Deliverance (DS #1)

By FGirlWriter

4.9M 161K 20.3K

The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Alessandro's Deliverance

Chapter 17

84K 2.7K 194
By FGirlWriter

Chapter 17: The Devil Once More

PAGKALAPAG pa lang ng eroplano sa airport ay walang inaksayang oras si Patricia. Mabilis niyang nakuha ang nag-iisang maleta at dumaan sa immigration office. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng airport.

Agad siyang sinalubong ng family driver nila.

"Diretso na po tayo sa ospital. Gusto ko po sanang makita na sina Daddy," utos niya sa driver na agad nitong tinanguan.

But thanks to Manila's traffic, dalawang oras pa bago siya tuluyang nakarating sa ospital.

"Daddy..." tawag niya sa ama pagkapasok niya pa lang ng kuwarto nito.

Agad itong lumingon at napangiti nang makita siya. "You're home, hija." Ibinuka nito ang mga braso kahit pa naka-suwero ang isang kamay.

May nakasuportang oxygen rito at wala na sa tamang hubog ang pangangatawan ng ama. Patricia swallowed the lump on her throat.

Nangilid ang mga luhang sinugod niya ito ng yakap. "I m-missed you, Dad..." she whispered, her voice broke.

"I missed you too, hija." Hinalikan siya nito sa noo. "Kumusta ka na?"

"Patricia?"

Agad siyang napalingon at napangiti nang makita ang ina. "Mommy..."

"Oh, my baby... you're home!" Sabik siya nitong niyakap nang mahigpit.

Nakulong siya sa pagitan ng mga magulang... just like when she was a kid. "I missed you both! Dapat pala ay noon pa 'ko umuwi mula nang sinabi niyong may sakit si Daddy."

Hinaplos ng ina ang kanyang pisngi. Tinitigan niya itong mabuti. Her mother aged so fast. Limang taon lang ang nakalipas ngunit tila dumoble ang edad nito.

"How are you, hija?"

"I'm okay, Mommy. Kayo ang kumusta?" Hinawakan niya ang kamay ng Mommy at Daddy niya. "What's the findings about Daddy's health? What will we do about the company?"

Hindi naman sila maghihirap. Both of her parents have enough personal wealth to sustain many lifetimes. But the company is another story. Hindi na daw umiikot ang pera at hindi maganda sa negosyo kung ilalagay nila ang personal na pera upang muling makatayo ang kompanya.

"Siguro ay ibebenta na lang ang kompanya, hija," sumusukong sabi ng ama. "Investors are pulling out one by one. Nagsisialisan na rin ang mga tao. Maybe, it's time to close it--"

"Pero, Dad, pinaghirapan mong itaguyod ang kompanya. Pabagsak na rin iyon noon nang ipasa sa'yo ni Lolo pero nagawa mong iangat."

He weakly smiled. "Those were the days, hija. Iba na ang panahon ngayon. Mas maganda kung ibebenta na lang natin upang mapakinabangan pa ng iba kaysa tuluyang bumagsak."

Matigas siyang umiling. "I'll try to take over," matapang niyang sabi. Tutal ay iyon naman ang gusto ng Mommy niyang gawin niya. Kaya nga siya biglang napauwi.

Tila nagulat ang Daddy niya. "A-Are you sure, hija? Napakarami nang problema ng kompanya. Sasakit lang ang ulo mo..." Napabuntong-hininga ito. "Maybe it will be best if we'll sell it to the YDS."

"Alonzo!" saway ng Mommy niya. Nagulat si Patricia dahil sa galit na nakaringgan niya sa tono nito. "Hindi mo ibebenta ang kompanya sa YDS! Nababaliw ka na ba?"

Napapikit ang Daddy niya. "Paulina, whether we like it or not, Alessandro Delos Santos can make a losing company rise up again."

Napayuko si Patricia. She knows YDS. Iyon ang bagong kompanya na si Sandro ang nagtaguyod. Hindi galing sa mga Octavio kundi sariling kompanya nito. Na sa nakalipas lang ng tatlong taon ay agad nang nakilala dahil sa pagbili ng mga dating sikat na kompanyang nalugi na. YDS restores it and its empire will grow wider.

