Ang BALOT ni PENNY (Completed)

By Shan_sky

348K 10.6K 1K

A lady who doesnt want to get involved in a gxg relationship, but eventually she did. Nov. 2016 - May 2017 More

Prologue:
My Note
Chapter 1: Kilalanin si Balot
Chapter 2: Kilalanin si Penelope
Chapter 3: Linger
Chapter 4: Remind myself
Chapter 5: Welcome heartaches?
Chapter 6: Why? That is why!!
Chapter 7: Smiley
Chapter 8: Hey! Wake Up
Chapter 9: Evergreen
Chapter 10: Bakit Ganito?
Chapter 11: Ligaw Tingin
Chapter 12: Now I know
Chapter 13: Strike sa Puso Ko
Patalastas
Chapter 15: Eh di Kayo Nah!
Chapter 16: Hmmm...Aminiiiin!
Chapter 17: Unang awit
Chapter 18: Alam Mo Ba?
Chapter 19: Closure
Chapter 20: Free to Love
Chapter 21: Laban na
Chapter 22: Sana lang
Chapter 23: Sudden Change
Chapter 24: Believe in love
Chapter 25: Smile on your face ^_^
Chapter 26: Unang Hakbang
Chapter 27: Tadhana
Chapter 28: Here she Comes
Chapter 29: Spag means first real kiss?
Chapter 30: Siya Lang
Chapter 31: Lovesick
Chapter 32: Crush?
Chapter 33: One Love
Chapter 34: Finally we Kissed
Chapter 35: Second Base
Chapter 36: 2nd Song: In My Life
Chapter 37: You're worth It
Chapter 38: Contented
Chapter 39: Hubad na Katotohanan
Chapter 40: 3rd song: Best that I can be
Chapter 41: Totoy Bibo Part 1
Chapter 41: Totoy Bibo Part 2
Chapter 42: Fit In
Chapter 43: Building memories
Chapter 44: To touch You, to love you
Chapter 45: Kaba
Hmmmm.....
Chapter 46: Undress Me
Mensahe Ko sa Lahat
Chapter 47 Part 1 (spg): Ako'y Iyo
Chapter 47 Part 2 (spg) : Ikaw Ay Akin
Chapter 47 Part 3 (spg): Tayo'y Iisa
Chapter 48: So What Now?
Chapter 49: Huwag na huwag
Chapter 50: All my Life
Chapter 51: BEST OF ME
Chapter 52: Dreaming?
Chapter 53: Be Mine
54: Pamamaalam
EPILOGUE: MORE! MORE!

Chapter 14: Loooooveee Iiiiit!! :)

4.6K 173 11
By Shan_sky

Game playing doesn’t make any sense in the long term. Once the chase is over, if nothing more substantial exists Between the two of you, the ATTRACTION is gone. !!!

       ~~~~~~~ # ~~~~~~~~~~

Balooooooooot!!!  Penooooy!!! Balot Penoy kayo dyan!

Hi girls! Ako ang inyong tindera, naglalako na.

Pakyawin niyo ang tinda ko. :)

Sa mga naghinintay kina Balot Penny dyan…heto na po
 

------ Shanen Eloisa -----

************************

BALOT'S POV:

        BATA pa ako ay nahilig na ako sa bowling. That's the sport of my parents kaya pati ako ay dinamay nila sa hilig nila. Regular ang laro ko noon at nahinto na lang no'ng nagsimula na akong magtrabaho. 

       Honestly, wala naman talaga akong balak sabihing gusto kong manligaw kay Penny. Ewan ko ba! It was unexpected. Madalas naman kaming magbiruan pero nu'ng  sabihin niyang pwede akong manligaw, hindi ko malaman gagawin ko. 

      Masaya- na excited - na kabado - na takot - na ewan? Kasi, ang iyong abang lingkod ay torpe po sa totoong buhay. Style ko lang ang pagbibiro pero hindi po talaga ako marunong manligaw. 

  ----
         I won the game obviously at legit na ang pagpayag niyang ligawan ko siya pero paano? 

