Twisted and Turned. { NashLen...

By skepticfool

28.5K 1.1K 486

[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original love... More

TAT. [ 1 ]
TAT. [ 2 ]
TAT. [ 3 ]
TAT. [ 4 ]
TAT. [ 5 ]
TAT. [ 6 ]
TAT. [ 7 ]
TAT. [ 8 ]
TAT. [ 9 ]
TAT. [ 10 ]
NOTE.
TAT. [ 11 ]
TAT. [ 12 ]
TAT. [ 13 ]
TAT. [ 14 ]
TAT. [ 15 ]
TAT. [ 16 ]
TAT. [ 17 ]
TAT. [ 18 ]
TAT. [ 19 ]
TAT. [ 20 ]
TAT. [ 21 ]
TAT. [ 22 ]

PROLOGUE.

3.3K 75 17
By skepticfool

Wishes

It's been days since the management informed him and I of their sudden change of plans. But it still hasn't sinked in.

I should be happy, shouldn't I? I wanted this. I used to wish for this. But now that it became reality, why does it feel wrong? Why can't I find any trace of delight in my being?

Dahil ba may masasaktan? Dahil ba nasanay na akong iba ang aking kasama? O dahil natatakot akong bumalik ang mga damdaming pilit kong ibinaon sa limot?

Bumalik sa aking alaala ang nangyaring pagpupulong...

Prente kaming nakaupo habang hinihintay ang aming mga boss. Walang kamalay-malay sa iaanunsiyo nilang makakapagpabago ng aming buhay.

"Kumusta ka na?" tanong ng kanyang katabi sa kanya.

Maaliwalas ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang awra. Iba talaga siguro ang epekto kapag ika'y may sinisinta, nagiging blooming ka. That idea doesn't sit well on me.

Pilit kong ngumiti, "Buhay pa naman. Ikaw? Rinig ko, going strong kayo ni Alexa..." may himig nang panunudyo ang huli kong sinabi.

I didn't receive those awards for nothing. Mukhang naisabuhay ko na nga talaga ang pagiging isang batikang artista.

Kuminang ang kanyang mga mata nang marinig ang kanyang pangalan. Napangiti naman ako nang mapait ngunit mabilis ko itong iwinaksi.

"We're doing great." was all he said but I know great is an understatement of how well their relationship is going.

Biyaheng forever na siguro silang dalawa...

As for me?

I don't know...

8 years ago, I got everything figured out. I had a definite loveteam and our feelings were mutual though we haven't voiced them, I was sure that what we had was something special.

The way he would look at me, the way his eyes sparkle with the mention of my name, the way he held my hand... It's all different. It's far from being friends.

But at this same place 7 years ago, my plans were burned to ashes. Napunta sa iba ang kaloveteam ko at ganoon din ako. They said they wanted to experiment and help the other two rise to stardom.

Nahirapan akong mag-adjust nang mga panahon na iyon. Lahat ng nakasanayan kong gawin kasama siya ay madalang o hindi na namin nagagawa. Bawal na rin kaming magpost ng kung ano-ano tungkol sa isa't-isa.

Those years sucked. We got contented with texting and facetiming. Our budding romance was hidden in the closet to cater to their new marketing strategy.

Hanggang sa unti-unting nawala ang koneksiyon naman sa isa't-isa. No chats. No calls. No texts anymore. We bacame estranged ; two different persons in two different worlds.

Nakakapanghinayang. Kung sana ay hindi ako pumayag. If I just became a bit egoistic. Siguro, kaming dalawa pa rin...

Pero ngayon, maligaya na siya sa piling ng bago niyang kaloveteam at kapartner sa buhay. Oh how time flew.

"Ikaw, I heard you've been going into dates." siniko pa niya ako.

"Oo but nothing serious." sagot ko.

Yes, I've went to dates with different men but I just can't find someone who'll enchant me the way this man did.

"Okay lang yan, Shar. Dadating din siya." pang-aalo niya.

Hindi siya dadating Nash. Babalik siya. Pero parang malabong mangyari iyon ngayong kuntento na siya sa piling ng iba.

"Sana nga bumalik siya Nash." I managed to fake a smile but not as believable as the one I did earlier.

I'm pretty sure my tired eyes gave me away because his palms are now rubbing my back.

Nanginit ang aking mga mata sa kanyang ginagawa. Nakalimutan mo na ba talaga lahat Nash? Bakit kung makaasta ito ay wala siyang ideya kung sino ang aking tinutukoy?

Ako lang ba ang umasang may espesyal na namagitan sa amin noon? Inangat ko ang aking tingin sa mga bituing kumikislap sa langit.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang malaking bituing rumaragasa pababa. This is childish and bullshit but I closed my eyes and made a wish.

Can you please wash every bit of my heart that still beats for him? Can you please make me as happy and contented as he is now?

I woke up to the sound of chirping birds outside our house. May call time ako mamaya para sa taping ng bago naming teleserye ngunit wala akong lakas bumangon.

Nanatili akong nakatulala sa dingding ng aking silid. Bumalik sa aking pananaw ang istura niya noong sinabi sa amin na kami uli ang kanilang pagtatambalin.

Wala roon ang gusto kong makita. Gulat, pagkadismaya at lungkot ang aking nasilayan sa kanyang mga mata. Alam ko sa loob-loob niya ay gusto niyang magprotesta ngunit malamang ay ipinairal nito ang propesiyonalismo kaya tinikom nalang nito ang kanyang bibig at sumang-ayon.

Gusto ko ulit maiyak. I only wanted one guy pero hindi pa siya maibigay sa akin. Life really is unfair. I may deny it before, pero ngayon na paulit-ulit niyang ipanaranas sa akin ang pagkadaya nito ay paniwalang-paniwala na ako.

"Shar?"

Pagkarinig ko sa boses ni Mama ay agad kong pinahid ang naglandas na luha sa aking pisngi.

"Po? Eto na po babangon na po." I acted all cheerful and jolly.

"Sige. Wag ka nang umiyak ha? Tama na iyan."

Nagulat ako sa pahayag ni mama. Of course she knew. She knows me better than I know myself. Sa simpleng mga salitang binitawan ni mama ako humugot ng lakas upang bumangon.

Pinagmasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin. My skin was glowing, as usual but my eyes were the opposite. They were dull and dark. They perfectly describe how dead I am inside.

Sinubukan kong ngumiti nang sinsero ngunit hindi nito naabot ang aking mga mata.

"Who did you bad baby girl to the point that you lost your spark?" I asked myself.

"Let's light them back up again, okay?"

Imbes na lumakas ang aking loob ay lumandas uli ang maiinit na luha sa aking pisngi. Ilang taon mo pa ba ako planong saktan ha? Tama na pakiusap.

Puno ng vans at trucks ang paligid ng barangay na aming shoo-shootingan. Marami na ring mga staff ang hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng lugar. May mga nakikiusyoso rin na tagabarangay.

Lumapit ako kay Direk Mac upang ipaalam sa kanya ang aking presensya. Nakarating ako nang medyo maaga kaya siguro hindi pa pulido ang mga wirings at camera sa paligid.

"Good morning po, Direk." I beamed at him.

"Good morning, Shar." bati niya balik.

"Asaan ho si..." she breathed out, "Nash?"

My heart raced when his name rolled out of my tongue. I can't erase all the pain in one sitting, can I? What's important is that I'm willing to forget.

Nasapo ni Direk Mac ang kanyang noo. Hindi pa ba nakarating si Nash? Ngunit hindi ugali nun ang magpalate. Laging maaga iyon lalo na kung maaga rin ang call time.

"Tinatawagan ko nga siya e pero out of reach." aniya habang abala sa pagtipa sa kanyang telepono.

Ano kayang nangyari kay Nash? Did something come up that I don't know?

Pinakalma ko na lang si Direk para hindi niya mapag-initan si Nash kung darating man iyon maya-maya. Sana naman ay dumating iyon.

