Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

626K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 26 : Uncontrolled Emotions

14.1K 392 95
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

Lunes

"Gabby?" a masculine voice got my full attention. I looked across at my table and saw Fermin standing in front of me.

"Atlast, napansin din ako" he said then release a sigh at kapagdakay ngumiti bago tumungo sa pwesto nito " kanina pa kita tinatawag pero mukhang abala ka jan sa telepono mo" dugtong nito matapos maupo sa sariling office chair. i did'nt respond kung kaya napilitan na naman itong magkomento habang sinasalansan ang mga dokumentong nagkalat sa ibabaw ng lamesa nito "I thought you were in a vacation? " he said na ikinibit ko lang ng balikat at tsaka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Obviously, im not in the mood para magpaliwanag sa kanya dahil kasalukuyan akong abala sa hawak na telepono. "what is it this time at nakangiti at nakatulala ka jan? " kuryus na tanong ng kaharap ng hindi ako kumibo.

"nothing" tipid kong tugon habang naiiling kasunod ng hindi mapuknat na pagngiti. Unfortunately, he caught me in my un-usual mood. Hindi ko sya masisisi sa pagpuna sa akin dahil bibihira lang naman ang pagkakataon na makita nya ako ng ganito. Kung bakit naman kasi hindi ko maialis ang sariling mga mata sa wallpaper ng cellphone na taban taban.

eh bakit nga naman hindi. Kung ganyan kagandang dilag ang nanjaan.

Kung sabagay, kung ganito lagi ang masisilayan ko tuwing bubuksan ang sariling telepono, i wont mind, kahit ilang oras pa siguro akong tumunganga ay okay lang sa akin. Lalo na kung kaalinsabay ng pagtitig sa litratong iyon ay ang pagbabalik tanaw ng maiinit na eksenang nangyari sa amin ng mga nagdaang gabi.

Matiim kong pinagmasdan ang itsura ng babaeng nanduon.

Si Louise.

My Wild Girl.

It was a photo of her whom i took this morning bago ako gumayak papunta dito sa Site office. It was a stolen shot while she was sleeping beside me.

She was laid on her stomach, half naked while her hair unintentionally carve up on one side, showing her nape, smooth shoulder and back habang natatakpan ng puting kumot ang pang-ibaba nyang katawan. Her head tilted on my direction, allowing me to stare on her pretty face. She was sleeping peacefully with steady breathing. Suddenly, a smirk automatically formed on my lips when i noticed how exhausted she was.

Papaano ngang hindi mapapagod, when you almost drained her energy. katwiran ng utak ko.

I smile on the thought. Halos mag-uumaga na rin ng parehas kaming mapagod mula sa maiinit na sandaling pinagsaluhan namin. But the thing is, hindi lang naman sya ang napagod. Kundi ako rin , pero syempre hindi ko naman iyon iniinda dahil mas nangingibaw ang walang pagsidlan na kaligayahan when atlast naipaalam ko na rin ang isa sa gusto kong sabihin. I just cant believe it. This gorgeous woman that im staring right now ay akin na.

Oh Well, i know its not that official yet because i haven't said what i really felt about her, but atleast we already have this mutual understanding that we're exclusively for each other.

"hey Gab, are you okay?"

A worried voice bring me back to reality. For the 2nd time binulabog na naman ako ng sariling kaibigan.

"are you sick?" dugtong na tanong nito

"h-hindi naman" naka-kunot noo kong sagot and wondering why did he asked that silly question.

"pulang-pula kasi yang buong mukha mo, nilalagnat ka ba?" nag-aalala nitong puna na halos hindi kumukurap ang pagkakatitig sa akin.

Nagugulumihan akong tumingin sa kaharap at saka kinuha ang isang salamin sa loob ng sariling drawer. I glance at the mirror, and automatically release a shy smile when i noticed what my friend observed. namumula nga ang magkabila kong pisngi including my ears, pero hindi iyon dahil sa may sakit ako. Kundi malamang, hindi ko namalayang nag-react ang buong katawan ko sa kaka-isip kay Louise at sa mga pinagagawa namin. Kung bakit naman ang hindi maipaliwanag na kaba at dagliang pag-iinit ng katawan ang tangi kong naramdaman ng mga oras na iyon ay hindi ko alam.

"Oh this? " patungkol sa pamumula ng mukha ko "t-this is nothing" pagkakaila ko sa kaharap. Kasabay ng tila pagpapakawala ng awtorisasyon sa tinig to make it look like im irritated by the way he questioning me.

Tila nakaramdam naman ang kaharap at kibit balikat na itong bumalik sa ginagawa. I sighed in relief ng hindi na ulit ito nagkomento pa.

"Ma'am ipinapatawag nyo raw po ako?" pukaw ni Rene na nakapag paangat ng tingin ko. There he was standing at the Front door with a worried look.

"Ah yeah. ipinatawag nga kita, gusto kong mag walk thru tayo. i want to check all your installed precast wall" maagap kong sagot ng mabungaran ang taong ipinatawag kani-kanina lang. "Saang floor na ba kayo active?" dugtong ko.

"s-sa 4th floor napo" medyo naiilang na sagot nito kasabay ng alanging ngiti. Alam ko kung bakit ganito ang reaksyon nya. Ito kasi ang unang pagkakataon na ipinatawag ko syang hindi sinisinghalan. Nasanay na lang siguro sya na palagi kong napapagalitan at namumura kung minsan.

anong kung minsan? madalas kamo. kontra ng isang panig ng utak ko

Ganuon na ba ako ka-terror at naiilang sila na ganito ang mood ko? Nagtatakang tugon ng kabila.

Kanina ko pa kasi napupuna, simula ng pumasok ako. Hindi lang iilang beses na napansin ang mga alanganing ngiti mula sa mga Engineer na ginantihan ko ng pagbati ng kaliwat kanang Good morning. Ang iba, palihim na napapakamot sa ulo nila at napapakunot.

Ngayon ka pa talaga nagtaka. Sa tinagal-tagal ng pag handle mo sa project na ito ngayon mo lang na realized na ganyan ang tingin sayo ng mga tauhan mo?

I shrugged on the thought. Okay na rin siguro yun atleast may kinakatakutan sila. Minsan kasi mainam din na hindi ka nagiging mabait sa lahat para hindi inaabuso ng karamihan.

Nang mapansin na kanina pa nakatunghay sa akin si Rene ay inaya ko na itong mag site inspection. pero bago tuluyang magsuot ng mga safety hardhat and vest ay muli akong bumaling sa taban na telepono. Nagcomposed ng message at isi-nend sa taong kanina pa umuokupa sa isip ko.

"Tara " pag yaya ko ng makapaghanda na. Palabas na kami ng pintuan ng makita kong nakaupo pa rin si Fermin sa sariling lamesa. Napapakunot ang noo kong tumigil at bumaling dito " your not coming with us?" nagtataka kong tanong.

"hindi muna, Ma'am" sagot nito na ikinataas ng sariling kilay ang itinawag sa akin. Ilang beses ko na syang sinabihan na ok lang sa akin ang First name basis na tawagan since hindi na naman sya ibang tao sa akin. He agreed pero kapag kami-kami lang daw. He still insist na kapag sa harapan ng mga empleyado ay mangingibabaw ang boss employee na treatment dahil yun naman daw ang tama.

"We have a Project Management seminar this afternoon at kailangan kong i-prepare ang ilan sa mga dokumentong dadalhin ko" paliwanag pa nito.

"ah okay" tatango-tangong sagot ko "please, ask some one to accompany me para may mag-take down ng notes" utos ko dito.

"i'll tell Francis to meet you at the 4th Floor" he answered bago ako tuluyang tumalikod.

********

The quality of the installed precast is quite impressive i might say, each panel already finish with smooth surface at maayos ang pagkakagawa ng mga dugtungan nuon not to mention na halos sumasabay na rin sila sa napag-usapang schedule.

"Kaya nyo naman palang gawan ng paraan lahat ng pinagtatalunan natin sa meeting, bakit hindi nyo pa ginawa dati?" komento ko habang pinagmamasdan ang mga tauhan nyang nagtatayo ng precast.

