The Way To His Heart (The Sta...

By JhingBautista

1.9M 62.8K 10K

Mona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but... More

Prologue
Chapter 1: Some Things Never Change
Chapter 3: For The Nth Time
Chapter 4: Meeting Bullet
Chapter 5: Long Weekend
Chapter 6: Getting To Know Him
Chapter 7: Date?
Chapter 8: D-A-T-E
Chapter 9: Something's Changed
Chapter 10: Second Date
Chapter 11: Sssshhhhh
Chapter 12: To Flirt or Not To Flirt
Chapter 13: Keeping It Lowkey
Chapter 14: A Broken Heart
Chapter 15: Persistence
Chapter 16: Angela
Chapter 17: Heavy Heart
Chapter 18: Swings and Ice Creams
Chapter 19: Hers
Chapter 20: Tug of War
Chapter 21: Three's A Crowd
Chapter 22: Gamble
Chapter 23: I Love You
Chapter 24: One Day
Chapter 25: Meet The Clan
Chapter 26: One With The Family
Chapter 27: New Year, New Problems
Chapter 28: Dealing with the Truth
Chapter 29: Making Up
Chapter 30: Singles' Day
Chapter 31: Brain Freeze
Chapter 32: B and B
Chapter 33: Breather
Chapter 34: Home
Chapter 35: Clean
Chapter 36: Under Pressure
Chapter 37: Chasing Hearts
Chapter 38: Torture
Chapter 39: Closure
Chapter 40: Happy Ending
Epilogue

Chapter 2: We Meet Again

62.8K 1.7K 184
By JhingBautista

Vital statistics (as of today)

Bust: 36

Waist: 32

Hips: 45

Bumuntong-hininga si Mona. Pinisil-pisil ang extrang laman sa bandang tiyan. She can look at her body and sigh. Minsan, sa disappointment. Minsan naman, sa relief. Mabagal kasing magbago ang numero ng vital stats nya. Hindi kagaya ng timbang na ilang kain lang, nagyo-yoyo na.

Hindi niya alam ang timbang niya ngayon. She doesn't check it.

Isinuot niya ang itim na shirt na may logo ng bakeshop at denim jeans. Dikit na dikit sa balat ang t-shirt niya. Medyo sikip sa bandang dibdib. Nangungumusta na rin ang mga braso niya. Pwede nang pala-pala.

Pero mas malala ang pantalon niya. Sikip na sa bandang tuhod. Nang hilahin niya iyon pataas, pakiramdam niya'y pupulikatin ang mga hita niya sa sobrang sikip! She grunted and pulled the pants down.

Kumuha siya ng leggings sa aparador at iyon ang isinuot. Mahal siya ng leggings. Palagi niya iyong maaasahan. Hindi siya pinahihirapan sa pagsusuot. Ang problema, maiksi ang shirt niya pra sa leggings. Kita ang puson at ang... para siyang walang suot pang-ibaba.

Check ang leggings pero mali ang shirt. Hinubad niya iyon at naghanap ng mahabang isusuot. Nakakita siya ng isang long shirt na kulay green. Malambot at see-through ang tela noon tapos may bulaklaking design. Hanggang siko ang manggas at hanggang gitna ng hita ang haba. Naghanap siya ng tube top para ipaloob doon.

Now, instead of running shoes, makakapag-doll shoes pa tuloy siya para lang bumagay sa outfit.

She looked in the mirror and frowned. "Beh, mukha ka namang a-attend ng binyag," sabi niya sa sarili. Pero wala nang oras. Kailangan na niyang pumasok.

After giving her hair a last minute brush and herself, a quick head to toe check in the mirror, she ran to her car and head off to work.

--

Pagkarating ni Mona sa shop, nandoon na ang ilan niyang empleyado. She trained them to be early. If they can go to work earlier than her, may dagdag ang mga ito sa sahod. Kaya naman ganadong-ganado ang mga ito.

"Good morning, Monay!" nati ng isa sa mga baker niya, si Tatay Ben. He's a 66-year old man who grew up baking bread. Kapitbahay nila ito dati sa Quezon. Nang magustuhan niyang maging isang baker, kinuntrata niya ito kaagad. Nang malugi ang panaderya ni Tatay Ben, nag-apply ito sa shop niya.

Ito na ngayon ang head baker niya. Ito ang kaunahan sa trabaho, nagma-manage sa kitchen prep team na naghahanda ng mga ingredients sa umaga.

"Morning, Tay!"

Hinalikan niya sa pisngi si Tatay Ben. Ito na ang nagsisilbing tatay niya kapag nandito siya sa Manila. Malayo kasi ang pamilya niya. Bihira lamang siyang makabisita dahil sa trabaho.

Pumunta siya sa opisina para magpalit ng uniform. When she went out, binati naman siya ng manager ng bakeshop para i-check kung ayos na sila roon. They'll be opening the store in an hour. Na-bake na ang mga dapat i-bake for the first batch of goods, thanks to Tatay Ben and his team.

Her focus now would be the orders for the cakes and cupcakes. Specialty niya ang paggawa noon. 'Yon talaga ang inaral niya. Siya ang punong-abala sa pagdi-decorate ng mga iyon sa bakeshop. May isa siyang main sculptor na gumagawa ng cake toppers at nag-aayos ng skeleton ng pang-dekorasyon kapag malalaki at unusual ang cake na ipinagagawa at isang pastry chef na mahilig mag-experiment kagaya niya.

The store manager, Angie, headed to the front of the store to check on the display cases. Ayaw na ayaw kasi nitong nakakakita ng alikabok sa mga lalagyan. Palagi ring sinisigurado na tama ang label na ilalagay.

Siya naman ay ipinakuha na ang cakes na gagawin at nang makapagsimulang mag-decorate. She filled the piping bags with buttercream. 'Yong iba, royal icing na iba't iba ang kulay. May sampung cakes siyang gagawin ngayong araw. Orders para sa birthday party. Her assistant, Tess the pastry chef, was already rolling fondants that will be used to cover some of the cakes. Si Ralph, 'yong sculptor niya, ay gumagawa ng gumpaste flowers. Since noong una naman, bihira pa lang 'yong unusual cakes, she thought that it would be a great idea to teach Ralph some of her decorating tricks, just so he could help. Natural naman ang pagiging artistic ng lalaki kaya kayang-kaya nitong gawin ang mga itinuro niya. Magaling itong gumawa ng mga bulaklak. His attention to detail was impeccable.

Habang nili-layer ni Tess ang cakes, siya naman ay ipinalagay ang cupcakes sa mahabang lamesa. Ganito siya palagi. Gustong kita ang lahat na kailangang trabahuhin. Kapag nakalatag na ang lahat sa lamesa, saka siya magsisimulang magtrabaho.

Mabilis niyang nilagyan ng iba't ibang toppings ang cupcakes. Pagkatapos niya sa tatlong tray na iba't iba ang flavors, dumiretso naman siya sa isang cake. It was already refrigerated. Lalagyan na lang ng dekorasyon. She used Ralph's gumpaste flowers to decorate the cake.

Wala silang tigil sa pagtatrabaho hanggang hindi napupuno ang lahat ng display case. Pabalik-balik doon ang mga empleyadong nag-aasikaso naman sa mismong tindahan. Deliveries will be done later, pero halos tapos na rin niya lahat. 'Yong mga pang-hapon at gabi na lang ang hindi pa.

Nang mag-alas onse, nag-order sila ng pagkain. Sa isang lamesa katabi ng bintana nila inilatag ang mga in-order. Pero pasubo lang siya ng pagkain nang biglang tumawag si Fresia. Dinig niya ang sama ng loob sa boses nito kaya alam niyang may nangyari na naman.

"Mm? Nag-away na naman kayo?" tanong niya. Sumubo siya ng sweet and sour pork habang nakikinig sa sagot ng kaibigan.

Naglitaniya na naman ito. Nagloko na naman daw ulit si Richard dahil hindi nito pinagbigyan.

"Wala ka na namang tutulugan?"

"Anong oras ka uuwi mamaya?" pabalik nitong tanong.

"Ilang araw kang mag-stay?"

"Maggu-grocery ako, don't worry."

Kahit hindi naman nila direktang sinagot ang tanong sa isa't isa, nagkaintindihan pa rin sila. Maggu-grocery ito, so that means na hindi lang isang araw itong mananatili sa bahay niya. And if Fresia's staying with her, then that means...

"I asked Felix to come by the apartment tomorrow," sabi nito, mukhang na-sense na magtatanong siya. It's been almost a month since she last saw Felix. Si Fresia lang kasi ang tanging kuneksyon niya sa lalaki.

Pero the last time, the second time na nagkita silang dalawa sa magulong apartment ni Fresia, nalaman niyang may girlfriend na ito. So, her first instinct was to stop hoping. Kasi ayaw naman niyang ipagpilitan ang sarili sa taong may sabit na.

