Dare to Forget Her and Fall In Love With Me - Chapter 45

354 5 0
                                    

Chapter 45

Jaycee’s POV

Three months had passed. Ramdam ko pa rin yung sakit. Nahihirapan akong tanggapin ang mga nangyari. Bumangon ako sa kama at naligo. Naalala ko yung USB na ibinigay ni Tita. Anu kayang laman nun?

Sinaksak ko sa laptop yung USB. In-open ko, wala namang naka-lagay dun kundi yung mga files na inaayos nya sa company nila.. pero.. may isang folder na umagaw ng atensyon ko. Ang Folder na may title na “He’s my life.” Puro pictures naming dalawa yung nandun pero.. may isang video presentation akong nakita.. Pinlay ko yun.

Nag-flash sa screen si Lienne. Masaya sya dun sa video kumakaway siya at nag-umpisa nang mag-salita..

“Hi Jaycee kong mahal.. Hmm, pinrepare ko to para i-surprise ang pag-dating mo. Ito yung kinabi-busyhan ko kaya hindi kita nasundo that day. Hahaha. So.. eto, nakikita mo ba yung lugar na ‘to?”

Nagpakita sa screen yung mall kung saan kami nag-kabanggaan.

“Dito tayo unang nag-kita. Feeling ko nga nun, na-love at first sight ako sayo! Chos. Tapos eto..”

Nag-flash yung Royal Tern University. Yung canteen, yung rooftop, yung gym, yung classroom.

“Dito yata nangyari ang lahat sa atin. Sa rooftop kung saan nag-umpisa ang lahat. Yung kalokohang naisip ni Tiffany. Yung Dare to Love Me Game, dahil doon kung bakit tayo naging close! Itong eskwelahan na to ang nakasaksi ng lahat sa atin.. Mula sa pag-aaway hanggang sa pag-lalambingan. Tapos ditoo..”

Nagpunta sya dun sa may stage..

“Dito ka pa nga nun kumanta diba? Vanilla Twilight pa nga yung kinanta mo kun eh. Favorite natin pareho.”

Biglang naiba yung lugar dun sa video, napunta dun sa may ospital.

“Remember? After kong maaksidente, dito sa kwartong to tayo nag-kabati. Napag-tripan ka pa nga namin nun eh, sabi ko hindi kita kilala. Hahahahaha! Nakakatawa yung itsura mo nun.”

Ang saya niya. Tumulo na naman yung luha ko. Sayang lang at hindi ko na ulit maririnig yung tawa niyang yun. May nag-flash na century tuna. Nangiti naman ako nung maalala ko yung mga panahong yun.

“Hoy Jaycee! remember this tuna thingy? Hahahaha! Ang corny mo nun pero honestly.. kinikilig ako. Yieee. Tinatamad na kong mag-video sa sarili ko. Hahaha. Mabuti pa, kekwentuhan na lang kita.”

Nilapag niya yung camera sa harap niya tas umupo sya sa may upuan para sya yung makuhanan.

“Naalala mo ba nung nag-rereview tayo para sa finals naten? Nanghihingi ka pa nun ng kiss pero hindi kita binigyan. Tas nung graduation natin! Ikikiss sana kita kaso.. nag-papila na yung emcee. Hahahaha! Tapos nung nag-Tagaytay tayo. Naiinis talaga ako sayo nun eh. Nag-seselos kaya ako kay Zairah nun. Tama na nga ang pagrereminisce…”

Huminga muna sya ng malalim bago nag-salita ulit.

“Isa lang naman ang gusto kong sabihin sayo, I love you infinity. Mahal kita kahit na lagi mo akong binabara. Mahal kita kahit ano pang maging itsura o ugali mo. Mahal na mahal na mahal kita. Alam ko someday, mawawala rin ako. Pero sana.. kahit ganun wag kang malungkot ha? Kasi alam kong one day, mag-kakasama rin tayo.. I love you. I love you. Namiss kita! Muwah! Hindi ako mamamatay don’t worry, pakakasalan pa kaya kita. Hahahaha! Lagi lang akong nasa tabi mo kahit san ka man mag-punta, I’ll be your guide. Osya, tama na nga tong ka-dramahan ko. Ang arte ko eh hindi na naman na ako artista! Hahahaha! Bye~!”

Nag-wave sya tas tuluyan na ngang nag-end yung video.

Ang again, umiiyak na naman ako.

“Lienne!! Sinungaling ka. Sabi mo pakakasalan mo pa ko! I love you too. Alam kong mag-kikita pa tayo.. I’ll be strong para sayo.. Itutuloy ko ang buhay ko para sayo. Mag-kikita pa tayo, balang-araw.”

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now