The Nanny

By ilovemyself_0907

1.2M 11K 623

Warning!!! Warning!! Rated SPG!! This story is more mature scene!! This is not suitable for 17 and below!! RE... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 27

24K 246 12
By ilovemyself_0907

           Seth's POV

Ilang oras na akong nag hihintay kay Tasha pero hindi pa din sya dumarating, kinakabahan na nga ako eh. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang cellphone niya pero out of coverage sinubukan ko naman sa bahay nila. Ilang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Good evening po, Si Seth po ito, itatanong ko lang po sana kung nandyan si Tasha?"

"Ikaw pala hijo, naku hindi naman pumunta dito si Tasha ngayon, akala ko ba nandyan sya sayo?"

Kinutuban na ako ng sabihin niyang hindi umuwi si Tasha.

"Opo pero ang sabi niya uuwi sya dyan para kumuha ng damit, 2 hours na po syang hindi bumabalik simula ng umalis sya dito."

Sabi ko sa mama ni Tasha.

"Ano?!"

Yun lang ang sinabi niya at nagpaalam na ako, ayaw kung mag isip ng kung ano ano dahil baka mamaya may pinuntahan lang sya, pwede pa naman akong maghintay ng ilang oras eh. Kinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong magisip ng kung ano ano. Inasikaso ko na lang ang dalawang bata at pinatulog sa kwarto, ng makatulog ang dalawa tinignan ko ang oras at 9:00 pm na ng gabi. Gusto ko ng tumawag ng pulis kaso naalala ko kailangan muna mag 24hours na nawawala sya bago sya hanapin, nanuod lang ako para malibang ako pero hindi pa din ako mapakali. Sinasabi ko sa sarili ko na dadating sya, nasa tabi ko lang ang phone ko incase na mag text or call sya. Di ko namalayan na naka tulog na pala ako.

••••••••••••••••

Nagising ako na sumakit ang leeg ko at pag dilat ko ng mata maliwanag na at naka bukas pa din ang t.v, pinatay ko ang t.v at tumayo pumunta ako ng kwarto baka nandyan na si Tasha pero pag bukas ko ng pinto wala pa din sya. Doon na ako kinabahan at tumawag ako sa bahay nila Tasha, naka ilang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

Narinig ko ang boses ng papa ni Tasha.

"Hello, good morning po pasensya sa abala pero itatanong ko lang po kung nandyan si Tasha? Si Seth po ito."

"Hah? Hindi umuwi dito si Tasha kahapon pa, ang alam namin nandyan sya sayo at si Sophie."

Shit, binaba ko na ang phone at tumawag na ng pulis, ilang minuto lang ay nandito na sila.

"Good morning sir, ilang oras na po bang nawawala ang asawa mo?

Tanong sakin ng isang pulis.

"She's not my wife, girlfriend ko ang nawawala."

Tumango tango lang sya.

"Wala ba syang kasama ng umalis sya kahapon? May dala ba syang sasakyan?"

"Wala syang kasama kahapon at oo dala niya ang kotse niya"

Nag tanong lang sya sakin kung anong oras umalis si Tasha at sinabi ko naman yun.

"Pahinge na lang kami ng litrato niya para ipahanap na namin sya ngayon."

Tumango ako at pumunta sa kwarto, buti may picture ako ni Tasha, inabot ko na sa kanya iyon at umalis na. Saktong lumabas ng kwarto si Sophie at hinanap ang mama niya.

"Good morning baby girl, mommy will be back soon."

Pag sinabi kong wala pa ang mommy niya iiyak pa naman sya, at ang hirap niyang patahanin.

"What do you want to eat?"

Sabi ko sa kanya at binuhat ko sya.

"Bread."

Nilapag ko na sya sa upuan at pinag handa ko sya ng almusal niya, sumunod naman ay si Clyde kaya dalawa na ang ginawa kong tinapay. Kailangan kong tumulong sa paghahanap kay Tasha, iiwan ko muna ang dalawang bata sa nanay niya. Inasikaso ko ang dalawa at lumabas na kami, pag dating namin sa parking lot nanlaki ang mata ko sa nakita ko, bakit nandito ang sasakyan ni Tasha? Pinuntahan ko iyon at hindi naka lock at ang susi nakakabit pa doon. Doon na ako nag hinala na kinidnap sya, kaya agad kong inihatid ang dalawang bata sa nanay ni Tasha.

"Ano bang nangyari hijo? Kinakabahan ako eh, hindi pa ba bumabalik si Tasha?"

Hinila ko si ang mama ni Tasha sa gilid para walang makarinig samin.

"Ang totoo po niyan ay mukhang na kidnap si Tasha dahil nasa condo ko pa ang sasakyan niya, kanina ko lang napansin ng pumunta kami sa parking lot. Pero wag po kayong mag alala gagawin ko po ang lahat para mahanap si Tasha."

Nagulat sya sa sinabi ko at parang naluluha sya kaya inalo ko sya.

"Wag po kayong mag alala gagawin ko po ang lahat para makita sya."

Tumango sya at nag paalam na ako sa kanya, agad akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon para makabalik sa condo ko. Kailangan kong ipa review ang CCTV nila para makita ko kung anong nangyari kay Tasha. Pag dating na pag dating ko sa condo ko agad kong pinuntahan ang admin ng condo at pinayagan naman nila ako na ipareview ang CCTV.

