Chapter Fifteen

2.4K 40 2
                                    

15

Earl's POV

"Bro, pano kung maghiwa-hiwalay kaya tayo? Mukhang mas mabilis yun para mahanap natin yung iba. Tapos magkita-kita ulit tayo dito."

Suhestiyon ni Gelo habang naglalakad palapit sa amin. Agad namang napatayo si Jelo sa sinabi niya.

"Bano ka ba? Huwag na tayo maghiwa-hiwalay. Baka magpakita nanaman yung impaktang teacher na yun!"

"Sige. Hihiwalay ako sa inyo pero huwag na huwag kayong maghihiwalay. Pupunta ako sa 2md Wing." may kinuha ako sa bulsa ko at inabot ko sakanilang dalawa.

Tinitigan lang nila ito.

"Ano yan?" sabay nilang tanong sakin.

Nginitian ko lang sila. "Basta huwag niyong iwawala yan. Ilalayo kayo ng bagay na yan kapahamakan. Basta huwag na huwag kayong maghihiwalay."

Tinalikuran ko na sila at nagsimula ng maglakad paalis sa rooftop.

• • •

Nasa 2nd Wing na ako at nasa tapat ako ng Music Room.

Naririnig kong tumutugtog ang piano. May tao siguro sa loob.

Lumapit ako sa pintuan at mas lumalakas ang tugtog.
Hinawakan ko na ang doorknob pero nandilim ang paningin ko.

• • •

Simula nung iwanan ko si Lea, hindi na siya bumalik.

Nakakalungkot. Siguro kung sinakyan ko nalang ang pandadaya niya, kasama ko pa siya.
Pero bakit ganun? Nawawala siya. Pinaghahahanap na siya pero hindi parin siya nakikita. Saan ba siya napunta?

Simula nung nawala siya, palagi na akong pumapasok na mag-isa. Kumakain mag-isa.
Nag-aalala na ako. Kasalanan ko siguro to...Kung hindi ko lang sana siyang iniwan.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinimulang magtugtog gamit ang piano. Eto lang ang makakatulong sakin para ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Napatigil ako nang may pumalakpak sa likuran ko. "Ang galing mo naman. Pwede mo ba akong turuan?" ngiti sakin ng babaeng maganda na nakasuot ng pula.

Nakakahiya. May nakakita pa ata sakin ng malungkot. Pero agad ko siyang nginitian. "Sige!" Napatingin naman ako sa hawak niyang music box. "Ang ganda naman ng hawak mo. Kanino galing yan?"

Ngumiti siya sakin at tumabi. "Galing kay papa ito. Ang ganda 'no? Kaso hindi na babalik si papa. Umalis siya dahil lang kay Emma!" biglang nagbago ang ekspresyon niya.

Inilapit ko siya sa akin. "Mahal ka din ng papa mo ha? Baka lagi lang pagod ang papa mo. Oh di kaya'y nagbabakasyon lang siya. Kaya wag ka nang malungkot, magtugtog nalang tayo ha? Tuturuan kita."

"Ako pala si Raya. Tawagin mo nalang akong Ate Raya."

Ykah's POV

Kailangan kong lumayo. Ayokong balikan ang mga nangyari. Kaya naman ay papunta ako sa 2nd wing nang may maapakan akong papel.

Tinitigan ko ito na napangiti.

MA Y NAK I LA LA A ONG BABAE AT S YA SI RAYA...

MABAiT SIY A AT TNRUAN AK NG TMGTOG...

PER KI NAI LANGN KONG...........

Tama. Isa to sa pages ng journal ni Ella.

Magulo. Kulang-kulang. Kailangan niyang ano?

Pinulot ko na ito at nagsimula ulit maglakad.

Raya...Raya. Hmm.
Saan ko nga ba narinig yun?

Edmonton UniversityWhere stories live. Discover now