Katapusan

496 17 1
                                    

Chapter 34 

KATAPUSAN 

[Rein's POV] 

Nanghihina na ako. Masakit ang mga sugat na nasa katawan ko pero kaya ko yon tiisin. 

Mas masakit ay ang pagkawala ni Justin. Halos hindi ko na alam ang nangyayari nakaupo na lamang ako dito sa tabi ni Justin habang hawak ko pa din ang kanyang kamay. 

Gusto ko lapitan si Mariel pero hindi ko na kayang kumilos pa. Halos mawalan ako ng malay. Napalingon ako kay Fonza na itinaas ang kamay nakatingin siya sa gawi ni Mariel at biglang nakita ko na naman ang liwanag ng tulad ng liwanag na tumapon kay Justin at kanyang ikinamatay. 

Nawala ako sa aking sarili. Si Mariel? Bakit wala ako sa tabi niya para iligtas siya. Si Mariel.. Si Imhar.. 

"IMHAR!!!!" 

"MOMMY!!!!" 

Rinig kong sigaw ni Maribel at Angela na agad tumakbo palapit kina Mariel. Natulala lamang ako doon hindi ko akalain na si Imhar. Natakot ako akala ko si Mariel. 

Akala ko namatay siya ng hindi pa niya nalalaman na mahal ko siya. Nakita kong nilapitan siya ni Billy at kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at takot. Yumakap siya kay Billy. Napalingon naman ako kay Maribel ng magsalita siya. 

"Wala kang puso. Sarili mong kapatid ay pinaslang mo." 

Lumingon siya kung nasaan sina Mariel at itinaas niya ang hawak niyang spear. 

"Imhar." 

"Maribel!" sigaw ko pero huli na at naitusok na niya iyon sa kanyang sarili.

Nakabitaw siya doon at puno ng dugo ang kanyang harapan. Pilit akong tumayo para lapitan siya. Narinig ko ang sigaw ni Mariel. Nakalapit na ako sa kanya at ngayon nasa bisig ko na ang kanyang ulo. 

"A-Ang k-kapatid k-ko. W-wag m-mo s-siyang p-papabayaan. M-Magka kapiling n-na k-kami n-ni J-Justin." 

Pumikit na siya bago pa makalapit sa amin si Mariel. Nilingon ko kung nasaan si Fonza ngunit unti unti ay nauupos siya na parang buhangin at hanggang sa mawala na siya. 

Totoo pala na kapag namatay ang tagapag mana ay mawawala rin siya. Pero bakit kailangan pang umabot sa ganito. Bakit kailangan pa mamatay ni Justin na dapat ay susunduin lamang niya si Maribel at bumalik din agad? 

Bakit kailangan ibuwis ni Imhar ang sarili at ni Maribel ang kanilang mga buhay para lang sa lahat ng ito. 

Yeah it's worth it all pero tatlong tao ang nawala at napakasakit non. Kung mamamatay din lang naman pala sila di sana hindi na kami nag abala iligtas sila? 

Sana kahit si Justin manlang buhay pa. Si Angela, hindi pa niya nakakasama ang Mommy niya at tama huli na ang lahat para sa kanila. 

Si Justin, alam ko marami pa kaming pwedeng pagsamahan at kahit magkaiba kami wala kaming hindi napapag kasunduan. 

Tumingin ako kay Mariel na yakap ang kapatid niya at umiiyak. Buong buhay ni Mariel wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makasama lang ang kanyang kapatid. 

Siguro kung alam lamang ni Maribel na ganito ang mangyayari gugustuhin kaya niyang makabalik pa sa mundo namin? 

Malamang hindi. Niyakap ko sa likoran si Mariel at tahimik lang akong umiyak doon habang nakatingin sa katawan ni Justin. 

Maya maya ay lumapit ako sa kay Justin at kahit masakit ang mga sugat ko pilit ko siya nilapit kay Maribel at doon pinaghawak ko ang kanilang kamay. 

Hinaplos ko sa likod si Mariel. 

"Magiging masaya silang magkasama ni Justin." 

Nagyakap kami at nakita ko na nakayakap din si Billy kay Angela habang sinasabing-- 

"Kung nasaan man ang Mommy mo masaya na siya kasi kahit ilang saglit lang naranasan niya tawagin mo siya Mommy."

Kambal sa PunsoWhere stories live. Discover now