"Anong oras ba syang bumaba ng parking lot?"

Tanong sakin.

"Around 5pm."

Nirewind nila ang CCTV at nakita ko si Tasha sa screen.

"Thats her."

At nakita namin sa CCTV na napahinto sya at ilang minuto lang ay gumalaw din sya at papunta sya sa kotse niya. At nanlaki ang mata ko ng may lumapit sa kanyang lalaki na naka bonet habang binubuksan niya ang sasakyan niya at hinampas sya sa ulo. Hindi ako makakurap dahil ayaw kong ma miss ang susunod. At ng nawalan na ng malay si Tasha binuhat niya ito at wala na kaming ibang nakita pa. Parang nanlambot ako sa nakita ko, tama nga ang hinala ko, kinidnap si Tasha, pero sino naman ang gagawa nun sa kanya? Wala naman syang kaaway or ano man. Or baka may naiingit sa kanya sa trabaho, kung ano anong pumapasok sa isip ko, parang masisiraan ako ng ulo.

"Hanggang doon lang sir eh."

Tumango ako at umalis, hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong dahil hindi ko alam kung sino ang may galit kay Tasha, wala akong idea kung saan sya dinala. Baka bukas makalawa bangkay ko na syang makita. Nasuntok ko ang pader kaya ang matandang dumaan sakin napasigaw dahil nagulat sa ginawa ko. Pumunta ako sa condo ko at umupo doon, tinawagan ko si Brandon para humingi ng tulong, maraming kapit yun sa mga pulis kaya sa kanya ako hihingi ng tulong, baka sakaling mapadaling hanapin si Tasha kung sakali.

"Dude, what's up? It's been a month since the last time you call me. How are you man?"

Sabi ni Brandon sa kabilang linya.

"I need your help Brand."

Sabi ko sa kanya.

"Oh, its seems that you had a big problem"

Huminga ako ng malalim.

"Yes i have, gusto ko sanang tulungan mo akong ipahanap sa mga pulis si Tasha."

"Tasha? Who's Ta... Oh yung babaeng lagi mong kinuwento sakin?"

"Yes."

"Oh i see, what happen to her?"

"May kumidnap sa kanya Brandon, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Wala akong kaide idea kahit isa kung nasaan sya ngayon."

Feeling ko parang iiyak na ako eh, never akong naging ganito, matagal ulit bago ko naramdaman ang ganitong pakiramdam, nung una yung namatay ang lolo at lola ko ngayon naman kay Tasha.

"Damn, anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto kong ipahanap mo sa mga kilala mong pulis si Tasha, alam kong madami kang kilala babayaran kita kahit magkano basta hanapin niyo lang si Tasha."

"Ok, sino naman ang gagawa sa kanya neto? May idea ka ba kung sino?"

Umiling ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Wala ka bang alam na may kaaway sya or may galit sa kanya?"

"Wala."

Narinig kong napa buntong hininga sya.

"Ok, i'll help you dude."

"Thanks"

At binaba ko na ang phone ko. Naipatong ko ang ulo ko sa palad ko, sino kaya ang may gawa nito? Anong gusto nila kay Tasha? Biglang nanlaki ang mata ko ng maisip ko si Abby, sya lang ang may galit kay Tasha, galit na galit sya ng malaman niyang may anak kami at nagsasama kaming dalawa. Bigla akong tumayo at lumabas ng condo, kailangan ko syang makausap ngayon. Ilang oras ang binyahe ko bago ako nakarating sa dating bahay namin, kinatok ko ng malakas ang pinto dahil walang sumasagot. Maya maya bumukas iyon at nakita kong naka kunot mukha niya.

"Ano na namang kai.."

Hindi ko na sya pinatapo dahil hinawakan ko sya sa balikat ng madiin at pinasok sa loob.

"Nasasaktan ako ano ba!!"

Sabi niya pero hinawakan ko pa sya ng madiin.

"Nasaan si Tasha?! Ikaw lang ang gagawa ng pag kidnap kay Tasha dahil malaki ang galit mo sa kanya!!"

Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya.

"Hoy!! Wag mo akong pinag bibintanggan sa ganyan! At wala akong kaalam alam sa sinasabi mo!! Hindi ko pag aaksayahan ng oras si Tasha! Bagay lang sa kanya yun dahil malandi sya! Sana bukas patay na sya p.."

Agad kong sinampal ng malakas si Abby, nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

"Magsalita ka pa ng against sa kanya hindi lang yan ang matitikman mo sakin! At pag nalaman kong may kinalaman dito sa pagkawala ni Tasha ako na mismo ang papatay sayo, wala akong pake kung makulong ako habang buhay ang importante nawala ka sa mundong ito."

Tinalikuran ko na sya at umalis, sinara ko ng malakas ang pinto at sumakay na ako ng sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang.

To be continued...

Omg!! Malapit ng matapos ang taon! Saba bago mag new year tapos ko na tong ginagawa ko para yung isang story naman ang gagawin ko :) excited na ba kayo sa christmas? Ako hindi pa!! T___T by the way please like my page on facebook:ilovemyself_0907 :) pwede niyo ako doon kausapin or magtanong :) enjoy reading!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 291K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
2.7M 157K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3M 96K 28
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
3.1M 70.1K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...