       "O pa'no ba 'yan Pen? Strike nga?" May yabang kasabay ng tukso kong baling sa kanya pagtabi ko. 
      "Sus!"
      "Baka naman kasi sabihin mo, hindi ako karapat-dapat eh 'yon ang kondisyon?"
      "Naku! Bahala ka na nga! Lika na at gutom na ako!"

      Tumayo siya at nauna na. Hala bakit kaya? Seryoso kaya siya sa sinabi niya kanina? O nagjojoke lang din siya? Ako seryoso ako. 

      Tinabihan ko siya habang hinuhubad ang bowling shoes niya. Mahina kong binunggo ang braso niya. 

       "Huy!" 
      "Baket?"
      "Kung may magagalit naman, hindi ko na itutuloy manligaw. Baka mailang ka eh, iwasan mo pa ako?"
       "Haaay! Ewan ko sa 'yo! Baka naman sa 'yo may magagalit? At ano ka ba? Diba may liligawan ka na kaya ka nga mag-papaopera ng kamay para naman pag nagholding hands kayo - eh hindi nakakahiya. Diva?" 
       "Do I feel jealousy here?" 
      "Muka mo Laylanie Evance! Tumigil ka nga!" 
       "Amiiiniiiin…"
       "Baliw! Tara na! Bilisan mo magpalit dyan at naiihi na ako, tara!"

        Mixed emotions naman ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko ng bawiin kasi parang nabibilisan ako sa aming dalawa.
Pumayag siya eh. Meaning type niya ako? Oh my type niya ako?

         Bigla akong pumreno. Naisip ko naman kasi 'yung mga naka-fling ko when I was in college. 'Yung mga babaeng straight na nakiki-uso lang tapos when the chase is over, wala - nganga ka na. Ayoko na ng gano'n. Hindi na ako teen-ager at ayaw ko na ng mga fling.

           And Penny here is a special woman I care about. Sa ikli ng panahon na nakakasama ko siya, hindi siya 'yung tipo ng nagti-trip lang o mag-eexperiment lang.

         Then my actions a while ago? I realized it was wrong. Mali. WRONG MOVE. Erase! Kung papasok man ako sa isang relasyon, 'yung mas sigurado sa akin para hindi ako iiwan. Pagod na akong maiwan.

----
         Naglalakad na kami sa mall palabas ng bowlingan. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang alalayan sa paglakad, hawakan ang kamay or something? Ako tuloy ang nailang, nakakainis naman.

       "Sa'n mo gusto kumain?" pormal niyang tanong sa akin. Kinawit niya ang braso nya sa braso ko. Okay, balik kami sa dati, yey! Buddy buddy.

       "Hmmm…kahit saan mo gusto, libre ko. Tutal nilibre mo 'yung play kanina eh."
       "Okay ako kahit saan."
       "Sige lika lakad tayo ro'n banda." 

        Sa pagdadaiti ng mga balat namin ni Penny ay hindi ko maiwasang hindi mas dumikit pa sa kanya. I love the feeling, so much. 

        "Bakit ang ingay do'n sa may Wendys? May artista siguro? Nagkakagulo mga tao," sabi ni Peny na parang gusto ring maki-usyoso.

        "Ah nabasa ko kanina may mini show si Glaiza eh. Di pa pala tapos?" 

         Bigla niyang inalis ang braso niyang naka-kawit sa akin at parang tinulak niya ako ha. "Aray! Ano ba Penny!"
        "Nakakainis ka! Glaiza? De Castro?" 
       "May iba pa ba sa showbiz na Glaiza?"
       "Hmpf! Nakakainis!" 

        Bigla niyang binilisan ang pagtakbo papunta sa crowd. Seriously? Iniwan ako dahil sa isang Glaiza De castro? Duh! Mas chiks pa ako do'n ah! 

       "Penny wait! Huy!" Hinabol ko siya at nadatnan ko siyang nagkakanda-haba ang leeg, makita lang idol niya. Pumailanlang ang boses ni Glaiza sa area na 'yon ng mall. Nagpo-promote pala siya ng album. Haay! Idol niya pala si Glaiza. 

         Inikot-ikot ko ang ulo ko. Mukha naman siyang safe. Nagkataon na Astroplus ang nasa gilid ng stage. Pumasok ako at agad hinanap ang single na pinopromote ni Glaiza. Bumili ako ng dalawa. Sa akin at sa kanya. Hmpf, ano bang mero'n dito at maraming may gusto?

         Paglabas ko ng store ay nawala sa paningin ko si Penny. Kinuha ko ang cellphone kong nagva vibrate sa pants ko. 

        "Hello! Laylanie!!!" 
        "Naman Penelope! Hindi ako bingi, huwag ka ngang sumigaw, haller!"
        "Nasa'n ka ba kasi?!"

        Actually nasa Blue Magic ako eh. Gusto kong bumili ng stuff toy para sa kanya. Isang tingin lang at binili ko agad. 

        "Asa'n ka? Ako pupunta sa 'yo." 
       "Sa Wendys na lang, nauuhaw ako kakasigaw kay Glaiza."
       "Ay grabe tinilian mo 'yan? Andito naman ako?"
      "Hahaha! Funny!! Funny ka Balot! Tara na nga! Baliw ka talaga!"

        Pumunta ako ng Wendys. Bigla akong may naalala at kinabahan  ako.  Hangga't maaari ay ayokong pumapasok ng Wendys eh.

       Hinanap ko siya at ang bruha, nakaupo na sa sulok at umiinom na ng icedtea. Umupo ako sa tabi niya at hindi niya napansin ang paperbag na hawak ko. Nilagay ko sa isang upuan sa gilid ko.

         "Oh, dalawa na binili ko baka sabihin mo masama ugali ko eh," natatawa-tawa pa niyang sinabi.
        "Totoo naman eh, iniwan mo ako dahil sa Glaiza na 'yon! Di hamak naman na mas maganda ako don. Magandang pogi," nagtatampo ako kunwari.
        "Asuuuus!! Arte!"
        "Totoo naman eh. Sa akin wala ka ng hahanapin no! Maganda, pogi, mabait, mapagmahal. Ano? Name it."
        "Haahahah!! Sexy ka ba?"
        "O naman!"

       Nilalaru-laro ng bibig ni Penny ang straw sa cup ng inumin niya. Kinakagat-kagat habang hinagod ng mata niya taas-baba ang kabuuan ko. 

        "Oh really huh? Saang parte ka sexy Balot?"
       "Ah gano'n ha! Ginaganyan-ganyan mo ako. Nakuuu Penelope, kapag nakita mo ang alindog ko, baka hindi mo na maalis ang tingin mo sa katawan ko. Aba!"

       Kinurot niya ang mag kabila kong pisngi. "Nakkuuu!!!! Ang cute cute mo talaga Balot! Ewan ko sa 'yo!"

        "Aray! Ansaket no'n ah!" Hinaplus-haplos ko ang pisngi ko. Masakit talaga no. 

        "Oh shit Balot sorry! You bruise easily, namula! Sorry."

       Naluha akong konti kasi masakit talaga. Bukod pa sa napaka-nipis kong balat. 

        "Ang bad mo sa akin Penny ngayon ah. Huwag gano'n," sumeryoso ako ng boses. Pero kunwari pa rin 'yon. 
       "Sorry, sorry."

       Umiral ang kapilyuhan kong muli. Ngumuso ako sa kanya. "Kiss ulit pambawi?"

        "Ano'ng kiss pambawi? Sapak gusto mo? Nakarami ka na nga kanina no!"
        "Huwag magsalita ng tapos. Mahahalikan mo ako ngayon pustahan?"

        Sumispsip ulit siya ng icedtea. Ginaya ko siya. Sumipsip din ako habang nakatitig ako sa mata niya at ngumingisi ako na parang nang-aasar. Ngumiti rin siya sabay tumawa ng mahina.

        "Huwag ka nga Balot! Pacute ka!"
        "Ha!ha! Hindi ko na kailangang magpacute. Matagal na kong cute. Kaya nga crush mo ko eh." 

        Penny blushed. Okay baka mailang ulit. Kinuha ko ang cd sa bag ko at nilapag sa mesa kaagad, sa tapat niya. 

