Revenge Ni Mr. Nerd

By Secretjuan

205K 4.7K 378

From an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will... More

Author's note
Prologue
Chapter 1 : BREAK-UP
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 5 : FLASHBACKS
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 : Almost
Chapter 10 : Brother
Chapter 11 : EXPLAIN
Chapter 12 :MonDATE
Chapter 13 : Slap
Chapter 14 : Sorry
NOTICE TO THE PUBLIC!
Notice to the public ( Version 2.0 )
Author's Note (Revising)
I need your help
Clarification (BASAHIN NIYO PO ITO PLEASE LANG)
Chapter 15 : Exo
Chapter 16 : Jealous
Chapter 17: Fool
Chapter 17 : Call
Chapter 18 : Lie
Chapter 19 : Debut
Chapter 20 : Booth
Chapter 21 : BoyFriend
Chapter 22 : Tomorrow
Chapter 23 : The truth
Chapter 24 : Boyfriend
Chapter 25 : Pageant
Chapter 26 : Question and Answer
Chapter 27 : Champion
Chapter 28 : Timezone
Chapter 29
Chapter 30 : His mom
Chapter 31 : First Kiss
Chapter 32 : Surprise Gift
Chapter 33 : Hey
Chapter 34 : Double Date
Chapter 35 : Bulletin Board
Chapter 36
Chapter 37 : Running man challenge
Chapter 38 : Pictures
Chapter 39 : Boracay
Chapter 40 : Not at all
Chapter 41 : Respect
Chapter 42 : Again
Chapter 43 : White Board
Chapter 44 : Balae
Chapter 45 : Hide and Seek
Chapter 46 : Mom
Chapter 47 : Insta
Chapter 48 : Sauce o Stain
Chapter 49 : Why
Chapter 50 : Revenge
Chapter 51 : Break
Chapter 52 : Drunk
Chapter 53 : Bakla
Chapter 54 : Condo
Chapter 55
Chapter 56 : Test
Chapter 56 : Result
Chapter 57 : Talk
Chapter 58 : Say
Last Chapter
1 : Hidden Chapter
2 : Hidden Chapter
3 : Hidden Chapter
4 : Hidden Chapter
Author's Note
Book 2 and Christmas Gift
Book 2 POSTED
Completed and FACTS
Fangirl

Chapter 59 : After

2.2K 47 0
By Secretjuan

Fara's Pov

"Mommy! Nasan po si dhad?" Kinurot ko agad ang pisngi niya, mahina lang. Ang cute niya talaga, gwapo pa.

Kinarga ko siya bago hinalikan ang pisngi. Five years, limang taon na akong nandito sa Korea. Limang taon na ding hindi umuuwi sa Pilipinas. And now, he's four years old, magfafive na. My little boy. Yes, he's a he. Nagmana lang naman siya sakin sa ilong, sa labi naman kay bakla. Sa mata, at sa iba pa, parang sa iba niya nakuha. Siguro sa mga pinaglihian ko. Kahit ganun, ang gwapo niya parin.

"Wala pa po si daddy mo. Nasa work pa siguro, don't worry bibilhan ka ng toys ni daddy" masayang sabi ko sa kanya

Halos araw-araw naman kasing binibigyan ng laruan o di kaya pagkain ni bakla itong baby ko-namin. He's working now, bilang isang head ng marketing department dito sa Korea for a month now. Baguhan pa lang siya at tanggap na agad. Pansamantala lang naman din kasi uuwi naman kami sa Pilipinas.

Hindi naman nila ako pinatrabaho, pero nakapag-aral naman ako. Sabay pa nga kami ni bakla. Nung una mahirap, lalo na't buntis ako, pero kinaya ko din naman.

"Really? Yehey! Toys! Toys! Toys!" Natawa ako sa reaksyon niya. Pinalakpak niya pa ang mga kamay niya na may hawak na laruan.

