Chapter Six

3.7K 71 0
                                    

Note
I dedicated this story kay Kuya_Soju noon. Pero haha! Gosh! Hindi ko na-realize kung gano ka-jeje ako noon. Kaazar. Nakakahiya! (/ _ ; )
Anyway, you can read his stories po. Some of his books were published under LIB! :)

• • •
6

Chia's POV

Sinabi ko na sakanya. Kinwento ko lahat ng nalalaman ko. Nakita kong namutla siya bigla. Naalala na niya siguro.

Ewan ko ba. Medyo nakakatawa nga eh. Hindi naman namin ginusto to. Life is full of surprises nga. Life is a bitch. Do we deserve this? Deserve ba namin ang mapunta dito?

Nung magising ako, alam ko na kaagad kung nasaan kami. Earl...Yung kinekwento niya. Yung painting ko. Kaya I'm blaming myself. Kahit hindi ko alam kung pano kami nakapunta dito.

I think...Earl used me para mabuksan kaisipan nila sa school na to. Pero bakit? Punung-puno na ng thoughts yung ulo ko. What if hindi na kami makalabas dito? What if mamatay kami sa gutom? Paano na families namin? Gaano kami katagal dito?

Basta ang dami...Tinatakasan na ako ng pag-asa.

"Chia, tara na." seryoso niyang sabi sakin.

"Saan tayo pupunta? Sabi ko sayo walang exit to.."

"Sabi ko, tara!" at hinatak niya ako papalayo.

Anong iniisip niya?

Earl's POV

Nasa Grade11A kaming tatlo nila RJ at Andre. Tulala lang silang dalawa. Nakakapagtaka na nakakatuwa tuloy.

Dahil siguro dun sa kwento ko kani-kanina lang.

Nung una kong banggitin sakanila, hindi nila maalala. Kaya nagtaka ako. Pero sa huli rin naman ikinwento ko na sakanila at ngayon, mukhang nagsisink-in na sakanila.

"Naalala ko na Earl." sabay nilang sabi.

Napatingin ako sakanila bigla matapos nilang sabihin yun. Halos kalahating oras din silang nakatulala. Napangiti ako. Syempre hindi ko ipinahalata sakanila yun.

"Galing tayo sa fieldtrip..." paninimula ni RJ.

"Tapos naglinis tayo ng school, yung Princeton High. Madami-dami din tayo nun.." nanginginig na turan ni Andre. Natatakot siya?

"Tapos lumindol nung nagkkwento ka..At eto na, nandito na tayo..."

Bumuntong hininga ako at tumango, "sa Edmonton University."

Jaycel's POV

"Sampu." nasa unahan ko si Ykah nang marinig ko yun. At alam ko kung kaninong boses yun. Napatigil kami sa paglalakad.

"Ms. Landicho and Ms. Almeda." napatingin ako sa likod at hindi na nagdalawang isip pa. Sinipa ko siya ng malakas sa sikmura.

Napahawak siya sa sikmura niya at nagsimula na kaming tumakbo ni Ykah. Hindi kami tumakbo papuntang hagdan. Tumakbo kami papunta sa kaliwa. Napatingin din ako sa hawak niya. Gunting?

"Ykah! Saan na tayo magtatago?"

"Psst. Dito.."

Edmonton UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon