Fact

608 20 0
                                    

Chapter 12 

FACT 

[Rein's POV] 

Breaktime. Wala pa kami klase. Nalalaro ako ng psp at sa pagkakataong ito matatapos ko na ang game. 

"Hey guys, how about buying gift this afternoon?" 

Bago ako lumingon sa nagsalitang si Justin pinause ko muna ang nilalaro ko. 

"May one month ka pa maaga pa masiyado." 

Sabi ko sa kanya. Nasa may likuran lang namin sina Angela at Billy. Bumalik ako sa paglalaro at nagsalita pa ulit si Justin. 

"So? I think I'll go this afternoon with Mariel. I think I'll court her." 

Napatingin ako sa sinabi ni Justin? Gagawin ba talaga niya yon? Gusto niya si Mariel? Bestfriend kami ni Justin at sa palagay ko naman walang masama don. 

Pareho lang naman silang single. Pero kasi parang dapat hindi sabi ng isa kong utak. Eh bakit ba ako nakikialam eh wala naman akong pakialam? DAPAT

Tiningnan ko ang nilalaro ko at ayon game over. Tumayo ako para lumabas. 

Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko parang bigla ako nainis. Hindi dahil sa game over ako. 

Ewan ko ba parang nainis ako bigla kay Justin. Matagal na kami magkaibigan at kahit minsan kahit mag kaiba ang ugali namin hindi pa kami nag away. 

Pero bakit parang gusto ko siya sapakin ngayon? Hindi dahil lang to sa na game over ako eh malapit ko na mabeat ang highest score. 

Hindi galit ka kasi liligawan niya si Mariel eh gusto mo siya. Sabi ng isa ko pang utak. 

Teka-- ANO??? 

Hindi totoo yan. Hindi ganoon yon. At bago pa matapos ang pagtatalo ng utak ko, sinundan pala ako ni Justin. 

"Bro. Is there any problem?" 

Nakangiti pa niyang sabi. Nilingon ko siya pero ibinaling ko ang paningin ko sa malayo. Nakakabadtrip kasi ngiti niya. 

"I think I misunderstood you but do you like Mariel, Do you?" 

He looks at me intently at hindi pa din ako nagsalita ng magsalita ulit siya. 

"I'm just kidding for what I've said back there dude. I'm just trying to provoke you kasi I know you'll show up.  You're my best mate. I know you. You like her. I like her too--" 

Tiningnan ko siya with deep expectation sa mga sasabihin pa niya. At marami pa siyang sinabi. 

"--physically. She's damn pretty and kind. Of course I like her because she's our friend and all that but, she's a little bit naive, a little bit sensitive. If maybe she's the kind of daring or rather be suplada na mataray that will do. Hindi ko siya papaubaya to you mate."  

Hindi ako nagsalita sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Justin. I feel shame. 

At biglang lumapit sa amin si Billy at napalingon ako kung asan si Angela na ngayon ay kausap na ni Mariel. 

She's a bit tense at habang pinagmamasdan ko siya nagsalita si Justin. 

"Guys, I think Mariel has a problem." 

"Angela said so. Pakiramdam daw niya may problema siya." 

Sabi ni Billy pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Mariel. Nagsalita ulit si Justin. 

"Seriously, she looks agitated." 

"At mukhang personal kasi ayaw--"  

Bago pa matapos sa pagsalita si Billy ay nawala na sa tabi namin si Justin. Hindi na din namin napigilan ang paglapit niya sa dalawa. 

Lumapit na si Billy sa dalawa at nakita ko na biglang tumayo si Mariel at tumakbo palayo. My mind telling me to stay and let her be alone pero ang isang utak ko sinasabing sundan ko siya at automatic naman sumunod ang muscles ko. 

Hinabol ko si Mariel at nakita ko siya nakaupo sa isang bench. Dahan dahan ko siya nilapitan at nakita kong umiiyak siya.

Kambal sa PunsoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora