Athena: The Goddess of Violen...

بواسطة foolishlaughter

2.2M 44.8K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... المزيد

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything

27.2K 454 96
بواسطة foolishlaughter

 

Third Person's POV

Eagles.

Organization founded by Mr. Andre Ertude, before the World War II. Eagles has been bringing pride and glory to the business world of the whole planet. Needless to say, this company dominates all tycoon businesses in every corner of the world.

The Ertude family is a mix of mainly, Russian and Filipino blood. They were known not only in the business world but also in different fields like in the arts and crafts, theatrical dramas, academic skills and many more. Only, they do not use their surname for public use. That is why Ertude Company has been nothing but a invisible company. An invisible yet a very, very powerful one. When a person knows how powerful the surname 'Ertude' is, that person himself is already powerful but not as much as the Ertudes. And though they do not come out of their boxes, the Ertudes have been nothing but a giver of hope to the planet. They have been anonymously supplying oil, electricity, transportation and communication for almost every counrty.

They do not interfere with any government related businesses.

All seem to be perfect for their family. Wrong.

Because of serious envy and jealousy problem, another organization was found by Mr. Reginald de Castro and aimed to bring down the Eagles. This organization is called The Eye. This organization resorted to illegal ways and corruption to gain the power and fortune they now possess. Drug deals, illegal weaponry and illegal explosives are just few of the other transactions they make. And since money does make the world go round, they're organization had been undefeated even from the threats of the authorities.

Nevertheless, one thing led to another.

Until one day, the Eye killed the next heir of the Ertudes, Mr. Christoff Ertude, husband of Catherine Marshall and father of Athena Crissanta Ertude. This is where the sub-branches of the Eagles were born. (Ravens, etc.). They were made to protect all workers of Ertude from different parts of the country. Here, families and relatives of the people of the Eagles, trained to be prepared for any other killings that may happen and especially, to protect the last, remaining heiress of the Ertudes.

But since the society and the generation have changed, those trainings became a key to qualify to the new trends which are street fights and gangs. Since no more threats have been sent or encountered, Mr. Andre allowed such kinds of ‘games’ so as not to let their trainings be forgotten.

But he was proven wrong.

The de Castro's haven't stopped. They're still plotting, planning and moving.

And now, they're next target is her precious only granddaughter, Athena.

***

"De Castro?" Nabiglang tanong ni Kurt kay Mr. Andre. Hindi niya inaasahan ang apelyidong binanggit ng matanda.

Mr. Andre nodded, "Oo."

"Pero imposible, de Castro? S-si Jed? De Castro siya hindi ba? Miyembro ba ng the Eye si Jed? Why did you let it happen? Hinayaan niyong maloko ni Jed si Athena?" Galit na tanong ni Kurt.

"I'm sorry, but my guess is as good as yours. I've been in a comma for eight straight years, hidden and protected from the Eye. Mabuti nalang at nagising ako, especially at this moment where everything is getting out of control." Paliwanag ng matanda. Bakas sa mukha nito ang stress, subalit gayun pa man, malusog ang pangangatawan nito para sa edad na tulad ng sakanya. "hindi pa confirmed kung parte nga ba ng the Eye si Jed, which I was told ay bestfriend ng apo ko. Indeed, he's a de Castro but we can;t be so sure, maraming inosenteng may apelyidong de Castro sa mudo."

"But it makes sense, kung bakit naging malapit si Jed kay Thene. Alam mo bang akala ni Thene na Ravens ang pumatay sa mga magulang niya? Na ang Dad ko ang pumatay sakanila?" Tanong ni Kurt na may pagkadiin, naiinis siya sa mga nangyayari.

