Dare to Forget Her and Fall In Love With Me - Chapter Eighteen

580 11 3
                                    

[Dedicated to ButterflyDolphin (Noralyn) HAHAHAHA! Sya kase nagturo sa akin mag-wattpad. Yan tuloy, na-adik ako.. HAHAHAHA! Joke.. XDD)

Chapter Eighteen

Lienne's POV

"Lienne, tell me, mahal mo ba 'ko?" tanong ni Jaycee sa akin habang naglalakad kame sa seaside.

"Oo. Mahal na mahal, yun nga lang hindi mo man lang maramdaman." sagot ko naman.

"Nung una, hindi ko talaga maramdaman kase akala ko, magiging kayo na ni Andrei. Pero ngayon, alam ko na, I'm so sure about my feelings." Jaycee

Huminto kami sa paglalakad at umupo sa buhangin habang pinapanood ang mga alon sa dagat.

"W-what do you mean?" ako

"Mahal din kita Lienne, will you be my girlfriend?" Jaycee

Feeling ko na-freeze na ako sa kina-uupuan ko. Hindi ko alam ang isasagot ko hanggang sa unti-unti nang lumalabo ang mga nakikita ko..

--

*Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*

Awww. What a weird dream?

Pati ba naman sa panaginip nakikita ko pa rin siya.

Errr! Just nevermind. It's just a dream. Kaya nga dream e. Malabong mangyare..

Sabi nga ni Andy Warhol, Fantasy love is much better than reality love.

Sana, nasa fantasy na lang ako.

Ayy! I have to get ready na. Today is February 14.

Yeah right. It's Valentine's day.

First time na magcecelebrate ako ng Valentine's Day na broken-hearted.

:'(

[SCHOOL]

9am palang dapat nandito na kame sabi ni Tiffany, mamaya kasing 1pm bubuksan na yung booth, e kami pa naman yung kailangan dun.. Nagprisinta na nga lang akong photographer e. Tutal naman, I love photography.. Sana pala yun nalang kinuha kong course ano? HAHAHA! Chos! Pampawala lang ng sugat sa puso. Andrama ko.. Di bagay!

"Uy Lienne, kanina ka pa?"

Nakita kong papalapit si Francis sa akin.

"Ha?" ako

"Sabi ko, kanina ka pa ba jan?" Francis

"Hindi naman. Kararating ko lang rin." ako

"Mukhang problemado ka ah?" Francis

"Wala akong date eh." ako

"HAHAHA! Wag kang mag-alala, mamaya meron na." Francis

"Ano?" ako

‘Anu daw sabe? Mamaya meron na. Ano na namang trip ng mga to?’

"Wala. Kailan ka pa naging binge?" Francis

"Simula nung minahal ko siya." ako

"Minahal mo? Sino?" Francis

"Yung taong hindi ko alam kung manhid ba o sadyang may pusong bato lang. Yung taong mahal na mahal ko pero may mahal namang iba.." ako

Napansin ko na lang na may tumulong luha sa hawak kong DSLR. Umiiyak na naman ako, dahil sa kanya.

"Oh? Ba't ka umiiyak? Hindi naman kita inaano eh." Francis

Pinunasan ko lang yung luha ko at umalis doon.

"Text niyo na lang ako." ako

Ayoko muna dun. Lalo akong nasasaktan, lalo na pag naaalala ko yung pagkukulitan namin.

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now