Hangarin

534 16 0
                                    

Chapter 37 

HANGARIN 

[Maribel's POV] 

Nagulat ako ng bigla ay hinila ni Rein ang kamay ko siguro ay nagkamali lamang siya. Malayo kami sa mga kasama namin at marahil inilayo niya lang ako upang magusap kami ng walang makakarinig. 

Magsasalita sana ako kasi baka nga nagkamali siya pero nagsalita na siya. 

"May gusto akong sabihin sayo matagal ko ng gustong sabihin ito." 

Tumingin ako sa may likuran ni Rein at nakita ko si Justin kasama na niya si Mariel at papalapit sila sa amin. 

Nakatalikod si Rein kaya hindi na nakita na malapit na sila sa amin at ang daliri ni Justin ay nakalagay sa kanyang mga labi na ibig sabihin ay wag ko sabihin na naroon sila. 

"Hindi ko alam kung paano ang sasabihin ko kasi baka mamaya hindi ka maniwala." 

"Sabihin mo na maniniwala ako promise." sabi ko na nakangiti medyo natatawa kasi ako sa sitwasyon. 

"Mahal kita Mariel. Noon pa bago mo pa ipagtapat sa akin ang tungkol kay Maribel." 

Napatingin ako kay Mariel at nabigla siya. Nakita ko naman si Justin na pigil ang pagtawa. I looked and Mariel encouraging her to answer the question. Napatingin naman ako kay Rein na nakahawak sa dalawang braso ko at naghihintay ng sagot ko. 

"Mahal din kita Rein." 

Napalingon si Rein sa nagsalita sa likoran niya. Lumapit si Justin kay Rein. 

"Would you like to let go of my girlfriend? Dude." 

Nagulat naman si Rein kaya binitawan niya ako. Humarap siya kay Mariel. 

"Ikaw si Mariel?" 

Ngumiti si Mariel. 

"Uhuh? You'regirlfriend." 

At nagtawanan kami habang kumakamot sa ulo si Rein at nilapitan siya ni Mariel para yakapin. 

"Halika na Babe let's give them privacy-- I mean bigyan natin sila ng oh gosh what's privacy in tagalog?" 

"Oo na. Oo na alam ko na ang ibig mong sabihin." 

Lumayo kami at nakasalubong ko sila Ate Angela at Billy kinikilig at halos magtatalon sa tuwa si Ate at lumapit siya sa akin. 

"Nag propose si Billy sa akin tingnan mo oh." 

Pinakita niya sa akin ang sing sing at bumalik na kay Billy.  Nakangiti naman ako at lumapit kay Papa habang hawak pa din ni Justin ang kamay ko. 

I let go of him at yumakap ako kay Papa. 

"Maligayang kaarawan po." 

"Thanks Hija." 

Humawak ulit ako kay Justin. Medyo lumayo lamang kami at umakbay siya sa akin habang ako naman ay nakayakap sa bewang niya. 

"Hindi pa din ako makapaniwala na buhay tayo." sabi ni Justin.

Punang puna ko sa kanya na hindi siya masyadong komportable sa pagtagalog nabanggit iyon sa akin ni Mariel kaya naman sa buong isang tao na yon pilit ko pinagaralan ang pagsalita ng English. 

Mula ng magkasama kami ni Justin yon din ang araw na naging kami kaya ang araw na yon ay ang aking kaarawan. 

Siya ang aking pag ibig kaya walang dahilan upang hindi kami ang magkatuluyan. Nakakatuwang isipin na kahit kami na pinaparanas niya sa akin na nanliligaw pa din siya. 

"Alam mo ako rin naman hindi ko akalain na mangyayari ito. Isa pa ayaw ko na alalahanin ang nangyari noon kasi hindi magandang alalahanin. What matter now is we're together and we loved each other." 

Nakangiti kong sabi sa kanya at nanlaki ang mata niya na humiwalay sa pagkakayakap ko. 

"Hindi magandang biro yan Mariel ha?" 

At tumingin siya kina Rein. 

"Wait i'll get my girlfriend. Masiyado ng niyayakap ni Rein." 

Aalis na siya at pinigilan ko na natatawa. 

"Ako si Maribel ano kaba. Ako ang iyong pag ibig." sabi ko ay hawak ko ang kanyang kamay.

Niyakap ko siya at nagsalita pa ako. 

"Alam kong mahirap para sayo ang magtagalog at nasabi sa akin yon ni Mariel kaya bago pa mamilipit ang dila mo, pinilit kong pagaralan yon. I love you and kung ikaw nga kaya mong mamatay para sa akin eh di I can do those little things for you." 

Humiwalay ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi at niyakap niya ulit ako. 

"Hay, Mahal na mahal kita. If I have to die again and again just to be with you, its ok with me." 

Ngumiti ako. "Mahal na mahal din kita."

Kambal sa PunsoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora