Unang Pagkakataon

496 14 0
                                    

Chapter 27 

UNANG PAGKAKATAON  

[Justin's POV] 

Noong seventeen-year-old palang kami ni Rein pumasok kami sa isang school na nag aaral ng judo. Doon namin nakilala si Billy na isa rin sa mga studiyante. Six months din yon at makalipas ang two years ngayon ko pa lang magagamit ang pinagaralan ko. 

"Quizda, ipinaguutos ko na lumisan na kayo ng mga kasama mo." 

"Alam ninyo na sa kamahalang Fonza lamang ako sumusunod ng mga ipinaguutos." sabi ng freak at akalain mo may pangalan pala siya? Kizda daw or Isda? 

"Nais ko malaman kamahalan kung ano ang ginagawa ng tagalupa na iyan dito?" 

"Katagpo ko lamang siya Quizda. Tulad ni Fonza at siya ang aking pagibig." 

Napatingin ako kay Maribel sa sinabi niya. Totoo ba ang sinasabi niya oh uso din dito ang mga artista? 

Well kung ang mga bida ay tulad nitong mukhang isda sa harap ko, dapat wag na nila ipalabas. 

"Kung maaari ay huwag mo ipabatid ito kay Fonza. Bigyan mo kami ng ilang sandali upang makapag usap at pangako ako'y magbabalik na sa aking silid." sabi pa ni Maribel at tumingin naman ako sa freak. 

"Alam ninyo na mahigpit itong pinagbabawal ng mahal na reyna?" 

Inilayo ko ng bahagya si Maribel. Hinawakan ko siya sa pisngi. 

"Wag kang aalis dito. Kung kaya mong wag silang makalapit sayo gawin mo. Ok?" 

"Ngunit binata marami ang mga kawal na iyan." 

May pagalala sa mukha niya. If only we are not in this kind of situation, I'll take advantage. Hahalikan ko talaga siya. 

I even have the urge to hug her pero baka magalit siya. 

"Don't worry. Basta gawin mo ang sinabi ko. At Justin ang pangalan ko." 

Humarap ako sa mga freak. 

"Mga kawal kunin ang kamahalan at paslangin ang taga lupa." sigaw ng pinunong freak.

Humanda naman ako and I fight. Tinulak ko isa isa ang bawat freak na nakakasalubong ko. I grab the spear at ginamit ko yon. I gave hard kick sa isang freak sa harapan ko at tinusok ko naman ng spear ang nasa likuran ko. 

Pinaikot ko ang spear at sinaksak ko ang nasa unahan. Ikot at bigwas sa bawat tinatamaan, saksak sa likoran. 

Napatingin ako kay Maribel na nagsalita. 

"Binata sa iyong likoran." 

Nakita ko na papalapit sa kanya ang pinuno ng mga freak kaya hindi ko na nasalag ang nasalikoran ko. Tumama sa akin ang dulo ng spear sa may tagiliran. 

Saglit akong napatigil dahil masakit iyon. I look at it at marami agad dugo ang lumabas don. I tried to ignore pero masakit talaga. 

At nakita ko na lamang nagpupumiglas si Maribel sa pagkakahawak ng pinunong freak. 

"Maribel! Leave her alone. Let go of her." 

Susugurin ko sana pero marami pa ang freak na lumapit sa akin. And because of the distraction I didn't realize na meron palang freak sa may gilid ko at nasapok niya ako ng spear niya. 

Medyo nahilo ako at marami na ang pumapalibot sa akin. Narinig ko ang boses ni Maribel calling me. 

"Binata! Wag niyo siyang sasaktan. Binata." 

Pahina iyon ng pahina that maybe palayo siya ng palayo. At halos mawalan naman ako ng ulirat ng isang tadyak ang maramdaman ko sa tiyan ko. 

"Wag niyong saktan ang aking pagibig." 

Narinig kong sabi ni Maribel. Into that words humugot ako ng inspirasyon para makalayo sa mga freaks na to at isinanggalang ko ang spear na hawak ko at iwinasiwas yon. 

Halos lahat naman sa kanila ay napalayo at hinanap ko si Maribel, malayo na siya. Sinubukan kong pilitin mahabol sila. 

"Maribel." 

"Justin." 

For the first time she called me by my name at pinilit ko siya abutan pero pinagtulungan ulit ako ng mga freak at sa dami nila hindi ko alam kung paano ako lalaban. 

Isa isa ko silang sinipa, siniko, tinusok ng spear at binigwasan. Nagkakaroon ako ng konting pagasa dahil unti unti ko na sila natatalo. 

Pero hindi ko naiwasan ang isang bigwas mula sa aking likuran kaya naman halos hindi ko alam kung mawawalan na ba ako ng malay. 

Maraming dugo ang lumalabas sa aking bibig at hindi ko na alam ang mga nangyari pa.

Kambal sa PunsoWhere stories live. Discover now