Edmonton University

By thespiangurl

158K 2.4K 289

Bawat paaralan ay may misteryosong nakaraan. More

Edmonton University
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Author's Message
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Message
• 1 •
Chapter Fourteen
• 2 •
Author's Message
Chapter Fifteen
• 3 •
Author's Message
Chapter Sixteen
• 4 •
Chapter Seventeen
• 5 •
Chapter Eighteen
• 6 •
Chapter Nineteen
Edmonton University Characters in Real Life
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Valentine's Special.
Chapter Twenty Four: Key.
Chapter Twenty Five: Basement.
Promotion. (Parang Commercial Lang HAHAHA)
Chapter Twenty Six: Ella.
Chapter Twenty Seven: Emma.
Chapter Twenty Eight: Are You Ready?
Chapter Twenty Nine: The Last Of Us.
Chapter Thirty: Princeton High.
Epilogue
Author's Message

Chapter Thirteen

2.8K 52 2
By thespiangurl

13

ChinChin's POV

"Saang sulok ba ng kwartong to natin hahanapin yung susi na yon?" pagrereklamo ni Jhoanna habang naghahanap sa mga drawers. Seriously, kanina pa siya ganyan.

"Basta maghanap ka lang." sagot ko sakaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at naghanap nalang ulit.

Ibinalik ko nalang ang sarili ko sa paghahanap pero hindi ko maiwasang mag-isip.

Bakit pa kami naghahanap? I mean... Susi? Kapag nabuksan ba namin ang entrance, are we free? I'm afraid we're not if it happens. Nabasa ko na yung letter ni JM. I understand it. Naaalala ko na...

We're definitely not in our school. It looks like we're here pero nope. Hindi. We're in a different dimension...Pero magkahawig na magkahawig ang Princeton High sa Edmonton University. Architecture. Yung doors, chairs, everything. They are identical.

Parang ayoko nga maniwala eh. Pero sa mga nakikita ko at nararamdaman ko, mukhang nandito nga kami... Nakakatakot.

Napatigil ako bigla sa kakaisip sa nakita ko. Maliit na susi... For what?

"Music box..." bulong ko sa sarili ko.

Yung babae kanina. Yung babaeng nagpakita samin kanina. Siya. Siya yung may music box. Sakanya to panigurado.

"Araaaay!" agad naman akong napatingin kay Jhoanna. Nakita ko siyang nakaupo at nadaganan na ang paa niya ng shelf na puro libro.

Tumakbo ako papunta sakanya at inalis ang shelf na nakapatong sa paa niya. Nakita kong namamaga ang paa niya.

"Hala? Kaya mo ba igalaw?" umiling siya at nakita kong nasasaktan siya dahil sa paa niya. Ano bang nangyari dito at nadaganan bigla ng shelf?

Naglibot ako sa kwarto pero wala akong makitang first aid kit. Kailangan ko pa namang gamutin to kasi baka lumala.

Lumapit ako sakanya at nagpaalam. Wala na akong ibang choice. "Kukuha lang ako ng first aid sa infirmary, okay? Kailangan nating gamutin yan kaagad. Mabilis lang ako. Wag ka mag-alala. Babalikan kita dito." Tumayo na ako at lumabas para pumunta ng infirmary.

Natatakot ako pero baka lumala kasi yun. Para kay Jhoanna naman eh. Babalik naman ako. Kailangan lakasan ko loob ko.

Krxian's POV

Naliligaw na ata ako. Pumunta kasi ako dito sa 2nd Wing. Baka kasi nandito si Emma.

Manghihingi sana ako ng tulong. Sarado halos lahat ng mga pinto. Kahit palabas ng school nato sarado. Minsan talaga may malas na dating sakin tong pagtulog eh.

Naglakad-lakad nalang ako, wala naman akong gagawin. Atsaka isa pa mukhang wala sa 1st Wing si Emma. Siguro nandito siya.

Habang naglalakad ako sa hallway, napadaan ako sa Ladies' Room at may narinig na naiyak. "Tulungan niyo ako! Wala na si Shara..." Si Shara? Anong nangyayari? Tsaka yung boses...Kilala ko yun. Kaya naman hindi na akong nagdalawang-isip pa na pumasok sa LR.

Nakita ko si JM na nasa sulok at naiyak. "JM?"

Tumingin siya sakin at umiiyak lang siya. "Si Shara...Wala na siya, Xian. Kasalanan ko. Kung hindi lang ako naging selfish. Kung hindi lang ako nagpakaduwag siguro nandito pa siya."

Ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.
Nilapitan ko nalang siya at tinulungang tumayo.

"Ikwento mo sakin lahat habang naglalakad tayo. Tara na."

Chia's POV

"Julyah...Clarence...I'm so sorry. Patawarin niyo ako. Sorry wala akong nagawa para iligtas kayo. Sorry..."

Ako may kasalanan lahat nito. Bakit ko ba ginawa yun? Bakit ba nakinig pa ako kay Earl?
Kasalanan ko to! Nandito pa sana sila kung hindi ako nagpadala sa mga salita ni Earl. Kasalanan ko lahat to. Lahat.

Ang sakit isipin na mamamatay din naman kaming lahat dito. Parang kasi ako narin pumatay sakanila isa-isa. Kasalanan ko lahat to...

"Chia?" napatingin ako sa pintuan at nakita si ChinChin. Parang ayoko ng lumapit. Baka pati siya mawala sa kamangmangan ko.

Hindi ako nagsalita pero lumapit siya sakin. "Chia, anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?"

Umiling ako. "Huwag ka lumapit sakin. Baka mapano ka rin katulad ng iba."

Akala ko lalayo siya pero umupo siya sa tabi ko. "Kung sinisisi mo ang sarili na nandito tayo sa Edmonton University, tigilan mo na yan." Napatingin ako sa sinabi. Alam niya? "Painting lang yun. Don't blame yourself. Si Earl ang dapat managot dito." sabay ngiti sa akin.

"Salamat."

Tumango lang siya at tumayo. "Alam mo ba kung nasaan ang first-aid kit dito?"

Tumayo narin ako at pinuntahan ang cabinet kung nasaan nakalagay yung first-aid kit. Teka, para saan at kanino naman to? Mukha namang okay lang siya. "Chin, matanong ko lang, anong gagawin mo dito sa first-aid?"

Lumapit siya sakin at kinuha yung kit. "Para kay Jhoanna. Nasa faculty room siya eh. Sumama ka na samin." masaya niyang pag-iimbita sakin. Pero hindi ako napangiti. Kinabahan ako bigla.

"M..may kasama ba si Jhoanna?"

Umiling siya at ngumiti. "Wala. Pero kanina kasama namin sila Shara at JM kaso pumunta sila sa 2nd Wing."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at hinatak ko na siya papunta kung saan niya iniwanan si Jhoanna.

Jhoanna's POV

Ang sakit ng paa ko. Pero hindi ko maiwasang matakot. Ako lang mag-isa. Tahimik...Nakakatakot.

Sabi ni ChinChin, saglit lang siya. Pero nasaan na siya?

Ewan ko ba! Napailing nalang ako. Naalala ko bigla yung binigay samin ni JM. Kaya naman dahan-dahan kong kinuha yun sa bulsa ko at binasa. Siguro naman matapos kong basahin to, nandito na si ChinChin 'no?

Jhoanna,
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil naging kaibigan kita. Sobrang thankful din ako sa Diyos dahil kayo yung mga kaibigan ko--hindi lang basta kaibigan, sisters ko kayo. I'm really lucky to have you babes!

Napailing ako at napangiti. JM talaga.
Pero kakaiba. Hindi naman siya mahilig magsulat.

Gusto kong mag-sorry sa mga nagawa ko. Yung mga away natin. Sorry. Hehe. Sorry din sa bad side ko. Pero you love me with all I am, right? Our imperfections makes us human. Nobody's perfect.
Mahal ko rin kayo.

I bet something's wrong. May pinagdadaanan ba tong si JM?

I'm so sorry if I'm such a coward for not telling this to you personally. Natatakot ako. Pinangungunahan ako ng takot ko at hindi ko alam pano ko ieexplain to sainyo.

Jhoanna, we're not in our school. Wala tayo sa Princeton High. Nasa Edmonton University tayo!

Edmonton University? Parang narinig ko na yun...

Naaalala mo pa ba yung kinwento ni Earl matapos yung fieldtrip?

Kasalanan niya lahat to!

Gumising ka na.

Open your eyes. Nasa EU tayo!

This will be our end! We're all gonna die in this hell!

"Tama na!" sigaw ko habang pinupunit ang letter na binigay sakin ni JM. This is a joke. Hindi totoo to!

Mas natakot lang ako. Edmonton University? Kwento lang yun diba? Anong prank to. Tss. Sasapakin ko talaga si JM pag nakabalik sila ni Shara dito.

"Hindi siya nagbibiro. Nandito ka talaga." nanlamig bigla ang buong katawan ko. May nagsalita bigla sa tabi ko.

Hindi ko siya nililingon pero nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. Bata siya na nakapula.

Tumayo siya bigla at hinarap ako. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ngumisi.

"Tara! Laro tayo. Ako ang taya."

Continue Reading

You'll Also Like

619K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...
74.4K 876 8
Stand-alone Story | Not all stories are narrated completely. *** A novel. Ayesha participated for the first time in her school's field trip, unaware...
78.8K 2.1K 31
Isang paaralang literal na impyerno! Ang pagpasok rito'y lubhang mapanganib. Binabalot ng mga sikreto. Nagkalat ang mga maligno. Sa larong nakahan...
39.8K 1.1K 51
Ang akala mong normal na klase. normal na buhay ay tunay.Hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo.hindi lahat ng pinapakitang kabaitan sayo ay...