Ang BALOT ni PENNY (Completed)

By Shan_sky

348K 10.6K 1K

A lady who doesnt want to get involved in a gxg relationship, but eventually she did. Nov. 2016 - May 2017 More

Prologue:
My Note
Chapter 1: Kilalanin si Balot
Chapter 2: Kilalanin si Penelope
Chapter 3: Linger
Chapter 4: Remind myself
Chapter 5: Welcome heartaches?
Chapter 6: Why? That is why!!
Chapter 8: Hey! Wake Up
Chapter 9: Evergreen
Chapter 10: Bakit Ganito?
Chapter 11: Ligaw Tingin
Chapter 12: Now I know
Chapter 13: Strike sa Puso Ko
Chapter 14: Loooooveee Iiiiit!! :)
Patalastas
Chapter 15: Eh di Kayo Nah!
Chapter 16: Hmmm...Aminiiiin!
Chapter 17: Unang awit
Chapter 18: Alam Mo Ba?
Chapter 19: Closure
Chapter 20: Free to Love
Chapter 21: Laban na
Chapter 22: Sana lang
Chapter 23: Sudden Change
Chapter 24: Believe in love
Chapter 25: Smile on your face ^_^
Chapter 26: Unang Hakbang
Chapter 27: Tadhana
Chapter 28: Here she Comes
Chapter 29: Spag means first real kiss?
Chapter 30: Siya Lang
Chapter 31: Lovesick
Chapter 32: Crush?
Chapter 33: One Love
Chapter 34: Finally we Kissed
Chapter 35: Second Base
Chapter 36: 2nd Song: In My Life
Chapter 37: You're worth It
Chapter 38: Contented
Chapter 39: Hubad na Katotohanan
Chapter 40: 3rd song: Best that I can be
Chapter 41: Totoy Bibo Part 1
Chapter 41: Totoy Bibo Part 2
Chapter 42: Fit In
Chapter 43: Building memories
Chapter 44: To touch You, to love you
Chapter 45: Kaba
Hmmmm.....
Chapter 46: Undress Me
Mensahe Ko sa Lahat
Chapter 47 Part 1 (spg): Ako'y Iyo
Chapter 47 Part 2 (spg) : Ikaw Ay Akin
Chapter 47 Part 3 (spg): Tayo'y Iisa
Chapter 48: So What Now?
Chapter 49: Huwag na huwag
Chapter 50: All my Life
Chapter 51: BEST OF ME
Chapter 52: Dreaming?
Chapter 53: Be Mine
54: Pamamaalam
EPILOGUE: MORE! MORE!

Chapter 7: Smiley

5.8K 194 7
By Shan_sky

PENELOPE'S POV:

       HINDI ko naman inasahan kasi na sasama si Ma'm Balot kina Yesha at mas lalong hindi ko inaasahan na sasama pa siya sa taxi. Bago pa lang ako sa kompanya at nakakahiya namang tumanggi ako at mag-maganda diba?

      Pero hindi ko talaga kakasamahin si Balot hanggang bahay namin. Susko! Sa aura niya na butch talaga at fresh pa ang chismis sa tita Tere, naku ayaw ko ng mga interogasyon!! Though deep within, alam kong pag-iisipan ako na nanghuhusga pero 'yon eh. Mas tahimik ang buhay kung susunod na lang ako.

        Hiyang-hiya ako kay Balot pero she made sure naman na she understands. Bigla namang parang piniga ang dibdib ko sa sinabi niyang sanay na siya sa gano'ng treatment? Or siguro sa mga tao lang na hindi siya tanggap. Haaaay!!!

         Naglalakad ako papunta sa amin at sa lalim ng iniisip ko ay nabunggo ko ang kababata kong si Lexy.  "Uy Penny! Ano ka ba! Ang lalim ng iniisip mo? Pauwi ka pa lang?"
        "Eh...sorry! Inaantok lang, saan ka?"
        "Bibili ng gamot ni Benjong, nilagnat bigla, nag-ngingipin kasi. Dalawin mo nga minsan 'yung inaanak mo."
        "Sige itong weekend, kahit kasama ka, itreat ko kayo. Galing nga akong trabaho."
       "Oh siya sige, mag-ingat ka. Matulog ka ng maaga pag-uwi mo. At oo nga pala, umuwi na ba ang ate Tere? Totoo ba ang tsimis?"
       "Naku! Huwag mo ng intindihin 'yon Lexy. Quiet ka na lang."
       "Bakit naman kasi?!! Ang ganda-ganda ni Ate Tere, para namang mauubusan ng lalaki at sa babae pa pumatol?"
       "Lexy pelase? Sige na, mauna na ako."

        Pagdating ko ng bahay ay wala pang tao at nasa kanya-kanya pang lakad. Humiga ako sa kama at nag-isip. Ano pa kaya kung nakita ako ni Lexy na kasama si Balot? Patay na! Numero uno pa namang chismosa ang kababata kong 'yon.

