Chapter Nineteen
Lienne's POV
"Sana nga ikaw na lang.." ako
Hindi pa rin ako tumitigil sa kakaiyak. Ang sakit eh. Ang sakit-sakit! Syet lang. Nang dahil lang sa lalake, nagkakaganito 'ko? Ang weak ko ba? Ganto ata talaga magmahal eh.
Sabi ni Mommy, matuto daw akong maghintay, pero parang hindi ko na kayang maghintay. Kailangan ko na ba siyang i-let go? Awwwwts! Di ko yata kaya. FIRST LOVE, FIRST HEARTBREAK. </3
Sabi nga ni Senator Miriam, ang love parang pamasahe sa jeep, minsan hindi nasusuklian.
Buti na lang, may Andrei. Ba't nga ba hindi na lang siya?
Tssk! Nahihilo na 'ko kakaiyak. Kagabi pa to eh.
"Are you done?" Andrei
Anak ng tokneneng na lalake 'to! Nakuha pang tanungin kung tapos na kong magdrama!
"Yeah." matamlay kong sagot.
"Namumugto yang mga mata mo. Paano ka papasok?" Andrei
"Maghihilamos na lang ako pagdating ng school." ako
"Eh paano yung booth niyo? Diba photobooth yun?" Andrei
"Yamuna, photographer lang ako." ako
"Buti naman." Andrei
*toot*toot*
---
One message recieved.
From: Francis
Punta ka na dto.
---
"Hinahanap na nila tayo." ako
"Tara na .." Andrei
"Eh? May dala kong sasakyan." ako
"Hayaan mo siya jan. Balikan nalang naten." Andrei
"Baka mawala." ako
"Tss! Nega. Hindi yan." Andrei
"Sige na nga." ako
Sumakay na kami ng kotse niya at pumunta na sa university.
Haharapin ko na naman SiYA. :'|
End of Lienne's POV
Jaycee's POV
Nasa school na kame, sina Lienne at Andrei na lang ang kulang. Asan kaya yung babae na yun?
(Namimiss mo si Lienne noh?) -isip.
Ako? Namimiss ko ba siya?
Honestly,
OO. Sobrang miss ko na siya.
Nung nag-guest kami sa show nung isang araw, hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya yun e. Ayaw ko lang siyang masaktan.
(Pero anong ginawa mo? Pinaiyak mo nga siya e.) -isip.
Yeah. It's my fault. Hindi ko alam pero, parang ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Parang.. parang nasasaktan din ako pag umiiyak siya.
Love na ba 'to?
Nung mga oras na niyakap ulit ako ni Aeriel, parang may nawala.
Parang meron akong hindi nararamdaman.
Pero nung si Lienne ang niyakap ko noon,
Sa kanya..
Sa kanya ko naramdaman yung pakiramdam na hinahanap ko.
Alam niyo ba yung feeling na, parang may karera ng kabayo sa dibdib niyo?
Kumbaga sa English lesson, yung 'Butterflies in my stomach.'
Ganun, ganun yung nararamdaman ko kay Lienne ngayon..
There. Dumating na sina Andrei. Ba't nakashades si Lienne?
"H-hello? H-he-he." Andrei
Nakatitig lang kami sa kanila.
"Ahmm, excuse me. Pupunta lang ako sa cr." Lienne
"Samahan na kita?" sabay naming sabi ni Andrei.
"Ah. Eh. W-wag n-na." Lienne
Biglang hinila ni Aeriel yung braso ko palapit sa kanya..
"Oo nga. Wag na. Kaya na niya mag-isa. Diba Lienne?" Aeriel
Tumango naman siya.
Ano bang problema ni Aeriel? Nakakainis ah.
Umalis na siya. Nung dinaanan niya ko, parang mugto yung mata niya?
Umiyak na naman ba siya?
Dahil na naman ba sa akin?
Sabi ko noon, lalayuan ko muna siya.
Pero bakit ngayon, parang hindi ko kaya..
Mahal ko na ata siya?
End of Jaycee's POV
Lienne's POV
"Samahan na kita?" sabay na sabi nina Andrei at Jaycee.
"Ah. Eh. W-wag n-na." ako
Biglang hinila ni Aeriel yung braso ni Jaycee.
"Oo nga. Wag na. Kaya na niya mag-isa. Diba Lienne?" Aeriel
Tumango na lang ako.
Ano bang gusto ni Jaycee?
Kung kailan naman gusto ko nang lumayo sa kanya tsaka siya gumaganyan?
Ohmy!
Di ko na alam gagawin ko.
Errr! How? How?
Kung umakyat na lang kaya ako ng Mt. Apo at hintayin ko na lang na mamatay ako dun?
Eh kung pumunta na lang kaya ako sa Jeju Island, isasama ko pa si Yong Hwa para makalimutan si Jaycee?
Hanubayan? Nababaliw na ata ako?
*Turn me on*
Tiffany Calling ...
"Hello?"
(Tapos ka nang mag-cr?)
"Ah, oo. Bakit?"
(Sunod ka na lang sa booth ng engineering. Papunta na kami dun.)
"Sige. Ba--"
(Ay nga pala.. Nag-cr din si Jaycee, kung gusto mo sabay na kayo pumunta dito.)
"Ha? Eh wag na. Sige, papunta na ko jan. Bye."
-End of Call-
Ako? Ayoko ngang makisabay dun. Tss!
Inayos ko na yung gamit ko tapos, lumabas na rin ako ng cr.
Hindi pa man ako nakakalayo, nang may sumabay sa akin sa paglalakad.
Si Jaycee.
"Uhmm, Lienne, ano kasi eh.. ah.. ano.."
Ano bang gustong sabihin nito?
"Uhmm, sorry. Sorry dun sa nasabi ko sa'yo."
Hindi pa rin ako sumasagot. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Okay lang kahit hindi mo ko mapatawad.."
Tuloy-tuloy pa rin ako.
"Ano, ahh, mamayang 1 pm, may mini concert daw. Tayo daw ang kakanta."
"Oka-- WHAT? Tayo?"
"Oo."
"Uhmm ano, kayo nalang ni Aeriel. Medyo malat kase yung boses ko ngayon. Baka nga umuwi na lang ako e."
"Uuwi ka?"
"Oo."
"Bakit?"
"Hindi maganda pakiramdam ko."
"Iniiwasan mo ba ko?"
Wow lang! Ba't kung umasta siya parang wala lang yung sinabi niya.
Hindi ko na siya sinagot. Dumiretso lang ako sa paglalakad.
"Lienne, tsk. See, I didn't mean to--"
Tuloy lang din siya sa paghabol.
"You didn't mean to? Sorry ha. Di ko alam na di mo pala sinasadya, umiyak tuloy ako. Nag-mukha tuloy akong baliw, krung-krung, eng-eng at tanga.. Buti pa, lumayo ka muna at lalayo din ako. Para wala nang umiyak okay? Gagawin ko nang bato 'tong puso ko.. Bye." ako
Sarcastic diba?
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay hinila niya ang kamay ko at,
.
.
.
.
.
>///<
Hindi ko pa nga napapatigas tong puso ko, napalambot na niya agad.
(A/N: HAHAHAHA! Ano na bang nangyayari sa story ko? XDD)
VOTE.COMMENTS. <3