Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 42: Fallen

56.4K 1.2K 394
By RenesmeeStories

Note:

SORRY NGAYON LANG. ANG DAMI KO TALAGANG GINAGAWA NITONG NAKARAAN. SORRY DIN SA LAHAT NG ERRORS AHEAD. MADAMI DAMI DIN. HINDI AKO MAKAPAG-EDIT. TAMBAK TALAGA AKO. :(

Perooo! Omigooshhh! Omchiii~ *happy dance*

Liars Catastrophe won the "TALK OF THE TOWN" sa Wattys 2016. Party~ Haha.

PS: Comment kayo sa reaksyon ninyo sa chapter na 'to! :) Gusto ko talaga malaman ang reaksyon ninyo... Kaya hindi ko na patatagalin pa! Basa naaa. :)

42: After the Fall ( Fallen )
Nathaniel Gabriel's POV

1 month later...

Nararamdaman ko sa puso ko ang matinding bigat at para bang nasa loob pa din noon ang matinding sakit. Napabuntong hininga na lamang ako, at saka tumingala para pagmasdan ang napakaliwanag na kalangitan. Purong asul ito at walang kahit anong ulap na tumataklob sa sikat ng araw. Mahangin din at maginhawa ito sa pakiramdam.

Matinding kabaliktaran ang ipinapakita ng panahon sa aking nadadama. Para bang may nakakulong na matinding lungkot sa puso ko at hindi ko iyon mapakawalan dahil iyon mismo ang kumakapit sa akin sa loob nang isang buwan.

Napakaraming nangyari, napakagulo nang mga naganap, napakasakit pa din tanggapin ng lahat kahit napakadaming araw na ang lumipas. How could I even move on when everything seems like yesterday? Ang hirap kalimutan nang lahat ng nangyari nitong mga nakaraan.

Napatingala na lamang ako sa langit dahil pakiramdam ko may tutulong luha sa mga mata ko kung hindi ko pa gagawin ito. Nagpakawala ako nang maraming malalalim na hininga, at hinayaan ang sarili na kumalma.

Tensyonado pa din ako ngayon kahit tapos na ang lahat. Nangangamba pa din ako kahit nalampasan na namin ang gyera. Higit sa lahat malungkot at nasasaktan pa din ako dahil marami kaming kinaharap na pagsubok na kinailangan naming lampasan. Lahat ng nagawa namin sa laban, may kabayaran.

In every battle, someone would die... It's an inevitable situation.

Hindi porket malakas, makapangyarihan, mautak at matapang ka... malalampasan mo na ang lahat, na mabubuhay ka. Minsan kasi kahit anong laban mo, itutumba ka pa din kung iyon naman ang nakatadhana sa iyo.

Napapikit na lamang ako ng madiin. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang lungkot at sakit. Wala namang masamang maramdaman ang mga iyon hindi ba? May buhay na nagbayad, may buhay na nawala... ang hirap tanggapin... ang hirap...

"Pards..." Marahan akong napamulat matapos kong marinig ang isang tinig na tila tumatawag sa akin. Naramdaman ko din ang pagtapik nang isang kamay sa aking balikat dahilan para mapalingon ako sa taong iyon.

"Skyler." Saad ko sa kaniyang ngalan. Tumango na lamang siya sa akin at saka pinagmasdan ang kalangitan.

"Tara doon, nag-iintay sila." Pahayag niya at saka ako muling tinapik at saka nagpamulsa at nagsimula nang maglakad. Pinagmasdan ko ang likod niya. Kahit ngumiti siya, alam kong nararamdaman din niya ang lungkot at poot.

Napa-iling iling na lamang ako at saka nagsimulang maglakad para sundan siya. Kada tapak ko sa berdeng mga damo, ay ang pagkahagip ng mga mata ko sa mga lapida na nakalagay sa damuhan.

Nasa simenteryo kami ngayon dadalaw sa puntod nila.

Hindi ko pa din akalain na sa ganito matatapos ang lahat. Hindi ko pa din matanggap na may magbubuwis ng buhay. Isang buwan na ang lumipas pero ganito pa din ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil hindi ko siya naprotektahan... Marahil nagsisisi ako sa mga nagawa ko noon... At marahil... hindi ko pa kaya tanggapin ang lahat.

Habang papalapit kami nang papalapit sa puntod nila ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Pati yata yapak ng paa ko sa lupa ay tila bumabaon na dahil pakiramdam ko tumatatak doon ang damdamin ko.

Regrets. Siguro isinisigaw iyan sa akin ng puso ko ngayon.

"Pards! Nate!" Narinig kong tawag ng doofuses at saka ng mga kaibigan niya. They are all standing, looking at the graves, with those sad gazes... Alyx and Shana were placing flowers on each tombs, while the others were praying and lighting the candles silently.

Kagaya nang nakasanayan siya ang hinanap ng mga mata ko, pero hindi ko siya natagpuan doon kaya naman napapikit na lamang ako nang panandalian at saka napabuntong hininga. Dumiretso na ako papunta sa kanila. Nginitian nila ako... Ngiting malungkot.

"Nangungulila pa din ako sa kaniya..." Malungkot na sabi ng kapatid ko. Agad ko siyang dinaluhan at saka inakbayan. Inilihis niya ang ulo niya sa akin at saka idinantay iyon sa dibdib ko. Ramdam ko ang matinding pangungulila niya.

"Ang dami kong hindi nasabi sa kaniya at matinding pagsisisi ang nararamdaman ko." Dagdag pa niya sa mahinang tinig. Nababasag ang boses. Alam ko na agad na may mga tubig na natumutulo sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko man lamang siya napasalamatan sa lahat lahat nang nagawa niya para sa akin... para sa amin..." Doon ko narinig ang panginginig ng boses niya na tila ba hindi na kaya pang umimik.

"You need to be tough." Mahinang bulong ko. Hindi na tinangkang magsalita pa ng mas mahaba, mas ginusto nang iklian na lamang ang lahat para hindi na makadagdag sa sakit na nararamdaman niya.

Niyakap na lamang niya ako at ginantihan ko na lamang siya. Sa ganoong paraan pakiramdam ko kahit papaano naiibsan noon ang sakit na nararamdaman niya.

"Sorry for everything, thank you for everything, we miss you everyday..." Napalingon kami ni Lian noong marinig namin ang pahayag ni Shana. Maikli iyon pero tagos sa puso. Mararamdaman mo doon ang lahat nang ikinukubli niyang damdamin. Maging pangungulila at takot ay maririnig mo sa kaniya. Sinserong sinsero. Walang halong ibang intensyon kung hindi paiparating iyon sa kaniya... sa kanila.

"Akala ko ba may happy ending? Bakit kayo walang happy ending? Ako iyong nasasaktan para sa inyo. Kung pwede lang hukayin iyang lupa tapos mabubuhay na ulit iyong mga namatay. Ang tagal ko na sigurong nagawa. Bakit ba ang aga mo kaming iniwan?" Halos ngumawa si Alyx habang sinasabi iyon. Inalo agad siya ni Anthony. Kahit pabiro ang pagkakasabi niya hindi mo maikakaila na nasasaktan din siya kagaya namin.

They've been through so many things together...

Umiiyak ang tatlong magkakaibigan habang inaalo sila ng mga nobyo nila. Pinaubaya ko na din si Lian kay Timothy dahil alam kong gusto din ng kapatid ko mahagkan ang kasintahan.

Tahimik lamang kaming tatlo nina Skyler at Annicka. Annicka's deep breaths were the evidence of her heavy feelings. Nakatitig lamang siya sa umiiyak na mga kaibigan niya. Pakiramdam ko nga ay maiiyak na din siya habang tinitingnan sila na nagluluksa. Hindi ko sila mapigilan, itong araw talaga na ito iyong masakit sa kanila.

It's her birthday after all... but the thing is... she is not here anymore.

Idagdag mo pa ang mga puntod na katabi niya. Nakakalungkot isipin na marami ding nagbuwis ng buhay para lamang sa mga kasinungalingan at kahangalan na naganap. Parang kapag naiisip ko na wala na sila sa mundong ito, ako ang nanghihinayang dahil hindi nararapat sa kanila ang kamatayan na iyon.

Lalong lalo na sa kaniya...

Pinagmasdan ko na lamang ang mga nakahanay na puntod sa harapan ko. Ang mga nakaukit na pangalan doon ay hindi dapat nakalagay doon. Kung naagahan ko lamang sana ang lahat... Sana walang ganito... Sana hindi ito nangyari.

Limang puntod lamang naman ang dinalaw namin ngayon.

May mga bagay talagang hindi mo hawak, may mga bagay na hindi mo aasahan, at may mga bagay na nagwawakas. Kahit hindi mo tanggap, kahit hindi mo gusto, kahit hindi mo inaasahan. Buhay ito, ganito kami pinaglaruan ng buhay at tadhana.

"Minsan ba naiisip mo na parang panaginip lamang ang lahat?" Napalingon ako kay Annicka noong marahan niya iyong bigkasin. Tahimik akong napatango. Minsan nga naiisip ko kung totoo bang tapos na ang lahat o hindi pa?

"Sana nga, panaginip lamang. Isang masamang panaginip lamang, pagkatapos gigising tayo maayos na ulit ang lahat, na tuloy ang takbo ng buhay natin." Sagot naman ni Skyler habang nakatanaw sa mga kaibigan naming umiiyak sa puntod.

"Mahirap pala talagang tanggapin ang katotohanan na ito ano?" Malungkot kong sambit. "Tapos na nga ang lahat pero ang lungkot ay nanatili sa atin." Aking dugtong habang nakatingin sa kawalan.

"Pati inosente nadadamay, kahit wala namang kinalaman sa gulo natin. Nadamay. Hindi ko siya kaano ano, pero awang awa ako sa kaniya..." Annicka's voice broke while saying those, and I already knew she's crying without even looking at her, my heart felt the grip. I am so sick of this... I am so tired of this...

Innocent, losing their lives because of the lies...

Napatitig na lamang ako sa mga pangalang nakasulat sa puntod.

Sabrina Claudette Jimenez.

Peter Felix Augustin.

Ililipat ko na sana ang mga mata ko sa kasunod na pangalang nakasulat pero may naramdaman akong kakaiba. Kaya naman napalingon ako sa paligod. Doon ko napansin ang dalawang babaeng naglalakad papunta sa direksyon namin.

Tipid ko siyang nginitian at saka ako dumalo sa kaniya. Agad siyang humawak sa may baiawang ko at tiningnan ang mga kasama namin. "Be careful, baby." Marahang paalala ko. Naramdaman ko namang kinurot niya ako sa tagiliran dahil doon. At sininghalan pa ako.

"Nandito tayo para magluksa, huwag kang kiri." Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama. Hindi na bago iyon para sa akin at sanay na ako. Hinalikan ko na lamang ang kaniyang noo.

"Princess..."

"Empress..."

Napalingon silang lahat sa amin noong mapansin nilang nandito na si Light at ang kambal niya. Nagbigay na din sila ng daan para makapunta ang kambal doon sa puntod.

Tahimik akong sumama kay Light para puntahan ang puntod ng tita at tito niya. Wala siyang imik pero alam kong katulad ko ay mabigat ang nararamdaman niya. It's Miss Sabrina's birthday today. Naging parang nanay na din siya sa asawa ko kaya naman matinding respeto ang alay ko sa kaniya.

Nag-alay kaming dalawa ng dasal. At kahit hindi umiiyak si Light ay nararamdaman ko ang sinsero at lungkot niya para sa tita niya. Maging ako ay nakakaramdam din ng panghihinayang dahil magandang buhay sana ang kakaharapin nilang dalawa ni Uncle Peter kung hindi lamang sila binawian ng buhay.

