Dare to Forget Her and Fall In Love With Me [EPILOGUE]

550 8 3
                                    

EPILOGUE

Walang perpektong love story.

Lahat may pagsubok.

At lahat ng pag-subok na iyon ay kailangan mong pag-daanan.

Minsan, yung ibang mga problema hindi natin alam kung parusa ba iyon o ano? Basta ang alam ko, ang buhay natin ay parang examination lang. Minsan, mababa minsan mataas. Minsan naman bagsak. Pero gumagawa pa rin tayo ng paraan para tumaas yun.

Sobrang dami nang nangyari mula nang mawala siya. Akala ko hindi ko kakayanin pero, para sa kanya kinakaya ko. Mahal ko kasi sya eh. Mahal na mahal.

“Jaycee, tara sa beach bro! Summer na summer nag-mumukmok ka dyan!” –Andrei

“Sige, tara! Mukmok sinasabi mo dyan?”

Sira talaga tong si Andrei. Akala siguro hindi ko pa tanggap ang mga nangyare. Oo, tanggap ko na. Sabi nga nila, acceptance ang kailangan hindi move on.

Si Andrei, sila na ni Ashley. Sino ba namang mag-aakala na sila rin pala sa huli? Aso’t pusa nag-sama? Isang malaking WOW. Iba talaga nagagawa ng love. It makes impossible things possible ;)

“HAHAHAHA! Nag-hahanap lng ng mapag-lilibangan yang si Andrei pano kasi away na naman sila ni Ashley.” –Francis

Yun nga lang ang problema sa kanila. Lagi silang nag-aaway -.-”

Si Francis naman, nagbabalak na rin silang ikasal ni Tiffanybeybs niya. Etong dalawa naman nato, sobrang selfish. Kasi kahit sino pinagseselosan nila. Kahit alam nilang hindi naman dapat. Ganun naman sa love diba? Kahit na alam nilang hindi naman dapat, hindi naman mapipigilan yun. Kasi takot silang maagawan sila. Pero atleast dun nila malalaman na mahal talaga nila ang isa’t-isa.

“Nag-away na naman kayo? Grabe naman, gayahin niyo kasi kami ni Zairah laging uuh you know, magkabati.” –Rej

Eto wagas kung magmahalan, sina Rej at Zairah. PDA kung PDA. HAHAHA XD justkidding. May anak na kasi sila kaya ganyan. Children are gifts from God. Nung wala pa silang baby nakuu sobra rin sila kung mag-away. Sabi nga nila, mga bata ang nagiging daan para mag-bago ang dalawang mag-asawa.

“Mga luko talaga kayo. Tatanda niyo na hindi pa rin kayo nagbabago.” –Aeriel

“Sila yun. Ako nagbago na. HAHAHA!”

“Naku Jaycee. Manahimik ka nga jan. Ayaw ni Lienne ng sinungaling.” –Tiffany

Natahimik ang lahat.

“Uhh so-sorry.” –Tiff

“No—Okay lang. Grown up na ko nuh.”

“HAHAHA! Yun naman pala eh. Sama kami sa beach ahh?” –Ashley

“Anu pang hinihintay niyo edi tara na!” –Rej

Aminin ko man at sa hindi, naiinggit ako sa kanila. HAHAHA! Pero hindi naman dapat kasi siguro plano to ng Diyos para sa akin.

DARE TO FORGET HER AND FALL IN LOVE WITH ME now signing off.

(A/N: Byee~~~ lovelots!)

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now