Liars Catastrophe

Od RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... Více

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 45: Restart

44K 859 146
Od RenesmeeStories

45: Restart
Lian Analiz's POV

Alam ko nang dadating kami sa katanungang ito, simula noong mapadpad kami dito at aminin ang lahat. Handa na akong sagutin lahat ng katanungan nila tungkol sa pagkatao ko sa totoo lamang. Siguro, para na rin mabigyan ng kapayapaan ang kalooban ko, kaya gustong gusto ko na talagang sabihin iyon sa kanila.

Para sa wakas wala na talaga akong itinatago, at para matahimik na din kami. Abot kamay na namin ang bagay na minimithi namin, dahil siguradong pagkatapos ng mahaba at madilim na gabing ito, kakaibang sikat ng araw ang sasalubong sa amin.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Tiningnan ko sila isa-isa, at saka ko naramdaman ang isang kamay na humawak sa kamay ko. Ang init noon ay tila ba pinapagaan ang pakiramdam ko kaya naman hinawakan ko din iyon ng mahigpit. Iba talaga ang nagagawa ni kuya sa ganitong sitwasyon.

Pakiramdam ko talaga magiging maayos ang lahat ay kailanman hindi na ako muling mag-iisa.

"It started way back in the past..." Muntik na akong mautal sa pagsisimula ko dahil naalala ko si mama. Ang hirap din kasi ng dinaanan niya noon para sa pag-ibig, at nahihiya din ako kay tita Nathalie, dahil pakiramdam ko nasira namin ang magandang pamilya nila ni Kuya.

I teared up, I just couldn't help it. Masakit pa din pala. "'Yung mama ko, matagal na niyang kakilala si dad." Napatingin ako kay Kuya, at tinanguan niya ako, alam kong ibig sabihin niya ay nais niya akong magpatuloy, at nais niyang ilabas ko na itong lahat, para naman maging maginhawa na ang pakiramdam ko.

"Bata pa sila noon, nasa edad ng pagiging kabataan. Minahal nila ang isa't-isa, pero hindi sila itinadhana. Kaya ang resulta? Isang masamang nakaraan, at nadagdagan pa ng pagkakasala." Aminin ko man o hindi, tanggapin ko man o hindi, anak pa din ako sa labas, at bunga pa din ako ng pakiki-apid.

"Sabi nga nila, lahat ng kasalanan pinagbabayaran. Mama paid her sin, and it was her death..." Napayakap ako sa kapatid ko dahil doon. Alam ko malaki ang kasalanan ni mama, ngunit masakit pa din na iyon ang kapalit.

Napakabuti din ni tita Nathalie, kaya hindi ko magawang hilingin na sana wala na lamang siya, para sana si mama at dad ang nagkatuluyan, pero ang sama sama ko naman, sisirain ko ang pamilya noong kapatid ko.

Bakit pa kasi nauso ang ganito? Bakit ba gustong gusto nilang gawin ang bawal? Bakit hindi sila makuntento? Bakit nila pilit ginagawang tama sa mata ng iba ang isang malaking kamalian? Hindi ba nila alam na ang kapalit noon, ay ang paghihirap ng magiging bunga noong kasalanan nila?

Aaminin ko, noong malaman ko ang lahat, naawa ako sa magulang ko, kay dad at mama, pero anong silbi ng awa ko, gayong sa kahit anong anggulo mo tingnan mali pa din ang lahat?

Mali ang magmahal? Anong katwiran ang isusumbat nila? Siyempre, na walang mali sa pagmamahal. Kung ganoon, ang pag-sira ba ng pamilya ay tama? Hindi naman hindi ba?

Alam ni mama na mali iyon, kaya ipinagkait niya ako, dahil ayaw niyang makasira ng ibang pamilya, at sa paraang iyon, alam kong iyon ang paraan niya para pagbayaran ang kasalanan na nagawa niya.

Napabuntong hinga na lamang ako, at saka ko sinimulang alalahanin iyong ikinuwento sa akin ng ama namin ni Kuya Nate.

Flashback

Ilang araw na din ang lumipas simula noong magsimula ang gyera ng Apocalypse laban sa Empire. Nandito ako sa hospital at kagaya ng binilin noon ni Kuya ako ang namamahala dito, at syempre ang nagproprotekta dito, saka sakaling magkaroon din ng pakikipaglaban dahil sa baka sugudin kami ng Empire dito, para hindi na gumaling pa at mas maubos na ang tauhan ng Apocalypse.

Halos wala na din akong tulog sa pagod dahil ang dami ding dinadala dito na may pinsalang natamo dahil sa matinding labanan na nangyayari ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako, mabuti na lamang at marami ding tauhan sina kuya Nate at Incess na nag-aasikaso dito.

Tahimik dito sa ikatlong palapag hindi tulad sa ika-una. Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto kung nasasaan siya. Nag-alinlangan pa akong tumuloy at hawakan iyong door knob dahil parang hindi ko pa din kayang puntahan siya, baka kasi kung ano nanaman ang tumakbo sa isipan ko at may magawa nanaman akong pagsisisihan ko lamang sa huli.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka pumikit. Hindi ko din mawari ang sarili ko. Gusto kong tingnan ang kalagayan niya ng personal, pero may parte sa akin na hindi ko na kailangan pa.

Ilang segundo at minuto din akong nag-mumuni muni dito sa labas hanggang sa may madinig akong tinig na tila tumatawag sa akin. "Hija... Hija..." Mahinang sambit noong malumanay at nakakagaang boses na aking naririnig.

Para akong hinila noon nang marahan patungo sa reyalidad at noong makita ko na nang tuluyan kung sino siya ay para bang may kakaibang kuryente ang dumaloy mula sa likudan ko at sa kamay ko. Napaatras ako sa kinatatayuan ko nang hindi sinasadya. Nangatal din agad ang aking bibig at hindi ko maintindihan kung may kailangan ba akong wikain o wala.

"Maayos ka lamang ba, Lian?" Nag-aalalang tanong niya at bubuwelo pa sana para hawakan ang braso ko, agad akong napaiwas at natatarantang tumugon aa kaniya. "A-Ayos lamang po, ma'am Nathalie..." Hindi ko maiwasan na hindi mautal dahil kaharap ko siya, may pakiramdam akong hindi maganda.

Napakunot noo siya dahil sa inasal ko, marahil ay nagtatakha kung bakit ganito ako. "Kulang ka ba sa tulog? Magpahinga ka, hija." Sambit niya sa pinakamaingat at nakakagaan ng pakiramdam na paraan. How can I hate her, when she's this sweet and innocent?

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pag-iisip ko nang masama sa kaniya. Bakit ba ang kitid kitid ng pag-iisip ko ngayon? Ang sama sama ko, dahil sa mga nangyayari. Nagiging makasarili ako at hindi ko napapansin na nakakasakit na ako ng damdamin ng iba.

Marahan na lamang akong napa-iling sa kaniya at napatungo ang ulo dahil sa hiyang nararamdaman. Naramdaman ko ang haplos niya sa may braso ko. Napalunok ako dahil doon, pero ang dala ng sensasyong iyon ay nakakagaan talaga ng pakiramdam.

"Samahan mo ako sa loob." Wika niya sa akin sa mababang tono, subalit mawtoridad. Napatango ako ng wala sa oras dahil doon. Kahit anong bait at kahit anong tamis niya, kapag nagsasalita siya ng utos ay sadyang mapapasunod ka na lamang. Parang si kuya Nate. Kaso, walang katamisan sa kaniya. Tss.

Hindi ko na malamayan na pinapasok na niya ako sa silid. Natahimik kaming dalawa pero siya ay nanatiling payapa. Umupo siya sa isang silya sa gilid ng kamang kinahihigaan ni Mr. Philip Evans.

Sumenyas siya na pumunta ako papalapit sa kaniya at saka niya marahang hinaplos iyong isang upuan na katabi niya. Kusang kumilos ang mga paa ko para pumunta doon sa sinasabi niyang upuan ko.

"D-Dapat po nagpapahinga din kayo, kagagaling ninyo lamang po nitong nakaraan sa masamang kondisyon." Kinuha kasi siya at ang ina ni Incess, para gamitin laban doon sa mag-asawa, at ngayon umaahon pa siya mula sa mga natamo niyang galos at sugat, pero narito na siya sa kwarto ng kaniyang asawa.

Humarap siya sa akin at nginitian ako na para bang sinasabi noon na maayos na siya. Wala akong masabi dahil doon, dahil kumbinsido din ako. "I'm not that weak. After all, I was once part of the Serpent Trio." Alam ko iyon, alam na alam kaya nga hindi na ako nagtatakha na nakakaya na niyang kumilos at iba pa, matapos ang nangyari. Nakakahanga siya.

Mahabang katahimikan nanaman ang bumalot sa amin. Hanggang sa nagsalita siya. "Philip Evans, I married him because I love him, but when he married me, he loved someone else... Pero sa paglipas ng panahon, natutunan niya akong mahalin at hindi ako nagsisisi na hindi ko siya sinukuan..." Mahinang sambit niya, halos pabulong.

May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Nanginig at nanlamig din ang mga kamay ko. "Lian..." Seryoso pero halos mabasag na yata ang boses niya noong sambitin niya ang pangalan ko.

"I'm sorry for being selfish and taking him away from Lilyana." Halos malaglag yata ako sa kinauupuan ko noong sambitin niya iyon. Napatitig ako sa kaniya ng hindi makapaniwala at hindi ko na naalintana na nagsimula nang pumatak ang mga luha sa aking mga mata at lumalandas na iyon patungo sa pisngi ko.

Namumula at nanunubig din ang kaniyang mga mata na parang bang pinipigilan niya ang pag-iyak. "Kilala kita... Simula pagkabata mo..." Napalunok ako nang doble dahil sa kasunod niyang binanggit. Hindi ko alam kung may pumapasok ba sa isip ko ngayon para magproseso ang mga sinasabi niya.

"I'm not a saint Lian. I have my flaws and coward actions. And one of those was pretending to be fine when he committed a sin. Para akong pinatay nang marahan noong malaman kong nagkita ulit sila ni Lilyana noon, lalong lalo na noong nalaman ko na nagtaksil siya, at nagkaroon pa ng bunga..." Doon bumuhos ang mga luha niya. Hindi siya makaharap sa akin kaya't napatungo siya sa may kama ni Philip Evans at saka doon umiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong pagkakataong iyon. Masyado akong nabigla sa nalaman ko. Ibig sabihin matagal na niyang alam ang lahat? Ibig sabihin noong ipakilala ako noong anak niya sa Empire, alam na niya? Ibig sabihin... Inilim niyang lahat iyon sa pamilya niya? Kaya ba... Kaya ba walang kaalam-alam si Philip Evans na nagkaroon sila ng anak ni mama? Kaya ba...

Halos sumabog yata iyong ulo ko habang iniisip ang mga bagay na iyon. Hindi ko malaman kung alin ang uunahin sa dapat kong hindi na isipin. Masyadong magulo at biglaan. Hindi ko magawang maniwala... Parang kathang isip.

Napahagulhol na lamang ako... Hanggang sa ikinilos ko ang kamay ko at hinimas himas sa likod niya. Sa hindi malamang dahilan naawa ako sa kaniya, nasasaktan din ako para sa kaniya. Alam kong dapat kamuhian ko siya sa ginawa niya, pero bakit... Bakit hindi ko magawa?

Dahil ba alam kong nagawa niya iyon, dahil iyon ang tama? Dahil ba nasa mali ang mga magulang ko? At siya ang na-agrabiyado? Napailing iling ako dahil sa iniisip ko, subalit isa lamang ang alam ko...

Nasasaktan din siya... Hindi lamang ako...

NANG mahimasmasan siya sa pag-iyak ay hinawakan niya ang mga kamay ko at saka siya humingi ng tawad. "Patawad sa lahat ng ginawa ko, Lian..." Mahinang sambit niya. Napailing iling ako dahil doon at pinunasan ang mga luha niya sa mga mata.

"Ako po dapat ang humingi ng tawad, sa pagkakasalang nagawa ng mga magulang ko sa inyo..." Parang naninikip ang dibdib ko noong sambitin ko iyon, at lakhing gulat ko na lamang noong yakapin niya ako.

Hindi ko alam pero napahagulhol ako noong sandaling iyon. Para bang noon ko lamang ulit naramdaman ang yakap nang isang ina... Iyong yakap na may aruga at init. Lahat ng alalahanin ko noong sandaling iyon ay pawang naglaho lahat.

Nathalie Evans...

I should hate you... I should despise you... But why can't I?

Noong humiwalay siya sa yakap ay hindi ko na napigilang magtanong. "Ano po bang nangyari?" Katiting na salita lamang iyon, pero alam kong naiintindihan na niya ang lahat lahat ng nais kong malaman. Kaya naman napahugot siya ng malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.

"Magkakilala na talaga ang pamilya namin ni Phil. Pero nakakilala lamang kami noong nasa elementarya. Noong una puro yabang lamang ang lalaking iyan, masyadong mataas ang tingin sa sarili, kaya naman naiinis ako. Ako naman ako yata ang pinaka-kinaawayan sa eskuwelahan namin." Napakunot noo ako dahil doon. Siya? Kaaayawan siya? Imposible. Masyado siyang mabait... at saka...

"Nagtatakha ka ba kung bakit ayaw sa akin noong mga kaeskuwela ko? Isa lamang ang dahilan. Dahil masyado akong mabait para sa kanila, sabi nila nasa loob daw ang kulo ko, sabi nila nagpapanggap lamang daw ako. Ganoon sila, pero anong magagawa ko? Hindi ko para ipaglaban ang sarili ko, kung una pa lamang alam ko nang kahit anong sabihin ko walang tatanggap nang buo kung sino ako... Pero doon ako nagkamali..." Kahit papaano parang gumagaan na ang paligid sa pag-itan naming dalawa. Hindi na ganoon kabigat hindi katulad kanina.

"They said... It takes the right person to see who you are, without any explanation, you just see right through it. At iyong taong nakakilala at tinggap ko kung sino ako? Walang iba kung hindi si Phil. Lagi niya akong inaasar at binubully noon, at ako naman hindi nanlalaban, paminsan minsan umiiyak na lamang. Anong magagawa ko? Hindi ko naman siya puwedeng balian ng buto. Kung pwede nga lamang nagawa ko na tutal sinanay naman ako ng ganoon, pero mas nangingibabaw talaga sa akin na huwag na, dahil iba ako sa kanila."

"Dahil nga masyado siyang bully sa iba, iyong kaklase namin na mayaman, ay pinasugod siya sa mga tauhan nila. Magsolo pa naman siya noon dahil uwian na at mag-gagabi na. Akala ko noon kakailanganin niya ng tulong ko, pero hindi, parang wala lamang sa kaniyang patumbahin iyong mga dapat magtuturo ng leksyon sa kaniya. Noong pagkakataong iyon, alam ko na. Alam ko na na hindi siya basta basta, at hindi siya normal, na katulad ko siya, itinatago ang angking lakas, tinatago ang tunay na katauhan sa iba." Nakikinig lamang ako sa kuwento ni Mrs. Evans. Paminsan minsan may nasilaw na ngiti sa labi niya at kahit papaano natutuwa din akong sinasalaysay niya sa akin ang mga nangyari noon.

"Akala ko hindi niya ako nakita noong makita ko siyang nakikipaglaban sa kanila, pero nakita pala niya ako. Binalaan niya ako at tinigilan na niya ang napakasamang ugali niya sa akin. Nabaliktad naman ang mga pangyayari mula noon, ako na ang nangungulit sa kaniya at bwisit na bwisit na siya sa akin. Pero sa paglipas ng panahon at noong makatungtong kami sa sekondarya, naging malapit kami sa isa't-isa. Sa madaling salita... Naging magkasangga na kami. We became... best friends. But little did I know, I was already falling for him." Napa-iling iling si Mrs. Nathalie at saka niya hinawakan ang kamay ni Mr. Evans.

"Dahil matagal na kaming magkakilala, halos kilala ko na ang takbo ng utak ng lalaking ito. At ako ang laging nag-iiwas sa kaniya sa mga kagaguhang ginagawa niya dahil sa pagiging maangas. Kaya manang mana si Gabriel sa ama niya... Masyadong matigas ang ulo, masyadong palasabak sa gulo, pero... alam mo bang nakuha din ni Gabriel iyong kung paano siya magmahal? Iyong... wagas na pagmamahal? Iyong pagmamahal na... Hindi mo basta makakalimutan... At iyong pagmamahal na may dumating man na bago, may natitira pa ding nakalaan para doon sa babaeng minahal niya ng tunay." Nakita ko ang panggigilid ng luha sa mga mata niya at ang kirot mula doon.

Iyon bang alam mo na ang sinasabi niya. Kitang kita kong nangungusap iyon.

Sana ako na lamang iyong tunay na minahal niya simula noon.

Nasa akin na siya, pero bakit ang puso niya nasa kaniya pa din?

Anong laban ko sa babaeng minahal niya ng buo? Samantalang mahal niya ako...bilang kaibigan?

Kailan ba magiging ako?

Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa nasasaksihan ko. Ang lungkot pala...sobrang lungkot pala niya, pero nandito ako, nagiging makasarili, hinihiling na sana hindi na siya pumagitna pa sa pagmamahalan ni mama at ni Mr. Evans. Ang tanga ko talaga... Iyong pagiging makasarili pala talaga, nagkakasakit ng iba.

"A girl named Lilyana Valle transferred to our school. Tahimik siya, mahina ang loob, masyadong babasagin. Siya iyong tipo na kailangan mong alagaan, iyong tipo na susugod sa gulo pero hindi preparado, iyong gagawin ang lahat para sa pinaniniwalaan niya, kahit dadanak na ng dugo. She's a walking glass that might break any minute with a single touch, but Philip's secretly protecting her and secretly keeping her safe at all cost. I was there... I could remember it all too well. Iyong ipagtatanggol niya siya kapag may umaaway sa kaniya, iyong pagsabunot niya sa buhok niya, kapag naiinis sa kaniya si Lilyana, dahil sa kalokohan niya, pero ang tunay na motibo iyong magpapapansin para magkausap sila." Natawa nang mahina si Mrs Nathalie dahil doon, at saka siya ngumiti ng pilit sa akin.

"Lilyana's weak, she isn't like me, or like him. Walang laban si Lilyana kapag naipit siya sa gulo ng mundo namin. Baka nga buhay pa niya ang magiging kapalit kapag nangyari iyon. But Philip's stubborn. Hindi uubra sa kaniya ang ganiyan kababang dahilan. Para saan pa siya hindi ba? Siyempre para protektahan si Lilyana."

"Bawat araw na lumilipas, iyong bangayan nila, iyong pagiging manhid ni Lilyana, iyong pagiging sira-ulo ni Philip, iyon ang naglapit sa kanila. Kaibigan ko si Lilyana dahil kay Philip, pero parang kaaway ko din si Lilyana dahil din kay Philip. Ang gulo hindi ba? Subalit... Kapag nakikita ko silang nagtatawanan na parang walang ibang problema sa mundo, kahit gusto kong mainggit natutuwa ako."

"Kapag iiyak si Lilyana, andyan si Philip para bigyan siya ng panyo. Kapag umuulan, nandyan siya para payungan siya. Kapag gusto niya ng ice cream, nandyan siya para bilhan siya. Kapag may umaaway kay Lilyana, pinagtatangol niya siya. Kapag ngingiti si Lilyana, kahit anong sakit pa ng katawan niya dahil sa pagsasanay niya biglang taga pagmana ng organisasyon niya, makikita ko ang mga mata niyang kumikislap sa saya."

"Pero hindi nila alam... Kapag iiyak si Lilyana, andyan si Philip para bigyan siya ng panyo, nandoon ako sa isang banda, tahimik silang pinagmamasdan habang lumuluha. Kapag umuulan, nandyan siya para payungan siya. Nandoon ako sa isang sulok, hinahayaan ang sariling maulanan. Kapag gusto niya ng ice cream, nandyan siya para bilhan siya. Samantalang ako nandoon kumakain mag-isa, umaasang mapapansin nila. Kapag may umaaway kay Lilyana, pinagtatangol niya siya. Samantalang kapag sa akin may umaaway, tatawa tawa lamang si Philip dahil alam niyang kapag naubusan ako ng pasensya, hindi lamang bali ng buto aabutin nila. Kapag ngingiti si Lilyana, kahit anong sakit pa ng katawan niya dahil sa pagsasanay niya biglang taga pagmana ng organisasyon niya, makikita ko ang mga mata niyang kumikislap sa saya. Pero ang hindi nila alam nandoon ako sa isang banda... Tahimik na nasasaktan... Marahang namamatay..."

Nang mga sandaling iyon intinding-intindi ko kung bakit dumating sa puntong naging makasarili si Mrs. Nathalie. Baka nga kung sa akin nangyari ang bagay na iyan, susuko na agad ako nang walang laban laban, dahil alam kong talo na ako... Pero pinapatunayan niya sa akin ngayon, na kung hindi pa nga nagsisimula ang laban, bakit dinedeklara ko nang talo agad?

"Mrs. Nathalie..." Magalang na sambit ko. "It's fine to be hurt... It's fine to be alone... But... Thank you for staying... even though it's hurting and even though... you need to fight alone..." Malumanay na bigkas ko. Napatango-tango siya sa sinambit ko.

Tumingin din siya sa itaas para ikurap kurap ang mga mata at para mawala na doon iyong namumuong tubig, dahil pakiramdam ko naiiyak nanaman siya.

"Salamat." Maikling pahayag niya pero parang may mas malalim na dahilan. Para bang nagpapasalamat na... nandito na ako? Hindi ko makuha, at ayaw ko namang pangunahan iyong isang katagang iyon.

"Habang lumilipas ang panahon, mas lalo nila akong napapag-iwanan. At doon ko nakikita na parehas na silang nahuhulog sa isa't-isa. Hindi ko pinigilan iyon, dahil sino ba naman ako para gawin iyon? Parehas nila akong kaibigan, siyempre kailangan suportahan ko sila, dahil iyon ang tama."

"Maayos ang nagiging takbo ng relasyon nila. Subalit... Isang araw... Habang wala si Philip, hinarang kami ni Lilyana ng mga masasamang tao, iyong mga karaniwang nakakalaban namin sa mundo ng ilegal. Siyempre, kaya kong labanan sila, pero si Lilyana hindi, at panigurado magkakaroon ng trauma si Lilyana kapag nasaksihan niya ang labanan namin, kaya imbis na manlaban, hinigit ko si Lilyana para itakbo siya. Nakuha ni Lilyana ang ginawa ko, at tumakbo din siya sa lahat ng makakaya niya. Ngunit... Nahuli pa din kami... At sa huli... Wala akong nagawa kung hindi ipakita kay Lilyana kung gaano ka panganib, kung gaano kahindikhindik, at kung gaano ako sinanay mabuhay."

"Sa kasamaang palad. Hindi ko ganoong naipagtanggol si Lilyana, dahil napuruhan din ako. Iyon yata iyong unang laban ko sa tanang buhay ko na halos mawalan na ako ng dugo dahil sa mga ginawa noong mga iyon sa amin. Ang alam ko na lamang, nagising ako parehas kaming nasa hospital ni Lilyana. And Lilyana... Nabigla siya masyado sa nangyari at iyong mga natamo pa niya sa pisikal na aspeto."

"Galit na galit si Philip noon. Pero... alam mo ba ang kasunod na nangyari? Lilyana... became afraid of me and him. Iniwasan niya kaming dalawa. Ayaw nga niya kaming makasama o marinig man lamang. Paminsan minsan natataranta at hindi siya magkaintindihan kapag tatangkain kong lumapit sa kaniya."

"Philip hated me for what happened. Nasisi niya ako, dahil kung hindi ko daw pinakita kay Lilyana iyong tunay na kakayahan ko... Iyong pagpatay... Iyong pagtatanggol sa sarili, na may kasamang pagdanak ng dugo... Sana maayos daw sila ni Lilyana. I was so mad at him because of his accusation. Galit na galit kong sinumbat na ipinagtanggol ko lamang si Lilyana, na kasalanan niya ang lahat dahil pabaya siya at dahil pilit niyang ipinapasok si Lilyana sa mundong hindi nito gamay. At sa mundong kailanman hindi niya matanggap. Matapos nang pagtatalong iyon... Philip... became quiet. And I was afraid of his silence."

"Hanggang sa kinausap ko siya. Iyon palang sumugod sa amin ay dahil sa kaniya dahil gusto nilang parusahan si Philip, at gusto nilang gamitin si Lilyana. Doon nakita ni Philip ang panganib na dala niya kay Lilyana. Nagpasya siyang iwasan siya... at napakasakit makita siya sa ganoong estado."

"Kapag titingnan niya si Lilyana awang awa ako sa kaniya, alam kong gustong gusto na niyang yakapin ang isang iyon, pero hindi niya magawa. Kapag may nang-aaway kay Lilyana, palihim niya pa ding ginagantihan ang mga iyon. Ang ginawa na lamang niya? Nagpakasasa sa pagiging tagapagmana, para makalimutan si Lilyana. Akala ko doon na matatapos ang lahat pero isang maling akala."

"Hindi kami tinigilan noong mga nakasagupa namin noon, at sa huling engkwentrong nangyari... Halos mag-agaw buhay si Lilyana. At halos mawalan na din ng buhay si Philip. Both of them were in critical condition... And the worst? Lilyana saw Philip killed some men..."

Napasinghap ako dahil doon. Hindi ko akalaing aabot sa ganoon. Hindi ko akalain na matindi din pala ang pinagdaanan nilang tatlo. Hinawakan ni Mrs. Nathalie iyong kamay ko. Para bang sinasabi niya sa simpleng kilos na iyon na nasa nakaraan na ang lahat. Kahit papaano gumaan muli ang pakiramdam ko dahil doon.

"Hindi na inintay ni Philip noon na magising pa si Lilyana, dahil ang huling tingin ni Lilyana sa kaniya... alam niyang kinasusuklaman na siya ni Lilyana noong pagkakataong iyon. Lumipat kami ni Philip ng eskuwelahan. Para siyang patay na buhay. Alam mo iyon? Naglalakad pero walang kaluluwa. Ganoon siya. Hindi mo makakausap karaniwan, masyadong lutang. Wala sa sarili, hindi na pala tawa, hindi na din pala sabak sa gulo. It was so weird to see him that way, pero nanatili akong nandoon para sa kaniya. Hindi ko siya iniwan. Hanggang sa paglipas nang maraming taon... Bumalik na iyong ngiti niya."

"Nagtapat ako sa kaniya na mahal ko na siya... Pero alam mo ang sagot? Salamat. Loko loko hindi ba?" Natatawang sambit niya habang nakatingin kay Mr. Evans. Napangiti naman ako dahil doon.

"Mana kay Kuya..." Hindi ko napansin na nasabi ko iyon, at napangiti si Mrs. Nathalie. "Baliktad, Lian. Mana si Gabriel sa kaniya." Napatango tango na lamang ako habang nakangiti dahil doon. Hindi ko din napansin na natural na ngiti iyong lumabas sa aking mga labi.

"Naging magkasangga kami sa labanan, sa eskwela, at sa lahat lahat ng bagay. Nagkakaroon na nga ako ng pag-asa na sana kami na lamang. Masaya ang mga araw na kasunod noon. Kapag inaakbayan niya ako, kapag niloloko niya ako, kapag tatawa siya sa kapalpakan ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko dahil doon. Subalit... Napawi lahat ng iyon noong malasing siya noong makainuman kami dahil sa pagtatapos namin ng kolehiyo."

"He's still in love with Lilyana after all those years..."

"Nagpanggap akong hindi iyon narinig. O wala siyang sinabing ganoon. Mukhang epektibo dahil wala naman siyang naalala noong malasing siya. Nagpatuloy kaming dalawa sa buhay namin. Natutuwa din ang mga magulang namin na malapit kami sa isa't-isa. Hanggang sa... Sinabi sa akin ni Philip nagusto niyang sumugal sa akin. Gusto niyang matutunang mahalin ako... Na panahon na para suklian niya iyong pagmamahal ko sa kaniya. Sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?"

"Lumipas ang panahon, magpapakasal na kami dahil na din sa kasunduan ng magulang namin. Wala naman akong alma doon, ganoon din siya—o akala ko lamang? Sa totoo pala, ayaw niyang pakasal sa akin dahil mahal pa din talaga niya si Lilyana at ayaw niyang pakasalan ako dahil hindi niya maibibigay ang tunay na pagmamahal. Pero sa unang pagkakataon sa buhay ko, naging makasarili ako. Pinilit ko siyang pakasalan ako. Halos mag-makaawa ako. Desperada na ako. Mahal ko kasi, pero ang baluktot nung dahilan ko hindi ba? Nakakatawang isipin iyon." Natawa siya ng sarkastiko dahil doon.

"Noong makita niya akong umiiyak. Wala siyang magawa... Kahit awa iyong nakikita ko sa mga mata niya noong pagkakataong iyon, inisip ko na lamang na pagmamahal iyon. Niloko ko ang sarili ko at sinabi kong mamahalin din niya ako pagdating ng panahon. Hanggang sa ikasal kami."

"Lahat na ginawa ko para maging mabuting asawa sa kaniya. Sa tingin ko naman nagampanan ko iyon ng maayos. Naririnig ko na sa kaniya iyong mga sakitang mahal kita, mag-iingat ka, gusto ko nang umuwi para makasama ka. Mga ganoong bagay. Sa wakas, pakiramdam ko mahal na niya ako. Hindi na napipilitan. Hindi na naawa lamang. Totoo na talaga..."

"Kaya nga pinagbuntis ko si Gabriel... Pero noong nasa ika-limang buwan ako ng pagbubuntis kay Gabriel... Doon nagsimula iyon. Iyong gabing gabi na siya umuuwi. Halos hindi na ako inaasikaso, parang laging balisa, parang may ginawang mali, at higit sa lahat parang iniiwasan ako..."

"Praning na yata ako noon dahil sa pagbubuntis ko... Pero tamang hinala. Pakiramdam ko nambabae siya. At huli ko na nalaman... Nagkita ulit sila ni Lilyana sa mismong mapanganib na mundo. And the news? Lilyana's one of the smartest heads of numerous syndicate."

"Noon palang mawala kami ni Philip, nagpursigi siyang hanapin kami, pero hinaharangan pala iyon noong mga magulang namin dahil nga gusto nilang ipagkasundo kami sa kasal. Hindi sumuko si Lilayana. She trained like us. Pinalakas ang sarili, takot nang maging duwag, pero hindi pa din kayang pumatay, kaya hanggang sa pagiging utak lamang ng sindikato ang naabot niya. At dahil doon, nagkita ulit sila ni Philip. At... may nangyari sa kanila."

"Pinilit kong magpanggap na maayos ako dahil nagbubuntis ako noon. Pero halos gabi gabi yata umiiyak ako dahil sa nangyari. Akala ni Philip wala akong alam sa nangyari. Lingid sa kaalaman niya alam na alam ko ang lahat. Ako? Lolokohin niya. I am the head of the Serpent Trio. Nadine became my blanket that time. Sa kaniya ako umiiyak, sa kaniya ang takbuhan ko. Kung wala nga si Nadine noon na nagkataong buntis din sa kambal. Baka nawala na ako sa katinuan. While, Catherine? She isn't really one of those friends, she was just an ally."

"Noong mabuntis si Lilyana. Nasa ika-walong buwan na ako. Pinabantayan ko ang kilos niya sa tauhan nina Nadine, para hindi malaman ni Philip na may alam ako. Dahil mapapagkatiwalaan si Nadine walang nakalabas na kahit ano. Hindi din niya kilala kung sino si Lilyana, hindi naman pala tanong si Nadine at hindi niya para paki-alaman ang bagay na hindi ko naman hinihinging paki-alaman niya."

"Nalaman ko na hindi pala alam ni Lilyana na kasal na kami ni Philip. At hindi na din siya nagpakita kay Philip simula noon dahil nga alam niyang pagkakasala ang nagawa nilang dalawa. Hindi alam ni Philip na nagkaanak sila. Wala siyang ideya, at ibinaon niya sa limot ang lahat. Marahil dahil sa pagsisisi sa magawa niya at dahil na din kay Gabriel."

"Hindi ko pinalubayan si Lilayana. Kapag may panganib, inilalayo ko siya doon, dahil nga buntis siya. Hanggang sa naglaho siya sa buhay namin. Pero isa lamang ang alam ko, na dinadala nga niya ang anak nila ni Philip. Dahil si Lilyana na din ang mismong nawala sa landas namin. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa pamilya namin ni Philip."

"Kahit papaano dahil kay Gabriel, naging masayang pamilya kami. Kinalimutan ko na ang tungkol kay Lilyana, dahil habang lumalaki naman si Gabriel nararamdaman ko ang pagmamahal ni Philip sa aming dalawa. Ni minsan hindi siya nagkulang biglang ama sa kaniya. Kung mahal pa din niya si Lilyana ay parang hahayaan ko na lamang, basta at huwag masisira ang pamilya namin."

"Hanggang sa makatanggap ako ng balita na namatay si Lilyana dahil sa isang engkuwentro. At ang masaklap, mukhang Empire pa ang kalaban nila noong organisasyon niya kaya siya namatay. Siguro, akala mo si Philip ang pumatay kay Lilyana, Lian. Subalit, nasisiguro ko sa'yong hindi. Dahil kailanman hindi niya magagawang bawian ng buhay ang babaeng pinakamamahal niya..."

May kumawalang dalawang luha sa mga mata niya matapos sambitin iyon at saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Mr. Evans. "Kung mauulit man ang nakaraan, pipiliin ko pa din ang landas na ito, kahit masakit at mahirap. Kasi... Ganoon ko siya kamahal... At ganoon ko din kamahal si Gabriel. Kung hindi niya ako naging asawa, baka walang Gabriel sa mundong ito..."

"Tanggap ko na noon pa, Lian. Wala akong laban sa ina mo... Pero sana mapatawad mo ako sa pagkakaila kong anak ka ni Philip." Marahan siyang tumayo matapos sabihin iyon.

"Patawad sa paglilihim... Patawad sa pagiging sakim..." Basag na basag na ang tinig niya at patuloy ang pagluha niya, at dahan dahan siyang bumababa sa tuhod niya upang lumuhod na siyang ikinagulat ko.

Agad akong tumayo at lumuhod din para yakapin siya. "Ako po dapat ang humihingi ng paumahin para sa nagawa ni mama..." Halos putol putol na ang boses ko habang binibigkas ko sa kaniya iyon.

"Patawad po... Muntik na naming masira ang pamilya ninyo..." Dagdag ko pa at halos umapaw na ang emosyon sa aking puso. Sana mapatawad niya kami ni mama... Mali ang nangyari sa kanila at ako pa ang naging bunga...

Yumakap na lamang siya sa akin at saka kami nag-iyakan na dalawa. Natigil lamang kami noong may marinig kaming tinig.

"Nathalie..." Sabay kaming napalingon sa kaniya na ngayon ay mulat na hindi katulad kaninang tulog.

"Philip..." Agad napatayo si Mrs. Nathalie at saka dali daling tumungo sa isang banda para pindutin iyon at para may pumunta nang doktor sa kwartong ito. Habang aligaga si Mrs. Evans. Tumingin sa akin si Mr. Evans.

Sinenyas niyang lumapit ako sa kaniya. Kahit nag-aalinlangan at kinakabahan ay ginawa ko iyon. "Patawad, anak..." Nahihirapang saad niya, napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga katangang iyon, damang dama ko ang emosyon niya mula doon... At alam kong hindi lamang isang bagay ang hinihingi niya ng tawad sa akin, dahil maging ang kasunod na sasabihin niya ay paniguradong kasali sa paghingi niya ng tawad.

"Nathalie..." Muling tawag nito sa asawa. Mabilis na tumalima si Mrs. Evans sa asawa. Hinawakan nito ang kamay. "Patawad, Nathalie... Kung sa mahabang panahon naiisip mong si Lilyana pa din ang mahal ko... Gusto kong sabihin sa iyo... Ikaw ang mahal ko... Ikaw ang minamahal ko... At ikaw ang mamahalin ko..." Imbis na masaktan o magalit dahil sa narinig ko, pakiramdam ko natunaw ang puso ko.

Hindi ko maipaliwang pero nakaramdam ako ng saya para kay sa kanilang dalawa. Lalong lalo na kay Mrs. Evans dahil alam kong nararapat lamang sa kaniya ang pagmamahal na iyon.

MATAPOS tingnan ng doktor si Mr. Evans, nakahinga kami ng maluwag ni Mrs. Nathalie, dahil maayos na ang kalagayan nito. Maagan na din ang pakiramdam ko at para na akong nakakahingang muli.

Mama... Ngayon alam ko na kung bakit ka nagparaya...

Mama... Ngayon nakikita ko na ang bunga noong sakripisyo mo, kaya pinagkait mo sa sakin ang sarili kong ama...

Mama... Alam kong masaya ka para sa kanila... At magiging masaya din ako, para sa iyo... para sa kanila... at para sa sarili ko...

"Lian..." Tawag sa akin ni Mrs. Nathalie. Lumapit ako sa kanilang dalawa dahil doon.

Niyakap niya ako, at nakita kong ngumiti si Mr. Evans. "From now on... Call me, mom, or if it still bothers you, you can start with tita Nathalie..." Nakangiting saad niya na sinserong sinsero. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil doon.

"And... Call me dad. Not tito. But dad or daddy." Nakangiting pahayag naman ni Tito Philip? Or should I say dad? Napakibit balikat na lamang ako. Mukhang kailangan kong sanayin ang aking sarili.

"Lian, kung papayag ka... Gusto ko sanang ibigay ang apelyido ko sa iyo." Direktang sambit ni Mr. Ev—Philip—dad? Natigilan ako dahil doon. Hindi ko alam ang isasagot. May parte sa akin na masayang masaya at gustong gusto ang sinabi niya, pero may parte din sa akin na ayaw ko, dahil gusto kong dalhin iyong apelyido ni mama.

"Hm..." Nahihiyang sambit ko. "Pag-iispian ko po." At nginitian na lamang ako noong mag-asawa.

Mama... Will you be happy if I'll carry his surname in your place?

Mama... Thank you...

Lumabas na ako sa silid na iyon, at doon ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagiging malaya at masaya.

End of Flashback

Nang matapos kong ikwento iyon sa kanila, nakita ko sa mga mata nila ang saya para sa akin dahil sa wakas alam nilang wala na akong itinatago pa at alam nilang malaya na ako mula sa galit at poot na nararamdaman ko.

Hinimas ni kuya ang likod ko na para bang sinasabi sa akin na magiging maayos na ang lahat pagkatapos nito, kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Totoo pala talaga ang epekto nito.

Kanina kasi noong makita ko si Skyler na parang malaya na medyo hindi pa ako naniwala kasi parang ang bilis naman, pero ngayong naranasan ko na masasabi kong wala na akong kinikimkim at dinadala sa loob ko kaya naman ang gaan gaan na nang pakiramdam ko.

It was a really great idea to let it all out after all.

Ilang sandali pa biglang natahimik ang lahat at nagulat kami noong biglang matumunog na parang kumukulong tiyan? Napakunot noo pa ako doon dahil hindi ko alam kung tama ba iyong nadinig ko o guni-guni lamang.

Biglang may umubo ng peke sa amin at napatingin ako kay JJ dahil siya ang gumawa noon. "Ehem." Pag-uulit pa niya. "Mukhang gutom na ho, ang mga alagang ahas ni Anthony sa tiyan, pagpasensyahan ninyo na po, ang pagsira noong tunog ng tiyan niya sa momento natin." Animo'y reporter na sambit ni JJ.

Katahimikan...

Hanggang sa...

"Gago!" Agad binatukan ni Thon-Thon si JJ dahil sa sinabi niya. Kaya naman ang naging resulta?

"Hahahahaha!" Nagkatawanan kaming lahat. Maging si Incess ay napabungisngis din dahil sa nangyari. Alam kong may natitira pang katanungan na hindi nasasagot pero gutom na kami.

"Kuya, may pagkain ba?" Tanong ko.

"Ha?" Nag-kunwari pa itong hindi niya naririnig ang sinabi ko. Napanguso ako dahil doon.

"Huwag mong sabihing walang pagkain, pards? Mauupakan talaga kita." Sabat ni Thon Thon na akala mo'y papatay dahil sa gutom. Baliw talaga. "Dadalhin dalhin mo kami dito tapos walang pagkain, aba, matinde—nangyari na ito eh, noong dalhin mo kami sa isla noon—" Dirediretsong sambit ni Thon Thon at kung hindi pa babatuhin ni kuya ng tsinelas ay hindi titigil.

"Manahimik ka, tatalsik talsik na laway mo dyan." Natatawang banggit ni kuya kaya naman nagkatawanan kami. Pagkatapos ay tumayo siya at sinenyasan si Kurt at Skyler. At naging hudyat iyon para tumayo din iyong dalawa at sundan siya.

Noong makabalik sila may dala dala silang may kalakihang lalagyan at iyong iba ay gamit para sa barbecue? Hindi ko sigurado noong una dahil hindi ko naman tanaw lahat, pero noong makalapit sila ay tama nga ang pagkakakita ko.

Tumayo kaming mga babae at tinulungan silang bitbitin iyong mga dala dala nila. Kinuha ko din iyong ilang pagkain at saka kami nagtulong tulong na ayusin iyon para makapagsimula na kaming magprepara.

Halos oras din ang tinagal noon at ngayon nagluluto na kami at hinihintay na lamang iyon para makakain na. Natatawa pa nga ako dahil ang dami nanamang kalokohan noong tatlong itlog. Kahit papaano mas naging masaya at malaya kami sa pagtawa ngayon kaysa nitong mga nakaraan.

Habang pinagmamasdan ko si Skyler at Annicka na naglalakad sa may tabing dagat. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukha kasing malaya na nilang naipapakita ngayon iyong tunay na damdamin nila sa isa't-isa kaysa noon na para silang nakikipagtaguan.

Si Alyx at Anthony naman ayon, akala mo makikipagpatayan dahil sa isang saging. Nag-aagawan kasi iyong dalawa, bangayan pa nang bangayan. Ang ingay tuloy. Silang dalawa ang pinakamaingay sa amin.

"Akin na kasi iyang unggoy ka!" Sigaw ni Alyx kay Thon Thon.

"Gutom na ako, beh. Akin na muna. Kita mong kahiya hiya ako kanina noong tumunog ang tiyan ko." Halakhak ni Thon Thon at saka kinagatan iyong saging. Napatadyak-tadyak tuloy si Alyx sa buhangin.

"Beh? Beh!? BEEEEEH!?" Hindi makapaniwalang tungon ni Alyx sa sinabi ni Thon Thon. Hindi ko tuloy mapagilan hindi mapatawa nang mahina dahil doon. Baliw talaga si Thon Thon alam na alam paano inisin ang isang iyon.

"Ikinakahiya kita Thon Thon! Isang malaking kahihiyan! Isa kang pokemon—mali jejemon!" Ang tinis ng boses ni Alyx habang pinapalo palo sa likod si Thon Thon. Bwisit din naman kasi ang isang iyon.

"Huwag kang mag-alala." Bilang inakbayan ni Thon Thon si Alyx. Tatanggalin sana ni Alyx, pero biglang isinubo ni Thon Thon iyong saging sa bibig ni Alyx. Hindi tuloy makasalita iyong isa. Lamog din talaga itong si Thon. "Mahal mo naman ang jejemon na ito hindi ba, beh?" Pang-aasar ni Thon Thon.

Agad siyang tinadyakan ni Alyx sa may mukha kaya napa-upo siya sa may buhangin. Napabungisngis ako dahil doon. Ibang klase, hindi na talaga nagbago ang dalawang iyon. Basta putakan walang nananalo.

Naibaling ko na lamang ang pansin ko kay Shana at JJ. Andoon iyong dalawa sa may tapat namin ni Timothy sa may bonfire. Nag-iinit ng marshmallow. Hindi kagaya ni Alyx at Thon na maingay ang dalawa ito, akala mo nag-uusap sa pamamagitan ng tingin.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni JJ kay Shana habang nakaturo sa tatlong marshmallow na iniinit niya sa may apoy. Nagkunwaring nag-iisip si Shana.

"Nasusunog na marshmallow." Walang kaemo-emosyon na sambit ni Shana. Napatingin naman si JJ sa marshmallow at nakitang nangingitim na ito kaya dali dali itong inalis sa apoy.

"Asar ka talaga." Iiling-iling na sambit ni JJ. Natawa na lamang nang mahina si Shana.

Nag-uusap silang dalawa nang mahina kaya hindi ko na marinig iyong iba. Basta natutuwa akong makita na pigil ngiti silang dalawa pagkatapos magkakatinginan at kapag iiwas ng tingin, sabay sisilay ang ngisi.

Ang cute nilang pagmasdan. Akala mo nag-liligawan pa din. Kulang na nga lamang kasal.

Napadako naman ang tingin ko kay Kurt na nakikigulo doon sa tatlo—Vianca, Incess at Kuya Nate—nagluluto silang apat doon ng barbecue. Nakayapos si kuya kay Incess mula sa likod, pagkatapos may sasabihin si Kurt kaya aakto si kuya na babatuhin niya noong tongs si Kurt tapos haharang si Vianca sa pag-itan nilang dalawa at tatawa.

"Bwisit ka Villamor, umalis ka nga dito. Isama mo itong isang ito. Doon kayo." Takwil ni kuya kay Vianca at Kurt.

"Aray, Evans ha. Gusto mo lamang masolo si Riyah." Sagot naman ni Kurt.

"Halata ba? Alis." Pikon talo din talaga itong si Kuya.

"Ayoko mangbubuyo muna ako dito. Kasalanan mo hindi mo isinama si Tiara." Nakangising sambit ni Kurt.

Biglang tumawa si Incess. "Kapag narinig iyan ni Wolf, wala ka nang kawala Kurt." Pagbabanta pa niya. Umaktong kinikilabutan si Kurt.

"Sa gwapo kong ito?" Itinaas baba pa niya ang kilay.

"Kilay on fleek!" Natatawang sambit ni Vianca, pang-aasar kay Kurt kaya naman agad napa-ismik si Kurt at niloko si Vianca.

Nakakatuwang pagmasdan ang apat na iyon. Lalo na ang bugnot na mukha ni kuya dahil hindi niya masolo si Incess simula noong dumating kami dito sa Korea. Magdusa ka Kuya, sinama mo mga lokong ito, umaasa kang masosolo mo pa si Incess.

"Siopao!" Nanlaki ang mga mata ko noong maramdaman kong pitikin ni Timothy ang noo ko.

"Aray ko naman." Patataray ko. "Ano ano? Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa mga kasama natin. Sa akin ka na lamang kasi tumingin." Nakangusong sambit pa niya. Napa-irap naman ako doon, at saka siya pabirong sinampal.

"Oo na lang, Tim." Sarkastikong sagot ko pa.

Tumawa na lamang siya at saka inilagay ang ulo sa balikat ko. "Siopao..." Naglalambing na sambit niya.

"Ano?" Ala-alanh iritadong imik ko.

"Mahal kita." Natigilan ako dahil doon. Biglang humirit? Tss.

Napatango tango ako. "Pandak..." Natatawang sambit ko, at alam na niya ang ibig sabihin noon.

***

MATAPOS ang sandaling pahinga at pagkain, habang nagkwekwentuhan. Mararamdaman mo talaga ang kakaibang saya sa amin ngayon. Iyon bang hindi na nagpapanggap, at talagang nakawala na kami mula sa nakaraan.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang ginhawa. Wala na akong hihilingin pa.

Nandito kaming muli sa bonfire, nagtititigan. "Ano, magtititigan na lamang ba tayo? Nako, baka matunaw ako niyan, gawa ni Alyx." Natatawang sambit ni Thon Thon kaya naman nabatukan siya ni Alyx. Napanguso siya dahil doon.

"Ako may tanong, Sky, kung matagal ka nang kilala ni Catherine, bakit parang hindi ka niya kilala noong nakaraang gyera? May sinabi siya noon, iyong parang kaya pala pamilyar ka." Kaswal na imik ni Kurt. Hindi ko sigurado iyong sinasabi niya, pero nakinig ako upang hintayin ang sagot ni Skyler.

"She's mocking me. That's all. Alam ninyo naman Servilla ang isang iyon." Iiling-iling na sambit niya na ikinatango namin.

"Kilala mo ba si Thunder noon pa?" Tanong bigla ni Incess kay Skyler. "He once told me that you are familiar to him."

Umiling si Skyler. "Hindi ko siya kilala noon, nakilala ko lamang noong mabuo ang Apocalypse. Maybe my name ring a bell because of Mortem." Kibit balikat na sagot ni Skyler, na siya namang ikinatango ni Incess.

"Shana." Hindi ko napansin na nasabi ko iyon, napatingin sila sa akin. "Ahm, iyong pamilya mo parte ng Gangster Empire dati hindi ba?" Maingat na tanong ko, at tumango naman si Shana kasabay ang pag sagot ng oo.

"Kung parte kayo Gangster Empire, hindi ba nakatunog magulang mo tungkol kay Incess o tita Sab?" Kasi parang ang imposible naman na hindi nila nalaman iyong kay tita Sab, pero iyong kay Incess maraming lusot iyon.

"Ah? Iyon ba? Hindi naman kasi ganoon kalaki ang pamilya namin sa Gangster Empire. Even Nathaniel did not recognized me as one of his subsidiaries. At saka hindi interesado ang magulang ko sa ibang bagay na hindi inutos ng Empire. Kaya wala silang ganoong alam kay tita. Mabilis ko din napagtakpan iyon noong makatunog sila. Kaya naging ayos naman ang lahat. At kaibigan ko si Princess, at parang magulang ko na din si tita Sab. Hindi ako gagawa noong bagay na ikapapahamak nila." Malumanay na eksplanasyon ni Shana kaya napatango tango ako, at mukhang naliwanagan din iyong iba.

"Nga pala, Incess..." Napalingon ako kay Timothy noong sabihin niya iyon.

Nakaabang kami sa kasunod na sasabihin niya. "Alam mo bang nag-imbestiga kami noong akala namin na mamatay ka. At may natagpuan kaming mga hindi tamang bagay, kagaya noong isang oras lamang bukas ang kabaong noong lamay." Halos sabay sabay napatango ang doofuses dahil sa sinabi ni Tim para bang iisa ang gusto nilang itanong.

"Iyon ba? Sa palagay ko, kasi natatakot sina mom na malaman ng Empire na hindi talaga ako iyon. Hindi man halata, pero kapag pikit si Ate may birthmark siya sa talukap ng mata, at ako naman ay wala, kaya naman baka may makapansin sa Empire, kaya ginawa nila iyon." Napatango tango naman sila dahil doon na para bang nabigyan na iyon ng liwanag. "Tingnan ninyo ang ginawang retoke noong mommy ko kay Vianca, may birthmark din na nakalagay kaya hindi ako nagduda nang sobra." Dagdag pa niya.

Kilalang kilala talaga sila noong mama niya.

"Meron pang isa! Iyong naka-itim na babae! Sobrang nakakakilabot iyon, akala ko kaluluwa mo iyon Incess!" Kahit kailan napaka-oa talaga nitong si Thon Thon ang sarap ibaon sa buhangin. May patayo tayo pa kasing nalaman.

May mahinang tawa tuloy kaming narinig. "Hindi ako iyon." Sambit ni Incess. Napatingin sa kaniya sina Annicka dahil doon.

"Hindi ikaw? Akala namin ikaw iyon..." Pahayag pa ni Annicka na parang kinilabutan kasi baka naiisip nito na kung hindi si Incess ay baka kaluluwa nga ni Empress. Mga baliw.

"I was suffering from Gloom's death back then. Tapos dinala pa ako sa ibang bansa dahil sa pagtatangka kong magpakamatay. Sa tingin ninyo magagawa ko pang dumalaw doon na naka-itim?" Natatawang sambit ni Incess.

"Oo nga ano, pero sino iyon?" Sabi naman ni Jacob.

"Pards! Tinatanong pa ba iyan? Syempre kung hindi si Incess, malamang nakakita talaga tayo ng engkanto, este baka kaluluwa iyon ni Empress!" Paliwanag pa ni Thon Thon habang may pagalaw galaw pa ang kamay akala mo naman ay nasa isang sabayang pagbigkas ang tungas.

"Gago ka, pards!" Halakhak ni Tim Tim. "Ano nanamang nasinghot mo ha?" Dugtong pa nito.

"Incess, tama ako hindi ba?" Pangatwiran pa ni Thon Thon.

"Hmm." Umaktong nag-iisip si Incess. "Pwede din." Seryosong sambit pa nito. Pakiramdam ko kinilabutan ako dahil doon, lalong lalo na noong natahimik kaming lahat at saka biglang humangin ng malamig at malakas.

"Potek! Horror ba talaga?" Biglang sabat ni Alyx. Takot yata sa multo ang isang iyan.

Tumawa naman si Incess dahil doon. "Kidding. I was just teasing Thon Thon." She called him, Thon Thon. Napangiti ako dahil doon. Karaniwan kasi buong pangalan ang tawag niya doon sa doofuses. Kaya naman kapag narinig mo iyong palayaw na ginawa niya sa kanila, mapapangiti ka na lamang.

"Sino nga?" Sabay sabay na sabi noong tatlo.

"Si tita." Seryosong sagot ni Incess.

"Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Miss Sabrina Jimenez." Nakapraying position pa silang tatlo dahil doon. Napatawa tuloy kaming lahat. Nakakagaan talaga ng loob kasama ang tatlong ito. Doofuses. Nakakatuwang makitang nakikipagkulitan na sila sa Prinsesa nila.

"Paano si Miss Sab?" Biglang tanong ni Skyler.

"Ang alam ko, nandoon siya para bisitahin si Empress. Alam ninyo na malaki ang utang na loob niya sa pamilya namin, at siyempre parte na din siya ng pamilya, gusto niyang dumalaw noon, pero hindi niya magawa dahil sa Yobbo, kaya noong libing lamang siya nakadalo. Bakit naka-itim? Alangan naman magkulay pula siya, kita ninyong libing iyon." Iiling-iling na sambit pa ni Incess.

"Aaaaahhh..." Sabay sabay na reaksyon noong tatlo na parang nasagot na iyong matagal na tanong na gustong gusto nilang malaman.

Nagkaroon pa ng ibang tanong at mga sagot pero karaniwan mga kalokohan na ang mga pinagsasabi nila. Nagtagal pa kami doon ng mga dalawang oras, hanggang sa nakaramdam na ng antok kaming mga babae at nag-aya ng mauwi.

"Salamat at nakawala na tayo sa madilim na nakaraan." Narinig kong imik ni Annicka na humihikab, at saka pumipikit ang mga mata. Inalalayan siya ni Skyler para hindi matumba, dahil antok na antok na talaga siya.

Samantalang si Alyx at nasa likod na ni Anthony habang nakapikit. Tinamaan na ng pagod ang isang iyon. Bangayan kasi sila nang bangayan ni Anthony.

Si Shana at JJ parehas palagpak na ang mga mata. Pero mas si JJ, kaya nga imbis na si Shana nag alalayan niya si Shana pa ang nakaalalay kay JJ. Baliktad. Maton din kasi si Shana, hindi tulad ni Jj na mas malabot ang puso.

Sa wakas nakarating din kami sa sasakyan namin. Naunang pumasok si Anthony na sobrang ingat sa tulog na si Alyx. At sinundan sila ni JJ at Shana sa pinakalikod. Sumunod si Skyler at Annicka, at kaming dalawa ni Timothy.

"Hindi ka pa ba antok?" Tanong ni Tim.

"Inaantok na. Ikaw?" Tugon ko naman.

Tumango lamang siya at saka pinulupot ang kamay sa baiwang ko at saka sumandal sa may balikat ko. Hinayaan ko na dahil ramdam kong pagod din siya.

Si Kurt ang driver at nasa una si Vianca katabi niya. Si kuya at Incess na sa unahan namin. Kung kaming lahat bagsak na iyong dalawa dilat pa. Para ngang hindi inaantok dahil kinukulit pa ni kuya si Incess.

"Manahimik ka dyan Gab. Tulog na sila." Rinig kong suway ni Incess.

"Tss. How about you?" Mahinang sambit ni kuya.

Hindi ko na narinig ang kasunod noon dahil nilamon na din ako ng antok.

Basta ang natatandaan ko na lamang, noong makarating kami doon sa bahay, ay nagkanya kanyang higa kami sa pinasukan naming silid, at hindi na namin alam kung sino ang mga katabi namin.

***

Nang maalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ay may naramdaman akong bigat na nakadantay sa akin. Hindi ko pa man maayos na naimumulat iyong mga mata ko ay nasisilaw na ako.

Inalis ko iyong naramdaman kong binti na nakayakap sa akin at saka marahang bumangon mula sa kinahihigaan. Pikit pa ako noon kaya hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa paligid ko.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, blanko pa ang utak ko at walang matinong tumatakbong isipin doon. Kinusot ko din ang mga mata dahil ang labo noong nakikita ko hanggang sa masanay ito sa liwanag.

Tatayo na sana ako noong mapahiga nanaman ako dahil sa binting nakadantay sa akin kanina. "Alyx!" Saway ko. Subalit walang epekto dahil tulog pa ang bruha. Inalis ko ulit iyong binti niya at saka umupo.

Doon ko nakita na tabi tabi kaming mga babae, at sana pinakadulo si Incess na payapang natutulog. Samantalang si Shana, Alyx, Annicka at Vianca, ay halos mapunta na sa kung saan dahil napakalilikot matulog.

Gulo gulo ang mga buhok nila at mukhang napasarap ang tulog. "Aish!" Sambit ko noong muli akong yakapin ni Alyx, kaya napahiga nanaman ako. Gisingin ko na kaya itong mga ito? Ang gulo kasi dito sa kwarto. Nagkalat iyong mga kumot. Nasa sahig naman kami dahil nga traditional house itong bahay na tinitirahan namin ngayon.

Inalis ko si Alyx sa pagkakapulupot sa akin at saka ako lumabas nitong silid. Hindi ko alam pero ang unang hinanap ko ay iyong mga lalaki. Nasaan na ba ang mga iyon? Ang tahimik kasi sa buong paligid. Samantalang ang iingay noong mga iyon.

Naglakad ako patungo doon sa tapat na bahay, doon kasi ang alam kong kwarto noong mga lalaki. Binuksan ko iyong pinto, wala namang tao. Nilibot ko iyong lugar pero wala sila. Teka? Bakit wala sila?

"Ahjumma." Tawag ko doon sa namamahala dito na kadadaan lamang.

"Agassi." Magalang na tugon niya.

"Eodi?" (Where?) Bangag pa ako kaya hindi ko matukoy kung anong dapat na gamitin kong salita. Muntik ko na ngang tagalugin butina lamang at iba ang lumabas sa bibig ko. Pero... Naintindihan kaya niya?

"Ah, iyong mga lalaki? Umalis kanina." Sambit niya gamit ang sariling lengguwahe. Pakiramdam ko pumasok sa utak ko iyong sinabi niya pero lumabas din agad at hindi nagproseso ng tama kaya tumango lamang ako.

Hanggang sa... "Ehh!?" Hindi makapaniwalang bigkas ko, pero wala na iyong matandang babae sa harapan ko.

Agad akong tumakbo sa iba pang kwarto dahil baka naman may pagkain silang iniwan pero... "Wala?!" Hindi ko napansin na nasabi ko na iyon ng malakas. Bwisit. Iniwan na nga kami wala pang pagkain. Alam ba nilang masama kaming ginugutom.

Napakamot na lamang ako sa sariling ulo at saka mabilis na nagtungo pabalik doon sa silid kung saan ako galing kanina. Doon ko naabutan iyong mga babae na himbing pa din sa pagtulog. Napailing na lamang ako dahil doon. Nasaan ba kasi iyong mga lalaki at iniwan kami?

Kinuha ko iyong cellphone ko sa bag ko at saka sinubukang tawagan si Tim pero hindi sumagot, out of coverage area. Sinubukan kong tawagan si Kuya dahil sobrang wirdo talaga na iwan niya iyong asawa niya samantalang kulang na lamang itali niya si Incess ng literal sa katawan niya para hindi sila magkahiwalay.

"Aissh!" Nasambit ko na lamang dahil sa inis. Wala din. Out of coverage area din. Tinawagan ko din si Kurt, Skyler, Thon, JJ pero wala! Agh! Saan bang lupalop napunta ang mga iyon? May mga balak ba sila o ano?

Tsk. Bahala sila. Kung gusto nilang tumakas sa amin. Papakasaya din kami. Tsk. Isa pang Tim Tim iyon. Hindi man lamang nag-iwan ng pagkain. Alam naman niya na umagahan ang pinakaimportante para sa akin. Tss.

"Oy! Gising!" Sita ko sa mga kasama ko. Sinimulan ko kay Alyx, sinipa sipa ko siya.

"Hmm!" Alma pa niya. Tss. Kinuha ko iyong unan na nasa ulo niya at saka ko siya binato sa mukha. Nagising tuloy. "Buseet! Sino iyon!?" Animo'y naghahamon ng away na sigaw niya, pero wala pa sa wisyo.

Kasunod kong nilapitan si Shana tinapik tapik ko ang mukha subalit winakli niya iyong kamay ko. Kaya naman ginulo ko iyong buhok niya at saka ko hinipan ang kaniyang tainga. Napaupo tuloy ng wala sa oras.

"Damn it!" Lutong naman maka-mura nito, ang agang aga. "Gising na." Sabi ko sa kaniya at saka niya ako tiningnan ng masama at saka umirap. Nag-iisip pa ang isang iyan, pero siguradong bumalik na ang kaluluwa sa katawan.

Sunod kong nilapitan si Annicka. "Annicka, wake up!" Banggit ko at saka ko hinawakan ang kamay niya para iupo. "Ohhh? Nalindol?" Natawa ako ng mahina dahil doon. Parang lasing kasi, halatang gusto pang mahiga at saka pikit habang nag-sasalita.

Binitiwan ko siya kaya naman napalagpak siya pahigang muli. "Aray ko naman!" Napaupo siya sa pagsigaw at saka napahimas sa ulo. Tinawanan ko siya dahil doon. "Liaaan!" Reklamo niya sa akin. Kinindatan ko na lamang siya, at saka pumunta kay Vianca.

"V!" Malakas na tawag ko sa tainga niya.

"Omygosh! Ano iyon!?" Napatayo siyang bigla dahil sa gulat. Hindi pa siya dilat noon, at noong imulat na niya ang mga mata nagtatakha niya akong tiningnan na para bang pinutol ko ang magandang panaginip niya.

"Lian Analizzzz!" Naiinis na wika niya at saka napapadyak padyak. Napahalakhak ako dahil doon. Iiwan ko na sana siya para gisingin si Incess pero nakita ko siyang nakaupo na habang naghihikab. Buti pa ang isang ito, marunong gumising ng kaniya.

"Lian!" Nagulata ko sa biglang sigaw ni Alyx, papalingon na sana ako sa kaniya para tanungin kung bakit noong may tumamang unan sa mukha ko. "Aray!" Reaksyon ko dahil sa nangyari. Kasunod noon at paglipad ng mga unan sa akin.

Kaya naman gumanti din ako. Nagkakatawanan na kami dahil sa nangyayaring pillow fight. Pisikalan, umagang umaga. Ang lalakas ng palo noong iba.

"Inis ka Lian! Ang sarap pa noong tulog ko eh!"

"Nanaginip pa ako!"

"Akala ko may kung ano sa tainga ko."

"Sakit ng ulo ko dahil sa pagbagsak mo sa akin Lian."

Natawa na lamang ako sa kanila. "Hirap ninyo kasing gisingin." Sabi ko naman. Hanggang sa naglaban laban ulit kami. Maging si Incess kasali. Asar ni Alyx, biglang binato si Incess pagkatapos nagkasisihan, kaya ayun, mas lalong naging matindi ang labanan ng unan.

"Hahaha! Oy, tama na, pagod na ako." Pahayag ko sa kanila at saka ako humiga.

"Ako din!" Sukong sambit ni Annicka habang natawa at saka humiga katabi ko.

"Kasalanan mo, Valle." Mataray na imik ni Shana at saka biglang dumagaan sa akin. "Aray ko!" Reklamo ko sakaniya, pero tinawan ako.

"Sakit noong bato noong isa sainyo." Pinipilig ni Vianca ang ulo niya at saka dumagaan kay Annicka. "Ahh!" Kunwaring reklamo ni Annicka.

"Woohooo! Swimming sa inyo!" Biglang sigaw ni Alyx at naramdaman ko na lamang na may mas mabigat pang dumagaan sa akin. "Ang bigaaat!" Kunwaring paiyak na reaksyon ni Annicka.

"Oy, oy, oy, Incess, anong ginagawa mo!?" Narinig kong sigaw ni Alyx, hindi ko maintindihan kasi nakadagaan sila kaya hindi ko makita ng ayos kung anong nangyayari.

"Omygoooosssh!" Tili ni Vianca at Alyx at saka ko naramdaman ang mas malakas na pagdagaan sa akin. At siguradong ganoon din kay Annicka. "Incessss!" Sigaw naming lahat pero isang halakhak lamang ang natanggap namin mula sa kaniya.

Umalis din ang mga bruha sa pagkakahinga nila sa amin, at saka kami nagsimulang mag-ayos ng pinagtulugan. Siyempre, may pahabol na paluan pa iyan ng kumot, at unan.

Matapos naming malinis ang lahat umupo kami ng pabilog. Tinitingnan ang isa't-isa. "Nasaan sila?" Biglang tanong ni Shana. Napakunot noo ang iba sa kanila. "You mean, the gentlemen?" Tanong ni Vianca.

"Oy, V, walang gentle sa mga iyon, mga balahura ang mga iyon." Natatawang imik naman ni Alyx, kaya napatawa din kami.

"Oo nga ano, nasaan?" Napalinga-linga pa si Annicka na parang mahahanap niya sa paraang iyon, iyong mga lalaki. Kaya naman ipinaliwanag ko na sa kanila na wala akong nadatnan na ni isa sa mga iyon ngayong umaga.

"Hala!? Tinakasan tayo?" Sabi ni Vianca.

"Nakoo! Mga nambabae lamang iyang mga iyan. Alam mo na. Freedom!" Suwestiyon ni Alyx.

"Subukan lamang ni Gabriel." Napalingon kami sa madilim ang awra na si Incess noong sabihin niya iyon. Seryosong seryoso. Hindi siguro sanay na walang nangungulit na Nate sa kaniya.

"Ha-ha-ha." Sarkastikong tawa ko naman. Nakakatakot si Incess.

"Pero wala ding pagkain?" Pag-iiba naman ni Annicka ng paksa.

"Wala." Iling ko naman.

"Tatamaan iyang Blaze na iyan sa akin." Nagpormang kamao pa si Shana dahil doon.

"Ginagalit ako niyang si Timothy Chase." Madiing bigkas ko naman.

"Ha! Humanda ang mokong na si Thon Thon sa akin mamaya! Ha! Talagang sasamaiin iyon. Walang pagkain! Letse!" Tumayo pa si Alyx habang pasuntok suntok sa hangin.

"Si Sky? Baka binibilhan na ako." Akala mo'y nasa panaginip na sabi ni Annicka.

"Asa!" Sabay sabay na sabi namin. Napalabi naman si Annicka dahil doon. Nag-apir apir kami. Maging si Incess natatawa din dahil sa nangyayari.

"Buti na lamang wala akong kailangan alalahanin." Tatawa tawang sabi ni Vianca. Mabuti pa nga siya.

"The guys are out? Well, let's get some girls day out too!" Masayang suwestiyon ni Alyx na patalon talon na para bang nakabuo na ng plano tungkol sa gagawin namin ngayong maghapon.

"Tama iyan! Tama iyan!" Sang-ayon naman ni Annicka.

"True. Let's go?" Nakangiting imik ni Shana at saka tumayo.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"We will have some fun. Lian. Fun." Sagot naman ni Incess. Hindi ko alam ah, pero parang kinilabutan ako sa fun na sinasabi niya. Pero napakibit balikat na lamang ako.

Umalis sila? Pwes, magpapakasaya kami.

***

Nathaniel Gabriel's POV

Naglalakad kaming mga lalaki ngayon patungo doon sa gustong puntahan ni Thon thon. Ayaw ko sanang sumama sa kanila dahil pakiramdam ko magagalit si Light pero ang kumag na ito, dumikit nang dumikit sa akin para magpasama dito. Tsk. Kung suntukin ko na kaya?

"Ano ba kasing balak mo ha, Thon?" Nagtatakhang tanong ni Tim.

Paano ba naman ginising kami ng itlog na si Thon Thon kanina at aalis daw kaming mga lalaki at magpapatulong daw siya sa isang bagay na napakahalaga sa buhay niya. Tss. Makapag-inarte daig pa babae. Tsk.

"Shh ka na lang pards, napakachismoso mo talaga. Go with the flow." Asik naman ni Thon Thon. Ano kayang plano ng itlog na ito? Mamaya mapahamak pa kaming lahat. Ang aga pati naming umalis. Ni hindi ko man lamang natingnan kung maayos nakatulog iyong magaling kong asawa.

Habang naglalakad bigla akong napatigil. Kinilabutan akong bigla. Para bang may bumanggit sa pangalan ko at hindi kanais nais iyong sinabi tungkol sa akin. Woah! Ano iyon? Si Light kaya nag-iisip noon? Psh.

Ilang sandali pa biglang napa-ubo si JJ kaya naman napatingin kaming lahat sa kanila. "Woah! Bigla akong pinagpawisan ng malamig ah. Baka naalala ako ni Yuri. Potek, hindi maganda pakiramdam ko, kung naalala man ako." Iiling iling na sambit nito.

"Takte! Parang biglang kinuryente iyong likod ko." Nagulat kami noong magsalita si Tim tim at saka siya napahawak sa likod niya. "Shit. Patay ako kay Siopao nito, hindi ako nag-iwan ng pagkain. Pakiramdam ko pinapatay na ako nang isang iyon sa isip niya." Dirediretsong imik pa niya.

"Pero okay lang, kung sa pagmamahal naman." Tumawa pa ang loko kaya nilapitan ko siya habang naglalakad. "Tsaka para diet na din si Siopao, lalong nanaba ang pisngi eh." Agad siyang nakatanggap ng batok dahil sa sinabi niya.

"Aray ko naman pards! Matatanggal yata ulo ko eh!" Reklamo pa niya at saka napahawak sa batok. Napa-ismik naman ako dahil doon. "Ikaw, pakanin mo nang ayos ang kapatid ko, baka ikaw pakain ko sa pating." Asik ko sa kaniya.

"Ha-ha-ha. Yes boss!" Sumaludo pa ang itlog na si Tim Tim. At saka tumakbo papalayo sa akin.

"Woo woo woo!" Halos sabay sabay kaming napalingon kay Thon Thon noong bigla itong muntik nang madapa. Buti nga. Tss.

"Aigoo!" Kamot ulong reklamo pa niya. "Mukhang niriritwalan na ako noong magaling kong gerlpren." Iiling iling na sabi pa niya. Natawa naman kami dahil doon. Paniguradong walang tigil na reklamo ni Alyx ang naririnig noong mga babae ngayon.

Kasalanan nitong itlog na si Thon Thon. Imbis na makapagsaya kami kasama ang kaniya-kaniyang kapareha, nauwi kami sa ganitong pakulo ni Thon Thon. Ano ba kasing balak ng tukmol na ito? Ayaw pa kasing sabihin para daw may kakaibang sabik kaming maramdaman. Ulol niya. Tss.

"Ikaw Sky wala kang naramdamang kakaiba?" Biglang tanong ni Kurt.

"Wala naman. Kung meron man, magandang pakiramdam na pinahahatid ni Hera." Nakangising sambit nito, kaya humirit iyong tatlong itlog. "He-he-heyy!" Pangloloko pa nila kay Skyler.

"Ha! Pasalamat ka kamo, anghel ang pinsan ko sa bait." Taas babang kilay na sabi ni JJ. "Pero Skyler tandaan mo, uupakan talaga kita kapag umiyak pa si Nicka." Seryosong dagdag pa ni JJ.

"Sa iyo nga umiiyak ang isang iyon sa panloloko mo sa kaniya." Walang kaemo-emosyon na sagot ni Sky. Nagkalokohan nanaman dahil doon.

"Ikaw Kurt wala kang naramdaman?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Meron." Maikling tugon niya.

"Ano?" Tanong noong tatlo, at saka ni Sky.

"Kakaibang pakiramdam na parang parating na si Tiara. Woo! Kinikilabutan na ako!" Natatawang saad niya at saka umakto na parang kiniliti. Kabaklaan ang bwisit. Napailing iling na lamang ako habang tumatawa sila.

"Tara tara tara!" Pagmamadali pa ni Thon Thon sa amin.

Pagkatapos ay pumasok kami sa isang shop ng mga alahas. "Oy, Pards, namumulubi ka na ba at magsasanla ka na ng alahas?" Tanong ni Tim Tim.

"Gago ka ba pards? Talino mo pa naman, tapos hindi mo alam ang pinagkaiba ng sanglaan sa mamahaling tindahan ng mga alahas?" Asar na pakikipagtalo ni Thon Thon kaya halos magkasakalan na iyong dalawa nang pabiro. Ang gugulo talaga, akala mo nag-aaway kaya ayun muntik nang sitahin noong tauhan sa loob, kung hindi lamang sinabi ni Skyler na maayos lamang ang lahat.

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Tila naiinip na tanong ni Jj. At saka tumingin sa mga makadisplay sa lugar.

"Siyempre bibili. Ano ba, itong mga ito, wala ba kayong mga utak? Nakita ninyo lamang ang gwapong mukha ko, natameme na kayo? Tsk tsk tsk." Ang lakas talaga ng tama nitong itlog na si Thon Thon.

"Gago nito." At ayun nanaman ang tatlong iyon nagkagulo nanaman. Taga awat nanaman si Sky at Kurt. Napa-iling iling na lamang ako.

Pumunta ako sa isang banda at doon nakita iyong iba't-ibang uri ng singsing. Hanggang sa napadpad ako sa mga wedding rings at promise rings. Napangiti ako noong makita ko iyong isang singsing. Bigla kong naisip si Light.

"Yes, sir? Would you like to see the rings? This one..." Biglang may lumapit na babae at nagsalita ng hangul at sinabi sa akin iyong mga design ukol sa singsing. Pero parang walang ibang napasok sa isip ko dahil gusto ko lamang iyong singsing na iyon na ibigay kay Light.

"Are you proposing, sir?" Napatingin ako doon sa babae dahil sa sinabi niya. Tss. I already did. Pero magulo lamang ang mga pangyayari noong panahon na iyon. Kasal na nga kami... Then a scene flash backed on my mind...

I did not even give her a proper wedding...

"Yes." Hindi ko napansin na nasabi ko na iyon doon sa babae. Ngumiti iyon sa akin. "That girl is so lucky." Papuri pa nito. Napailing iling naman ako. No. I am the lucky one here. It's her that we are talking about. The Princess Light Smith.

"Hoy, Pards!" Napalingon ako noong biglang sumigaw iyong nagsasalitang itlog na si Thon Thon.

"Ano?" Maangas na tanong ko sa kaniya.

"May balak ka bang mag propose kay Light?" Tanong nito. Tinaasan ko siya nang isang kilay. Hilig talaga sa mga balita ng lokong ito. Ang ingay pati. Akala mo naman nasa kabilang dulo ako nitong lugar.

"Bakit?" Maikling tugon ko.

"Huwag!" Napakunot noo ako dahil doon.

"Huwag kang agaw eksena, pards. Ako itong magpropropose kay Alyx, tapos aagawan mo kami ng eksena. Letse ka talaga, pards!" Sabi pa nito at saka ako biglang binatukan. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.

Hindi dahil sa sinabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Pero dahil...

Sa pagbatok niya sa akin! Lakas ng loob ng itlog! Bwisit!

Ginantihan ko siya dahil doon. Magsasalita sana ako pero naunahan ako noong mga lalaking kasama namin.

"ANO?! MAGPROPROPOSE KA NA KAY ALYX!?" Hindi makapaniwalang sambit nila.

***

Alyxandria Jane's POV

"Uh-ho! Uh-ho!" Napa-ubo akong bigla habang nakain kami, mukhang nabulunan ako. Agad akong inabutan ng tubig ni Incess, at dali dali kong ininom iyon. Patuloy pa din ako sa pag-ubo, at nanakit na ang lalamunan ko.

Noong makahinga na ulit ako ng ayos napahawak ako sa may dibdib ko. "Letse kung sino man ang bumanggit sa maganda kong pangalan! Napaka-oa." Nasabi ko na lamang. Bakit ba kasi akong biglang nabulunan?

Tss. May nangyayari kaya sa mga lalaking iyon? Psh. Bahala sila, basta ako magpapakasaya muna. Dahil pakiramdam ko. May hindi magandang mangyayari. Omy precious beautiful flawless skin and face, stay safe.

"May sasabihin ako." Napalingon kami kay Incess noong magsalita siya.

"Ano?" Tanong ko, syempre unang mag-reak kapag nagsasalita ang reyna, maganda.

"May plinaplano sana ako, pero kailangan ko ng tulong ninyo." Seryosong saad niya at mukha siyang masaya sa planong iyon kaya naman napangiti kaming lahat. Minsan lamang humingi nang tulog ang isang iyan.

"Game!" Sabay sabay na sabi namin.

Tapos sinabi niya sa amin iyon, at hindi namin mapigilang hindi mapangiti. "Ano pang ginagawa natin dito? Tara na!" Masayang sabi ko, para naman nasimulan na namin iyong plano ni Incess.

Tinapos muna namin ang pagkain namin at saka kami dali daling umalis. "Pagkatapos natin, tara sa bar!" Biglang suwestiyon ni Vianca. Biglang nagliwanag ang aking mga mata. What a glamorous idea!

"I don't think, they will allow us." Nag-aalinlangan pa ang aming butihing si Annicka.

"Annicka, girl. Hayaan mo ang mga tukmol na iyon. Umalis sila para magpakasaya sa freedom, dapat ganoon din tayo." Nakangiting sabi ko at saka ko sinakbit ang kamay ko sa braso niya.

"Can't wait." Nakangising sabi ni Shana. Nakipag-apir ako sa kaniya.

"Game, Incess?" Tanong ko. She smirked at me.

"Call." She retorted coolly.

We just wanna have some fun!

***

To be continued...

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...
196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...