Chapter Seven

3.1K 62 4
                                    

7

Jelo's POV

Kaninang-kanina pa ako nababadtrip dito kay Gelo. Ang hirap kasing gisingin kanina tapos ngayon mura na ng mura. Problema neto?!

"P$&@#%! PANO BA TAYO LALABAS SA *tooot* SCHOOL NATO! KANINA PA TAYO DITO! TAPOS LOKO-LOKO SILA PARENG JAY AT TOPHER! NI-LOCK PA ATA TAYO! @$&% *censored*!!!"

Ngayon hindi na talaga ako makapagtimpi. Nakakabingi na kasi eh. Pwede naman sigurong magreklamo ng hindi mura ng mura, ano po?

"Anong bang problema mo, boy? Pwede naman tayong mag-intay nalang ah? Palipasin nalang natin gabi, juice colored."

"ANONG BANG PAKEALAM MO? EH KUNG KANINA MO PA AKO TINUTULUNGAN DITO EDI SANA MAY NAGAGAWA TAYONG AYOS DITO!"

"Pano kita tutulungan kung ayaw mo isara yang bunganga m--"

Paker. BAKIT AKO SINUNTOK NITO?!

Sinamaan ko nalang siya at pinunasan yung labi ko.

"Bahala ka sa buhay mo, pre. Kausapin mo nalang ako kapag malamig na ulo mo. Buset."

Umalis ako dun at iniwan siya. Pupunta nalang ako sa library. Tahimik dun.

Okay medyo shunga. Tahimik naman kahit saan pero mas sikat naman library sa katahimikan...at tambayan.

• • •

Naglalakad ako nang may humatak sa braso ko. PWEDE NA BA MA-BADING.

"Apo ka ng lolo't lola mo! Sino ka!??!" sigaw ko sakanya. Nakakagulat ampotek.

"Asan na yung kasama mo?" sino bato? Wala naman akong kilalang estudyante na ganto ang itsura. Tsaka pano niya nalamang may kasama ako? Creepy.

"WALA." #bitter! TEKA! BAT ANG BROMANCE NG DATING?!

"Mag-ingat ka. Pagala-gala lang siya." sino? Si Gelo? Sus bahala siya sa buhay niya.

Tatanungin ko sana siya kaso bigla siyang nawala.

Mababakla nako, sisterlets. Pwede?
• • •

Kanina pa ako naghahanap ng mababasa na libro pero panay math nakikita ko.

Habang tumitingin ako ng libro, biglang may nahulog na picture. Wew. Pinulot ko yun at tiningnan.

FAMILY PICTURE?

Tsaka...yung babae kanina na humatak sakin? Bakit dalawa siya?

Tungaw mo Jelo, baka naman kambal kasi diba!

Tapos...teka kilala ko to ah? Si Sir---

"BAKIT MO PINAPAKEALAMAN YAN?"

Sabi nanaman nung babae kanina. Pero naka-pula na siya. Wow nag-cr lang siguro para mag-change costume.

Nakakatakot siya ngayon...Mukha siyang galit.

Edmonton UniversityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang