Salamin

547 20 1
                                    

Chapter 20 

SALAMIN 

[Mariel's POV] 

Ilang oras na din ang lumipas habang wala kami magawa, ni-finalist na ni Ate ang program para sa debu ko. 

At ang ilang oras pang nagdaan ay nakakabagot na. Hapon na marahil at hindi na namin napansin ang oras na dumaan. 

Busy kami ni Rein sa pagtingin ng mga pictures namin noong maliit pa ako sa ibabaw ng kama habang panay ang sulyap ko kay Justin na busy sa pagsipat ng sarili sa life size mirror. 

Para siyang model na ikot ng ikot sa harap noon, at kina Ate na busy sa may sofa sa pagku-kwentuhan. 

Nakita ko ang lumang picture namin ni Maribel at pinakita yon kay Rein. 

"Isa lang ang mukha niyo para kayong photo copy." 

Sabi pa niya at tumingin ako kay Justin para tawagin at ipakita ang picture pero bago ko siya matawag nakaupo na siya sa sahig at napasigaw. 

"AAhhhh!!!" 

Lahat kami ay tumingin sa kanya na kanina lang ay nasa harap siya ng life size mirror ko at nagpopose doon na parang model tapos ngayon--

Sabay sabay naman kami ng tanong-- 

"Bakit?" 

--at nilapitan siya nila Ate at Billy kami naman ni Rein ay nanatiling nakaupo sa kama. 

"M-My h-hand." 

Sabi niya at lumapit na kami. Namumutla siya habang amaze pa din na tinitingnan ang right hand niya at ang salamin. 

"Ano ang kamay mo? Malikot?" 

Tanong ni Ate and she smirk. 

"No. My hands just slip off through the mirror." 

"You're kidding!" Rein 

"No I'm not. I swear I touch it and it slip through it." 

Umayos sa pagkakaupo si Justin at lumingon kay Rein na parang naiinis. Mahirap naman kasi paniwalaan ang sinasabi niya. 

Lalo pa at ang statement ay galing sa kanya na kahit minsan hindi mo malalaman kung nagbibiro pa ba or seryoso na. 

Lumapit ako sa salamin, for a moment I'm hoping na mangyayari din sa akin ang sinabi ni Justin kasi feeling ko may magic don dahil don ko nakita ang kapatid ko. 

Hinawakan ko ang salamin. Sinubukan din ni Rein, Billy at Ate but it was still as solid as it is. Tumingin ako kay Justin. 

"Subukan mo nga ulit." 

"Uh, Uh, No way. There's no way I'm going to touch that damn mirror." 

Umiling iling pa siya. 

"Sige na Justin." 

Sabi naman ni Ate Angela at tumingin sa kanya si Justin. Though in hesitate lumapit siya sa salamin at dahandahan humawak doon. 

Napaurong si Billy. Napakapit si Rein sa akin. Kami naman ni Ate ay mangha. Ang kamay ni Justin ay lumalagos sa salamin na parang tubig lang yon. 

Paulit ulit naman ginawa ni Justin na nawala na ang takot at tumatawa. 

"It's totally brilliant." 

Nagku-kwentuhan na ang tatlong lalaki at si Ate naman ay lumapit sa salamin hinipo iyon in a way of waving at humarap kina Justin. 

Ako naman ay nanatiling nakatingin sa salamin at dahil sa pagkamangha nagulat pa ako ng makita ko ulit si Maribel kausap niya ang babaing yon ulit.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon