feMALE X MALE

By saiyang

623K 4.9K 292

Alexandra Sujico has it all~ aside from the love of her parents. Years passed by she found herself trapped on... More

feMALE X MALE by Sai Manozo
Chapter 1 - The End
Chapter 2 - End of End
Chapter 3 - Rebirth
Chapter 4 - Less than One
Chapter 5 - I am Xander
Chapter 6 - And They Meet Again
Chapter 7 - As Cold As Hell
Chapter 8 - Hello, VIOS!
Chapter 9 - Xander the Gangster
Chapter 10 - Shoot and Stare
Chapter 11 - Strongly Cautioned
Chapter 12 - Black and White
Chapter 13 - Destiny
Chapter 14 - Advertisement
Chapter 15 - Jealousy Killed the Cat
Long Weekend Flash Sale!!!

Chapter 16 - Misunderstandings

9.3K 210 7
By saiyang

Pagkatapos ko labahan si Coco, iniwan ko siya na nakasampay sa tapat ng aircon para matuyo. Di ko kasi siya pwedeng iwanan sa labas. Baka may makakita kasi sa kanya tapos sungkitin pa. Bago din ako pumasok ng trabaho, sinigurado kong naka-lock ang pintuan. Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Zero.

"Hello!" nginitian at kinawayan ko siya, saka ko ibinulsa yung mga kamay ko sa jacket na suot ko.

"Morning," sabi niya sa akin at ngumiti rin pabalik. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa trabaho. Tumango naman siya at hinampas na naman ako ng malakas sa balikat para daw good luck.

BOGGSHH!!

Ano bang problema niya at ang hilig niyang mang hampas?! Pati napabigat talaga ng kamay niya. Hindi na ba siya magbabago?

"Well, goodluck," sabi niya at naglakad na siya ulit papalayo. Pero hindi pa siya nakakalimang hakbang nang humarap uli siya at nagsalita, "Wait. Mamaya pag-uwi mo, may pupuntahan tayo, alright?"        

Napakurap ako at tinignan ko siya ng may pagtataka, "Ha? Saan?"

He gave me a little smile, and he shrugged, "You'll see. Basta umuwi ka agad." At iniwan na niya ako mag-isa.

Habang naglalakad ako sa daan, hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung saan kami pupunta at kung bakit kailangan kasama pa ako.

-------

Pagpasok na pagpasok ko sa Sweet Heart, cake shop kung saan ako nagtra-trabaho,nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ang napakaraming customer sa loob. Lahat ng tables occupied pati ang pila sa cashier napaka-haba. Akala mo pila ng last day of filing para sa voter's registration sa city hall. Nakakanula.

They all turned their heads in my direction the moment I closed the door behind me. Ang mas nakakagulat pa ay sabay-sabay silang naghiyawan.

"MAAAYY GGHHHAADDD!! HE'S HERE!!!" they all screamed.

Nanalamig ang pakiramdam ko. I felt my sweat dropped at nanuyo ang lalamunan ko. Nung una akala ko hindi ako 'yung tinutukoy nila pero nang mag-sink in na sa akin ang nangyayari, feeling ko napunta ako sa ibang dimension. Lahat sila ay nagtakbuhan papunta sa akin.

Tatalikod na dapat ako para tumakbo pero hinarangan ng boss ko 'yung pintuan para pigilan ako.

"Hep, hep, hep!" she said while eying me. "At saan ka pupunta?"

Napalunok ako dahil sa talas ng tingin niya. Nakakatakot. Naalala ko tuloy si Gian sa kanya.

"Here, wear this," inabutan ako ng boss ko ng apron na may logo ng shop. "Late ka na ng five minutes kaya magtrabaho ka na kung hindi babawasan ko ang sahod mo!"

Napatalon pa ako sa gulat nang bigla niya akong sigawan. She walked inside her office, slammed the door, and left me surrounded by the loud customers.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Napalingon ako sa babaeng may suot ding red apron na gaya ng nasa mga kamay ko. "Wag mong pansinin yun si Ma'am Sonia, mainit lang ulo 'nun ngayon."

I blinked and looked at her. She has her hair braided in French at may hawak pa siyang basket na puno ng croissant.

"Ha? Bakit naman?" I asked her.

She leaned her face to me and whispered, "Edi dun sa jowa niya. LQ yung dalawa kaya nagkaka-ganyan. Wag mo nang pansinin at intindihin mo na lang. Isipin mo na lang may dalaw."

"Ahhh...." I nodded and helped her on what she's doing, placing the bread on the self-service counter.

Sige na nga. Kung sabagay, hindi naman kasi siya masungit kahapon nung una kaming nagkausap.

"Robin nga pala," she smiled to me, tapos inalok niya ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Lex- I... I mean, XANDER." I smiled to her awkwardly and shook her hand as well.

Sabay napuno ng hiyawan ng mga babae yung buong shop at sabay-sabay na nagflash ang mga camera.

"HE SMILED! HE SMILED!" I heard someone say. "NAPICHURAN MO?! TELL ME! TEEELLLL MEEEE!!! SHET IBLO-BLOG KO TALAGA 'TO!"

Tapos sigawan ulit.

"MAGA-APPLY DIN AKO DITO! MISS, MAY OPENNING PA BA KAYO?! KAHIT WAG NIYO NA AKONG BAYARAN! AKO NA LANG MAGBABAYAD SA INYO TANGGAPIN NIYO LANG AKO PARA ARAW-ARAW KONG KASAMA SI XANDERRRR!" sigaw na naman ng di kilalang tao.

-------

Kahit eight hours a day lang ang oras ng trabaho ko, pakiramdam ko 16 hours ang binubuno ko. It was hell. Seriously.

Ayos lang sa akin yung buong araw na babalik-balik mula sa counter at table ng mga customers para mag-serve ng pagkain at coffee. Pero yung everytime na lalapitan ko sila, kulang na lang hagurin yung buong katawan ko at idikit yung muka ko sa camera nila kakapichur hay nako... GUSTO KO NANG SUMIGAW PERO HINDI PWEDE KASI MALALAGOT AKO.

Halos hindi nawawalan ng customer ang shop kahit isang minuto lang. Kaya pagpatak ng 3 PM, I thanked God dahil naubos din ang stock na paninda namin at wala nang choice kundi magsara ng maaga.

-------

"Wow," sabi ni Robin habang tinitignan niya ang cash register. "Sa tinagal-tagal kong nagtra-trabaho dito ngayon lang ako naka-experience ng ganito. 'Yung kinikita ng shop sa isang buong linggo, nakuha lang ng isang araw."

She looked at me. "At, lahat yun dahil sayo!"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Ha? Sa akin? Bakit ako?"

Tapos tinignan niya ako na parang ang slow ko. "Hello! 'Yung mga customers na nagsisilabas pasok dito mula pa kahapon, ikaw lahat ang pakay 'nun. Actually, wala silang pakialam sa shop. Ikaw lang talaga ang gusto nila. Kung hindi lang naglagay si Ma'am Sonia ng notice na hindi pwedeng pumasok ang mga hindi customers, hindi sila bibili. Kaya thank you sayo at sa charisma mo dahil sinalba mo ang Sweet Heart."

"Salba? Anong ibig sabihin mo sa sinalba ko?" I asked her.

Biglang lumabas si Ma'am Sonia sa office niya. She looks really tired at mukang ang lalim pa ng iniisip niya. Kaninang umaga lang, halos di siya makangiti pero this time, she greeted us with a smile, kahit halatang pilit.

I was about to go at magpapaalam na sa kanyang uuwi na ako  pero nagulat ako nang bigla niya akong kinausap.

"Why don't you join us for dinner?" she asked me.

Nanlaki ang mga mata ko, "D-dinner po?"

She nooded and smiled. "Yes. You're my new employee at gusto din kasi kitang ka-usapin. Kaya naisip ko, kung pwede sana, kumain na lang tayong tatlo nila Robin sa labas tonight dahil ito rin lang ang free time na meron ako ngayon."

Nagdalawang isip pa ako. Pero nung naramdaman kong kanina pa nagra-rap yung tiyan ko sa gutom, pumayag na din ako.

Kaso bago pa kami makaalis, nagsabi si Robin na hindi muna siya makakasama dahil tinawagan daw siya ng boyfriend niya. Mukhang magde-date yata sila kaya pinayagan na lang ni Ma'am.

-------

Akala ko sa café lang kami pupunta ni Ma'am Sonia. Kaya, imaginin niyo na lang yung mukha ko nung nalaman kong sa isang five star restaurant pala kami kakain. Sayang talaga wala si Robin. Girl talk all night na sana 'to. Ang kaso lang hindi nila alam na babae rin ako.

"Sige na. Umorder ka na ng kahit ano. Wag kang mag-alala, it's my treat!" She said.

Tumango na lang ako at binuksan ang menu kasabay niya. Nahihiya talaga ako kay Ma'am pero kasi naman, eh. Nagugutom na din talaga ako kaya hindi na ako tumanggi.

"Ano? Nakapili ka na?" tanong ni Ma'am Sonia sa akin.

"Ah, yes!" At sinabi ko sa kanya na gusto ko nung sea food white spaghetti with garlic bread. Tinaas niya yung kamay niya at tinawag yung waiter.

Ang ganda ni Ma'am Sonia. Nakaka-amaze. Tapos business woman pa siya. Siya lang kaya mag-isa ang nagma-manage ng Sweet Heart?

"Give us two sea food spaghetti please;" sabi niya sa waiter. "And a bottle of red wine."

Siguro kung pumabor lang sa akin ang tadhana, ang oil company namin ang minamanage ko ngayon at wala ako dito.

"Okay lang ba sayo na red wine ang inorder ko?" she asked me. "Do you drink wine, Xander?"

I snapped out of my thoughts immediately when I heard her call my name.

Ano ba yan, Lexie! Lutang ka na naman. Umayos ka nga.

"Ah! Y-yes!" I stuttered and cleared my throat. "Okay lang."

Ngumiti ulit si Ma'am and she rested the back of her hand beneath her chin. "Alright."

"Well, honestly, niyaya talaga kita for dinner tonight to say thank you" she continued.

"Po?" I asked her. "What do you mean by... thank me?"

I saw her took a deep breath and stared at the flowers on the center table. "Kase sa totoo lang... last week na talaga ng operation ng Sweet Heart ngayon."

"Importante kasi 'tong shop sa akin kaya kahit na alam kong lugi na ang business umaasa pa din ako na maisasalba ko ito out of bankruptcy. That's why we put up a sign that we need another baker. Feeling ko kasi, lasa ng cakes ang problema kaya halos wala na kaming customer."

Hmmm? Lasa ng cakes? Parang 'di naman. Kaninang lunch, cake ng shop ang kinain ko. Sobrang sarap at kung ako ang tatanungin mas masarap pa 'yun kesa sa laging inoorder ni Mommy.

Dumating na 'yung hinihintay naming pasta at nagsimula na kaming kumain ni Ma'am.

"Nakakatawa nga kasi kahapon, when I first saw you, alam ko nang ikaw ang sagot sa mga dasal ko." she beamed at me.

I choked at napa-buo ako habang sumusubo ng pagkain. "P-po?!"

"Looks like God sent you to save Sweet Heart from permanently closing." She said smiling warmly.

I don't know why, but what she said actually made me smile.

"P-pero Ma'am Sonia... hindi naman po ata tamang sabihin niyo yan-"

"No," she cut me off. "Stop it, Xander. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na magsasara ang Sweat Heart, and that's enough reason para magkaroon ako ng utang na loob sayo. Lalo na kanina, tumaas ng 9 times ang sales ng shop all because of you."

I just gave out a soft laugh at napakamot ako ng ulo. Namumula na nga rin ata ang mukha ko dahil sa sinasabi ni Ma'am.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. "Uhh... I really don't know what to say."

She couldn't help but laugh at me cause of my reaction. "Ahahha! No. I really mean it. It's just... thank you. Thank you very much. Utang ko sayo ang Sweet Heart." She said to me seriously.

Siguro nga. Importante sa kanya yung shop na yun kaya ganito si Ma'am Sonia sa akin. Kanina pa kasi siya paulit-ulit ng pasasalamat niya.

"Sige, kumain ka na," she told me at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Susubo na dapat ako ulit ng pasta pero napansin kong may sauce na naiwan sa gilid ng labi ni Ma'am. Nabo-bother talaga ako kahit na anong iwas ng tingin ko sa kanya.

I called her attention, "T-teka po Ma'am. May dumi ka po sa mukha."

"What?" she asked. Then, she looked up to meet my eyes.

I pointed the side of her lip pero mukang di niya nakuha kung anong ibig sabihin ko kaya kinuha ko na 'yung tissue sa tabi ko.

"Here, let me help you," At pinunasan ko yung white sauce sa labi ni Ma'am. Pagkatapos, she smiled to me and said her thanks.

"You know what? I'm so sorry about this morning kung nasungitan man kita." She sighed. "Kasi naman yung boyfriend k-"

Nagtaka ako kasi bigla na lang nanlaki yung mga mata niya at napanganga siya. Para bang nakakita siya ng multo at halos mamutla pa sa gulat.

"Ma'am bakit po?" I asked her.

Walang anu-ano'y bigla na lang may humatak sa kuwelyo ng jacket ko. I was dragged out of my seat and was forced to stand up. Nagulat ako nang makita ko ang galit na galit na muka ni Wesley na nakatingin sa akin.

Napa-singhap si Ma'am Sonia at napatayo na rin saupuan niya. Her eyes were so huge na halos di siya makapaniwala sa nakikita niya.

"WESLEY?! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Ma'am.

"I'll make sure you'll regret doing that to-" sigaw ni Wesley sa mukha ko, pero mukhang natigilan siya nang ma-realize niya kung sino ako.

Ako din. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Wesley pala ang humigit sa damit ko at nakatingin ng matalas sa akin.

"W-Wesley?!" I asked, stuttered and shocked.

Bakit nandito siya? T-teka?! Ano bang nangyayari? At bakit niya ako tinitignan na parang gusto niya akong patayin?

He stared at me with a very stunned expression.

"Wesley! Bitawan mo nga siya!" sabi ni Ma'am Sonia kay Wesley, pero mas humigpit lang ang hawak niya sa kuwelyo ko, dahilan para masakal ako.

"IKAW?! DAMN IT! YOU'RE GOING TO PAY BIG TIME, XANDER!!!!" At niyugyog pa niya ako, while lifting me up by grabbing the collar of my shirt.

"HAAAA?!!!" tanong ko at hinawakan ko yung magkabilang pulso niya. "B-BAKIT?!"

"YOU'RE ASKING ME WHY?! GIRLFRIEND KO YANG NILALANDI MO GAGO!"

At humigpit ang hawak niya sa kuwelyo ng jacket ko. Halos di na ako makahinga at feeling ko mahihimatay na ako.

"WHAT?!!!! G-girlfriend?!! Sinong Girlfriend mo?" I stared at him. "Si Ma'am Sonia?!!!"

"ANO BA WESLEY?!!! I SAID PUT HIM DOWN!!!" sigaw ni Ma'am kay Wesley.

"T-teka lang, Wesley!" I tried calming him. "Hindi mo kasi naiintindihan. Wala kaming ginagawang masama ni Ma'a-"

"ANONG HINDI KO NAIINTINDIHAN?!!!" He yelled to my face. "SIRAULO KA!!! MANGAAGAW KA NA LANG NG BABAE YUNG AKIN PA?!!!"

"Hindi ko kayang gawin 'yon kahit sa panaginip! Promise! Kaya pwede ba makinig ka naman sa akin? Sa amin ni Ma'am?!!" sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.

He pushed me and I knew by his body language that he's gonna punch me on the face, nang bigla na lang pumagitna si Ma'am Sonia. Imbes na ako ang matamaan ng kamao ni Wesley, si Ma'am at nasuntok sa mukha, knocking her out unconscious.

Gasps from the other customers inside the restaurant were heard. Lahat sila nakapalibot na sa amin na parang nanunuod ng live boxing sa arena.

"Ma'am Sonia!" sigaw ko pagbagsak niya sa sahig.

Si Wesley, nakita kong namutla sa nagawa niya.

"S-Sonia!" sigaw rin niya dala ng pagkabigla at inilagay niya sa bisig niya si Ma'am Sonia.

He started slapping her face softly on wanting to wake her up pero di nagising si Ma'am. Then, he shot me a death glare.

"Damn you! This is all you're fault!" He growled.

"Hala?! Baket ako?!" I asked him. "I-Ikaw kaya 'yung sumuntok sa kanya!"

He shot me another glare and staryed yelling at me that it was all my fault. Kulang na lang mabasay yung eardrums ko.

"Ikaw dapat yung tinamaan! Hindi siya!!!" he shouted.

Continue Reading

You'll Also Like

231K 7.8K 41
After years of abuse Anastasia has shut herself within emotionless walls. Even if the physical and mental abuse have broken her to the high extent, h...
73.3K 6K 141
Admin ဆီက ခွင့်ပြုချက်မရသေးပါဘူး free တင်တဲ့ အတိုင်း တင်ပေးပါ့မယ် admin တွေ လာပြောရင် ဖျက်ပေးပါမယ်။ Start date -21•4•2024(Sunday) End date-
133K 27K 80
Arc(9)-Arc(14)+Real World+Extra အာဏာရှင်ကုန်းvsနတ်ဘုရားရှို့
359K 13.7K 26
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"