Quen Hades: The Mysterious Lo...

By ShyWriter07

1.4M 38.5K 2K

He grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nob... More

Prologue
MYSTERIOUS-1 TIME IS GOLD
Mysterious-2
Mysterious-3 Guwapong Ipis
MYSTERIOUS 4 - Dare
MYSTERIOUS 5 - First Kiss
MYSTERIOUS 6 - Soon
Of course not!
Stubborn
May sakit ba siya?
Na buang!
Ano to?
Gayuma
Lion's Lair
Langit
Reckless
Until Sunrise?
Scared
Lumagapak
Private
Akyat Baba
Pasok na pasok
Finger lickin' good
Baka Pwede Pa...
For the last time
Shhhhh
Who is that woman?
Mahal ko siya
Jenna and Ap
His Reason
Leaving
Concede
Ap and Jenna's Plan
The Story Behind
Their Identity
Face Off
Finding Ronchie
Finding Ronchie 2
Mga gwapong Anghel
Justice League
You're safe now
By Hook or by crook!
Panaginip
Shhhhhh 1
Shhhhh 2
Pusa
Demetrio
Positive
Quen The Mysterious Lover - 51
Quen The Mysterious Lover - 52
Quen The Mysterious Lover - 53
Quen The Mysterious Lover - 54
Quen The Mysteriou Lover - 55
Quen The Mysterious Lover 56
Quen The Mysterious Lover 57 - Shhhh
Epilogue

Two Solid Blows!

22.5K 667 76
By ShyWriter07

Paglabas nila Ap sa comfort room ay tatalilis na sana sila ni Jenna paalis ng Pegasus para hindi sila mapansin ni Quen. Ngunit napatda sila ng mahagip ng kanilang paningin ang babaeng naghahanap kanina sa pinsan nilang si Quen.

Parang may sariling isip ang kanilang mga paa at sinundan ito. Ilang dipa ang lang ang nilagay nilang distansya  para marinig nila Jenna ang pag uusap ng mga ito. Quen was preoccupied kaya malamang hindi sila mararamdam nito.

Napakunot ang noo ni Ap, Sinong Siya ba ang tinutukoy ng babae?

Tatahitahimik ang pinsan, playboy naman pala!  

Napabaling siya kay Jenna ng makaramdam siya ng kalabit mula dito. "That was me" bulong ni Jenna. Habang nakaturo sa sarili. 

Oo nga pala si Jenna ang nakakita sa kay Kuya Quen. Tsk! mukhang napagkamalan nitong may relasyon ang mga ito .

 Mga babae talaga minsan tamang hinala! 

"How can I love the daughter of the person who killed my parents?"  

Napanting ang kanyang pandinig ng marinig ang mga katagang yun mula sa pinsang si Quen. Hindi mapigilan ni Ap ang masaktan at maawa para sa babae. Alam niya kung gaano ito kasakit dahil pinagdaan din niya ito, sila ni Jenna. Hindi naman yata tamang saktan nito ng ganun ang babae. 

Their cousin needs to wake up!

Baka ito din ang magsisi sa huli. 

Kung ang pinsan niyang si Thor ay torpe, ito naman denial King. The way he kissed the woman a while ago was enough proof that he has something towards her.  

Tumulo ang masaganang luha sa mata ng babae. D*mn that bastard! Gusto na niyang tawagan ang Ina para bigyan ng leksyon ang pinsan but she tried her best stopped herself. Hindi tamang magpadalos dalos, it may worsen the situation. 

Nangati  ang kanyang kamao, gustong manapak ng denial king!

Pagkaalis na pagkaalis ng babae hindi na nakapagpigil si Ap sa inis kay Quen. 

Simbilis ng kidlat siyang lumapit sa pinsan at walang pasintabing inundayan ito ng suntok sa panga. Binigay niya lahat ng lakas niya para siguradong magising ang pinsan sa kabaliwan. "Hindi ka ganyan pinalaki nila Mama at Papa kuya!!!" Puno ng hinanakit na sungbat niya dito. "How dare you hurt that poor woman's feeling?" nag aapoy ang mga matang wika ni Ap sa pinsang si Quen. 

Nayanig ang mundo ni Quen ng may dumapong kamao sa kanyang mukha. Napasadsad siya sa mesa. D*mn that was a solid blow!  Maybe his senses are getting rusty! Ni hindi niya naramdaman ang paglapit ng kung sino mang poncho pilatong nanuntok sa kanya. 

He smiled acidly ng marinig ang boses ng sumuntok sa kanya. He deserved that punch right now!

Dahan dahan siyang nag angat ng mukha. He met two pairs of of eyes raging with anger. 

Tumayo siya  "Woaahhh.. you really know how to punch hard Ap!" pinahid ni Quen ang dugo sa gilid ng labi. "Don't meddle with my business girls" mahinahong hayag niya sa mga ito. Kahit alam niyang hindi siya papakinggan ng mga ito. Ipinaglihi ba naman ang dalawang ito sa tigas ng ulo. 

Jenna sarcastically smiled  "Then what? " She raised her brows  "Watch you ruin yourself kuya?"

He smile bitterly... Too late Storm I'm already ruined!

Ap hissed annoyingly "Let's go Jenna! There's no use talking to him right now! He needs to get his sanity back first!" mariing wika ni Ap

"Do you think another punch will do?" merong mapanganib at pilyang ngising naglalaro sa mga labi ni Jenna.

Ap smirked " Yes please!" inilahad niya ang kamay at yumukod para bigyang daan ang pinsan sa binabalak. 

Dahil masunurin, lumapit si Jenna sa pinsang si Quen at ngumiti ng nakakaloko "I'm sorry Kuya" Ngumiti ito ng matamis "We love you..." she uttered before she gave Quen a solid blow! Jenna shake her hands at sinenyasan nito si Ap na umalis na.

Tila walang nangyaring taas noong naglakad ang dalawang Babae palabas.

Samantalang si Macky ay halos pasukan ng langaw sa bibig sa pagkakaawang dahil sa nasaksihan. Maging ang mga staff niya sa counter ay tila naestatwa at hindi nakagalaw.

Pwede na silang sumali sa Mannequin challenge!

Nakakabilib ang mga babaeng yun! Alam niyang malupit ang mga pinsan ni Quen pero ngayon lang niya nasaksihan. Kitang kita mismo ng kanyang mapang akit na mga mata!

"You can close your mouth now" saad ni Quen ng mapansing nakanganga pa siya. Pinahid nito gamit ang likod ng palad ang dugo sa isang gilid ng mga labi kung saan ito huling nasuntok. Kung siya siguro ang nakatanggap tig isang suntok sa mga babaeng mala Pacquiao, malamang knock out na siya!

"Woah! Babae ba talaga ang mga yun pare?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan. "Dinaig pa nila si Manny Pacquiao sa lakas ng mga suntok. Sapul na sapul!"

"Wala pa yan... Baka magduda ka na sa kasarian mo kapag baril na ang hawak nila"

Tatlong beses na napalunok si Macky sa sinabi ng kaibigan. Baril? He knew how to use gun pero hindi pa niya mismo nasusubukang tao mismo ang target. Tumingin si Macky sa mga staff na bumalik na sa mga katinuan. Sinenyasan niyang lumapit ang bartender at humingi ng yelo dito.

"Oh ayan! Lagyan mo yang mukha mo, baka maging sing itim na yan ng duhat mamaya" iniabot niya kay Quen ang yelo.  

***

"Okay lang kaya si Kuya? Mukhang medyo napalakas ang suntok ko" nag-aalalang saad ni Jenna ng sumakay sila ng sasakyan.

Maging si Ap ay nag aalala sa pinsan. "Ice lang katapat nun" He received two solid blows coming from her and Jenna. Kaya malamang mamaga ang mukha nun maya maya.  "Where did she go?" aniya habang patingin tingin sa kanilang dinaraanan.

Kumunot ang noo ni Jenna "who?"

"Yung babae, we need to find her! She's not in the good state! Baka mapano siya. Kuya Quen will thank us in the end. Bayad natin sa panununtok sa kanya."

Nakalayo na sila ngunit hindi pa nila nakikita ang babae. "Are you sure she went this way? Baka sa kabila?" ani Jena habang sinusuyod ng paningin ang kaliwang bahagi ng daan. Siya naman ay sa kanan.

"Trust my instinct couz" sagot ni Ap na siyang nakahawak sa manibela.

"Ap look!"

Nandun nga ang babae habang nakaupo sa gilid at tila wala sa sarili. Dahil pinagseselosan nito si Jenna. Napagpasyahan nilang siya muna ang bumaba. May nabuong idea sa kanyang isip. Ap grinned naughtily. 

"Let's see cousin kung hanggang kelan ka magmamatigas" tukoy niya sa pinsang si Quen. 

***

"Miss okay ka lang?"

Pinahid ni Ronchie ang nag uunahang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng bar na iyon. Everything fades... Tanging ang sakit lang ang kanyang nararamdaman. The pain was excruciating... Nanunuot... Para siyang unti unting pinapatay.

"Miss?"

Bumalik siya sa katinuan ng marinig niya ulit ang boses.

"Are you hurt or something?"

Nag angat siya ng mukha, isang babaeng mukhang anghel ang kanyang natunghayan. Maganda at maamo ang bakas ng mukha nito. Kung may pakpak lang ito iisipin niyang patay na siya.

"Ok--ay la--ng ako" sa kabila ng namamaos na boses ay pinilit niyang sumagot sa babae.

"Madilim dito sa parteng ito Miss, baka mapaano ka pa. I can give you a ride"

Tsaka lang niya naisipang igala ang paningin sa paligid. Nasa parte siya ng daan kung saan malayo na sa mga kabahayan at puro puno ang nasa paligid. Sa pagkakatanda niya madami ang nare-rape sa parteng ito.

Paano siya nakarating dito? Hindi niya namalayang nakalayo na pala siya sa Pegasus. Basta  ang alam niya naglakad nalang siya ng naglakad.

Hinawakan siya ng babae sa braso at marahang hinila patayo. Kahit hindi pa siya pumapayag ay iginiya na siya nito papunta sa sasakyan.

"Trust me miss, hindi ako masamang tao" binuksan nito ang pinto ng kotse sa likod at inalalayan siyang umupo. Parang robot namang naging sunod sunuran si Ronchie dito.

Wala na siyang pakialam kung masama man ito oh hindi. Kung kasali ito sa mga sindikatong kumukuha ng lamang loob ng tao. Hihilingin pa niya na ang puso niya ang unahing tanggalin ng mga ito ng tumigil para tumigil na ang sakit.

Pagkasara ng pinto ay umikot ang babae papunta sa Driver's seat.

"Is she okay?"

Naulinigan niya ang isa pang boses ng babae. Saka lang niya napagtantong may kasama ito. Hindi na niya narinig ang sinagot ng babae.

Dahil muli na namang tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi ng maala si Quen. Kailangan niyang malaman sa tatay niya ang katotohanan.

***

Waaahhh! Nakakembot din sa wakas!

Taas ang kamay ng mga SMP!

Pasali ako hahaha

Thank you guys! dami niyong comment sa previous chaps ah!

Aylab it! Salamat sa pag iingay niyo! 

Mag ingay lang kayo ng mag ingay guys!

Shy__

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
251K 1.7K 6
[The Demon Series #1 - Silvathore] Ang magustuhan ba ng isang hindi tao ay nakakasama o nakabubuti? iyan ang umiikot sa utak ni Annora Valdez na nagu...
1.4M 47.2K 67
After the tragic accident of the parents of Nate Gabriel Salvatore, Don Clemente Sullivan has adopted Nate while living with his granddaughter Elise...