Sumingit si Mr. Ashton, "Kurt, hindi kasalanan ni-"

"Kung agad niyong sinabi kay Thene ang tungkol sa Eagles, edi sana maayos ang lahat. Mas madali sana ang lahat. Dad, kung sinabi mo din sana saakin ang lahat ng to, edi sana okay pa ang lahat." Reklamo ni Kurt. Naiinis din ito sa ama niya, dahil kahit pinageensayo siya ng mabuti noon ay wala siyang kaalam-alam kung para saan ito. Iniisip niya na kung agad itong sinabi sakanya ng  ga magulang niya, mas mapagbubuti pa sana niya ang kanyang pagt-training at agad na niyang nakilala si Athena. "Di ba may Tito si Thene? Wala ba siyang alam tungkol dito? Bakit wala siyang sinasabi?"

"Ah. That. Ang tito ni Thene ay hindi natin kakampi. Wala siyang pinapanigan, he's just there to take care of his niece. Pero labas siya sa mga organizations dahil naniniwala siyang parehong organization ay may kasalanan sa pagkamatay ng nakababatang kapatid niya na ina ni Athena. Let's just hope na manatili siyang tahimik sa mga usaping ito. Although siya ang nagligtas noong araw na iyon kay Athena-"

"Nagligtas?"

"You see, pagkataapos patayin ng mga members ng the Eye ang mag-asawa, they wanted to get Athena as well. Mabuti nalang nandoon si Michael para maabutan sila at mapilan sa pagkuha kay Athena, pero nahuli siya para iligtas pa ang mag-asawa. Pero the way I understand it now, pakiramdam ko ay ginusto nilang gamitin ang apo ko para pabagsakin ako. Doon kasi sila magagaling, sa deception. So I was saying, labas dito ang tito niya, guardian lang siya ni Athena at kami naman ni Michael hindi parin kami nagkakausap, galit ata saakin." Medyo natawa ang matanda sa kanyang sinabi.

Nagpatuloy ito, "At kung bakit naman hindi namin kaagad sinabi kay Athena, it was for her own good. Desisyon iyon ng tito niya dahil nakita niya na kayang magpalakas ni Thene and when the time comes kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya ng mag-isa kahit pa protektahan niyo siya. Sa aking palagay, kaya iyon ginawa ng tito niya ay dahil desperado siyang wag matulad si Thene sa nanay niya. Pero dahil nga galit ito sa akin, hindi siya humingi ng kahit na anong tulong saakin. Ang hindi niya alam, iyong kumpanyang pinapatakbo niya na nakapangalan kay Athena ay saakin din naman." Natawa muli ang matanda sa huli niyang sinabi. "You see, I was not the one in charge of Athena noon, tulog ako ng matagal na panahon sa kama, Kurt."

"Pero ako? Bakit hindi agad sinabihan ang mga naatasang prumotekta sakanya?" Gigil na tanong ni Kurt. Bigla kasing pumaosk sa isip niya ang mga maaring mangyari kay Athena sa kamay ni Jed. Natatakot ito na bigla itong kumilos at gawin na ang plano ng pamilya niya kay Thene. Walang pakialam si Kurt sa sinasabi ng matanda na hindi pa nasisigurado ang pagiging miyembro ng the Eye ni Jed, ang alam lang niya sigurado siya sa 'gut feeling' niya.

Tinaasan siya ng kilay ng matanda, "It's either you were too young before at walang threat na natanggap. Nagtraining ka naman di ba? So now that you're informed, go and do your task."

Nainis ang binata sa mga salitang narinig mula kay Mr. Ertude.

"Kung agad niyo lang sana sinabi lahat ng to, wala sanag problema. Ang hirap kasi sainyong matatanda, pakiramdam niyo mas wise kayo sa mga bata. Pakiramdam niyo mas alam niyo palagi kaysa saamin. Hindi niyo alam, iba na ang panahon ngayon. Luma na kayo, wala na kayong alam." Pabalang niyang sigaw sa matanda.

"Kurt!" Bulyaw ng kanyang ama, pero hindi niya ito pinansin. Bagkus lumabas ito ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.

Naiinis siya.

Nanggigigil.

Nagagalit.

Masyado siyang maraming katangahang narinig. Para bang simpleng bagay lamang, pinalapalaki. Pakiramdam niya hindi nag-iisip ang mga tao sa paligid niya. Sinisisi niya ang mga tao sa loob ng building na ito sa pagkakahiwalay nila ni Athena. Kung nalaman lang sana nila ang lahat ng ito agad, hindi sila mag-aaway. Kung agad silang naliwanagan, hindi sila maghihiwalay. Galit siya. Galit siya kasi nawala sakanya si Athena at ang sinisisi niya ngayon ay ang mga dapat ay kakampi nila. Samakatuwid, nabubulag siya ng galit na nararamdaman niya.

Sa isip niya, kung hindi naging tanga ang mga tao noon. Sana ya hanggang ngayon, sakanya parin si Athena.

 

Athena’s POV

 

“Jed, I said no.” Sabi ko kay Jed, maybe for the hundredth time this hour.

“Please? Thene? Just one?” Paawa naman niya, he’s even using baby voice. I glared at him and rolled my eyes. “Isa lang, Thene.”

“Ayoko.” Sabi ko ulit sakanya.

Huminga siya ng malalim, “Bakit ba sa tuwing humihingi ako ayaw mo? E sa tuwing hindi ako prepared, gusto mo?”

To say I blushed from his statement is an understatement. Sa mga sinabi niya, parang gusto nang sumabog ng mukha ko. I can feel the warm tingling sensation nanaman in my stomach, I can also feel my cheeks growing warm. G*go kasi ni Jed e. Lakas mantrip.

“Buti sana kung sasabihin mo, para naman mas mahaba yung duration. Tsaka mas-“

“Shut up!” Di mapigilan kong sigaw. Tsaka ko na talaga tinakpan yung mukha ko gamit yung dalawang palad ko. Narinig ko siyang tumawa ng napakalakas. “Jed no, umayos ka.” Lalo lang siyang natawa dahil hindi ko parin inaalis ang pagkatakip ko sa mukha ko.

Nakaramdam ako ng pagyakap mula sa likuran ko. Ni hindi ko man nakitang nasa likod ko na pala siya, well nakatakip nga naman yung mga mata ko. “Biro lang. Kahit naman hindi ako humingi o magpaalam alam kong you love my kisses.” He said, and trust me his voice was husky. Tapos hinalikan niya ako ng madiin sa pisngi.

“Araaaaay.” Ang tanging nasabi ko. Tagal kasi bago niya tanggalin.

“Poppa.” Pareho kaming nabigla nang makita si Yna na nakaupo sa kama. Nagising siguro sa ingay namin- ni Jed lang pala.

Agad siyang nilapitan ni Jed, “Yna, Momma don’t want kiss Poppa.”

“Hoy, Notatt. Bata yan, SPG ka!” Natatawa kong bulyaw sabay hagis sakanya ng isang unan na nasalo naman niya habang humahagalpak sa tawa. Si Yna naman, nakatingin lang. Marahil nagtataka kung anong nangyayari. “Wag mong gamitin si Yna.”

Hindi siya sumagot. Naging malayo ang tanaw niya.

“Natahimik ka?” Tumatawa kong tanong. “Hoy!”

Mukha naman siyang nabalik sa realidad, tapos ay bigla akong hinila papunta sakanila ni Yna sa kama. “Halika nga dito!” Sigaw niya.

Nang bumagsak ako sa kama, agad niya akong yinakap. Natawa si Yna saaming dalawa, pano ba naman kasi, pinipilit kong kumawala. Medyo kasi nakakakiliti kapag may umaamoy sa buhok mo, tas malapit sa leeg? “Jed, ang landi mo!”

“Hindi ako. Girlfriend naman kita e.” Sabi lang niya. Yun lang yung sinabi niya, pera sobrang laki ng impact tuwing naririnig kong nanggagaling yun salitang ‘girlfriend’ sakanya. Hindi lang kasi siya puro salita, sobrang effort din niya. He’s been showing it to me, well, for the past two days na naging ‘official’ kami.

I honestly don’t know why. Hindi ko alam, bigla nalang nangyari. Siguro, the feeling is was too strong na kailangan ko na siyang ilabas at sabihin. It was a different kind of feeling. Honestly, kahit kay Kurt hindi ko pa to narararamdaman. It like, sobrang vulnerable nung feeling na iyon na any moment maaring masira, pero I’m willing to risk everything para doon. I am not ashamed na nahulog ang loob ko kay Jed. Yes, minsan na din akong nahulog sa ibang lalaki noon, kay Kurt. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ganito kalalim at kalakas ang bagsak ko noon. Iba talaga, masaya ako whenever I’m with Jed. At gusto ko, bawat minuto o segundo, nasa tabi ko siya. Kapag nawala siya sakin, hindi ko kakayanin.

***

School is hell.

That’s the best metaphor I can say at the moment. Kasi the moment Jed and I walked in, lahat nakatingin. Lahat nanghuhusga, lahat may alam sabihing masama. Kahit na wala akong marinig sa mga bulong nila, alam kong tungkol ito saakin. Naramdaman kong pinisil ni jed yung kamay ko, “Hayaan mo sila.”

Oo, kung ako yung dating Athena kaya ko. Pero ngayon... bakit parang naapektuhan ako? Am I not good enough for Jed? Masyado ba akong magulo para kay Jed? Bakit ganoon nila ako tignan? Hindi na ako naka-manang attire, hindi parin ba ako maganda para maging bagay kami ni Jed? Baka iniisip nila, malandi ako. Before, I was with Kurt and now, I am with Jed. Anong klaseng babae na ba ako?

Napatingin ako sa isang side ng hallway. Doon, nakatayo sina Thea at Cynthia.  Both were looking at me with blank faces. Pero in their eyes, makikita mong hinuhusgahan din nila ako. Hindi nila ako tanggap, hindi nila natanggap ang naging desisyon ko. Bakit pati sila?

“Thene, are you okay?” Tanong ni Jed, inangat niya ang mukha ko. Oh no, I know I’m about to cry again. Fvcking hell, what is wrong with me?!

“Jed, ilayo mo muna ako dito. Please?” Tanong ko, pero it sounded like a plead. I want to get out of here, I just need to get out of this place. “Jed, please.”

***

“Jed, anong nangyari sakin?” I asked Jed, kasalukuyan kaming nakaupo sa likod ng sasakyan niya. Nandito kami ngayon sa likod ng school, medyo malayo ng kaunti., dun sa bandang mauno at parang pa-bundok na siya. Presko dito, magandang titigan yung tanawin.

Inabutan niya ako ng bottled juice bago ako sagutin, “What do you mean?”

“Naapektuhan na nila ako, Jed. Naapektuhan na ako ng ibang tao.” Sagot ko sakanya. “Dati, wala akong paki. Dati I feel numb, I feel empty. Hindi ako marunong masaktan. Pero, d*mn, pumunta lang ako sa Pilipinas, nagulo na ako. Nagagalit ako sa sarili ko. I feel weak. Now I’m nagging, I talk alot. I feel like dying inside, now I’m overreacting. My mind is now thinking of a lot of things-“ Then I did the unexpected, humikbi ako. Yes, I sobbed, right there all of a sudden.

Although I was already expecting it, I’m glad that Jed hugged me. He was silent for a moment before speaking, “Hindi ka mahina Thene. Infact, you’ve become stronger. Naging tao ka lang, hindi ka naging mahina. I love you more for that. Mas gusto kong maingay ang girlfriend ko, hindi cold. Gusto kong umiyak ang girlfriend ko para malambing ko siya. Gusto kong mag-isip palagi ang girlfriend ko para pagselosan niya lahat ng babaeng lalapit sakin. Gusto ko, yung girlfriend ko nagbago siya dahil saakin. Thene, I’m not being selfish, gusto ko lang maranasan mo ang maging normal. You don’t have to be always uptight and cold, normal sa isang tao ang mapalapit ng sobra at masaktan ng sobra. Normal lang sa tao na mahusgahan, at maapektuhan. It’s part of life. It’s just a matter of how you deal with it. Andito ako, I will never leave you behind. Gusto kong itatak mo sa isipan mo, na if there will come a time na isipin ng lahat we’ve fallen apart, I want you to keep holding on. Kasi whatever happens, everything I do, I do it for you. Whatever happens Thene, when everything feels wrong, never give up on me. Because I will never give up on you.”

“Jed, I love you so much.” I truthfully said, yun lang ang kaya kong isagot sa mga sinabi niya at para sakin, yung limang salitang iyon kulang pa. Pero wala na talaga akong masabi e? “P-pakiramdam ko I don’t deserve you.” Amin ko sakanya.

“On the contrary, it’s me who doesn’t deserve you.” Nakangiti niyang sambit. “You are an amazing girl and I am just a lucky guy.”

Kumunot ang noo ko, “Hindi naman yan totoo. I’m a ruthless crying bitch, and you’re too good to be true.”

“Magbobolahan nalang ba tayo?” Natawa niyang tanong and I smiled. It was a lame attempt to make me laugh, but I appreciate it. He really is the best. I can never ask for more.

“I never thought I’ll be in a situation like this with you.” Medyo awkward kong sabi. Ewan ko ba, parang hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko sinasabi kung anong nasa isip ko. Talakera talaga ako e no? Di bale, mahal naman ako ni boyfie.

At ang naisip kong iyon ang tunay na nakapagpatawa saakin. I mean, serously? Did Vio just say ‘boyfie’?!

“Anong iniisip mo?” Nagtatakang tanong ni Jed, pero bakas sa boses niya na nakangiti siya kahit pa hindi ko siya tignan. Imbis na sagutin siya, nagpatuloy lang ako sa pagtawa. Omygod, I sound cliche and corny and everything. I just called Jed, ‘boyfie’. Duh. “Ano nga?”

I sighed, “I called you boyfie inside my head.”

Hindi siya sumagot, kaya naman tinignan ko na siya.

“Omygod, Jed. Are you blushing?!” Di makapaniwalang tanong ko, medyo malakas syempre nabigla ako sa nakita ko.

Umiwas siya ng tingin, “De no!”

“Weh?” I teased. I know better. I know he blushed, I just made him blush. The man whom I thought can only frown and smile, actually blushed. “Notatt, I just made you blush.”

***

One week after the incident, I became normal again. Normal in the way na hindi ko na pinapansin ang tingin ng iba, o ang sinasabi nila. No, I wasn’t numb like I was before, I was just.. I feel protected now, especially that I always come to school together with Jed. Kapag talaga kasama ko siya, wala nang makapagpapalungkot sakin, walang makakapagpahina sakin. Before, I must’ve died because of this ka-corny-han, the old Athena is not suitable for these kind of things, but now it’s okay. I’m comfortable now, comfortable to tell everyone that I am now Jed’s.

We’re now at sitting at Starbucks, chillin’.

“Jed, why are you always looking at your phone?” I curiously asked. Kanina pa kasi yan e, I would’ve thought na naglalaro siya, pero linolock niya tapos binubuksan niya ng paulit-ulit e. Surely, hindi siya naglalaro.

Umiling siya, “It’s nothing. I’m just waiting for a text.”

“From?”

“My Dad.” And that answer shut me up. Ayokong mag-interfere, halata naman kay Jed na ayaw niyang pagusapan ang tungkol sa Dad niya, medyo sensitive pa siguro yung topic na iyon para sabihin niya ang lahat saakin.

Tumango nalang ako and went back to surfing- surfing the internet.

“One venti Toffee Nut Frappe for Thene and one venti Caramel Frappe for Jace.” Sigaw nung barista from the counter.

Tatayo na sana si Jed, pero pinigilan ko. “I’ll get it.”

The counter was a bit far from our table, kasi may parang wall pa na nakaharang yung kung saan nakadisplay yung mga mugs, cups and tumblers na merchandise ng Starbucks kaya I had to walk a bit far pa.

“Thene?” Nakangiting tanong nung barista, to verify if I was the one who ordered the frappe.

Tumango ako with a smile, “Yes. I will get Jace’s too.”