Napatigil siya sa pagpalakpak ng bumukas ang pintuan, pumadaosdos kaagad siya at tumatakbong lumapit kay bakla na bagong dating. Ngumiti kaagad siya ng makita ang anak niya na tumatakbong lumapit sa kanya. Nag squat kaagad siya at inilagay ang mga pinamili sa lapag bago kinarga ang anak niya at ipinatong niya ito sa balikat niya. Tuwang-tuwa naman ang bata.

"Hoo! Superman! Here we come! Bresssh!"

Ang cute nilang tignan. Bakla parin naman si bakla, pero yun nga, napapalalaki siya sa tuwing ginagampanan niya ang pagiging tatay. Bagay na bagay sa kanya.

Nang mapagod sa kakalibot sa sala, ibinababa niya na ang anak namin at kinuha ang mga pinamili niya at tumabi sa'min dito sa couch.

"Kiss muna kay daddy" mabilis naman siya nitong hinalikan sa pisngi

"Heto, may binili na naman ako. Teddy bear, wag muna puro cars, and robot ha. Ito muna para may katabi ka sa pagtulog mo. Pwede mo rin siyang maging friend"

"Friend ni Dyle daddy?" Inosenteng sagot naman niya. Nagkatinginan kami ni bakla bago napangiti

"Opo, friend ni Dyle pogi" taas-babang kilay na sabi ni bakla bago sila nag high-five.

"Siyempre, ako pa po. I'm Dyle, the handsome baby!"

Dyle, I chose Dyle as his name kasi cute pakinggan. And it reminds me of someone, si Jadyle, kamusta na kaya sila ngayon? I hope they're OK. May mga anak na din siguro ang mga yun o may asawa at girlfriend. Di bale, sa susunod na araw uuwi na kami sa Pilipinas.

"Nga pala, may good news si daddy"

"Ano po yun? Bigyan niyo po ako ng bagong laluan?" Hindi niya pa talaga masabi ang salitang 'r' kaya mas lalo siyang naging cute. Pero minsan naman nasasabi niya depende lang talaga minsan sa mood niya. May pagkabulol din kasi minsan si Dyle.

"Hindi laluan baby. Uuwi na tayo sa Philippines. Nagresign na si daddy"

"Talaga bakla?" Natutuwang tanong ko.

Alam naman ni Dyle na isang beki si bakla dahil narinig niya akong tumatawag ng 'bakla' kay bakla. Pinaintindi namin sa kanya, ewan ko lang kung naintindihan niya ba. Masyado pa siyang bata, pero OK na yun para may alam na siya.

"Oo. Kaya ikaw ayusin mo na gamit mo"

"Akala ko pa naman ikaw bili laluan pala kay Dyle pogi" napangiti kami sa sinabi ni Dyle

"Baby, pagkauwi natin sa Philippines OK? Maraming toys dun. O, tulog ka na ha" marahan niyang ginulo ang buhok ni Dyle.

Tumayo ang bata at tuwang-tuwang yumakap kay bakla. Hinalikan niya muna ang pisngi nito bago ako hinila patayo.

"Nighty daddy" pahabol niyang sabi bago ko sinarado ang pinto.

Kami ni Dyle ang magkatabi, sa isang kwarto naman si bakla. Nilingon ko si Dyle nang mapansing tinitigan niya ako.

"Oh, baby? May problema?"

"Aniyo" iling na sabi niya. Dahil dito kami nakatira, marunong na din siyang magkorean pero tinuturuan parin namin magsalita ng Filipino at English.

"Eh bakit ganyan makatingin si baby pogi kay mommy? Wae" Niyakap niya ako bago sumagot

"I'm just wondeling if mommy have a chingu in the Philippines so as daddy" Niyakap ko din siya pabalik bago marahang sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay ko

"Ne. May friend si mommy at daddy. Gusto mo po pakilala ka namin?"

"Leaally?"

"Oo. Kaya be a good and pogi baby always. Sige tulog ka na baby"

"Good night mommy" hinalikan ko ang noo niya bago sumagot

"Night baby pogi"



It's good to be back. Napangiti ako ng makita si kuya, mabilis kaming pumunta sa kaniya at napansin niya agad si Dyle na karga-karga ni bakla.