Hindi kaya plano nitong iwan siya sa ere? Nanlamig ang kanyang buong katawan sa naisip.

Hindi naman siguro.

Hindi ganoon si Nash. Kahit papaano ay nirerespeto niya pa rin siguro ako kahit na wala na akong puwang sa puso at buhay niya. Malalim din naman ang pinagsamahan namin a, hindi biro iyon.

"Shar?" kumaway si Direk Mac sa aking harapan.

Binaling ko naman sa kanya ang buo kong atensiyon, "Po?"

"Ikaw kaya tumawag sa kanya baka sumagot." aniya sa pagsuko.

Tumalima naman ako at agad na tinipa ang pangalan ni Nash.

Nagring ito nang isa. Dalawa. Pinawisan ako nang malamig nang umabot ito sa tatlo. Pag marinig ko na ang tinig ng operator ay titigil na ako. Hindi lamang sa pagtawag sa kanya kundi pati na rin sa pag-asang may chansa pa kami.

Ibaba ko na sana sa panglimang ring ngunit boses ni Nash sumalubong sa akin imbes na ang tinig ng operator. Ibig bamg sabihin ay pwede pa?

"Hello, Shar?" hinahabol nito ang kanyang hininga.

Is he running? Running from who? With whom? To where? Questions and possibilities ran in my mind but for some reason, I managed to disregard them and answer him.

"Asan ka?" pilit kong pinakalma ang aking sarili kahit na gustong-gusto ko nang sumabog. I want to cry nonstop again.

He exhaled sharply again, "Behind you..."

Napalingon naman ako at nasilayan ko ang basang-basang si Nash. His hair was everywhere and beads of sweat were rolling down his face. He's sweaty as hell but still divine.

Napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata. His lips raised when he saw me. I felt a storm form inside me. Please Aguas, I am trying to move on from you so do me a favor and don't make this hard for me.

Sa bawat yapak na tinatahak niya papalapit sa akin ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng aking puso. I'll probably be dead when he'll close the gap between us.

"Sorry direk. Hinatid ko pa kasi si Chloe." aniya habang hinahabol pa rin ang hininga.

"O siya-siya. Pumunta na kayo sa tents niyo para makaumpisa na tayo. Tirik na ang araw oh!" pagtataboy sa amin ni Direk.

Linapitan niya ako at nginitian muli. Damn, Aguas! Ke aga aga, pinapahirapan mo ako.

"Good morning, Shar!" nasilayan ko uli ang mga kislap sa kanyang mga mata.

"G-Good morning..." I replied with a small smile.

"Tara na sa tent." aya niya sa akin.

Tumango ako at nagpatiuna. Matapos niya akong pinatay ng ngiti at wet look niya, hindi ko nakakayanin kung magkakasabay pa kami. Baka tuluyan akong bumigay sa harap niya.

"Hintay naman." aniya at nakipagsabayan sa akin.

Binilisan ko uli nang kaunti ang aking paglalakad. Hindi kami pwede magsabay!

Natigilan ako nang may mainit na kamay ang humawak sa aking palapulsuhan. Hindi lang ang aking mga paa ang naapektuhan ngunit pati na rin ang aking puso't damdamin.

I am a mess. Nag-aaway ang aking puso't isip. Should I yank my hand or not? Should I allow myself to indulge in his presence and the warm and safety feelings he's making me feel?

Nilingon ko siya. Nakapatong sa isa niyang tuhod ang kanyang isang kamay habang ang isa'y nakahawak sa akin. Nakayuko ito at mabilis ang paghinga. Ilang bukid ba at dagat ang tinawid nito bago nakarsting dito?

Nagwala ang aking puso nang inangat niya ang kanyang tingin. Hindi ko maiwasang tignan ang kanyang maamong mukha. How can I get over someone as fine as you?

"Sandali lang, Shar." aniya habang hinahabol ang kanyang hininga.

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago ang kanyang mga mata. Kahit pagod siya ay hindi nawawala ang kinang ng kanyang mga mata. They're damn beautiful like their owner.

"Hihintayin kita, Nash." I gave him a small smile.

Sana hindi niya nakita ang pagod kong mga mata at ang kalungkutan sa mga ito.

"Sorry... for making you wait." aniya habang tinititigan ang ako diretso sa mata.

My breathing hitched. Does he understand what he is saying? Is he giving me hope right now?

Bullshit. Stop reading between the lines Sharlene. What he said is what it is. Walang double meaning iyon. He has no idea of your pain and of your romance.

"O-okay lang. What's important is you made it. Andito ka na ngayon..."

I swear if this conversation continues I'll be weeping on my knees. Nginitian ko siya bago hinatak papatayo.

Halika na Nash. Pagod na ako. Umuwi ka na sa akin please?

"T-tara na para makapagpahinga ka na."

Tumango ito at binitawan ang aking palapulsuhan. Gusto kong kunin pabalik ang kanyang kamay at hawakan iyon nang napakahigpit. Sing higpit nang pag-asa at pagkapit ko sa pag-asang pwede pa kami.

"Shar, okay ka lang?" malumanay nitong tanong. Ang kanyang mga mata at buong atensiyon ay nasa akin.

"Of course. I'm always okay." sagot ko na medyo sarkastiko.

"Bullshit."

Pinihit niya ako papaharap sa kanya. Nakuryente ako sa paghawak niya sa aking balikat. Good thing I ditched the idea of wearing an off shoulder top today or I'm electrocuted.

"Kulang lang siguro ako ng tulog..." pagrarason ko.

It's slightly true. Hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Paano naman ako makakatulog nang mahimbig kung kasing liwanag ng mga bituin na aking natatanaw sa aking bintana ang iyong mga mata. And those damn stars remind of you.

"You sure?" nag-aalala niyang tanong.

"Yep..." pinasigla ko ang aking tinig upang hindi na siya mag-usisa pa, "Kumusta na si Chloe?" pag-iba ko ng topic.

Nag-umpisa na kamimg maglakad papunta sa tent. Mabagal akong naglakad upang mas mahaba ang oras ng aming pagsasama.

Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng kapatid. Only his mom, Chloe and Alexa can make him smile like this. Kung marinig kaya niya ang pangalan ko, does he smile this bright too?

"She's doing great. Big girl na siya ngayon and she looks a lot like you."

Kaya ba hindi mo na ako tinatawagan noon at namimiss dahil may
kapalit na ako sa buhay mo?

"Sa akin pala talaga ipinaglihi ni Tita Neth si Chloe." there was humor in my voice.

He ran his fingers through his hair. God almighty... That is so hot. Napakagat ako sa aking ibabang labi sa gigil. What the hell Sharlene?!

Nagmomove on ka, ate girl kaya please lang wag mo nang pahirapan sarili mo sa pagnanasa diyan sa katabi mo!

"Kaya nga." natawa siya nang mahina.

Naging tahimik uli kami. The type of silence that makes you feel safe...

"Shar?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Naramdaman kong nanghina ang aking tuhod sa intensidad ng kanyang titig.

"Wala..." aniya ngunit may ngiting naglalaro sa kaniyang labi.

What was that, Aguas?

------

I know, fuck me for creating another story yet not updating my current ones. But this plot has been bothering me so I decided to make sulat it to satisfy my self.

New updates will be up this week, loves. Sorry for the looooong wait. I was all over the place.

Happy New Year and Merry Christmas! May God bless y'all. 😘💙

Continue Reading

You'll Also Like

451K 30.7K 46
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
204K 7.1K 97
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
74.3K 2.9K 24
Noah always believed her and Lando were forever, but when he ended things with her to further his racing career it left her heartbroken and alone. I...
440K 11K 60
𝐋𝐚𝐝𝐲 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠𝐝𝐨𝐧, 𝐝𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐰𝐞𝐥𝐥-𝐤𝐧𝐨𝐰𝐧 𝐚𝐧𝐝, 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭𝐥𝐲, 𝐰𝐞𝐥𝐥-𝐫...