Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 27 : Emotion Revealed

12.6K 498 83
By _AyEnNe_

Louise (POV)

"Louise" isang nag-aalangang tinig ang pumukaw sa akin mula sa pagkakayuko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay bahagya pa akong nagulat.

" Sir Joff, Good Morning" i greeted him kasunod ng isang friendly na ngiti na daglian ko ring binawi ng makitang tila nag-aalala ito.

"pumanik ka muna sa active floor at ipinatatawag ka ni MGS" sagot nito na hindi man lang nagawang suklian ang pagbati ko.

"huh? eh hindi ba may pupuntahan kami ni Sir Fermin ngayon? nasa baba na nga sya at nag-aantay" nalilitong tanong ko sa kanya.

Actually, sabay kaming lumabas ni Sir Fermin ng opisina kanina ng may makaligtaan akong dalhin. Kaya ang ending bumalik ako dito sa loob at pinauna ang kasama para bumaba sa parking area.

"ipina-cancel ko na ang attendance mo duon sa seminar" nagmamadali nitong turan habang animo abala sa kapipindot sa sariling telepono.

"anong seminar? " kunot noong tanong.

Ang pagkaka-alam ko meeting ang aatendan namin ni Sir Fermin at iyon ay ayon mismo sa taong kaharap ko.

Napa-palatak ito at natigilan sa ginagawa kaalinsabay ng dagliang pag-angat ng tingin sa gawi ko. Pamaya-maya ay inihilamos nito ang palad sa sariling mukha at tsaka muling bumaling sa akin.

".. eh .. basta pumanik ka na muna sa active floor at nagsesermon na naman si MGS duon, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sir Fermin. Magmadali ka na lang at isuot mo na ang PPE mo " utos nito kasunod ng di mapigil na pagkumpas ng mga kamay.

"eh teka lang, magpapalit muna ko ng damit" ganting sagot ko ng maalalang skirt lang ang suot na pang-ibaba . Dali-dali kong hinablot ang sariling bag pero ng akmang hahakbang na palabas ng cubicle ay nagsalita muli ang kaharap.

"Naku Louise wag' na. Pumunta ka na sa Active floor at nag-aalburoto na si MGS"

"Pero Sir, baka naman mabigyan ako ng memo ng safety kapag pumanik ako na ganito ang itsura?" nag-aalala kong tanong.

"hindi yan, ipapahatid na lang kita kay Jet at ako ng bahala kumausap sa Bisor nila. Kailangan mo lang talagang pumaroon at baka mabugahan na naman ng apoy lahat ng tao dito mamaya pag baba ni Madam" mahabang paliwanag nito.

Magdadahilan pa sana ako pero wala na akong nagawa ng tumalikod na ito para tawagin si Jet - ang isa sa mga safety officer. Napapabuntong-hininga akong nagmadaling nagsuot ng safety shoes at vest. Nang matapos ay dali-dali kong binitbit ang sariling hardhat at sumunod kay Sir Joff.

Ilang sandali pa ay magkasabay na kami ni Jet lumabas ng Site office, kaagad na dumiretso kami sa Service Lift at ini-request na ihatid sa 11th floor - isang palapag bago ang active floor. Habang sakay hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng maaaring dahilan kung ano na naman ang ikinagagalit ni Gabby. For all i know maayos kami nitong mga nagdaang araw kaya nakapagtataka na mag-ala beastmode na naman ito ng dahil sa akin.

Ano na naman bang problema ng isang yun? hinaing ng isip na nasundan ng walang habas na pagkabog ng sariling dibdib.

"Andito na tayo Ma'am" pagbibigay alam ng katabi ng hindi mapansin ang pagtigil ng sinasakyang lift.

Inalalayan ako nito sa pagbaba at agad na tumungo papunta sa kinaroroonan ng steel ladder. Iilang dipa pa lang ang layo namin duon ay naririnig ko na ang panenermon ni Gabby sa itaas . As usual nangingibabaw ang boses nito sa kabila ng kaliwat-kanang ingay ng mga construction tools.

"ah Ma'am" pukaw ni Jet sa akin.

"Maiwan ko na ho kayo dito at may mga paperworks pang ipinapaayos si Sir Ralph" Paalam nito ng makarating na kami sa bukana ng hagdanan.