Ang mga biniling kompanya ay mananatili ang pangalan ngunit kasama na sa YDS Group of companies at ang YDS lang ang may karapatang magmanipula sa mga nangyayaring operations.

Noah Alessandro Delos Santos is now thirty-one years old. President and CEO, and Chairman of the board of YDS Group of Companies. Mostly, ang mga paluging investment company at rural banks ang binibili ng mga ito. Ngunit nang mas umangat pa ang YDS, ang mga kompanya na ang lumalapit upang magbenta sa mga ito.

He made it to the top after what happened five years ago.

"Hindi, Alonzo! Kung ibebenta mo ang kompanya ay sa iba na lang! The Sta. de Leones, the Monteverdes, the Ayalas, the Sys! But not with YDS!" Buong kumbiksyon na pahayag ng Mommy niya.

Sabay na napabuntong-hininga na lang ang mag-ama. Kapag nagsalita na ang Mommy niya, wala nang puwedeng kumontra pa dito.

"Bukas ay pupunta ako sa kompanya. I'll check the operations. I'll talk to the board to gain some advice," aniya sa mga ito.

"Please do, anak," tila nasisiyahang sabi ng Daddy niya. "I'm sorry... s-sorry if I have to pass this b-burden to you, hija." Namula ang mata ng kanyang ama mula sa mga pinipigil na luha.

Niyakap niya ito nang mahigpit. Ayaw niyang mamamatay ang Daddy niya na pinapanood lang nito kung paano mawawala ang kompanyang buong buhay nitong iningatan.

"Rest, Daddy. A-Ako munang bahala. Kapag magaling ka na, ayos na rin ang kompanya," pangako niya rito na hindi niya alam kung paanong tutuparin sa ngayon.

Nang nakatulog ang Daddy niya ay ang Mommy niya naman ang hinarap niya.

"What's the status of Daddy's health?" she asked her.

Her mother sobbed. "Not doing well. Lumala na ang sakit ng Daddy mo sa baga." Napasinghot ito at napayuko. "Your father doesn't smoke at all. Pero siya pa ang tinamaan ng lung cancer. And your father had the hopeless case."

Tuluyan nang bumuhos ang luha ng ina. Napapikit si Patricia at niyakap ang Mommy niya. A tear fell from her eyes. Naging mas mahapdi sa kanya ang lumunok at naging mas mahirap huminga.

Her father won't be well anymore.

"H-Hindi dapat ako umalis, Mom..."

Umiling ito. "N-No. Tama lang na nanatili ka muna sa Sweden. You're most fine there. Hindi kita pauuwiin dito kung hindi lang malala ang kalagayan ng Daddy mo pero..." napahagulgol muli ito ng iyak.

Huminga nang malalim si Patricia. At kahit sobrang naninikip ang dibdib ay nagawa niyang aluin at pagaanin ang loob ng ina.

"Nasa Pilipinas ka na?" tanong ni Nicola sa kabilang linya.

"Yeah. Kanina pang umaga. Kauuwi ko pa lang sa bahay dahil nanatili ako sa ospital."

She started to unpack her things.

Kinumusta nito ang Daddy niya at hindi alam ni Patricia kung paano niyang nakuwento ng kalmado sa kaibigan ang malungkot na balita tungkol sa lung cancer ng Daddy niya.

"I missed Papa," biglang sabi ni Nicola. Mr. Sta de Leones just passed away last year because of kidney failure.

Huminga ng malalim si Patricia. Sa nakalipas na limang taon, hindi na kahit kailang lumuwag ang pakiramdam niya. Her heart was always suffering.

"Sana maayos ko muna ang kompanya bago... b-bago mawala si Daddy." Paano niya pang nasasambit iyon sa normal na paraan?

"Oh, Pat... Lumapit ka na kay Kuya Gap. He will help you. Or to Bari... marami tayong mga kaibigan na puwede kang matulungan."

