Marco’s POV
“na pprotektahan kita simula ngayong araw na ito...”
*pakkkkk*
“Anung tingin mo sa akin Marco? Panakip butas? Ayaw sayo ng Mhai mo? Tapos dun ka sa Mhai na alam mong may gusto sayo?”
Aray ko po. Ganito pala ang feeling ng masampal ng isang babae. ARAY talaga.
Cguro, nagsisisigaw sigaw yung mga duwende sa paligid namin ng Sample! Sample!! Sample!!!
Pero ang narinig ni Genie ay Sampal! Sampal!! Sampal!!!
Nyahaha! Waley! Pero ansakit talaga, pakshet.
Pero mas masakit yung nakikita ko siyang umiiyak ngayon. At walang ibang dahilan kundi...
Ako.
Bakit kasi hindi ko mapigilan sarili ko eh. Taking Advantage ata ang tawag dito.
Nakita kong palabas na si Genie ng Liang’s. Kailangan ko siyang habulin buti nalang agad kong nahawakan ko yung braso niya.
“Genie, wait...”
“Please Marco... Please don’t play with someone’s heart...”
Tapos hinawi niya yung kamay niya at umalis na ng tuluyan.
Nakita ko kung paano siya kanina mag break down nung sinasabi niya sa akin na siya si Mhai. Nagulat ako nung una at dahil sa expresion nia, nakita ko kung gaano siya ka sincere at kung gaano niya pinapahalagahan yung taong naging mahalaga sa buhay niya.
Nakakainggit ung tinatawag niyang Ex. May ganung babae pala. Hindi mo aakalaing ang tahimik at walang reaction na si Genie eh,magiging ganun ka bold when it comes to her feelings sa true love nia.
Lahat ng nangyari ngayong araw na ito, una kong naranasan. Una kong naranasan at kasama ko si Genie.
Si Genie actually ang pinaka unang kakaibang nangyari sa buhay ko.
Si Genie ang unang nakasampal sa akin.
Si Genie ang unang...
*DUG. DUG. DUG.*
Aw d ko maexplain tong lakas ng pintig ng dibdib ko.
Alam niyo ba yung nafefeel ko kay Genie nung nasa Liang’s ako nun tas biglang dumating si Genie tapos kumanta kameng dalawa ng IRIS?
Yun ang pinakamagandang blending ng boses na narinig ko sa buong buhay ko, yung parang gusto pang tumugtog ng mga strings ng gitara ko para lang magpatuloy yung 2 boses na un na kala mo eh hindi mapag hiwalay sa sobrang bagay nila mag duet.
Ngunit habang kumakanta kame...
*DUG.DUG.DUG*
Hindi ako stranger sa feeling na ito.
Naramdaman ko toh kay Mhai dati.
Naramdaman ko rin ito sa Liang’s nung una kong makita si Genie na kumakanta nung araw na hindi kame nakatugtog sa Liang’s.
Late kame nun. Yun ang storya.
Ngunit tunay na dahilan eh, wala talaga akong balak tumugtog nun dahil bukod si Rick na drummer namen eh nambababae, e sinundan ko si Mhai nun kasi may mga lalaking sumusunod sa kanya nun. Nung nakapasok siya ng safe sa bahay nila ay agad na akong umalis at dumaan saglit sa Liang’s.
Doon ko unang narinig ang mala-anghel na boses ni Genie.
*dug.dug.dug*
Mahina lang un, pero kakaiba.
YOU ARE READING
Strings Attached
RomanceGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
