Chasing Hearts (DH 6 || Compl...

MsSongsari23 द्वारा

1M 25.7K 1.2K

Deleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng... अधिक

Clyde Telpace
Introduction
TEASER
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31
Kabanata 32.
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36.
Kabanata 37.
Kabanata 38
Kabanata 39.
Kabanata 40.
Kabanata 41.
Kabanata 42.
Kabanata 43.
Kabanata 44.
Kabanata 45.
Kabanata 46.
Kabanata 47.
Kabanata 48.
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 1

40.2K 606 42
MsSongsari23 द्वारा




"Go Clyde! Lakasan mo ang palo kundi, ako ang papalo sa'yo!" medyo nasamid pa ako sa lakas ng pagsigaw ko. Alam ko naman kasi na hindi niya tatamaan iyong bola tulad ng hindi niya tinamaan iyong dalawang nauna.

Pumalakpak pa ako nung maka-strike three na pero hindi pa rin niya tinamaan. Paano nga bang tatamaan ni Clyde iyong bola gayong hindi naman siya si Clyde?

"Woo! Uwian na! Talo!" sigaw ko pa bago sinalubong ang mga players ng baseball. Iyong iba ay masama ang tingin sa akin dahil masaya akong natalo sila at iyong iba naman, malamang sa malamang ay nagtataka kung bakit ako naroon.

Hindi ako madalas pumunta sa practice game ng baseball team ng school namin dahil bukod sa mainit na maalikabok pa at higit sa lahat, bakit ko papanoorin si Clyde? Minsan lang talaga akong manood,  kapag alam kong naroon si Dwight o di kaya naman ay si Dwight ang naglalaro bilang ang kakambal nitong si Clyde tulad na lang ngayon.

"Nice game!" tinapik ko pa ang braso ni Dwight na basang basa ng pawis. Pero kahit na ganoon ay mabango pa rin ito.

"Ba't nandito ka?"

Nginitian ko lang si Dwight na nauna ng naglakad palabas ng baseball field.

"Huwag mo akong sungitan at baka may makahalata sa'yo na hindi ikaw si Clyde." inabutan ko pa siya ng Gatorade bago siya pumasok sa locker nila.

Kahit baliw ako kay Dwight, hindi naman ako pabayang mag-aaral lalo na at hindi naman ako genius na tulad nung kambal na iyon kaya kailangan kong mag-sunog ng kilay sa pag-aaral kung gusto kong makapasa.

Malapit na ako sa classroom nung makasalubong ko si Clyde na tumatakbo. As in si Clyde. May dalang notebook at ballpen na naka-ipit sa polo nito at magulo ang buhok.

"Mahal! Ihahatid na kita sa klase mo."

Nakakapangilabot talaga ang mga lumalabas sa bibig ni Clyde. Kaya siguro kahit magugunaw na ang mundo at siya na lang ang natitirang available na lalaki ay hindi ko pa rin siya papatulan. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na papakasalan ko si Clyde at araw-araw kong maririnig ang ka-corny-han niya.

"Mahal your face! Ayusin mo nga iyang buhok mo. Hindi bagay sa'yo ang messy look dahil hindi naman ikaw si Dwight!"

Bahagya siyang yumuko sa harap ko while wearing his annoying smile. At para matapos na ang lahat, inayos ko na ang buhok niyang medyo kulot sabay tampal sa pisngi niya pagkatapos.

"Sarap mo talagang magmahal! The best!"

We're already eighteen and yet, ang childish-childish pa rin ni Clyde. Bagay lang talaga sa kaniya ang pangarap niyang maging Pediatrician. Iyong mga bata lang kasi ang ka-level ng ugali ni Clyde. Sa walong taon naming magkakilala, hindi ko pa siya nakitang nagseryoso.

Unlike Dwight na umibig, nasaktan, at nagmu-move on na.

Pagpasok ko sa room ay naupo ako sa pinakaharap. I adjusted my glasses and takes off my bullcap. Hinayaan ko lang na lumadlad ang lampas balikat kong buhok na kulay pula.

"Amber ko,"

Tinignan ko ng masama si Clyde na nakadungaw sa pinto at nakangisi.

"Ano na naman? Umalis ka na nga!"

"Tsk. Mami-miss mo rin ako. Sa akin ka rin babagsak, tandaan mo iyan!" At nag-flying kiss pa siya.

"Bwisit talaga." Bulong ko habang hinihimas ang braso ko. Feeling ko kinilabutan ako sa ginawang 'yon ni Clyde, e. Nakakainis talaga 'yung lalaki na 'yun.

Palabas na ko ng campus nung maka-receive ako ng text galing sa Kuya Kahel ko. Sunduin ko raw si Sunny sa school as if naman may sarili akong sasakyan. Kung minsan mahirap din na nag-iisa kang babae sa inyong magkakapatid. Tulad ko, kung ituring ako ni Kuya Kahel, akala mo lalaki rin ako. Nung isang beses nga nakipag-body-body sakin eh ang laki pa naman nung lalaki kaya ayun, sa sahig ako pinulot.

Nireplyan ko si Kuya Kahel. Baka mamaya isumbat na naman kasi nya sakin na siya ang nagbabayad ng plan ko tapos di ko man lang sya maitext.

To: Kuya Kahel

Ikaw na. Masama ang pakiramdam ko.

Send.

"LQ kayo ni Dwight?"

Binalingan ko ang isa sa mga usisera kong ka-klase. I almost rolled my eyes in front of her. Kung minsan, nakakainis na hindi nila ma-distinguish kahit man lang sa pag-uugali iyong kambal na Telpace. Obvious naman kasi na si Clyde ang kausap ko dahil never pa nagpa-cute kahit kanino si Dwight. Sa isang babae pa lang iyon nahibang tapos iniwan pa siya. Pati tuloy ako, apektado.

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway ni Dwight? Besides, that's Clyde." this time, hindi ko na itinago ang irap ko. Naiinis ako kapag nadidikit ang pangalan ko kay Clyde kahit pa sabihin na hindi naman iyon sinasadya.

"Are you sure? I saw his ID and --"

"Malamang nagkapalit lang sila ng ID." putol ko sa sinasabi niya. Mabuti nalang talaga at hindi na siya kumibo. Hindi naman kami close para chika-hin niya ako, e.

Hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga. Ilang buwan na kasing nagpapabaya sa pag-aaral si Dwight kaya kaming dalawa ni Clyde ang nag-e-effort para sa kanya kasi higit kanino man, kami ang nakakaalam kung bakit siya nagkakaganoon.

Madalas, ako iyong kumukuha ng mga notes para kay Dwight kahit na ang layo ng Management Department sa Nursing Department. Gusto ko kasi na sabay kaming ga-graduate. Alam ko rin na pangarap niyang maging physician balang araw. Nagkataon lang na kinailangan muna nilang kumukang ni Clyde ng Management para sa family business nila.

Si Clyde, masama naman ang ugali ng isang iyon kaya lahat ng dirty works, siya ang gumagawa para kay Dwight. Tulad nalang ngayon, Clyde skip his baseball training so he could act as Dwight and take the exam. Baseball is life pa naman para kay Clyde. Ang hindi ko lang alam ay kung paano nito napaglaro ng baseball ang kakambal instead of him.

"Bwisit!"

Padabog akong tumayo at basta nalang inilagay sa backpack ko ang mga gamit ko.

Kung minsan wala ring konsiderasyon iyong mga teacher, e. May long test kasi kami ngayon kaya halos madaling-araw na akong natulog dahil sa pag-rereview tapos biglang sasabihin na hindi tuloy ang long test at hindi nakapasok iyong teacher nyo. Tapos iyong mga kaklase mo na ang sarap ng tulog kagabi at babagsak sana ngayon sa test ay magkakaroon ng chance para makapag-review.

Paglabas ko palang ng classroom, sinalubong na ako ng mga dambuhalang tao from basketball team. Hindi ako mayabang at mahangin pero alam ko na maganda ako at sexy na kahit yata hindi ako maligo ng isang linggo ay hindi mababawasan ang manliligaw sa akin pero kasi, hindi ko naman gusto ang mga ito. Sino bang babae ang may gusto na maraming nangungulit sa kaniya?

"Hi babe!"

I rolled my eyes. "Baxter, nagmamadali ako so let me through."

"Then, dinner later?" nakangiti niyang tanong.

Si Baxter Enriquez ang captain ng basketball team. You can perfectly describe him as the tall, dark and handsome man dahil iyon naman ang totoo. Pantay iyong pagiging moreno niya at talaga namang gwapo sa tunay na kahulugan ng salita. It's just that, he's not my type.

"May dinner date kami ng boyfriend ko." I said as I tried to escape from them pero nakapalibot silang lima sa akin. Nakakainis! Mangungulit lang magsasama pa.

"Everyone knows that you and Dwight isn't in a relationship with you dahil kamamatay lang ng tunay niyang girlfriend. So, si Dwight ba talaga o si Clyde?"

"Wala akong oras para sa'yo, Baxter kaya pwede ba? Lubayan mo ako!" I pushed him and run away. Pupuntahan ko pa si Dwight.

Pagtuntong na pagtuntong ko palang sa eskwelahang iyon, ipinangalandakan ko na sa lahat na boyfriend ko si Dwight. That was last year. Pero ilang buwan lang ang nakakalipas, his real girlfriend past away.

I got hurt, too. Since I was ten, si Dwight na iyong crush ko. Ayoko kasi na madaldal at playful na tulad ni Clyde. Hindi nagbago iyong nararamdaman ko kahit noong mag-college na kami. We're close. Actually, close kaming tatlo nila Dwight at Clyde. Mas gusto ko lang talaga si Dwight. Tapos pagtuntong namin ng college, bigla nalang nagkaroon ng Clarisse sa buhay ni Dwight and all of a sudden, they became the epitome of a relationship.

But good thing never last.

Dwight's an idiot and now, he's ruining his life dahil sa pagkakamali na kahit kailan ay hindi na niya maitatama.

