulit para makahanap na ng mauupuan.

'Hoy Pangit! Impakta ka at ang lakas ng loob mo na banggain si Ken! Napatingin ako sa harap ko. Ken? Wala naman akong kilalang Ken dito.

'Kaya nga at sumagot-sagot ka pa sa kanya eh tanga ka naman talaga!'

'Kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo, Ilayo mo yang pangit mong mukha sa amin!'

Hindi na ko natutuwa sa tabas ng dila ng mga to ah.

'Totoo naman na yung lalaking gusto niyo eh tatanga-tanga maglakad.' kaya naman tinalikuran ko sila at naglakad sa ibang daanan dahil mga nakaharang sila.

'HOW DARE YOU!' sigaw ng nasa likod ko.

Kaya naman ng lumingon ako ay bigla niyang nasapak ang mukha ko. WTF?

Tsk.

Meij POV

Nakita ko na habang naglalakad si Sandra ay nagbabasa siya ng libro ng bigla niyang nabangga si Ken.

OMG!

Si Ken kasi ay sikat na sikat dito sa school hindi lang siya pati yung mga kaibigan niya.

Sila yung mga tinatawag na Prince dito at sila rin ang namimili ng magiging Princess nila.

For sure hindi pa kilala ni Sandra yung mga yun kasi transferee lang siya at hindi siya dito dati nag-aaral kaya hindi pa siya familiar sa lahat.

At dahil nga sa nabangga niya si Ken pinagtutulungan na ng mga bitches ang kaibigan ko. Tsk mapapasigaw na naman ako nito ng bongga.

'HOY!!! MGA BITCHES! BITAWAN NIYO SIYA!!!' sigaw ko sa kanila na ikinalaki ng mga mata nila.

'Pwede ba Meij! Wag kang mangialam dito! Epal ka na naman eh!' sabi ng isa.

Kaya naman napataas ang kilay ko ng bongga!

'Anong sabi mo? Ako? Epal? Gusto mong ipa-expel kita ng makita mo kung sino ang Epal? Gago ka ah!' inis kong sabi habang dinuro-duro siya.

'Argh. Let's go girls.' sabay alis nila. Sus akala mo kung sino mga letse!

Simula ng malipat dito si Sandra lagi na lang nila itong inaaway. Nakakabanas kasi hindi man lang lumalaban ang babaeng yun. Ugh!

Ken POV

Pagkatapos kong umorder ng paborito kong ulam na caldereta ay naglakad na ako para makakain na. Nagugutom na ako eh.

-BLAAAAAAAAGGGGGGG-

Nanlilisik ang mata kong tinignan ang tanga na nakabanggaan ko.

'FCK! What the fck!' inis kong sigaw at napatingin ako sa nakabangga sa akin.

'Sorry hindi ko sinasadya ...' sabi niya sabay bow.

WOW hindi daw niya sinasadya? palibhasa kasi nerd siya kaya clumsy badtrip! ayoko pa naman sa lahat ang nadudumihan ang uniform ko maarte na kung maarte ikaw kaya matapunan hindi ka ba magagalit?

'Hindi sinasadya?! Ang tanga-tanga mo naman!' sigaw ko sa kanya.

Tsk parehas din siya ng ibang mga babae dito gumagawa ng paraan para mapansin lang. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa hindi pasok sa taste ko.

'Grabe ka naman.... Nag-sorry na nga ako diba?! Hindi ko naman sinasadya!'

At nagawa pang sumagot ng pangit na to! Siguro hindi ako kilala nito? or transferee siguro? kasi ngaun ko lang nakita yung pangit niyang mukha.

'SHUT UP! UGLY NERD!' sigaw ko sa kanya.

Grabe nakakainit siya ng ulo. Tsk imbis makakain ako ng maayos eh.

'Sorry talaga....Hindi ko sinasadya....Sorry.' sabay bow niya.

'Pre ano kaba naman. pati babae papatulan mo ? masisira image natin nyan eh ..' Biglang bulong sa akin ni Dave.

Isa pa tong loko na to nakikisabat na naman. Napatingin ako sa paligid maraming mga nakatingin lalo na mga babaeng tsismosa. Badtrip ang hirap kapag naging Prince ka kailangan maging modelo ka bilang estudyante.

'I don't care.' sagot ko kay Dave sabay alis.

Kesa masapak ko tong pangit nato ay umakyat nalang ako sa second floor at may terrace dun na makikita mo ang lahat ng estudyante. And guess what? nakita ko na inaaway siya ng mga babae.

'Hoy Pangit! Impakta ka at ang lakas ng loob mo na banggain si Ken!'

'Kaya nga at sumagot-sagot ka pa sa kanya eh tanga ka naman talaga!'

'Kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo, Ilayo mo yang pangit mong mukha sa amin!'

Tsk. Buti nga sa kanya.

