"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 1: Just_Chals_96

5.9K 116 49
By sacchariferousdreams

CHAPTER 1: Just_Chals_96

Game face on!

Syete yan! Kailangan mapanalo namin ang round na ito!

Handang-handa na ako sa Clash naming ito. Nakataas ang dalawa kong paa sa upuan, nakatodo na rin ang speaker ng pc na gamit ko. Ang kanan kong kamay nakahanda na sa mouse na hawak. Samantalang ang kaliwa naman ay nakapatong na sa keyboard, bawat daliri ay nakapatong na sa mga letrang nakaassign na pipindutin na lang pag nagkaratratan na. Suot ko na din ang aking salamin para mas makita ko ng maayos ang character ko sa screen.

Kapag ganitong may laban kami sa TLC, tahimik ang lahat ng mga ibang taong nasa computer shop. Pati ang bantay sa server hindi nangengealam. Suki na kami sa computer shop na ito kaya malaya kaming ilabas ang lahat ng emosyon namin sa paglalaro.

“Chalstine! Back up ka lang muna ha! Kami lang susugod!” sigaw ni Dave na nasa kabilang dulo.

“Ulupong! Akong bahala sa move ko!” sigaw ko sa kanya pabalik.

“Tol wag muna kayong susugod pag hindi sumugod yung kalaban, langya mauubos yung bala natin!” dagdag naman ni Arron.

“Leche, basta wag nyong hahayaan na makapuntos yung isa sa kanila, kahit na yung pinakabuwakaw sa UFC. Yung Ironic_Volvo ang username. ” nilingon ko si Steven na isang upuan lang ang layo mula sa akin, halatang seryoso syang wag makapuntos ang kalaban.

“Game na, game na! Kumpleto na yung UFC, five players na sila. Nakapasok na silang lahat sa Tribe, oh login na! Login na!” sa hudyat ni PJ lahat kami naglogin na for the Clash.

Isa akong member ng KFC, short for Killer Fire Clan. Ang clan naman namin ay member ng isang sikat na Philippine online game na TLC. TLC, meaning The Legendary Clash.

Sa TLC, iba’t-ibang clans ang magkakalaban. Kailangan may magregister na clan sa TLC at kapag naaccept yun ng admin magiging member na ang clan na yun sa TLC. Lahat ng clans na member ay may chance na makalaban ang iba’t-ibang clan at kung sino ang may pinakamataas na points bago dumating ang anniversary ng TLC ay syang maawardan sa isang meet up na isang beses lang ginaganap.

Tatlong taon na ang TLC, at sa taong ito gusto naming clan namin ang maawardan. Ilang puntos na lang makakapantay na namin ang clan na may pinakamataas na points sa ngayon, ang UFC.

“Chalstine, login!” bulyaw sa akin ni Arron.

Sa bawat clash kasi, limang miyembro lang ang maaring sumama at makipaglaban. Silang apat ay nakapasok na sa Tribe, ako na lang ang hindi pa nakakalogin kaya ganyan sila makasigaw.

May iba pa rin naman kaming members sa KFC, kaso mas gusto namin na pag nakikipagclash kami ng seryoso eh yung magkakasama ang mga members. Para mas madaling makipagusap para sa gagawing taktika para durugin ang kalaban.

“Oo, ito na!” kasabay ng pagsigaw ko ang malakas na pagpindot ng enter button sa keyboard.

Nakapasok na ako sa Tribe, mukhang magandang laban ito. Kasali sa members na lalaban ang pinakabwiset na player ng UFC. Ginagahan ako!

Maya-maya nagsimula na ang tensyon sa Tribe. Goal ng TLC na maipakita ng bawat clans ang galing nila sa samahan, diskarte, strategy at talino. Palakihan ng magagawang clan ang mission ng TLC. Kailangan maagaw mo ang lupa, pera, armas o kaya pati member ng kalabang clan na gusto nyong makasama. Sa pagkakaalam ko wala pang nagtatangkang kumuha kay Ironic_Volvo, trash talk din kasi yun kausap. Minsan ko na yung nakachat habang naglalaban sa Tribe, napamura ako sa kanya sa galing nyang makasira ng mood sa paglalaro.

“Oy! Sa harapan ka Arron! Putragis!” sigaw ni PJ.

“Pahiram ng bala mo Dave, naubos yung akin!” si Steven.

“Lapit ka sa akin tapos click mo yung Alt + C!” sagot naman ni Dave.

“Cha! Nasa harapan mo na si Buwakaw! Barilin mo!” halos marinig na sa labas ang sigaw na ginawa ni Arron.

Bago pa man ako sigawan ni Arron nakita ko nang papalapit sa akin si Ironic_Volvo, ako ata ang puntirya nya. Kaya habang malayo pa lang sya, inilabas ko na ang pinakamalakas kong sandata! Ang isang machine gun na pinagkahirap-hirapan ko pang maihingi ng gold coins sa Kuya kong naglalaro din dati ng TLC.

“Ito ang sa’yooo!” isang napakalakas na pwersa ang ginawa kong pagpipindot sa mouse, napatayo pa ako sa aking kinauupuan.

“Yan Cha! Ratratin mo! Dali!” excited na sabi ni PJ.

“Yoooowwn!” pati si Arron nagsisisigaw na.

“Good Job yan Cha, konti na lang babagsak na si Volvo!” hiyaw ni Steven.

Pero bago ko pa man tuluyang matalo si Ironic_ Volvo, biglang nangati ang daliri ko. Syete! Wrong timing naman, pagkakataon na ito eh!

“Ay! Putragis ka Chalstine!” tumayo si Dave at naihagis ng malakas ang mouse.

“Chalstine, konti na lang mamamatay na yung character ni Ironic_Volvo, ano ba yan!” isa pang reaksyon ni PJ.

“Kainis naman, talo tuloy tayo! Naibigay natin yung atensyon nating lahat kay Cha, natalo tuloy tayo kakaratrat sa atin ng mga kamember ni Buwakaw. Tsk!” kumamot sa ulo si Arron, hinayang din sya sa pagkatalo namin sa round na yun.

Sa bawat laro, bawal ang pikon. Pero sino ba namang hindi mapipikon kung ganun ang sinasabi ng mga kateammates mo? Ako na nga lang ang nagiisang babae tapos ginaganyan pa nila ako. Kaso kasalanan ko din naman, mas pinili kong kamuntin ang hintuturo ko kaysa patayin na yung kalaban.

Mag-lo-logout na sana ako sa Tribe ng biglang may pop-up message na lumabas sa screen. Chat box galing kay Ironic_Volvo.

Ironic_Volvo: Nice game, hindi mo talaga ako matatalo. Aasa ka lang ng aasa! Buwahahha!

Aba! Nangaasar ang buwakaw! Kainis, replayan ko nga.

Just_Chals_96: may araw ka rin sa akin, hindi pa ito ang last game! Buwakaw!

Nakakapanginit ng dugo, nakikisali pa sya sa pangbubully sa akin ng mga teammates ko. Di bale, nakakamotivate naman sya kahit papaano. Humanda talaga sa akin ang Buwakaw na ito, matatalo ko rin sya.

Ironic_Volvo: you wish, maghanap ka na ng piso at balon! Hahahahaha! Loser!

Hindi na ako nagreply, gusto ko na lang bumawi.. Sa ibang clan! Hahahaha!

“Lipat tayo ng Tribe, makipaglaban tayo sa ibang clan. Ako na maghahanap!” naglogout ako sa Tribe na pinasukan namin kanina.

Akala ko okay lang sa kanila na maglaro pa kami, kaso mukhang nainis lang sila dahil hindi magaling ang performance ko sa clash namin sa UFC.

“Cha! Five minutes ka na lang, extend pa?!” sabi nang nasa server.

“Extend pa, sige!”sagot ko naman.

Mukhang may next game pa kami, sumangayon kasi sina PJ na ako ang maghanap ng Tribe. Sayang din naman daw kasi ang points na makukuha namin sa mga mahihinang kalaban. Kahit na konting points lang mahalaga na, at least dagdag din yun para maabot na namin ang bente singkong lamang ng UFC.

“Galingan mo na Cha ha!” malakas na sabi ni Steven.

“Oo nga, mahina na ang mga kalaban natin. Baka mangamot ka na naman.” Tudyo naman nitong si PJ.

“Oo na, hindi na ako mangangamot. Isang tama ko lang sa mga ito, bagsak na sila!” pagmamayabang ko naman.

“Oh sya, sya, anong Tribe ba?” si Arron.

“Tribe 423.” Sagot ko habang nakatingin pa rin sa screen.

Namasyal ako sa mga chatroom ng ibang Tribe, inuna ko yung mga Tribe na nasa 420+ ang numbers. Sa Tribe 421 nakita kong nakaonline si Ironic_Volvo. Aba naman, online pa sya. Buti na lang at hindi na ako ginulo dahil hindi ako nakapagreply sa kanya. Bwisit na lalaki yun, napakabuwakaw.

Busy pa rin ako sa pamamasyal sa ibang Tribe ng biglang sumigaw si Dave.

“Chalstine, login!” nakalimutan kong may clash pa nga pala kami sa ibang clan!

“Lutang ka? O nagiisip ng strategy? Game na!” pangasar na sabi ni Steven, mga trash talk talaga.

Wala pang limang minuto tapos ang laban, walang kwenta ang kalaban. Hindi man lang ako pinagpawisan. Nakakaboring pag ganun ang clan na nakakaharap. Hindi pa nga namin tina-trash talk talo na agad? Sus! Pero okay lang, dagdag sa points ng character at ng team.

Kakalabas ko lang sa Tribe ng biglang may magpop-up na naman na message, si Buwakaw.

Ironic_Volvo: Naks, dumagdag ang character points nya. Nagpapalakas ha? Ayos yan Dude!

Ano daw Dude? Anong akala nya sa akin, lalaki?!

Just_Chals_96: Oo, kaya magpalakas ka pa. Matatalo din kita!

Trash talk pala ah? Magaling ako dyan!

Ironic_Volvo: Oh?? Kwento mo sa pagong!

Sasagot pa sana ako ng may marinig akong boses mula sa pintuan ng computer shop.

“Chalstine Margarette Aquino! Uwi na! Kakain na!” si Kuya Dustin, nakakainis.

Sinusundo na ako ng dakila kong Kuya. Ever since sya ang sumusundo sa akin dito sa computer shop para pauwiin ako. Mapagabi man yan o madaling araw, kung minsan umaga na nga nya ako pinupuntahan dito. Yung tipong hindi pa sya nakakapagmumog.

“Uwi ka na daw! Hahaha!” tumawa ng malakas si Arron sabay hampas sa mouse.

“Patay ka na naman sa Nanay mo!” pangaasar nitong si Dave.

“Umuwi ka na, para mamaya makabalik ka. Baka maglaro ang UFC mamayang ala una.” Hinila ako ni PJ saka binulong yun sa akin.

Wala na akong nagawa, kundi binitiwan ang mouse at saka sinuot ang tsinelas kong nasa ilalim na ng upuan ko ang isa. Ang isa naman ay nasa ilalim na ng upuan ni Steven. Malamang nasipa na ng ibang customer. Lumabas na ako agad ng computer shop pero bumalik din ako agad dahil may nakalimutan ako.

“Oy Kuya!” sumilip ako sa loob ng computer shop, tinawag ko yung lalaking bantay sa server at sa kaha.

“Oh Cha bakit?” nagulat nitong sabi.

“May time pa ako ha? Mamaya ko gagamitin. Kakain lang ako!” nakangiti kong sabi sabay sara ng pintuan.

Nakaabang si Kuya Dustin sa akin na bumalik sa kanya para sabay na kaming umuwi.

“Ikaw talagang bata ka, puro ka computer games. Tomboy ka ba?” tanong nya habang kinukuskos ang buhok ko. Hanggang sa mapunta lahat ng buhok ko sa harapan, daig pa ang bangs eh. Kainis!

Syempre hindi ako papatalo, kailan ba ako nagpatalo sa mga kapatid kong lagi na lang akong inaasar at pinagtritripan? Hinding-hindi ako nagpapatalo sa mga pangaasar nila sa akin, sa kanila ko ata natutunan na wag papalamang! Kaya nga pagdating sa paglalaro ko sa TLC nadala ko ang ugaling natutunan ko sa kanila. Kailanman hindi ako papaapi sa kanila, hindi!

“Alam mo Kuya, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako naadik sa computer games, tapos sinisisi mo ako na ganito na ako ngayon?! Ikaw haaa!” kahit matangkad si Kuya Dustin, tumingkayad ako sa abot ng aking makakaya para maabot ang tenga nya at pingutin ito.

Tumakbo na ako agad pagkatapos ko syang pingutin, alam kong gagantihan nya ako. At dahil matangkad si Kuya Dustin, kabisado ko na ang gagawin nyang pagganti. Pero bago pa nya yun gawin inunahan ko na sya. Naiwan sya sa kalsada na napipikon. Buwahahaha!

Hindi ko na nilingon si Kuya, naramdaman ko na rin naman kasi ang gutom habang papalapit ako sa bahay. Madali na akong pumanik ng hagdan at ng makarating ako sa taas ay buong lakas kong binuksan ang pinto. Gutooom!

Nadatnan ko sina Kuya Austin at ang bunso sa pamilya na si Justin. Nasa hapag na sila at kumakain, napansin kong hindi nila kasama si Nanay.

“Kain na Ate, lagot ka kay Nanay paguwi.” Tukso ni Justin na nakasalampak pa ang mga paa sa upuan habang kumakain. Parang ako lang sa computer shop kanina.

“Nasan ba si Nanay?” dumiretso na ako sa hapag, gutom ako eh!

“Nangutang ng panggastos para bukas. Ikaw Chalstine ‘wag ka na ngang laro ng laro ng mga computer games. Wala na nga tayong pera.” Tinignan ako ni Kuya Austin ng masama, halatang nanenermom na naman ang tono.

Simula kasi ng mawala si Tatay, si Nanay na ang umako ng lahat ng responsibilidad ni Tatay. Sa dalawa kong kapatid na nakakatanda, si Kuya Dustin lang ang nakatapos. Kahit na panganay si Kuya Austin, hindi sya nakagraduate dahil nagloko sya nung nasa huling taon na sya sa college.

Gusto ko sanang sumagot pero hindi na lang. Isa pa gutom na ako, mas gusto ko na lang talaga kumain. Sarap! Pritong galunggong ang ulam! Tigisa-isa kami!

Dumating na rin si Kuya Dustin at pinitik muna ang ilong ko bago naghugas ng kamay saka sya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Bunso. Wala pang ilang minuto dumating naman si Nanay, may dalang isang plastic ng pinamili.

“Nay kain na po!” Aya ni Justin.

“Hay ang hirap ng buhay, kailangan kong maglabada ulit kina Ma’am Esther. Kailangan ko ng sideline, ang hina ng kita ng gulay sa palengke.” May maliit na pwesto kasi ng gulay si Nanay sa palengke. Yun ang pinagkukunan namin ng panggastos.

“Nay ano yang dala mo?” bungad ko sa kanya paglapit nya sa la mesa.

“Ikaw Chalstine ha! Babae ka ba talaga ha?! Tumigil-tigil ka na sa computer games na yan, matuto kang magipon. Isa pa sa susunod na pasukan graduating ka na sa highschool. Dyos ko, saan ko kukunin ang pangaral mo sa kolehiyo ngayong naghihikahos tayo?” napahawak si Nanay sa noo saka umupo sa upuan sa tabi ko.

Palagi akong pinagagalitan ni Nanay dahil sa kakalaro ko sa computer shop, pero hindi ko kasi kayang pigilan. Hinahanap ng kamay ko ang pagpindot sa keyboard at ang paghawak sa mouse. Hindi ko kayang iwasan ang tukso, tulad na lang ngayon..

“Chalstine! Naka-login ang UFC! Tara!” nasa baba sina Steven, nagaaya na naman sa paglalaro.

Nagmadali akong sumilip sa bintana, nanduon silang apat sa baba. Ang tukso, layuan nyo ako!

“Eh? Ah?” napakamot ako sa ulo, lumingon ako sa pamilya ko na nakatingin sa akin.

“Oy Chalstine, hindi namin pwedeng kalabanin ang UFC ng wala ka. Ikaw yung request ng Buwakaw! Dali na, one game lang!” si Ironic_Volvo? Ako ang request na kalaban? Naku, hindi ko palalagpasin ito.

Sa mga sinabi nila, naengganyo akong sumama sa kanila. Kumaripas ako ng takbo papalapit sa la mesa at ininom ang tubig ko sa baso. Sakto tapos na akong kumain.

“Oh san ka na naman pupunta? Alas nuwebe na!” reklamo ni Nanay.

“One game lang po! May natira pa akong time sa computer shop!” sabi ko habang pababa ng hagdan, aba mahirap na baka mahawakan pa ako ng mga Kuya ko para pigilan.

“Susunduin kita! Patay ka sa akin Margarette!” narinig kong sigaw ni Kuya Dustin.

Hindi ko na sila inintindi, ang mahalaga sa ngayon ay ang clash naming KFC sa UFC. Akala nung Ironic_Volvo na yun? Full charge na ang tyan ni Just_Chals_96 kaya humanda sya!

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...