Dare to Forget Her and Fall In Love With Me - Chapter 34

407 7 0
                                    

Chapter 34

Ashley's POV

Pansin ko lang, parang may mali?

Parang selos na selos si Andrei kina Lienne at Jaycee?

Sabi ko na nga ba't broken-hearted to eh.

Nasolve ko sarili kong tanong. Hahaha.

Nasa sasakyan na kami ngayon pabalik ng Manila. Sa Tagaytay na kami nag-overnight late na rin kase natapos yung party kagabi kaya sabi ni Ate Shey dun na daw kame matulog.

"Ahmm, ano kase, ah A-Andrei, pwede bang magtanong?"

"Ano pa ba sa tingin mo yang ginagawa mo?" Andrei

"Tsk. Ansungit." sabi ko, pero pabulong lng. Mahirap na, baka pababain ako nito.

"Anu kamo?" Andrei

"Ah ano hehe wala."

"Wala naman palang itatanong eh. Matulog ka na lang jan. Medyo malayo pa." Andrei

"Kagigising ko lang kanina tas patutulugin mu na naman ako?"

"Kesa naman mangulit ka?" Andrei

"Ahh hehe. Alam ko na, magkwentuhan na lang tayo. Ako mag-iisip ng topic. Pero, okay lang kung serious yung topic naten?"

"Serious?" Andrei sabay tingin sa aken.

"Yup!"

"Like what?" Andrei

"Hmmm. Lovelife?"

*screeeeetch*

Aww. Bigla niyang pinreno.

Muntik na kame. Tsk!

"Ah hehe. Okay lang kung ayaw mo. Ib--"

"No. Okay lang. Sa tingin ko, kailangan ko na ng masasabihan ng mga nararamdaman ko." Andrei

Biglang naging serious yung expression niya.

"Ah sige. Pwede ako. Pwede mo kong sabihan."

Sandaling katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"May mahal ako. Pero wala akong nagawa. Hindi ko man lang nasabi sa kanyang mahal ko siya hanggang sa naging huli na ang lahat." Andrei

"Huli ang lahat?"

"Oo. Kung kelan dapat liligawan ko na siya, saka dumating yung mamahalin niya. At yung taong yun, mahal rin siya kaya ayun. Sila na." Andrei

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman, nakatingin sa daan.

"Ang hirap nga eh. Ayokong maging bitter. Nang dahil sa pagiging torpe ko, napariwara ang lovelife ko. Hahaha. Tsktsk." Andrei

Napailing nalang siya.

"Ikaw? Lovelife mo?" Andrei

"Ewan ko. Hahaha. Hindi ko alam nararamdaman ko eh. Paanu ba malalaman pag mahal mo na ang isang tao?"

"Bakit ako ang tatanungin mo? Find it with yourself. Mas maganda kung ikaw mismo ang makakadiskubre kung inlove ka or crush lang. Try to explore. Magsearch ka sa google. Hahaha." Andrei

"Wew. Thanks."

Hahaha. Matino rin pala kausap to minsan?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N: After 898786 years ! Nkapag-update na ren . hahaha ^^ )

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now