"Pero Jet baka ba--"

"Wag ho kayong mag-alala nanjan naman si Ace sa itaas, sya na ho bahala uma-siste sa inyo " putol nito sa sasabihin ko ng mahalatang magpoprotesta pa ako.

"ganun ba? " tangi kong nasabi sa kabila ng tumututol kong kalooban. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lalo akong kinabahan ng madinig ang galit na galit na tinig ni Gabby.

Nang makaalis na ang kasama ay nagmamadali na akong tumungo sa hagdanan.
Kailangan kong makapanik ka agad at baka lalo pang magwala ang isang iyon kapag napag-antay siya ng matagal.

Pero tila nahirapan ako magmadali dahil bukod sa ingat na ingat akong kipitin ang pang-ibabang damit ay maingat ko ding inaalalayan ang sarili sa pagkapit ng maigi.

Suddenly i heard an angry voice above me ng makailang baitang na ako, lihim akong napaigtad sa maigting na pagsigaw nito. When i check who it was. I saw Gabby with anger registered on her red face at pinapahinto ako nito sa pag-akyat.

Nagugulumihan man, alinlangan akong sumunod sa sinabi nya at kagyat na tumigil sa pagpanik.

The next thing i know, nakababa na sya sa steel ladder at isang dipa na lang ang pagitan naming dalawa. I was about to ask her when i saw her throwing irritating looks into someone. Nang sundan ko ng tingin kung sino ang tinititigan nya ng masama ay daglian akong namula ng may makitang dalawang worker sa may gawing ibaba, animo nakatingala ito sa akin at binobosohan ang pang-ibaba kong katawan. Awtomatiko kong hinawakan ang sariling skirt at kinipit ng maayos.

Nadinig ko pang minura ni Gabby ang mga iyon pero halos hindi pa sya tapos sa sasabihin ay nagpulasan na ang mga ito na akala mo nakakita ng multo. Nang mag-angat ako ng paningin upang tignan ang reaction ng kaharap ay sumalubong sa akin ang mga nang-uusig na mga mata.

"bumaba ka" utos nito sa mga nagtatagis na bagang

"p-pero i t-thought kelangan mo ko sa A-active f-floor" nabubulol na sagot ko.

"sabi ko baba" muling sambit nito sa mahina pero matigas na tinig.

Nagugulumihan akong tumitig sa kanya na agad ko ring binawi at walang kibo na bumaba ng steel ladder.

Saktong nakalayo na kami sa hagdanan ay nadinig kong muli itong ngsalita. Dahilan kung bakit agaran ko itong hinarap.

"bakit hindi mo pinirmahan yung pouring request nila Darwin?" naninita nitong sabi habang pinapasadahan ako ng tingin.

"a-anong p-pouring r-request? " nalilito kong tanong. na sa sobrang kabang nadarama ay hindi na maisip kung ano ang tinutukoy ng kaharap.It's obvious that my mind was block by her gestures na ipinapakita nya kung kaya't hindi ako makapag-isip ng diretso.

"hindi mo ba alam na magbubuhos sila ngayon?! " sita ulit nito sa medyo mataas na boses. Nagsisimula ng magsalubong ang kilay nito kasunod ng paniningkit ng mga mata. Hudyat lamang na nag-uumalpas na ang sa tingin ko'y pinipigil nyang galit.

"a-alam ko, pero -- "

"alam mo naman pala, eh bakit kelangan mong ibitin yung trabaho nila ng dahil sa iisang abang ng tubo?!!" galit na putol nya sa sasabihin ko.

Napatigil ako pansumandali at nang ma-realized kung ano ang tinutukoy na problema ng kaharap ay tila nag-init ang sariling mukha. Sumulak ang dugo ng maramdamang kinukwestiyon nito ang desisyon ko sa bagay na iyon hanggang tuluyan ng bumangon ang inis na nararamdaman.

"if your referring to that pipe na nanduon sa isang gilid. oo! ipinahold ko nga, dahil iyon ang alam kong tama" ganting sagot ko ng hindi alintana ang pagtaas ng sariling tinig.

"ikaw na rin ang nagsabi hindi ba? na maging keen kami sa pagpirma ng mga permit na yan, ano ngayon at naninita ka kung ginawa ko lang naman ang trabaho ko?!" dugtong ko ng hindi pa rin ma-contain ang inis na naramdaman.

"isang tubo Ms. Buencamino! para sa isang tubo hindi mo pipirmahan yung per--"

"exactly! para sa isang tubo lang! isang tubong lang ay nagkakaganyan ka na?! for god sake Gabby! diretsuhin mo nga ako?! " inis na putol ko sa iba pa nyang sasabihin kasunod ng paghawak sa braso nito ng mapansing tatalikuran ako. I don't mind if she thinks i'm rude for doing that but i'm already pissed off by the way she approaches me. Pu-pwede namang kausapin nya ko ng maayos over this small matter kung bakit kinailangan pang humantong sa ganito.

Tila hindi naman ito natinag from my reaction ng muling humarap sa akin pero halatang pilit itong nagtitimpi dahil imbes na salubungin nito ang galit ko kagaya ng ginagawa nya kanina ay kataka-takang hindi ito kumikibo. Mataman lang itong nakatitig sa akin habang nagtatagis ang mga bagang at marahas na nagtataas - baba ang kanyang dibdib dahil sa galit.

For a seconds nagsukatan kami ng tingin, throwing each other a death glare na animo parehong pilit na kinakalma ang isa't-isa. Walang nangahas na nagsalita until i felt the urge na muling mailabas ang sama ng loob. Naiinis kong tinanggal ang suot-suot na hardhat kasunod ng paghawi sa sariling buhok, pina-meywangan ang kausap and confronted her.

"ano bang --" bungad ko pero ang akma ko sanang pagsita sa kanya ay napigil ng pumailanlang ang tunog ng fire alarm sa buong building. An indication na lunchbreak na ng buong empleyado. Suddenly i release a sigh of frustration at mariing itinikom ang sariling bibig, kasunod nuon ay tinapunan ko ng tingin si Gabby na nuon ay tahimik pa rin na nakabaling ang tingin sa labas ng building.

For the second time tumahimik ang paligid namin pero sandali lang iyon dahil pamaya-maya lamang ay nangibabaw na ang ingay ng mga workers na isa-isang nagsisibaba galing sa active floor. Karamihan sa kanila ay nagbibiruan, na agad ding napapatigil sa tuwing mapapansin kami sa di kalayuan, lalo na kapag tinatapunan sila ng matalim na titig ni Gabby.

Nang sa wakas ay wala ng ibang tao ay lakas loob kong isinatinig ang nauntol kong pagsita sa kaharap.

"ano bang problema mo?!" asik ko dito sa naiinis pa ring tinig. Waring hindi nakatulong ang ilang minutong pananahimik naming dalawa upang pahupain ang galit na nararamdaman.

"wala akong problema!!" she replied with equal anger on her voice.

"imposible!! hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema!" Ganting hiyaw ko.

For the first time simula ng ilang beses na pagbabanggaan namin ay ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sagut -sagutin ito. Ni hindi ko alam saan ako humuhugot ng lakas ng loob ng mga oras na iyon, basta ang tanging alam ko lang ay nangingibabaw ang inis na nararamdaman na nagmula dahil sa napakababaw na dahilan na ikinagagalit nya.

Nakasimangot kong pinagmasdan ang kaharap habang nag-hihintay ng sagot mula dito pero tila wala itong balak kumibo man lang.

Ni hindi ito tuminag sa pagkakatayo ng patagilid sa akin and just manage to glance at me with her fiercing eyes. Judging by the way she breath heavily at sa mga nagtatagis pa ring mga bagang ay obvious na kino-kontrol lang nito ang galit na nararamdaman.

"why do i have this feeling na hindi naman talaga yan ang ipinag puputok ng butse mo?!" angil ko dito ng hindi ito tumugon.

This woman is really getting into my nerves! halos sumabog na ang sariling dibdib dahil sa inis na nararamdaman ko towards sa kanya at lalo pa yung nadadagdagan dahil ayaw nito sagutin ng maayos ang mga itinatanong ko.

" come on Gabby! huwag mong sabihi--"

"bakit ganyan ang suot mo?!" pamaya-mayang sita nito sa matigas na tinig na syang ikinagulat ko.

"ano kamo?!" kunot noong tanong ko. Still wondering kung bakit napunta sa suot ko ang tanong nya.

Anong kinalaman nuon sa pinag-aawayan namin ngayon?