Tatlong beses na naming inilalabas ng kulungan si Dwight dahil sa pakikipag-away. Magba-bar tapos maghahamon ng suntukan sa kapwa lasing kaya ayun, sa kulungan namin pinupulot ni Clyde si Dwight. Their parents didn't know that but their older brother, Axel, knows everything. Parang tatay na rin kasi nila si Kuya Axel. Ewan ko nga kung paanong natatagalan noon 'yung mga pasaway na kapatid. Lalo na si Dwight at Clyde na parehong sungayan.

May pagkakataon pa na nabangga si Dwight. Mabuti nalang at iyong kotse lang ang napingasan at hindi siya. Galit na galit noon si Clyde dahil kotse niya iyong ibinangga kaya ako naman ang nagbubunganga noon kay Clyde. Bwisit kasi, mas inalala pa 'yung sasakyan kaysa sa kapatid.

"Dwight!" hinihingal pa ako ng makarating ako sa classroom nila.

"It's you again." anang prof. nila.

"Sorry, Sir. Nariyan po ba si Dwight?" sumilip ako sa room nila and saw Clyde pointing to someone. Si Dwight, nasa tabi ng bintana at natutulog. Napangiti nalang ako at saka humingi ng paumanhin dahil naistorbo ko na naman iyong klase nila.

Wala akong kotse. Hindi kasi ako pinagkakatiwalaang mag-drive nila Kuya Kahel kaya parati akong sumasabay sa kambal. Wala naman silang angal dahil sanay na rin sila sa akin. We've been together for eight years already kaya siguro ganoon. There are times pa nga na sa kanila ako nakikitulog kapag wala akong kasama sa bahay. Day off kaasi ng mga kasambahay namin pag sabado at linggo at kami nila Kuya Kahel at Sunny ang gumagawa ng gawaing bahay pero kapag wala sila, kila Dwight ako nag-i-stay.

"Let's go!"

Agad kong tinanggal iyong kamay ni Clyde sa balikat ko. "Nasaan si Dwight? Sa kaniya ako sasabay umuwi."

"You never failed to break my heart, Amber."

Hinawakan pa niya iyong dibdib niya at saka umarte na parang nasasaktan.

"Mukha kang tanga, Clyde. Nasaan na nga si Dwight? Baka kung saan na naman pumunta iyon."

Kinuha ni Clyde iyong mga dala ko. Hinayaan ko lang siya habang papunta kami sa parking lot ng school. Ganyan naman silang magkapatid, dakilang taga-dala ko ng gamit.

"I asked him to pick Eunice up from her piano lesson. That way, he can't get drunk then drive unless he wanted to kill his favorite sister."

Hindi nalang ako kumibo. May point naman si Clyde. Kapag kasi ako ang kasabay ni Dwight, ako ang nagmamaneho pauwi dahil sa bar kami dumidiretso. Oo, kinukunsinti ko ang drama ni Dwight hindi dahil sa martyr ako kundi dahil gusto ko ng matapos iyong sakit na nararamdaman niya na nailalabas niya lang kapag nakainom siya. Nawala kasi bigla iyong maloko na Dwight na kilala ko at napalitan iyon ng tahimik at mas masungit na Dwight.

"Thanks." tuloy-tuloy na akong bumaba at pumasok sa gate namin.

Magkatabi lang naman ang mga bahay namin. Bakod lang ang pagitan kaya okay lang sa kambal na isabay ako lalo na at halos pareho naman kami ng schedule ng pasok at uwian sa school.

"Amber,"

Nilingon ko si Clyde na nakatayo sa tapat ng gate namin. His both hands on his pocket, maayos ang buhok, parang hindi marunong pawisan at maayos pa ang pagkaka-tuck ng polo sa slacks. He's so neat.

"O?"

"Stop checking on Dwight. Stop looking after him. Matanda na iyon. He's not your responsibility so just stop, please?"

"I don't care." tinignan ko ng mataman si Clyde. He's looking at me too and his eyes were piercing into mine na para bang gusto akong lunurin. "And you know that I can't stop unless he ask me to stop." I quoted the word 'he'. "Pero imposible rin iyong mangyari because he's not taking me seriously." masakit man ay iyon ang totoo. Dwight never take my feelings seriously.

"That's the point, Amber. He will never take you seriously no matter what you do. He's still in-love with someone else. At wala kang kalaban laban dahil patay na iyong kalaban mo sa puso niya. Amber, just stop. Hindi ka kayang mahalin ni Dwight."

Hindi ko alam kung hindi ko lang ba kaagad naintindihan iyong sinabi ni Clyde dahil nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa ng ilang minuto bago ako tumalikod sa kaniya pero nakaka-tatlong hakbang pa lang ako nang humarap ulit ako kay Clyde.

"Hindi rin kita kayang mahalin, Clyde." sabi ko sa kaniya bago mabilis na naglakad papasok sa bahay.

He just slapped me with the truth and I just did the same. Patas lang kami kaya hindi ko kailangang ma-guilty sa nakita kong sakit na bumalatay sa mukha niya.

"You're such a jerk, Clyde."

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

101K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...
243K 5.8K 34
What if the man lying next to you is not the man you married last night?
1.6M 37.8K 49
DH Series #4: STILL YOU "I lost you for seven long years but I'm willing to give you...