Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.8K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Thirty Six - I am His

26.7K 465 293
By foolishlaughter

Athena’s POV

“Athena.” Tawag niya ulit sa pangalan ko.

I felt it. Through his voice, I felt the sadness he feels and the longing he suffers. Pero wala yung hinahanap ko, which is guilt. Bakit hindi ko yun maramdaman? Hindi ba siya nakokonsensya sa ginawa niya saakin? He made me fall for him.  Hindi ba siya nahihiya saakin na ang tatay niya ang pumatay sa mga magulang ko? Na ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche yung buhay at pagkatao ko?

But above all, bakit ang sakit parin? No matter how much I deny it, nasasaktan akong makita siya ngayon. Nasasaktan ako tuwing naririnig ko yung boses niya. Why can’t I help it? Dapat wala na, tama na dapat wala na. Pero bakit meron parin? Bakit parin ako nasasaktan?

Inayos ko muna ang posture ko bago magsalita, “Answer me. What the hell are you doing here? Paano mo nalamang andito ako? Are you following me?”

“Alam kong kay Thea to, sinabi saakin ni Sean. Hindi kita sinundan, nagbaka-sakali ako.” Mahinahon niyang sagot. Bakit? Paano? Bakit siya ganyan umasta? Paano niya nagagawang maging kalmado matapos ang lahat ng nangyari? Sinaktan niya ako, sinaktan ko siya. Nakakainis at ganyan siya ka-kalmado. Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang may atraso, ako lang ang nakakaramdam ng tension.

Do you love him?

 

Muli kong naalala ang tinanong saakin ni Cynthia. Mahal ko na ba si Jed?

“Athena, I want to talk to you.” He pleaded. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Sino ba talaga ang mahal ko? Mahal ko parin ba si Kurt hanggang ngayon? O wala na talaga dahil si Jed na ang mahal ko? Hindi ko alam, naguguluhan din ako sa sarili ko. Bakit hindi ako makapag-isip ng tuwid? Bakit hind imaging malinaw ang lahat?

Huminga ako ng malalim, “Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Kurt.”

By merely saying his name, bakit nagkakaganito nanaman ako? Tang*na, bakit ang landi ko? Dalawa silang nasa isip ko, dapat isa lang ang nasa puso ko. Pero sino?

“Thene, please hear me out. Kahit hindi mo ako paniwalaan, just please hear me out.” Pakiusap niya.

Hindi ako nagsalita.

“Silence means yes.” Pangunguna niya.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at muli na siyang nagsalita. “Thene, I have no idea what is happening. But I will find out. Soon. Pupunta ako sa New Jersey. Nandoon si Dad. I will try to figure things out, no not to prove you wrong. But to save you from all the mess and confusions. Thene, alam kong magiging mahirap. Wag ka munang bibitaw satin, please. Konti pa. Konti nalang.” Sabi niya, napansin kong namumuo na ang luha sa mga mata niya. Maging ako, naiiyak na sa mga naririnig. “Alam kong naguguluhan ka lang, pero please lang, Athena. Hinatayin mo ko. Hindi pa ako sumusuko. Sana ikaw din. Wag mo kong susukuan, Thene.”

Nakatingin lang ako sakanya. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Bakit parang lahat ng sinasabi niya, galing sa puso niya? Hindi ba’t dapat galit ako sakanya? Pero bakit naaawa ako at nasasaktan para sakanya ngayon?

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi niya, hindi parin niya ako sinusukuan, pero ako.. nakabitaw na. Halos. Pero ang hirap kasi ng sitwasyon e, Dad niya ang pumatay sa mga magulang ko. And I vowed to kill the man who killed my parents. Kung ang tatay nga ni Kurt yon, there is no way that us will be possible, there is no way. I don’t even know if the things he’s saying are true. Bakit sa New Jersey? Nandoon ang Dad niya? But that’s impossible, dun ang territory ng Ertude. There is no way na doon siya pupunta  lalo pa’t teritoryo iyon ng mga pinatay niya.

“I don’t believe you.” Matigas kong sabi.

“No, you don’t want to believe me.” Sagot niya. “Athena, wala din akong alam. Pero I promise you, pagbalik ko, masasagot na lahat ng katanungan nating dalawa. Just please, wait for me.”

And that moment, hindi na ako muling nakapagsalita pa. I was so busy holding back my tears, na hindi ko napansing dumampi na ang mga labi niya sa noo ko. Napasinghap ako sa biglang naramdaman, nagulat ako but above all para akong nakukuryente, parang nawalan ng  laman ang stomach ko at nanlambot ang mga paa ko. Napapapikit ako sa hindi malamang dahilan.

Lastly, my heart tore apart nang sandaling makaradam ako ng patak sa ulo ko…

 

 

 

Kurt’s tear.

 

Lumayo siya, at agad na tumalikod. Ni hindi ko man lang nakita ang mukha niya, kung ano na ang emotion na naka-ukit doon, kasi agad siyang naglakad palayo. Without giving me a second glance, umalis na siya.

Pagkalabas niya ng building, yun na ang mga sandaling napabagsak ako sa sahig.

“What the hell just happened?” Pabulong kong tanong sa sarili ko, sinubukan kong hawakan ang ulo ko, subalit nahirapan ako dahil sa patuloy na panginginig ng mga kamay ko. Nang marealize ko kung ano nang nirereact ng mga reflex ko, doon na ako humagulgol.

Not giving a damn to the people who were in the lobby, I cried myself out.

Cynthia’s POV

 

“Thea, hindi ba tayo naging harsh kay Athena?” Mahina kong tanong kay Thea. Mahina, kasi radam ko parin yung heavy atmosphere. “Nabigla ata natin e.”

“She needs it. Kailangan na niya ng konting sampal, ate Cyn. She’s coping with everything that is happening the wrong way.” Tiyak niyang sagot. But I know Thene better than Thea, alam kong nasasaktan yun ngayon. Lalo pa’t medyo tama siya, hindi naming siya nasamahan during the times she needed us. Pero bakit naman kailangan ma-attach siya kay Jed ng sobra? Pero alam ko talaga na sobrang sama ng loob ni Thene saamin sa mga oras na ‘to, kasi si Thene kapag nagging mahalaga ka sakanya, papahalagahan ka niya ng sobra, kaya nga ganyan reaction niya nung pagsalitaaan naming ng masama si Jed e.

Ibig sabihin lang talaga non, sobrang halaga na ni Jed, dahil pati saaming mahahahalaga din sakanya, inaway niya para maprotektahan si Jed. Iyan naman si Athena e, bungangera pero may isang salita, suplada pero kapag kaibigan na ang usapan, handa yan gawin ang lahat para sakanila. Mahirap pa ne’to, parang nahuhulog na nga talaga si Thene kay Jed.

Nagbuntong-hininga si Thea, “Ate Cyn, wag mo na masyadong isipin muna iyon. Ano.. Ayaw mo parin bang makausap si kuya? Kasi ang unfair natin sakanya e, ako kinakausap niyo samantalanag kapatid ko lang din naman siya.”

“Thea, kung ayaw mong pati tayo mag-away, drop that topic.” Matigas kong sabi matapos ay inirapan ko siya. There’s no way that I’ll talk to that guy. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ang tanging kailangan ko lang gawin sa mga oras na ito ay ang maghintay. Para kasing may kakaiba sa mga nangyayari, kaya dapat makiramdam muna ako at maghintay ng mga susunod na mangyayari.

Hindi ko alam kung bakit, pero natawa siya, “O chill! Biro lang e.”

Lalo ko pa tuloy siyang iniripan at sinamaan ng tingin.

 

 

Athena’s POV

 

“Okay, Thene. I need to know what happened. Ilang araw ka nang nakatulala e. Tapos hindi ka pa pumapasok, anong nangyari?” Tanong ni Jed. Dalawang araw na since the incident sa condo ni Thea.

Hindi ko siya sinagot, parang wala kasi akong lakas para magsalita e.  Hindi ko alam kung bakit, pero I really felt weak. Ayoko mang aminin sa sarili ko, pero yun talaga yung nararamdaman ko, para bang kahit kamay ko man lang hindi ko mataas, ni ibuka nga yung bibig ko, hindi ko kaya e.

Naramdaman kong umupo si Jed sa tabi ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa couch malapit sa window, wala masarap lang tignan yung view sa labas e, which is actually yung golf field namin. I remember the times na buhay pa parents ko, that was their favorite sport, silang dalawa. Whenever they get the chance, palagi nila akong sinusubukan na turuan, pero that time kasi lalampa-lampa ako, I was treated like a princess kaya naman wala akong alam sa physical activities. Pero lahat ng iyon nagbago nung kinuha sila saakin, I tried to change, I tried to train, I wanted to be strong.

Wala na sila saakin, kinuha na sila saakin.

Napatingin ako kay Jed. Si Jace Ethan na lang ba talaga ang meron ako? Pati mga kaibigan ko, sumuko na saakin. Hindi ko alam kung demanding ba ako o ano, pero I needed them e, pero wala sila. Si Jed lang yung nandoon. Whenever I’m with Jed, masaya ako. Whenever I’m with him, pakiramdam ko wala nang kulang saakin, lahat ng problema nakakalimutan ko. Naalis lahat yung desire to kill, and the desire to do my revenge. Pakiramdam ko, isa akong tao kapag kasama ko siya. Hindi na empty yung feeling ko sa tuwing nandyan siya, unlike the others alam niyang kailangan ko parin ng mag-aalaga saakin. He knows na wala akong alam sa mga mechanics ng pakikisalamuha sa mga tao kaya siya mismo nag-reach out sakin. He’s different. The feeling I have for him is also different, never ko pa siiyang naramdaman sa buhay ko.

My life sucks.

That’s the only thing I know at the moment.

Bigla kong naramdaman yung plad ni Jed sa mga pisngi ko.

“Bakit?” Mahina niyang tanong. Umiling ako bilang sagot, ayokong magsalita. “Bakit ka umiiyak?”

Sh*t. Umiiyak na pala ako. Tanga ko naman, ganito nab a ako kamanhid? Dati sa mga tao lang ako manhid, pero ngayon pati sa sarili ko na.

“Thene, please sabihin mo.” Pakiusap niya.

Tumingin ako sa mga mata niya, yung mga matang nakasanayan ko nang tignan. Yung mga matang Makita ko lang, nabubuo na ang araw ko.  Then there’s his hands. Yung mga kamay na palaging handa akong tulungan, handa akong suportahan in everything I do. Yung warmth na nadudulot nila, na kapag wala sila I feel helpless, I feel hopeless. Tapos andyan din yung labi niya, whenever he smiles, nagiging makulay pati mundo ko, whenever he frowns, nasasaktan ako para sakanya, nagagalit ako para sakanya.

And right at that moment alam ko na ang sagot na hinahanap ni Cynthia before..

Ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya, and with a shaking voice, pinilit kong sabihin ang mga katagang kahit kalian ay hindi ko inaakalang sasabihin ko.

 

 

“Jed, I’m think I’m falling inlove.”

 

 

 

 

Third Person’s POV

 

(Bro, bakit hindi ka man lang nagsabi na aalis ka?) Tanong ni Jiro sa kabilang linya.

“Gusto ko lang malaman na ang totoo, Jirs. Wala sa naman dyan yung hinahanap ko e, nandito.” Sagot naman ni Kurt na papunta sa ngayon sa bahay nila sa New Jersey. Nagstay muna siya sa isang hotel bago magdesisyong umuwi na sakanila. Kailangan niyang mag-isip. Isipin kung anong itatanong. Kailangan din niyang ihanda ang sarili niya sa mga kasagutang makukuha niya.

(O sige, bahala ka na. Balitaan mo nalang kami dito kung may malaman ka man.) Pagkatapos noon ay ibinaba na niya ang linya.

Sakto naman dito ang pagdating ni Kurt sa bahay nila. Unlike sa bahay nila sa Piluipinas, mas maliit ito. Mayaman sila, oo pero hindi yun sapat para makapag-pagawa ng mala-palasyong bahay sa New Jersey tulad ng sa bahay nila sa Pilipinas. Dito, wala silang sangkaterbang butlers at maids. Tama lang para mapangalagaan yung bahay, hindi naman kasi sila madalas na magstay dito. Well, siya ang hindi madalas magstay, andito kasi yung mama niya e.

Pagbaba niya ng sasakyan, agad na sumalubong sakanya ang mama niya, “Kurt, baby.” Sabay yakap at halik nito sa pisngi ng binata.

Kung dati, si Kurt ang naghahanap ng attention at pagkalinga nila, ngayon ay siya na ang lumalayo sakanila. Mula kasi nang maging malakas si Kurt, ganito na ang trato nila sakanya.  Para bang bago niya marmdaman yung attention nila, kinailangan niyang maging iba.

“Saan si Dad?” Tanong niya, ni hindi man yinakap pabalik ang ina.

“Kurt-“

“Ma, nasaan si Dad?” Alam na ni Kurt ang susunod na sasabihin ng ina, hihingi ito ng tawad dahil sa trato nila sakanya noon, sasabihin niyang kaya lamang nila nagawa yon ay para sakanya. Pero hanggang doon lang, hindi parin niya lubos maintindihan kung papaanong nagging para sakanya ang hindi pagtrato sakanya na parang isang bata, isang normal na bata.

“W-wala siya dito.” Sagot ng kanyang ina.

“Nasan nga?!” Matigas niyang tanong.

Naglakad palayo ang ina niya, “Magpahinga ka na muna, Kurt. Nagugutom ka ba Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka? Sana man lang napaayos ko yung bahay-“

“Ma, nasaan si Dad?!” Sigaw na tanong ni Kurt.

Nakita niyang medyo nagulat ang ina niya sa kanyang tono, pero hindi niya iyon pinuna pa. Halatang-halata kasi sa kinikulis ni mrs. Carter na may tinatago siya at iyon ang lalong nagiging rason ng pagkainis ni Kurt.

“Alam kong may tinatago kayo, Ma. Para lang malaman mo, malapit ko nang malaman kung ano yon kaya sabihin mo na kung nasaan siya.” Walang pakundangan sabi ni Kurt. Desperado na siguro ang maitatawag sakanya, dahil sa mga ikinikilos niya. Pero masisisi niyo ba ang isang batang pinagkaitan ng katotohanan? Kung kayo ang masabihang  pumapatay ang tatay niyo, anong mararamdaman ninyo?

Huminga ng malalim ang ina niya, “Nasa Edifice siya.”

“Edifice?” Nagtatakang tanong ni Kurt.

“Oo, sa Edifice. Ang sabi mo, malapit mo nang matuklasan ang lahat, hindi ba? Go. Puntahan mo ang Dad mo doon, sana, sa makita mo, mapatawad mo na kami. Kurt.. go.” Utos ng ina. Sobrang nagtaka si Kurt sa narinig na tono ng kanyang ina.

Narinig niyang tinawag ng nanay niya ang driver nila, at wala sa sarili siyang sumakay sa kanilang sasakyan.

Hindi niya alam kung anong dapat niyang asahan sa ‘Edifice’ na sinasabi ng kanyang ina.

***

Edifice is defined as a large or massive structure.

Pero yung tinutukoy na Edifice ng nanay ni Kurt, to say it’s massive is an understatement. It stands bigger than any other building na nakita ni Kurt. Bumaba siya ng sasakyan at diretsong pumasok sa building, agad niyang tinungo ang receptionist.

“Goodmorning, sir. Welcome to Ertude’s. How may I help you?” Magalang na sambit ng babae. Hindi naman kaagad na nakasagot ang binata, “Do you have any appointment, sir? Are you here for the oil company or for the shipping lines? We are sorry if you are here for the airlines but it’s currently suspended due to some problems. Now how may I help you?”

“E-Ertude?” Di makapaniwalang tanong ni Kurt.

“Uh? If you are here to complain about their restaurants business sir, you may turn to the left after walking down that aisle.” Pangunguna nanaman noong babae sabay turo sa daang sinasabi niya.  “Or do you have a problem with their banks? I’m sorry sir, you went to the wrong receptionist, any appointments regarding the banks and restaurants of the Ertudes are taken care of by the receptionist in the third and fourth building.”

“What the f*ck?” Manghang mura ni Kurt.

Tinignan lang siya ng nagtataka ng receptionist, bago sumigaw ng “Security!”

Hindi naman kaagad nag-register ang ginawa ng babae sa utak ni Kurt kaya naman bago pa siya makakilos ay agad nang may humawak sa magkabilang braso niya.

“That teenage boy is pulling a prank, throw him out.” Mataray na utos ng babae na inakalang linioloko lamang siya ni Kurt dahil matapos niyang magsalita ng pagkarami-rami ay tila walang alam ang binata tungkol sa pinuntahan niya.

Pumalag naman si Kurt, “Sir, wait! You have to let me in. I’m here to see my father!”

“What’s his name?” Tanong naman nung isang guard.

“Ashton. Ashton Carter.” Mabilis na sagot ng binata. Napatigil naman ang dalawa sa paghila.

Tinignan siya ng matagal nung isa pang guard bago muling magsalita, “Prove it.”

Napakunot ang noo ng binata sa narinig. “What do you mean-“

Sa mga sandaling iyon ay pumasok sa utak niya ang tattoo niya sa may collarbone, marahil ito ang dahilan kung bakit pinilit siya ng ama niya na maglagay ng tattoo. Tinanggal ni Kurt ang unang butones ng kanyang polo at di tiyak na ipinakita ang mga itim na ibon sa dalawang security guards.

Tumango ang dalawa, at mapwersang hinatak muli si Kurt.

Pero hindi na palabas.

***

“Dad..” Panimula ni Kurt, agad naming napatingin sakanya ang ama niya, bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat.

“Son, what are you doing- sinabi sayo ng mom mo?” Nagtataka niyang tanong.

Pinangunahan siya ni Kurt, “Ang alin, Dad? Ano bang dapat na malaman ko? When did you start working for this huge company? Bakit? Di ba may university ka na sa Philippines? May mga ibang business naman tayo dun ah? Why are you working here as an employee?”

“Kurt, I’m sorry but-“

“Ano? Iiwasan mo mga tanong ko? Why? Don’t you want to hear it from me na alam kong pumatay ka ng tao? And Dad, what’s worse.. kung tama ang hinala ko, you’re working for them.” Walang sense na sabi ni Kurt sa ama.

“What? Pumatay? What are you talking about? Tone down your voice, young man. Baka kung sino ang marinig sa mga kabaliwang sinasabi mo.” Medyo pagtataas ng boses na utos ng kanyang ama. “Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, Kurt.”

Magsasalita pa sana si Kurt kaso napigilan siya ng isang malakas na pagtawa.

Agad naming napatingin ang mag-ama sa pintuan kung saan nagmula ang tunog. Isang matandang nakaupo sa wheelchair na tinutulak ng isang nurse ang naroroon. Agad naming nag-bow si mr. Carter tanda ng respeto kay Mr. Ertude.

Ang may-ari ng Ertude’s.

Athena’s POV

 

Totoo ngang kilalalang-kilala na ako ni Jace Ethan. Pagkatapos ko kasing sabihin ang mga katagang iyon, hindi na niya ako tinanong pa ng kung anu-anong bagay pa. Hindi na ako nailang sakanya, hindi naman nagbago ang trato niya saakin e.

I don’t know if he truly got the message of what I said..  Ni hindi man nga niya tinanong kung kanino e.

Nevertheless, I’m just happy that he’s staying with me. Unlike the others who have already left me. When I say others, I’m talking about my friends. The sad truth is that, hndi man lang nila ako tinawagan or what. I’m just tired of always making the first move, so let them be.

“Nga pala, may balita ka pa ba tungkol sa Frolic?” Random kong tanong kay Jed. At the moment we were in his car and I have no idea where we’re going.

Kumain muna siya ng fries na ti-nake-out naming bago sumagot, “Tinigil muna raw, kasi umalis daw ng bansa si Kurt.”

“Ah.” Maikli kong sabi. I completely forgot Kurt. Ang sabi niya he went to New Jersey to clear things out. Hindi ko man alam ang ibig niyang sabihin, hahayaan ko nalang. “Finals na ba? Umabot ba tayo?”

“Oo, dapat sila yung makakalaban natin. Well, that was before you revelead yourself as Vio. Pina-cancel kasi ni Kurt yung match even before na malaman nating meron.” Explain niya.

“At papaanong alam mong lahat ng ito, pero ako yung leader ng gang?” Biro ko sakanya.

Natawa naman siya, “Medyo kasi wala kang ibang ginawa kung hindi magkulong sa kwarto mo, mahal na Prinsesa.”

“Okay, whatever.” Natawa ko nalang sabi. “By the way, saan nga pala tayo pupunta?”

“It’s a surprise.” Nakangising sabi niya sabay kindat.

***

“Do you like it?” Tanong ni Jed.

“Sobra.” Honest kong sagot. Nandito kami ngayon sa isang hill, sobrang mahangin. Mabuti nalang at hindi ako nagflowy na damit at baka kung ano ang makita nitong lalaki saakin. Yung tanging mali lang ay hindi ako nag-ipit. Ayan tuloy, mukha na siguro akong bruha kasi kanina pa hinangin yung buhok ko e.

Naramdaman ko natawa si Jed, “Para kang bata.”

“So?” Masaya ko lang na pagtataray. Who cares?! Never ko pang naranasang maging bata, at ang pagdadala saakin ni Jed dito means a lot to me. Everytime nalang na kasama ko siya, I always feel free. I’m always my truest self whenever I’m with him. Kasi at the moment, nakaspread out yung arms ko at dinaramdam ko lang ang pagtama ng hangin sa mukha ko. It’s the best feeling ever.

But I was proven wrong right at the moment when I felt Jed’s arms ircle around my waist.

Yep, this is the best feeling ever.

“Titanic ang peg?” Natawa kong tanong sakanya.

Naramdaman ko ang pagtawa niya mula sa likod ko. “Kilig ka naman?”

“Baka ikaw.” Pabiro kong sagot, pero in all honesty, what I’m feeling is beyond the normal kilig.

Hindi siya sumagot, pero hindi rin naman niya tinanggal ang pagkakaakap saakin. Actually, narealize ko na lahat ata ng pinakaromantic gesture nagawa na netong si Jed.

After awhile, narinig kong muli ang boses niya, “Thene, bakit ako?”

“Ano?” Nagtataka kong tanong.

“Bakit ka nahulog sakin?” Paglilinaw niya. Sinubukan kong harapin siya pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya saakin, “Wag kang titingin.”

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa mga kinikilos niya. Ang unsettling kasi ng feeling e. Ayaw ba niya na ganito yung nararamdaman ko sakanya?

“Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, Thene. Yun lang naman yung tanong ko, wala na akong iba pang ipinapahiwatig doon.” Mabilis niyang sabi. Di ba nga sabi ko sainyo kilalang-kilala ako ni Jed? Kita niyo naman, agad niyang alam na may iniisip na kong iba e.

Imbis na sagutin ko yung tanong niya, “Bakit ayaw mo kong tignan ka?”

“Baka kasi sa looks ko lang ikaw nahulog e.” Maloko pa niyang sabi.

Kaya naman siniko ko siya.

“Biro lang, eto naman. Basta, ayoko lang.” Sabi nalang niya.  “O ano? Sasagutin mo na ba yung tanong ko?”

“Kailangan ba ng rason dun?” Tanong ko. Hirap naman kasing i-explain kung papaano e. “Pwede bang bigla nalang naramdaman?”

