Panaginip

715 15 1
                                    

Chapter 10 

PANAGINIP 

[Mariel's POV] 

Umalis na sila Billy. Hinatid na sila ni Ate Angela sa labas at ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko. 

Balak ko matulog ilang gabi na din kasi ako napupuyat sa pag gawa ng thesis ko. Ang hirap kasi hindi manlang ginawang grouping or kahit pair manlang kundi individual. 

Palibhasa ilan lang kami sa course namin. Inaantok talaga ako parang inaakit ako ng hangin para makatulog agad. 

Ng ilang saglit ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. 

"Bukas yan Manang." 

Sumilip si Ate Angela. Siya pala ang kumakatok. 

"Oh, pasok akala ko si Manang Enchang." 

Pumasok siya at lumapit sa may kama ko. Naupo naman ako mula sa pagkakahiga ko. 

"Couz, pwede ba kita makausap?" 

"Sige. What about?" 

Tanong ko kahit alam ko naman na tungkol yon sa nangyari kanina. She tried to talk pero maybe she's thinking how to start. 

"Er-- Ahm, About Billy. I'm sorry hindi ko kaagad nabanggit sayo. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo eh. Hindi ko pa naman siya sinasagot." 

Hindi ko pa naman siya sinasagot? Meaning she's planning to. Hay, siguro nga gusto din siya ni Ate at ano ba gagawin ko? 

"Ok lang yon ano kaba naman. Alam mo naman diba? Crush lang yon. Darating din ang time na makikilala ko ang Prince Charming ko." 

Nakangiti kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko. 

"Nahihiya kasi ako sayo." 

"Eto naman. Wala yon kasi mas priority ko pa din ang pag hanap ko sa kapatid ko. You know that." 

Na totoo naman talaga mas importante sa akin ang hanapin si Maribel kesa unahin ang love life ko. Gusto ko lubusang maging masaya bago ang kung ano pa man. 

"You still trying to find her, are you?" 

"Yeah! Ayaw ko tumigil hanggang buhay ako hahanapin ko siya. If it's the last thing I can do for her." 

"And you still dream about her?" 

"Oo. Gaya pa din ng dati. Blur yong mga nakikita ko. Sana nga mapanaginipan ko naman siya yong tipong makakausap ko siya." 

Huminga si Ate ng malalim. 

"I guess I can't stops you looking for Maribel but at least minimize your hope baka mamaya sobra ang pag-asa mo at masaktan ka lang sa huli. 

"Sige na. Magpahinga kana huh?" 

Tumayo na siya at lumabas. Ako naman bumalik sa pagkaka higa at pumikit.  Kasama ko si Rein nasa garden kami at nagtatawanan kasi si Justin tinubuan ng pinya sa ulo? 

Sa kakatawa ko nahulog ako sa kinauupuan ko at pagtingin ko nasa isang Hardin na ako. Ako lang mag isa. 

Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko talaga kilala ang lugar na ito at nakita ko may mga-- ano ba ang pwede kong itawag sa kanila. 

Nakasuot sila ng damit na kakaiba masakit sa mata dahil lahat ay kulay violet ang damit nila. May mga dala silang spear at ang iba ay sword at-- Teka? 

"Bitiwan niyo ako!" 

Kinakaladkad ako ng mga, tao ba sila? At ang pinaka pinuno nila ay humahalakhak ng pagkalakas lakas. 

Narinig ko ang isang boses ng isang babae na parang nasa ilalim ng lupa hinanap ko iyon. Si Ate Angela. 

"Ate tulungan mo ako." 

Sigaw ko pero nasa likod niya si Papa at tumatawa ito. Pinipigilan niya si Ate upang tulungan ako. 

"Ikulong ang bihag." 

Napalingon ako sa nagsalita at kilala ko siya. Siya si Fonza. Ibig sabihin ay wala ako sa mundo ng mga tao. 

"Pakawalan mo siya Fonza." 

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tinig na iyon at nakita ko sa taas ng isang trono na nakalutang-- AKO?? 

Ako? Pero nakakulong ako ngayon. Hindi kaya siya ang-- Si Maribel? 

"Maribel?" 

"Pakawalan mo ako. Pakawalan mo ang kapatid ko at ang mga kasama niya." 

Mga kasama ko? Teka nalilito na ako at-- ano itong mga nasa kamay ko? Dugo? Kanina lamang ay nasa isang kulungan ako at ngayon ay nakaupo na ako dito sa-- 

"Oh my god, Justin?" 

My god si Justin punong puno ng dugo at wala na yata siyang hininga. Ano bang nangyayari? Tumutulo na ang luha ko. 

"H-Help m-me." 

Napalingon ako sa isang boses na humihingi ng tulong at nakita ko si Rein marami din siya sugat. Nilapitan ko siya pero-- 

Isang wlang buhay na ang nasa harapan ko. Ang aking sarili. Hindi. Marahil ang aking kapatid wala na siyang buhay. 

"Nasaan ba ako? Ayoko na dito. Gusto ko na umuwi." 

Sigaw ko pero parang wala naman nakakarinig sa akin.

Kambal sa PunsoМесто, где живут истории. Откройте их для себя