' Totoo naman na yung lalaking gusto niyo eh tatanga-tanga maglakad.' nag tiim ang bagang ko dahil sa sinabi ng pangit na yun. Ako pa ang tanga? Siya ang tanga sa aming dalawa!

Susugurin ko sana uli ang pangit na babaeng yun ng pigilan ako ni Dave.

'Manood ka na lang pre, away babae yan.' nakangisi niyang sabi.

'HOW DARE YOU!' sigaw ng isang babae at sinugod si Pangit. Natawa ako dahil hindi lumalaban ang pangit na babaeng yun.

'HOY!!! MGA BITCHES! BITAWAN NIYO SIYA!!!' sigaw ni Meij.

'Yeah!! That's my girl!' napatingin ako sa gilid ko.

'Hoy Carl! Anong Girl? type mo si Meij?' nagtatakang tanong ko.

'Oo. Diba halata? Hahaha' napangisi na lang ako sa sagot niya.

'Wala to. Torpe.' sabi ni Dave.

'Lol.' sagot ni Carl habang nakangiting nakatingin kay Meij.

'Pwede ba Meij!! Wag kang mangialam dito!! Epal ka naman eh!' sabi ng isang babae

'Anong sabi mo? Ako? Epal? Gusto mong ipa-expel kita ng makita mo kung sino ang Epal? Gago ka ah!' sigaw ni Meij habang dinuduro-duro yung mga babae.

Kung makapagtanggol naman to sa pangit na yun.

'Yan gusto ko.' natatawang sabi ni Carl. Enjoy na enjoy sa panonood samantalang ako hindi. Masyadong pakialamera tong si Meij eh.

'Argh. Let's go girls.' sabay alis ng mga babae. Ano naman laban nila kay Meij eh apo yun ng may-ari nitong Academy. Tsk.

'Hahahaha. Mga walang panama kay Meij.' tuwang-tuwang sabi ni Carl.

'Tsss... Bakit kasi ayaw mo pang pormahan?' napatingin ako kay Edward na nakaupo sa sofa.

'Easy lang men wag tayong padalos-dalos...' sabi ni Carl sabay upo sa sofa.

'Dami mong satsat.' usal ko at tinanggal yung polo ko. May t-shirt naman akong suot kaya okay lang kahit hindi na ako magpalit.

Ako Si Ken Tayuki ang 1st Prince dito sa yongsan academy 1st year palang ako madami ng nagkakagusto sa akin kaya binoto nila ako bilang 1st Prince.

Ang alam ko kaya nila ako nagustuhan dahil daw sa gwapo ako at mala-badboy looks sa aming apat.

Ako ang pinaka-suplado sa magkakaibigan wala pa akong nagiging girlfriend ni isa dahil wala akong makitang worth it para sa isang katulad ko ganun din sila Carl,Dave at Edward.

Magkakabata na rin kasi kaming apat at kahit kelan hindi kami nagkahiwa-hiwalay ng school.

2nd Prince: Si Carl na may lihim na pagtingin kay Meij.

3rd Prince: Si Dave na babaero at mahilig sa babae.

4th Prince: Si Edward pinaka-makulit at maingay

'Bro san tayo pupunta?' tanong ni Edward

'Sa Bar...Hanap tayo Sexy and Hot na chicks.' nakangiting suggestion ni Dave.

'Tssss... Sundan na lang naten si Meij.' suggestion ni Carl.

Napatingin naman silang tatlo sa akin.

'Kayo bahala wala akong gana tumambay ngayon gusto kong mag-relax.' sabi ko.

'Wow relax? Lagi ng napapadalas yan ah. San kaba napapagod pre?' pang-asar na tanong ni Edward.

'Ah alam ko na! Pre aminin mo? sa kama o sahig? kusina o kotse? san ka napagod ?' nakangiting tanong ni Dave.

'Gago! Wag mo ko tulad sayo manyak ka kasi eh mahilig kang tumira ng tumira!' inis kong sabi at pinandilatan siya ng mata.

'Hahaha just kidding kaw talaga di ka na mabiro ganyan ka ba? porket natapon sayo yung paborito mong ulam? at Si pangit pa ah! Wow meant to be.' pang-aasar pa niya.

'Tumigil ka nga! hindi ko papatulan yun no! Kasuka dre.' inis kong sabi at binato siya ng tissue paper.

Sa pangit niyang yun? Hinding-hindi ko siya papatulan. Tatanga-tanga pa naman.

---------------------------
Pls VOTE AND COMMENT ^__^

By: Panchichi11

Continue Reading

You'll Also Like

184K 5.2K 42
Book 2 of Gangsters Meet The Mysterious Blonde Girl. ××××××××××××××× When they already thought that everything is falling into place, there comes a p...
581K 8.8K 46
[ COMPLETED ] Inosente at wala akong pake sa paligid ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kapag binubully nila ako. Hindi ako marunong lumab...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...