Strings Attached

By katorina

287K 2.9K 696

Gaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghih... More

Prologue
Chapter 1: Ex
Chapter 2: Ang Soloista
Chapter 3: Tibok
Chapter 4: Slave
Chapter 5: Prinsipeng Halimaw
Chapter 6: Anghel
Chapter 7: Concert for a Cause
Chapter 8: Bad Day turns Good
Chapter 9: Puzzle, at ikaw nalang ang kulang.
Chapter 10: Ingat Day
Chapter 11.1: Voice Chemistry
Chapter 11.2: Voice Chemistry
Chapter 12: Alin ang Nasasaktan, Mata or Puso?
Chapter 13: Unpredictable Emotions
Chapter 14: Tears
Chapter 15.1: Nasaan si Marco?
Chapter 15.2: Nasaan si Marco?
Chapter 16: Ako si Ex.
Chapter 17: Vulnerable
Chapter 18: Sorry and Confusion
Chapter 19: Fears
Chapter 20.1: Pwede pa ba?
Chapter 20.2: Pwede pa ba?
Chapter 21: Wag kang bibitaw
Chapter 22.1: Mga hadlang
Chapter 22.2: Mga hadlang
Chapter 23: Nasaan na naman si Marco?
Chapter 24: Ang Rason
Chapter 25: MARGEN Escapade
Chapter 26: My New Year With you and Sana wag maging Last.
Chapter27.2: Love Lessons
Chapter 28: One Sweet Day
Chapter 29:Ang Katotohanan
Chapter 30: Jitters
Chapter 31: Mga Gusot
Chapter 32: The Lyrics
Chapter 33: Can I have this Dance?
Chapter 34: Lessons in Life
Strings Attached- EPILOGUE
Credits to the Songs of Strings Attached

Chapter 27.1: Love Lessons

5.1K 61 16
By katorina

Patay na talaga. Nakikita ko ngayon yung:

mukha ni Dad: Worried.

Mukha ni Lolo: Confused.

Mukha ng mama ni Marco: Galit na Galit.

Nanginginig yung aking mga tuhod na bukod sa pagod na pagod eh takot na takot na rin sa mga susunod na mangayyari.

Maya-maya’y nakita ko si jicks na tumatakbo papunta sa amin mula sa likod ng mama ni Marco.

“Tita hindi ko~~”

Natigagal siya nang makita kame ni Marco. Magkahawak ang kamay namin. Ayaw niyang bitawan kahit pumapalag ako ng palihim.

Nagtititigan si marco at ang mama niya. Parang gusto kong magwala at patigilin na sila sa pinag gagagawa nila kasi parang ako ang mababaliw at nasasaktan.

Maya-maya’y nagsalita ang mama ni Marco.

“Dahil sa kanya hindi na nabuo ng tuluyan ang pamilya naten.” Ang sabi ng mama ni Marco Sabay turo sa dad ko.

“No ma, dahil saiyo hindi na nabuo ulit ng tuluyan ang pamilya naten.”

Humigpit yung pagkakahawak ni Marco sa kamay ko.

“At kahit kailan hindi ko gagawin na isuko ang pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ako magiging duwag tulad ng ginawa niyu sa relasyon niu nang papa ko.”

“Wala kang alam Marco! Kaya wag na wag mo akong huhusgahan! Hindi ako ang tunay na mahal ng papa mo!! Ang Asawa ng taong yan ang mahal ng papa mo. Kahit kailan pangalawa lang talaga ako sa paningin niya. Kaya kailanma’y hindi ko nagawang ipaglaban ang pamilya naten, dahil dun palang talo na”

Nadurog yung puso ko sa pagkakasabi ng mama ni marco nun. Ang buong akala ko ay  si Dad lang ang may kasalanan sa family nila, ngunit nadadamay na ngayon pati ang mommy ko.

“Geline doesnt love Zacko, Yanny. You know that. Kahit kailan, hindi pinansin ng asawa ko ang pagmamahal ng asawa mo sa kanya. My wife loves and values my family. Nung gabing yung lasing na lasing ako, God knows na walang nangyari sa atin, but Zacko over reacted, ginawa niyang way yun para mapaghiwalay kame ni Geline, but my wife doesnt believe in any of this shits. Kaya ka naiinis kasi yung family ko buo pa, but Zacko gave up your family, but you never fight for it.”

Nagulat akong singit ni dad sa usapan.

Bakit ko ba naririnig tong usapan na toh ngayon? Lalo nanginginig yung tuhod ko.

“That’s really a lame reason why you dont fight for our family Mom. I never met my father and given a chance na maipakilala sa school at sa mga kalaro ko ang tatay ko.” Sabi ni Marco. This time, parang galit na galit na talaga yung boses ni Marco.

“But I am still your mother. Ako ang mag isang nagpalaki saiyo. Ako lang! At kahit kailan, ayokong makita kang nakikipag salimuha sa pamilya nila. I want the best for you!”

“Mom, I know that this is the best for me. Masaya akong kasama siya!”

Marco’s POV

Habang ngsisigawan kame nila mommy dito sa may labas ng bahay nila Genie, ay tahimik naman si Genie sa tabi ko. Hindi ako tumitingin sa kanya kasi I know, makikita niya yung worry at anger ko sa face ko.

That’s not the way I want to be remembered. Gusto ko pag nawala na siya dito, gusto ko makita niya lang yung mukha ko laging calm, peaceful at happy.

“Mom, I know that this is the best for me. Masaya akong kasama siya!” Sabi ko yan sa Mom ko. I hate when she says she is not the best for me dahil sobrang saya ko kay Genie. Tahimik lang si Genie Nang bigla siyang nagsalita.

“Marco... Sundin mo yung mama mo.”

Mahinahong sabi ni Genie. Hindi ako siguradokung yung sinsabi ba biya eh sundin ko si Mama na layuan ko si Genie, or imagination ko lang na nagsalita si Genie.

Ngunit...

“Marco.. BITAWAN MO NA AKO AT SUNDIN MO ANG MAMA MO!”

Pakshet. Yun nga ang sinabi niya. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Hawak ko parin ng mahigpit yung kamay ni Genie at hindi parin ako tumitingin sa kanya.

“Marco, lumaki ako ng walang nanay at hindi ko alam ang feeling ng mayroong nanay sa tabi sa oras ng lungkot at saya. Mahal na Mahal kita Marco pero kung sakali mang buhay pa ang mama ko ngayon  at sabihin niya ngayon din ay layuan kita, wala pang ilang segundo ay bibitawan kita kaagad ngayon at hindi na muling magpapakita.”

Lumingon ako sa kanya dahil na rin siguro sa gulat ng pagkakasabi niya nun. Nakita kong tumutulo na pala yung luha ni Genie.

Anu toh?

Anung Meron?!

Akala ko ba walng bibitaw sa amin. Bakit parang sumusuko na si Genie? Bigla kong napansin yung pagkakahawak namin ng kamay. 

Ako nalang pala ang nakakapit sa kanyang kamay nang mahigpit. Yung tipong pagkabinitawan ko yung pagkakahawak ko sa kanya, eh talagang makakalas na yung pagkakahawak namin.

Nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon, dahil alam ko na ang mga next na mangyayari pero hindi ko ineexpect na ganito kadaling bibitaw sa akin si Genie.

God knows How much effort I put on it just to fight for this Love. Wala akong ibang hiniling kundi ang maranasan yung ganito ka tinding pagmamahal. Ngayong naramdaman ko na. Mahirap pala.

Unang unang naisip ko, ay bakit siya? Siya na mamatay na.  Siya na yung parents niya at ang parents ko ay may pag aaway. Siya na mahina ang loob at madaling sumuko.

Pero ganito yata ang gustong ipaalam sa akin ng pag-ibig eh. Na ang pag ibig ay hindi basta basta ipinaglalaban lang. Minsan kailangan mong bumitaw upang mas maging maayos ang lahat.