Tapos bigla nalang binaon ni Jed yung mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ako naming ticklish, “Hoy, ano ba? Napano ka?”

“Kinikilig ako, syet.” Tumatawang sabi niya. Pero tangna lungs, naramdaman ko yung hininga niya sa balat ko. Nakakairita tong lalaki sa likod ko.  “Swerte ko naman sayo.”

“Wait. Tayo na?” Walang ideya kong tanong.

 

Third Person’s POV

 

 

“Good morning Mr. Ertude.” Magalang na pagbati ng ama ni Kurt, habang ang binata ay nanatiling nakatayo dahil sa pagkagulat at pagtataka sa mga nangyayari sakanyang harapan. Alam niyang masyadong matanda ang lalaki upang maging ama ni Athena, kaya naman patuloy niyang iniisip kung sino ito at bakit Ertude ang apelyido nito.

But something clicked in his mind.

Kina Athena ang kumpanyang ito. Wala naming ibang Ertude na kakilala ni Kurt na makonekta sa ama  niya kung hindi si Athena. Kaya naman imposibleng ama niya ang pumatay sa mga magulang ng dalaga  dahil sa kumpanya nila nagt-trabaho. Pero bakit nga ba nagttrabaho ang Dad niya bilang isang empleyado kung mayaman naman sila sa Pilipinas?

“No need to be formal, Ashton. Alam mo naming ayaw ko ng ganyan treatment.” Tumatawang sabi ng matanda. Pagkatapos ay nag-handgesture na lumabas ang nurse na kasama niya kanina. Sumunod naman ito at marahang isinara ang pintuan.

Lumapit ito sa mag-ama at tinignan si Kurt mula ulo hanggang paa, “So? Is this your son? I’m guessing na na-train mo siya ng maayos?”

“Ofcourse. He’s ready.” Maikling sagot ng kanyang ama.

“Ready? Saan?” Nagtataka naming singit ni Kurt sa pag-uusap ng dalawa.

Sinamaan siya ng tingin ni Mr. Ashton para sensyasan na manahimik, subalit hindi nakinig si Kurt. “Mr. Ertude, para saan po lahat ng pagt-training na ginawa ko?”

“P-pasensya nap o, Sir. He has no idea about everything.” Explain ng ama niya sa boss niya.

Napakunot naman ang noo ni Kurt at agad na humarap sa ama niya, “What do you mean ‘everything’?”

Kunwaring umobo ang matanda upang matigil ang bangayan ng mag-ama, “First of all, I would like to welcome you, young man ditto sa Ertude’s. And to start of, I want you to know that you were trained to become what you are now, to protect my granddaughter.”

Napatingin si kurt sa ama niya, pero nanatiling blanko ang mukha nito.

“Si- si Athena?” Hindi makapaniwala niyang sagot.

The old man nodded, “Yes, she’s my granddaughter. “

“Nagpapatawa ho ba kayo? Kasi besides the fact na hindi na niya kailangan ng taong pro-protekta sakanya, wala na po siyang natitirang pamilya bukod sa uncle niya.” Mungkahi ni Kurt.

Mr. Ertude chuckled, “Yes, she’s strong but I asked your father a favor which is to train you para protektahan ang apo ko. No, I’m still here.” Bakas sa pananalita ng matanda ang matinding Russian accent.

“P-pero sir. Iniisip niyang ang ama ko ang pumatay sa mga magulang niya.” Sabi ni Kurt sa matanda.

Hindi naman nagulat sa narinig ang matanda, “Ah. Yes, yes. I was informed about all of these already. She mistakenly thought that the men in black that were following her are upto something bad, but those were your father’s men. They were Ravens, am I right?”

“S-siguro po.” Ang tanging sabi ni Kurt. Wala naman kasing nabanggit na ganito sakanya si Athena.

“But you see, those were also my men. I wanted them to take care of Athena, dahil nabalitaan ko mula sa tito niya ang plinano niyang pagpapanggap bilang isang ‘nerd’ o kung ano mang tawag na mga kabataan sa mga taong outcast sakanilang paaralan. Since, you weren’t informed about your task, I needed men to protect her.”

“Paanong nagging tauhan mo ang tauhan ng Dad ko?” Tanong ni Kurt.

“Kurt, watch your tone-“ Sigaw ng ama niya, pero pinigilan ito ni Mr. Ertude.

“I am the founder of the organization, Eagles.”  Nakangiting sabi sakanya ng matanda.

Napakunot ang noo ni Kurt, “So?”

“Kurt, mallit na parte lang tayong mga Ravens sa organization na tinutukoy ni Mr. Ertude.” Agad na sabi ng tatay niya.

Natahimik ng sandal si Kurt bago magsalita, “But that doesn’t change the fact na ang alam ni Athena ay Ravens ang pumatay sa mga magulang niya. Ibig sabihin, galit pala siya sa organization na pamilya din niya ang nagmamay-ari.”

“Yan ang una mong task, Mr. Kurt Carter. Ang iligtas si Athena sa lahat ng kasinungalingang nalalaman niya.” Full of authority na sambit ng matanda. “Gusto kong mapigilan mo kung sino man ang alagad ng ating rival organization na pinapaniwala si Athena sa purong mga kasinungalingan.”

“Rival-?”

“The Eye. Yan ang pangalan nila. Ang mga tao sa likod niyan ang mga tunay na pumatay sa anak ko at sa mga magulang ni Athena. Tulad namin, mayaman at makapangyarihan din ang pamilya na namamahala sa kanila.

Ang mga de Castro.”

Athena’s POV

Hindi niya ako sinagot, naramdaman kong lumuwang ang pagkakaakap niya saakin hanggang sa tulyan na itong nawala. Iikot na sana ako para tignan siya pero hindi ko na iyon nagawa dahil naramdaman ko nalang ang pagsuot niya saakin ng isang kwintas.

“Wag kang titingin saakin hangga’t hindi ko sinasabi.” Seryoso niyang utos saakin.

Tumango lamang ako bilang sagot.

Itinaas niya ng bahagya ang buhok ko para ma-lock yung kwintas. Pagyuko ko, nakita ko ang isang silver necklace na mayroong heart na pendant, may infinity sign na naka-emboss sa harapan nito. “Buksan mo.” Narinig kong sabi niya, kaya naman sinunod ko.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak, hindi ko alam kung sa saya o ano. Pero iyon lang talaga ang gusto kong gawin sa mga sandaling nakita ko ang picture naming dalawa, nakatingin lang sa isa’t isa. Parehong masaya, parehong sincere. Hindi ko man alam kung kailan to, pero salamat sa nakakuha ng picture na to, kasi it brought me happiness. Happiness I’ve never ever felt before.

“Athena, will you be mine?” Biglang tanong ni Jed.

To say I was shocked is nothing but an understatement.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis akong umikot para harapin na siya kahit hindi pa niya sinasabing umikot na ako. Naramdaman ko ang mga luha sa pisngi ko, pero alam kong malapad din ang ngiti ko.

Hindi ko siya sinagot. Wala akong saitang binitawan.

Bagkus, idinampi ko lang ng bahagya ang lips ko sa lips niya.

“Yes ba yon?” Wala sa sariling tanong ni Jace Ethan. Marahil nagulat din siya tulad ng pagkagulat ko sa ginawa ko.

“Yes, Notatt. From this day on, I’m yours.” Umiiyak kong sabi.

And the next thing I know, siya na ang naglean forward para simulan ang inumpisahan ko kanina. The next thing I know, I was crying and smiling at the same time between his kisses.

“Mahal kita, Thene.” Pabulong niyang sabi.

“I love you more, Jed.”

He’s mine

and I am his.

A/N: PLS COMMENT BELOW

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
479K 14.5K 64
She is powerful, amazing and beautiful! Her name is Thiara Von Loewenherz, an immortal royalty. She grew up with all the things that every immortal...