Tinigil niya ang paglalabas ng mga gamit sa bagahe. Umupo siya malapit sa bintana at tiningala ang madilim na langit.

"I'll find a way. Hihingi ako ng tulong kapag hindi ko na kaya."

Patricia wanted to be strong. She can do this.

"Okay... By the way, Kuya Storge wanted to see you," naging magaan ang tono nito. "Pagbigyan mo naman ang kapatid ko!"

She managed to laugh. "I'll try to talk to him on Saturday. Huwag lang ngayon dahil aasikasuhin ko muna ang kompanya."

"Pupunta rin siya ng grand expo. Siya ang kunin mong date!"

She rolled her eyes. "Huwag mong ilakad sa'kin si Storge."

Natawa ang matalik na kaibigan. "Sige. Sasabihin ko na lang kay Kuya na siya nang bahalang dumiskarte."

She crossed her arms. "Hindi ako nagpapaligaw."

"You are twenty-eight, for crying out loud! You need a boyfriend or tatanda kang dalaga."

Natawa siya. "I can manage Nicola. Sige na. I'll hang up. Asikasuhin mo na lang ang asawa mo."

"Okay! I love you, Pat! Call me when you need anything!"

Nicola is such a sweet and bitchy friend. Buti at nakalagay na sa tahimik ito at kahit papaano ay malayo na rin sa gulo.

While her... Patricia's not sure now if peace is still applicable in her life.

"I suggest we sell the shares before it declares bankruptcy, hija."

Lahat ng board of directors ay iyon ang sinasabi kay Patricia magmula nang mag-umpisa ang meeting kaninang umaga.

Nakita niya na rin ang recent company status. It was hopeless. Hindi na makakabangon ang kompanya ng pamilya nila sa sariling sikap lang.

"Where should we sell it then?" she asked the members.

"I can help you arrange an appointment with the Lazaroz," pagmamagandang loob ng isang senior member na si Mr. Eniego.

Lazaroz Investment Company. Instead of selling, maybe she can offer a partnership.

"Bakit hindi sa YDS?" singit ni Mr. Reboira na kabilang din sa board.

Napakurap si Patricia at saglit na hindi makagalaw. Nagbulungan ang mga tao.

"Do you think Alessandro Delos Santos would buy this company?" sarkastikong tanong ni Mr. Guadalupe.

Natatandaan niyang nasa business ball ito five years ago. He witnessed the mess that happened.

"But Lazaroz is nothing compared to YDS. Mas may tiyansa pang manatili ang mga empleyado dito kung sa kanila maibebenta ang shares. Plus, Miss Ante can maintain the position."

Nagsimulang magdiskusyon ang mga senior members. Nanahimik na lang si Patricia dahil lalo lang sumakit ang ulo niya.

Sa huli, nagkaroon ng majority na sa Lazaros siya lalapit at hindi sa YDS. Well, that's a relief.

Agad siyang nagpa-schedule ng meeting sa Lazaroz. Pagkatapos niyon ay hinarap naman niya ang tambak tambak na reklamo ng mga kliyente at empleyado.

Nalulunod si Patricia. Hindi niya inaasahan na ganito na pala talaga kalala ang sinapit ng kompanya nila.

"Ma'am Patricia, Chairman Lazaroz can meet with you tomorrow evening at six."

Agad siyang tumango. "That's good. Pupunta ako."

Wala masyadong naayos si Patricia sa araw na iyon. Nagulat siya sa dami at bigat ng trabaho. Kaya siguro hindi na kinaya ng Daddy niya...

She's disheartened. Mukhang unang araw pa lang, imposible nang matupad niya ang pangako sa ama.

The next day, nasa ospital muna si Patricia hanggang sa dumating ang oras ng appointment niya.

"Bye, Daddy..." paalam niya saa nagpapahingang ama. Hinalikan niya ito sa noo at abot abot langit ang dasal niya na sana maganda ang kalabasan ng meeting niya sa Lazaroz.

Ang Mommy niya ay natutulog din sa extra bed na nandoon. Hinalikan niya rin ito sa noo bago tuluyang umalis.

Hindi naman nagtagal ay nasa Lazaroz na siya.

"Good evening. I'm here for Mr. Manuelito Lazaroz," aniya sa receptionist.

"Good evening, Ma'am. Do you have an appointment with Chairman Lazaroz?"

"Yes. I'm Patricia Aurora Leona Ante."

Agad na humarap sa computer ang babae. Ngumiti ito at hinarap siyang muli. "Yes, Ma'am. You can now proceed to the Chairman's office for your scheduled closed door meeting."

"Thank you." Naglakad ng tuwid si Patricia habang paulit-ulit sa isip niya ang proposal mamaya.

She wore a cream off-shoulder smart blouse partnered with a pencil cut skirt. She still got her four inches Louboutin pumps. Wala siyang ibang palamuti kundi ang suot na gintong relos at kuwintas. She let her hair down. Hindi na siya nag-abalang mag-make up pa ngunit sinigurado niyang presentable siyang tignan kahit baby powder at lip gloss lang ang gamit.

May isang babaeng naka-uniporme ang nakangiting sumalubong sa kanya sa hallway at dinala siya sa waiting area ng opisina.

"Can you wait for five more minutes, Ma'am? Hindi pa po tapos ang naunang meeting ni Chairman."

"It's fine with me," she smiled. More time to perfect her proposal.

She relaxed a bit while sitting on a furry soft couch. Pinikit niya ang mga mata. "Please, God... make this work," she silently prayed. Ayaw niyang umalis doon nang walang magandang balita para sa kompanya.

May mga narinig siyang mga yabag at boses. Napadilat siya ng mga mata.

"Miss Ante, you can proceed inside," sabay turo ng babae sa isang frosted glass door.

Tumayo siya ng tuwid at taas noong naglakad palapit sa pintuan. Pero bago pa siya makapasok ay namali siya ng tapak sa sahig kaya siya natalisod.

"Shit!" she cursed when she fell on the center of the hallway. Agad siyang tumayo nang makitang papalapit na ang mga narinig niyang boses. "Ouch!" daing niya nang hindi siya bumalanse at muli lang natumba.

She reached for the doorknob. Doon siya kumuha ng lakas para makatayo. Nagawa niya naman iyon at saktong dumaan sa likod niya ang mga taong naririnig kanina. Hiyang-hiya na tinago niya ang mukha sa pinto. Siguradong may nakakita ng katangahan niya!

Gusto niyang iuntog ang ulo. Bigla siyang kinabahan kung papasok pa ba sa loob ng opisina ni Chairman Lazaroz.

Bumuwelo na siya at inatras ang paa. But wrong move, may natapakan siya!

"I'm sorry! Oh, my god. I'm sorry!" agad niyang paumanhin at saka tiningala kung kanino ang paang natapakan.

"I'm sorry, Sir--"

She was suddenly frozen. Her heart clenched at the closer sight of him after five years...

"Alessandro..."

But Alessandro didn't even glance at her. Tinignan lang nito ang sapatos nitong natapakan niya.Napailing lang ito at saka siya nilagpasan na parang hangin.

Nanginig si Patricia at hinabol ito ng tingin. "Alessandro..."

Ngunit hindi ito lumingon man lang.

"Alessandro, wait!" Kusang gumalaw ang katawan niya palapit dito.

Ngunit kumirot ulit ang paa niya kaya muli siyang natumba sa sahig. Napasinghap siya sa sakit. "Ouch..."

Pagtingala niya ay nakalingon na sa kanya ang guwapong mukha ng dating nobyo. But he looked rougher with stubbles in his jaw. Tila sinadya iyon at hindi dahil nakalimutang mag-shave.

Her heart squeezed when he looked at her blankly. But a sarcastic smirk was on his lips. She tried to stand up but the pain on her ankle got worst. Nakagat niya ang labi sa sobrang sakit.

"You can't stand up?" Sandro said in a mocking voice.

"Alessandro..." tawag niya habang nagpupumilit na makatayo.