Naiintindihan ko ang gustong iparating sa akin ni Genie. Na kahit na may sarili na tayong utak at puso, we still need to consider others.

Hindi ako toh.

 Binago ako ng pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko magagawang saktan si Mommy nang ganyan-ganyan nalang. Naisip ko na pag namahal ba ang tao eh sumasama na sila kaagad? Pero parang hindi naman kasi Ang bait parin ni Genie, Sobra. Sa kalagintnaan ng sobrang kasiyahan namin eh naisip pa niya na nasasaktan yung Mommie ko sa mga pinag gagagawa ko? bakit ba hindi ko yun naisip??

 Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng ganito nalang:

Mahal ko si Genie.

Mahal ako ni Genie.

At Masaya si Mommie para  sa amin.

Bakit ba hindi pwedeng maging ganun?

Unti-unting lumuwag yung pagkakahawak ko sa kamay ni Genie. Tumungo ako at tuluyang bumagsak yung kamay ni Genie nang binitawan ko ng tuluyan ang kamay niya. Tama ang hinala ko, kanina pa siya bumitaw sa akin.

Nakatungo parin ako nang naglalakad papalayo sa kanila. Ngayon ay hindi ko alam kung saan ako unang pupunta.

Sa School?

Sa Liang’s?

Sa Park?

Sa Simbahan?

Sa bundok?

Kahit saan basta makapag isip lang ako ng maayos. Pwede bang umiyak ng walang luha? Gusto ko kasing umiyak ngayon sa sama ng loob ko dahil naiintindihan ko ang mga bagay na ginagawa nilang lahat, pero hindi ko parin maintindihan kung bakit sa amin pa dapat mangyari toh?

Minsan lang ako magmahal ng ganito. Ngayon pa lang kung tutuusin.

Genie’s POV

Marco, sana naiintindihan mo lahat ng mga pinag gagagawa ko ngayon. Dahil ako hindi ko maintindihan eh. Tumakbo ako papasok sa bahy nang makita kong papalayo na sa amin si Marco. Hindi ko alam ang nararamdaman ni marco ngunit sana lang ay hindi siya magalit sa naging desisyon ko.

Lagi niyang pinapaalala sa akin na kumapit ako at wag akong bibitaw. Pero anong ginawa ko ngayon.

Pagkadating ko dito sa kwarto ko ay hinubad ko yung singsing na ibinigay sa akin ni Marco nung nasa Mt. Pulag pa kame.

Napakaganda ng singsing na ito. Mamahalin. Mukhang Rare. Ngunit masakit sa dibdib isuot.

Kapag isusuot mo siya, tapos madaming tao ang umiiyak at nag aaway dahil lang sa singsing na toh , mahirap siyang isuot.

Parang yung relasyon namin ni Marco. Napakaganda ng relasyon namin. Sobrang mahal namin ang isa’t isa, at walang papantay sa kaligayahan na nararmdaman namin at talagang napaka rare ng relasyon na ito. Ngunit masakit sa dibdib ipagpatuloy toh. Hindi sa sumusuko ako ngunit. Hindi ko gustong mag away sila nang dahil lang sa akin.

Ayaw kong ako lang ang masaya.

*KNOCK KNO0CK KNOCK*

“Apo? Papasukin mo ako...”

Si lolo. Natatakot akong pagbuksan niya dahil alam kong malakingkasalanan yung ginawa ko sa kanya dahil nga tumakas ako papuntang bundok upang sumama kay Marco. Pinag alala ko yung mga taong mahal ko sa buhay.

Hindi ako sumagot, ngunit pumasok na rin si lolo since hindi nman naka lock yung pinto ng kwarto ko.

“Apo, naaalala mo pa ba yung sinabi ko sa iyo na. Kapag gusto mong makuha yung bagay na yun ay ibulong mo lang sa kanya?” tiningnan ko si lolo, nakaturo siya sa taas.