"why the hell you are wearing that stupid skirt at bakit hindi mo sinabi sa akin na kasama ka sa seminar with Fermin?!" asik nito leaving me in confusion.

"what the?!" nagugulumihan ko pa ring tugon habang pinag-ninilay nilay ang mga sinasabi nya.

" so.. " pamaya-mayang bungad ko when i realized kung anong pinupunto nito.

"..ako pala ang issue? ang damit ko at ang hindi ko pagsabi sayo na kasama ako ni Fermin. tama ba?!" sita ko.

" tama ba?! " ulit ko ng hindi ito tumugon.

Hindi ito umimik at kapagdakay narinig ko ang pagmumura na sinundan ng akmang pagtalikod na hindi nya naituloy dahil sa marahas kong paghawak sa braso nya. Buong pwersa ko itong hinatak paharap sa akin at muling sininghalan "answer me!!"

"OO!! " galit na sagot nito " dahil, dahil----" sa hindi malamang dahilan ay hindi nya maituloy-tuloy ang sasabihin hanggang sa mas pinili na lang nitong itikom ang sariling bibig habang nagngangalit at nagtatagis pa rin ang mga bagang.

Lost in confusion kung bakit nya nasabi ang mga katagang iyon ay nanatili lang akong nakakapit sa braso nya habang inaantay ang mga sasabihin nito.

"you know what?! " she said " nevermind!!" sabay piglas sa pagkakahawak ko, kagyat itong tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa hagdanan. I was shock for a moment at nagugulumihan pero agad ding kumilos ng makitang halos pababa na ito ng hagdanan.

"Shit!" usal ko at nagmamadali ko itong sinundan. This can't be! hindi pwedeng iiwan lang nya ko basta basta sa ere ng hindi man lang nalalaman kung anong ikinagagalit nya. Sa iginagawi nya hindi ako naniniwalang walang konkretong dahilan ang mga iyon.

What the hell! ano bang masama sa suot ko? and why is it napaka-big deal ng hindi ko pagsasabi sa kanya na may meeting ako with Fermin?

My mind is busy finding the answers habang bumaba ng hagdan until i noticed that she was 2 stair flights away from me. lalo akong nagmadali sa paghabol dito kahit magkandarapa sa pagbaba.

"Gabby! Sandali nga! " tawag ko dito while struggling on following her down the stair.

"Lintek! ano ba kasing problema mo at nagkaka-ganyan ka?!!" dugtong ko habang pasalit-salit ang tingin sa hinahabol at sa binababaan. i was having a hard time sa pagkilos dahil na rin sa suot-suot kong skirt.

"bakit ba hindi mo ipaliwanag ng maayos at hindi yung ganyang inuunahan mo ng galit?!!! " hiyaw ko dito pero tila bingi ito at sige ang pagmamadali sa pagbaba.

"Damn it!!" usal ko ng muntikan na akong matapilok. Pero hindi ko yun inalintana. Nagmamadali pa rin akong sinundan ang hinahabol kahit na nga ba magkanda-hingal na ako sa pagitan ng paghiyaw at sa pagmamadaling makababa ng hagdanan.

" Gabby!! could you please talk to me, for christ sake!! " muling tungayaw ko. Halos mag-echo ang boses ko sa buong Fire Exit dahil sa pangi-gigil. Buti na lamang at breaktime kung kaya't walang ibang taong nakakarinig ng mga paghiyaw ko.

Nakakainis na tong babaeng to', napaka-immature. daing ng isang parte na utak ko.

Immature pala eh bakit pinagtitiyagaan mo? kantiyaw ng kabila.

Sasagot pa sana ang isang panig nuon ng may marinig akong kumakalabog. When i check kung ano yun, i saw Gabby frustratingly kicking the Metal Door sa bukana ng hagdanan while cursing. I abruptly check the Floor number and noticed that we are already in the 5th floor.

Unfortunately, both of us locked up.

Karaniwan na kasing pag lunch-break ay inila-lock ang pinakamababang access door papanik sa upper part ng building, lalo na sa mga area's na on going ang Electrical Works. Mandatory ito, dahil sa mga recent incident na mga nanga-sisiwalang mga gamit pati ng mga Electrical Cables.

Obviously, hindi aware ang kung sinumang Safety Officer na may tao pa sa itaas kaya hindi kami parehas nabigyan ng warning.