"oo nga ho. sa totoo lang ho kasi Ma'am, hiyang-hiya na kasi kami sa inyo kaya pinuwersa ko na ang opisina na magpropose ng ilang solution" paliwanag nito.

"gusto nyo pa kasing namumura, bago kumilos ng tama" iiling iling na komento ko sa kaharap.

"Naku, Ma'am kung alam nyo lang ho, nginarag ko talaga lahat ng tauhan ko. sabi ko,nagagalit na yung pinakamagandang Area Manager ng Aspen Heights. Baka sa susunod kako na magpabuhos kayo pati kami ay ipasama na" paliwanag at exagerated na kwento nito habang sinasabayan ng komikerong pag-galaw.

"masyado naman kayo. hindi naman ako ganuon, ipapatali ko muna kayo sa mga bakal bago ko kayo pabuhusan " pagsakay ko sa pagbibiro nito na ikinatawa naming tatlo. Si Francis na nasa gawing kanan ko ay ngi-ngiti ngiti lang habang kipit-kipit ang notebook na pinagsulatan ng ilang notes. Halatang naiilang ito sa pagsama sa akin. pero ng makitang magaan naman ang pakikitungo ko sa kaharap ay pahapyaw na rin syang nakikisalo sa usapan.

"mas mapapasama pa ho pala" reaction ni Rene sa pagitan ng pagtawa.

Nang halos wala na akong mai-komento sa mga Interior precast. Nauna na akong nag-paalam sa dalawa na papanik sa active Floor at mag-iikot.

When i reached the top, alanganing sumalubong sa akin si Darwin na kasalukuyang nag bibigay ng instruction sa mga Formworks Engineer.

"Anong oras ang buhos?" tanong ko dito habang nakayuko at tinitingnan ang mga bakal na nakalatag. "N-nagpa-batch na po kami Ma'am" sa medyo ninerbiyos na tinig.

Tumango lang ako at kagyat na tumungo sa isang sulok para tignan ang mga nakalatag na ilang pipe. Nang may mapansin na kakaiba ay agad akong nagtanong sa katabi. "Bakit hindi pa nakaayos ang formworks mo dito? hindi pa ba ito isasama sa buhos" kunot noong sita ko.

"eh a-ano po kasi,.. ahm.. " alanganing tugon nito na hindi maituloy ang sasabihin habang kakamot kamot sa ulunan nya.

"ano?" sita ko ulit na naiirita. hindi ko kasi mainitndihan kung bakit agitated ito at tingin ko pa ay pinagpapawisan gayong tinatanong ko lang naman ang dahilan nya.

eh bakit nga hindi yan kakabahan eh ikaw nga itong madalas mag-init ang ulo sa tuwing hindi nakukumpleto ang buhos. react ng utak ko

Kung sabagay, nitong mga nagdaang meeting nga naman wala na kong ginawa kung hindi murahin sila at pagalitan.

Napapabuntong-hininga ako ng ma-realized na masyado akong naging harsh sa mga sariling tauhan. Kaya ngayon imbes na mangibabaw ang galit mahinahon ko itong tinanong.

"tell me your reason" utos ko dito sa kalmadong tinig.

"a-ano kasi Ma'am, ipina-hold po yan ni Louise at hindi pinirmahan ang pouring request. Mali daw po yung location ng isang pipe sleeve. Eh hindi naman po ma-confirm pa ng Technical Department dahil kelangan pa ilapit sa Consultant. Pag nagkataon po , ma-dedelay naman ang buhos kapag inintay pa sila. " paliwanag nito.

Nang marinig ang pangalan ni Wild Girl lalo akong kumalma. Though may mali naman sya sa point na yun dahil pwede naman gawan ng paraan ang nagiisang pipe sleeve na yun ay kataka-takang hindi nag-init ang ulo ko.

"where's the permit? " baling ko sa kaharap. Knowing na hindi talaga bubuhusan ng mga taga Operation ang Area dahil ini-hold ng QC DEPT. i decided na saluhin na lang ito sa pagpirma at gawan ng solusyon ang maling naka-abang na tubo.

"a-ano p-po?" nagtatakang tanong ni Darwin.

"Akina yang pouring request pipirmahan ko na. isama nyo na yan sa buhos. Gawan na lang ng paraan pagdumating na yung confirmed location" mando ko dito.

"N-noted Ma'am " natatarantang sagot nito kasunod ng pag-abot ng permit.

Matapos ko iyong pirmahan, nag-excuse ito at nagmamadaling tumungo sa gawing dulo para kumuha ng ilang tauhan. I took the chance para kuhanin sa bulsa ang telepono upang tawagan ang nag-iisang tao na kanina ko pa iniisip. Nakailang attempt din ako sa pagtawag pero hindi ko ito ma-contact. Hanggang sa naglowbat ang sariling telepono.

Anak ng! naiinis na bulong ko ng tuluyan na iyong namatay. Naiiling akong bumuntong hininga at kapagdakay kinuha ang nakasukbit na radyo sa likurang bulsa at nagradyo sa Site Office.

"Joffrey, Joffrey, please come in" bungad ko. Di nagtagal ay nagresponse ang kausap. "Yes Ma'am"

"paki-check nga kung visible na si Ms. Buencamino sa area nyo?"

"positive po, pero paalis na sila ni Sir Fermin for a Seminar sa Head Office " agarang sagot nito na ikina-kunot noo ko. Alam ko na may seminar na pupuntahan ang kaibigan, pero hindi nito nabanggit na si Louise ang kasama nito.

In an instant ang pinipilit na pagpapakalma sa sarili dahil sa nalaman ay tuluyan ng naglaho at dagliang napalitan ng pagkainis .

"what seminar?" iritadong tanong ko

"P-Project M-Management po" utal na sagot ng kausap

Shit! Bakit hindi nabanggit ni Louise sa akin ito? Ilang araw kaming magkasama at hindi lang iisang beses na napag-usapan namin ang tungkol kay Fermin. Pero bakit hindi nya sinabing may Seminar sya kasama ang sarili kong kaibigan?

Sa narinig ay agad-agad na sumulak ang dugo ko na naging sanhi ng walang habas na pagsita sa kausap.

" Anong kinalaman ni Louise sa lintek na Seminar na yan?! at sinong gago ang nag-instruct na pasamahin sya jan?!" singhal ko sa kabilang linya na hindi alintana ang tuluyang pagtaas ng galit na boses. dahilan kung bakit ang ilang workers sa paligid ay nabaling ang atensyon sa akin.

"r-request po ni S-Sir Fermin" sagot ni Joff sa nanginginig na tinig.

Damn it! bulalas ko ng makompirma ang hinala. Tuluyan ng sumabog ang galit na nararamdaman ng maisip na hindi talaga lulubayan ng kaibigan si Louise. Ultimo Seminar na wala namang kinalaman sa trabaho ng isa ay isasama nya ito.

Para ano? Para masolo? 

That's bullshit! What a desperate move from him!

"Ikaw ang Admin hindi ba? you should know kung sino ang mga ide-delegate na empleyado pagdating sa mga ganyan bagay? Hindi porque sinabi sayo ni Fermin na gusto nya isama si Louise ay papayag ka na lang. In fact you should contest him dahil you know better na hindi yan sakop ng trabaho ni Louise! Naiintindihan mo?! mahabang litanya ko sa nang-gigigil na tono.

"I-im sorry Ma'am" paumanhin nito.

"Cancel her attendance to that stupid Seminar! and ask her to meet me here at the active floor, ASAP! " i instructed not minding his apology.

"Y-yes M-Ma'am" sagot nito.

Matapos ang pakikipag-usap ay nagpupuyos ang kalooban kong ibinalik ang radyo sa bandang likuran and furiously throwing scornful look to all the workers na nag-uusyoso sa akin.

"Anong tinitingin -tingin nyo?!! balik sa trabaho!!!!! sigaw ko sa nang-gagalaiting tono.

Tangina!! Alin ba sa mga ibinilin ko sa babaeng iyon ang hindi nya naintindihan?? I told her to inform me kapag may ginawang move itong si Fermin para sa kanya. Ano ngayon at hindi nya ipinaalam ang bagay na ito? Imposible namang hindi nya pinagtakhan ang intensyon nuong isa, gayong kahit saang anggulo tignan ay hindi naman sakop ng trabaho nya ang pag-attend ng lintek na Seminar na yun! It's a Project Management Seminar and obviously from it's title ang qualify lang na pumunta duon ay ang mga Project Managers. 

Pisti talaga! isa pa itong si Fermin. Nauubusan na ba talaga sya ng paraan para hindi lubayan si Louise? Sinabi na nga sa kanya na friendship lang ang kaya nya i-offer bakit hanggang ngayon ipinipilit nya pa rin ang sarili dito? 

Relax lang Gab, here you go again sa pag-ooverthinking mo, tsaka kanino ka ba nagagalit? kay Louise? o sa kaibigan mo? Pilit na pagpapakalma ng alter ego ko. 

Lintek lang kasi! ang ganda na ng simula ng araw ko kanina  mula ng iwanan kong natutulog si Louise sa Condo, kung bakit umepal-epal pa itong bwisit na kaibigan ko. 

Hindi ko itatanggi na mabilis nag-iiba ang mood ko kapag itong si Fermin ang involved kay Louise. Alam na alam ko na ang ganitong scenario eh. Naramdaman ko na ito before, only this time alam ko na isang matalik na kaibigan ko na naman ang aking karibal. 

What? are you afraid na maulit uli ang nangyari sayo during Jenna's  time? 

Damn it Yes!! and i hate this fucking feeling! 

Sa naisip wala sa sariling napamura ako kasunod ng walang pakundangang paghawi sa sariling buhok. I tried to control my anger as much as possible by turning away paharap sa mga naglalakihang building sa paligid until suddenly i shift my gaze into the steel ladder na nasa gawing ibaba ko and saw the subject of my emotions. 

Anak ng!! bulalas ko when i saw her frantically heading her way up wearing unsafe dress. 

"Stay there!! " sigaw ko ng makitang nasa ikatlong baitang na sya. Nalilito naman itong natigilan kasunod ng pag-angat ng tingin sa gawi ko. 

I saw how worried she was but that didn't subside the intense feeling inside me. Waring nadagdagan pa iyon ng mapansin ang dalawang worker na tila binobosohan si Louise mula sa ibabang palapag. Nagpupuyos ang damdamin na agad kong tinungo ang hagdanan at tsaka galit na galit na sinita ang dalawang kumag na nuon ay tila natauhan sa presensya ko. 

"Tangina!! kayong dalawa??!! anong ginagawa nyo!!" ni hindi pa ko tapos sa mga sasabihin ng taranta ang mga itong nagsi-alis. 

Afterwards, marahas kong tiningnan si Louise na nuon ay ilang dipa na lang ang layo sa akin.

"Bumaba ka" utos ko sa nagtatagis na mga bagang.

"P-pero i t-thought kelangan mo ko sa A-active f-foor" nabubulol na sagot nito.

"Sabi ko baba" sa mahina pero matigas na tinig.

Nagugulumihan itong tumitig sa akin pero dagli ring nagbawi ng tingin at walang kibo na bumaba ng steel ladder. 

Pagkatalikod muli akong napamura ng mapansin ang maikli nyang palda. What the hell she were thinking at pumasok dito sa Site ng ganito ang suot?Sure she look damn pretty and sexy with her dress pero Alam na alam nyang unsafe ang magsuot ng mga ganuong damit.

Unless, intensyon nyang magsuot ng maganda ngayon dahil.... dahil...

..kay Fermin?!

Shit!!  Hinutok ng nagpupuyos kong kalooban ng mapagtanto kung ano ang ibinubulong ng sariling utak.

********
Next...

Chapter 27 : Emotion Revealed

Continue Reading

You'll Also Like

393K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
52.5K 2.6K 51
Ano ang gagawin mo kung ma-wrong send ka sa hindi mo kakilala na ubod ng sungit? Paano kung sa araw araw na pag-uusap niyo ay nahulog ang loob mo sa...
114K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...