Sayang. Tipo pa naman niya si Felix. Lalaking-lalaki kasi ang dating nito. His butt cheeks are just begging to be slapped!

Napakagat-labi siya sa naisip. Matagal na panahon na rin kasi. Ilang taon na rin pala siyang walang boyfriend. Puro kasi siya business. Kapag may ipinapa-date sa kanya ang mga magulang, sige lang siya nang sige. Pero palagi naman siyang may nakikitang ayaw niya.

Most of the guys her parents ask her to date are nice and decent men. Men who bored her to death on the first date. Walang masyadong thrill para sa kanya.

But Felix... Napabuntong-hininga siya.

"Beh, huwag mo na 'kong tuksuin. May jowa na 'yong tao. Magreto ka naman ng single at available."

Tumawa si Fresia. "Kaya nga inirireto ko sya ulit sa 'yo. Break na sila ng girlfriend nya."

"Really?!" Tinakpan niya ang bibig nang mapatingin sa kanya ang mga empleyado. Saka siya bumulong sa kausap. "Kailan pa?"

"A few days ago? Nakita ko lang sa Facebook nya."

"Wow. Friends na kayo?"

"Yeah. Sabi ko sa 'yo, i-add mo din sya e."

"Ano naman ang rason kung bakit ko sya ia-add?" nakanguso niyang tanong. "Baka sabihin no'n, feeling close ako masyado."

"Bakit hindi? Ikaw lang kasi e. Ang kapal-kapal ng mukha mo sa 'min, pero tiklop ka sa kanya. Parang first time mong makakita ng gwapo."

"Ibang gwapo kasi naman 'yon, Beh," dahilan niya. "'Yon kasi 'yong gwapong gusto kong angkinin."

Tumawa ito. "Adik ka talaga. Basta ha. Pumunta ka bukas before lunch. Magpapaluto ako sa 'yo. Malay mo, baka magkagusto sya sa 'yo kapag natikman nya 'yong luto mo."

"Okay ba 'yong kusina mo? Hindi mo sinira?"

"Slight lang. 'Yong sala 'yong napuruhan," sagot nito. "Pero ipapabago ko rin 'yong pintura saka 'yong design ng kwarto ko."

"Wow yaman. Daming pampaayos." She crossed her arms against her chest. "Why not break up with Richard for good para makatipid ka?"

"We did break up."

"Pero for sure, kapag bumalik sya sa 'yo, tatanggapin mo pa rin."

Hindi ito sumagot.

"Tanga ka ba, Fresia?"

"Ayaw ko lang na pagalitan na naman ako, okay? You know how close he is with them."

Bumuntong-hininga siya. Kung gaano siya ka-close sa mga magulang, ganoon naman kalayo si Fresia sa parents nito. Nag-iisa na itong anak dahil nagpakamatay ang kapatid nitong si Fiona five years ago. Since then, Fresia became independent, living on her own, away from her parents. Palagi kasi ng mga itong pinakikialaman ang mga desisyon niya sa buhay. Isa na roon ang pakikipagrelasyon nito kay Richard.

Richard's an asshole and unfortunately for Fresia, a doctor as well. Doktor kasi ang ama ni Fresia at abogada naman ang ina. Ang first choice ng mga ito para sa mga anak, medicine. Kahit anong klase ng doktor, basta maging doktor ang mga ito.

But Fresia likes designing dresses. At dahil hindi ito nag-doktor, required itong mag-asawa ng doktor. Iyon ang silbi ni Richard sa buhay nito. And maybe that's the only reason why her friend keeps that guy close. Fresia's still trying to teach her heart to love him.

"Basta ha..." sabi nito. "Be there before lunch."

"Okay, Beh."

--

Dahil wala nang girlfriend si Felix at kailangan siya ng kaibigan, walang nagawa si Mona kundi piliting tapusin ang mga orders para sa kinabukasan nang araw ding iyon. Ilang oras din kasi siyang mawawala. Ilang cakes at cupcakes din ang pwede niyang tapusin.

Dumaan na lamang si Fresia sa shop dahil malilate siya ng uwi. Nag-order sila ng pagkain para sa hapunan at pinanuod siya ng kaibigan habang nagdi-design ng wedding cake na idi-deliver bukas ng umaga.

Alas dyes na ng gabi nang makauwi silang dalawa. Nakapag-uwi pa si Fresia ng ilang tinapay at cupcakes para gawing midnight snack. Mabuti na lamang at umay na siya sa mga tinda. And she also sleeps early. Iniwanan niya si Fresia sa sala na nanunuod ng TV.