        Bumangon ako, nagbihis at nagshower. Atsaka ko naalala na itetext ko nga pala si Balot. Naisip ko na lang na tawagan na lang siya. Ano kaya ang boses niya sa phone? Narinig ko na siya sa landline kanina eh. Dalawang ring lang at sinagot na niya agad.

       "H-helloo!" kabado kong sabi.
       "Oh Penny, okay ka lang ba? Parang may sakit ka na ha, o inaantok na?"
       "Nakilala mo agad ako?"
       "Oo, tsaka ikaw lang naman ang inaantay kong tawag eh."
       "Ah ganu'n ba. Asa'n ka na?"
       "Malapit-lapit na ring bumaba."
       "Ahhmm..ano, sorry nga p---"
       "Andito na ko Penelope. I'll just call you later. Tutulog ka na ba?"
       "Hindi pa naman, okay sige ingat ka."

        Nangiti ako pagbaba ko ng cellphone ko. Bakit may ganitong effect si Balot sa akin? Hindi ko maintindihan pero may kiliti sa puso ko at gusto ko ang nararamdaman kong 'to.

        Humiga na ako sa kama matapos kong ayusin ang mga gamit ko para bukas. Nasa bahay na siguro si Balot at nagpapahinga na. Napansin ko ring sunud-sunod ang meeting niya no'ng hapon at tambak ang paperworks sa tray niya. Pero hindi ko pa rin siya nakitaan ng pagka-bagot.

        Balot is a happy person. Simple, hindi complicated. She gets along well with people, parang wala kang maiipintas. I noticed how she treats common staff, VIP and small people.
Especially ang mga guards, janitors, messengers, she treats them all well. Hindi katulad ng ibang boss na maliit ang tingin sa mga blue-collar jobs.

       Oh my! Balot is occupying my mind now. Pinatay ko na ang ilaw ng kuwarto at binuksan sa level two ang aircon. Nagkumot at nagtakip ng unan. Bigla namang nag ring ang cellphone ko. Napabalikwas ako ng mabasang si Balot ang tumatawag. Alas onse ng gabi.

      "Hey! Did I wake you up?"
      "No, hindi naman. M-may ginagawa pa naman ako. Ikaw? Okay ba uwi mo?"
       "Yes, binigyan ko ng malaking tip si Kuya driver kasi dinaan niya ako sa shortcut."
        "Ang generous mo talaga no?"
        "Oo, para doble ang balik, hehe!"
        "Am Ma'm, sorry ulit kanina. I know I have offended you."
       "Not really, sabi ko naman sa 'yo sanay ako. Deadma lang. Huwag lang sana dumating ang time na kailangan kitang ihatid sa bahay niyo, sorry."
       "Let's see. Hindi ka pa matutulog?"
       "Hindi pa. May sasagutin pa akong mga emails."
        "Work?"
        "Yung iba, 'yung iba personal."
        "Ah...o siya sige, ibaba mo na at inaantok na rin ako."
        "Okay. Thank you for your hospitality kanina. And sana Penny, huwag kang mailang sa akin."
         "Okay sure no problem."
        "Pahinga ka na at sasbihin ko na sa 'yo na maraming event ang parating sa office. Ihanda mo na sarili mo."
        "Andyan ka naman tsaka si Ma'm Keilor eh, I wouldn't mind."
        "O sige na ganda, goodnight na."
        "Hahaha!!!"
        "O bakit ka natawa?"
        "Eh kasi naman expression mo, pang baklush, haha!!"
         "I really am gay no!"
         "Hahah!!! Whatever! Sige na, goodnight!"
         "Sweet dreams Penny, see you tomorrow."
        "Goodnight."

------
        Napaka-gaan ng gising ko kinabukasan. Parang nag-eecho pa ang boses ni Balot sa tainga ko. I smiled. Oh I just smiled thinking about her.:)
       Maaga akong nakapasok at sa pantry na ako nag-breakfast. Binaunan kasi ako ng nanay ko ng sinangag at tuyo bago siya pumasok sa trabaho.

       "Uy Penny! Goodmorning!" Bati sa akin ni Ma'm Keilor. Kumuha siya ng tubig sa water dispenser. "Ang sarap ng food mo."
       "Oo nga po eh, okay lang po ba 'yung amoy ng suka dito? Bibilisan ko na lang pong kumain."
       "Ha! Ha! Mabilaukan ka naman 'nyan. Sige enjoy your agahan."

        Maya-maya ay pumasok naman si Yesha na nagtake out lang sa Jollibee, pancake. "Tara Yesh, tabi na tayo. Andyan na ba boss mo?"