"Gabby" tawag ko sa taong tinutunghayan ng makabawi sa naghahabol na hininga. Bahagya kong pinakalma ang inis na nararamdam upang sana ay kausapin ito ng masinsinan.

I was currently stood up on the landing between the 4th and the 5th Floor. Habang si Gabby ay nasa gawing ibaba ko. Lumubay na ito sa pagsipa sa pintuan at ngayon nga ay nakaupo sa isa sa mga baitang habang naiinis na binubuksan ang sariling radyo. Kagaya ko, pandalas din ang paghinga nito dulot ng walang patumanggang pagmamadaling makababa kanina.

"G-Gab" ulit ko when she didn't respond

She only managed to glance at my direction ng tawagin ko, kasunod nuon ay walang sabi-sabing marahas itong tumayo at kapag-dakay kunot-noong umakyat patungo sa gawi ko.

"Gabby, ano ba kas-"

"don't talk to me." putol nya sa anumang sasabihin ko in an angry voice at dire-diretsong naglakad palabas ng Fire Exit patungo sa isang unit. Muling nag-panting ang tenga ko sa sinabi nito dahilan kung kaya agaran ko itong sinundan.

"why are you doing this to me?! ano bang prob-"

"sabi ko! wag mo akong kausapin hindi ba?!!" hiyaw nito pagkaharap sa akin at pagkatapos ay muli akong tinalikuran.

Di alintana ang galit na ipinapakita ng kaharap ay patuloy ko pa rin itong kinausap.

"Ganyan ka ba talaga?!! umiiwas sa mga bagay na dapat nireresolba at pinag-uusapan ng maayos . Pagkatapos ano?!? anong susunod na gagawin mo? lalayo ka? Mawawala ka na namang parang bula?!Magmumukmok ka na naman sa isang lugar na hindi ka mahahagilap?? " i said furiously then i pause while stabilizing my breath ".. Sanay na sanay ka ring nang-iiwan sa ere hano?! na every time na nako-konpyus ka jan sa nararamdaman mo, you always choose to leave it all behind na akala mo mare-resolved yun ng ganun-ganun na lang?? ..Bakit?? dahil ba sa naduduwag ka?! " dugtong ko

It seems what I've said caught her attention kung kaya't, kunot-noo itong humarap sa akin habang iiling-iling. "hindi mo alam ang sinasabi mo" she said then sarcastically smile at me.

"Well then enlighten me! tell me your fucking reason instead na umiiwas ka ng ganyan?!? sabihin mo kung bakit nang-gagalaiti ka over this small issue ng pananamit ko pati ang pagsama ko sa lintek na meeting na iyon with Fermin!" ganting sagot ko. Challenging her to voice out what she really felt.

"small issue?! One of my closest friend is in love with you! and you think this is just a small issue?!" asik na buwelta nito habang nag-uumigting ang ilang ugat sa leeg at tila nag-isang linya na ang mga chinitang mata sa sobrang galit.

"Teka nga! I've already clear this before hindi ba? ilang beses ko bang sasabihin na kaibigan lang ang tingin ko sa kaibigan mo? hindi ba mag-sink in iyon sa--"

"ilang beses ko rin bang ipaparamdam sayo na i hate it when Fermin is around you! can't you see it Louise??!! Nagseselos ako!! I'm fucking jealous dahil Tangina! sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagmahal ng ganito!! she said cutting me off, halos mabingi ako sa sobrang lakas at nanggigil nyang boses idagdag mo pa ang tunog na nilikha ng agaran nyang pagbalibag sa hawak-hawak na hard hat pero ang tuluyang pumukaw ng atensyon ko ay ang nakakabinging pag-amin nya tungkol sa tunay na nararamdaman.

I was stunned for a while at hindi nakakibo. In an instance, i felt all the butterfly anxiously stir inside my stomach. Her revelation didn't sink-in first, pero ng mapagtantong totoo lahat ng nadinig ko, hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap at mawindang at the same time. Bakit hindi? kung nitong mga nagdaang araw ay hindi lang iilang beses na inasam kong madinig buhat sa kanya ang mga salitang matagal ko ng inantay-antay.

Those simple words. Words that give verbal confirmation and sealed the reality na atlast for the long wait our feelings for each other is mutual.

At that moment, gustong-gusto kong magpakawala ng malakas na tawa dahil sa sobrang kilig na nararamdaman pero pinigilan ko yun not until i heard her say the following words.

"Fucking hate this feeling! pero yun ang totoo! nagagalit ako, dahil hindi mo sinabi sa akin ito over the weekend na magkasama tayo and to top it all, you wear that sexy skirt because of what?! because of him? ... tsss.. ni hin-" pagpapatuloy nito while furiously waving her both hands but then she paused when she noticed me trying to suppress a smile. In any other circumstances, i might get angry sa pag-judge nya na baka dahil kay Fermin kaya ako nakapag-suot ng ganitong damit. Pero dahil mas nangingibabaw ng mga oras na iyon ang kilig at ang pakiramdam na tila nasa cloud 9 ako ay binalewala na lamang ang mga maaanghang na salitang iyon.

"great! now your laughing at me" she said with irritating voice kasunod ng marahas na paghinga nang mapansin nyang tuluyan ng kumawala sa akin ang hindi mapigil na pag-ngiti. Tila nainsulto ito kung kaya kagyat na dinampot ang ibinalibag na hard hat at nagsimulang lumakad palabas ng pintuan.

"stupid me!" narinig ko pang bulong nito ng mapadaan sa harapan ko.

I quickly followed her nang matauhan at mapansin na paalis na ang taong kaharap. She was almost reach the doorway when i abruptly hug her from behind at sa pagitan ng hindi maipaliwanag na saya at kaba, i spill out the words that i longed to say ever since"i l-love you too" paanas na sambit ko sa nanginginig na tinig kasunod ng mariing pagpikit habang yakap-yakap sya ng mahigpit na animo takot na takot itong mawala.

Mula sa likuran, I felt her warmth and soft body stiffened for a while. Ang ini-eexpect kong pagpalag from my impulsive reaction ay hindi nangyari. Instead, she just stood their in silence habang pinahuhupa ang kaninang nag-umalpas na galit.

Mula sa magkadikit naming katawan, i feel how her heart pounding very hard. Kagaya ng sa akin na kulang na lang ay lumabas sa katawang lupa ko. And it's because of the intense feeling na parehas na lumukob sa aming pareho by confessing our heartfelt emotion. Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong ayos hanggang hindi ko na natiis at tuluyan ko ng binasag ang katahimikang iyon sa pag-amin ng tunay kong nararamdaman .

" i love you so much Gab and i hate it when you are mad. Naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung paano ka aamuin" i said while my forehead resting at the back of her head and still hugging her from behind.

Hindi pa rin ito kumibo until suddenly i felt her movement ng dahan-dahan itong humarap sa direksyon ko. She stare at me and noticed na wala ng bahid na galit sa mga mata nya, instead what i saw from that moment is her pleading eyes. Na animo humihingi ng dispensa sa lahat ng nagawa at nasabi nya.

Mula sa pagkaka-tunghay, she capped my face with her both hands, look straight into my eyes and then planted a soft kiss on my forehead sabay yakap ng mahigpit.

"I'm sorry, babe" hingi nito ng paumanhin sa pagitan ng pagyakap at paghalik sa ulunan ko.

My heart flip flop when i heard her say that endearment for me. "Babe" - common as it is, pero iba ang dating sa akin kapag sya mismo ang bumibigkas.

Suddenly, I release a sighed of relief when i felt how good it is na mayakap at mahagkan ng taong kay tagal mo ng lihim na minamahal. Maigi ko pang isiniksik ang sariling mukha sa pagitan ng leeg nito when i smell her familiar scent then i hug her tightly.

"i hope you forgive me from mistreated you a while ago...." she said na nakapagpa-pukaw ng atensyon ko " i just lost my temper and.. .... " dugtong nito never manage to continue on what she was trying to say and just release a sharp sigh.

Marahan kong inilayo ang sarili ko sa kanya at mataman itong pinagmasdan ng hindi tinatanggal ang nakayakap pa ring mga braso sa bewang nya.

"and? " i said ng tila mainip sa susunod nyang sasabihin.

"and...i'm just fucking jealous kapag si Fermin na ang involve" dugtong nya sabay yuko making she look like a kid na hiyang hiya sa kung ano ang nasabi .

"kay Fermin lang?" tudyo ko dito habang sinisilip sya sa pagkakayuko.

Kapagdakay, nag-angat ito ng mukha at binato ako ng naiinis na tingin.

"alam mong hindi lang sa kanya, damay na duon yung ilang nanlalandi sayo" seryosong tugon nito na ikinangiti ko. I don't know why but i find it cute kapag ipinapakita nya ang pagiging possesive nya. In that way ramdam na ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa kanya at kung gaanong naapektuhan sya sa mga mangilang-ngilang tao na pilit kumukuha ng atensyon ko.

"don't smile at me like that Ms. Buencamino. walang nakakatuwa sa sinasabi ko" saway nito when she noticed me grinning widely.

" eh bakit ba! sa naaaliw ako sa pagiging posesib mo" nakangiti kong tugon habang buong laya kong pinagmamasdan ang maganda nyang mukha.

"naaaliw o kinikilig?" tudyo nya habang matiim akong tinititigan.

"don't flatter yourself too much Ms. Sandoval" salag ko sabay ismid habang nakangiti.

"ah basta! malinaw at simple lang ang gusto kong mangyari. Sa akin ka lang. Period." kagyat na sabi nito na hindi alintana ang komento ko "one more thing" pahabol nito.

"ano na naman?" kunwaring nababagot kong sagot then roll my eyes t her.

"kung pwede lang.. " then she stop

"ano?" naghahamon kong tanong.

"..stop wearing sexy dresses kung ayaw mong makita ako sa loob ng kulungan" she said casually while throwing me her signature smirk.

"oh my God, Babe! ano bang pinagsasabi mo jan? " nanlalaki ang mga matang tugon ko kasunod ng mabining paghampas sa kaliwa nitong braso habang hindi pa rin mapuknat ang pagkakangiti ko.

"i'm dead serious Louise, don't be surprise if one of this days may mabalitaan kang nilumpo or binulag ko ng dahil lang sa pagtitig sayo" dugtong pa nito na bagamat nasa himig iyon ng pagbibiro ay hindi naman maipagkakaila ang nakalakip na mensaheng nanduon.

"your so possessive!" tangi kong komento habang natutuwa kong pinanggigilan ang magkabila nyang pisngi.

"yes i am at territorial din ako. Kaya please lang, from now on sa ikakatahimik ng lahat wag ka na ulit magsusuot ng ganyan" anito na bahagya pang inilayo ang kanyang sarili sa akin sabay nguso sa pang-baba kong damit.

"oo na po" i assured her "selosa!" kantiyaw ko, then gently place my both arms on her shoulders. All of a sudden , she giggled when she heard what I've said at kapagdakay sumeryoso ng itsura. She then rested her forehead against mine and glance at me silently. Wala sa sariling napapikit ako savouring our special moment sa gitna ng maalikabok at tahimik na kwartong kinaroroonan namin. Nanduon lang kami hugging each other na tila kuntento na sa kasalukuyang sitwasyon.

Wala akong pagsidlan ng kaligayahan ng mga oras na iyon at animo nilalamon ng kilig na bumabalot sa buong pagkatao. My heart is drowning from explainable feeling at hindi ko malaman kung paano iyon pahuhupain. Suddenly ng hindi ko na kayang i-contain ang naghuhumiyaw na emosyong nanduon ay nagpakawala ako ng buntong hininga kasunod ng marahang pagdilat at isinatinig ang isinisigaw ng sariling puso.

"i love you" anas ko with full of emotion while caressing her nape with my fingertips.

She just stared at me intently and sighed with contentment before she said something na muling nag-pasirko ng puso ko. "i love you too, My Girlfriend" in a very soft voice then she crossed the distance between us and sealed our love with a kiss na buong pagmamahal at laya ko namang ginantihan.

********

Continue Reading

You'll Also Like

149K 5.9K 28
Jazmine Lim Head cheerleader Only daughter Ms. Popular Brat as they say Meets Dominique Zivalgo Weirdo Nerd Transferee Intelligent ...
138K 4.2K 37
Magmamahal ka parin ba? Kung paulit ulit karin Masasaktan?! Wala naman talagang "forever!" Oh edi kayo na ang may love life!. Ako na ang bitter.. ~~~...
464K 17.1K 105
"What a plot twist you were."
465K 12.7K 60
This story is girl to girl (gxg) read at your own risk.