The next day, she went to work early, para marami ring matapos. Iniwanan lang niya ng agahan ang kaibigan. Sanay naman na si Fresia sa kanya. Alam na nito ang gagawin kahit wala siya sa bahay, basta mag-iiwan siya ng pagkain.

Sinikap niyang tapusin ang orders ng araw na iyon. Ang naiwan niyang trabaho, pinatapos niya kina Tatay Ben at Tess. Eksaktong alas onse ng umaga, nakaparada na ang sasakyan niya sa tapat ng apartment ni Fresia. May nakaparada rin doong dalawa pang sasakyan kaya alam niyang nandoon na ang dalawa.

Huminga siya nang malalim bago kumatok sa apartment. Sinalubong siya ng kaibigan na malaking-malaki ang ngiti.

"Right on time!"

She smiled back and handed a box of cupcakes.

"That's for him, not for you," bulong niya rito.

"Pasok ka. He's working on the bedroom."

"How do I look?" she asked before entering.

Nagkulot siya ng buhok bago matulog. At ngayon, bihis na bihis siya. Naka-red lipstick pa. Wala e. Wala nang girlfriend 'yong crush nya. Kailangan nang magpapansin. But this is how grown women do it.

"Kalma ka lang sa pagpapaganda, friend. Baka mabigla 'yon sa 'yo."

Ngumuso siya pero pumasok na rin sa apartment. Wala nang kalat sa sala. Mukhang naalis na ang kalat doon. Pumunta siya sa kusina at sumilip sa nakabukas na kwarto. Napakagat-labi siya nang makitang nakatalikod si Felix. Her gaze lowered at his bum. But she also couldn't ignore his ripped muscles. Naghuhumiyaw iyon sa suot nitong manipis na shirt na maiksi ang manggas at jeans na kapit na kapit sa legs nito.

Nang bumaling siya kay Fresia, kita niyang pigil na pigil ang tawa nito. Lumapit ito sa kanya at bumulong, "Magluto ka na. Gutom na 'yan for sure."

--

Nagluto si Mona ng kare-kare with bagoong, ang special dish ng ama niya. He taught her how to cook it and now she's serving it to Felix. Hinintay niyang matikman nito ang luto niya. Alam naman niyang masarap siyang magluto, pero mas gamay niya ang pagbi-bake. And she rarely makes kare-kare.

Iniulam ni Felix sa kanin ang kare-kare at saka iyon isinubo. He chewed the food thoughtfully.

"It's good, right?" tanong ni Fresia sa lalaki. Tiningnan niya ang kaibigan. Paubos na ang pagkain nito sa pinggan.

Nag-thumbs up si Felix. Nakahinga siya nang maluwag.

"O, masarap daw, Mona. Kumain ka na rin."

Medyo pahinhin 'yong pag-upo niya. Kumuha siya ng pagkain pero hindi siya makapag-concentrate sa sariling serving dahil nawiwili siyang panuorin ang lalaking kumakain sa harapan niya.

Malaki itong kumain. Siguro gutom lang? O siguro napasarap talaga ang luto niya?

Nang tumunghay si Felix ay nagkasalubong sila ng tingin. Nakalimutan yata niyang huminga sandali. Lalo na nang ngumiti ito.

"Kain ka na," pag-aalok nito.

"Sige."

Tumikhim si Fresia. "Alam mo, Felix, 'yang friend ko na 'yan ang pinakamagaling magluto sa 'ming magkakaibigan."

"Ako lang ang marunong magluto sa 'tin, Beh," pagtatama niya.

"That's great..." kumento ni Felix.

"If you want, she can cook for us tomorrow. Tapos na siguro kayo by lunch?"

Gusto niyang magreklamo. Marami pa rin siyang gagawin bukas. Mababawasan na naman ang oras niya!

"Yeah. And my team will be dining with me tomorrow. Pwede bang ipagluto mo rin sila?" tanong ni Felix sa kanya.

Matamis na ngiti ang ibinigay niya rito, kahit hinahati na niya ang araw sa isip niya para mapagkasya ang lahat ng gagawin. Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Para sa love life!

"Sure..." napipilitan niyang sagot.

Continue Reading

You'll Also Like

584K 8.2K 37
Walk of Shame is officially out on every PPC stores nationwide for only P109.75! Ho pe you guys will support it and grab a copy! Thankies!! :)
519K 9K 57
We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It changed everything, as in everything. It...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
27.8K 1.7K 19
DE HARO SERIES BOOK TWO