Medyo natagal din kami ni Light sa dalawang puntod na iyon. "Happy birthday, tita Sab." Narinig ko ang marahang sambit niya at saka hinawakan ang lapida. Tumayo na din kami matapos noon.

Nilampasan niya ang isang lapida. Iyong lapida na pangalan ni Gloom ang nakasulat. Marami pa din akong tanong tungkol sa kambal niya pero hindi namin iyon inuungkat dahil gusto naming huminga mula sa lahat.

Sapat na sigurong nandito na ang kakambal niya para mapawi naman ang lahat ng paghihirap niya.

Kasunod na pinuntahan niya ay may kalayuan sa puntod noong tatlong nauna. Naglakad pa kami papunta doon. Hindi pa man kami nakakalapit doon ay naramdaman ko na ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Ang puntod na iyon ang dahilan ng lungkot at pagsisisi naming dalawa. Ang takot at sakit sa puso namin nanatili doon dahil sa nakalibing sa lugar na iyon. Narinig ko ang matinding buntong ni Light dahil nakalapit na kami doon.

Agad siyang lumuhod sa damuhan at saka maingat na hinaplos ang makinis at makintab na lapida nito. "Patawad..." Narinig ko ang pagpiyok niya senyales na maluluha na siya. Napasinghap siya at mabilis na tumingin sa itaas upang pigilan ang luha.

"Patawad, nadamay ka pa. Patawad, hindi kita nagawang iligtas..." Agad kong hinagod ang likod niya dahil doon.

"It's not your fault. Ginawa mo ang lahat maligtas lamang siya." Mahinang sabi ko sa kaniya umaasang gagaan ang pakiramdam niya pero alam kong hindi iyon tatalab dahil maging ako mga ay hindi ginaganahan nang ganoon.

"I was there... I survived, but this little one did not." Agad akong lumuhod para pantayan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan doon ang luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay nanubig agad ang mga mata ko dahil nakita ko siyang umiiyak nanaman dahil sa kaniya.

"Shh." Pang-aalo ko, at saka ko siyang ikinukong sa bisig ko.

Mapatawad mo sana kami Angel... Hindi ka pa man sinisilang sa mundong ito natapos na ang buhay mo dahil sa walang kwentang gyera namin.

Cassidee had a miscarriage after the car incident. Sa totoo lamang, hindi ko na naalala ang dinadala ni Cassidee noong pagkakataong iyon dahil sa matinding takot ko para kay Light. Isa siguro sa dahilan kung bakit nasasaktan pa din ako kasi pakiramdam ko napakamakasarili ko noong pagkakataong iyon.

Si Light... Napuruhan si Light noong pagkakataong iyon. Matinding takot ang naramdaman ko. Halos mabaliw yata ako noong araw na iyon. Hindi alam kung sino ang unang iisipin at aalalahanin. Blanko na napakagulo. Iyon ang mga salitang maglalarawan sa matinding nararamdaman ko noon.

Noong naliligo si Light sa sarili niyang dugo, para akong mawawala sa katinuan. Ang kabog ng dibdib ko noon ay walang mapagsidlan. Laking pasasalamat ko na lamang noong magising siya matapos ang isang linggo mula sa pagkakatulog dahil sa insidente.

Pero... Noong magising siya ang inalala niya agad ay ang bata... Laking takot at gulat ang bumalot sa kaniya noong malaman niyang hindi ito nakaligtas sa insidente. Isang araw siyang walang salita at walang kain. Samantalang ako ay walang magawa para sa kaniya. Pakiramdam ko sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari.

Napakabait niya... kahit pilit niyang itinatago ang mabuting puso niya, kusa iyong lumilitaw sa pagkatao niya. Katulad ng sabi ni Cassidee, paano nga kaya kung anak ko talaga iyon? Subalit, imbis na magtanim ng galit sa bata, mas nangibabaw pa din sa kaniya na dapat niya iyong iligtas na tila ba isang obligasyon.

Akala ko hindi na magiging maayos si Light ngunit isang araw noong makausap niya si Cassidee bago ito umalis ng bansa ay naging maayos na siyang muli. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila subalit nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Maayos naman na siya, ngumingiti na, sadyang ngayong araw na ito ay hindi namin mapigilang maging emosyonal. This little angel's life was wasted because of our pathetic war.

Medyo natagal pa kami ni Light sa puntod niya, matapos iyon ay pinuntahan namin ang huling puntod. Nanatili kaming nakatayo at nakatitig sa lapidang iyon. Ang pagkamatay niya ang gumulat sa aming lahat...

Catherine Servilla.

Iyon ang pangalan na nakalagay sa lapida.

Noong gabing iyon ay napakaraming nangyari na naghatid sa kaniya sa hantungan niya ngayon. Kaya din umalis si Cassidee ng bansa kasama ang ama niya dahil wala na silang babalikan pa dito.

The Empire... Empire just collapsed... It crumbled. It is now a history.

Wala na sila. Natalo sila at itinanggal na ng Diablo ang lahat lahat sa kanila. Ang pagbagsak nila ay sadyang nakakabigla para sa iba pero sa paglipas ng panahon ay natanggap din nila iyon.

The gang's family who were once part of it, they were staring anew.

Sa tulong ng diablo ay naging maayos naman ang lahat. Wala nang kumplikasyon. Ang tanging natitira na lamang ngayon ay ang matapos na ang mga pagluluksa namin para makaahon na kami dahil maayos na mundong ginagalawan namin ngayon.

This was what we aim for... This was the result of the battle.

Siguro nga malungkot pa kami ngayon pero siguro naman magiging masaya na kami hindi ba?

Some might have a tragic ending like Miss Sabrina and Doctor Peter's story... Ours? We were only on the half chapter... I hope it would turn out well.

Matapos namin pagmasdan ang himlayan ni Mrs. Servilla ay tuluyan na kaming bumalik sa mga kaibigan namin. Inalalayan ko din si Light papunta sa kanila. Kahit papaano kumalma na sila hindi kagaya kanina na napakabigat ng atmospera.

"Kailangan na nating umalis. Mahuhuli tayo sa flight." Gloom said while gazing at her twin. Tumango naman ng marahan si Light.

"We should go." I demanded mellowly. They agreed politely. Nag-paalam sila sa itinuring nilang pamilya at saka kami naglakad paalis ng sementeryo para pumunta sa airport.

Kaniya-kaniya kami ng dalang sasakyan dahil na din sa mga bagahe. Matapos ang isang buwan, napagpasyahan namin na lumabas ng bansa at pumuntang Seoul, dahil hindi kami makakaalis sa nakaraan kung patuloy kaming magmumukmok doon, at higit sa lahat tapos na ang lahat. Hindi na namin kailangan mangamba pa. Payapa na ang buhay namin.

Ang mga parents namin ay ligtas na din at wala na sa alanganin. Alam na din nina Mom at Dad na kasal na kami ni Light. Hindi sila kumontra o kung ano man, binati lamang nila kami na sana maging masaya kami sa mga darating pang panahon.

Lian and dad had a talk about Lian's mother, hindi ko alam ang buong detalye, pero hindi si dad ang pumatay sa mommy ni Lian. It was another member of the Gangster Empire who killed her mother. Inapela na iyon sa diablo, kaya naman naparusahan na ang mafia na pumatay sa mommy niya.

Everything's all settled. Wala na kaming problema, tanging ang lungkot sa dibdib na lamang ang aming dinadala. Sana sa pagpunta namin sa Seoul maging maayos na ang lahat, lalong lalo na at malapit sa puso ni Light ang lugar na iyon dahil doon na siya halos lumaki.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse sa shotgun seat para papasukin si Light doon. Walang imik siyang tumalima, kaya't pumunta na ako sa driver's seat. Nauuna ang sasakyan nina Annicka at Skyler. Sumunod ang kayna Lian at Tim, pagkatapos ay kami, nasa likod ang sasakyan nina Anthony at Jacob.

***

Hindi din nagtagal noong makarating kami sa airport. Tahimik lamang si Light at pinagmamasdan ang paligid niya habang nakahawak sa kamay ko. Paminsan minsan ay nagbubuntong hininga habang hinihintay tawagin ang flight namin.

"Hindi ka ba masaya na tapos na ang lahat?" Tanong ko sa kaniya. Napa-angat siya mula sa pagkakasandal sa dibdib ko at saka humarap sa akin. Nakita ko ang pagtaas nang kaunti ng isang dulo ng labi niya senyales na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ikaw ba sasaya ka kung namatay iyong mga inosente dahil sa iyo?" Sarkastikong sambit niya.

Napailing iling na lamang ako. "Ilang beses mo ba kailangan sisihin ang sarili mo? Light, hindi na nakaraan ang pumipigil sa iyo maging masaya. Sarili mo na mismo. Kailangan mo ba papalayain ang sarili mo sa sakit?" Makahulugang banggit ko sa kaniya.

Napansin ko na napatitig lamang siya sa akin at hindi makasagot o kaya'y makaimik ng gugustuhin niyang tugon. Ang tingin sa mga mata niya ay nagsasabi ng pagkalito at ang pagtanggi ng lahat ng narinig dahil alam niyang totoo lahat iyon.

"Light... Set yourself free... I want to see your bright side again." Mahinahong sambit ko at saka pinisil ang kamay niyang hawak hawak ko. Napabuntong hininga siya at saka umiwas ng tingin.

Natahimik nanaman kami dahil doon, at hinayaan ko na lamang siya na pag-isip isipan ang mga binitawang salita sa kaniya. Alam kong nakuha niya ang punto ko, at alam kong pagkukumbinsi lamang naman sa kaniya ang makakapagtulak sa kaniyang iwan na ang nakaraan kung saan siya nakakulong, gayong bukas na bukas na pinto noon patungo sa kasalukuyang maliwanag.

Habang nag-iintay napansin napalingon ako sa mga kasama namin at hindi kagaya kanina na umiiyak o nalulungkot sila, ngayon ay mararamdaman mo na ang gaan ng paligid at ng pakiramdam. Nagkwekwentuhan sila at ngumingiti kapag nagbibiruan.

Ang mga babae ay nangungulit na din sa mga kasintahan nila. Makita ko lamang si Lian na masaya, kahit papaano nagiging magaan na din ang pakiramdam ko. Pero kung si Light ang makikita kong masaya? Paniguradong lahat ng bigat at lungkot sa puso ko ay mabubura na lamang ng hindi ko na papansin.

Ilang sandali pa narinig na namin sa nag-aanunsyo na maari na kaming tumuloy sa eroplanong sasakyan namin. Natutuwa at halata ang pagkasabik ng mga kasama namin patungo sa daan na tinatahak nila.

Napangiti na din ako kahit papaano. "See them? Pagod na silang lahat na manatili sa nakaraan, at ngayon nakikita ko na ang mga ngiti nilang totoo at ang kasiyahan nilang hindi mapapantayan ng kahit ano." Sambit ko habang nakatingin sa kasamahan namin.

"Seeing them happy makes me feel happy too. Siguro nga tama ka." Maikling pahayag niya na ikinalito ko, pero laking gulat ko na lamang noong higitin niya ako patungo sa kanila na animo'y tumatakbo.

Napangiti na lamang ako dahil doon. Mukhang magsisimula na siyang maging totoo sa sarili niya. The glimpse of her smiling eyes makes my heart flutter and makes my mind at ease. That's right, Light... Set yourself free.

Magaan ang mga hakbang naming lahat habang papunta sa eroplano, at noong makarating kami doon ay agad kaming nagsitungo sa kani-kaniyang upo. Magkakatabi kami bawat kapareha kaya't hindi na nagkaroon ng problema.

Naunang umupo si Light para katabi niya iyong bintana, at ako naman ang kasunod. Pinagmamasdan lamang niya ang tanawin mula sa bintana at mukhang malalim ang kaniyang iniisip.

Si Gloom naman ay nasa unahan namin at walang ibang katabi. Minsan tahimik, minsan maingay. Kaparehas nang ugali ni Ayah Lynn Rivera, pero hindi sumosobra. Mas sobra pa din talaga si Light noon.

Bigla kong naalala ang mga katangahan niyang ginawa noon. Lalong lalo kapag sinasabi na niya iyong mga nasa isip niya ng hindi sinasadya. I suddenly miss that personality. Hindi ko mapigilang matawa noong maalala ko kung gaano ka isip bata ang isang iyon.

"Hey, why are you laughing?" Sita ni Light sa akin. Tiningnan ko siya dahil doon at saka ko naalala ang mga nakakatawang sinasabi ni Rivera noon. Noong mga panahon na hindi ko makalimutan si Light, nagawa ni Rivera na alisin siya sa isip ko. How weird. I fell for the same person twice, even though their personalities are polar opposites.

Napakunot noo si Light noong tumawa ulit ako ng marahan. Idinikit ko ang noo ko sa ulo niya. I smiled playfully. "Sag-app-oh." Natatawang sambit ko, nakita ko kaagad ang pagkagulat sa mata niya at ganoon din ang pamumula ng tainga.

I could not help but grin widely. She's so cute. "D-u-m-m-i-e." Marahang bigkas ko pa sa katagang iyon. Nakita kong biglang pagnguso ng labi niya at noong sana'y hahalikan ko na iyon ay bigla niyang inuntog ang ulo niya sa ulo ko.

"Argh!" Hindi mapigilang sigaw ko sa mababang tinig. Tsk. Napahawak tuloy ako sa noo ko at saka ko napansin si Light na tatawa tawa sa upo niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Asar na tanong ko. Panira talaga nito minsan.

"Bakit ka kasi tatawa tawa." Angal pa niya. I pinched her nose and giggled. "Selosa ka din talaga e." Pangloloko ko sa kaniya. Kokontra sana siya pero pinigilan ko na. "Huwag kang magselos sa sarili mo, huwag kang abno." Natatawang hirit ko sa kaniya, kaya't nakaramdam ako ng hampas sa braso.

"Bwisit ka. Ano nanaman naiisip mo?" Pagalit na tanong niya pero halata namang gusto na din tumawa. Itong mga simpleng usapan, at mga simpleng lokohan na na ganito ang isa sa matagal ko nang inaasam, sa wakas nagagawa na namin.

"Si Ayah Lynn Rivera." Sagot ko sa kaniya. "I kind of miss her." Pagsasabi ko sa kaniya.

"Tsk. So, mas mahal mo siya?" Nakahalukipkip na wika niya. Agad akong napahagalpak ng tawa dahil doon, kaya't nakuha ko ang atensyon nang mga kasamahan namin at pati na din noong ibang pasahero.

Hindi ko sila pinansin at napa-iling iling na lamang ako. "Ikaw din naman iyon. I just missed her carefree attitude and smile. Si Rivera kasi malambing sa akin." Nakangisi kong pahayag.

"Pero hindi hamak na mas mahal mo si Light." Parang batang maktol niya. Geez. Siguro nga mas malaki ang nakuha niyang personalidad mula sa kakambal niya noong si Rivera pa siya, subalit, may pagka-isip bata din talaga itong si Light, ayaw lamang niya ipakita. The sweet and innocent Light.

"No matter what your personality is, no matter who you are, my heart belongs to you." Kinindatan ko pa siya, kaya't agad niya akong tinulak tulak para paalisin sa upuan ko. Ngayon ko talaga na kikita na nandoon pa din ang ugali niyang parang si Rivera. She's so cute when she's pretending to be mad. How could this lady make me fall in love with her over and over?

"Malandi ka." Diretsang sabi niya, pero kabaliktaran naman ang kaniyang kinilos dahil hinawakan niya ang kamay ko at pinanggigilan. Tinaggal ko iyon kaya naman tiningnan niya ako, inakbayan ko siya kaya naman nawala ang pangunguwestiyon sa mga mata niya.

"Dummie..." Mahinang imik ko.

"Hmm?" Tugon niya.

"Let's stop being who we are and be who we want." Makahulugang pahayag ko. Akala ko hindi niya makukuha ang punto ko, pero narinig ko kaagad ang tungon niya.

"Could you handle the person that I want to be?" Napakunot noo ako dahil doon subalit hindi ko na nagawang tumugon dahil pinaalalahan na kami na paalis na ang eroplanong sinasakyan namin.

May mga bagay na ipinagawa sa amin bago kami tuluyang lumipad sa ere. Inakbayan ko muli si Light noong ayos na ang lahat at hinilig niya ang sarili sa dibdib ko at saka hinawakan ako kamay kong nakaakbay sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang alapaap at saka tahimik na nag-isip ng kaniya.

"Saan mo gusto pumunta kapag nandoon na tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Gyeongbokgung? Namsan? Ihwa? Jeju? Busan?" Natawa ako noong napakadaming sinabi ni Light at iba ibang lugar pa, hindi pa sa Seoul lahat. She must have made up her mind to enjoy our stay in South, and forget the feelings of regrets and sadness in this country.

"I'll make sure to go there. All of those places." Nakangiting pahayag ko. Hinarap niya ako at saka siya tumango sa akin na parang bata na sabik na sabik na sa bakasyon. It's kind of surprising to see her like this, when I often get a cold shoulder from her.

"Nakakapanibago." Hindi ko napansin na nasabi ko na pala iyon.

"Huh? Ikaw na ang nagsabi sa akin na kailangan ko palayain ang sarili ko sa lungkot. Let's start a new beginning, Gab-Gab." Seryosong wika niya sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya.

Ang lalim noon, karaniwan makikita ko doon ang tila napakapanganib na dagat... pero bakit tila kalawakan ang nakikita ko doon? Puno nang madilim na bahagi pero napakadaming mga patak patak na ilaw na siyang nagbibigay ng ganda at natatanging katangian doon. Para akong hinihigop noon, para akong nahihipnotismo sa natatanging gandang ipinapakita nito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Yeah. Let's start a new beginning." Malumanay na sambit ko at saka hinalikan ang kaniyang noo.

Panandalian kaming natahimik na dalawa, napatingin ako sa mga kasama namin. Nahagip ng mata ko sina Annicka at Skyler. Skyler seemed sleepy, but Annicka's laughing while annoying him. Akala ko kami lamang ni Light ang maingay dito, iyon pala pati sina Skyler at Annicka. Mabuti na lamang at hindi ganoon kadami ang pasahero sa bahaging ito ng eroplano.

Sina Lian at Timothy naman ay pawang nanunuod ng pelikula at nagtatawanan sa napapanuod. Hindi ko na tanaw ang iba naming kasama kaya't wala akong ideya sa nangyayari sa kanila.

Hinayaan ko na lamang sila at hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita kung gaano kami kapayapa ngayon. Siguro nga kahit walang kwenta ang gulong nangyari, kahit may nagbuwis ng buhay. May maganda pa ding bahagi ang lahat... At ito iyon. Ang makamit namin ang tahimik na buhay na naming inaasam asam simula't sapul pa lamang.

Habang lumilipas ang oras ay napansin kong tulog na si Light sa bisig ko. Hinaplos ko nang marahan ang ulo niya, at saka hinalikan ang kaniyang bumbunan.

May dumaang attendant at nagtanong kung gusto namin ng pagkain pero dahil tulog si Light ay umiling na lamang ako.

Siguro ay inantok din ako kahit papaano kaya naman idinantay ko ang ulo ko sa ulo ni Light hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok. If this was a dream... I wish that I would never wake up from it...

***

Nakaramdam ako nang matinding pangangalay kaya't naalimpungatan ako. Marahan ako nagmulat at napansin gising na pala si Light sa tabi ko at nakadantay ako sa balikat niya. Kaya siguro ang sakit ng leeg ko dahil ang hirap noong pusisyon ko.

Napaunat unat ako at ginalaw galaw ko ang aking leeg. Masakit iyon kagaya ng inaasahan. Lakas ko din naman kasi magpakalambing kahit alam kong ganito ang kalalabasan. Tsk.

Napansin ko din na nakatulog din pala ang iba naming kaibigan. "How's sleep?" Napatingin ako kay Light noong banggitin niya iyon. Nakangiti siya at mayroong inabot sa aking tubig. Mukhang kumain na din siya.

"I already ate, nagutom akong bigla." Patuloy pa niya. Tumango ako dahil doon at saka ko siya nginitian.

Matapos kong inumin ang tubig ay magsasalita pa sana ako pero bigla na lamang nag-anunsyo na lalapag na ang eroplano sa ilang minuto na lamang. Bigla akong natuwa dahil doon. Sa wakas, mataps ang byahe namin nandito na kami.

"Let's enjoy our stay." Wika ko sa kaniya. Agad siyang tumango dahil doon. Isinuot na din niya ang seatbelt niya. Matapos ang ilang minuto ay nakalapag na din ang eroplano sa wakas. Gising na din ang mga kaibigan namin at nag-uunat unat na.

Noong maayos na ang lahat at maari na kaming bumababa ay kinuha ko na ang ilang bag namin na nasa itaas. Umalis na din kami agad, at dumiretso sa sasakyan na inihanda para sa amin. Ang mga bahage ay kinuha na noong mga tao na inatasan ni Kurt na maghanda nito para sa amin.

Dahil mukhang pagod pa sa byahe ay tahimik ang karamihan sa amin. Maging kaming dalawa ni Light ay walang salita. Siguro ay gusto muna naming magpahinga at paniguradong mamaya ay matinding enerhiya ang makikita namin sa bawat isa. Habang nararanasan ko na ganito na kami kapayapa ngayon, hindi ko maiwasang maging emosyonal. Ito iyong naasam asam namin, kakaibang ginahawa talaga sa pakiramdam ang hatid nito.

Tumitingin lamang ako sa daan habang nasa sasakyan kami. Marami akong tao na nakikita habang naglalakad sa kalsada. Maraming nakangiti, ang iba naman ay abala sa kani-kaniyang buhay nila.

Light had an offer to be the queen of the diablo's territory. She directly declined it. Without any hesitation, without any doubt. She's so sure about it, since the day she started the war. She's so tired of living in that cruel world. Ngayong may oportunidad na kaming makaalis doon, walang pagaalinlangan naming tinaggap iyon.

Hindi na kami kabilang sa kahit anong gang ngayon o sa kahit anong may kinalaman sa mafia. Iyon ang hiningi naming kapalit sa diablo, at pumayag sila. Ang namumuno ngayon sa Apocalypse ay si Dos, at si Thunder. Tiwala naman kami sa kanilang dalawa kaya't walang bigat sa puso namin tungkol doon.

"Anong gusto ninyong kainin?" Biglang tanong nang isang boses. Nasa unahan kami ng sasakyan ni Light at nasa likod sila kaya naman hindi ko makita kung sino. Pero sigurado akong tinig ni Skyler iyon.

"Kahit ano." Narinig kong sagot ni Shana.

"Korean dish? Nakakamiss din kasi." Tugon naman ni Lian.

"May gusto kayong pagkain? Sasabihin ko na kay Kurt para nakahanda na doon pagkadating natin." Imik muki ni Skyler.

Agad kong tiningnan si Light. "Anong gusto mo?" Tanong ko.

"Bibimbap, bulgogi, samgyeopsal." Sagot niya. Mukhang gutom ang isang ito. Karaniwan kasi kapag tinatanong ko siya, kung ano ang kakainin ko iyon din ang kakainin niya. Kapag nagluluto ako, nanunuod lamang din siya.

"Heard it, Skyler?" Sambit ko.

"Noted." Narinig kong sabi niya at saka nagtatanong sa mga kasama namin ng mga gusto pa naming kainin. Pagkatapos noon ay natahimik na kaming muli. Mukhang hindi din kumain itong mga ito sa eroplano.

Wala mangingay, kumportable kami sa tunog ng paligid ngayon.

Habang nangyayari iyon. Agad akong nagtipa ng mensahe kay Kurt para itanong kung naayos pa niya ang pinapaayos ko sa kaniya. Hindi pa siya agad tumugon kaya naman medyo nag-alala ako, pero ilang minuto din ay sinabi niyang maayos naman ang lahat.

Nagtagal pa kami ng halos kalahating oras, at matapos iyon ay nakarating na din kami sa aming patutunguhan.

"Finally!" Masayang sabi ni Alyx. Halos manguna pa siyang bumababa kahit nasa likod siya. Natawa na lamang kami sa kaniya. Sanay na din kami sa kaniya. Matagal na iyang baliw sabi nga ni Light.

Sumunod sa kaniya si Anthony na dala dala ang bag ni Alyx. Bumababa na din kami ni Light at pinagmasdan ang paligid. Wala kami sa hotel. Nandito kami sa isang traditional village. Dito kami mananatili habang nandito kami sa lugar na ito.

Maya maya ay lumabas mula sa isang silid si Kurt. "Welcome!" Masayang bati niya at saka lumapit sa amin ni Light. Niyakap niya si Light, pagkatapos ay nakipagkamay sa akin. Nakipagkulitan din agad siya sa mga kasamahan namin.

"Ahjusshi!" Sambit ni Alyx patukoy kay Kurt. Natawa kami dahil doon. "Kaja! Baegopa!" Sambit pa niya at saka hinila si Kurt para dalhin na kami sa silid kung nasaan ang pagkain.

"Ahjuma, chakaman." Pangloloko pa ni Kurt kay Alyx.

"Bwisit nito. Ang ganda ko naman para tawagin mong ahjuma." Pabirong sinamaan ni Alyx ng tingin si Kurt.

"Nahiya naman iyong perpekto kong mukha noong tawagin mo akong ahjusshi." Sagot naman ni Kurt kaya't nagkatawanan kami. Matapos noon ay sinabihan kami ni Kurt na tumuloy na dahil baka lumamig pa iyong pagkain na inihanda para sa amin.

Nag-alis kami ng mga sapatos noong pumasok sa lugar. May magkakadugtong na mesa na mababa sa loob at nakahaba iyon, pagkatapos ay may mga unan na parisukat para doon kami uupo.

Mayroon ding nakahandang mga pagkain sa lamesa. Pero ang ilan ay hindi pa luto at naghihintay pang ihawin. Agad kaming pumunta sa pwedeng upuan. Nagpahuli na kami ni Light dahil mukhang sabik na sabik na ang mga kasama namin.

Noong makaupo na kaming lahat ay agad silang naglagay ng pork at beef sa ihawan, pagkatapos ay kinain na agad iyong mga appetizer. Agad na nilantakan nang ilan sa kimchi at pati na din ang mga may sabaw na pagkain.

Sumabay na din sa amin si Kurt sa pagkain, at katabi niya si Gloom. Nangunguna sa kaingayan si Alyx, Gloom, Anthony at Kurt. Hindi sila magpapatalo kada may magsasabi nang mga nakakatawang bagay.

Maging si Light ay napapatawa habang inaawat namin sila sa kasasalita. Pero kahit ganoon ay talaga kain lamang kami nang kain dahil sa gutom. Pinagbalot pa ako ni Light ng lettuce wrap, pero hindi ko akalain na ang anghang noon.

Gumanti din ako sa kaniya pero kaya niyang kainin ang mahahalang na pagkain, kaya parang wala din. Habang patuloy kami sa pagkakatuwaan, ay hindi ko sila maiwasang pagmasdan.

Lian and Timothy are both enjoying their food. Sila na yata ang pinakamatamis na pares sa aming lahat. Hindi sila nahihiya ipakita sa amin kung gaano sila kalapit sa isa't-isa at kung gaano nila kamahal mahal ang isa't-isa. Masaya ako at nakatagpo si Lian ng kagaya ni Timothy. Kahit may pagkaloko loko si Timothy noon, at talagang napakagulong kasama, napatunayan pa din niya sa akin na karapatdapat siya para kay Lian.

Jacob and Shana are enjoying the food. Paminsan minsan ay bibigyan ng pagkain ang isa't-isa. Hindi kagaya nina Lian at Timothy. Minsan hindi mo aakalain na magrelasyon ang dalawang iyan, dahil hindi nila ganoong ipinapakita sa isa't-isa na pagmamahal. Tahimik lamang sila, pero makikita mo sa mga mata nila na totoo ang nararamdaman. Parehas maangas ang dating, ngunit sa simpleng paraan napapakita nila kung gaano nila pinahahalagahan ang mayroon sila.

Alyx and Anthony. Bilib din ako sa dalawang ito. Parang magtropa lamang, parang magkaibigan lamang. Biruan doon at biruan dito, lokohan doon at lokohan dito, akala mo walang seryosong relasyon. Subalit, kahit ganoon makikita mo na kumportable talaga sa isa't-isa. Opposite attracts? Similarities repel? No. Para sa kanila, kahit halos magkaparehas na magkaparehas sa napakaraming bagay, mas nagiging lakas nila iyon.

Annicka and Skyler. Sila na yata ang pinakanakakatuwa sa kanilang lahat. Isang makulit at isang tahimik. Aso't-pusa kadalasan, pero naiintindihan naman nila ang isa't-isa kahit kanino. Bilib din ako sa kanila, napakaraming dumaan na pagsubok na maaring magpahiwalay sa kanila, at mga panahong maaring magtanggal ng nararamdaman nila para sa isa't-isa subalit nagawa nilang lampasan lahat nang iyon.

Inaasikaso ni Annicka ngayon si Skyler. At si Skyler naman ay pinipigilan si Annicka na maglagay nang maglagay ng pagkain sa pinggan niya. Napapangiti na lamang ako. Halata naman na gustong gusto niya ang ginagawa ni Annicka, nagpapakipot pa siya. Tss.

Napatingin ako sa dalawang walang karelasyon.

"Woohoo~ Empress at Kurt. Baka puwede kayong maging couple ngayon. Alam ko namang naiingit kayo sa amin." Pang-aasar ni Alyx. Kahit kailan talaga ang lakas din mangloko nito. Iyong tawa pa niya nakakadala.

"Kurt, narinig mo? Pwede ba?" Pagsakay ni Gloom sa pangloloko ni Alyx. Agad silang nagkantyawan dahil doon. Namula naman ang tainga ni Kurt dahil doon.

"Patay ka kay Tiara baby Kurt~" Agad na segundo ni Anthony na akala mo'y bakla. Kaya't mas lalong napuno ang paligid ng mga tawa. Maging si Light ay halos hindi na makakain dahil sa pagtawa.

"Shut up, people. Bakit ba ako pinagtritripan ninyo?" Sambit ni Kurt.

"Pikon-talo?" Kumento ni Shana. Mas lalo silang naglokohan dahil doon.

Halos tumagal kami sa pagkain dahil sa pagkwekwentuhan at kulitan. Busog na busog din naman kami dahil masarap ang pagkain at nakakatuwa ang mga pinag-uusapan nila. Hindi na ako nagtakha na ganito ang nangyari ngayong sama sama na kami. Paniguradong ngayon na may enerhiya na ang bawat isa ay mas magiging masaya pa ang lahat.

"Saan ninyo gustong mamasyal?" Biglang tanong ni Gloom at Kurt. Sabay pa.

"Ayiee~" Tukso agad nina Alyx sa kanila.

"Shh. Huwag kayo, kinikilig ako." Pabirong sambit ni Gloom.

"Woohoo~ galaw galaw din Kurt!" Pagkakantyaw ni Timothy.

"Bawal torpe dito, pards." Natatawang segundo ni Jacob. Napangiti naman ako dahil doon. Pards? Ibig sabihin may nadagdag na sa barkada?

"Tigilan ninyo ko. Nasasaktan pa ang puso ko."

"Hugot!" Halos sabay sabay na hirit nila, maliban sa amin ni Light. At sinundan iyon nang malakas na tawanan. Loko loko din itong si Kurt, hindi mo matimpla kung kailan sasakay sa biro at kung kailan hindi. Kaibigan nga ito ni Light. Unpredictable in his own way.

"Ano? May gusto ba kayong puntahan?" Tanong ulit ni Kurt.

"Tara sa myeongdong." Ani ni Shana.

"Tara!" Tuwang tuwang sambit ni Annicka. "Maraming street foods doon hindi ba? At saka mga stores?" Halos magningning ang mga mata nito.

"Huwag na doon, huwag na doon, mapapagod lamang ako kalalakad at kasusunod dito." Sabi ni Skyler at saka itinuro si Annicka. Agad pinalo ni Annicka ang kamay ni Skyler nang pabiro at saka siya pinilit.

"Namsan? Tara sa N-Seoul Tower!" Suwestyon naman ni Lian.

"Tapos magpapadlock tayo." Agad na hirit ni Timothy.

"Korni!" Agad na sambit ni Kurt.

"Bitter!" Sabay sabay na sagot namin.

"Tara, sa myeongdong station tayo tapos maghintay na lang tayo ng shuttle para sa cable car, para makapunta sa N-Seoul Tower." Imik ni Gloom na agad na sinang-ayunan nang lahat.

"Maya maya tayo pumuntang pagabi na. Magpahinga muna kayo." Sabi ni Kurt. Tumango na lamang kami at saka niya kami inilibot sa bahay.

Maganda ang kabuuan ng lugar, lalong lalo na at para itong iyong silid nang mga hari at reyna dito noong dating panahon. Ang silid na gagamitin namin hindi ko inaasahan. Ang sabi ni Kurt ay nagkahiwalay ang babae at lalaki.

"Including us?" Tanong ko, patukoy sa amin ni Light.

Natawa si Light dahil doon. Pagkatapos ay niyakap siya nina Annicka at ng kakambal niya. Tumango tango pa siya nang nakakaloko. "Mahal na hari, sa amin muna ang mahal na reyna." Nangloloko pang sambit ni Gloom at saka hinila ang kakambal.

Kasama ang iba pang mga babae, ay umalis sila, at naiwan kaming mga lalaki. Napasapo ako sa ulo dahil doon. Kaya't tinapik ako ni Skyler sa braso, pagkatapos ay agad akong tinawanan ng mga loko.

"Kawawang Nathaniel." Lakas talaga mang-alaska ni Anthony.

"We are all on the same boat. You can't be with your own girl." Pagkatapos ay nginisian ko sila. Nanlaki ang mga mata nila dahil doon.

"Ha? Pati kami?" Hindi makapaniwalang tanong ni Anthony.

"Malamang, pards. Mag-asawa nga hindi magkasama, ikaw pa kayang syota lamang?" Natatawang sambit ni Jacob, may halong pang-aasar. Kaya naman agad siyang pabirong sinuntok ni Anthony. Pagkatapos ay nagtakbuhan na iyong dalawa na parang bata.

Habang tinitingnan iyong lugar ay binuksan ko iyong isang kabinet. Napansin kong nandoon ang mga sinaunang damit na ginagamit ng mga koryano. Iyong kulay pula agad ang pumukaw sa pansin ko kaya't tiningnan ko iyon.

"Pards Nate, ano iyan?" Tanong ni Timothy. Agad silang nag-sulputan papunta sa akin.

"Traditional clothes. Baka gusto ninyong suotin kaya't pinahanda ko." Nakangiting sambit ni Kurt.

"Bistida? Potek. Huwag na." Iiling-iling na imik ni Anthony kaya naman nagkatinginan kaming lahat at agad ko silang sinenyasan. Mukhang nakuha nila ang sinasabi ko kaya naman agad nilang hinawakan si Anthony at saka ko inilabas ang isa sa mga damit.

"Ayaw ko!" Sigaw pa niya na akala mo ay may iniire. Kaya't mas lalo kaming ginanahan na pagkaisahan siya.

