Chapter Ten

3.1K 59 8
                                    

10

JM's POV

Nakalabas na kami ng auditorium. Ewan ko ba. Natatakot na ako! Hindi na ulit ako magpapagabi pa dito sa school.

Ngayon, kasama ko parin silang tatlo at nasa cafeteria kami. Gutom na gutom na kasi kami atsaka nauuhaw na. This day is too tiring. Hindi naman kami makapagpahinga. Nakakatakot talaga.

"Ayoko na dito! Gusto ko ng umuwi." pagsisigaw ni Shara habang umiiyak.

"Shara, locked na lahat ng pinto. Bukas pa tayo makakauwi...Konting oras nalang, okay?" pagkukumbinsi ni ChinChin. Bigla naman siyang tumayo at naglakad papuntang counter. "Jhoanna! Bat ba ang bagal mo dyan? Baka naman dinadaya mo na kami sa pagkain dyan ha!"

"Hindi ah! May natapunan lang akong foods dito eh. May biglang natapon na bote na bukas. Mukang hindi na safe kaya etong packed bread nalang at juice."

Lumapit na siya sakin na may dala na apat na balot ng tinapay at apat na juice. Tinulungan ko na siya.

Umupo kami at pumwesto pabilog at kumuha na ng tig-iisa.

"Astig to ah! Anong brand to? Ngayon lang ako nakakita ng tinapay at juice na ganto ang brand!" pagkukumento ko pagkakuha ko nito. Totoo naman kasi. Ni hindi ko nakitang inendorse to.

Binuksan na namin to sabay sabay at kakagatin na sana nang biglang may mga uod na gumapang palabas nito.

Mygosh. Ano to? Is this some kind of prank?!

"Watdaef! ANONG PAGKAIN BA TO?!" pagrereklamo ko habang diring-diri na pinapagpag lahat ng uod sa katawan ko. Ang dami nila. Yikes!

"Teka girls." sabi ni Shara na mukhang tumahan na. "Tingnan niyo yung expiration date oh...1863."

Napatigil ako. Ano daw? 1863?

"Bakit 1863? Wala namang tinitindang ganto kaluma sa school diba?" pagtatanong ko na may halong pagtataka.

"Oo nga. Bakit may ganito? Hindi ko rin maalala na may gantong tinda satin." sabi naman ni ChinChin.

Napatahimik naman kami. Nagiisip... Ang weird na kasi eh.

Everything seems odd. I can even feel the oddness. This is so weird. Super.

Mukhang may kakaiba sa school. Nang dahil sa expiration date nayan, mukhang masama ang kutob ko na wala kami sa tamang oras...

Don't tell me this isn't our school?


Krxian's POV

Kakagising ko lang at nasa school ako. Mag isa. Ang dilim na.

Bumangon na ako at kinusot-kusot ang mata ko.

Nailibot ko naman ang mata ko. Mag-isa na nga lang ata ako. Kinuha ko na ang bag ko sa tabi ko at lumabas na ng classroom.

Teka..Mukhang pamilyar tong pangyayaring ito ah?

Iginala ko ulit an mga mata ko sa paligid at gantong-ganto rin iyon. Huwag niyong sabihing...

Nakarinig ako bigla ng natakbo. Juice colored. Kung panaginip nanaman to gisingin niyo nalang ulit ako please.

Napailing naman kaagad ako. Ghad! Wag kang bading, Xian! Kaya naglakad akong muli pero paghakbang ko may nabangga ako.

Edmonton UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon