Under his Spell (On Hold)

By pixie_lunie

2.5K 279 82

More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen

Chapter Nine

109 18 1
By pixie_lunie

#CHAPTERNINE

"Nandito po ba si Ms. Chloe Hens?" tumingin ako sa pinto ng makita ko ang isang lalaking naka tuck in ang damit at naka suot ng cap, a delivery boy to be exact. Nakatingin ang lahat sa akin kaya agad nalaman nung delivery boy na ako yung hinahanap niya. "Ms.Chloe Hens?" paninigurado niya sa pangalan ko.

"Why?"

Agad niyang kinuha ang medyo hindi kalakihang box na kulay blue sa bag niya at ibinigay yun sa akin.

"What the fuck is this?" tinitigan ko lang yun at ipinatong sa desk ko.

"Who's the sender?"

Umiling siya kaya napataas ang kilay ko. "Im sorry pero hindi ko po alam, pinapadeliver lang po yan ng company namin. Special delivery po"

"Paki-sign nalang po ito" ibibigay na sana niya ang pen niya nung tumanggi ako.

"No need" iwinagayway ko ang fountain pen ko sa harap ng mukha niya at mabilis na pinirmahan yung ibinigay niyang folder pagkatapos nun ay umalis na siya.

"Sino naman kaya ang nagbigay nito?" baka kalokohan nanaman yun nung dalawa (Vin at ni Neil) last time kasi nakatanggap ako ng delivery tapos ang laman eh puro mga kahon lang, yun bang paliit ng paliit yung kahon pero sa pinakahuling kahon may nakita akong maliit na papel na nakafold, tapos ang nakalagay lang 'hi chloe' nakakabwisit lang diba? Nung araw din yun, sumugod ako sa building nila, sa inis ko lahat ng gamit na mahawakan ko diretso sa pagmumukha nila, super tanggi naman silang hindi daw sila ang nagbigay nun. Pero alam ko naman na silang dalawa lang ang nantitrip sa akin.

Binuksan ko yun at nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang nasa loob ng box, hebzhhsvdgd! eto yung nakita ko sa mall, sa isang jewelry shop. Bibilhin ko sana kaso nagmamadali ako nun kaya hindi ko na nabili, eto yung necklace na limited edition. Pero sino naman ang nagbigay nito? Di kaya si Kleo? Napailing ako, Nahh. Impossible.

Pero, malay ko baka peace offering ni Kleo to. Napangiti ako nung maisip ko ang ideyang yun.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad papunta sa engineering department, mahaba ang vacant ko kaya for sure na magtatagal ako dun. Pinagtitinginan nanaman ako kaya napapairap ako ng wala sa oras, eto din yung dahilan kaya ayokong pumunta sa building na to.

Ilalagay ko na sana yung box sa bag ko ng may lalaking bumangga sa akin. Tumilapon yung box kasabay ng pagtapon ng chocolate frappe sa damit ko.

Tinignan ko yung damit kong natapunan ng frappe. What the fuck. "Bulag ka ba?!" tinignan ko siya ng masama, hindi naman siya agad nakasagot at nakatingin lang siya sa natapon niyang frappe.

"Are you not going to apologize?"

Ilang segundo din bago siya magsalita. "Sorry" matipid na sagot niya, nakatingin parin siya sa sahig. Damn! Mas lalo akong naiirita.

Tumingin siya sa akin direct sa mata, I immediately break the eye contact.

His face seems familiar.. Yeah! Ou nga pala, siya yung creepy na nakatingin sa akin sa cafeteria.

What the fuck?! Bat di pa nasususpense ang lalaking to?! Binigyan ko siya ng two weeks suspension, anong nangyari at nakakapasok pa siya hanggang ngayon?

(Admit it Chloe, pogi siya!)

Yeah.yeah! Ou na, gwapo siya pero tatanga-tanga siya ng dahil sa kanya nagkaganito ang damit ko. Pinulot ko ang box sa sahig, napansin ko namang nakatingin siya dun.

"What?!"

"Sinong nagbigay?" tanong niya habang nakatingin parin sa box na hawak ko.

"Kleo"

Iniangat niya ang tingin niya sa akin. "Sigurado ka bang.. Siya ang nagbigay?"

"Ou naman! Tss. Ano bang pakialam mo?!" napairap ako. Ang dami niyang tanong, hindi naman kami close!

"Kung akala mong papatawarin kita sa ginawa mo, pwes hindi! May araw karin sa akin!" singhal ko sa kanya at nilagpasan na siya.

"Aish. That freaking guy!" kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ang damit ko. "Today, is going to be suck" pumunta na ako sa third floor at dumiretso sa music room, napansin kong wala sila sa mini stage kaya pumunta ako sa mini sala, nakita ko silang nandun umupo naman agad ako sa couch katabi ni Dean at ni Neil.

"Beastmode ata?" asked Vin.

"Manahimik ka, kung ayaw mong ikaw ang gawin kong beast!" singhal ko sa kanya.

"Chill"

Tsk.

"What happened?" tanong ni Dean na kasalukuyang nakatingin sa damit kong natapunan ng frappe.

"Urg. I don't want to talk about it, maiirita lang ako ulit"

"I have an extra clothes inside my locker" sabi niya, agad naman akong pumunta ng locker niya at dumiretso na sa banyo.

Napilitan tuloy akong magpalit ng wala sa oras. Bago ako lumabas kinuha ko muna ang phone sa bag ko at dinial ang number ni Secretary Kim.

“Hello, Miss Chloe?” bungad niya.

“Secretary! Diba pinasuspense ko na yung lalaki sa cafeteria?! Anong nangyari?! Bat nakikita ko pa siya dito sa loob ng University?!”

“Ah. Mam, ginawa ko naman po yung inutos niyo. Kaso, anak pala ng isang stock holder ng company niyo yung lalaking pinasuspense niyo”

“So?!”

Wala akong pakialam kung sino man siya, kung stock holder man siya o ano.

“Nalaman po kasi ni Mr. Catchillar na pinasuspense niyo po siya ng walang valid reason”

“Hindi pa ba valid reason ang pagtitig niya at pang ngiti niya sa akin?! Paano kapag nakita kami ni Kleo?! Baka sabihin nun hindi ako seryoso sa kanya!”

Hindi siya naimik.

“Hindi ka ba magsasalita dyan?!”

“Mam, alam na po ni Mr. Hens na nagsusupense po kayo at nagset na po siya ng appointment with you, kailangan daw kayong makausap ni Mr. President”

“What?! Sino naman nagsumbong sa kanya?”

“Si Mr. Catchillar po”

Fuck. Damn him! May araw din siya sakin.

I tried to calm myself first at bumalik na ako sa sala, naabutan ko silang tatlong nag-uusap.

"Where's Kleo?"

"Nasa stage"

-_________-

Wala naman siya dun.

"Tinignan ko na siya dun kanina, wala siya" sagot ko kay Neil.

"Iba ang ngayon sa kanina Chloe" pambabara niya sa akin, inirapan ko nalang siya at pumuntang stage. Nakita ko naman agad si Kleo, kaya nilapitan ko siya, inaayos niya yung stand ng microphone.

Medyo naglighten-up yung mode ko nung makita siya, iba talaga kapag siya na yung nasa harapan ko.

"Hey" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon sa akin, may narinig akong pagpipigil ng tawa sa likod ko at nakita ko nga ang tatlo. I just rolled my eyes at them.

"Uy!" I said poking his cheeks, hinawi naman niya yung kamay ko. Masakit ah!

Aish. Namumula na tuloy.

"Ano nanaman ba?" poker face na sabi niya sa akin.

Ngumiti muna ako bago ko kunin ang box sa bag ko. "Thank you for this"

Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"What are you talking about? As far as I know wala akong binibigay sayo. Tss"

"Seriously? alam ko namang ikaw ang nagpadeliver niyan"

"Bakit naman kita bibigyan niyan? Hindi ako magsasayang ng pera para  sayo"

Ang harsh talaga niya! Tumalikod na siya sa akin at bumalik ulit sa ginagawa niya.

"Woaah! Eto yung necklace na gustong ipabili ng mom ko. Takte. Ang mahal nito ah syaka limited lang to, naghahanap ako nito pero out of stock na daw" hindi ko namalayang na kay Vin na pala yung box.

"Bakit mo binuksan?"

"Curious ako kung anong laman eh"

“Pakialamero ka talaga”

Fudge. Akala ko peace offering niya yun, nakakainis. Tama nga naman, bakit naman siya mag-aaksaya ng pera para lang sakin? Umasa ka nanaman Chloe.

"Eto na yung box mo"

Sinamaan ko ng tingin si Vin, ano pang gagawin ko dyan? hindi naman kay Kleo nanggaling yan.

"Sayo nalang kung ayaw mo then throw it”

"But, its very expensive”

"Edi isangla mo!"

Halatang-halata naman na hindi galing kay Dean, Vin at kay Neil yun. Sino naman kaya ang nagpadeliver nun? Tsk. Nakakainit ng ulo.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at bumangad sa akin ang isang babae. What the fuck is she doing here? Hindi niya ba alam ang policy dito? She's not allowed here, kaming lima lang ang pwedi. Nyeta.

Napangiti siya nung napalingon siya sa side namin, may kakilala ba siya sa apat na to?

"Austine!" sigaw niya at tumakbo papunta sa taas ng stage. Tinignan ko ang tatlo sa likuran ko, nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Uminit ang ulo ko nung niyakap ng babae si Kleo.

Who's this fucking pokemon at gusto ata niyang makalbo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
43.9K 1.7K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
30.5K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...