Baby Madness

By purpleyhan

5.8M 230K 39K

Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers whi... More

front matter
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 1

176K 5.3K 894
By purpleyhan


"Chloe, di ka pa ba aalis? Malelate ka na."

"Paalis na, Manang."

Sumulyap muna ako sa salamin bago ako umalis ng kwarto. Friday na ngayon at last day na ng first week of classes ng buhay third year college ko.

"Kuya Larry, pakibilisan na ang pagdadrive ha? Malelate na ako eh!" sabi ko kay Kuya Larry nung makasakay na ako sa kotse. Yeah. Kahit eighteen na ako, wala pa rin akong license dahil hindi ako magaling magdrive. Sabi ni Kuya Larry noong tinuruan niya akong magdrive noong sixteen ako, para raw akong lasing na driver. Well totoo naman. Kapag nagdadriving lesson kami, laging may gasgas 'yong sasakyan kapag tapos na.

"Okay. Ganito ang tamang pagdadrive ha?" sabay tawa pa niya. Sinipa ko nga 'yong upuan niya. Nang-aasar pa, malelate na nga ako.

Nakarating naman agad kami sa school at pumunta agad ako sa first class ko. Buti nga at naunahan ko ang prof ko sa pagpasok sa room, eh. Hindi na niya kasi pinapapasok ang mga late.

Nag-group activity lang naman at after no'n dinismiss niya na rin agad kami. Inattedan ko lahat ng class ko at halos antukin ako dahil sobrang boring. Umalis na agad ako sa room after kaming idismiss ng prof ko sa last class pero napahinto ako no'ng narinig ko ang bulungan ng dalawang babae sa likuran ko.

"Siya nga ang crush ni Kuya Iñigo. Narinig ko 'yong full name niya kanina nung tinawag siya ng prof niya. Chloe Esguerra."

"Ang alam ko siya ang third party sa break up nina Kuya Iñigo tsaka ate Queenie eh."

"Talaga? Baka nilandi niya si Kuya Iñigo."

Nairita na ako sa narinig ko kaya hinarap ko sila. Gulat na gulat pa sila nung ginawa ko 'yon. Parang mga tanga.

"Tapos na kayo sa chismis?" sabi ko tapos tinaasan ko sila ng kilay. Mukhang second year ang mga 'to. "Kung pag-uusapan niyo ako, siguraduhin n'yong 'di ko maririnig. Kasi gumaganti ako sa mga naninira sa akin." Tinignan ko kaagad ang IDs nila. Napansin naman nila 'yon at tinakpan nila bigla. Sorry girls, pero nakita ko na. "Rachelle and Marie, right? Be ready," sabay ngiti ko at saka ako tumalikod ulit.

Narinig ko namang tumakbo sila at 'di ko mapigilang tumawa. Hah! Bahala silang matakot. Actually, hindi naman ako gano'n kasama para gumanti talaga. Sinabi ko lang 'yon para matakot sila. Bahala silang matakot hanggang sa inaabangan nila ang pagganti ko na hindi naman mangyayari. Aba, tama ba naman kasing pag-usapan ako? At dahil pa sa Iñigo na 'yon? Kainis! Ni wala nga akong pakialam sa kanila ng girlfriend niya, tapos ako ang sisisihin ng so-called fans nila dahil sa break up nila? Wow.

Nagstay muna ako sa may bench area para hintayin si Kuya Larry. Medyo malelate daw kasi siya sa pagsundo sa akin. Pero nairita na naman ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Puro magbabarkada ang mga nakatambay dito ngayon.

Hindi ko na lang sila pinansin kahit na naririnig kong ako ang pinag-uusapan nila at sinaksak ko ang earphones sa tenga ko at nakinig na lang ng music. Pero hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatingin sa kanila. Naiirita talaga ako.

"Chloe, tara na."

Nagulat naman ako nung lumitaw sa harapan ko si Kuya Larry. Tinawanan niya pa ako dahil nakakatawa raw ang reaksyon ko. Binato ko nga sa kanya 'yong bag ko.

Pero buti na lang at dumating kaagad si Kuya Larry, kung hindi baka nagkaroon ng away doon. Sumakay kami sa kotse at excited na akong umuwi dahil makakapagpahinga na ako pero nagtaka ako no'ng hindi inistart ni Kuya Larry ang kotse.

"Bakit, Kuya? Nasiraan ba tayo?"

"Ah, hindi." Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya. Tsaka ko narealize na pinagpapawisan siya at parang wala siya sa sarili niya.

"May problema ba?" tanong ko pero hindi siya sumagot at iniiwasan niya ang tingin ko.

Bigla naman akong kinabahan. Kapag ganito si Kuya Larry, isa lang ang ibig sabihin nito. Katulad nina Yaya Fe at Nanay Meling, sobra rin siyang mag-alala para sa akin. Siya na ang tumayong tatay ko kaya alam ko ang bawat kilos niya.

"D-don't tell me . . . nasa bahay sina Mommy at Daddy?" Pagkasabi ko no'n, yumuko na lang siya.

I knew it.

Sa nakaraang three years, hindi na ulit umuwi sa Pilipinas sina Mommy at Daddy. Alam ko namang dahil 'yon sa kapatid ko at sa business nila doon. Mas mabuti na 'yon. Ayaw ko rin naman silang makita. Tutal mukhang mas mahal nila ang kapatid ko kaysa sa akin. Magsama-sama silang tatlo. Wala na akong pakialam.

Tahimik lang kami pareho ni Kuya Larry habang nagdadrive siya pauwi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ayoko talaga silang makita pero nacucurious ako kung bakit sila umuwi.

Pagdating namin sa bahay, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko kaagad sina Mommy at Daddy sa may living room. After three years, nakita ko ulit sila. Parang may kung anong naipit sa lalamunan ko at gusto kong umiyak pero naunahan 'yon ng pagkabigla dahil sa nakita ko.

"Is that ate Kowi, Daddy?" tanong ng isang batang nakakandong kay Dad.

"Yes, Czanelle," sabay ngiti pa ni Dad sa kanya.

"Hey, Cyayk! Ate Kowi!" sabi ni Czanelle doon sa baby na hawak-hawak ni Mommy.

Oo. May baby na hawak si Mommy. And it turns out na kapatid ko rin 'yon. Biglang kumulo ang dugo ko nung narinig ko 'yon. Sisigaw na sana ako nung biglang bumukas ang pinto sa likuran ko.

"Sorry Ma'am, Sir, na-late po ako."

Napalingon ako dahil nakarinig ako ng lalaking boses at hindi naman boses ni Kuya Larry 'yon. Pagtingin ko, isang lalaking halos kasing-edad ko rin siguro ang sumalubong sa akin.

Who the heck is he?

Napatingin siya sa akin kaya kumunot agad ang noo ko.

"Sino ka?"

"Jazer," sabay bow niya nang mabilis.

"Anong ginagawa mo rito?"

Nagulat naman ako nang may umakbay sa akin. Pagtingin ko, si Daddy pala. Kinilabutan ako nung mangyari 'yon. Hindi na ako sanay na magkaroon ng physical contact sa kanila.

"Sorry for her rude behavior. Hindi niya pa kasi alam," sabi ni Dad doon kay Jazer. And what? Ako, rude?! At anong hindi ko pa alam?

"Okay lang, Sir."

"Teka nga, ano bang nangyayari?" iritadong sabi ko.

"Dear, iiwan kasi namin dito sina Czanelle at Clark. Hindi na namin sila kayang alagaan habang inaayos namin ang business sa Singapore at ayaw ko rin namang kumuha ng yaya roon," sabi ni Mommy kaya lalong kumunot ang noo ko.

D'yan. D'yan kayo magaling. Pagkatapos niyong gumawa ng anak, itatapon niyo lang rin sila dito. I want to tell that to their face pero ayoko namang bastusin sila sa harap ng ibang tao. Magulang ko pa rin sila kahit papaano, kahit na kumukulo na ang dugo ko sa kanila.

"So?" sabi ko na lang.

"And since wala rito si Yaya Fe . . ." bigla ko namang naalala si Yaya. Yeah. Wala na nga dito sa bahay si Yaya. Nagkaroon kasi ng problema sa pamilya nila kaya humingi siya ng three-month break. Kinontact niya sina Mommy at pinayagan naman siya dahil malaki rin ang naitulong ni Yaya sa pagpapalaki sa akin. "Kumuha kami ng bagong babysitter."

Pagkarinig ko no'n, hindi ko alam ang irereact ko. Napatingin ako kina Mommy at Daddy, pati na rin doon kay Jazer.

"S-siya?! Are you serious?!" sabay turo ko sa lalaki.

"Yeah."

"No way!"


***

Nandito ako ngayon sa dining area habang pinakikinggan ko ang usapan nila sa may sala. Hindi pa rin ako makapaniwalang babysitter ang lalaking 'yon. As in talaga? Like, duh? Sinong maniniwalang may babysitter na lalaki at teenager pa? Tapos makakasama ko pa 'yong dalawang kapatid ko. Ni hindi ko nga mafeel na kapatid ko sila eh. At naiinis pa rin ako sa kanila dahil . . . ah basta! Nag-iinit talaga ang ulo ko ngayon!

"So Jazer, doon ka magsstay sa may guest room. Pinalagay ko na rin kay Larry ang mga gamit mo doon. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang rin sa kanya."

Halos mabagsak ko ang baso nung narinig ko ang sinabi ni Mommy. Dito siya titira?! Kasama namin? Hell no!

"Oo nga pala, naayos na rin namin ang papers mo. Pwede ka nang pumasok sa school ni Chloe next week. Mas malapit kasi 'yon kaysa doon sa dati mong school and mas convenient."

What?! Pati ba naman sa school makikita ko rin siya? At bakit parang special treatment siya kina Mommy? Sino ba siya? Nakakainis!

"Ate, you want a chocoyey?" Napatingin naman ako kay Czanelle na biglang sumulpot sa gilid ko at may hawak siyang Toblerone habang nakangiti.

"Ayoko," sabay tingin ko sa kabilang direksyon. Tss. Kung maka-ate naman siya akala niya close agad kami. Wala akong pakialam kahit three years old lang siya. Ayaw ko pa rin sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Clark. Pati kina Mommy at Daddy.

"What do you want, Ate?"

"I want you to stay away from me," sabay tayo ko at pumunta na lang ako sa kwarto ko.

Sinarado ko yung pinto at nilock ko 'yon tapos humiga na lang ako sa kama ko. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Kainis.

Ngayon ko na nga lang sila nakita after three years tapos ito pa ang sasalubong sa akin. Akala ko, kaya sila umuwi ay dahil . . . gusto nila akong makita. Dahil sa akin. Pero hindi pala. Katulad ko, iiwan din lang pala nila sina Czanelle at Clark dito. Wala silang kwentang mga magulang. I really hate them!

Bigla namang may kumatok sa pinto ko kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko.

"Chloe?"

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Humiga na lang ulit ako sa kama ko at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Ayoko siyang makausap.

"Natutulog ka ba?"

Hindi pa rin ako sumagot. Bahala siya d'yan.

"A-aalis na kami ng Daddy mo." Napaupo naman ako nung marinig ko 'yon. Agad-agad? Aalis na sila? "Alam kong . . . galit ka sa amin." Bigla namang nagcrack ang boses ni Mommy. "At alam ko rin kung bakit ka galit. I'm so sorry, Chloe. Sorry kung hindi kami naging mabuting magulang."

After hearing that, bumuhos na naman ang luha ko. Wala na ba siyang ibang alam na gawin kundi paiyakin ako?

"I really want to stay with you, together with your siblings, but I can't. I know, kasalanan namin at aminado kami ng Daddy mo ro'n. Pero sana, wag ka ring magalit sa mga kapatid mo. They really want to meet you. Lagi ka naming kinukwento kay Czanelle."

Bwisit na luha 'to. Ayaw tumigil.

"Sige, Chloe. Aalis na kami. Mag-ingat ka palagi. I love you, dear."

Pagkatapos kong marinig 'yon, hindi na tumigil ang luha ko sa pagtulo. Lahat ng sama ng loob na inipon ko, parang lumabas lahat ngayon. I wanted to hate them completely. Gusto kong iparamdam sa kanila kung gaano kasama ang loob ko sa kanila.

But in the end . . .

A simple I love you is what I wanted to hear.


***

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 571K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
86.8K 4.2K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
130K 3.2K 8
Ang masaya sanang trip ng isang grupo ng kabataan ay nauwi sa lagim ng lumiko sila sa maling daan. Tumakbo ka hanggang may lupa.. Huminga ka hanggang...