Sa Diyos. Ang gusto niya’y magdasal ako.

“Sorry kung tumakas ako lolo. But I want you to know that I have learned my lesson.”

“Hindi ako galit apo. Ang gusto ko lang sabihin sayo ngayon na Kung hindi niyo kayang gawan ng paraan, ipagpasa Diyos niyo nalang ang lahat. Kung kayo apo, magiging maayos din ang lahat.”

“Pero lolo, paano kung hindi na maayos toh hanggang sa ~~” Bigla akong niyakap ni lolo.

“Wag kang magsalita apo. If its not yet ok, Its not yet the end. Wag na wag mo kaagad tatapusin ang storya ng hindi pa naayos ang conflict apo.” tinanggal ni lolo yung pagkakayakap sa akin at hinawakan niya yung ulo ko.

“Tandaan mo apo na, sa bawat storya ng tao eh laging may other side. Narinig mo kanina yung mama ni Marco? May dahilan siya diba? Ngayon, yan ang ipagdadasal mo sa Diyos. Na sana’y lumiwanag ang isip niya na past na yung mga nangyari, at panahon niyo na ngayon.” Nagegets ko yung sinasabi ni lolo sa akin. Ngunit biglang parang may kumulo sa tiyan ko.

“Gutom kana apo noh? Hindi ka ba pinakaen ni marco? Haha tara na at nagluto ako ng almusal”

Natawa ako sa adik kong tiyan. Nagutom ako sa sobrang stressed kanina sa  sitwasyon. Ngunit may nawawala. Asan na naman napunta si Daddy?

Marco’s POV

Napagdesisyunan kong uuwi ako sa bahay  ngayung gabi, Ngunit uuwi lang ako kapag maliwanag na ang lahat ng nasa isip ko. Masyado pa siyang magulo. Para siyang mga sinulid na nagkabuhol buhol.

Ni hindi alam kung anung puno’t dulo sa mga nangyayari ngayon. At kapag hindi mo alam ang puno’t dulo, hindi mo rin makakayang ayusin ang mga bohoil nito.

“Pare...”

Si Jicks. Tahimik akong nakaupo dito sa park kung saan ako unang napangiti ni Genie ng Genuine.

“Tol, hirap magmahal noh? Nakakpagod.”

Napalingon ako sa kanya. Tch. Hindi ko kailangan ng kausao ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinundan dito. Pero kung anu man ang dahilan niyang yun, gusto ko sana mapag isa muna.

“Pare, pero wag ka sanang susuko. Ganyan talaga ang pag-ibig. Minsan sinasagad lahat ng pasensiya mo hanggang sa malapit ka nang sumuko. “

Umupo si Jicks sa tabi ko at inakbayan ako.Naisip ko tuloy na sobrang loner ko palang tao. Ang barkada ko alng eh yung mga kabanda ko at si Jicks dahil sa Performing Arts Club namin.

“Tol naman eh, Im not up with some Bromance, wag mo naman ako akbayan ng ganyan..” bigla nalang ako nagbiro. Ang seryoso kasi eh. Naiilang ako kay Jicks.

“Lul, adik lang tol ah! Haha” tapos sinuntok niya ako ng mahina sa braso.

“Woah. Am I missing something here mga anak?”

Lumingon ako sa lalaking dumating sa may gilid ko na nagsalita at nakita kong nakatayo..

Ang tatay ni Genie...

A/N: Woah! Part1 muna guys ah! Too Much drama yung update ngayon. I hope you guys will like it! Thanks sa support at Vote kayo at Comment ah! Love Much mga siz and Bro’s! Yung Cover page pala ay ginawa ni iammissred. Maraming maraming salamat!! Gustong gusto siya ni Genie kasi may touch of Violet! Wahaha

Add niyo kame:

Genie: http://www.facebook.com/genieconcepcion

Marco: http://www.facebook.com/akosireccanigenie

Me: http://www.facebook.com/katorina.stories

Continue Reading