Nakangiti niyang inabot saakin yung tray after stamping their logo onto our receipts. Ngumiti din ako pabalik. Wow, I am indeed changing. Before, I wouldn’t even say a word now I answered and I smiled. I like it better this way. Para bang I have no problems, I will try to make this remain, kahit sandali lang. Konting break muna sa mga problema.

And there I was talking about problem, when all along a ‘problem’ was waiting for me on our table.

There sat a woman, kasing-edad ko lang siguro. Comfortably sitting where I was sitting before. She was wearing a skin-tight black dress with her red stilettos. Seriously, why wear that when you’re just going to SB? Her hair was black, with few streaks of blonde highlights and lastly, kausap niya si Jed, and I do not like other women speaking to my monkey.

Especially when that womanis wearing a red lipstick.

“Stacy, not now.” I heard Jed said, oblivious of my presence. Hindi ko na muna pinansin yun o inisip kung anong pinag-uusapan nila kanina.

I fake-coughed, “I believe, that’s my chair.”

“Oh, well if it isn’t Athena Crissanta Ertude.” She said with a smirk. Not really acknowledging what I said before.

Tinaasan ko siya ng kilay, “And you know me because?”

“I heard a lot about you from Jace, Ms. Ertude.” Nakangisi parin niyang sabi. I can’t help but notice the way she emphasized my surname. She must’ve been really trying to piss me off. Sino ba siya? Ex ba siya ni Jed? F*ck, I am beyond curious and intrigued.

I fake-smiled, “And I haven’t heard anything for you. But least I don’t care, now get off my chair.”

She chuckled, “B*tch she is. You were right, Jace.” Nakangisi niyang sabi, yang ngisi niyang ang sarap i-stapler. Pero- what? Jed actually called me a b*tch? Ouch? Forget about knowing who she is o kung ano siya ni Jed o kung bakit ‘Jace’ ang tawag niya kay Jed (which is so unusual). I’m hurt. Tinawag niya talaga akong b*tch? Ikukuwento nalang niya ako sa mga babae niya, sasabihan pa akong b*tch?

“Yes, I’m a b*tch, but a first class one and you’re a bith as well. But an overrated one.” I confdently said as I grab my bag behind her.

“Thene-“

“Don’t.” I warned Jed.

I’m hurt, I’m pissed. You don’t want those two feelings to mix inside me. Then I hastily went outside.

Seriously? It was supposed to be our time! Sino ba yung bruhang iyon? Why is she even talking to Jed? Why does she call him Jace?! Yes, first name yun ni Jed. But still.. It’s just too formal! Kahit hindi ko kilala yung babaeng yon, I hate her already. Hindi ko ba alam, parang may iba sakanya. Not to mention her eyes, kung makatingin kala mo kilalang-kilala niya ako. I hate her guts, I hate the way she dresses, I hate the way she talks to Jed, and I hate it that Jed actually knows her.

I need a drink.

I need my f*cking frappe- sh*t nakalimutan ko sa loob.

Not minding the confused stares, I ran back inside and went to our table. Only to see them still talking. What the actual sh*t? Kausap parin talaga siya ni Jed? Hindi man lang niya paaalisin?! Okaya iwan nalang, tapos sundin nalang niya sana ako. So wala talaga siyang balak? P*nyeta?

Hinablot ko nalang ng basta-basta yung frappe ko, hindi nako nakinig ng kahit ano pang pinaguusapan nila. Tapos ay lumabas na talaga ako, at hindi na ako babalik sa branch ng Starbucks na yon, ever. Sobra nakong nahiya e? Moment nila e? Please, not the f*cking sarcasm.

Okay, inaamin ko medyo nasagi ko yung frappe ni Jed at nabuhos ko kay ‘Stacy’? Di ko sadya e? Pero bagay naman niya e. Hindi iyon intentional, sadyang kakampi ko lang ang tadhana.