        Humila siya ng upuan at umupo sa tapat ko. "Oo, andyan na si Ma'm Balot, sa labas daw siya mag-agagahan. May kasama siya eh."
       "Kasama?" Tanong ko at sana ay hindi niya mahalata na interesado ako.
        "Oo babae, nakita ko na 'yun dati," sagot niya at humigop muna siya ng hot choco. Iniba ko na lang ang usapan dahil parang nawala ako sa mood.
        "Dami ka bang work?"
         "Oo, ifa-finalize ko 'yung mga list ng mga empleyadong naka-line up sa orientation sa office policy. Sinama na kita ro'n at si Ma'm Balot magko-conduct no'n eh."
        "Ah kelan 'yan?"
        "Sa isang araw na."
        "Kamusta tatay mo Yesha?"
       "Iuuwi na namin bukas. Broke na kami eh. Sa bahay na lang namin hihintayin."
        "Ready ka na ba?"
        "Oo naman, lahat naman kami sa family handa na. Mas masakit kasi yung nakikita naming kami lumalaban, pero 'yung may katawan, sumusuko na."

          Hinagod ko na lang ang likod ni Yesha. "Bilib ako sa family mo Yesha. Sana ganyan din akong katatag katulad mo."

         After breakfast ay nauna na si Yesha sa station niya. Styro naman ang lalagyan niya kaya deretso sa trash can. Ako naman ay naghugas pa ng baunan. After a while ay naramdaman kong may pumasok sa pantry at kumuha ng tubig. Nakaharap kasi ako sa lababo kaya't hindi ko nakikita ang mga pumapasok.

        Narinig kong binuksan niya ang ref at kumuha ng yelo. Pagharap ko ay di sinasadyang napalapit ang mukha ko sa kanya dahil humakbang siya palapit sa akin dahil sa paper towel na kukunin sana niya. "Balot!!"

        Muntik ko na siyang mahalikan sa sobrang lapit namin. Bumilis ang tibok ng puso ko at muntik ko ng mabitawan ang tumbler ko. Ang bango niya!

        "Oops! Sorry! Pumihit ka kasi bigla," sagot niya habang nakangiti.
        "Eh hindi ka kasi nagsasalita! Malay ko ba?!"
        "Sorry! Sorry! Ang ganda mo pa naman ngayon, bawal magsungit..."
        "Gano'n? Ngayon lang ako maganda? Eh sino maganda para sa 'yo? 'Yung kasama mo kanina?"
        "Nakita mo kami?"
        "Hindi, hula ko lang!"

        Natawa siya. Bago pa ako tuluyang manghina sa kacute-an niya at sa smile niya, tumalikod na ako pero mahina niya pa rin akong tinawag.
       "Penny..."
       "O?" Nilingon ko siya.
       "Good morning!!!" Magiliw niyang sabi. Sumagot na ako bago pa siya mangulit ulit.           "Goodmorning din!"

        Bago ako pumuwesto sa mesa ko ay dumeretso na ako ng washroom para mag toothbrush at mag konting make-up. Para pag-upo ko mamaya ay dere-deretso na ang trabaho. May ilan akong officemates na bumabati na rin sa akin. Medyo nahihiya pa rin ako dahil hindi naman talaga ako friendly na tao.

        Ako na lang naiwan sa CR dahil mahaba pa naman ang oras ko. Pumasok si Balot para magtoothbrush din.

       "Hi!" Bati niya. Ngumiti lang ako. Ang bango bango talaga niya.
       "Ang ganda ng make up mo, turuan mo nga ako," biro niya.
      "Naku, huwag na. Maganda ka rin naman kahit light powder lang," sagot ko.
       "Joke lang! Alam ko namang hindi bagay sa akin ang mag make up eh."

        Nagba-brush na lang ako ng buhok when she started to do her routine. Brush teeth, face powder, light lipstick, at nag apply siya ng vitress sa short brown hair niya. Binagalan ko talaga magsuklay dahil sa gilid ng mata ko ay naaaliw akong pagmasdan siya. Mabilis lang siyang kumilos. Pumasok si Balot sa isang cubicle para mag wiwi.

       Huminga ako ng malalim dahil parang naninikip ang dibdib ko sa kaba na nandito sa loob ng Cr si Balot na kasama ko. Hay grabe!

        "Ang lalim no'n ah!" sabi niya habang nasa loob pa rin siya. Narinig pala niya ang buntung-hininga ko. Hindi ako sumagot sa sinabi niya.

        Maputi si Balot. Sa unang tingin ko noon ay medyo chubby siya pero malaman lang pala at may korte naman. Iba talaga ang effect niya sa 'kin dahil first time sa buhay ko ang manuri ng kapwa ko babae.

       Pag-labas niya ng cubicle ay humarap ulit siya sa salamin. Sinuklay ang buhok na gamit ang kamay niya. Humarap siya sa akin.
       "Pogi na ba ako Penny?"
       "Baliw! Babae ka at maganda, hindi ka pogi."

        Oo, gusto ko pa rin isipin niyang babae siya kahit porma at gupit lalaki siya.
       "Pogi ako, pogi! Hmpf!"

        Umiling na lang ako. Napatingin siya sa kamay niya. "Tsk! Nagpapawis na naman ang kamay ko, ang aga-aga!"
       "Hindi mo pa ba papatingnan 'yan?"
       "Ilan ulit na rin pero bumabalik pa rin sa dati eh."

       Nag-research ako sa sakit ni Balot. Hyperhidrosis ang mayro'n siya at puwede namang operahan. Binuksan ko ang pouch ko. Kinuha ko ang pulbos.

       "O," abot ko sa kanya.
       "Hindi ako nagpupulbo."
       "Alam ko, pero nabasa ko kasi na makakatulong ang paglalagay ng pulbos sa palad mo para huminto or maibsan kahit papano. Natry mo na ba?"
       "Nope."

        Kinuha ko ang kamay niya at ako ang naglagay sa palad niya. Inikot ko ang pagkalat ng powder sa buo niyang palad. May init na hatid sa katawan ko ang pagdaraop ng palad namin.
Ang sarap hawakan ng kamay niya.

       "'Yan, ganyan. Ganito mo siya lagyan. Tapos eto, etong pulbos na 'to, extra ko. Sa 'yo na to."

       Nag-angat ako ng mukha at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin na naka-awang ang bibig.

       "Huy! Pasukan ng langaw 'yan! Isara mong kaunti," tukso ko. Natawa ako ng bigla niyang sinara.
       "T-Thanks!"

        Lumabas na ako ng CR at nagtrabaho na. I keep myself focused sa work. Si Balot kasi ay paminsang-minsang pumapasok sa office namin para kausapin si Ma'm Kei. Hindi ako makahuma kapag malapit si Balot eh. Tumitibok ng malakas ang puso ko. Lagi pa siyang mabango, kainis!

      The next day ay napaaga ang orientation sa mga newly hired. As mentioned, si Balot ang nagconduct ng training. Akala ko nga ay hindi matutuloy dahil nakatext ko siya nung gabi na masama ang pakiramdam niya.

       While at the front ay confident na confident sya sa pagsasalita. Natutulala naman ako kasi...ano...kasi maganda si Balot. Simple at...shit! Naaakit na ako sa kanya. Ang galaw ng labi niya, parang nag-aaya na mahalikan. Ang lakad niya parang nag-aaya ng yakap. Ang ngiti niya, parang...nag-aanyaya ng pagmamahal. Nagde-daydream na ako!!!

       Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay bigla siyang napa-ubo. Bigla namang nagising ang ulirat ko. She excused her self at lumabas. Sinundan ko siya sa CR. Iba ang ubo niya, may plema na.

       "Masama na 'yan Ma'm ah, baka puwedeng ituloy na ni Yesha ang talk mo?"
      "No, I'm fine. Urgh! Urgh!!" ubo pa niya ulit.
      "Yan ba ang okay? Ano ka ba naman Balot?"
       "Mawawala rin 'to, uminom naman na ako ng gamot."

       Nakita kong nagpapawis ang kamay niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. I grabbed her hand and wiped those with my hanky. Parang gusto ko ng magbaon lagi ng pulbos sa mga bulsa ko para sa kaniya.

       "Kaya pa ba?" Tanong ko sa kanya na nakatingin sa mata nya habang pinupunasan ko pa rin ang kamay niya.
       "Oo, s-sige salamat."
       "Sige, bumalik ka na ro'n at kukunin ko ang pulbos ko. Ilang minutes na lang naman at afternoon break na."
       "Penny..."
       "Isa?! Sige na, labas na. Huwag ng sumagot."

       Bumalik ako sa office at kinuha ang powder ko. Inabot ko sa kanya during break time. Tahimik lang akong nagmeryenda ng pansit, snack sa training.

I texted her. "Take care of yourself Always."

I'm not expecting for a reply but she did.

"Why? Malulungkot ka ba pag may nangyari sa akin?"
"Oo naman! Mawawalan ng magaling na trainor ang SILVERCROWN!"
" :( "
" ^___^ "
"You make me smile Penny."
" ^___^ "
"Can I invite you for a dinner tonight?"
"Walang hatid?"
"Walang hatid."
"Ok."
"Yey!"
"OA mo!"
" ^___^ "

***********************************

Thank you for reading...
Vote po and comment pls..
;)

Shan

nov.8,2016

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 551 8
[On-going] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.
624K 18K 51
*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come Louise enjoyed that kind of thing sa tao...
641K 16K 55
Matagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie...
388K 8.4K 44
I love you but you can't love me back.