Pinilit namin si Anthony na magbihis. Maging sina Timothy ay kumuha din ng kanila at saka sinuot ang mga iyon. Si Skyler naman imbis na ang kunin ay iyong normal na pangmayaman, ang kinuha ay iyong kulay pulang pang-guwardiya.

Dahil lahat sila ay kumuha ng kani-kaniyang damit, hindi ko alam pero kumuha na din ako nang akin. Nakakatuwa sigurong ipakita sa mga babae, kaya't nagbihis na din sila, at maging ako.

Natagalan kami sa hiwahiwalay na silid dahil napakadaming inilalagay sa damit. At noong matapos ako ay nakita kong nakabihis na silang lahat. Natawa agad ako noong makita ko si Anthony.

Instead of wearing the noble man's clothing, he is wearing the one color green one, or the clothing for eunuch. Agad siyang itinulak papalapit sa akin noong mga nakasuot ng pang "noble man".

"Pagsilbihan mo ang hari." Natatawang pangloloko nila.

"Maaa maaaa..." Hindi ko na napigilan ang tawa ko nang gawin niya iyon. Parang baka o kalabaw ang bwisit. Habang nagkakatuwaan kami ay bigla na lamang pumasok ang mga babae at natuon ang pansin namin sa kanila.

Nagulat ako nang makita ko si Light. Pakiramdam ko'y nanlaki din ang mga mata ng mga kasama namin noong makita nila ang iba pang babae. They are all wearing hanbok.

Light's wearing the Queen's clothing. Tumaas ang isang sulok ng labi ko dahil doon. Akala ko walang hanbok sa kwarto noong mga babae, mukhang mayroon din pala.

Agad itinulak si Light noong mga babae papalapit sa akin. I could not help but grin. It suits her. Elegant, classy, yet pure. Ang ganda sa kaniya. Bagay na bagay.

"Thon thon, bakit alalay ka?!" Hindi makapaniwalang imik ni Alyx. Kaya't natawa kami. Ang ganda pa naman noong suot ni Alyx, iyong tila pang-prinsesa. Samantalang iyong kayna Lian ay iyong mga pang mayayaman na mga babae. Si Light at Alyx lamang ang naiiba.

"Hala, guwapo naman noong guwardiya ko." Pansin niya kay Skyler. Narinig namin ang pag-ngisi ni Skyler, kaya't siya naman ang naging tampulan ng tukso.

Noong matapos naming magsuot ng hanbok ay nagbihis na kaming muli at saka nagpahinga, dahil aalis pa kami mamaya. Lumabas ang ilan sa amin, at ang ilan naman ay natulog. Samantalang ako ay nandito sa may hardin, at naka-upo sa tila kahoy na duyan.

Pinagmasdan ko ang maaliwalas na langit. Lahat ng bigat na nararamdaman ko kanina ay naglaho na parang isang milagro ng mahika. Tama nga ang desisyon namin na pumunta dito para makalimot. Napangiti na lamang ako at saka dinama ang preskong ihip ng hangin.

Ipinikit ko din ang mga mata ko at saka nagpahinga. Ilang minuto pa lamang akong nakaupo at bigla akong may naramdamang presensya. Pamilyar iyon kaya't hindi na ako nag-abalang buksan ang mga mata ko.

"Gab gab." I heard her say my name. It was refreshing.

Hindi ko binuksan ang mga mata ko at nagpanggap na natutulog. May sandalan naman ang duyan na kahoy na ito, kaya't maayos lamang. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at saka marahang binakas ang mukha ko gamit ang kaniyang daliri.

"Thank you for not giving up on me..." Mahinang sambit niya. "Thank you for staying by my side through ups and downs." I melt my heart. Those simple words, made me feel the strongest person in this world.

"I'm sorry for being an incompetent wife." Gusto ko sanang suwayin iyong sinabi niya dahil kailanman hindi siya nagkulang sa akin biglang asawa. Alam ko kung sino siya, at alam kong lahat ng ipinapakita niya at ipinaparamdam niya sa akin ay sarili niyang paraan para ipahatid sa akin ang pagmamahal niya.

"Neumo, neumo saranghae..." Noong marinig ko ang mga salitang iyon ay agad kong hinawakan ang kaniyang kamay na nasa aking buhok na marahan niyang ipinagsusuklay doon. Noong imulat ko ang mga mata ko at saka ko siyang hinigit para mailapit ang mukha sa mukha ko.

"Nado, saranghae... Sag-app-oh, Light." Mahinang bulong ko sa kaniya at saka ko ipinagdiit ang mga labi naming dalawa.

***

Noong maghapon ay naghanda na kami sa pag-alis gaya ng napag-usapan. Sumakay na kami sa sasakyan. Si Kurt ang driver at nasa shot gun seat si Gloom, samantalang kaming dalawa ni Light ay nasa likod, katabi sina Annicka at Skyler.

Tuwang tuwa at kumakanta kanta pa sina Alyx, Lian, Timothy, Anthony, Annicka, Shana at Jacob, habang nasa loob kami ng sasakyan. Halos pakiramdam ko nasa isang karaoke kami habang kumakanta sika dahil hindi talaga papaawat.

Kung kanina ay napkaatahimik namin, napaka-ingay naman namin ngayon. Light's also laughing with them, having a good time. Wala na akong mahiling kung hindi ang magpatuloy ang ganito.

Mukhang sabik na sabik silang pumunta sa myeongdong, pero hindi naman doon ang patutunguhan namin. Napailing iling na lamang ako nang palihim. Sinabi ko kanina kay Kurt na doon kami pupunta sa lugar na iyon. Dahil na din gusto kong matapos na ang lahat ng mga bumabagabag sa akin at sa amin.

Tahimik ako buong byahe at ang iingay nila. At noong itigil ni Kurt ang sasakyan ay puno sila nang pagtatakha dahil hindi naman dito ang myeongdong. At nasa isang dagat pa kami.

"Hoy, Kurt naliligaw yata tayo. Mali ang lugar na ito." Sabi ni Alyx.

"Why are we here?" Tanong naman ni Shana.

"Hindi tayo naliligaw Alyx. Dito talaga tayo ngayon. At kung bakit? Tanungin mo dyan kay Nathaniel." Sagot niya sa kanila, kaya naman natuon ang pansin nilang lahat sa akin. Sumipol ako at nagkibit balikat.

Tiningnan naman ako ni Light nang nangunguwestiyon pero hindi ko sinagot ang tanong sa mga mata niya. Bagkus ay hinawakan ko na lamang ang kamay niya at saka siya hinila papunta sa dalampasigan.

Ang mga kasama naming nagtatakha ay sumunod sa amin imbis na magreklamo. Hanggang sa nagsimula silang lubusin ang ganda ng tanawin. Lalong lalo na at palubog na ang araw.

Naglaro ang ilan, at kami ni Light ay nanatiling nasa buhangin at nakaupo. Ako naman ay sinisimulan nang umipasahan ang bon fire kasama si Kurt.

Nagsimula na ding dumilim ang paligid at nagsisimula nang lumitaw ang mga bituin. At noong mapagod ang mga kasamahan namin sa katuwaan ay pumunta sila sa palibot ng bon fire. Mabuti na lamang at may apoy na iyon at handa na.

Tumabi na din ako kay Light at noong nakapabilog na kaming lahat ay nakaramdam na ang bawat isa ng tensyon. Mukhang alam nilang may dahilan talaga kung bakit ko sila dinala dito.

"Bakit nandito tayo, kuya?" Si Lian ang naglakas ng loob na magsalita.

"Para klaruhin ang lahat ng natitirang katangungan sa ating lahat. Kung magsisimula tayo ng bago, gusto kong maputol na din ang lahat ng mga tanong na humihila sa atin pabalik sa madilim na nakaraan natin." Diretsong sabi ko sa kanila ng seryoso.

Natahimik at nakuha nila ang punto ko, kaya't lalong tumaas ang kaba at tensyon sa lugar. Walang nagsalita at nawala ang masayang atmospera kanina. Hindi ko gusto sirain ang magandang kondisyon kanina, pero para na din ito sa aming lahat.

Ilang minuto kaming walang kibo. Walang may lakas ng loob na magsimulang magungkat ng katanungan nila. Nagpapakiramdaman at tinatantya ang bawat isa. Siguro ay naalala nila ngayon ang nangyari noong dangyunhaji.

The terror in their eyes are showing and the nervousness of their body are evident. Maging si Light ay nanatiling tahimik sa tabi ko.

"Marami pa tayong katanungan. Hindi ba?" Putol ko sa namamayaning katahimikan.

"We are all still hurt, we are still mourning deep inside, we are still trembling in fear... But we need to be free from those, that's why I want us to seriously end this through this..." Napatingin si Lian sa itaas dahil sa sinabi ko. Kitang kita ko ang pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata.

Naramdaman ko kaagad ang sakit na tumagos sa puso niya dahil sa binitiwan kong kataga. Noong lingunin ko ang mga kasama namin, iyong mga tawa at mga ngiti kanina ay biglang nabasag. Ang nakikita ko ngayon sa kanila ay iyong basag basag at watak watak na pagkatao nila.

Napahawak ako sa kamay ni Light dahil doon. Nasasaktan akong makita silang ganoon. They are still pretending to be in joy. That's why I want this to happen, that's why I want them to throw away their masks and be truly happy.

"Hindi tayo robot, hindi tayo demonyo, tao lamang tayo, nasasaktan, nahihirapan, nalulunod, nagiging makasarili at nagmamahal... Our friendship. It started when were young, we were tied by fate. Kaya siguro tayo sinubok nang sobra. Kaya ngayon gusto ko nang tuldukan ang lahat." Patuloy na sambit ko, at nagsimula na silang umiyak.

"May mga tanong tayo sa isa't-isa hindi ba?" I stated.

"Sino ka ba talaga Skyler? Paanong nandoon ka noong dukutin kami nina Light? Anong koneksyon mo sa kanila?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Gloom, how come you are alive? Anong nangyari noong mga nakaraang taon? Bakit kasama mo sina Cassidee noong magpakita?" Hindi ako nagpaawat sa pagsasabi nang nga halimbawang tanong.

"Sino ba talaga si Vianca at Dennise? Anong mayroon sa kanila na tila may tahimik na kasunduan kayo tungkol sa kanila kaya't walang naglalakas ng loob na tanungin kung anong mayroon sa kanila?" Ang tanong na ito ay matagal ko nang gustong itanong sa kanila nang diretso, pero hindi ko magawa dahil alam kong wala akong sagot na matatanggap. Siguro naman maari na naming malaman ngayon.

"There are questions which remained unanswered until now, I hope it will not remain as queries." Huling sambit ko. Patuloy sa tahimik na pag-iyak iyong mga babae, samantalang kaming mga lalaki ay nanatiling mabigat ang mga damdamin.

Walang nagsalita ni isa sa amin. Lumipas ng ilang minuto pero ganoon pa din. Pero nagulat ako noong magbuntong hininga si Shana at saka ito nagsalita. "A-anak mo ba talaga iyong n-namatay na dinadala ni Cassidee?" Basag ang boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Tumulo din ang luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin ng sinsero. Iyong mga mata niya para bang hinuhukay noon ang pinakamalakim nakasulukan ng damdamin ko para lamang makakuha ng sagot.

Pakiramdam ko din ay may nagbarang kung ano sa lalamunan ko at nagsimulang manubig ang mga mata ko. Gustuhin ko mang sumagot ay walang tinig na lumabas sa boses ko.

Bawat paglipas ng minuto o segundo ay ang pagkabog ng puso ko. Alam kong ganoon din sila ngayon. Kinakabahan sa maaring isagot ko, at sa maaring naiisip nilang kasagutan ko.

Napapikit na lamang ako nang madiin, hanggang sa tumango na lamang ako...

...noong banggitin ni Light ang kasagutan sa tanong ni Shana.

***

Princess Light's POV

Natigilan kaming lahat dahil sa itinanong ni Shana. Sa totoo lamang, iyan din ang tanong na tumakot sa akin noon. Iyang tanong din na iyan ang nagbigay nang matinding kaba at pagiging makasarili sa akin noon.

Noong nasa sitwasyon ako noon bago kami mabangga sa totoo lamang nagdadalawang isip ako noon kung proprotektahan ko ang bata o hindi, pero sa huli mas nanaig sa akin na huwag idamay ang paslit na iyon, at hayaan siyang masilayan ang mundo.

Subalit noong magising ako sa hospital at noong malaman ko ang nangyari sa bata ay halos mawalan ulit ako ng malay dahil sa matinding hampas ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang matinding sakig na dulot noon. Para akong namatayan ng ilang ulit, habang naiisip na bakit ako nakaligtas pero iyong bata ay hindi?

Halos mawala ako sa katinuan noon habang sinisisi ang sarili kung bakit nawala ang batang iyon sa mundong ito. Hindi ko makayanang harapin noon si Gabriel sa matinding sakit at takot sa puso ko.

Pakiramdam ko ako ang pumatay doon sa bata. Pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Dinala ko ang batang iyon sa panganib dahil sa pagiging gahaman ko. Hindi iyon kinaya ng konsensya ko.

Bawat oras na lumilipas noon habang nasa ospital ako, hindi ako makatulog nang ayos, o hindi ko magawang pumikit man lamang dahil iyong imahe noong sanggol ang nakikita ko. Araw araw, gabi gabi, walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang naalala ko kung paano kong pinasakay pa si Cassidee sa sasakyan na iyon, na siya palang magdadala sa batang iyon sa kamatayan niya.

Kasalanan ko ang lahat... Kung hindi ko ba naman pinasakay si Cassidee doon sa sasakyan siguro buhay at maayos ang kalagayan noong bata. May kung anong pihit sa puso ko at matinding sakit ang nararamdaman ko habang naalala ko ang pangyayaring iyon.

Hindi ko mapigilang maluha... Ang sakit pa din pala.

Tama si Gabriel, nagpapakasaya man kami ngayon, mababaw lamang ang kasiyahan namin, dahil sa dulo at malalim na bahagi ng damdamin namin nandoon ang lungkot, poot at sakit na idinulot sa amin noong nakaraang labanan na siyang tumapos sa lahat.

Hindi makasagot si Gab-Gab sa tanong ni Shana. Habang pinagmamasdan ko ang gilid ng mukha niya ay nandoon ang sakit at maging ang pagsisisi. Nakikita ko ang kagustuhan niyang sumagot sa tanong pero hindi niya magawa.

He is holding my hand tightly.

Nanatili kaming tahimik lahat. Iniintay na sagutin niya ang tanong. At habang nangyayari iyon, bumalik sa isipan ko ang nangyari noong makausap ko si Cassidee tungkol sa bata.

Flashback

Yapos yapos ko ang aking tuhod habang nakaupo sa kama. Walang humpay sa pagtulo ang mga luha galing sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay pangang paga na iyon pero hindi pa din tumitigil ang paglabas ng tubig mula doon.

Nanlalamig at nangingnig pa din ang buong katawan ko dahil sa matinding takot at pagsisisi noong malaman kong patay na ang batang dinadala ni Casside at kung paanong nanganib ang buhay ni Cassidee dahil sa pagkamatay noong bata.

Ang sabi nina Lian. Mas nauna daw nagkamalay si Cassidee kaysa sa akin. Dahil mas napuruhan at mas nag agaw buhay daw ako kumpara kay Cassidee. Pero hindi naging magaan ang pakiramdam ko noong marinig ko iyan.

Nag-agaw buhay nga ako, bakit hindi pa natuluyan? Bakit hindi pa ako? Bakit iyong bata pa? Walang kinalaman iyon sa nangyayari sa magulong mundo. Wala siyang kasalanan sa mga naging engkwentro namin, pero bakit siya ang kailangan magbayad ng lahat? Bakit?

Mas lalo akong nanghina dahil sa naiisip ko. Hindi matahimik ang sarili ko. Hindi ko magawang patawarin ang sarili ko dahil sa kasalanan ko. Gustuhin ko mang puntahan si Cassidee ay hindi ko magawa dahil sa matinding takot at hiya na nararamdaman ko.

Sigurado akong sinisisi niya ako sa nangyari sa anak niya. Alam kong galit na galit siya sa akin ngayon, at ayaw kong lumalala ang lagay niya dahil lamang sa kagustuhan ko, kaya't nanatili akong nandito lamang sa silid na ito habang paunti-unting kinakain ng matinding sakit na nararamdaman.

Habang patuloy ako sa pag-iyak ay biglang may pumasok sa silid. Napalingon ako saglit doon pero ibinalik ko din ang tingin sa kawalan. Maingat at marahan siyang tumungo sa upuan na katabi ng kama kung nasaan ako.

Palihim ko siyang tiningnan gamit ang gilid ng paningin ko, at napansin kong nakatingala siya, senyales na nagpipigil ng luha kaya't tumitingin sa kisame. Narinig ko din ang pag-singhot niya at saka ang malalim na buntong hininga.

Pakiramdam ko lalong may bumaon na matulis na bagay sa puso ko habang nakikita ko siyang ganoon. Nasasaktan ko nanaman siya kahit ayaw ko... Nasasaktan ko nanaman siya kahit nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang ganoon. Ganito naman lagi... Dahil sa pagmamahal ko kaya siya nasasaktan kaya lagi siyang may pasakit.

He must have hate me. He must have blamed me because I could not save the child.

"L-Light..." Pumiyok na agad ang tinig niya noong banggitin ang pangalan ko. Matinding sakit sa puso ang naramdaman ko dahil doon. Maging lalamunan ko ay halos magbara sa matinding hapdi.

"S-Stop t-this please..." Ang nagmamakaawa niyang tinig na humaplos sa puso ay sadyang napakahapdi. Para bang mas matindi pa iyon kaysa sa mga natamo kong sugat. Mas matindi pa sa mga pasa at galos na nasa katawan ko ngayon.

Hindi ko siya magawang tingnan. Ang mabanggit o maisip man lamang ang pangalan niya ay hindi ko magawa dahil sa nararamdaman ko. Parusa ko na siguro ito dahil ang sama sama ko.

"Bakit ang s-sakit? Bakit k-kahit pangalan m-mo pa lamang nasasaktan na ako? M-mahal na mahal kita... Pero b-bakit ang sakit? Light... Bakit? You almost lost your life, again... And do you even know how it fucking hurts?" Madiin at punong puno nang emosyong banggit niya, na mas lalong nagpatulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

"You... Y-you almost lost your life again... I-I almost died again because of y-you..." Ang tahimik na pag-iyak ko ay nagsimulang maging maingay dahil sa pagsinghot ko at sa pagpipigil na may lumabas na tinig sa aking nakirot na lalamunan.

"L-Light... Ipagdamot m-mo naman iyong b-buhay mo..." Gustong gusto ko na siyang yakapin dahil sa sinabi niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil doon. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa mga salitang iyon. Hindi lamang sa utak ko tumatak iyon maging sa puso ko ay tumagos iyon nang sobra.

"I-I've been wanting to protect y-you with all m-my life... Pero i-iyong halos ipamigay m-mo lamang ang buhay mo, habang lahat ginagawa ko para hindi ito mawala sa i-yo. Iyon. Iyon ang pinakamasakit, Light..." Hindi ko siya magawang tingnan hindi ko siya magawang sumbatan dahil mas nasasaktan ako ngayon.

Para akong nahahati sa dalawa. Hindi lamang puso ko ang nawawasak, maging damdamin ko, maging sarili ko, at maging kaluluwa ko. Every move I make, I am hurting someone. I'm a double edge sword. At kahit hindi ko gustuhin saktan ang kahit sino, kada hampas ko, may makakaramdam ng pasakit.

Gusto ko lamang mabuhay ang batang iyon dahil wala siyang kasalanan sa lahat ng ito, at konsensya ko na din ang papatay sa akin kung hindi ko gagawin iyon, pero ang mag makaawa siya ngayon sa harapan ko dahil sa mga desisyon ko, na siyang nagpapahirap sa kaniya ngayon, lalo akong nasasaktan.

Tapos na ang lahat hindi ba? Subalit, bakit ganito pa din? Hindi ba pwedeng magkaroon na lamang ulit ako ng amnesia? Hindi ba puwedeng makalimutan ko na lamang muli ang lahat at hindi na kailanman babalik ang kahit ano sa ala-ala ko? Maari ba iyon?

"S-Stop blaming yourself, Light... Because t-the more you blame yourself, the more I am hurting... The more I am regretting everything..." Halos pumalahaw na ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang higpit higpit na noong hawak ko sa damit ko.

Halos pakiramdam ko mawawalan na din ako ng malay dahil sa paulit ulit na kirot na nararamdaman ko sa buong sistema ko.

"Parang a-awa m-mo na, Light... M-magpalakas ka naman, s-sabihin m-mo naman sa akin na h-hindi napunta sa wala lahat nang sakripisyo n-natin... at sakripisyo k-ko..." Siguro hindi na niya kinaya ang emosyon na naguumapaw sa kaniya, kaya't tumayo na siya at saka marahang lumabas ng silid na ito.

Noong makalabas siya doon bumuhos ang matinding luha ko, at doon din lumabas ang tinig ko. I am busy mourning for someone's death that I forgot someone was concerned about me...

Ang sama ko talaga. Ang sama sama ko talaga...

Iyak ako nang iyak. Kahit ang lakas lakas na ng pag-iyak ko ay hindi ko na iyon inalintana, dahil gusto ko nang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Dahil kahit sa ganitong paraan gusto kong mapawi ang lahat ng sakit... Kahit panandalian... Kahit kaunti lamang... Kahit alam kong hindi naman talaga ito mawawala...

Hindi ko alam na nakatulog pala ako dahil sa matinding pag-iyak. Gabi na noong magising ako. Napansin kong natutulog siya sa tabi ko. Nasa kama ang ulo niya at ang katawan ay naka upo sa upuan.

Gustuhin ko mang hawakan ang mukha niya ay hindi ko magawa. Nanginginig ang aking kamay, maging ang katawan. Nangilid nanaman ang luha sa aking mga mata pagkatapos ay sumikip na naman ang aking dibdib.

Siguro naiisip niya noon na kung paano kung ako ang mawala sa kaniya. Hindi ko mailarawan o maisip kung paano siya masasaktan. Napatingala na lamang ako para pigilan ang luha na nagbabadya nanamang pumatak.

May pagkain sa lamesa. Halos simula noong magising ako hindi na ako kumakain. Mabuti na lamang at may dextrose ako dahil paniguradong kung wala iyon. Natitiyak kong kahit pagluha ay wala akong magiging lakas.

Bumababa ako sa kama ng maingat para hindi siya magising. Hinakawan ko ang bakal kung nasaan ang dextrose at saka ako nagsimulang maglakad papalabas ng silid. Madilim sa pasilyo pero dahil gusto kong makalanghap ng hangin ay nagpatuloy ako sa tinatahak kong daan.

Habang nangyayari iyon ay nadaan ko ang isang kwarto. Napatigil ako doon, at napatitig sa mga batang tahimik na natutulog doon. Napakaliliit nila, at makikita mo kung paano sila at gaano sila kailangan ingatan, tila ba babasagin silang lahat.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib noong maalala ko ang batang hindi ko nagawang iligtas. Kung hindi siguro ako nagpadalos dalos sa disisyon ko, siguro buhay pa siya, siguro sa susunod na mga buwan, makikita ko siya sa silid na ito.

"P-Patawad..." Isang salita lamang iyon pero ang epekto noon sa sistema ko ay napakalakas. Halos mapaupo ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko. Napahawak ako sa bakal na dala dala ko at saka huminga gamit ang bibig. Nanghihina na talaga ako kaya naman sumandal din ako sa pader na katabi ng bintana kung saan ko natatanaw ang silid para sa mga sanggol.

Nakatitig lamang ako doon. Purong paghingi ng tawad lamang ang tumatakbo sa isip ko, at kung papaanong kasalanan ko ang lahat. Ang hina ko kasi, ang tanga ko kasi, kung sana hindi ako naging marupok, sana hindi mawawala ang buhay nang isang anghel.

Habang nandoon ako at nanatiling nagluluksa, ay hindi ko napansin na mayroong isang naka wheel chair na nandoon din at pinipilit na tumayo para lamang makita ang nasa bintanang iyon. Agad akong tumalima doon at tinulungan siya. Dahil malabo ang paningin ko dahil sa tubig mula sa mga mata ko, hindi ko kagaad nakilala kung sino iyon.

Noong makatayo na siya ng tuluyan ay napaatras ako sa kinatatayuan at halos lumagpak ako sa sahig kung hindi lamang ako napahawak sa bakal na dala dala ko.

"C-Cassidee." Pumiyok ang tinig ko habang binabanggit ang pangalan niya. Lumingon siya sa akin at tanging malamig na tingin ang aking natanggap. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya at parang patay na ang mga mata niya.

Walang nagsalita sa aming dalawa matapos ang ilang minuto. Nanatili siyang nakatingin sa mga sanggol sa lugar na iyon. Pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila. Ang kaniyang kamay na nakahaplos sa salaming bintana ay marahang tumitiklop dala siguro ng sakit na nararamdaman.

Pumatak ang mga luha ko. Isa isa parang bawat agos noon ay kapalit ng mga luha na hindi lumalabas sa mga mata ni Cassidee.

Habang nangyayari iyon ay napasinghap ako noong magsalita siya. "Why are you crying?" Her voice was firm, cold and moderate. I could not feel any emotional pain in her words. Parang bato... parang ikinikimkim niya ang lahat.

"Why are you crying... in my place?" Makahulugang tanong niya. Bawat salita may ipinaparating, may ikinukubling damdamin.

"Are you here to see the child?" Pagkukuwestiyon niya. Hindi ko magawang sumagot kahit pagtango o pag-iling. "He is dead." Diretsang sambit niya.

Nanatili ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, pilit hinuhukay ang tunay na nararamdaman niya. Pero wala akong napala. Kaya't naglakas loob akong magsalita.

"Then why are you here?" I asked her in a quiet voice, almost a whisper... "Are you looking for his trace? Are you looking for his presence?" I added emotionally. I managed to say it without stuttering. I breathed heavily to release the tension in my body.

"No." Matigas na banggit niya kaya't nagulat ako.

"Tinitingnan ko kung may mararamdaman ako kung makikita ko ang mga sanggol na ito. Pero wala." Hindi siya nakatingin sa akin at hindi ko ganoong makita ang mga mata niya kaya't hindi ako sigurado.

"Are you even hurting?" Lakas loob na tanong ko sa kaniya. Doon ko nakuha ang atensyon niya. Humarao siya sa akin. Ang reaksyon sa mukha ay pawang pagkabagot. Hindi nasasaktan, hindi nahihirapan. Kabaliktaran ko.

"And don't act like you are devastated." Sagot niya sa akin. Nabigla ako sa inaasta niya. Gusto ko siyang sumbatan sa totoo lamang. Bakit? Anak niya iyong nawala, bakit ganito siya? Tama ba ang ginagawa niya? Totoo ba ang ipinapakita niya ngayon?

"G-galit ka hindi ba? Galit sa akin hindi ba? K-Kasalanan ko kaya namatay ang sanggol na dinadala mo. S-Sisihin mo a-ako, kasi k-kung h-hindi dahil s-sa akin, buhay pa sana s-siya!" Sigaw ko sa kaniya.

Imbis na magalit o sigawan ako pabalik ay nagulat ako noong ngumiti siya.

"Bakit ako magagalit kung maari kitang pasalamatan?" Napaatras ako sa kinatatayuan noong sambitin niya ang mga katagang iyon. Halos dumagundong ang buong sistema ko at ang bilis ng tibok ng puso ko ay walang katumbas.

Tama ba ang narinig ko?

Hindi ba ako naglalarawan ng mga bagay bagay?

Seryoso ba ang babaeng ito sa sinasabi niya?

Hindi ko maiwasang tingnan siya ng diretso sa mga mata. At doon nagsimula ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"In fact, I should thank you." Matigas at may diin na bigkas niya. "Y-You." Nanginginig ang tinig niya. "Y-You killed the monster... That's why I need to thank you."

End of Flashback

"No." Mahina ang pagkakasagot ko kay Shana pero alam kong rinig nilang lahat iyon kaya't nakarinig ako ng paghinga na tila na wala lahat ng pagdududa at pagkukuwestiyon kay Gabriel.

Ang iba ay halos umiyak sa saya dahil sa narinig. Habang si Gabriel ay tumatango sa kanila, para kumpirmahin ang sagot ko.

"H-Hindi mo talaga anak k-kuya? H-hindi ko pamangkin?" Dire-diretsong tanong ni Lian habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha. At halos tumayo na sa kinauupuan niya para lamang mayakap ang kapatid.

Umiling si Gabriel. "Hindi." Saad niya. Walang kahit anong itinatagong sikreto sa tinig. Pawang katotohanan.

"I-Incess, hindi ka man lamang b-ba nag-duda kay pards? Paano kung a-anak talaga niya?" Biglang tanong ni Timothy.

Pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko bago sumagot. "Noong una, nasaktan ako, noong una, nanguwestiyon ako, kinabahan ako. Ang daming umiikot sa utak ko noong pagkakataong iyon, pero ang tanging nasa isip ko noon, ay paano kung totoo?" Pagsasabi ko ng katotohanan.

"Ang sakit sa akin noon. Nagalit ako doon sa bata. Gusto kong sisihin iyong bata. Kasi bakit? Bakit?" Pagpapatuloy ko. Tumigil din ako panandalian para huminga at para kumuha pa ng lakas ng loob.

"Lalo na noong makita ko ang walang kasiguraduhang reaksyon ni Gabriel. He was questioning himself that moment, so how could I trust him? How would I believed that the child was not his? How?" Nakaramdam ako nang matinding pagbabara sa lalamunan ko kaya't lumunok muna ako nang ilang beses.

"Anong nangyari at naniwala ka pa din na hindi niya anak?" Annicka queried while tears  were streaming down her face.

"I-I trust, Gabriel..." Nabasag na nang tuluyan ang boses ko. Nahihirapan na akong magsalita. "In the midst of the questions and chaos... I chose to trust him, because I have faith in Cassidee..." I said solemnly.

"Naguguluhan si Gabriel noon. Pero sigurado si Cassidee. And I know Cassidee. She... She would lie... She could lie... And she would choose to lie..." Patuloy ko. "Pero nakumpirma ko lamang ang lahat noong maka-usap ko siya."

Flashback

"In fact, I should thank you." Matigas at may diin na bigkas niya. "Y-You." Nanginginig ang tinig niya. "Y-You killed the monster... That's why I need to thank you." Naguguluhan ko siyang tingnan, hindi pa din makapaniwala. Naguguluhan pa din. Hindi malaman kung alin ang iisipin sa hindi. Tama ba ang naririnig ko o gawa gawa ko lamang ito?

"Are you mad?" Tanong ko sa kaniya, naninigurado, nasasaktan.

"You should be happy too. Tigilan mo ang pagsisi sa sarili mo na kasalanan mo ang lahat. Tigilan mo. Dahil hindi ikaw ang may kasalanan. Dahil mamatay man o mabuhay man ang batang iyon, hindi ko pa din siya matatanggap nang buo, at mas pipiliin kong hindi na lamang siya ipanganak sa mundong ito." She stated.

"That child was a sin... That child was a monster..." Nanginginig na bigkas niya at nagulat ako noong magsimulang tumulo ang mga luha niya.

"I-Isa siyang parusa..." Marahan kong nakita kung paanong gumuho ang mundo niya noong sabihin niya iyon.

"Bunga s-siya ng kababuyan na nangyari s-sa akin..." Parang nawasak ang puso ko noong malaman ko iyon.

"Sa tingin mo ba matatanggap ko kagaad ang batang iyon, matapos ang nangyari sa akin? Naging may pakinabang ang batang iyon noong malaman kong puwede,kong siyang gamitin para saktan ka, pero anong ginawa mo? You fucking want to protect it. Imbis na magamit ko para saktan ka... Bakit ang naging resulta, prinotektahan mo pa?" Lumapit ako sa kaniya dahil sa pag-iyak niya. Pinagpapalo niya ako pero hinayaan ko siya.

"Alam ko naman na hindi kita mapapantayan... Alam ko naman na nasa iyo na ang puso ni Nathaniel... Pero alam mo iyong masakit? Ang sakit na gusto ko nang tanggapin ang lahat ng iyon, pero noong humingi ako sa kaniya ng tulong noon, para sana maligtas ako sa kababuyan na iyon, ikaw pa din ang pinili niya... He slapped me with the reality that he would still go to you, even if my life was in danger..." Patuloy siya sa pag-iyak.

"I hate that child! I hate you! I hate that monster who made me this way! I hate myself... I hate it! I hate myself! I hate that child!" Sumigaw siya at ang bawat paglabas ng tinig sa bibig niya ay nakapaghatid ng matinding sakit sa puso ko.

"I hate that child..." Nanghihinang saad niya... "But I could not hate him fully... I hate him for making me feel empty after his death... I hate him... Bakit? Bakit kahit gusto ko na siyang mawala noon pa lamang? Bakit kahit ilang beses ko na siyang tinangkang patayin, bakit? Bakit... may namumuong pagkukulang sa puso ko? Bakit ang sakit sakit?" Napa-upo na siya sa sahig dahil sa matinding pag-iyak.

Maging ako ay nadala na din, at wala akong magawa kung hindi yakapin siya kahit pinagpapalo palo lamang niya ako. At noong magsawa siya ay umiyak lamang siya sa balikat ko.

"It is not your fault... It was my fault... Ako ang nagdesisyon na pumunta sa lugar na iyon kahit alam kong maaring mamatay ang batang iyon. I was ready for it. I wanted it. But now... Why do I feel empty? Why does it pains me?"

"Bakit ka nagluluksa sa kaniya? Bakit kahit akala mo anak siya ni Nathaniel, tatanggapin mo pa din? Bakit? Alam mo bang ang hirap magalit sa iyo dahil sa ginawa mo? Alam mo bang hindi ko na alam ang mukhang ihaharap ko sa iyo?" Nanghihinang sambit niya.

Nagpatuloy kaming dalawa sa pag-iyak. Naging sandigan namin ang mga balikat nang isa't-isa sa sitwasyong ito. Parehas nasasaktan... Parehas nagluluksa... Parehas nahihirapan...

Cassidee was wrong... that child was never a monster... he was an angel...

Kahit panandalian lamang, kahit sa sandaling ito lamang... Binura niya ang galit namin ni Cassidee sa isa't-isa.... Ginawa niya kaming magkasangga sa pagkakataong ito... Ginawa niya kaming magkaibigan sa pagkakataon na ito.

Sabi nila kapag daw may namamatay, may ginagawa daw ang kaluluwa noon para bigyan ng kahit anong bagay ang mahal na mahal niyang nilalang...

That child... he loves Cassidee so much, and even on his death he gave a wonderful gift for his mom...

I'm sorry... for causing too much pain for you mom, forgive me... forgive us... And thank you... Thank you for taking care of her... For making this possible...

***

Sinabi sa akin ni Cassidee na aalis sila ng ama niya para pumuntang ibang bansa at parang mag-simulang ulit. Sinabi din niya sa akin na wala akong kasalana dahil ginawa ko ang lahat maligtas lamang ang bata... Sinabi niya sa akin na nagpakita daw ang batang iyon sa panaginip niya at hinihiling daw noon na sana maging tahimik at maging masaya na kaming lahat...

Mula noon nagsimula na akong magpalakas muli, kinausap ko nang muli sina Gabriel, nagsimula na akong mabuhay muli...

Paminsan minsan naiiyak pa din ako habang naalala ko ang naging tagpo namin ni Cassidee, at ang batang iyon na walang ginawa kung hindi ang makabubuti para sa amin.

I named him Angel... Cassidee agreed. Ang sabi pa niya noon, magugustuhan daw niya ang pangalang iyon.

Tuwing naalala ko iyon hindi ko talaga mapigilang maluha. I regretted every moment that I was angry at him, that I was blaming him...

Para sa kaniya... Ginusto kong bumangon. Ginusto kong mabuhay muli, ginusto kong ayusin ang lahat. Inurong ko lahat ng kaso kay Cassidee at sa ama niya. Sapat na siguro na namatay ang nanay niya noong gabing iyon.

She was shot by the arrow of the jury. Ang hukom ang pumatay sa nanay niya, biglang parusa sa mga nagawa niya. At ang pagkawala ng nanay niya ay tila isang sapat na parusa na sa kanila.

Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko dahil parang nawala ang lahat ng nakatarak na palaso sa puso ko, parang nakalaya ako sa sakit ng nakaraan. Iyon ang pinakamasarap na pakiramdam na naramdaman ko simula noon.

Nang makalabas ako sa ospital, dinalaw ko kaagad ang puntod ni Angel. Sasama sana si Gabriel pero inaasikaso niya ang mga magulang naming dalawa, kaya't ako lamang ang nagtungo papunta sa sementeryo.

Noong makarating ako doon ay may isang tao na nakatayo sa puntod niya.

Marahan at maingat akong pumunta doon. Laking gulat ko noong makita ko si Tres. Alam kong ramdam na niya ang presensya ko pero hindi siya lumingon. Nanatili din akong walang kibo at imik. At hinayaan siyang tingnan at pagmasdan ang puntod.

"Angel?" Patanong niyang bigkas.

"She named him Angel?" Hindi makapaniwalang pagkukiwestiyon niya, bakas sa tinig ang ikinukubling damdamin,

"Takeshi..." Banggit ko sa pangalan niya.

"Gomenasai." Banggit niya. "I betrayed you." Diretsong sambit niya. Umiling ako. Noong una iniisip ko talagang trinaydor niya ako, pero habang tumatagal napagtanto ko na hindi... Isa lamang din siyang biktima ng mga baluktot na pinaniniwalaan namin, at ng masasakit na karanasan namin.

"Hindi ka ba nasasaktan na namatay siya?" I asked him melancholy.

"Siguro nga, hindi ako nagsisisi na wala na siya, kahit nasasaktan ako nang kaunti." Pag-amin niya sa tunay na nararamdaman.

"May rason kung bakit nangyari ito, Uno." Makahulugang sambit niya.

"Sa tingin mo ba? Kung mabubuhay siya, matatanggap siya ng nanay niya? Siguro hindi, kung matatanggap man, siguro napakaliit ng tyansa. Mahirap burahin ang galit at pagkasuklam sa puso kaya, maghihirap muna ang anghel na iyan bago siya matanggap ng nanay niya."

"At ako?" He suddenly said.

"Hindi ko siya matatanggap." Pumatak ang isang luha mula sa mga mata ko.

"Hindi ko siya kayang tanggapin. Dumadaloy sa dugo niya ang dugo na naging dahilan kung bakit wala na ang pinakamamahal ko at ang sanay sariling anak namin. Paano ko tatanggapin Uno? Paano? Kung ang nanay niya ang dahilan ng pagguho ng mundo ko? Na ang nanay niya ang dahilan kung paanong nasira ang buhay ko?" Nagulat ako sa mga sinabi ni Tres. Nanghina yata ang sistema ko sa nalaman.

Hindi ako makapangsalita. May pumipihit na kung ano sa may pulsuhan ko. May kumikirot doon.

"Siguro karapatan mo itong malaman..." Aniya.

"Bago ako maging miyembro, at bago sabihin ng kakambal ko ang tungkol sa inyo. Balak ko nang pakasalan ang babaeng mahal na mahal ko. And guess what? She's with my child. 1 month pregnant. Kahit naman wala kaming anak, pakakasalan at pakakasalan ko pa din siya. Syempre, mahal ko. Mahal na mahal ko. Gusto ko nang lumagay sa tahimik noon. Nakausap ko na ang lahat nang kailangan kausapin. Maayos na maayos na ang lahat. Kasal na lamang ang kulang. Umalis na din ako sa mundo ng mga labanan at mga masasamang loob. Iniwan ko na ang buhay na iyon, dahil gusto ko hindi manganganib ang mag-ina ko. Tinulungan ako ng kakambal ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat... Akala ko..."

"Isang araw bago ang kasal namin... Dinukot siya. Halos mabaliw ako noon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinanap ko sila, pati kakambal ko ginambala ko na para lamang mahanap ko kaagad sila. At noong matangpuan ko ang lokasyon nila, laking gulat ko noong may kinalaman iyon sa huling grupong bingga ko."

"Ang grupong iyon? Yobbo. Yobbo Empire. They lost numerous of connections because of me. Kaya naman mukhang naghihiganti sila. Pinakiusapan ko sila. Hiniling ko sa kanila na sana ako na lamang. Huwag na idamay ang mag-ina ko. Kasi ikamamatay ko talaga. Pero hindi nila ako pinakinggan..." Nagsimulang mabasag ang boses ni Tres.

Tumigil muna siya at saka ipinikit ang nga mata at kumuha ng malalim na hininga. Nakita ko ang marahang pagpatak nang sunod sunod na luha sa mga mata niya. Naramdama ko ang kirot ng puso niya, ang pagpihit noon at maging ang hapding dala ng mga luha niya.

Napa-upo siya... Hindi niya nakayanan...

"In front of me... Fucking in front of me... She was raped by several men... Hindi pa sila nakuntento... They killed her in front of me... They shot her in the stomach... Tumigil ang mundo ko noon. Hindi ko na nagawang man laban, hindi ko na magawang ipasok sa utak ko ang nangyayari... Fuck! Damn it!" Hindi mapigilang mura niya.

"At ang natatandaan kong hitsura noon? Hitsura noong babaeng pinagmakaawaan ko. Iyong demonyong walang awang pinakita sa akin nang harap harapan kung paanong pahirapan ang pinakamamahal ko, at kung paanong patayin sila nang walang awa. I lost it... Ipinangako ko sa mag-ina ko na mararanasan din noong babaeng iyon ang naranasan niya..."

"That's when I started planning everything. At kung sinuswerte ka nga naman. Ang bagong grupo na sinalihan ng kakambal ko, ay mayroong galit sa babaeng pumatay sa mag-ina ko. Kinuha ko ang oportunidad na iyon. Naging tapat ako sa inyo, pero nagsinungaling ako simula noong isagawa ko na ang sariling plano ko."

"Kinuha ko ang halimaw na iyon mula sa iyo... Ikinulong ko siya sa gusali na kasama sa plano ko. Pinahirapan ko siya sa loob ng gusaling iyon. Pinatawag ko siya kay Cero, na inaakala niyang asawa niya para ipamukha sa kaniya na kailanman hindi siya ang uunahin niya. Dahil nandyan ka. Alam kong mag-asawa na kayo noon pa lamang, nagpanggap lamang akong hindi ko alam. Mahal na mahal ka ni Cero, kaya't alam kong hindi siya pupunta para sa kaniya."

"Ginawa ko sa kaniya ang ginawa niya sa mag-ina ko. Ang pinag-kaiba, ako lamang ang gumawa, at hindi maraming lalaki. Pero nagkanda loko loko ang lahat noong makatakas siya dahil sa isang tauhan kong babae na naawa sa ginawa ko sa kaniya."

"Sumabog ang buong lugar at nakatakas silang dalawa, at ang huli kong natatandaan ay nakita na kita, at nawalan na ako ng malay..."

"Sabihin mo ng wala akong kunsensya o awa, pero hindi ako nagsisi sa naging plano ko. Pero hindi ko inaasahang hahantong sa ganito. Hindi ko alam na may mabubuo sa nangyari. Hindi ko din akalain na gagamitin niya ang bata laban sa inyong dalawa ni Cero." Pinunasan niya ang mga luha niya. Maging ako ay pinunasan ang luha na tumutulo sa mga mata ko.

"Ito ang dahilan ko Uno, kaya sana mapatawad mo ako." Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

"You've suffered enough..." Mahinang bulong ko at doon ko narinig ang paghagulhol niya. Nasasaktan ako para sa kaniya. Sa dinanas niya. At maging sa mag-ina niya. Hindi ko akalain na ganito kabigat ang pinagdaanan niya kaya't nagawa niyang gawin iyon.

Hindi ko siya masisi, hindi ko siya magawang sumbatan, dahil masyadong masakit ang lahat nang nagyayari. May kasalanan man o wala lahat kami nasasaktan at lahat kami tahimik na nagdurusa... Siguro sapat na iyong parusa para sa aming lahat na naghirap nang napakadaming gabi habang halos kainin na ng sarili naming galit.

Lahat ay mali. Lahat ay puro kasamaan. At lahat nang iyon ay may kabayaran. At ang kabayaran noon ay napakabigat. Dahil buhay mismo ang kapalit ng lahat ng ito...

Inalo ko si Tres. Pilit kong ipinaramdam sa kaniya na nandito lamang ako. Na nasasaktan din ako dahil sa naranasan niya. Sana malinawan din siya, at saka makita din niya ang kamalian niya, at doon magsisimula ang ilaw na gagabay siya sa pagtahak ng tamang daan. At alam kong dadating ang panahong iyon.

"Maybe, Angel died happily... Maybe he died so he would not suffer—growing up without the love from his mom or his dad. Maybe he died so he could be at peace... So he would not go through this pain... Maybe... It was the right thing... Maybe his death... It was not wasted..." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Hindi ko alam ang itutugon ko kaya naman hinayaan ko na lamang siyang iiyak ang lahat.

Angel... They both love you... Maybe you came to them in the wrong time... But you are a blessing in every way... Please remember your mother and father as the broken people whom you are slowly fixing...

Please... And my heart would be at ease...

End of Flashback

Ikinuwento ko sa kanila kung sino ang tatay ni Angel, at kung anong nangyari sa pag-itan namin ni Cassidee. Walang humpay na iyakan ang naging resulta. Maging si Gabriel ay napayakap na lamang sa akin. Hindi siguro niya akalain na ganito ang nangyari.

Hindi ko sinabi sa kanila ang rason ni Tres. Pero alam kong nakarating sa kaniya na sobrang bigat talaga noon para ganoon ang mangyari.

Ang ilan sa amin ay napatayo at napahangin muna dahil sa bigat nang nalaman nila. Maging ako ay iyak din nang iyak. Habang naalala ko ang anghel na iyon, ay kahit may saya sa puso... Hindi ko pa din mapigilan masaktan...

Them breaking down in front of me... It's heart breaking but I know, we will get over this together... Because after this long, scary and dark night... The sun that will rise tomorrow will be the brightest.

***

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

207K 4K 21
Revamped version completed
334K 13K 95
[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you becam...
6.5M 232K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...
20.1K 486 156
My thoughts of you that you don't know. Now I'm in reverie. Daydreams, musings and trances of you. Wishing that someday... Someday you'll ever know...