And that was what really happened, lumabas ako ng SB nang nakangisi at nagpipigil ng tawa habang tinitignan ako ng masama ng mga staff at tao. Hindi ko naman kasalanan, kasalanan nung malanding Stacy na iyon. I just gave her what she deserved.

“Athena.”

So ngayon susundan niya ako? Baka akala niya bumalik ako para magpahabol? No sh*t sherlock. O baka naman pagagalitan niya ako dahil dun sa ginawa ko kay Stacy?

“Thene, sandali lang.” Pakiusap niya. But ofcourse, hindi ako nakinig. I just walked. Actually, wala naman akong pinatutunguhan. Basta malayo lang ako kay Jace Ethan de Castro, okay na ako.

That was when he pulled my arm, kaya napaharap ako sakanya. “What?” I angrily spat.

“Galit ka ba?” Tanong niya.

Ladies and gentlemen, I laughed. I f*cking laughed, “Ako galit? Bakit naman ako magagalit? Hindi ako galit. Now would you please let me go?”

“Thene, about what Stacy said-“

“Ah si Stacy? Who the hell is Stacy? Oh right, it was the whore from the cafe, right? Seriously I don’t care. I’m a b*tch so I really don’t care.” Tuloy-tuloy kong sabi habang pilit kong inaalis ang pagkahawak niya sa braso ko. Ayokong hawakan niya ako, nakukuryente ako sa hawak niya kainis. If I let him touch me, I’ll forgive him easily.

He tightened his grip, “Hindi kita sinabihan na b*tch, Thene. Gawa-gawa lang yun ni Stacy para inisin ka.”

“Saan banda sa mukha ko ang tingin mong may pakialam? I don’t even know her, so yeah whatever.” I dismissed and tried escaping his grip again. “Why the hell won’t you let me go?! Let go and go back to your ex or new girl now. Tch.”

Mukha naman siyang napatigil sa mga sinabi ko, “Wait. Iniisip mo bang babae ko si Stacy?” He asked, shock and confusion written all over his face.

“I don’t wanna hear it Jed, now let me go!” I stubbornly said. Wala akong pakialam, sige magsama nalang sila nung Stacy na yon. Tsk.

Hinigit ko ulit yung kamay ko, this time naalis ko na siya kaya agad akong tumakbo palayo. Yes, wa-poise but I relly don’t care because I can hear Jed’s footsteps behind me. “God, jed don’t f*cking follow me.”

But all I heard was a deep laughter.

That does it. I stopped.

“Why the f*ck are you laughing?” I asked, angrily.

He slowed down, and continued laughing. “Sh*t Jed! Bakit ka tumatawa?!” Naiinis ko nang tanong. Is he mocking me?!

“N-nagseselos ka.” He said in between his laughter. “Nagseselos ka kay Stacy.”

“No I’m not.”

“Yes you are.” Medyo kalmado na niyang sabi. “Kaya mainit ang ulo mo, kaya binuhusan mo siya. I bet sinabihan mo naring pangit ang suot niya sa utak mo, naiinis ka kasi kausap niya ako. Alam ko kung paano ka mag-isip, thene. Wag mo nang subukang lokohin ako.”

Sumimangot ako, “So what?! You actually find me being jealous, funny?!” I love that he knows me so well, but at the same time I hate it, especially during situations like this one.

“Kasi naman, kumuha lang ako ng frappe pagbalik ko, may kausap ka ng babae! Tapos tawag pa sayo Jace?! Umupo pa talaga siya sa upuan ko?! The nerve, she even called me b*tch. Tapos-“

“Pinsan ko si Stacy.”

“Yung ngisi niya, don’t even get me started sa nakakaleche niyang ngisi- ano?” Naputol ang sinasabi ko nang sandaling magregister saakin ang sinabi ni Jed.

Natatawa niyang inulit ang sinabi niya kanina, “Pinsan ko si Stacy. Her name is Stacy de Castro.”

I was silent for a moment..

“D*mn you Jace Ethan!” I yelled, no I wasn’t really angry. I’m embarassed. Sobra sobra sobra akong nahihiya. Nakakainis tong Jed na to, sinasabayan pa niya ng malakas na pagtawa yung paghahampas ko sakanya. Leche, di man lang masaktan! Hinahampas ko, tumatawa naman. Bwiset.