       "O, para sa 'yo. Ay! Akin pala isa dyan." 
       "Ano yan?"
       "Puwede namang buksan diba?" 

        Hinigop niya hanggang maubos ang icedtea bago binuksan ang plastic. I observed her facial expression. Pagkakita palang sa cover ng cd ay literal na lumaki ang mata niya at lumiwanag ang mukha kasabay ng paglapad ng bibig sa ngiti. Hay sosme, ano bang meron sa Glaiza De Castro na 'yon?!

        "Ayiiiieee!!!" Para siyang bulateng inasinan sa galak ah! Nagulat na lang ako ng bigla niyang pinatong ang dalawang braso niya sa balikat ko at pinaghahalikan ang pisngi ko. Once, twice, thrice, hanggang magsawa siya.
         "Yeeeyyy! Thank you, thank you thank you! Mmmmmmuwaah!!!"
         "Aray Penny ano ba! Nakakahiya, nasasakal na ako!"

        Ganito ba effect ni Glaiza sa kanya? Naku, maibrowse nga ang mga gig ng bruhang 'yon! 

       Sumandal ulit siya sa upuan at kumikislap pa rin ang mata sa excitement niya habang binabasa ang mga kanta sa likod ng cd. 

       "I told you," sabi ko.
      "What?" tanong niya pero sa cd pa rin nakatingin. 
      "Mahahalikan mo ko ngayon. At mas ikaw na ang nakarami ha."
      "Arte, gusto mo naman." 
      "Aba siyempre!" 

       Tumingin na siya sa akin at ngumiti. Kinaway kaway ang cd sa kamay niya at parang si Kris Aquino'ng nagsalita. "I looooovvve iiiittt!"

      Sus! Akala ko pa naman I love you na. Penny talaga, oo. Lalo akong nahuhulog tuloy. I witnessed the child in her, so natural. She makes me smile, she makes me happy. Haay!
 I felt so alive deep within na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. 

       Sa sobrang excitement niyang nakakahawa, pati naman ako naapektuhan. Namawis ng namawis ang kamay ko tuloy. Kinuha ko ang tissue sa mesa at nagpunas ako. 

       "Oh ito pa para sa 'yo," sabay lapag ng papaerbag sa ibabaw ng mesa. 
      "Hala! Ano 'yan?"
      "Open it."

       Pagbukas niya ay nangiti na lang siya at niyakap yakap ang bear na binigay ko. "This is for what?" tanong niya at yakap pa rin ng mahigpit si bear.  Sana maging ganon ako kalambot para yakapin niya rin ano? Haha! 

         "Eh nakita ko kasing frustrated ka ng di mo maabutan agad si Glaiza. Kasalanan ko kumbakit hindi natin o mo napanood dahil di kita ininform?"
        "Ay grabe! Sineryoso mo 'yon? Over ka! It's not your fault, ano ka ba? Ano'ng akala mo sa akin, ganon kababaw para magalit?"
        "Hindi naman. Pero nakita ko kung gaano ka kababaw sa ibang bagay."
        "Well, this is too much Balot, but thanks anyway."
        "Ano name niya?"
        "Uhmmmm...Itlog!"
        "Ah kasi Balot Penoy?"
        "Yyyup!"
        "Wala bang (ginaya ko rin ang tono ni Kris Aquino.) I loooooohhvvvve iiiiit! dyan ngayon sa bear?" 

       Hinampas niya ako sa braso.  "Kainis ka! Binubully mo ako!"
       "Hahahhah!!!" 

    
    Sabay kaming tumawa.
  

  ********************

Thank you for reading

Shan 1-9-17

Note:  naabutan ko talaga c Glaiza non sa mall tour nya dahil she was promoting THE rich man's that time.

**************
Vote suggest

Leave comments huwag lang update author, heheheh!!!

Continue Reading

You'll Also Like

74.3K 1.4K 47
Everything can change by the people around you, but YOU are the one who can decide. Don't just use your heart, but also use your mind. Heartbreaks ma...
12.3K 364 25
Maurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si...
58.7K 1.3K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
624K 18K 51
*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come Louise enjoyed that kind of thing sa tao...