"Yan na ba ang pamangkin ko? Laki na ah" manghang sabi ni kuya bago tiningnan si Dyle. Naalimpungatan pa yata kaya nagising.

"Lakas ng boses mo kuya, nagising tuloy."

"Daddy, where are we?" Inaantok na tanong ni Dyle

"Philippines" Bigla namang nanlaki ang mata niya

"That's why it's so smelly here. It's hot"

Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Dyle. Hindi naman namin masisisi ang bata. Naamoy lang siguro niya ang mga usok ng sasakyan and the fact na ang lamig sa Korea.

"Kuya, halika na po baka magreklamo na naman 'to. Alam mo na, bata" nagkibit-balikat si kuya bago kami tinulungan sa mga bagahe namin.

Buti na lang hindi sinama ni kuya si ate Jayla. Walang ibang nakakaalam na buntis ako. Pati yung pagkawala ko bigla sa university naging usap-usapan daw sabi ni kuya nang pumunta siya sa Korea at binisita kami. Hindi pa man din nagpakasal ang dalawa pero mag fiancé na sila. Gusto daw kasi ni ate Jayla na nandito na ako sa kasal nila.

"Mommy, I'm hungry"

"Kuya, may malapit na drive thru ba dito?"

"Medyo malayo pa. Malapit na din tayo" sagot niya habang nakatingin sa rearview mirror bago binalik ang tingin sa daan

"Gutom ka na little boy?

"Yes tito"

"Don't worry, malapit na tayo. Maiba nga tayo Fara, yung mga kaibigan mo dito kinukulit ako kung nasan ka daw, kung bakit bigla ka na lang nawala pati si Jess."

"Kamusta na po sila ngayon?"

"Ayun, yung gago mong ex nagtatrabaho sa kompanya nila. Si Jadyle naman sinasanay na ng tatay nila dahil ito na ang magiging bagong CEO. Love life nila? Wala akong alam kung ano na"

Napatango-tango ako sa sinabi niya at nilingon si bakla na kanina pa tahimik napangiti na lang ako.

Mga sampung minuto din bago kami nakarating sa bahay. Hindi pa nga naka park ng maayos ang sasakyan binuksan na nila mommy at tita ang backseat.

"Apo! Miss na kita!" Tinadtad ng dalawa ng halik si Dyle pagkakuha nila dito kay bakla.

"Ma, Tita. Parang hindi naman kayo bumibisita sa'min." Sabi ko ng makababa sa sasakyan.

"Ano ka ba iha, pabayaan mo na ang dalawang yan. Mga matatanda na eh. Unang apo pa nila." Sabi naman ni tito.

"Tara na sa loob. Baka gutom na 'yang si Dyle" sambit naman ni daddy.

Si daddy naman dito na sa Pilipinas nagtatrabaho. May iba na siyang pinabantay sa business sa States kaya siya naman ang umaasikaso dito sa business namin.

Napatawa sila ng makitang gutom na gutom si Dyle. Naaliw sila sa bata, panay tanong pa sila dito.

"Fara, kailan niyo balak magpakasal ni Jess" nasamid ako sa biglaang tanong ni dad

"Dad, wala namang biruan diyan"

"Nagbabakasakali lang naman"

"Pasensya na po tito"

"Alam ko naman eh, sabi ko naman sayo pare eh" pag-iiba ni daddy at ngayon nakipagkwentuhan naman kay tito

"Oo nga. Wala na tayong magagawa" sagot pa ni tito at sabay silang napatawa

"Mommy, daddy. Can I go to the living room? Lalalo po ako"

"Sige pero upo ka lang ha? Wag malikot"

"Samahan na namin siya ni mare, anak" nakangiting sabi ni tita kay bakla bago kinuha si Dyle at sinamahan na sa sala. Sumunod din sila tito sa kanila.

Napansin ko namang kanina pa tahimik si kuya, pagpasok namin dito sa bahay kaya tinapakan ko ang paa niya dahil magkaharap naman kami.

"Tahimik mo yata kuya"

"Si Jayla pu-"

"Gab?!" Napatingin ako kay kuya na ngayon ay nanlaki ang mata na nakatingin sa likod ko kaya sinundan ko din ang tingin niya.

"A-ate Jayla!" Gulat na sagot ko sa kanya at napatayo.

"Ikaw ba talaga 'to? Ang ganda mo. Lalo kang gumanda"

"Salamat po, kayo din naman po lalong gumanda. Ah, kain po tayo" umupo na ako at umupo din naman siya sa tabi ni kuya

"Oh! Hi Jess!"

"Hi" Tipid na sagot ni bakla sa kanya

"Kailan ka pa umuwi? Kayo? San ka ba kasi galing? Hindi naman kasi sinabi ng kuya mo ang dahilan. Kayo? Nagsama ba kayong umalis?" Napatango ako sa sinabi niya

"Nasa Korea lang naman po kami"

"Kaya pala"

"Sugar may nakita ka ba sa sala?" Napangiwi ako sa sa sinabi ni kuya. Hindi parin ako nasanay sa endearment nila

"Alin? Yung puro laruan? Puro pambata naman yun eh. Para san yun?"

"Sa'min" sagot agad ni bakla

"Collection namin" dagdag pa niya

"Akala ko pa naman eh may bata dito. Akala ko pa nga anak mo Fara" natatawang sabi ni ate Jayla

Kinabahan bigla ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kamay kong hinawakan ni bakla, hindi ko namalayan pinapawisan na pala ako. Nang nag-angat ako ng tingin, nakita ko agad ang nakataas kilay na si ate Jayla.

"What? May sasabihin ba kayo?"

"A..."

"Bakla" bulong ni bakla sakin. Nagbuntong-hininga ako muna ako. Sasabihin ko na sana nang may tumawag kay bakla.

"Daddy! Lalo na po tayo" tumatakbong sigaw ni Dyle papunta sa'min kasunod sina mommy at tita

"Ang kulit talaga ng anak niyo" halos sabay na sabi nila mommy at tita na walang kaalam-alam na kasama na namin si ate Jayla.

Narinig ko ang pagsinghap ni ate Jayla sa narinig.

"May anak na kayo?!" Gulat na tanong niya at tumayo para tingnan si Dyle na nakakapit sa damit ni bakla.

Napahinto din sila mommy sa paglalakad ng mapansin si ate Jayla.

"Oh my gosh! He's so cute!" Parang batang tili niya at hinawakan ang tungki ng ilong ni Dyle

"I'm not. I'm pogi, sabi sakin nila mommy at daddy" mas lalo pang tumili si ate Jayla at kinarga niya ito

"Nice one baby boy. I'm tita Jayla, what's your name?" Umupo na uli si ate Jayla at lahat kami napatingin lang sa kanya habang kandong si Dyle na busy sa bagong laruan niya. Bili siguro 'to nila tita.

"Dyle"

"Kayo na ba?" Biglaang tanong ni ate Jayla

"Gosh, hindi"

"Hindi po" sabay na sagot namin

Pinandilatan ko ng mata si bakla, nasa harapan namin si Dyle kung makaasta naman 'to parang wala dito ang bata.

"It's an accident kaya ayun. Second year college pa kami that time nang malaman namin na buntis si Fara. Pumunta agad kami sa Korea para dun na ipagpatuloy ang pag-aaral namin at iwas sa gulo" paliwanag ni bakla kay ate Jayla

"Alam mo bang miss ka na niya" sabi naman ni ate Jayla

"Po?"

"Wala. Hihiramin ko muna 'tong anak niyo." Sabay na kaming tumayo at pumunta lahat sa sala


Author's note: Yey! Salamat po sa 10k reads :). Maraming salamat po talaga and one chapter na lang tapos na ang story. Kamsahamnida.

Continue Reading

You'll Also Like

200K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.1M 37.8K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
723K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

174K 3.9K 17
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...