My Vampire Girl

By RedLipsJem

8.1K 187 22

Ang tahimik na buhay ni Patrick ay magugulo sa isang iglap dahil sa pagdating ng babaeng itinuturing nyang ma... More

~
~ Arabella!! ~
~ Bitch Please ~
~ Ang Kawawang Bahay Ni Patrick Star ~
:D
~ Bad Patrick Star ~
~ First Victim ~
~ Mr.Froggy and Company ~
~ Blush ~
~ Hart Hart ~
~ One Day, Isang Araw ~
~ #BagongTV ~
~ Men In Black ~
Announcement XD

~ Pregnant ~

407 12 1
By RedLipsJem

Si Patrick!!!

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot nyang tanong sakin. How nice.

"Tol! Ikaw pala yung Patrick na tinutukoy ng chix na to! Girlfriend mo tol?" tanong ng isang guy na kasama ni Gamakichi sabay siko kay Patrick. Halata namang medyo nairita sya sa pagsiko sa kanya.

Base sa facial reactions at aura nya, I can sense na hindi nya gusto ang group ni Gamakichi. Huwell papel, ako rin naman. Mukha silang bully na gangster na mukha namang mabait pero mapapa-'looks can be deceiving' ka.

"Girlfriend?! Hindi ah!" grabe naman tong makadeny! "Hindi ko nga kilala yan eh!" sabay turo sakin. Tinignan nila ako na parang naguguluhan at hindi alam ang irereact. My goodness Patrick Star! You don't do this to me!

"Hindi mo sya kilala pero tinawag mo sya sa pangalan? Hahaha dinedeny ka ng boyfriend mo girl!" sabi ni ateng girlfriend ni Gamakichi. Pinagtatawanan nila ako AND THIS IS ALL BECAUSE OF PATRICK STARFISH.

At dahil ako si Amarie, I shall take my revenge. Hahahahahahah

Pinunasan ko ang mga mata ko (kunwari naluluha) "Anong pinagsasasabi mong di mo ko kilala ha?! Ganyan ka na ba babe? Pagkatapos ng lahat--"

"Anong drama yan? Babe? Anong sinasabi mo?" gulat nyang tugon. Pfft. I'm not yet done.

"Pumunta lang naman ako dito para sabihin sayong buntis ako at ikaw ang ama tapos, tapos--"

Halata namang gulat na gulat sila "Ano?! Buntis ka at sya ang--" humarap sya kay Patrick.

"Hoy ikaw!! Wala akong alam sa pinagsasabi mo ah!"



"Sabi mo mahal mo ko~ Naniwala ako sayo Patrick." oh yes Amarie ang galing mong umarte!


"Pare alam kong wala ako sa lugar para mangialam pero di naman ata tamang di mo panagutan yung anak mo." inakbayan nung Kyle si Patrick. Habang yung isa naman ay namutla at di alam kung anong gagawin nya para pabulaanan ang mga sinasabi ko. "Alam kong bata pa tayo at hindi ito ang tamang oras para maging ama pero may responsibilidad ka na ngayon--"


"Nagsisinungaling lang yan! Wag nyo nga yang paniwalaan!" sya



Hinatak nya ako palayo "Tumahimik ka na nga! Tara na! Tara!" I smiled. Widely. I won. Hahahahaha

---------

"Hoy babae! Anong sinasabi mo kanina? Ang galing mong mag-imbento ng kwento ah! At bakit sinundan mo ako dito? Pinalayas na kita kanina di ba? B't sinundan mo pa ko dito?!" aba't!! imbis na pasalamatan ako eh sinigawan pa ko! Pasalamat nga sya at nagcare pa ako ng kaunti sa kanya pagkatapos nya akong palayasin sa bahay nya eh!

OO. Nakakahiya mang aminin pero pinalayas nya ang isang Royal Blood Vampire na tulad ko sa pamamahay nya. Ang kapal ng mukha ng Patrick Starfish na to. Magpasalamat sya kay Lord dahil naaawa ako sa kanya at nakokonsensya na rin dahil dinamay ko pa sya sa problema ko. Kung may iba lang akong pupuntahan... Hmp.

"Hoy lalake! Ang kapal naman ng mukha mong pagtaasan ako ng boses! Kung di ako pumunta dito baka namatay ka na!"

"At bakit naman ako mamamatay?! Wala namang problema sakin!"

"Pwede ba Patrick Star! Wag ka ngang mag-tanga-tangahan! Alam mo kung ano ang sinasabi ko! Yung naramdaman mong sakit kanina, umpisa palang yun."

"Anong sakit? Wala akong sakit." manhid-manhidan naman ngayon? Tsk, tsk, tsk.

"Wag ka ng magsinungaling. Alam kong dinala ka sa clinic kanina dahil nag-collapse ka." yep. Alam ko.

"Hindi ako nag-collapse kanina. Anong sinasabi mo? Wala akong maalala." with matching iling iling ng ulo at facial expressions pa yan ah! Masyadong painosente ang human na to! Kunwari pang di alam ang sinasabi ko.

"Eh? Kanina tanga-tangahan then manhid-mahidan tapos ngayon may Alzheimer's ka naman?" umiling iling ako, "Hayy, humans humans humans. This is why aliens don't talk to us!"

"Alam mo, napaka-weird mo. Tigilan mo nga ang kakatawag sakin ng 'human' baka may ibang makarinig sayo at isiping hindi ka human."

"Helow~" kumaway ako sa tapat ng mukha nya. Agad naman nyang tinapik ang kamay ko "Hindi naman talaga ako human. Vampire ako. You know, vampy. Nangangagat ng leeg at sumisipsip ng dugo. Rawr! Gusto mo ulitin natin yung kagabi?"

For the second time namutla na naman sya "Ah! No thanks nalang! Wala na akong balak ulitin pa yon. Okay inaamin ko nang nag-collapse ako kanina. Happy? Paano mo nga pala nalaman?" sus aaminin rin pala, may pa-deny deny pang nalalaman.

"Kanina sa school nyo may lumabas na babae--"

"Maraming lumalabas na babae sa school namin."

"Pwede ba patapusin mo muna ako?! So ayun nga, may lumabas na girl at kakaiba sya dahil naaamoy kita sa kanya." napaamoy naman sya sa sarili nya "May kanya kanyang 'scent ang mga tao. You don't need to smell yourself. Hindi mo rin naman maaamoy yung 'scent' na sinasabi ko. Di ka ba nanonood ng mga vampire movies? Madalas sinasabi sa mga movies na may malakas na pang-amoy ang mga bampira."

"Tss. Di ako mahilig sa mga bampira. Tsaka malay ko ba kung tama o mali yung mga characteristics ng mga bampira sa movie. Paano mo naman nalaman sa babae na yun na dinala ako sa clinic?"

"Paglabas nung girl, may lumapit sa kanyang guy. Mukha ilang mag-boyfriend actually. Narinig ko yung pag-uusap nila and their topic is you. Tinanong nung guy kung bakit kailangan nung girl na pumunta dito sa school. Sabi nung girl 'Dinala kasi si Patrick kanina sa clinic dahil nag-collapse sya. Nag-alala lang ako.'" ipinagpatuloy ko ang pagkukwento "The guy looks like he doesn't care but he also seems irritated. Umalis rin sila agad while riding a motorbike."

Sing bilis ng ihip ng hanginang pagbabago ng mood nya "It must be Chelly."

"Chelly? Who's that? Your ex?"

"No. She's my bestfriend." bestfriend huh..

"And your inlove with your bestfriend. But.. she's inlove with someone else?" hula ko.

"Is that a question or a statement?"

"Statement I guess? It's obvious dude. Itsura mo palang eh!"

"Ang lakas ng senses mo no? Nakakabwisit." napayuko sya. Aww, he must really be hurting.

"Kahit tao mapapansin yun. Halatang halata eh. Yaan mo na.." I tapped his back "Magbe-break rin sila. TIWALA LANG!! Hahaha."

Nginitian nya lang ako "Ang hirap mo palang kausapin ng seryoso no? English ka ng english. Ka-nosebleed!" I said to lighten up the mood.

Natawa naman sya "Ikaw ang nagsimula. Anong tingin mo sakin? Di marunong mag-english? Excuse me Miss, I am the current president of the English Club." this time ako naman ang natawa

Continue Reading