"Don't try to stand up." Binulsa nito ang mga kamay. "You belong there anyway."

She gasped with the pain that stabbed her heart painfully. "I'm sorry..." aniya rito. Nagsisisi na siya sa nangyari noon.

Lumapit ito at niyuko lang siya habang nakatayo pa rin ito. "I'm a devil, right? I don't forgive."

Tinalikuran na siya nitong muli. Naiwan siyang nakatunganga na lang. Absorbing the first wrath of him. Huminga siya nang malalim at napayuko na lang.

"Ma'am? What happened to you?" Agad siyang dinaluhan ng nag-assist sa kanya kanina. Tinulungan siya nitong makatayo at agad na binigyang lunas ang paa niya.

Tulala pa rin si Patricia nang matapos siyang mabigyan ng first aid. Nakabalik lang siya sa tamang pag-iisip nang maalalang nandoon siya para sa kompanya ng ama.

"Patricia, focus," aniya sa sarili. Hindi niya na tatanungin pa kung bakit nandoon ang binata. Parang panaginip lang ang nangyari kanina pero totoo. Totoong nakita niya si Sandro. Totoong galit ito.

Paika-ikang tumuloy pa rin siya sa loob ng opisina ng chairman. Ngunit lalo lang siyang nanlumo nang makita kung sino ang kasama ni Manuelito Lazaroz.

Parang gusto nang humagulgol ni Patricia lalo nang tignan ulit siya ni Sandro sa sobrang lamig na paraan.

"Good morning, Miss Ante," magiliw na bati sa kanya ng matandang Lazaroz. "Please take a seat."

She can't step her foot forward but she tried her best.

"Is there any problem?" tanong pa nito at agad na lumapit nang makitang paika siyang naglakad. "What happened to you, hija?"

Inalalayan siya ng matanda habang si Sandro ay inalis na ang tingin sa kanya at nanatili itong prenteng nakaupo sa visitor's chair.

"I hope you don't mind, Miss Ante. I invited Mr. Delos Santos today since I heard you are offering a partnership with us. We are already under the YDS. So he needs to hear your complete proposal, too."

Muli, ilang beses na sa araw na iyon ay napaamang na lang siya. Hindi makapagsalita sa nalaman. Lazaroz is under YDS!

"I only have thirty minutes to spare," Sandro coldly said. "But you were fifteen minutes late. So, fifteen minutes to discuss your proposal, Miss Ante."

Hindi na makagalaw si Patricia. She knew she totally looked like a fool right now. Injured foot with an angry ex-boyfriend is equal to disaster.

Napalunok siya. Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha niya ang isang folder sa dalang bag.

Nawala na lahat ng sasabihin niya. Lazaroz is the only card she had but obviously, this would be impossible. Hindi niya alam na kasama na ang mga ito sa YDS! Isa siyang estupida noon at ngayon.

"Our c-company's failing," diretsang sabi niya. No more sugarcoating. Nangilid ang luha sa mga mata niya. "We n-need h-help."

"Ngunit maliit na kompanya lang ang Lazaroz, hija. We can't pull you up if we would partner with you," Mr. Lazaros honestly said pagkatapos mabasa ang nasa folder. "Sell it to YDS. You and your employees will remain in position. Pati ang pangalan ng PAL ay hindi magbabago."

"But, Sir--"

"What do you think, Sandro?"

Kunot na kunot ang noo ni Sandro habang binabasa ang nakalagay sa folder na binigay niya.

"The company's useless. I won't even buy it," marahas nitong wika at saka sinalubong ang mga tingin niya. "This is a waste. Kung basurero ako ay kukunin ko lang ang hindi nabubulok para pagkakitaan. Ang nabubulok ay walang kuwenta nang talaga."

Nakuyom ni Patrica ang mga kamay. "Our company isn't a waste and useless, Mr. Delos Santos. We have more potential before we fall."

"You think so?" hamon pa nito. If his eyes could kill, she was already dead by now.

Taas noo niyang sinalubong ang mga tingin nito. Her heart can't take it but she need to do this for her father.

"I believe so. Isa pa, wala rin akong interes na ibenta ang kompanya. One strong partnership and we can rise again," matapang niyang pahayag. Hinarap niya si Mr. Lazaroz. "Sir, I should go. Thank you for the time. Maghahanap na lang po ako ulit ng ibang kompanyang kayang tulungan kami."

"But, hija, the only partnership you can get is with another investment company as well. Wala nang mas kayang magpaangat sa kompanya niyo kundi ang YDS na lang."

"I won't sell the company. I only need a partnership," mariing wika niya.

Hirap na hirap na siyang pigilan ang mga luha. Her foot is literally aching. Her heart can't take Sandro's cold stare anymore. Kailangan niya nang makaalis doon.

"Alam mo ba kung bakit may mga negosyong bumabagsak? Dahil sa katigasan ng ulo at patuloy na pagmamalaki ng namamahala niyon," Sandro flatly said. Pinapatamaan siya.

Hindi niya na talaga kaya. Hindi na siya makahinga.

Patricia managed to smile at them still. "Thank you for your time," propesyonal na paalam niya sa dalawa. Pumatak na ang luha niya bago pa siya makalabas ng opisina.

Kahit paika-ika ay binilisan niya ang paglalakad. She headed straight to the comfort room. Nagkulong siya sa isang cubicle at doon lihim na tumangis.

Alessandro is not her Alessandro anymore. But what should she expect?

Pangatlong araw pa lang niya sa Pilipinas pero nagkita na agad ulit sila. Nagpaplano pa lang siya kung paano iiwas pero napakaliit talaga ng mundo nila. Magkikita at magkikita sila ni Sandro. Dapat naghanda na siya at hindi ngayong mukha siyang tangang pilay!

"What happened to the meeting, hija?" tanong ng Mommy niya.

Kausap niya lang ito sa telepono. Hindi siya puwedeng pumunta ng ospital nang paika-ika. She'll rest her foot for a while.

"The Lazaroz rejected. I'm sorry, Mommy..." Maghihisterya ang ina kung ikukuwento niya pa na nandoon si Sandro.

Napabuntong hininga ito. "Don't worry, hija. Maybe we'll find a way."

If the partnership won't happen, kailangan niya nang umutang ng malaking halaga para makabangon ang kompanya. Maraming handang tumulong katulad ng mga Sta. de Leones but they will need millions. Hindi niya basta mauutang iyon para sa negosyo! At maghihirap sila kung isusugal niya ang personal na yaman ng pamilya.

Napahilot siya sa sentido. They cannot sell the company. She can't. She won't.

Bago matulog si Patricia ay nagbukas siya ng email. Naiinip na binasa niya isa-isa ang mga reklamo sa kompanya.

Until one messaged suddenly popped.

From: Mr. Noah Alessandro delos Santos

Subject: PAL Investment Firm and Finances (Company Partnership)

Napakurap-kurap si Patricia sa nababasa. What the...

See me on Saturday at my office. 8 AM sharp.

Patricia was stunned by that very short message by Alessandro. Nagtayuan ang balahibo niya sa batok.

The email's subject was full of hope but...

Hindi niya alam kung anong nasa isip ni Sandro. Kanina ay halatang wala itong interes sa kompanya pero ngayon...

Napapikit siya at pinindot ang "reply". Sa nanginginig na mga daliri ay nag-type siya ng isang salita.

Why?

But she deleted it. Napapikit siya ng kusang nag-type ng panibago ang nga daliri niya.

Okay. I'll be there.

Sent.


Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
115K 4.4K 60
I always borrow something... But I didn't expect that I'll borrow time, stolen moments and borrow a heart. Date started: November 29, 2016 Date ended...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
2.6K 195 5
Reposting from Patreon. MULTIPLE POVs ♥ Sabrina Dardenne-Mendoza ♥ Jaesie Rosenthal-Dardenne ♥ Kyline Chua-Scott ♥ Melanie Vizcarra-Lauchengco 10/11...