“Thene, tama na.” Tumatawa parin niyang sabi. Pero hindi ko siya pinakinggan, pinahiya ako ng mokong. Well, basically sakanya lang kasi siya lang naman ang nakahalata ng pagseselos ko. Pero kahit na!

Hinampas-hampas ko lang siya, at nang sinabunutan ko na siya hinila niya yung kamay ko at pinalupot ito sa bewang ko- he was back hugging me.  I can literally feel his breath on the skin between my shoulders and my neck.

“Pinsan ko na nga lang, pinagseselosan mo na. Pano pa kaya kung iba pa di ba?” Pang-aasar niya.

“Jed, walang hiya ka talaga-“

Tumawa siya ulit, “Nagbibiro lang ako, eto naman. Pero pinsan ko nga lang kasi talaga si Stacy, hindi rin totoo na tinawag kitang b*tch. Kung tatawagin man ktang b*tch, I would call you my b*tch.”

“Hindi uubra yang banat mo, Jed. Ano bang kauilangan niya sayo?! Bakit ba siya biglang sumulpot? Sinira pa niya yung araw ko.” Naiinis kong reklamo at tanong.

He was silent for a moment, “M-may niremind lang siya.”

“Anong niremind niya? Bat kailangang personal? Hindi ba pweding itext nalang?” Tanong ko pa, sunud-sunod na tanong ang mga binitawan ko. Naiinis kasi ako dun sa Stacy na iyon, kahit pa isa siyang de Castro, kahit pinsan pa siya ni Jed.

“Wala lang yon, yung pinapagawa lang ng Dad ko. Nakakalimutan ko kasi e. Isa ka kasing malaking distraction.” Sabi niya tapos ay hinalikan ako sa ulo.

Bwiset siya e, hindi na ko galit sakanya. Alam kasi niya kung paano ako paamuhin e.

“Thene, remember what I told you before sa EK?” Out of the blue niyang tanong.

Umiling ako, “Alin? Ang dami mong sinabi nun e.”

“Yung sinabi kong kada magmumura ka, hahalikan kita?” Sagot niya saakin.

Napaisip ako sa narinig ko, yes I remember that. “Ah, oh napano?”

“Nakailang mura ka ngayon sa utak mo? Nakailang f*ck ka kanina?” Tanong niya, pero nakangisi siya halatang may binabalak ang mokong. Nasa likod ko parin siya pero alam ko talagang nakangisi yan.

Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya ako nakikita, “Jed, bakit pakiramdam ko may binabalak kang masama?”

“Kung masama ang halikan ang girlfriend ko, then maybe may binabalak nga akong masama.” Sabi lang niya. Tapos bigla niya akong hinarap sakanya, and agad nang nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko. Hindi naman ganoon kalayo ang height namin, mataas lang siguro siya ng ilang inches, pero matangkad akong babae.

“Jed-“

He smacked his lips on mine for a second, “Isa palang yon. Nakakainis ka, nung sinagot mo lang ako doon mo lang ako hinalikan. Ngayong may rason na ako para i-kiss ka, Thene. Babawi ako.”

Sh*t?

“At dahil hindi ko alam kung ilang beses ka nang nagmura, Thene... I’m gonna rock your world.” Nakangisi niyang anunsyo, pareho muna kaming natawa tapos hinalikan na niya ako.

Involuntarily, my eyes fluttered close.

There I was, finding myself lost in Jace Ethan de catro’s kisses once again.

 A/N: HAPPY HOLIDAYS!!! Here's a christmas treat to everyone! I hope you enjoyed! PLEASE DO COMMENT BELOW. :) Next chapter will be the chapter you've all been waiting for! ;)

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.1K 1K 53
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...
117K 3.5K 46
Soon to be unpublished
Gangsters Squad بواسطة Belle

قصص المراهقين

3M 61.3K 64
Are you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...