• 3 •

2.4K 39 5
                                    

Note
Special Chapter #3. Parang yung SC2 lang na connected sa story. (^^)

• • •

Earl's POV

Bumalik na ako sa diwa ko. Si Ella...
Kamusta na kaya siya? Nasaan siya?

Alam kong iniisip niyo bakit kami nandito. At kung iniisip mong ako ang may kasalanan, ako nga.
Ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito.
Sa lahat ng namatay, ako.

Hindi naman dapat sila mapapapunta dito eh. Wala sa plano yun. Pero gusto kong maghinganti sa lahat ng ginawa nila sa akin. Mukhang natututunan naman na nila ang mga kasalanan nila. Mabuti nga.

Naalala ko pa noon kung bakit ako napunta sa mundo nila--sa hinaharap.
May pinadala na pagkain noon sakin si Ella para sa papa niya sa school dahil may naiwan din ako na libro na kailangan ko.
Nakita ko sa isa sa mga kwarto si Sir. Albert kaya naman binuksan ko ang pintuan noon pero nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko. Nasa ibang panahon na ako.

Magkasama kami ni Sir. Albert noon at ipinaliwanag niya ang lahat.

Ginawa niya iyon dahil nakita niya na sisirain ang Edmonton University na pag-aari ng pamilya nila. Ginawa niya ang lahat para mapapunta sa hinaharap para baguhin niya yun. Pero mali. Nagkamali si Sir. Albert. Sa maling oras siya napapunta, at nadamay ako.

Isa pa sa pagkakamali niya ang malimutan ang libro niya na naglalaman kung paano kami makakabalik.

Napadpad kami sa Princeton High. Nung una, masaya kami dahil kaparehong-kapareho ito ng EU. Akala namin nakabalik na kami. Pero hindi pala.

Pumasok bilang guro dito si Sir. Albert at pumasok ako bilang estudyante. Dito nadiskubre namin ang nangyari dahil sa nabasa naming mga dyaryo. Sinunog ang paaralan namin at maraming namatay. Kasama na rito sila Ella at Emma pati narin ang mama nila.

Labis namin itong ikinalungkot. Pero hindi kami sumuko. Naniniwala kaming may paraan pa para makabalik.

Nakilala ko si Chia. Naging magkaibigan kami. Hindi totoo na kababata ko siya. Palabas lang niya yun para maiwasan ang pambubully sa akin.

Ikinwento ko sa kanya ang nakaraan dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya kaso hindi siya naniwala. Pero makalipas ang ilang buwan, nakita ko ang painting niya sa school. Nagulat ako sa ginawa niya. Kaya naman agad ko siyang tinanong at sinabi niyang hindi niya alam. Hindi niya daw maalala.

Kaya napaisip ako.
Anong klaseng sumpa ang meron sa pangalan ng Edmonton University?

Hanggang sa nagkaroon nga ng fieldtrip. Doon, nakilala ko si Jeremiah. May iniabot siya sa akin na libro. At yun na pala ang librong hinahanap namin. Ang librong lulutas sa problema namin.

Hindi ko muna ito agarang nasabi kay Sir. Albert. Atsaka malalaman niya naman kapag ginawa ko.

May mga naging kaibigan ako sa araw na yun. Pero hindi. Alam kong napipilitan lang sila sa ginagawa nila. Masasamang tao sila! Kaya kinwento ko lahat. Ang nakaraan. Ang Edmonton University!

Pero mali parin pala ako.
Akala ko maiibalik ko pa ang dati.

Hindi na pala.
Akala ko nakabalik na kami sa panahon namin.

Nakabalik lang kami sa paaralan. Nasa ibang dimensyon kami. Iba ang oras.

Parusa narin siguro 'to sakin. Sa pandadamay ko sakanila.

Siguro nga, kaya mong baguhin ang hinaharap, pero ang natapos na ay tapos na.
At wala ka nang magagawa para ibalik pa ito.

Edmonton UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon