Kambal sa Punso

By skmstories

27.4K 786 48

Magkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming... More

Ang Kambal
Punong Mangga
Manliligaw
Malikmata
Kwento ng Punso
Kautusan
Quizda
Ang Kaharian
Panaginip
Premonition
Fact
Truth
Ang pagbabalik
Nalalapit na
Paghihinagpis
Confusion
Disappointment
No Plans
Salamin
Iziah
Isang Ina at Anak
Pag-ibig
Ang Binata
Goodluck
Kabilugan ng Buwan
Unang Pagkakataon
Fonza
Pagpapaalam
Mga bilin
Pagbubuwis ng Buhay
Pagkawala ng ina
Katapusan
Pagsisisi
Bagong simula
Hangarin
Ang kwintas
Logging off...

Tagapagmana

715 26 0
By skmstories

Chapter 7 

TAGA PAGMANA 

[Maribel's POV] 

Dumating na ako sa trono at doo'y dahan dahan ako naupo sa isang upuan na kaharap ang trono ni Fonza. 

Sa tabi ko ay naupo rin si Imhar, na naglaan ng sulyap sa akin. Nakatunghay lamang si Fonza sa akin. May pagkabigla sa kanyang mukha at nakatingin siya ay kay Imhar. 

Marahil ay dahil sinuway ko na naman ang kanyang utos. 

"Napansin ko Maribel habang tumatagal ay lalo mo akong sinusuway." 

Marahan kong pinagsalikop ang aking mga kamay at nag wika. 

"Matagal ko na ninanais itanong ito Fonza. Ano ba ako sa iyong kaharian?" 

Nakita ko ang pag ngiti niya at tumayo siya mula sa pagkakaupo. 

"Ikaw ang kapatid ng aking magiging taga pag mana. Ikaw ang kanyang kapalit kung sakali man na hindi ako magtagumpay sa aking mga binabalak." 

"Kung gayo'y mataas pala talaga ang turing sa akin dito sa iyong kaharian?" 

Sinulyapan ko si Imhar at naglapat ang aming paningin. Ipinagpatuloy ko ang aking pagwika. 

"At sa palagay ko ay ang iyong mga balakin ay hindi magtatagumpay sapagkat ang mga ito ay hindi maganda sa aking palagay lamang. Walang galing at hindi sapat ang kapangyarihan mo lamang para magawa mo ang mga ito. Sa palagay mo ba ay tama ako? Katawatawa ang mga binabalak mo. Mula ng maparito ako ay walang pinagbago." 

Ngumiti ako sa tagumpay na nakita ko sa mukha ni Fonza dahil nawala ang kanyang ngiti. 

"Ipinatawag kita upang ipabatid sa iyo na nalalapit na ang takdang panahon. Sa kabilugan ng buwan. Nakikita kong handa na ang iyong kapatid." 

Umahon ang takot sa aking puso. Ang pag bilog ng buwan ay nalalapit na, ngunit hindi ko ipinakita kay Fonza ang aking totoong nararamdaman. 

"Handa? Sa anong paraan? Ang isang tulad niya ay mahina. Paano niya pamumunuan ang kahariang ito kung wala naman siyang kaalaman at mang mang pag dating sa kalakaran dito?" 

"Ha ha ha ha" 

Tumawa siya at tumayo ang balihibo ko sa aking likuran. Nababalot ng takot ang aking pagkatao sa mga panahong na ito. 

Ngunit kailangan ko maging matatag at matapang. 

"Magaling. Ang tunay ay ang kapatid mo ang aking pakay noon. Nagahol lamang ako upang lapitan siya." 

Bumalik siya sa pag kakaupo at muli'y nagwika. 

"Nais mo ba na ikaw ang maging Reyna? Maari kitang bigyan ng kapangyarian kung ninanais mo ito." 

Tumayo ako ng marahan at muli'y pinagsalikop ko ang aking kamay. 

"Hindi na kailangan Fonza. Hindi kaba nababahala? Maaring kong gamitin ang kapangyarihan na iyan upang pigilan ang mga balakin mo." 

Nangiti ako at tumalikod na. 

"Hindi pa ako tapos Maribel." wika ni Fonza habang si Imhar naman na tumayo na rin at lumingon sa kapatid. 

Ako naman ay nanatiling nakatalikod at nag wika. 

"Hahayo na ako, dapat ay kanina pa ako namamahinga sa aking silid, ngunit ipinatawag mo ako upang pulungin lamang sa walang saysay na usapin." 

At tuluyan na akong umalis kasunod si Imhar. Habang daan, napansin ko na panay ang sulyap sa akin ni Imhar, kaya naman nilingon ko siya. 

"Hindi ka mapalagay Imhar." 

"Hindi naman sa ganoon. Naisip ko lamang kung bakit hindi mo tinanggap ang kapang yarihan. Maaari mo itong magamit upang makalaya rito." 

Nilingon ko si Imhar at tumigil sa pag lalakad. 

"Hindi ko kinakailangan ng kapangyarihan kung ang kapalit din naman ay ang aking mahal na kapatid." 

Muli ay lumakad na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]